Beranda / Romance / She Leaves / She Leaves 9: 4 Months Before The Engagement

Share

She Leaves 9: 4 Months Before The Engagement

Penulis: doravella
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

Nakauwi ako nang matiwasay sa gabing iyon. Wala na rin akong narinig na issue tungkol sa nangyaring paghigit sa akin ni Sonny. Hindi ko na rin masiyadong inisip.

Pero isang buwan na ang nakalilipas, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang halik niya. Punyemas naman!

I've kissed guys before, way hotter than that, way intense than that. Smack nga lang 'yong ginawa niya pero punyemas naman! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan.

Siguro dahil na-guilty ako sa hindi ko malamang dahilan. Bakit nga ba ako nagi-guilty? Dahil ba isa siyang Lizares at ayaw ko sa kanila o dahil sa may nakakita sa aming dalawa? At sa lahat ng puwedeng makakita, bakit siya pa?

I shake my head and stare at the ceiling of my room. Ilang minuto rin akong nakipagtitigan sa kisame. Umaga pa lang pero feeling ko ubos na ang energy ko.

Mamayang gabi, makikilala ko na ang pamilyang pinili ng mga magulang ko para sa akin, para sa kompanya, para maging partner.

Prior to this, inabisohan na ako nina Mama na ipapakilala na nila sa akin ang magiging asawa ko. Hindi ako maka-angal kasi nga I gave them my word: I will let them choose whoever the punyemas my husband will be.

Wala akong idea kung sino siya kasi sabi sa akin nina Mama at Papa na marami raw families ang gustong makipag-partner sa negosyo namin and they're willing to get married to me. Abala kasi ako sa project study kaya wala akong naging oras para malaman kung sinu-sinong pamilya 'yon. Wala rin naman akong pakialam.

Habang nagmumuni-muni, biglang nag-vibrate nang sobrang bongga ang phone ko.

Tamad kong nilingon iyon at sinagot without looking at the caller's name.

"Anong atin?"

"Bruha!"

Punyemas.

Agad kong inilayo ang phone sa tenga ko dahil sa tinis ng tili ng kabilang linya. Nagkaroon din ako ng pagkakataon na makita ang caller's name.

Nicolane Grace B. Yanson.

"Lalagutan kita ng hininga 'pag hindi ka titigil," banta ko sa kaniya at mabuti'y sinunod naman agad. "Anong sadya mo?" Dagdag ko.

"Totoo ba 'tong nabasa ko sa local news ng Escalante?"

"Na ano?"

"Na-"

Biglang nag-beep ang phone ko kaya naputol ang sinabi ni Nicole. I checked my phone and someone's is calling from the other line.

"Nic, someone's calling. Baka importante, I'll call you later."

Ang beep na iyon ay nagpapahiwatig na merong tumatawag pa sa akin.

"Ay? Sige. Chikaness tayo later after ng dinner mo with fam, ha? Sa Old House!" At siya na mismo ang nagbaba ng tawag.

Agad din namang nag-appear ang next caller.

At halos mapa-irap ako nang makita ang pangalan.

Engr. Edison Thomas L. Lizares.

Napa-iling na lang ako bago in-accept ang call.

"Where are you?" Agad na bungad niya.

I almost mimic a sound of raspberry when I heard his voice.

"House. Why?"

"Good. Stay there."

"Wh-"

At boom! Binabaan na ako ng engkanto.

"Wow, ang galing! Tumawag lang para itanong kung nasaan ako tapos ang lakas pa ng loob na babaan ako? Punyemas mo, Lizares!" Wala sa sariling sinabi ko habang kinakausap ang phone.

Sumasakit ang ulo ko sa engkantong ito. Simula ng gabing iyon, maya't-maya na siyang tumatawag. Katulad nang ginawa niya kanina, isang panandaliang conversation lang ang ginagawa niya. 'Yong tipong magtatanong lang kung nasaan ako, kung anong ginagawa ko, kung sinong kasama ko, kung busy ba ako, mga ganoon lang tapos bababaan na ako at ang susunod na tawag niya ay sa susunod na araw pa. Ang galing mambitin sa ere!

Parang nasasanay na nga ako.

Bumangon ako at hinagis sa kung saan ang phone ko. Sinuklay ko ang buhok ko at tumayo na. Nagugutom ako kahit kakakain ko pa lang ng agahan. Punyemas na tiyan to, oo.

Lumabas ako ng kuwarto at agad bumaba sa hagdan.

Nakakatatlong hakbang pa lang ako ay halos magpadaosdos na ako dahil sa gulat.

Punyemas?

Anong ginagawa nila rito?

Punyemas talaga?

Halos lumuwa ang mata ko dahil sa gulat pero agad ko ring binawi nang maalalang nagtatampo nga pala ako sa kanila.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakikipag-usap sa kanila. Ngayong nandito na ulit sila, hindi ko na alam. Hindi ko napaghandaan ang araw na ito kasi naitatak ko na sa isipan ko na hindi na sila babalik, na habangbuhay na silang titira sa ibang bansa kasama ang mga pamilyang nabuo nila.

Kahit matagal na panahon ng humupa ang kahihiyan sa aming pamilya, para sa akin, habangbuhay itong mananatili sa isipan ko.

"MJ..."

"Bunso..."

Nahihimigan ko sa kanilang boses ang kasiyahan na makita ako ulit. Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan.

"Anak, nandito na ang mga kapatid mo," natutuwang sabi ni Mama.

Nang tuluyang nasa harapan na ako nila, bumuga ako nang napakalalim na hininga at nginitian si Mama.

"Nakauwi na pala kayo," matigas na sabi ko.

Nag-crossed arms ako at bahagyang binasa ang labi tapos ay inabala ang sarili sa pag-aayos ng kagugupit ko lang na bangs.

"Mommy... is that Tita MJ?" anang boses ng isang bata.

Agad akong napatingin sa tabi ni Ate at nakapulupot nga sa may binti niya ang isang batang babae na nakasuot ng isang napakagandang dress. Ang puti-puti niya tapos namumula ang mga pisnge niya. Katulad ko, may bangs din siya. Katulad na katulad talaga sa akin.

"Yes, Jordym, she is your Tita MJ," sagot ni Papa.

Sunod-sunod ang naging paglunok ko nang lumapit si Papa at ni-level-an pa ang height no'ng cute na bata.

"Look, Lolo, we have the same bangs," naaaliwa na sabi niya.

Teka, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para akong naging statue bigla.

Anak siya ni Ate Tonette?

Papa chuckled. Dahil doon, humupa sandali ang tension.

"Little sis..." Napalipat ang tingin ko kay Ate. "This is Jordiana, my first born, and Kansas, my second child. Mga pamangkin mo, MJ."

Una niyang itinuro ang batang babae na nakita ko na kanina na ngayo'y nakahawak na sa kamay ni Papa. Ang sunod niyang itinuro ang isang baby na hawak-hawak ng asawa niyang si Ulysses Alejandro, ang lalaking pinili niya over Decart Lizares. Ironic.

I just stared at the children.

Hindi maipagkakaila, mga Osmeña nga ang mga batang ito.

"MJ, kumusta ka na?" At ngayon, ang Kuya ko naman ang pinasadahan ko ng tingin. "Ito nga pala si Falcon, MJ."

Bumaba ulit ang tingin ko sa may binti ni Kuya dahil nandoon ang isa pang batang hindi ko napansin kanina. Lalaki siya at mukhang mahiyain. Sa tantiya ko, kasing edad lang sila ni Jordyn.

"At ang second baby namin ay nasa tiyan pa ng Ate Isabel mo," dagdag na sabi ni Kuya.

Ate... wow! Hindi ko nga kilala 'yan tapos tatawagin kong Ate? Ang suwerte naman niya kung ganoon?

Bumuntonghininga ulit ako.

"Okay," pilit akong ngumiti at tiningnan si Mama. "Why are they here, Ma?" ingrata kong tanong.

"MJ!" Gulat na sabi ni Mama.

"Mija, 'wag sa harap ng mga bata," may pagbabantang sabi ni Papa.

Bumuntonghininga ulit ako. Pang-ilang beses na ba ito?

Tiningnan ko ang dalawa kong kapatid.

"Mag-usap tayong tatlo, sa third floor," sabi ko at ako na ang unang naglakad papunta sa veranda, sa third floor.

Binilisan ko ang bawat hakbang ko. Pagkarating ko sa itaas ay agad akong lumapit sa may balkonahe at mahigpit na hinawakan ang barandilya. Inilabas ko ang lahat ng inis ko sa katawan!

Masakit sa loob ko. Lahat ng naramdaman kong disappointment noong araw na umalis sila, bumalik bigla. Lahat ng sakit na ipinaramdam nila, nanumbalik na animo'y kahapon lang nangyari.

Mariin kong ipinikit ang mata ko nang marinig ang yabag ng mga yapak na paparating.

Sobrang ganda ng tanawin ngayon sa hacienda, naglalaguang dahon ng tubo, naglalakihang kahoy, at ang bundok ng Lunay ay kitang-kita ko, pero hindi ko magawang i-appreciate ang lahat ng ito dahil sa nakabara sa puso ko. My heart is literally congested.

"MJ..." Boses ni Kuya Yosef ang una kong narinig.

"MJ, I'm sorry... we're sorry," na sinundan ng kalmadong boses ni Ate.

Binuksan ko ang aking mata pero nasa puso ko pa rin ang inis. Sa sobrang pagka-inis, hinampas ko ang barandilyang kanina'y hawak ko nang mahigpit.

"Matapos ang lahat? Babalik kayo para sabihin sa aking sorry?" Sigaw ko at dahan-dahan silang nilingon.

"MJ..."  Bulalas ni Kuya trying to calm me down.

"Sa tingin n'yo ba mabubura ng sorry ang lahat ng ginawa niyo sa pamilya natin? Sa tingin niyo ba maaayos ng sorry ang kahihiyang nagawa n'yo noon? Sa tingin n'yo ba sa isang iglap lang mapapatawad ko ang ginawa niyong pag-iwan sa pamilya natin sa ere nang dahil lang sa lecheng pagmamahal n'yo?"

Hindi ko na napigilan ang lahat ng inis ko. Wala na akong pakialam kung magsilabasan man lahat ng litid ko sa ulo. Basta ang gusto ko, mailabas lahat!

"MJ! Will you please listen to us first?" Sinigawan din ako ni Kuya. Si Ate naman ay nasa isang tabi lang at halatang pinipigilan ang sariling humikbi.

"Ako muna! Ako muna ang pagpasalitain n'yo!" Sigaw ko. "Limang taon, Kuya! Limang taon kang nawala! Limang taon kang walang paramdam sa akin! Ni hi, ni ho, wala!" Ipinakita ko pa sa kaniya ang kamay ko para malaman niya kung ilang taon siyang nawala. "At ikaw naman, Ate! Anong eksplenasyon mo sa bigla mong pagkawala? Dahil ba may gusto si Ate Ada kay Decart Lizares kaya tatakbuhan mo ang kasal mo sa kaniya? Bakit kailangang takbuhan mo pa sa mismong araw ng kasal mo? Para ano?" Humugot ako ng malalim na hininga. "Para ipamukha sa mga magulang natin na mali ang ginawa nilang ipagkasundo kayo sa iba? Ha? Ganoon ba ang mga rason n'yo?"

Kahit anong gawin ko, tutulo at tutulo talaga ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.

"Hindi n'yo man lang inisip kung anong mararamdaman ng bunsong kapatid n'yo sa ginawa n'yo? Hindi, 'di ba? Kasi hindi kayo aalis kung inisip n'yo ako. Hindi n'yo uunahin ang pansariling kaligayahan kung inisip n'yo ako!" Humihikbing sabi ko. Sinubukan pang lumapit ni Ate pero pinigilan ko na. "Inis na inis ako dahil sa mga ginawa n'yo! Inis na inis! Sa sobrang inis, hindi na ako umaasang uuwi kayo at maaalala n'yo pa ako! Leche. Punyemas na buhay 'to!" Marahas kong pinunasana ang mga luha kong sunod-sunod na nagsibagsakan.

Tumalikod ako para ipagpatuloy ang ginagawang pagpalis ng luha.

"At ikaw, Ate?" Humarap ako at dinuro siya. "Alam mo. Alam na alam mo kung anong pinagdaanan natin no'ng biglang iniwan tayo ni Kuya. Alam na alam mo! Pero anong ginawa mo? Inulit mo pa! Ang mas malala, sa mismong araw pa ng kasal mo!" Ipinikit ko ang mata ko para hindi makita ang paghikbi ni Ate.

'Wag kang bibigay, MJ. 'Wag kang maaawa. 'Wag kang magpapatawad. Masakit ang ginawa nila sa'yo, sa pamilya n'yo.

Sunod-sunod ang naging paghinga ko, hinahabol ang hangin na biglang nawala sa akin dahil sa inalabas ko sa isang bagsakan ang lahat ng gusto kong sabihin, ang mga salitang matagal ko nang inipon sa sarili kong baul.

Napasandal ako sa barandilya at patuloy na pumikit. Natatakot na baka bumagsak na naman ang mga luha ko.

Ilang minuto kaming natahimik. Nangibabaw sa amin ang halinghing ng hangin, ang hikbi ni Ate, ang tunog ng mga dahong nasa puno na nagpapatianod sa direksyon ng pang-umagang hangin.

"Simula pa lang, labag na sa kalooban ko ang pagpapakasal kay Charmaine."

Mas mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang magsalita na nga si Kuya.

"Bata pa lang tayo, palagi nang ipinapaalala sa atin ni Papa ang tungkol sa plano nilang arrange marriage sa mga taong makakatulong sa negosyo." Dahan-dahan kong ibinuka ang mata ko at nagtuloy-tuloy ulit ang pagbagsak ng mga luha. Hinayaan kong magsalita si Kuya. It's time to hear his side. "At bata pa lang ako, mariin ko ring pinapaalala sa kanila na labag ang loob ko sa plano nila. Gusto kong magrebelde, gusto kong suwayin lahat ng gusto nila but instead of doing those, nagpakabait ako.

"Mas pinili kong sundin ang pamilya sa pamamagitan ng pagiging isang responsableng anak. Nag-aral nang mabuti, baka sakaling mapalago ko ang kompanya nang walang tulong ng ibang tao at nang sa gano'n, hindi na kailangan ng arrange marriage para sa negosyo."

Napatulala ako sa isang tanim na nandito sa veranda malapit sa pinto.

"Pero kahit anong gawin kong pagpapakabuti, ang gusto pa rin nina Mama at Papa ang nasusunod. Hinayaan ko sila sa pagpapakilala sa akin sa iba't-ibang klaseng pamilya, MJ, God knows how many family were introduced to me. Hinayaan ko rin sila sa lahat, baka sakaling mahulog ang loob ko sa kung sino man ang mapili nila.

"Pero kahit anong gawin ko, hindi talaga, wala talaga akong maramdaman sa kaniya. Kahit ganito ako, MJ, kahit na maloko ako, naniniwala pa rin ako sa pag-ibig. At imposible ang isang kasal kung walang pag-ibig, imposibleng-imposible. That's why I ran away. And I am sorry if I left the family, if I left you without concrete explanation. Naduwag ako. Naduwag akong harapin ang isang responsibilidad na hindi ko kayang panghawakan. Running away was my last resort if I can't convince Mama and Papa to stop the marriage. And I did run away."

Huminga akong malalim at buong loob na tiningnan si Kuya. Seryoso ang kaniyang mga mata kaya ako na mismo ang nag-iwas ng tingin kasi hindi ko malabanan ang kaseryosohan ng mga mata niya.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Ate nang ilang minutong natahimik si Kuya. Siguro tapos na sa gustong sabihin.

"Ikaw, anong rason mo?" Baling ko kay Ate.

Kalmado na siya ngayon pero namumula ang tungki ng ilong at ang pisnge niya.

"Little sis... tama ang sinabi mo, umalis ako kasi may gusto si Ada kay Decart. Remember the cousin code?"

Mapakla akong natawa sa sinabi niya. Yeah, the cousin punyemas code.

Hindi ako sumagot at tiningnan lang siya kaya bumuntonghininga muna siya saka nagpatuloy.

"Before that happened, meron kaming silent war ni Ada dahil kay Decart. Nalaman ni Ada na kay Decart ako ipapakasal ng parents natin. Nagalit siya sa akin, isang palihim na away kaya hindi niyo alam. Itinago rin namin alang-alang sa pamilya."

What?!

Gulat akong napatingin kay Ate dahil sa sinabi niya.

Nag-away sila ni Ate Ada dahil lang sa isang lalaki? What the shit?

"Nagkagusto rin ako kay Decart. Mas mabigat nga lang ang nararamdaman ni Ada kay Decart and besides, I have Uly that time kaya nagawa kong balewalain ang maliit kong nararamdaman kay Decart."

What? Bakit ang sinabi rati, never siyang nagkagusto kay Decart? Ano ba?

"That's why they pursue the wedding dahil sa akin, dahil sa kagustohan ko. Ayoko na kasing ipahiya ang pamilya natin, katulad nang ginawa ni Kuya. Handa na ako, that time, MJ, kahit na ang kapalit nang lahat ng iyon ay ang pagkakagalit namin ni Ada, ang pagkakahiwalay namin ni Uly, ang pagkakakulong ko sa isang relasyong hindi ko naman ginusto. Handa na ako kasi baka kalaunan, lumalim ang mararamdaman ko kay Decart."

Unti-unting inangat ni Ate ang tingin niya sa akin at agad nagsibagsakan ang mga luha niya. She didn't even bother to wipe them away. Lumapit din si Kuya sa kaniya para aluin.

"Pero no'ng araw na 'yon... nalaman kong buntis ako at si Uly ang ama."

What?

"Habang nasa simbahan kayo, kinausap ko si Ada. Sinabi ko sa kaniya ang lahat at pinaubaya ko sa kaniya ang lahat kasi kailangan kong habulin ang ama ng anak ko. Kailangan kong puntahan si Uly na paalis na ng bansa ng mga araw na 'yon. Pero bigo ako, hindi ko nasundan si Uly. Kaya naisipan kong si Kuya ang puntahan," sinulyapan pa niya si Kuya bago nagpatuloy. "I stayed with him for a month and until Uly found out my pregnancy."

Umiwas ako ng tingin at pinilit i-proseso ang lahat ng nalaman.

"Months after Tonette's disappearance in the Philippines, nalaman nina Mama at Papa kung nasaan kami at agad kaming pinuntahan. Matagal na kaming nagkausap nina Mama at Papa at matagal na rin nila kaming napatawad," panimula ni Kuya. "That same year, after Uly found out about Tonette's condition and situation, nagpakasal silang dalawa and I also met Isabel there. Both Mama and Papa were there."

I know this part. Pumuntang ibang bansa sina Mama at Papa tapos pag-uwi, saka lang nila sinabi na ikinasal na ang dalawa kong kapatid. I wasn't entirely interested at that time kasi napapangunahan ako ng galit at inis. Inaya pa nila ako na sumama sa kanila pero ayoko, hindi ako handa.

"We were expecting you to come, MJ, but you didn't," ani Ate.

"I was busy and I waited you both to be the bearer of that news. Hindi 'yong niri-relay lang sa mga magulang natin," umayos ako sa pagkakatayo. "Thank you for sharing your reasons but I can't forgive you that easily and right away. Please give me ample time to process it all," casual na dagdag ko saka ko sila iniwan do'n.

~

"Ang sakit sa ulo!" Iritadong sabi ko habang nakaharap sa malaking salamin sa kuwarto ko.

Kanina pa ako binabagabag ng pag-uusap namin kanina ng mga kapatid ko. Pero gaya nga ng sinabi ko, kailangan ko ng panahon para i-proseso lahat. Kasi hindi ko kaya 'yon ng isang bagsakan lalo na't ilang taon ko ring hinintay ang mga explanation nila.

Hindi ako nakinig sa mga magulang namin sa tuwing susubukan nilang pag-usapan ang dalawa, maski sa mga pinsan ko, I always cut them off kasi ayokong makarinig nang tungkol sa kanila. Gusto kong sa kanila ko mismo malaman ang lahat, hindi sa ibang tao.

Ngayong nandito na sila, nahihirapan naman akong i-proseso lahat.

Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa malaking salamin. Nakasuot ako ng skinny mid waist denim jeans, basic boxy tee for my inner shirt at pinatungan ko ng boyfriend blazer.

For my shoes... well, when in doubt, wear sneakers.

Ayokong isipin ng magiging partner ko na masiyado kong pinaghandaan ang gabing makikilala ko siya at ang pamilya niya. I just want to be casual.

Nag-light make up lang ako and I ponytailed my waist length hair tapos hinayaan ko ang mumunti kong bangs na bumagsak sa noo ko.

"Okay, I'm off to go," nakangiting sabi ko bago nag one last look sa salamin.

Kinuha ko ang maliit na sling bag ko at saka naglakad na palabas ng kuwarto. Habang palabas. ch-in-eck ko ang phone to leave a message to my friends na kanina pang maingay sa group chat.

I don't do social medias but I have an inbox for messages only. Okay?

Mga Bruhang Propesyonal GC.

Lorene:

Bruha, MJ, anong balita sa dinner?

Lory:

Yeah, girl! Ano naaaaa!

Jessa:

Tahimik naman. Ayaw lang chumika, e.

Ako:

I'll tell you all right after. Kitakits sa Old House mamaya.

'Yon lang ang iniwan kong mensahe at hindi na nag-back read. Itinago ko na rin ang phone sa bitbit kong sling bag at patakbong bumaba ng hagdan.

Nauna na sa restaurant ang pamilya ko at sinadya ko talagang magpahuli. Wala lang, para maiba.

Hindi na ako nagpahatid kay Manong Bong. Ako na mismo ang nag-drive ng Explorer ko. Nasa malapit lang din naman kami magdi-dinner kaya why not coconut.

P-in-ark ko ang kotse sa gitna ng Range Rover at ng D-Max.

Okay, sandali lang, parang pamilyar ang D-Max na 'to, a?

Iwinaglit ko na lang 'yong naiisip ko at naglakad na papasok sa resto na sinabi nina Mama.

The restaurant's staff guided me to a private room that my parents booked for this private dinner.

"Oh, here comes my anak!"

Pagkapasok ko pa lang, boses agad ni Mama ang narinig ko kaya sa kaniya natoon ang buong atensiyon ko, agad din akong lumapit at nakipag-beso.

"Hi, Ma, Pa," bati ko sa kanila.

Pinasadahan ko lang ng tingin sa mga kapatid ko. I didn't even smile.

Matapos ang pamilya ko, ang nasa kabilang bahagi ng long table naman natoon ang tingin ko.

Punyemas?

Halos umatras ang kaluluwa ko nang makita ko ang nakangising mukha ng engkanto.

Anong ginagawa niya rito?

Hindi pa man nakaka-recover sa pagkakakita sa mukha niya, mas lalo pa yatang hindi makaka-recover ang pagkagulantang ko nang makita na ang mga kasamahan niya.

Oh punyemas... don't punyemas tell me... Oh shit!

"G-Good evening, Tita Felicity, Tito Gabriel," nanginginig pa ang boses ko at hindi ko mapigilan dahil sa kabang naramdaman ko.

Gusto kong magkamali ulit. Gustong-gusto ko. Gusto kong isipin na mali ako at hindi sila ang pamilya na tinutukoy nila. Gusto kong isipin na baka nandito lang sila for moral support.

Oo! Tama! Nandito sila para makahingi kami ng tawad sa ginawa ng pamilya ko sa pamilya nila kasi nandito si Ate. Oo, tama!

Pero punyemas!

Nagawa ko pang mag-mano sa matriarch at patriarch nila kahit na ramdam na ramdam ko sa kalamnan ko ang panlalamig. Kinakabahan ako at hindi ko talaga nagugustohan ang lahat ng ito. Sana tama ang naiisip ko, na nandito lang sila para moral support.

Punyemas, moral support talaga, MJ? E, bukod sa pamilya ko, wala ng ibang pamilyang nandito kundi sila lang kaya anong moral support?!

Marami akong kamalian sa buhay at sana itong maling iniisip ko ay maging tama naman. Kahit ngayon lang. Mag-aalay talaga ako ng sampung baka 'pag nangyari 'yon.

"Sit down now, mija."

Wala sa sarili akong napatingin kay Papa nang marinig ko ang boses niya.

Sunod-sunod na pagtango naman ang ginawa ko at agad pinuntahan ang bakanteng bangko na kung mamalasin ka nga naman, nasa tapat pa niya.

Déjà vu. Nangyari na ito rati. Sa pagkakaalala ko, kay Ate 'yon. Ngayon, ako naman. Déjà vu nga.

"Before we discuss everything, shall we eat first?" Buong-buo ang boses ng patriarch nila.

Agad s-in-erve ng mga waiter at waitress ang main course. Walang appetizer-appetizer, sa tagal ko ba namang dumating paniguradong nakapag-appetizer na sila.

Malakas ang loob ko sa kahit anong bagay. Malakas na malakas kasi pinalaki akong malakas. Ngayon... para akong tuta na nabasa na nga ng ulan, pinagalitan pa ng amo. Hindi ko magawang i-angat ang tingin ko para tingnan sila isa't-isa. Nanghihina ako.

Parang kinain ko lahat ng sinabi ko. The Lizares are untouchables and will always be untouchables... pero bakit ganito?

Okay... isipin nating tanggap ko na sila na talaga, pero sino sa kanila?

Is it Decart... again? Imposible, masiyadong matanda si Decart sa akin at malaki ang agwat ng edad ko sa kaniya at siguro naman hindi na papayag sina Mama na ganoon nga? At saka, not again bro. Kay Ate na 'yan dati, e, tapos ipapasa sa akin? Sobrang imposible.

Si Konsehal Einny? Sobrang imposible rin. Kasal na 'to, e, atsaka nakita kong katabi niya ang asawa niya. Ano ba kayo.

Si Tonton kaya? Hmmm... wala siya rito. Balita sa akin ng mga kaibigan ko, nasa Japan daw, binubuo ang pangarap. Siya raw kasi ang artistic sa kanilang magkakapatid at bali-balita na may asawa na raw 'yon doon.

Si Siggy? Si DJ Siggy? Imposible rin. Masiyadong carefree ang isang 'to para pumayag na itali lang nang basta-basta. Siya 'yong tipo ng tao na mausunod ang gusto kahit na anong mangyari. Parang si Kuya Yosef. At bali-balita rin na may girlfriend na, isang artista.

So the remaining are Engr. Sonny and the Businessman Darry.

Darry Lizares the businessman is obviously cross out from the list, may jowa, e, papalag ka? Lalaban pa ba? Edi, siyempre hindi.

Engr. Sonny. Oh punyemas. 'Wag, ayoko, no, please!

Pero punyemas! Sa lahat ng Lizares brothers, siya lang ang single na puwedeng ipakasal sa akin. Nakakapunyemas naman, oo. Napakagandang pagkakataon naman pala nito? Don't forget the sarcasm.

Kaya ba nagpaparamdam siya sa akin? Kasi alam niya? Alam niyang siya?

Wowowin, Sonny! May tama ka na namang punyemas ka!

Tahimik akong kumain. Halos hindi ko na nga maigalaw ang pagkain ko dahil sa mga words na pinagsasabi ko dati na ngayo'y kinakain ko na.

Akala ko ba tanggap ko na? Bakit parang gusto kong umatras?

Punyemas, ang pinanghahawakan ko na lang ngayon ay ang thought na hindi pa naman kumpirmado na sila talaga. May katiting pa akong pag-asa na namali lang sina Mama at hindi pala sila.

Nagsimulang umingay ang table namin. Nag-uusap na ang mga matatanda, at ang pinag-uusapan nila ay ang dalawang apo nina Mama na kasama namin ngayon, ang pangatlong apo ay iniwan sa bahay kasi masiyado pang baby.

Aliw na aliw sila sa spokening dollar na mga anak nina Kuya at Ate.

Psh.

Ang mga Lizares naman ay ipinagmalaki ang anak ni Konsehal Einny na hindi naman nakasama kasi pina-iwan din sa bahay, so, nag-chika naman si Mama tungkol kay Kansas na naiwan din sa bahay. Ah, paulit-ulit.

Nang kunin na ng waitress ang pinggan ko para palitan ng dessert, agad kong kinuha ang phone ko to busy myself. Gusto kong magtipa ng mensahe sa mga kaibigan ko. Gusto kong tawagan sila at sabihing magkita na kami sa Old House.

Ang dami kong gusto pero hindi ko gusto ang nangyayari ngayon.

Maski ang magtipa ng mensahe ay hindi ko magawa kaya isinantabi ko ang phone ko. Gagalawin ko na sana ang tinidor ng dessert ko nang magsalita si Papa.

"Bago nating pag-usapan ang mismong arrangement, should we first consider the wedding of my niece, Ada, and your son, Decart by the end of this month?"

Wait, what?

Wedding of my neice, Ada, and your son, Decart by the end of this month...

Hoy, unsa imong ingon, Papa?

Marahas akong napalingon sa direksyon ni Papa at Mama pero imbes na sila ang makita, ang mga kapatid ko ang nakita kong nakatingin sa akin.

Hindi ko na sana papansin pero nag-lean forward si Ate sa akin kaya inis ko siyang nilingon.

"Ba't nagulat ka? Hindi mo ba alam?" Nagtatakang tanong niya na mas lalong nadagdag sa pagkalito ko.

Umiwas ako ng tingin kay Ate at umiling.

So, ibig sabihin, alam nila? Teka, ano ba! Ganoon ba talaga ako ka-busy sa engineering life ko at hindi ko na alam kung anong nangyayari sa pamilya ko? Oo, aminado ako na minsan ko na lang talaga makita ang mga pinsan ko, pero aabot talaga sa ganito na pati 'yong basic news ay hindi ko alam?

Pero, punyemas? Seryoso? Ikakasal ang dalawa? E, bakit kailangan pang sila ang maging partner ko kung ikakasal na pala ang isang Osmeña sa isang Lizares? Naglolokohan ba kami rito?

"Ada and Decart's wedding will not be a burden since ngayong taon naman gaganapin 'yon," full of grace and confidence na sabi ni Donya Felicity.

"Tita Felicity is right, Pa, hindi naman magiging sukob kung gagawin ang kasal next year," sagot ni Ate.

Teka, sandali, ulit. Okay na sila? Are they cool with each other? Ba't parang ang normal makipag-usap nitong si Ate sa Ina ng kaniyang iniwan dati? Na animo'y walang nangyari sa nakaraan?

"Everything is ready na ba sa kasal n'yo ni Ada, Decart?" May ngiti sa labing sabi ni Papa.

Ano ba 'tong nangyayari? Parte pa ba ako ng pamilyang ito? Ba't ang dami kong hindi alam!

"Yes, Tito Rest, everything is fully furnished."

Pinasadahan ko ng tingin si Decart Lizares at ganoon na lang ang naging ngiti niya nang sabihin 'yon. Tila ba excited talaga siya.

So, mahal na nga niya si Ate Ada?

"Teka po, sandali lang po... ikakasal na po si Ate Ada? At sa kaniya po ipapakasal?" At hindi ko na nga napigilan ang bibig ko sa pagtatanong. Kanina pa ako walang alam, e, dehado ko rito.

Katahimikan. 'Yan ang namutawi sa aming lamesa. Nakakarinig na nga ako ng kuliglig sa sobrang tahimik. Pati paghinga namin ay parang hindi naibubuga. Nakatingin silang lahat sa akin pero nanatiling kina Mama ang tingin ko.

"Yes, anak. We already told you," ani Mama.

Sinabi sa'kin?

"She wasn't there nang mamanhikan kami kay Tito Perling at Tita Virginia, kaya po siguro hindi niya alam," sabi ni Decart Lizares.

"Baka alam mo pero nakalimutan mo lang?" ani Kuya.

"Ay, oo nga pala, sinabi namin sa'yo, mija, pero masiyado kang busy at baka nakalimutan mo," ani Papa.

Unti-unti akong naliwanagan. Kaya wala na akong masiyadong balita sa mga nangyayari sa buhay ng mga pinsan ko dahil bukod sa malalaki na kami, may kaniya-kaniya ng buhay, at minsan lang magkita, ay abalang-abala talaga ako sa last year ko sa college.

"She was busy at that time, preparing for her finals kaya nawala siguro sa isipan niya ikakasal na ang pinsan niya kay Kuya."

Oh, punyemas!

Halos ma-i-slide ako sa pagkakaupo nang biglang bumuka ang bibig nitong engkanto.

Bakit ba ang talas ng bibig mong engkanto ka? At ano 'yong sinabi niya? Bakit alam niya ang tungkol doon?

"Ah, ganoon naman pala," komento ni Don Gabriel.

"Mabuti naman at kahit papaano'y seryoso sa pag-aaral itong si MJ despite of what I heard about her being a playgirl."

Punyemas!

Halos masamid ako sa sarili kong laway nang marinig ang sinabi ni Donya Felicity. Biglang nanlamig ang buong kalamnan ko.

Wala naman talaga akong pakialam sa mga sinasabi ng iba tungkol sa pagiging playgirl ko, sa papalit-palit ko ng lalaki. Iba pa rin talaga 'pag isang matanda na ang pumuna sa ugali mong 'yon.

Para akong nahiya. Isang goddess sa katauhan ni Donya Felicity, alam ang pagiging playgirl ko. Nakakahiya pala talaga, parang gusto kong magpalamon na sa lupa, ngayon din.

"Sumasakit nga ang ulo ko sa tuwing may nababalitaan ako tungkol sa kaniyang mga paglalaro, e."

I silently snorted. Parang gusto ko ring matawa sa sinabi ni Papa. As if they were really strict of me. Sa aming tatlo, sa akin pinakamalaya ang parents namin. Atsaka mas malaya pa ako sa tuyong dahon, e, lahat ng gusto ko pinagbibigyan nila. The only thing they're strict about me is my previous chosen course and now, this kind of arrangement.

"She's just playing around, Tito, Mom. Enjoying her life and making the most of it. I do understand that 'cause that's what I'm doing too," ani Sonny na pa-simple kong inirapan.

Pakialam ko sa ginagawa mo? Psh.

"But no offense, hija. I know you're just enjoying your life and living the best of it but I am still expecting you that once you and Thomas will get married, you're going to be serious with your life.

Ha? Ano 'yon? Paki-ulit nga po, Donya Felicity? Ano po 'yong sinabi n'yo?

Once you and Thomas will get married, you're going to be serious with your life.

You and Thomas will get married.

You and Thomas.

Thomas. Edison Thomas. Sonny.

Haaaaaaaa?

"So, pag-usapan na natin kung kailan ang kasal?"

Makasal kayo ni Sonny.

"Ang gusto namin sana ay as early as the first quarter of next year."

Si Sonny!

"Pero it will always depend with your family. Besides, kayo ang tutulong sa amin kaya sa inyo namin ipapaubaya ang date ng kasal."

Si Engr. Sonny Lizares!

"Sorry to interupt po, but can we please let MJ graduate first?"

Si Engr. Edison Thomas Lumayno Lizares ang ipapakasal sa akin?!

"Yeah, yeah, that is the plan."

Ang engkantong iyon ang... punyemas!

"Ano po? Teka po... sino pong ipapakasal sa akin?"

Bahala kayo d'yan kung magulat man kayo sa mataas kong boses. Hindi ko na alam kung anong pinag-uusapan nila kasi nahihirapan akong i-digest ang impormasyong narinig ko.

Natigilan ang lahat. Literal. Parang tumigil ang ikot ng mundo namin sa loob ng VIP room. May dumaan pang cricket para magbigay ingay.

"Si Sonny, mija, ang pakakasalan mo sa Lizares. Hindi ko ba nasabi sa'yo?"

Gulat akong napalingon kay Papa.

May dementia na ba 'tong mga magulang ko? Hindi pa naman sila ganoon ka-tanda para makalimot, a? Kung 'yong impormasyong tungkol kay Ate Ada ay mapapalampas ko pa, ito hindi, e, kasi sigurado akong hindi nila nasabi sa'kin na Lizares ang magiging partner ko. Hindi. Never.

"No! You're supposed to tell me now who," giit ko.

"Ito na, ang mga Lizares na ang magiging partner ng kompanya natin because they need us. The partnership will only happen through marriage and Engineer Sonny will be the one for you," ani Mama sa kalmadong paraan.

Ako, hindi ko kayang kumalma. Mas lalo akong naguluhan. Punyemas na the one 'yan!

"E, 'di ba po ikakasal naman si Ate Ada kay Decart Lizares? Hindi po ba partnership na 'yon between Osmeña and Lizares?"

Ang bilis talaga ng utak ko, ang bilis makahanap ng loophole.

"Hindi ko papakasalan si Adaline dahil sa negosyo, papakasalan ko siya dahil mahal ko siya," seryosong sagot ni Decart Lizares na diretsong nakatingin sa akin.

Napaawang ang bibig ko, naubosan yata ako ng mga salita. Punyemas.

Lintik na pag-ibig na 'yan! Ang daming nasisirang pagkakataon.

"Maria Josephina Constancia, you promised us... no opposing!" May pagbabantang bulong ni Mama.

I heavily sighed at nginitian si Sonny.

"Bakit siya?"

Ay, punyemas! Mali! Mali! Hindi dapat 'yon ang sasabihin ko. Bakit ba!

Wala sa sarili akong napalingon sa katabi niya na nakatulala lang sa wine glass na nasa tapat niya. Isang panandaliang tingin lang at saka bumalik ang tingin ko kay Sonny.

"I mean, bakit ikaw? I thought you're not a fan of fixed marriage at ikaw 'yong tipong hindi papayag sa ganitong klaseng arrangement," cool na sabi ko. Trying myself to calm down kahit na sangkaterbang granada na ang sumabog sa sistema ko.

"I guess, I'm a fan of it now," nakangising sabi niya bago sumimsim sa whisky na hawak.

Pa-simple kong ibinalik sa katabi niya ang tingin ko. Ganoon pa rin siya, nakatulala at mukhang malalim ang iniisip.

Bakit hindi ikaw?

Ay tanga, MJ! Ba't disappointed ka? Siyempre, may jowa 'yong tao. Maganda pa, model pa, mukhang beauty queen pa, tapos ipagpapalit lang niya sa isang playgirl na katulad ko? Ano siya, tanga? Ikaw, MJ, ang tanga! Ba't disappointed ka?!

Sana ikaw na lang.

"So, the engagement party will happen kasabay ng graduation party ni MJ?" Pagtatama ni Don Gabriel sa unang napagkasunduan kanina.

Nang pormal nang mag-usap tungkol sa magaganap na kasal, contract signing, at engagement parry, ay may dumating na dalawang secretary. One from Osmeña and one from Lizares.

"Yes, and it's a double celebration," pumapalakpak pa na sabi ni Papa.

"Wala pa bang date kung kailan ang graduation day n'yo, hija?" tanong ni Donya Felicity.

"Wala pa po. But the pictorial for the yearbook will happen in January po," sagot ko while playing the mouth of my wine glass.

Kahit nawalan ako ng gana, hindi naman ako kasing hipokrita ng inaakala n'yo para hindi sagutin ang mga tanong sa akin.

Nagpatuloy sa pagdidiskusyon hanggang sa natapos. Doon na rin ako nagpaalam sa kanila.

"Mag-ingat kayo, ha? Send my farewell to Nicole," ani Mama habang nakikipag-beso sa akin.

Tumango lang ako sa iba pang nandoon bilang paalam.

"Thomas, ihatid mo na si MJ sa Old House."

Wow.

Nagulat ako sa sinabi ni Donya Felicity kaya natigilan ako sa pagpaalam.

"Naku, Tita, hindi na po. I have my car po, I can drive there po," agap ko.

"Ihahatid na kita, kahit sa labas lang." Matigas talaga ang bungo ng engkanto kaya nasunod pa rin ang gusto niya.

Panandalian kong sinulyapan ang puwesto niya at kitang-kita kong nakatitig siya sa akin. Masiyadong alien sa akin ang titig kaya agad kong iniwas ang tingin ko, baka may makahalata.

Umiling na lang ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad palabas ng VIP room. Nakasunod lang si Sonny sa likuran ko. Nararamdaman ko lang.

"Hindi ka ba tututol sa kasal?"

Saktong nasa parking lot na kami nang maisipan niyang magsalita.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Kumportableng-kumportable siya sa pagkakatayo habang nasa bulsa ang dalawang kamay. Medyo mahangin ngayong gabi, talking about December nights, kaya inaalon ng hangin ang iilang hibla ng buhok niya sa batok. Pati bangs ko, inaalon na rin ng hangin. Pero hindi ako nagpa-distract.

"Bakit naman ako tututol?" Saying it like 'why is he asking, is he that idiot to not notice the answer to it?' Parang ganoon.

"'Di ba ayaw mo sa'kin? Ayaw mo sa pamilya namin?" Naningkit ang kaniyang mga mata, animo'y nanunuri sa aking pagkatao.

Ngumisi ako, masking up my irritation.

"Sino namang nagsabing ayaw ko sa'yo?"

"So, gusto mo ako?"

"Hindi ko rin naman sinabing gusto kita," kibit-balikat na sagot ko. "Just accept everything, Lizares. 'Wag nang maraming tanong. Ayaw mo no'n, naaayon sa'yo ang panahon at pagkakataon?" Pa-simple kong kinuha ang susi ng kotse at nag-shift ng bigat. "Maaaring tayong dalawa nga ang ipapakasal, Sonny, pero hindi ibig sabihin no'n kailangan na nating maglapit na dalawa. Let me please process everything I knew tonight. Kasi ang hirap i-proseso ang lahat, e, masiyadong overload. At saka kahit na maglayo tayong dalawa, at the end of everything, tayong dalawa pa rin naman ang ipapakasal ng magulang natin," huling sinabi ko at naglakad na papuntang Explorer ko.

Minadali ko ang lahat pati ang pagmamaneho kaya ilang minuto lang ang nakalipas, papasok na ako sa Old House.

Balik normal ulit ito, 'yong chilling place na lang at wala nang clubbing type na setting. May bandang tumutugtog ng mellow music sa gitna at abala ang mga nandoon sa pag-uusap sa kani-kanilang table.

Iginala ko ang tingin sa paligid para hanapin ang puwesto ng mga kaibigan ko. Isang tingin pa lang, sunod-sunod na kaway na ang nakita ko sa pinakasulok ng Old House.

Naglakad ako papunta roon, at habang naglalakad, tinanggal ko naman ang suot na blazer kaya saktong pagdating ko sa table ay inihagis ko sa isang espasyo sa couch ang blazer at padarag na inagaw ang basong hawak ni Maj at diretsong itinungga ang kung ano man ang laman no'n.

Trivia about Maj and Vad: they're now certified engineers. Days after they went home, inilabas din agad ang results ng kanilang board examinations, and luckily nakapasa sila. Kahit mga gago 'tong mga anak ng pulitiko, dinaig pa mga magulang sa pagkakurakot, nakapasa pa rin sila. Somehow, nakaka-proud. Sana ako naman next year. Pray for me guys!

"Whoa! Kumakalam na naman ang atay nito, o," kantiyaw ni Lorene habang nilalagok ko ang rum.

Ah! I need tequila! The Jose Cuervo! O 'di kaya ang Heineken. I need them.

"Mukhang badtrip si soon to be Misis," kantiyaw din ni Vad.

Umiling ako at kinuha ang Zabana at diretsong ibinuhos sa basong hawak ko.

"Hoy, teka! Baso ko 'yan! Kumuha ka ng iyo."

Bago pa mahawakan ni Maj ang basong sinasalinan ko ng alak ay sinangga ko na ang kamay niya.

"Ang OA mo naman, para baso lang. Nagka-share na tayo ng laway dati, e, no'ng hinalikan kita," naiinis kong sabi habang binubuhusan pa rin ang baso.

"Oooooh! Nag-share pala ng laway, e," si Nicole.

"Ew, MJ! Nakakadiri ka!" Ani Lory.

Dahil sa mga reaksiyon ng mga kaibigan ko, nabawas-bawasan ang sama ng loob ko kahit papaano.

"Tapos ipinasa ko kay Vad ang laway mo," dugtong ko naman habang tinutungga na ang pangalawang baso ko for tonight.

"Ooooh! Pasahan pala ng laway 'to?" kantiyaw ni Nicole.

"Hala! So, si Maj ang first kiss mo sa dalawa? I mean, ang una mong nahalikan between Maj and Vad?" May halong excitement sa boses ni Paulla na mas lalo kong nginisihan.

"Si Maj ang una kong hinalikan sa kanilang dalawa. Pero hindi ibig sabihin no'n, ikaw na ang first kiss ko," sabi ko kay Maj.

"E, sino pala ang first kiss mo?" tanong ni Vad, mukhang hindi na-offend sa kantiyawan namin. Isang patunay na wala na lang sa amin kung ano ang namagitan sa amin noong mga bata pa kami. That's how we matured.

First kiss? Sino nga ba? Ayoko nang maalala.

"Sarili ko. Sarili ko ang first kiss ko," kibit-balikat na sagot ko at sumimsim na lang sa basong hawak.

"So, sariling sikap ka pala?" Ngayon, si Maj naman ang nasa kondisyong mang-asar.

"Pati ba sa baba, sariling sikap ka rin, MJ?" Sabi ni Lorene, sabay turo sa pang-ibabang parte ng katawan ko.

"Hoy, Lorene! Ganiyan ba itinuturo mo sa mga estudyante mo?"

"Hahahaha! Ayan, sinimulan mo kasi, magtatapos talaga sa'yo," si Ressie naman ngayon ang nang-asar.

"Ewan ko sa inyo!"

Napa-iling na lang ako at umupo na sa puwesto kung saan ko hinagis ang blazer ko kanina.

"Woy, 'wag mong nililihis ang usapan," maangas na sabi ni Vad sa akin. "Kumusta ang dinner?" Dagdag niya kaya wala sa sarili akong napa-irap.

"Oo nga pala! Ano na bruha? Ano nang nangyaru sa dinner? Sino sa kanila?" Excited na tanong ni Jessa na talagang nilapitan pa ako at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Ano? Misis Lizares ka na ba?"

Ha?

Nagulat ako sa tinanong ni Nicole. Kaya buong atensiyon ko ay nasa kaniya kahit na nasa harapan ko si Jessa.

"Paano n'yo nalaman?"

Umirap si Nicole sa tinanong ko at feeling ko, pati ang iba ay nagsi-irapan din.

"It's all over the business news kaya. Look, oh..." At biglang lumapit si Lory sa akin dala ang phone niya. May ipinakita siya sa aking isang article. "Sinabi rito na one of the heir and heiress of Osmeña and Lizares clans will merge through marriage. So, yeah, kaya namin alam na Lizares ang ipapakasal sa'yo."

I snorted.

"Baka si Ate Ada at Decart 'yan. Ikakasal sila sa katapusan, e," pagdadahilan ko.

"No! Nandito 'yong article na tungkol naman sa kasal nila," at ang phone naman ngayon ni Ressie ang ipinakita sa akin. Isang article ulit pero this time, they drop the names.

'Adaline Malou of Osmeña Clan and Descartes Rene of the Lizares will tie the knot at the end of the month. Love is really in the air. Love is in the sugarcane plantation.'

"Kaya ang gusto naming malaman ngayon ay kung sino sa kanila?" Inilayo ni Ressie ang phone niya at agad nagtanong.

Bumuntonghininga ako at sumandal sa couch. Bahagya ko pang hinalo-halo ang ice sa rum.

"You guess."

Sabay-sabay na singhap ang narinig ko sa kanila. They feel irritated at natutuwa ako.

"Daya nito! Magkuwento ka na kasi. Para name drop lang, e," iritadong sabi ni Jessa.

Humalakhak ako na mas lalo nilang sinamaan ng tingin.

"Hulaan n'yo nga, mag-name drop kayo at kung sino ang makahula ng pangalan, ili-libre ko ng tig-iisang bote ng pinakamahal na alak ng Old House," panghahamon ko pa. "Vad?" Nilingon ko si Vad, asking him his first guess.

"Darry?" Simpleng sagot niya, mukhang hindi pinag-isipan dahil hindi rin sigurado.

Sana nga siya na lang.

Ay, teka, sandali nga lang, ano ba 'tong pinag-iisip ko? Para kang alien, MJ.

"Ikaw, Maj?"

"Hmmm, Sonny?"

"Ako, si Kuya Siggy ang hula ko," nakataas pa ang kamay na sabi ni Lory.

"Tingin ko si Kuya Darry. Siya na ang CEO ng milling company nila, e," patango-tango namang sabi ni Nicole.

"Ako, team Sonny ako," ani Jessa.

"Ako rin, si Kuya Sonny hula ko," ani Paulla.

"Kuya Darry," simpleng sagot ni Ressie.

"Ako naman, gusto ko si Kuya Darry para sa'yo kaso may girlfriend, e, tapos ang ganda pa, mas maganda pa sa'yo kaya tingin ko si Kuya Siggy ang ipapakasal sa'yo... ay teka, sandali, may girlfriend din si Kuya Siggy, maganda rin atsaka modelo katulad ni Callie Dela Rama, at lalong mas maganda kesa sa'yo kaya sure na ako... si Kuya Sonny na talaga ang ipapakasal sa'yo, wala namang girlfriend 'yon, e."

Matinding irap ang ginawa ko dahil sa mga pinagsasabi ni Lorene.

"Alam mo, Lorene, puwede kang mag-name drop nang hindi ako nilalait," sarkastikong sabi ko sa kaniya na inosenteng nginisihan naman niya.

"Wala kayong nasabing tama. Puro mali! Sila lang ba ang Lizares sa probinsiya natin? Sa Pilipinas? Sa mundo?" Pabagsak na sabi ko at agad sinenyasan ang isang waiter na napadaan. "Isang bote ng Jose Cuervo with lemons and isang bucket ng Heineken," order ko nang makalapit siya na agad ding nawala.

"Hoy! Ang daya mong bruha ka!" Singhal ni Lorene sa akin.

"Kaya ka natatalo sa pustahan, e, kasi ang daya mo!" Pagmamaktol naman ni Lorene.

Psh, kambal nga ang dalawa.

"Teka, kailan pa ako sumali sa pustahan?" Angal ko naman.

"Kaya nga bawal ka sa pustahan, e, kasi madaya ka." sagot ni Lory.

Napatawa ako nang malakas sa mga pinagsasabi nila. Dumating ang in-order ko kaya natahimik kami nang panandalian. Binuksan ko na lang ang tequila at nagsalin sa shot glass. Diretsong nilagok ko 'yon at sumipsip sa lemon.

"Hay naku, sinasabi ko na nga ba... wala talaga tayong makukuha sa bruhang iyan, hindi magsasalita 'yan, e," ani Nicole.

"Hahaha! Abangan n'yo na lang sa engagement party, doon ipapaalam kung sino."

Kasali sa plano na hindi muna ilalabas sa publiko kung sino sa mga Osmeña ang ipapakasal sa isa sa mga Lizares. I'm cool with it, at para na rin maging payapa ang last semester ko sa kolehiyo.

"Mag-enjoy na lang tayo! Pa-despidida ni Nicole 'to, o!" Pangchi-cheer ko sa kanila. "Kailan nga pala alis mo? Tapos na ba lahat ng papeles mo?"

Nagkuwento na nga si Nicole sa kaniyang pag-alis at sa mga susunod na plano niya.

Matapos ang isang taong experience sa Philippine Airlines ay sinubukang mag-apply ni Nicole sa ibang bansa as flight attendant. Sa lahat ng pinasahan niya ng application, ang Air Canada ang tumanggap sa kaniya. Her main dream is Emirates Airline pero dahil hindi pa masiyadong ma-reach, masaya at nakuntento na siya sa Air Canada. Lilipad siya roon sa susunod na linggo, doon na rin siya maninirahan. In short, may plano siyang mag-migrate doon para madala na rin ang pamilya niya sa Canada sa tamang panahon, pero sa ngayon, trabaho muna.

Tinapos namin ang gabing iyon na puno ng usapan at pagbabalik-tanaw sa lahat nang napagdaanan namin, sa mga kalokohan na ginawa namin, kung gaano ka-pariwara ang buhay namin noon na ngayon ay naging propersyonal na. We made another memories kasi hindi namin alam kung kailan kami maku-kumpleto. Siguro magpo-focus na muna kami sa aming professional growth.

~

Nagdaan ang Sunday na wala masiyadong ganap sa buhay at sa bahay. Maliban na lang sa mga makukuliy na bata, na hindi ko pa rin pinapansin dahil nga hindi ko pa napapahupa ang inis ko sa mga kapatid ko.

Hanggang sa sumunod na araw, nilunod ko ang sarili ko sa hindi matapos-tapos na project study, mga gawain sa school, at sa exposure. Naging sucessful naman ang ginawa kong pag-aabala sa sarili dahil naging matiwasay ang buhay ko. Kahit na merong mga ipinanganak para maging salot sa buhay mo, marunong din naman pala silang lumugar at hindi na nanggugulo sa payapa kong buhay.

Dumaan ang mga araw, hanggang sa mag-start ang Christmas break at naubosan na ako ng ginagawa.

Ba't ba kasi tinapos ko ang mga dapat tapusin sa project study sa taong ito? Hindi ko naman magawa ang susunod na gagawin dahil next year pa malalaman ang resulta namin. Kaya heto ako ngayon at nakahilata sa sofa ng living room namin habang nagbabasa ng mga interesanteng libro tungkol sa engineering.

Sa kasawiang palad, hindi ako makapagbasa nang maayos dahil sa ingay ng mga bata.

"Tita MJ, let's play!"

Para akong bingi, hindi pinapakinggang ang hiling ng isa sa mga bata. Nagpatuloy ako sa pagbabasa.

"Tita MJ, Mommy said it's your Christmas break but why are you still reading about school stuffs? Let's play with Kansas and Falcon, Tita. You should enjoy your vacation, Tita!" Siya na naman ang nagsalita.

 Dahan-dahan kong isinarado ang librong hawak ko at umayos ng upo. Nakatayo na silang dalawa sa mismong harapan ko pero 'yong babae lang ang salita nang salita, 'yong lalaki naman ay nakatitig lang sa akin.

"How old are you again?" Nakakunot ang noo kong tanong sa kaniya.

"I'm four years old, Tita MJ."

Tita MJ...

Ilang beses ko nang narinig sa kaniya 'yan pero nagugulat pa rin ako at hindi nasasanay. Never in my life na i-in-magine ko na magkakaroon ng bata sa bahay, na ang ipapalabas sa TV na nasa harapan namin ngayon ay puros cartoons, at mapupuno ang salas namin ng isang playing mat na punong-puno ng iba't-ibang klaseng laruan at mga librong pambata. Never in my life na i-in-magine kong iingay nang ganito ang bahay dahil sa mga bata.

Matindi ang pagpipigil kong makipaglaro sa kanila kasi nga naiinis ako sa mga magulang nila. Kahit na si Kansas, ang sarap-sarap nang kargahin.

Ganoon ang eksena sa mga sumunod na araw. Maglalaro ang mga bata sa living room tapos kung makikita ako ni Jordyn, tatanungin ako at yayayaing maglaro. Ayokong isipin ni Ate na cool na kami kaya palagi akong tumatanggi.

Hanggang isang araw, nagbabasa na naman ako ng libro. Kinulit na ako kanina ni Jordyn kaso nagsawa kaya naglaro na lang sa mga laruan niya. Si Falcon naman ay nasa tabi ko at nakatitig lang sa akin. Hindi ako naaasiwa sa presensiya niya, nagtataka lang ako kasi nakatitig lang siya sa librong hawak ko.

"Falcon, how old are you again?"

Sinarado ko ang libro at sinadyang itabi sa kaniya. Kitang-kita ko kung paano niya sinundan ng tingin ang libro.

Matapos 'yon ay bumalik ang tingin niya sa akin sabay pakita ng four fingers.

Four years old. Magkasing-edad lang talaga sila ni Jordyn.

"Teka, pipi ka ba? Bakit hindi ka nagsasalita?" Puna ko sa kaniya kasi simula no'ng nakita ko siya, hindi ko pa narinig na nagsalita ang isang 'to. O masiyado na naman akong busy para malaman at masaksihan ang pagsasalita niya?

"He's not pipi, Tita, he's just mahiyain."

Kunot-noo kong natingnan si Jordyn sa may playing mat banda, hindi man lang siya nakatingin sa akin, naglalaro lang talaga siya sa mga malalaking wooden blocks.

"Alam mo, Jordyn, ang daldal mo," pabirong sabi ko dahilan para lingunin niya ako nang may malawak na ngiti.

"Yes, Tita, just like you. Mommy and Lola said I'm madaldal katulad you."

Wow!

"Um, Tita MJ, are you an engineer?"

Naibalik ko ang tingin kay Falcon nang sa kauna-unahang pagkakataon, narinig kong nagsalita siya. Hindi nga siya pipi.

"Not yet, Fal, I'm still studying."

"Wow!" Namamanghang sabi niya. "But you will soon be called engineer, Tita, right? Daddy said you're great at it. What are you reading po pala?"

What the shit?

Napaawang ang bibg ko dahil sa sunod-sunod niyang pagsasalita. Wala siyang pinagkaiba kay Jordyn, walang-wala talaga. Hindi nga siya pipi.

"Yes, I'm gonna be an engineer soon and I'm reading a book about Hydraulics."

He took the book and scanned it.

"What is Hydraulics, Tita?"

Heto na, questions are coming!

Pero bago ko pa man masagot ang tanong niya, umingay nang dahil sa tawanan ang entrance ng bahay.

"Mommy! Daddy!"

Wala sa sarili kong kinuha ang libro at basta itong binuklat para magbasa. Nakita ko rin sa gilid ng mata ko na tumakbo na rin si Falcon papunta sa mga bagong dating.

Tumikhim na lang ako at hindi na nag-angat ng tingin.

"Hi, little sis..." Halos sumigaw na si Ate nang batiin ako. Tumango lang ako kahit na hindi nag-aangat ng tingin. "Erna, pakibaba nga ng crib ni Kansas, pakilagay lang dito sa sala, dito ko na lang muna ilalagay si Kansas," narinig kong utos ni Ate sa isang katulong namin.

Hindi pa rin ako nag-aangat ng tingin, kahit hindi ko na maintindihan ang binabasa ko ay sige pa rin ako sa pagbabasa. Kahit ang atensiyon ko ay nasa mga taong kararating lang.

Ibinaba nga ang crib ni Kansas.

"Erna, Alice, pakibantayan muna si Kansas, ha? Tulog naman 'to, e, kaya wala masiyadong gawain. Aayusin lang namin saglit ni Uly ang mga pinamili namin."

"Okay po, Ma'am Tonette," sabay na sabi ni Erna at Alice.

"Little sis, pakibantayan na rin si Kansas in case gumising, ha?"

"Can't you see I'm busy?" Naiirita raw na sagot ko.

"Okay..." Pero si Ate, nahihimigan ko ang tuwa sa boses niya.

Hanggang sa naging tahimik ulit ang sala namin. Ako, si Erna, Alice, at Kansas na lang ang naiwan sa living room. Pati yata ang dalawang makulit ay sumama sa mga parents nila.

Nang kumpirmadong walang bakas nila ay dahan-dahan kong isinarado ang librong hawak ko at tumayo na. Una kong tiningnan ang crib ni Kansas tapos si Erna at Alice na nag-aayos ng mga gamit ni Kansas at ng mga laruang nagkalat na rin sa malawak na salas namin.

Habang abala ang dalawa, sinamantala ko ang pagkakaton na makalapit sa crib ni Kansas.

Wala, sisilipin ko lang. Bawal ba?

Nakatayo na ako sa gilid ng crib at pinagmamasdan na siya ngayon. Ang cute-cute niya talaga, animo'y anghel na payapa ang tulog.

Sana all may tulog.

"Ma'am MJ, ang cute ni baby Kansas, 'no?"

Bigla akong dinanggil ni Alice sa balikat at pabulong na sinabi 'yon. Sumimangot ako para hindi mahalata na natutuwa nga ako. Ano ba, nagda-drama lang ako.

"Osmeña'ng-Osmeña talaga, e, hindi maipagkakaila," sabi naman ni Erna. Pabulong din kasi nga baka magising ang anghel.

"Kaputian lang naman ng mga Osmeña ang namana niya. Tingnan n'yo nga, kamukha niya tatay niya," bulong ko rin.

Para kaming mga punyemas dito, nagbubulongan habang nakatitig sa anghel na payapang nagpapahinga.

"Pero si Jordyn, Ma'am, 'yon... hindi mo maipagkakailang nagmana nga sa mga Osmeña. Kamukhang-kamukha mo, e," ani Alice kaya nilingon ko siya.

"Hindi kaya," depensa ko.

"Asows! Nakita ko mga baby pics mo, Ma'am, kamukha mo nga si Jordyn," sagot naman ni Alice na sinabayan niya pa ng ngiwi.

"Mukhang ikaw ang pinaglihian ni Ma'am Tonette, Ma'am, a?" Humahagikhik na sabi ni Erna na agad din namang nagpatuloy sa pag-aayos ng mga laruan.

Umirap na lang ako at tinitigan ang anghel.

Oo, aaminin ko, kamukha ko nga si Jordyn no'ng bata pa ako. Kung magsasama nga yata kaming dalawa, mapagkakamalan na ako ang nanay kesa si Ate, e.

Nagpatuloy sa pag-aayos ang dalawa habang ako ay nakatitig pa rin sa anghel. Hindi ko pa nakakarga at nakaka-usap ang isang 'to. Lumalayo nga kasi ako sa mga bata!

Habang nakatitig ay biglang gumalaw ang mga kamay niya at biglang sumama ang mukha na animo'y nakakain ng maasim.

"Uwaaaa!"

"Hala! Mukhang magigising na siya," narinig kong sabi ni Alice. "Erna, tawagin mo si Ma'am Tonette. Ipagtitimpla ko ng gatas si Kansas."

"'Wag na, Erna, Alice, ako na rito. Pero pakitimplahan na rin siya ng gatas."

True enough, umiyak na nga nang malakas ang bata.

Mabuti na lang at naging mabilis ako at agad nakarga ang anim na buwang anghel na ito.

"Ssshhh, baby, tahan na. The milk is coming," pang-aalu ko sa kaniya habang sumasayaw para kahit papaano'y tumahan.

I've encountered babies before. Hindi na bago sa akin kung paano sila patahanin kung sakaling umiyak.

Nang i-abot na ni Alice ang gatas, agad kong ipinasok nang dahan-dahan sa bibig ni Kansas. Dahan-dahan din akong naglakad papunta sa sliding door na palabas na ng bahay. Nanatili lang ako sa may hamba ng sliding door na sumasayaw pa rin at pinapainom ng gatas si Kansas.

"Ssshhh, baby, sleep again," bulong ko habang nakatitig lang sa kaniya.

Mapupungay ang kaniyang mga mata habang nakahawak pa ang isang kamay sa bote. Mabuti naman at kumalma siya.

Nagdaan ang ilang minuto ay nakapikit na siya ulit pero nasa bibig pa niya ang babyron. Hindi ko naman mahugot kasi kumukibot-kibot pa ang bibig niya kahit na wala na naman siyang sisipsipin tapos tulog na rin naman siya.

Ang cute ng batang 'to, oo.

Natigil ako sa pagsayaw nang makitang payapa na talaga ang tulog niya. Nahugot ko na rin ang babyron sa bibig niya. Ma-ingat ang lahat nang naging galaw ko.

Ilang minuto ulit ang pinalipas ko bago ko dahan-dahang pinihit pabalik ang katawan ko sa salas para sana ibalik na siya sa crib niya. Nakakangawit din pala 'pag matagal mong ikinarga ang bata. Mahirap pala talaga ang magkaroon ng anak. Parang ayoko na.

Pero sa pagpihit ko, halos mahiwalay ang kaluluwa ko sa gulat nang makitang nakatingin na sa akin ang dalawa kong kapatid. Nakatayo lang sila sa gilid ng crib ni Kansas at may multo ng ngiti sa kanilang mga labi. Si Ate, parang maiiyak pa. Psh.

Nang maka-recover sa gulat, maayos akong naglakad nang naka-ismid ang mukha. Inilapag ko si Kansas nang may buong ingat. Inalalayan ako ni Ate.

Matapos gawin 'yon, naglakad ako palayo sa kanila nang naka-ismid pa rin ang mukha.

Ah, punyemas! Nakita pa talaga nila akong inaalu si Kansas na ilang araw ko ring tinanggihan na buhatin?

Bumalik ako sa may sliding door na siyang daan papunta sa garden namin. Umupo ako sa isang bangko sa round table at nag-crossed arms. Masking up my shyness.

"Ang cute mong tingnan habang kinakarga si Baby Kansas. Bagay pala sa'yong maging ina? Hahaha!"

Mga ilang segundo katahimikan lang yata ang nadama ko kasi bigla akong sinundan ng dalawa kong kapatid.

Mas lalong sumama ang mukha ko, hindi man lang sila tinatapunan ng tingin.

"Sorry kung binuhat ko si Kansas. Nagising kasi," matigas na sabi ko.

Umupo si Kuya sa katapat kong bangko at ngumisi.

"Why are you saying sorry? Pamangkin mo naman si Kansas. Gawain ng isang butihing Tita 'yon," ani Kuya.

"Hindi ako butihing Tita," pa-irap na sabi ko.

Bigla kong naramdaman ang presensiya ni Ate sa likuran ko.

"Galit ka pa rin ba sa amin?" Malambing na tanong niya habang pinipisil pa ang pisnge ko. "Hindi ka pa rin nakakapag-isip?"

Pinaalis ko ang kamay niya pero imbes na mainis, tumawa lang siya.

"Sorry na kasi!" Ani Ate na inirapan ko lang.

"Alam naman namin na gustong-gusto mong makalaro ang mga pamangkin mo, kaso pinipigilan mo lang ang sarili mo dahil nga galit ka sa amin," Kuya said it like it's a matter of fact.

"Hindi ako galit sa inyo, naiinis lang ako," umiwas ako ng tingin sa kanila.

'Wag ka nang mainis, gustong-gusto ka na rin makalaro ni Jordyn at Falcon. Lalo na si Falcon, kasi bata pa lang 'yon, gusto ka nang makilala dahil gusto niyang maging engineer kasi magiging engineer daw ang Tita niya," ani Ate kaya nakasimangot kong tiningnan si Kuya.

"Four years old pa lang ang anak mo, tinuturuan mo na nang tungkol sa engineering? Anong klase kang ama"

Imbes na magulat at mainis sa sinabi ko, biglang natawa si Kuya na lalong ipinagtaka ko.

"Hindi ako ang nagturo sa kaniyang kahiligan ang engineering. Sinabi ko lang sa kaniya na magiging engineer ang Tita niya. Hindi ko na kasalanan kung bakit nahilig siya sa mga engineering stuffs like buildings. Idol ka ng mga pamangkin mo, MJ."

I'm flattered. Seryoso. Kasi kahit na hindi nila ako kasama no'ng pinapalaki nila ang mga anak nila, hindi nila hinayaan na hindi ako makilala ng mga iyon. Kaya siguro kamukha ko si Jordyn at may interes sa magiging profession ko si Falcon.

"Sorry na! Promies, 'pag pinatawad mo kami, hahayaan ka naming makipaglaro sa mga pamangkin mo nang wantusawa! O, heto, donuts. Alam kong hindi mo aayawan 'yan kasi paborito mo pa rin 'yan. Pang-peace offering namin ni Kuya."

Inabot nga sa akin ni Ate ang tatlong box ng J.Co.

"Ano ako? Bata?" Naiinis daw na sabi ko.

Matagal ko nang napatawad ang dalawa. Matagal ko na ring nawala ang pagkainis sa kanila. Pride na lang itong nangingibabaw sa akin kasi ayokong mapahiya.

"You are forever our baby, kahit na dumami pa ang anak namin."

Kinuha ko ang boxes ng donuts at inirapan ang sinabi ni Kuya.

"Sorry na, little sis! Babawi na talaga kami," ma-drama pa ring sabi ni Ate.

"Sorry bunso, hindi na namin uulitin 'yung ginawa namin," seryosong sabi ni Kuya kaya natagalan ang titig ko sa kaniya.

"Okay, pero 'wag na kayong umalis ulit."

"Paano ba 'yan? Kailangan naming bumalik sa mga bansa namin kung ayaw naming ma-deport ang mga bata?" Ani Kuya.

"'Wag na kayong umalis nang walang paalam."

"Okay...noted."

Nagtawanan silang dalawa na unti-unti ko ring sinabayan.

At the end of the day, it is your sibling whom you can lean on.

~

Bab terkait

  • She Leaves   She Leaves 10: 3 Months Before The Engagement

    Dumaan ang Pasko, kasal ni Ate Ada at Decart Lizares, at ang bagong taon na wala masiyadong ganap sa buhay ko.Maliban na lang sa pagiging makulit ng engkanto. Sa sobrang kulit, heto na nga siya o, palapit na sa akin.Sunday ngayon at nandito ako sa kabisera para simulan na naman ang panibagong linggo ng pagiging busy. It's the second week of January and ilang araw na rin magmula no'ng magpalit ang taon.I'm trying my best to be cool with Sonny since I knew the merging. I'm trying my best to do everything para lang makalimutan ang lahat ng pag-aming ginawa niya sa nakaraan. Sinubukan ko at hanggang ngayon ay sinusubukan ko pa rin.Gusto niya ako. May gusto siya sa akin. Kaya siguro masaya siya, masayang-masaya siya na kami ang ikakasal. I don't want to pop up his bubble. I'll let him be happy. As if people can be genuinely happy.I'm kind of good at acting pero sa loob ko, hindi

  • She Leaves   She Leaves 11: 2 Months Before The Engagement

    "Ready for hardbound!" Binasa ko ang maliit na note na nakalagay sa sandamakmak na papel na ipinasa namin kanina after ng defense. "Ready for hardbound na tayo!" Muling sigaw ko."'Yon o!""Nice!""Tara na! Pa-hardbound na tayo.""Waste no time, engineers!""Siguradong-sigurado na ba?"'Yan ang sari-saring reaksiyon ng mga project study mates ko nang sabihin ko ang magandang balita sa kanila."Oo nga! Ano? Tara na!" Natatawang sabi ko.Sobrang ingay namin ngayon, mabuti na lang at malapit kami sa field at malayo naman sa buildings. Baka napagalitan na kami dahil sa sari-saring sigaw namin. Sino ba kasi ang hindi matutuwa na ang halos isang taon mong pinaghirapan na project study ay makakapasa sa mga panel? Sinong hindi? Kaya dapat i-celebrate!First week of February, nagkaroon kami ng projec

  • She Leaves   She Leaves 12: 1 Month Before The Engagement

    "April seven is our graduation day!" Masayang sabi ni Ferlen habang binabasa ang nakasulat sa bulletin board. It's an announcement for the graduating students about the date of our graduation day.Sumandal ako sa pader na katabi lang ng bulletin board at in-i-relax ang likod ko habang ang mga kasamahan ko ay abala sa pagtingin sa bulletin board."That's exactly one month from now," ani Alvin."Grabe, grabe, grabe! Isang buwan na lang, graduate na tayo!" Masayang sambit naman ni Joemil kaya napatingin ako sa kaniya.It's our final week. Our last finals. My last examination in college. Pinaaga ang exams namin kasi nga graduating kami, and that's the usual schedule ng mga graduating students ng college.Dahil huling exams ko na, I challenged myself na hindi mag-aral at i-asa lahat sa stock knowledge. So, basically, hindi ako nag-aral para sa finals na ito. So far, so good, meron nam

  • She Leaves   She Leaves 13: 23 Days Before The Engagement

    Mapakla akong ngumiti sa likuran ng aking isipan.I didn't even know he's on a business trip now. I thought it was last week. Wow.Sabagay, wala naman akong karapatang magreklamo kung hindi ko malaman ang whereabouts niya. Wala naman siyang responsibility sa akin, hindi pa naman kami engaged, hindi pa kami kasal, kaya wala akong karapatang magalit kung bakit hindi ko alam na wala pala siya rito. I really thought he's just there on their milling company, experimenting new chemicals for their sugar corporation or whatever the Chemical Engineer do in that kind of company! Wala akong karapatang magalit at magreklamo talaga! Wala talaga! Walang-wala! Punyemas naman, Sonny!Ni-text ba talaga ay hindi mo magawa? Kahit isang 'I'm out of town' message man lang, wala talaga? Wala? Sigurado na ba?Tahimik ako sa buong oras na kumakain kami ng pananghalian. Ang mga pulitiko lang ang ma-iingay, nag-uusap siguro s

  • She Leaves   She Leaves 14: 8 Days Before The Engagement

    Unknown Number:Please, let's talk.MJ...I am not the father of Ayla's child. Please, let's talk, let me explain.Nakatitig ako sa tatlong sunod-sunod na mensaheng natanggap ko gabi nang mag-walk out ako sa Cabalen. Kagagaling ko lang sa isang panandaliang bakasyon sa Pennsylvania nang binasa ko ang mensaheng ito. It's been eight day since that happened, am I up for it? Kahit unregistered numberm alam ko kung kanino 'to... Darry.Siya lang naman ang pinaratangan ko na ama ng dinadala ni Ayla. So, siya ang nag-text. Alangan namang si Sonny... which will never gonna happen!E, sinong ama ng anak ni Ayla? Kung hindi si Darry at Sonny... sino at anong kinalaman ng mga Lizares? Anak ba ng kapatid nila? Sino naman?E, ano bang pakialam ko? Wala naman talaga akong kinalaman kay Ayla. Hindi ko naman siya talaga kaibigan, kakilala lang siya ng kakilala ko. Wala kaming ibang connection bukod ka

  • She Leaves   She Leaves 15: 1 Day Before The Engagement

    I was like a zombie: barely alive, walking, talking, interacting with people.I am in the state of information overload almost losing my sanity. I don't know what to do with that kind of information I just heard. Hindi ko alam paano manimbang. It's very new to me.Hindi ko alam kung paano kami naghiwalay ng mag-jowa with a normal slate basta ang alam ko, naglalakad na kami ngayon ng mga magulang ko palabas ng airport. Kararating lang namin ng Negros from Manila and diretso kami sa bahay na nasa exclusive village ng kabisera. Nandoon na rin ang mga susuotin ko for tomorrow's graduation.Dapat excited na ako ngayon. Dapat masaya na ako. Dapat makahihinga na ako nang maluwag. Pero hindi ko magawa kasi kahit anong palis ng masama kong iniisip, kahit anong pilig ng aking ulo, kahit anong sapaw ng ibang isipin, hindi talaga nawawala ang ipinakaing impormasyon ni Maj at Crisha sa'kin. I know it's not their intention to mention

  • She Leaves   She Leaves 16: The Engagement Party

    Holy shit.Punyemas.Hijo Deputa.Ano pa bang mura ang kayang magpawala ng sakit? My head is literally throbbing. Parang tinutusok ng karayom na halos tumibok na sa sobrang sakit.Mariin kong ipinikit ang mata as if it can take away the throbbing pain. Pero walang nagbago kaya mabilisan akong bumangon at binalanse ang sarili nang makatayo at pilit in-adjust ang mata sa nagbabantang liwanag.Una kong tiningnan ang bintana ng kuwarto ko pero close ang curtains nito. Halata naman sa maliliit na siwang na maliwanag sa labas at umagang-umaga na kahit hindi ko naman alam kung anong oras na.Habang nakatayo pa rin sa gilid ng kama, wala sa sarili akong napatingin sa wall clock ng kuwarto.11:22 AM.Tanghali na pala?Nang maka-recover kahit papaano sa sakit ng ulo ay inalala ko ang nangyari kagabi. Alam k

  • She Leaves   She Leaves 17: The Pamamanhikan

    Madaling araw nang gisingin ako sa hotel room ko. Feeling ko nga rin hindi naman talaga ako nakatulog dahil isang katok lang ay agad akong bumangon para pagbuksan kung sino man 'yon.Nag-ayos ako at inilagay sa pedestal ang sarili. Kailangan kong umayos para makapag-isip ng maayos.Uuwi kaming ciudad para pormal na pupunta sa bahay ang mga Lizares. Pamamanhikan daw ang tawag do'n.Alam n'yo, ang dami n'yong alam! Kidding. Alam n'yo, wala na akong lakas para harapin pa ang araw na ito. Naubos yata lahat ng lakas at enerhiya ko kagabi sa mga salitang binitiwan ko kay Sonny. Hindi ko alam kung ano pa bang magiging reaksiyon ko mamaya. Parang pati ang magkaroon ng emotion ay nawala na sa akin. Ang hirap gumalaw, masiyadong masakit, masiyadong masikip. Parang tinapakan ang buong pagkatao ko. Hindi ko alam.Para na lang akong tuyong dahon ngayon, nagpapatianod pa rin sa gusto ng hangin, sa gusto ng mga mag

Bab terbaru

  • She Leaves   She Leaves 30: The Board Exam

    Today is the day I will be judge. Today is the day that all my hardworks will be put into test. Today is the day. Today is the punyemas day!!!!Few days prior to this, everything about me and Darry were going smoothly. Hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa nangyaring iyon. Sa tuwing tinatanong niya ako, ang palagi kong sinasabi ay wala akong maalala dahil sa kalasingan. Hindi rin naman siya nagku-kuwento kung ano kaya pinapalabas ko na baka nga wala kasi parang wala lang naman.Mas lalo lang akong naging abala sa pagpi-prepare sa sarili ko sa papalapit na boards. Everything is sailing smoothly dahil walang mga problema akong natatanggap. Darry is treating me well, my family is constantly sending me messages and telling me to break a leg and everything, also my friends. Kaso ngayong araw, hindi na ako magbabasa ng mga message. Mas pinili ko kasing ilayo muna sa akin ang phone ko. Si Darry din mismo ang nag-suggest sa akin na lumayo muna

  • She Leaves   She Leaves 29: The Ardent Spirits

    "Hello Misis Lizares!" Maligayang bati ni Jessa sa akin nang makarating kami sa bar kung saan daw magkikita-kita ang mga kaibigan ni Darry at ang mga kaibigan ko. As usual, si Crisha, Maj, at Jessa lang ang nandito. Nasa probinsya na naman kasi ang iba.Nakipag-beso ako kay Crisha at Jessa, at bro hug naman ang kay Maj."Himalang nakalabas ka ngayon, bruha?"Matapos ang batian, agad akong inilapit ni Jessa sa sarili niya para yakapin. It's been a while since the last time we saw each other, masiyado talaga akong naging busy sa buhay reviewee ko."Katatapos lang kasi ng mock board at isinama lang naman ako ni Darry dito kaya tinawagan ko na kayo ni Maj." Kumuha ako ng isang shot ng tequila na nasa lamesa at diretsong tinungga.We meet again, ardent spirits!"Ay betsung si papa Darry, pinayagan kang mag-enjoy," puna ni Jessa."Mabuti nga si

  • She Leaves   She Leaves 28: The Truth Behind The Past

    Another month has passed after that quick vacation with my cousins sa Palawan. I just came back from Manila. Done with another round of diagnostic testing for this month and two months na lang din at board exams na namin. Mas pinagbutihan ko ang pagri-review, erasing and ignoring the negativity of life. Charot. Ignoring my heart and its consequences. Brain muna. Si brain naman.Actually, kahapon lang talaga ako bumalik and today is another day kaya naisipan kong mag-jogging na naman. Another two hours of burning some unnecessary fats.Airpods on my ears and the phone is just on my left arm. I rested for a while on a big mango tree. The morning air in this kind of environment is the air I want to breathe for the rest of my life. Malamig tapos sobrang fresh pa. I can also see some moist on the grass of the sugarcanes.Ang sarap talagang mag-jogging kapag nature ang iyong kasama. Unlike when you're in some big cities, na pu

  • She Leaves   She Leaves 27: The Exhibit

    Tinitigan ko ang gawa ko. Not so perfect in appearance pero pasang awa na! Wait till you taste it! Mapapasinghap ka sa sarap!Bahagya ko pang inamoy ang niluto ko at saka dahan-dahang pumihit patalikod para mailapag ito sa dining table. Partida nakapikit pa ako n'yan nang inamoy ko kaya noong paglingon ko na ay saktong dumilat ako.Punyemas."Punyemas naman, Darry! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Singhal ko sa kaniya. Gulat na gulat ako sa prensensiya niya kasi nang magdilat ako ng mata, mukha niya agad ang nakita ko. Nakasandal siya sa bukana ng kitchen at naka-crossed arms pa ang demunyu. Habang ako naman ay halos tahipin na ang dibdib ko dahil sa gulat at sa kabang naramdaman ko.Sunod-sunod ang naging paghinga ko. Mabuti na lang at hindi ko nabitawan ang bitbit kong pinggan ng speciality ko: Scrambled corned beef ala Maria Josephina Constancia Osmeña Lizares."You're cu

  • She Leaves   She Leaves 26: The Call

    Masakit ang sinabi ko. Masakit ang ginawa kong halos magmakaawa na kay Raffy para lang itigil na niya ang nararamdaman niya.Kung ako tinanong ng mga panahong namimili pa ng mapapangasawa sina Mama at Papa tungkol sa mga Javier, siguro tama si Raffy, papayag nga ako. Bukod sa wala na akong choice, mapapanatag ang loob ko dahil kaibigan ko ang ipakakasal sa akin. Siguro nga magiging masaya kami. Matututunan ko siyang magustohan. Baka nga.Pero ngayon ko nalaman, e, kaya ganito ang approach ko. I am not the same person as I am from last year. My perception did change after kong malaman na Lizares ang pakakasalan ko. Ibang-iba na. Kaya ko nasabi kay Raffy 'yon para hindi niya mas lalong sisihin ang sarili, para hindi na siya umasang meron nga kahit kaonti. Mas mahirap 'yon. Kaya sinabi ko sa kaniya ang mga salitang naka-base sa pangkasalukuyang nararamdaman ko.Hindi naging maayos ang pag-iwan ko kay Raffy sa fast food chai

  • She Leaves   She Leaves 25: The Review

    Hindi ko pinagsisihan ang halik ko sa kaniya. I did it freely and not against my will. But what it turned out is the thing I'm afraid of right now.After that night, Darry said to my parents na mas mabuting nandito ako sa Negros for the review para raw mas maka-relax ako. Since hindi na rin naman daw ako ang hahawak ng company kasi nandito na ang parents ko. Wala na rin naman daw akong gagawin sa Manila kaya mas mabuti raw na manatili ako rito sa Negros.I want to protest. Pero wala akong nagawa kundi ang sundin ang utos nila. Pinagbigyan ko, baka sakaling kailangan niya lang ng space dahil sa nangyari at sa mga nalaman. Kahit na hindi man lang niya inalam ang side ko. Hinayaan ko siya. Nagpaubaya ako.Unang dalawang linggong pananatili ko sa bahay ay puro review lang ang ginagawa ko. Merong pinagdidikitan ko ang buong dingding ng study room namin ng mga formulas para makatulong sa akin sa pagri-review.

  • She Leaves   She Leaves 24: The Birthday Party

    Paano mo malalaman kung may crush ka sa isang tao?'Pag napapangiti ka sa tuwing nakikita mo siya.Paano mo malalaman kung gusto mo na ang taong iyon?'Pag masaya ka sa tuwing nakikita mo siya at malungkot ka sa tuwing hindi mo siya nakikita.E, paano mo malalaman kung mahal mo na ang isang tao?Hoy teka, sandali, wait, MJ Osmeña! Anong mahal? Walang mahal! Ang mga bilihin lang ang nagmamahal, hindi si Maria Josephina Constancia! Hindi nagmamahal 'yon, nagmumura 'yon, e. Nagmumura ka! Hindi ka nagmamahal! Imposible 'yon!Masaya kong sinalubong ang pamilya ko nang makarating kami sa wakas sa birthday party ng pamangkin kong si Kansas. Airport ang theme ng party kaya punong-puno ang sikat na event center ng ciudad namin ng mga designs tungkol sa eroplano, airport, at iba pang may kinalaman sa aeronautics. Hindi ko alam kung anong trip ni Ate Tonette, hin

  • She Leaves   She Leaves 23: The Demunyu

    Kung dati, naging rason ang trabaho kung bakit nag-iiwasan kami ni Darry sa penthouse. Ngayon... ako na mismo ang umiiwas sa kaniya. Blessing in disguise din ang pagiging abala niya sa kompanya nila kaya hindi na rin niya ako binulabog pa. In short, wala kaming pansinan sa loob ng bahay.Laking pasasalamat ko na nga lang na hindi ko na kailangang magpanggap dahil uuwi na akong Negros ngayon at maiiwan siya sa penthouse kasama si Alice at Erna. Babalik din naman ako ng Monday morning. It's just a weekend with family dahil first birthday ni Kansas, na pangalawang anak ni Ate Tonette."Maligayang pagbabalik sa Negros, Ma'am MJ!" Pagkalabas ko ng airport, ang nakangiting si Manong Bong ang bumungad sa akin. Kinuha niya ang medium size luggage ko at saka pinasakay sa kotse ko na siya ang nag-drive."Hello Manong Bong! Kumusta ka na, Manong?" No'ng naisakay na niya sa likuran ang bagahe ay agad ko siyang binati.

  • She Leaves   She Leaves 22: The Husband's Other Friend, Part 2

    "Oh, hija!" Malawak pero may poise na bati ni Mommy (so awkward!) Felicity sa akin. Hinawakan niya pa ang magkabilang braso ko at hinarap ako nang mabuti.Wala na akong pakialam kung nanginginig na itong labi ko sa kakangiti dahil hanggang ngayon, kahit na nakahawak at nakaharap na ang mga magulang niya sa akin, ay hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Mas lalo lang nakadagdag sa bilis ng tibok ng puso ko ang maya't-mayang pagpisil niya sa kamay ko.Gaga ka talaga kahit kailan, MJ! Ang dami mo nang nahawakang kamay, ngayon ka pa talaga kakabahan? Ano ka ba? High school student? Teenager? Feeling teenager? Tanga!Nang bumeso si Mommy (hindi na ako ma-a-awkward sa susunod) Felicity sa akin ay saka lang bumitaw si Darry sa kamay ko. Halos ipatawag at pasalamatan ko ang sampung santong kilala ko dahil sa ginawa niya. Naging stable na rin ang ngiti ko kay Mommy (promise, last na) Felicity at nakapag-respond na nang maay

DMCA.com Protection Status