Kumukuti-kutitap. Bumubusi-busilak. Kikindat-kindat. Kukurap-kurap.
Ganiyan ang indak ng mga bombilya na animo'y pinaglalaruan ang ating mga mata.
Funny how these little lights makes me stare at the at the moment. Funny how this big christmas tree that displayed at the condo building's lobby entertained for the mean time.
Isang buwan na lang pala at pasko na. Ang bilis talaga ng panahon, parang noong isang linggo lang, nagha-halloween party pa kami ng mga pinsan ko, binista pa namin ang mga mahal namin na pumunaw na, tapos ngayon... lumalamig na ang simoy ng hangin, nagsisilabasan na ang mga palamuting pang pasko, naririnig ko na ang boses ni Jose Marie Chan, Mariah Carey, at ang station ID ng Abs-Cbn at iba pa.
Sabagay, noong September pa lang nagsimula ang mga ganito, ngayon ko lang talaga nabigyan ng pansin.
"Ma'am MJ, nandiyan na po ang sundo n'yo."
Natigil ang pagtingin ko sa christmas tree nang lapitan ako ng security guard na nagbabantay sa malaking pintuan ng building.
Tumayo ako, ngumiti sa kaniya, at naglakad palabas.
Pero hindi pa lang ako nakakababa ng hagdan ay nagtaka na ako.
"Nasaan na po si manong Bong, manong?" Tumabi ako sa post ng sekyu at iginala ang tingin sa paligid dahil hindi ko naman nakikita ang kotse na regular na sumusundo sa akin tuwing uuwi ako ng ciudad.
"'Yan po ang sundo n'yo, Ma'am," sabay turo ni manong sekyu sa isang pick-up na nasa harapan mismo namin. Isang upgraded Isuzu D-Max na kulay blue.
"Hindi naman 'yan 'yong kotse namin, manong, e?" Napakamot pa ako sa may noo ko dahil hindi ito ang kotse ko. Ford Explorer 'yon.
Nanatili akong nakatayo sa tabi ni manong. Nagmamatigas kasi hindi naman talaga 'yon ang sundo ko, baka nagkamali lang ang sekyu.
Bago pa man sumagot ang sekyu, narinig kong may parang nagsara ng pinto ng kotse na nasa tapat namin.
What the shit?
Halos malunok ko ang sarili kong laway nang makilala ang isang pamilyar na mukha sa harapan ko.
Standing right in front of me, wearing a mint green button down shirt folded up to his forearms with two open buttons, a khaki pants, a sperry shoes, his long hair is formed into man bun , freshly shaved face, with matching specs is the shining shimmering youngest of the Lizares brothers.
Anong ginagawa niya rito?
"Get in." Baritonong boses na naman niya ang sumalubong sa akin sabay bukas sa pinto ng front seat.
Dahil sa gulat, nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kaniya at sa pintuang bukas.
Maka-ilang beses din akong nagpakurap-kurap ng mata na para akong isang christmas lights. Dahil 'yon sa pagkagulat.
Bakit siya nandito?
"Bakit?"
Ang dami kong tanong pero 'yon lang ang tanging nailabas ng bibig ko.
"I'll drive you home, Tita Blake asked me to."
"What? Where's manong Bong?" I stand firm, not moving an inch.
"I'll explain along the road, just get in."
Wow. Kung makapag-utos ka parang alipin mo 'ko, a? Ang tapang mo! Putulin ko 'yang mahabang buhok mo, e.
Wala sa sarili akong napa-irap at dali-daling sumakay sa front seat. Sinarado niya ito at siya naman ang pumunta ng driver's seat.
Hmm, amoy pa lang, lalaking-lalaki na. Nice interior.
Pero punyemas, MJ! Ano ba 'yang ginagawa mo?
Matapos akong makapag-seatbelt ay pinanatili ko sa harapan ang tingin ko.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. May kung anong kaba akong naramdaman. Hindi ito ang unang beses na sumakay ako sa front seat ng kotse ng isang lalaki. Pang-ilang beses na nga, e, pero ewan kung bakit kinakabahan ako. Punyemas naman. Ano ba utak, gumana ka!
Pinaandar niya ang kotse at agad itong tumulak paabante, papuntang daan.
"Are you hungry? We can eat first before travelling."
Bakit ba ganito sila? Bakit ba ang bait-bait ng pamilya nila?
"I'm fine. Don't mind me, nakapag-dinner na ako," simpleng sagot ko habang ang tingin ay nasa daan pa rin.
"Okay."
Napabuntonghininga ako sa sagot niya.
"So, bakit ikaw ang sumundo sa akin?"
"Tita Blake knew I'm around the area so she asked me a favor to fetch you." Naipahinga ko ang ulo ko sa headrest ng upuan. "I have a business meeting nearby kaya pumayag na ako sa gusto niya. Besides, iisa lang din naman ang destinasyon natin," dagdag niya.
"Okay. Thanks. Pero sana hindi mo na pinatulan ang gusto ni Mama," wala sa sarili kong sinabi. "I have a driver to fetch me."
Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglingon niya sa akin nang panandalian pero hindi ko na nilingon.
"It's a small favor and I won't mind fetching you. Makaka-save tayo ng gasoline and energy."
Tayo. Wow, tayo. Meron pa lang tayo?
Ay punyemas, MJ! He won't mind daw, o! Punyemas ka naman, Lizares! Kung sa'yo wala lang ito... okay, sa akin din naman, wala lang ito. I also won't mind.
Hindi na ako sumagot at hindi na rin naman siya nagsalita. Mabuti.
Ang tanging namutawi sa amin ay ang munting ingay ng stereo niya. Mabilis siyang magpatakbo pero may pag-iingat. Palabas na nga kami ng Bacolod, e.
Isang minutong katahimikan ulit at biglang nag-vibrate ang phone ko. Nasa lap kasi ang sling bag na dala ko at nasa loob no'n ang phone ko kaya ramdam na ramdam ko ang pag-vibrate nito.
"Sandali! Galit na galit?" Naiinis kong sabi habang kinakapa ang phone sa loob ng bag. Parang nahulog pa yata sa isang butas. Punyemas.
The guy beside me chuckled. Pero hindi ko na muna pinansin.
Patuloy pa rin sa pag-vibrate ang phone nang mahawakan ko na 'to. Napangiwi ako nang makitang numero lang ang nag-appear sa screen.
"Punyemas," naibulong ko sa sarili ko at in-accept ang call.
"Are you with my brother?"
Ah punyemas! Pati ba naman sa telepono, maririnig ko ang malakulog niyang boses? Ah shit. Awit.
"Sinong Pontio Pilato ka naman?" Kahit na boses pa lang, alam ko na kung sino, nagtanong pa rin ako.
Gusto ko kasing mali ang akala ko.
"Tapang mo naman. Sagutin mo muna ang tanong ko."
Napapikit ako nang mariin nang tumawa siya nang bahagya. Millisecond lang ang pagtawa niya pero bullshit ang naging epekto sa akin. Ano ba, Maria Josephina Constancia!
"Wow! Chismoso ka na pala ngayon? Ano bang pakialam mo?"
"Wala akong pakialam sa'yo. Concern lang ako sa kapatid ko kaya ako nagtatanong."
Isang matinding irap ang nagawa ko dahil sa sinagot niya.
"E, bakit hindi siya ang tinawagan mo? Bakit ako ang binubulabog mong engkanto ka?" Asik ko sa kaniya at ini-relax ang likod ko sa upuan habang nakamasid sa labas ng bintana.
"Ang guwapo ko namang engkanto?" Tumawa ulit siya, na animo'y isang joke ang sinabi ko. "Paano ko matatawagan 'yon, I know he's driving and he's with you."
Umiling ako sa mga pinagsasabi ng engkantong ito.
"Alam mo naman pala, ba't nagtatanong ka pa?"
"Why are you with him?" He asked it, ignoring my questions.
"Saan mo nakuha ang number ko?"
"Alam mo, walang patutunguhan 'tong pag-uusap natin. I asked a simple question that needed a simple answer, MJ. Why can't you answer it? Unless, you want to make this conversation longer?"
Wala ngang patutunguhan 'to.
Nahilot ko ang bridge ng ilong ko at mariing pumikit, sinusubukang i-kalma ang sarili.
"Punyemas ka, Lizares! Wala ka nang nasabing tama!" Sigaw ko sabay end ng call. Pinatay ko na rin ang phone ko at diretso kong ipinasok 'yon sa bag ko.
Taas-baba ang naging paghinga ko dahil sa inis na nararamdaman ko kay Sonny. Nakakairita siya kahit kailan!
"Ehem..."
Isang tikhim ang nagpamulat sa akin sa realidad. Isang tikhim ang nagpagising as akin sa katotohanang isang Lizares din pala ang kasama ko ngayon tapos minura ko ang apelyido nila. Oh shit, MJ!
"Who called?" He asked in a very cold baritone voice.
"Your asshole bro- ah, wala," umiling ako, mabuti't napigilan ang bibig ko.
"Sinong kapatid ko ang tumawag sa'yo? Si Kuya Sonny ba?"
Huminga akong malalim sa tinanong niya at sa conclusion niya.
"Yeah," walang ganang sagot ko.
"So, you're close with Kuya pala?"
"No!" Agad na sagot ko. "I am not close with Sonny Lizares. I am not close with any of your brothers!" I said with conviction.
He chuckled agad and bahagyang pinasadahan ako ng tingin.
"Chill. I'm just asking."
"Ewan ko sa'yo. Magkapatid nga kayong dalawa, tumatawa kahit wala namang nakakatawa," iwinasiwas ko ang kamay ko sa kaniya. "Iidlip lang ako, pakigising na lang ako 'pag nasa bahay na. Salamat," at hinarap ko ang bintana sa side ko, pumikit para makatulog.
Nagmulat ako nang maramdaman ko ang hindi sementadong daan. Kunwaring kinukusot-kusot ko pa ang mata ko para matawag na bagong gising kahit na pumikit lang naman ako buong biyahe pero ang diwa ko, gising na gising.
Tama lang pala ang pagmulat ko, malapit na kami sa bahay. Mabilis nga siyang magmaneho.
Saka lang ako gumalaw para ayusin ang sarili nang nasa tapat na kami ng gate. Tinanggal ko muna ang seatbelt at ngumiti sa kaniya.
"Thanks for the hitch, you don't need to go inside. Ako na ang magsasabi kay Mama," casual na sabi ko.
Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Agad kong binuksan ang pintuan ng kotse at maingat na bumaba.
Bago ko pa man maisarado ang pinto, napigilan na niya ako.
"Wait..."
Napahigpit ang hawak ko sa pintuan ng kotse niya at pinilit ang sariling ngumiti.
"Available ka naman tomorrow, right?"
Bakit? Anong meron?
"Uh huh."
"I just want to invite you tomorrow, sa Old House."
Teka, teka, teka sandali! Tomorrow? Invite? Punyemas, MJ? Is he asking you for a date? Pigilan mo!
"Anong meron?"
Oh shit! Really, MJ?
"Just a little celebration. Pumunta ka. I will be expecting you. Nine pm."
"Okay," at dahan-dahan kong isinara ang pinto ng kotse niya. Umatras para maka-alis na siya at no'ng nawala na sa paningin ko ang kotse, saka ko kinutusan ang sarili. "Okay? Anong okay, MJ?"
Punyemas ka! Bakit hindi ka tumanggi? Ano na? Ano 'yon? Date? Anong i-ccelebrate namin? 'Yong matiwasay naming pag-uwi sa ciudad? Punyemas ka talaga, Maria Josephina Constancia! Pagtanggi lang, hindi mo pa magawa!
Buong gabi akong binagabag ng sinabi ni Darry Lizares. Bakit kasi? Ano bang meron? Bakit? Ah shit!
~
Dahil sa kakulangan ko ng tulog kagabi, buong araw naman akong humilata sa kama ko sa araw ng Sabado. Iniisip pa rin kung anong meron. Kung susunduin niya ba ako o ako mismo ang pupunta at doon na lang kami magkikita? Hindi ko alam. Hanggang ngayon, ito pa rin ang iniisip ko kasi mamayang gabi na 'yong sinasabi niya. Dinner ba o chilling night lang sa Old House? I don't punyemas know!
Ito ang unang pagkakataon na na-bother ako sa isang imbitasyon ng isang tao. Never in my life na pinag-isipan ko nang mabuti. Ngayon lang at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na alam, kasi iba ang gustong sabihin ng utak at taliwas no'n ang inilalabas ng bibig ko. Ah punyemas! Ngayon pa talaga kayo hindi magkasunod, e, ginagawa na natin 'to ng ilang taon?
Mag-isa ako sa bahay. Mga kasambahay lang ang kasama ko kasi bumisita si Mama sa planta tapos si Papa ay binisita ang sugarcane plantation nina Tito Arm at Tito Perl. Harvesting time na rin kasi.
Buong araw akong tulog kaya hindi ako nakasama. Hanggang umabot na ng gabi.
"Alice, uuwi ba sina Mama?"
Habang naghahanda ng hapunan ang mga kasambahay, kinausap ko na ang isa sa pinakamalapit at pinakamatagal na katulong namin sa bahay.
"Tumawag kanina si Madam, Ma'am MJ, sinabi na sumunod daw si Sir Resting sa planta kaya bukas pa sila makakauwi." paunang sabi ni Alice. "Tapos pinapa-remind ni Madam ang tungkol sa party."
Doon naagaw ni Alice ang atensiyon ko.
"Party? Anong party?"
Isang matinding kibit-balikat ang sagot ni Alice sa akin na sinabayan niya ng salita.
"Walang nabanggit si Madam kung anong party, e. Ang sabi niya, party lang daw. Baka alam mo na kung ano 'yon."
Napangiwi ako sa sinabi ni Alice. Wala naman akong nalalaman na party dito sa ciudad namin. O baka hindi lang ako na-inform? Pero imposible. 'Pag usapang party, updated ako. O baka naman dahil hindi nila alam na nandito ako ngayon sa ciudad tapos akala nila nasa Bacolod pa rin ako kaya baka... imposible talaga!
"Baka hindi ako makakapunta, may ibang errands ako." Wala naman akong idea tungkol sa tinutukoy ni Mama kaya mas pupuntahan ko 'yong sigurado, kaysa sa hindi.
Nagpatuloy ako sa pagkain. Napagdesisyunan ko kanina na kakain muna ako ng hapunan bago pupunta ng Old House. Pang chilling night lang kasi ang place na iyon kaya naisip ko na baka magchi-chill lang kami. Pero bakit nga hindi ka tumanggi, MJ?
"Erna, pakisabi kay manong Bong na ihanda ang kotse ko, aalis ako."
Matapos kong maghapunan at habang nagliligpit ang mga katulong ay in-approach ko na ang isang katulong na mas bata sa akin. Si Alice kasi, halos kasing edad ko lang din kaya hindi siya nagpo-po at opo sa akin.
"Dadalhin n'yo po ba si Kuya Bong, Ma'am?" Tanong ni Erna.
"Hindi na, ako na mismo ang magda-drive. Salamat, Erna," huling sabi ko bago ako pumanhik sa kuwarto at nag-ayos.
Quarter to nine na pero heto pa rin ako't undecided kung anong isusuot.
Teka, sandali nga lang, ba't ko ba pinag-iisipan ang isusuot ko? Usually naman, 'pag pupunta akong Old House, minsan nakapambahay lang ako, e. Ay shit!
"I don't want to put some effort, baka mag-assume siya," wala sa sarili kong sinabi.
I chose the Distressed Boyfriend Jeans with plain fitted white shirt as my upper garment. I wore the white Converse Chuck Taylor All Star Low Top for the shoes. Small Quilted Chain Bag ng Chanel lang ang dinala ko para lagyan ng phone and some cards and money, in case ako ang pagbayarin ng lalaking iyon.
I applied nude matte lipstick. 'Yon lang, ayoko nang pabonggahin ang mukha ko, baka isipin niyang nagpapa-cute ako sa kaniya which is a bluff. Like never mangyayari 'yon.
I messed my hair a little bit then I'm off to go.
Patakbo akong bumaba ng hagdan dahil pagtingin ko sa relos ko, it's past nine na.
Pagkalabas ko ng bahay ay nakaabang na si manong Bong sa nakabukas na driver's side. Si Alice at ang ibang kasambahay ay nasa tabi lang ng pinto.
"Thanks, manong Bong," nakangiti kong sabi. Naka-on na ang makita nito. "Pakisabi na lang kina Mama na nasa Old House lang ako, in case tumawag."
Hindi naman talaga inaalam ng parents ko ang whereabouts ko, in case lang naman.
"Mag-ingat kayo, Ma'am MJ. Tawag lang po kayo kung magpapasundo na kayo, Ma'am," nakangiti ring sabi ni manong Bong.
"Ingat, Ma'am MJ," halos sabay-sabay na sabi ng mga katulong kaya tinanguan ko lang sila at sumakay na sa kotse.
Si manong Bong na mismo ang nag-close ng door at umalis na ako.
'Wag masiyadong bilisan ang pagda-drive, MJ, napaghahalataan ka.
~
Marunong akong mag-drive ng kotse. I was taught by Kuya Yosef when I was still thirteen years old. Tamad lang talaga ako that's why I have Manong Bong as my personal driver since elementary up to now. Dati, ang rason ko kung bakit may driver ako kahit na marunong na naman akong mag-drive ay dahil bawal pa akong magka-kotse. Ngayong nasa tamang edad na ako, hindi ko pa rin dinadala ang kotse sa Bacolod dahil ayoko lang, tamad lang kasi ako, atsaka magastos sa gasolina, ipang-iinom ko na lang ang pera, marami naman akong kaibigan na may kotse, e, I can hitch. Manong Bong is my driver lang kung uuwi na ako ng ciudad from the kabisera. Bali, sinusundo lang ako ni Manong Bong kung uuwi na akong ciudad. Hence the scene when that Darry Lizares fetch me.
Malayo pa lang ako sa Old House, kitang-kita ko ang parking lot a jampacked sa dami ng kotse.
Anong meron? Ba't ang daming kotse?
Pero sabagay, Sabado nga pala ngayon.
Nang makakita ng space sa parking lot, agad kong p-in-ark ang Ford Explorer ko. Nag-retouch muna ako nang kaonti gamit ang press powder bago ako lumabas ng kotse.
It's so unusual, bakit ang ingay ng Old House? The music is booming. Alam kong may nagsasalita sa microphone pero hindi ko lang ma-gets kasi hindi ko masiyadong marinig.
Saktong palabas ako ng parking space nang may nakasalubong akong couple. Tumingin ako sa dalawa, ganoon din ang lalaki at ganoon na lang din ang nagawang pagtigil namin nang makita ang mukha ng isa't-isa.
Halata sa mukha niya ang gulat habang nakaturo pa sa akin, 'yong kasama naman niyang babae ay nakangiti rin sa akin. Ako naman, naka-half smile lang kasi ayokong mag-conclude, baka hindi naman siya 'yon.
"MJ? MJ Osmeña?" At hindi pa siya nakuntento sa nakita at nagtanong pa talaga.
"Hey!" Nang makumpirmang siya nga ay ngumiti ako nang malawak sa kaniya.
"How are you, MJ? It's been ages!" Bahagya siyang kumalas sa pagkakaakbay sa kasama niya at nakipagkamayan sa akin.
Funny how everything becomes formal.
"I'm good, I'm good, Just. You? I heard you're married?"
Mas lalong lumawak ang ngiti niya at bumalik sa tabi ng kaniyang kasama. Inakbayan niya ulit ito.
"Good, good. This is my wife nga pala, Gelanie. And wife, this is MJ Osmeña, the future engineer of the Osmeña clan!" Vice versa niya kaming ipinakilala sa isa't-isa.
Makikipag-shakehands na sana ako nang bigla siyang lumapit sa akin at nakipag-beso.
"It's so nice to finally meet you, MJ! I'm a good friend of your cousin, Ada Osmeña," matapos makipag-beso ay 'yon agad ang sinabi niya.
Ngumiti ako.
"Wow! It's a small world, I didn't know that? But yeah, nice to meet you too. You're a great singer, by the way," puri ko sa kaniya.
Kaay familiar siya sa akin dahil isa siyang sikat na singer na rito nakatira sa probinsiya namin.
"Thank you, MJ. By the way din, kararating mo lang ba?" Pag-iiba sa usapan ni Gelanie.
"Uh yeah," confuse man ay nagawa ko pang sumagot.
"Kanina pa nagsimula ang party, MJ. Bakit ngayon ka lang?" Si Justine naman. Mas lalo akong nagtaka sa pinagsasabi nila. Party? Kanina pang nagsimula? "But anyways, kailangan na naming umuwi. Gelanie needs to rest for the baby," pag-iiba ni Justine sa usapan.
Nanlaki ang mata ko at automatic na napatingin sa tiyan ni Gelanie.
"Wow! Congrats!" Sinserong sabi ko sa kanila.
Wow! Look how fast the time flies. I may not know their love story pero sinsero ako sa kasiyahan ko para sa kanilang dalawa.
Justine Saratobias was one of my flings in the past. I was once called him a lame kisser but look at him now, he has a beautiful wife and he will soon be a father. Ang bilis ng panahon!
"So, nice seeing you again, MJ, and sana hindi na ito ang huli, sa social media na lang ako nagkakaroon ng balita sa'yo, e. Hayaan mo, kukunin kitang ninang ng magiging anak ko."
Natawa ako sa sinabi ni Justine.
"Sige, sige, aasahan ko 'yan."
At hindi na namin pinahaba ang paalaman namin. Halata na kasi sa mukha ni Gelanie ang pagod at antok. Alas-nuwebe pa lang pero reasonable na 'yon sa isang babaeng buntis.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Medyo malayo pa ang entrance ng Old House sa pinagparkingan ko kaya hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakarating sa mismong gusali.
May malaking arko na may pangalang Old House ang nasa entrance. Pinalamutian ng mga chrismas lights at iba pang flower vines. Dumaana ko sa arkong iyon nang nakangiti, ewan ko ba. Hindi ko mapigilan, e, excited ako. At hindi ko alam kung bakit.
"MJ Osmeña!"
Kakapasok ko pa lang sa open space entrance ng Old House, may tumawag na naman sa pangalan ko.
Agad akong napalingon sa left side, kung saan ang mga tables at iilang couches. Outside tables 'yon to be exact. At marami ang nandoon na pamilyar na sa akin.
"Bakit na-late ang isang MJ Osmeña sa ganitong klaseng party?"
May lumapit sa akin na isang pamilyar na lalaki. Katulad nang nakita ko kanina, meron din siyang ka-hawak na kamay.
"Albert Ballesteros?" Gulat na tanong ko sa kaniya.
"Yes, MJ, the one and only!" Nakangising sabi niya sabay pakita sa basong bitbit niya. "Babe, this is MJ, a good friend of mine."
Automatic akong napatingin sa chinitang babae na ka-holding hands niya. Tipid at mukhang nahihiya siyang ngumiti sa akin. Kaya nginitian ko siya ng todo.
"And MJ, this is Alyssa, the Misis Ballesteros," at ngayon ay siya naman ang ipinakilala sa akin na nginitian ko ulit.
"Hi! Nice meeting you!" I offered my hand na agad din naman niyang tinanggap.
"H-Hi, nice meeting you too, MJ," nahihiya pa ring sabi niya.
"Congrats nga pala sa wedding. You two did it last month, right?"
"Yeah, yeah. You're invited, bakit hindi ka pumunta?" Ani Albert.
"I was busy, timing din kasi na finals na noon kaya hindi ako nakalusot. Pumunta naman sina Mama, 'di ba?"
"Ninang Blake is our ninang. E, ikaw, kaibigan kita, hindi ka pumunta. Mabuti pa 'yong twins, nakapunta," napa-iling si Albert. Bahagya namang natawa ang asawa niya.
"Babawi ako sa magiging anak n'yo. As early as now, magpapalista na ako bilang ninang. Ano, okay na?" Biro ko.
Tumawa si Albert sa sinabi ko.
"Sige, sige, kukunin ka naming ninang. Ayos 'yon kasi ang ganda ng ninang nang magiging anak namin," medyo maliit pero may hinhin ang pagkakasabi ni Alyssa no'n.
"Asahan n'yo 'yan," sabi ko at nagtawanan kami. Matapos humupa ang tawanan, nagsalita ulit ako. "Albert, Alyssa, I'll excuse my self muna. I need to meet someoen pa, e, baka kanina pa naghihintay."
Matapos kong sabihin 'yon ay kitang-kita ko ang gulat na bumalatay sa mukha ni Albert.
"Someone? Hmmm, is that Raffy Javier?"
What?
Ngayon, ako naman ang nagulat sa sinabi ni Albert.
"Raffy? What's with Raffy?"
"Hindi mo ba ka-fling si Raffy? Bali-balita kasi na nagkakamabutihan na raw kayo."
"What?! No! Me and Raffy are just friends, close friends to be exact. There's nothing going on between us," I said in a normal tone masking my panicking state.
How did they knew him? Sikat ba siya? As far as I remembered, Raffy is not from our ciudad. Sa karatig-bayan siya nakatira.
"Don't be defensive," natatwang sabi ni Albert na iniharang pa ang libreng kamay sa akin. "Maybe rumors lang 'yon, but anyways, papaalisin na kita. Masiyado ka ng late kaya pumasok ka na sa loob." Iwinasiwas naman niya ang kamay niya sa akin. Indicating na pinapaalis na niya ako.
Napa-irap na lang ako at nginitian ang asawa niya.
"Bye, Alyssa, nice meeting you again," kumaway pa ako gamit ang daliri sa kaniya.
Ngumiti rin siya sa akin at si Albert naman ang nginitian ko.
"Bye, Albert, see you around."
Hindi ko na hinintay na makasagot si Albert kasi iniwan ko na sila roon at nagpatuloy sa paglalakad.
Habang papalapit ako sa mismong premises ng Old House ay lalong lumalakad ang upbeat music na naririnig ko kanina pa. And this time, I'm really sure there's a DJ playing inside the Old House.
Sa bawat paglalakad papuntang entrance ng Old House, may mga bumabati sa akin na nakakasalubong ko. Nginingitian, binebesohan, at hina-high five ko naman sila pero hindi na ako nakikipag-usap dahil nga baka naghihintay na siya. Sobrang tagal pa naman ng usapan namin kanina sa labas nina Albert at Justine.
Umakyat ako sa kahoy na hagdan tapos pumasok na ako sa pintuan.
Napahinto pa ako sa mismong hamba dahil nag-adjust muna ang mga mata ko. Sobrang liwanag kasi sa labas tapos pagpasok sa loob, mga nakakaduling na nagsasayawang neon lights ang sumalubong sa akin.
Nang maka-adjust ang mata ay agad kong iginala ang tingin sa paligid.
Wow! As in wow!
Ang daming tao sa loob ng Old House. Kung marami na ang tao sa labas, mas lalong marami rito sa loob. Sobrang punuan na ang dancefloor at nagsasayawan na ang mga tao.
Hindi na bago sa akin ang ganitong klaseng senaryo, halos kabisado ko na nga ito, e. Pero ang ikinagugulat ko lang, kung bakit ganito na ang Old House. Hindi naman kasi club ang Old House, isa lang itong lumang buhay na ni-renovate into a restobar or simpleng chilling place na puwedeng inuman pero hinid sa pagsasayawan.
Ngayon, naging ganito na ang Old House. Meron namang club or bar sa ciudad namin pero sa JPS 'yon, hindi sa Old House.
Ano ba ito? Tama ba ang pinuntan ko? Sandali, teka lang... hindi kaya ito ang ibig sabihin niyang celebration? So ibig sabihin, hindi lang ako ang invited? Teka, ano ba 'to? Prank?
"OMG! As in Oh, my God!"
Napatingin ako sa kanan ko nang may narinig akong hysterical na sumigaw.
Naiinis ako sa naiisip ko kaya nakakunot ang noo kong napatingin sa kung sino man siya.
"The soon to be Engineer Maria Josephina Constancia L. Osmeña is here! Right in front of my face!" May pagtili pang sabi niya habang nakanganga at parehong nakalahad ang kamay sa kaniyang harapan.
Sino ba 'to?
I'm not originally rude, pero dahil nga sa napagtanto ko, parang nawalan ako ng gana makipagsalamuha sa mga tao. Dinagdagan pa na hindi ko kilala ang baklang ito tapos tinawag pa ako sa buo kong pangalan. Sinong hindi maiirita?
"Ay wait... I know you forgot about me so allow me to remind you of my existence," may pilantik sa mga kamay na sabi niya kaya hinarap ko ang buo kong katawan sa direksyon niya. Inayos niya ang tindig niya at nakapamaywang na humarap sa akin. "Ako ang lalaking ginahasa mo sa likuran ng gym... My name is Rocky Alexis Geroso aka Alexa Geroso, twenty-three years old, from the Perlas ng Silangan, Pilipinas!"
Matapos niyang sabihin 'yon ay bonggang-bongga niyang itinaas ang dalawa niyang kamay.
Teka, sandali... ano nga ulit 'yong pangalan niya?
"Now, you remember me, girl?" Nakataas ang isang kilay na sabi niya.
Pilit kong inisip ang unang sinabi niya kaya nag-iwas ako ng tingin.
Rocky Geroso, the guy I kissed at the back of the gym but he refused it but eventually gave in. That's how I knew he's soft inside.
"Rocky?" Gulat sa lahat nang gulat na tanong ko habang nakaturo pa sa kaniya.
"God! I am! But tone down your voice, call me Alexa."
Ang baklang pinatulan ko rati! Oh gush, the Rocky Geroso!
Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. I can't really describe his overall appearance but it's screaming some highly fashion sense.
"Oh, my God! It's you!" Pag-uulit ko.
"Aba, girl, paulit-ulit na lang ba tayo? Oo nga, ako nga ito, si Rocky na naging fling mo - which was ew," may pagngiwi pang sabi niya sa fling part na agad tinawanan ng katabi niya.
Tiningnan ko ang katabi niya. Isang foreigner ang nasa tabi niya, mahigpit na nakapulupot ang kamay ng guwapong foreigner sa baywang ni Rocky ay este Alexa pala. Saktong pagtingin ko sa mukha, hinalikan niya si Alexa nang maka-ilang beses.
Nagulat ako. As in!
"Wow! Ang laki ng pinagbago mo!" Halos pasigaw na sabi ko kasi hindi na kami magkarinigan sa ingay ng music.
"Ikaw naman, wala kang pinagbago!" Pasigaw na sagot niya na tinawanan ko lang. "Well, except sa naging mas maganda ka from the last time I saw you. But still, wala ka pa ring pinagbago, lalakero ka pa rin! Oh, my gush, MJ! From Chuck Francisco to Engineer Sonny Lizares to Raffy Javier in just one year. Wow, MJ, wow!
Unti-unting napawi ang ngiti ko sa huling sinabi ni Alexa.
"Sandali, sandali, let me clarify you something. Hindi ko naging fling si Sonny. As for Raffy, he's just my friend, college close friend."
Nagsalubong ang kilay niya, na parang hindi naniniwala sa mga pinagsasabi ko. Tapos biglang nag-iba ang expression ng mukha niya na parang may naisip.
"The thing about you and Sonny... were just rumors? Oh, my God! It's not true?"
Umiling ako.
"Nope."
"And Raffy? Ang anak ng pinakasikat na abogado sa probinsya natin? Friends lang?"
Ha? Anak siya ng isang abogado? Pinakasikat? Anak siya ni Atty. Harrington Javier? Bakit hindi ko alam 'yon? Kaibigan ko ba talaga si Raffy? Ba't wala akong alam?
"Just friends. No malice."
"Oh? Usap-usapan kasi na... kayo na?"
Bigla akong natawa sa sinabi ni Alexa.
"Nevermind that. Hindi 'yan totoo. You knew my reputation, I don't do boyfriends."
"Sabagay..." Napabuntunghininga siya. "By the way, this is my husband... Colt Scott," at sa wakas ay pinakilala na niya ang kanina pang nakapulupot sa baywang niya na animo'y aagawin ko sa kaniya. Sabagay, may nakaraan din naman kami ni Rocky. "And this is MJ Osmeña, the girl I was talking about."
"Nice to meet you, Colt," nakangiting bati ko at nakipag-shakehands na sa kaniya.
"Nice to meet you too, MJ."
Nasa ganoon kaming estado nang biglang may tumapat na spotlight sa akin. Sabay no'n ang narinig kong sabi ng DJ.
"MJ Osmeña is in the house!"
"Whooooooo!"
Sigawan agad ang kasunod na narinig ko habang pilit na inaaninag ang puwesto ng kung sino man ang nagsalita. No'ng makita ko siya, napa-iling na lang ako at nginisihan siya.
Panandalian lang ang naging gulat ko dahil napalitan ito ng ngiti. Tinatanguan, nginingitian, kinakawayan ang mga nandoon sa dancefloor na nakakakita sa akin.
Nagpatuloy din naman ang sayawan nang mawala na sa akin ang spotlight.
"Emjaaaaaaay!"
Lilingon na sana ako sa puwesto nina Alexa at Colt nang biglang may sumigaw na naman sa pangalan ko. Ngayon, sigurado akong lumabas na ang voca chords nang sumigaw dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya. Hinigitan niya pa ang music sa sobrang lakas.
Lumampas ang tingin ko sa likuran ni Alexa dahil doon ko narinig ang sigaw. Kahit na medyo madilim sa loob, kita ko pa rin ang pagkaway nilang lahat.
Nandito sila?
"Your friends are here. You should go to them."
Napabalik ang tingin ko kay Alexa at ngumiti sa kaniya.
"Nice bumping to the both of you, Alexa and Colt."
Nakipagbeso si Alexa sa akin at tumango lang si Colt bago kami nagkahiwalay ng landas.
Naglakad ako papunta sa table ng mga kaibigan ko at habang papalapit ay halos nagsabay na nagsilakihan ang bibig at mata ko sa gulat. Naituro ko pa sila.
"Nandito na kayo!!!" Sigaw ko habang nasa ganoong posisyon.
Mahigpit na mahigpit ang naging yakap ko sa kanilang dalawa. Bahala sila kung hindi sila makahinga. Anim na buwan ko silang hindi nakita. Anim na buwan ko silang hindi binulabog.
"Ang higpit ng yakap! Na-miss ko 'to," sagot ni Vad sa akin habang nasa ganoon pa ring situwasiyon. Si Mah naman ay natawa na rin pero sabay din naman nila akong niyakap pabalik.
"Miss na miss na kita, MJ!" May panggigigil na sabi ni Maj.
Ilang segunso akong yumakap sa kanila at ako na mismo ang unang kumalas. Pinagpipisil ko ang mga pisnge nila.
"Grabe kayo! Nandito na pala kayo, bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin?"
"Are you surprised?" Natatawa pa ring sabi ni Maj.
"Aba, oo! Ano sa tingin mo ang reaksyon ko ngayon? Nagluluksa? Siyempre, na-sorpresa talaga ako, akala ko hindi na kayo uuwi, e."
"Good. 'Cause the goal is to really surprise you. Hindi nga sinabi ng girls na pupunta sila sa party, e, for the sake of this surprise pero bakit ang tagal mong pumunta? Kaninang eight pm pa nag-start ang party," ani Vad na nagpakunot ng noo ko.
"And it's so unusual na late ang isang MJ Osmeña sa ganitong klaseng party," dugtong ni Maj na mas lalong nagpataka sa akin pero nanatili akong tahimik.
"Hoy, bruha! Ba't late ka?" Singit ni Jessa kaya agad akong bumeso sa kaniya. Nagsunuran naman ang iba.
"Haler, Jess, party ng isang Lizares 'to. You know naman na ayaw ma-link ng bruhang 'yan sa mga Lizares," ani Nicole.
"Pero it's still a fucking party! Papalampasin ba ng isang MJ Osmeña 'to?" Iiling-iling na sabi ni Jessa.
"Sandali nga lang, ano bang mga pinagsasabi n'yo?"
Bago pa man masagot ang tanong ko, naagaw na ang pansin ko sa isang spotlight na diretsong nakatutok sa pangalawang lamesa mula sa table namin at ng isang announcement na nagpagulantang sa akin.
"It's now for the second part of the party! Unlimited drinks brought to you by the birthday celebrant... Darry Lizares! Happy birthday, boss Darry!"
~
Tumagal ang titig ko sa puwestong 'yon. Tumagal ang titig ko sa lalaking tumatawa habang binabati ng kaniyang mga kasamahan. Tumagal ang titig ko sa lalaking ang kaniyang katawan ay tila ba hinulma ng isang iskultor, perpektong-perpekto at bakat na bakat ang kaniyang katawan sa suot na checkered polo shirt, dagdagan pa nang hapit na hapit na fitted jeans. Tumagal ang titig ko sa kaniyang mukha na perpekto, magkakapareha man sila ng mukha na kaniyang mga kapatid, alam kong may kakaiba sa kaniya dahilan para mas umangat siya sa iba niyang kapatid. Tumagal ang titig ko sa kaniya na may naka-angklang brason ng isang babaeng tila modelo sa aking paningin, parang isang Miss Universe sa sobrang ganda pati na sa pangangatawan.
"B-Birthday niya?" Wala sa sariling naitanong ko habang nararamdaman ko sa loob ng sistema ko ang pagsabog ng isang granada.
Panganib. Oo, panganib nga ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako, ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis, para itong madudurog.
"Yes, bruha, birthday ni Kuya Darry kaya halika, bumati ka. Late ka na nga, ang kapal pa ng mukha mo kung hindi ka man lang babati," hinigit ako ni Lorene.
Isa na naman akong tuyong dahon, nagpapadala sa hangin, kasi nawalan ako ng lakas sa lahat nang napagtanto.
Ito ba? Ito ba ang celebration na sinasabi niya? Isang birthday celebration? Bakit ba hindi ko naisip 'yon? Bakit inisip ko na kaming dalawa lang? Bakit hindi ko... punyemas!
Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ba nakakapanlumo lahat ng nalaman ko? Bakit ba? Hindi ko kasi maintindihan kung ano itong nararamdaman ko. Mabilis ang tibok ng puso ko at alam na alam kong kinakabahan ako. Pero sa ano? Ano ba dapat ang katakutan ko? Bakit sa sobrang bilis, feeling ko nadudurog na ito? Tama pa ba itong nararamdaman ko?
"You came!"
Napakurapkurap ako nang biglang nasa harapan ko na siya. Dinala nga ako ni Lorene sa table nila at nasa harapan ko na nga siya ngayon.
Pagak akong tumawa sa lahat nang napagtanto.
"H-Happy birthday. Sorry, wala akong gift. Hindi ko kasi alam," pinilit ko ang sarili kong ngumiti kahit na sa loob ko, kaliwa't-kanan na ang giyera dahil gustong kumawala ng puso ko sa hindi malamang dahilan.
"It's fine. Your presence is enough. Have you eaten? There's a buffet table near the DJ's area."
"Ako nang bahala sa bisita mo, Charles."
Napapikit ako ng mata nang marinig na nga siyang magsalita. Nahagip na siya ng mata ko kanina pero binalewala ko, mas malakas ang enerhiyang hatak ng kapatid niya kaya hindi ko siya pinagtoonan ng pansin.
"I can take care of myself. Don't worry about me," pilit akong ngumiti sa magkapatid na nasa harapan ko na ngayon. Wala na akong pakialam kung anong dating ng ngiti ko sa kanila, basta maitago ko lang ang magulo kong sistema ay okay na.
"MJ!"
For the nth time, someone shouted my name again. It's from the next table.
Laking pasasalamat ko at tinawag ako ng mga pinsan ko. Ngumiti ako sa magkapatid sa huling pagkakataon bago ko pinuntahan ang puwesto ng mga pinsan ko.
Nandito halos lahat at inisa-isa ko silang binati.
"Bakit ngayon ka lang? Ang sabi ni Tita Blake kahapon ka pa umuwi, a?"
Matapos ang batian ay tinanong na nga ako ni Ate Die.
"Nasa labas lang ako, may mga kinausap pero kanina pa talaga akong dumating," pagdadahilan ko. Kasi ayokong sabihin na alas-nuwebe ako pinapunta ng taong akala ko siya lang ang makakasama ko tonight.
Teka, MJ, ba't disappointed ka?
"Oh, well, at least she's here!" Sabi naman ni Steve.
Nakipag-usap muna ako sa mga pinsan ko bago binalikan si Lorene sa kabilang table at siya naman ang hinigit ko pabalik sa table namin.
Nang makita ko ang isang bote ng Jose Cuervo Silver ay walang pagdadalawang-isip ko itong kinuha at binuksan.
Pagkabukas ay agad ko itong tinungga.
Breaking News! MJ Osmeña, tinungga ang isang bote ng Tequila. Nice!
"Whoa!" Narinig kong sabi ni Maj.
"Kalmahin mo ang atay mo, MJ!" Ani Paulla.
Dalawang lagok lang ng tequila, straight from the bottle, ay tumigil na ako. Padabog kong inilapag ang bote na hindi man lang nangalahati at padabog ding umupo sa couch, sa gitna ni Lory at Ressie.
Yes, the barkada is complete.
Naramdaman ko ang init ng alak na diretsong tinungga ko pero sinawalang-bahala ko iyon kasi mas lamang ang pagka-irita ko sa mga nangyayari sa paligid ko. Nakakairita! Sobra!
"Okay ka lang, MJ?" May pag-aalalang tanong ni Ressie.
"Hayuk na hayuk sa tequila, a? May problema ka ba?" Pagbibiro ni Lory pero alam kong nagtataka rin siya sa biglang ginawa ko.
Ngumiti ako sa kanila para hindi na sila magtaka.
"It's been weeks since that last time I drank that one kaya nami-miss ko lang," pagdadahilan ko.
Kinuha ko ulit ang bote at tinungga na naman. Dalawang lagok ulit at naibaba ko ulit ito. This time, alam kong medyo umiikot na ang mundo ko. Medyo lang naman. Kung pagsasamahin ang ginawa ko, apat na normal shots lang 'yong tinungga ko.
"Hey! You should eat first before drinking. And it is not advisable to drink that straight from the bottle."
Psh.
Napaangat ako ng tingin sa nasa harapan namin ngayon. Masama ang tingin niya sa akin kaya sinmaan ko rin ng tingin.
"I told you, I can take care of myself," madiin kong sabi.
"MJ, sa tingin ko tama si Kuya Sonny, kumain ka muna," sabi ni Paulla kaya napalingon ako sa kaniya.
"I'm done eating, nakapag-dinner ako sa bahay," sagot ko at tumingala ulit ako sa kaniya. "Hindi mo na ako kailangang alalahanin kasi kaya ko ang sarili ko, Sonny. Kaya puwede ka nang bumalik sa table mo kasi may pag-uusapan pa kami ng mga kaibigan ko," casual na sabi ko.
Nanatiling masama ang tingin niya sa akin. Hindi naman ako nagpatalo at nakipagsukatan ng tingin hanggang sa nawala na siya sa harapan ko. Doon lang ako nakahinga nang maluwag.
Sumandal ako sa couch at mariing ipinikit ang mga mata.
"Bakit hindi n'yo sinabi sa akin na birthday ni Darry Lizares?" Kalmadong tanong ko pa.
"Hindi mo ba alam?" Nagtatakang tanong ni Jessa.
"Ang akala namin, alam mo kaya hindi na namin binanggit sa'yo," kibit-balikat na sagot ni Nicole.
"At kung babanggitin man namin, paniguradong hindi ka pupunta. Lizares 'to, e." dugtong ni Paulla.
"Teka, sandali... hindi mo alam na may party dito sa Old House? E, paano ka nakapunta rito kung wala ka pa lang idea?"
Para akong binombahan sa naging tanong ni Lory. Tama siya, wala nga akong alam sa party na ito kasi ang akala ko kakain lang kami at mag-iinuman ng birthday celebrant na, first of all, hindi ko alam na birthday niya pala ngayon. Ang sarap sumigaw! Ang sarap manakit kasi nakakairita!
"'Wag na lang nating pag-usapan 'yan, mabuti nga't nakapunta 'to, e, edi sira ang plano kung hindi, kasi hindi man lang nating kinontak?" Matapos ang ilang segundong katahimikan ay binasag na iyon ni Vad.
Napa-iling na lang ako sa sariling naisip. Nginitian ko ang mga kaibigan ko at niyaya silang sumayaw para hindi nila mahalatang merong bumabagabag sa akin. Hindi nila puwedeng malaman na may interaction na kami ni Darry Lizares. Hindi puwede.
Isang oras ulit ang lumipas. Lumalalim na rin ang gabi at nagsisimula na ang mga games. Mga drinking games at adult games to be exact, to spice up the night.
Aminado akong marami-rami na ang nainom ko pero nakakapaglakad pa naman ako nang maayos at straight pa lahat ng nakikita ko at klaro pa sila sa paningin ko.
"For the next game... we will play the beer pong!"
Mas lalong nag-ingay ang lahat sa sinabi ng kakilala kong kanina pa salita nang salita sa microphone. Maski kanina na si Siggy ang tumutugtog ay siya pa rin ang nagsalita.
Nilagyan ng beer pong table ang gitna ng dancefloor. Naka-set up na rin ang mga red cups sa each side.
Naka-crossed arms akong nakatingin sa may bandang dancefloor habang iniikot-ikot ang hawak kong baso ng whisky with cola.
"Ito, special request 'to ni Konsehal Einny Lizares..." Announce naman niya.
Pinasadahan ko pa ng tingin ang pangalawa sa Lizares brothers na ngayon ay happily married na at number one councilor ng ciudad. Pinakabatang konsehal sa buong probinsiya. Una siyang naging konsehal sa edad na twenty-six years old. He's now twenty-nine and bali-balita na tatakbo siya sa susunod na eleksyon, which will happen next year, bilang Vice Mayor.
"Osmeña versus Lizares!"
Napatayo ako nang maayos nang marinig 'yon. Naghiyawan ang lamesa ng pinsan ko at nginisihan sila.
Bumalik ang tingin ko kay Carter, 'yong announcer sa microphone, matapos kong pasadahan ng tingin ang mga pinsan.
"Mula sa angkan ng mga Osmeña, si MJ Osmeña ang mangunguna!"
What the shit?
Naghiyawan ulit ang lahat at nasa akin na ang atensiyon nila. Dahil sa gulat, ang pagkurap ng mata ang una kong ginawa.
"Whooooo! Go MJ!" Sigaw ng mga kaibigan ko sa likod.
"Go, bruha! Kaya mo 'yan! Laspagin mo ang atay mo!" Sigaw ni Jessa na narinig ng lahat kaya nagsitawanan sila.
"Go, MJ! Itaas ang bandera ng mga Osmeña!" Sigawan ng mga pinsan ko kaya wala akong nagawa kundi ang ilapag ang basong hawak at naglakad malapit sa beer pong table.
Mas lalong natuwa ang lahat dahil sa ginawa ko. Ngingisi-ngisi naman ako sa mga nakapaligid sa puwestong iyon. Mas lalong dumami nang nagsipuntahan na ang mga pinsan at kaibigan ko. They formed a circle aroung the beer pong table.
"Another special request from Konsehal Lizares... ang magri-represent sa mga Lizares ay ang girlfriend ni boss Darry na si Miss Callie Dela Rama!"
Boom.
Isang granada na naman ang sumabog sa loob ng sistema ko.
Girlfriend? May girlfriend siya?
Sabagay, sa ganoong klaseng lalaki, imposibleng wala siyang girlfriend kaya ano ba ang nakakagulat.
"No. I won't allow her to do that." Biglang natahimik ang lahat sa seryosong sinabi ni Darry Lizares.
Pa-simple akong yumuko at pinagmasdan ang mga likidong nasa loob ng red cups.
Minsan, mapapaisip talaga ako kung anong feeling nang pagbabawalan kang uminom. 'Yong may magsasabi sa'yong 'wag kang uminom. Gusto kong ma-experience 'yon kaso sa lagay kong ito, mukhang imposible. Tubig na sa akin ang alak, e, at madi-dehydrate ako kapag hindi ako nakakainom. Kung may ila-laspag pa ang atay ko, siguro sagad na sagad na ito.
"Okay, dahil hindi puwede si Miss Callie... maghahanapy tayo ng iba," sinabayan ng tawang sabi ni Carter.
"Change MJ, find another one to compete for the beer pong."
Ow?
Natahimik ulit ang lahat dahil sa baritonong boses niya. Napaangat tuloy ako ng tingin sa kaniya.
"No, I can do this game. I won't mind kung lalaki ang makakalaban ko," nakangiting sabi ko na dahilan para maghiyawan ulit ang lahat. Lumawak ang ngisi ni Carter sa akin na tinanguan ko lang.
"That's MJ Osmeña, the unbreakable Beer Pong Queen!" Sinabi ni Carter.
Hiyawan ulit. Kaliwa't-kanang pagchi-cheer sila na animo'y nasa isang olympic game kami. Olympic game ng beer pong, at ako ang varsity player at gold medalist sa larangang iyon.
"MJ! MJ! MJ! MJ! MJ!"
Pangisingisi kong pinasadahan ng tingin ang mga taong nakapaligid sa akin.
"So, who's going to challenge our beer pong queen?" Announce ni Carter through microphone.
"Ako!"
Umalingawngaw ang isang sigaw.
"Raffy?"
What the shit? Anong ginagawa niya rito?
"Hi, MJ!" Malawak ang ngiting sabi niya.
Nagulat ako sa presensiya niya pero pinilit ko pa rin ang sarili ko na ngumiti sa kaniya.
"So, let's fucking put some twist on the game!" Nakahinga lang ako nang maluwag nang magsalita na si Carter. "Ang mga alak na nilagay sa mga red cups ay ang mga alak na pinaghalu-halo kanina. That's kinda weird but it's fucking tasty guys. Don't worry," dagdag na sabi niya dahilan para matingnan ko ulit ang laman ng red cups. Iba-iba nga ang kulay no'n, na aakalain mong juice lang.
Kunot-noo akong napalingon sa mga kaibigan ko.
"What kind of drink is this?"
"Pinaghalu-halong gin, tequila, vodka, rum, wine, beer, whisky, brandy, soju, at sake," parang casual lang na sagot ni Lorene.
"Shit?"
What the shit! That's gross! Not all alcoholic drinks complement each other!
"Wala ka kasi kanina pag-start ng party, may washing machine na in-organize si Sonny Lizares para sa birthday celebrant tapos pinaghalu-halo nila ang mga inumin, kaya ayan," explanation ni Jessa.
"Washing machine? What the actual fuck?"
Anong kabobohan 'to?
"'Wag kang OA! Bagong bili 'yong washing machine. Masiyado kasing madaming inumin kaya bumili ng washing machine si Kuya Sonny para gawing panghalo sa mga drinks na 'yan," ani Paulla.
Mas lalo akong naloka sa mga pinagsasabi nila.
"Don't worry, MJ, masarap naman daw 'yan, lalo na't may milk," singit ng pinsan kong si Ate Chain na mas lalong ikinasama ng mukha ko.
"Milk?!"
"Ang OA mo naman! Beer pong queen ka, 'di ba? Hindi ka makakainom n'yan," ani Ressie.
"Alam ko 'yan! E, paano si Raffy? Hindi sanay sa inuman 'yan!" Depensa ko.
"Ay, nag-aalala, mukhang tama nga ang rumors."
May sinabi si Nicole pero hindi ko masiyadong maintindihan kasi biglang umingay ang crowd.
Kaya pala hindi niya pinasali ang girlfriend niya. Kaya pala, kasi ang papangit ng inumin. Kaya pala.
Pilit akong ngumiti kay Raffy. Sa pagkakaalam ko sa kaniya, hindi siya sanay sa inuman, lalo na kung hard drinks. Paano pa kaya 'pag pinagsamasama ang mga matatapang na alak? Edi, isang sipsip lang nito, tulog 'to.
"Heads or tails, MJ?" Tanong ni Carter.
Pinag-ekis ko ang braso ko sa harapan.
"'Wag na tayong mag-toss the coin. Let Raffy do it first," cool na sabi ko tapos tiningnan ko si Raffy na may nagku-kuwestiyon na tingin.
"MJ?!"
Narinig ko rin ang mga protesta ng mga kaibigan ko, pero binalewala ko. Nakatingin lang ako kay Raffy na ganoon pa rin ang mukha.
Alam kasi nila na 'pag once nauna ang kalaban, wala akong magiging chance. Unless hindi magawa nang maayos ng kalaban ang pagbato ng bola.
Hindi na rin naman nagreklamo ang iba. Mas lalo pa nga silang natuwa, e.
Ibinigay nila ang pingpong ball kay Raffy. Nasa ganoon pa rin akong posisyon habang hinihintay ang tira niya.
Nakita ko ang paghinga ni Raffy bago sh-in-oot ang unang pinpong ball sa mga basong nasa harapan ko.
Tumama agad 'yon sa pinakagitnang baso. Nag-ingay ang lahat.
Ngumisi ako kay Raffy at saka kinuha ang pingpong ball sa basong iyon. Ibinigay ko sa nasa tabi ko at kinuha ang baso.
Punong-puno iyon at iba-iba ang kulay pero hindi naman nakakarinding tingnan.
Pinigilan ko ang hininga ko at b-in-ottoms up ang unang baso.
"MJ! MJ! MJ! MJ!"
"Idol!"
"Whoooooo!"
"Ang bagsik ni beer pong queen!"
"Go, MJ!"
Habang nilalagok ko ang inuming iyon ay naririnig ko ang mga sigaw ng taong nasa paligid ko.
Nang maubos ay pabagsak kong inilapag ang cup at diretsong nginisihan si Raffy. Tinanguan ko na rin siya para sa next ball niya.
Aaaaaaaaah! Punyemas! Shit! Ang sama ng pabor! Ang sama ng lasa! Ang sama-sama! Demonyo lang ang kayang uminom nito sa sobrang sama! Sobra! Pinipigilan ko na lang ang sarili kong tumayo nang maayos dahil feeling ko umikot ang buong mundo ko. Unang baso pa lang 'yan. Ah, punyemas! Demonyo na yata ako!
Ipinilig ko ang ulo ko para kahit papaano'y mawala ang hilo sa ulo ko. Para rin akong magkakasakit sa sobrang init ng lalamunan ko hanggang sa may dibdib, na bumaba na sa tiyan.
Nagsunod-sunod ang naging tira ni Raffy na tumatama agad sa mga cup. Sampung cup ang meron kami originally. Naka-apat na tira na siya, at pang-apat na baso ko na rin iyon.
Ngayon, sigurado ako, umiikot na talaga ang buong mundo ko. Pa-simple ko na lang na ipinatong ang isang kamay ko sa lamesa para sa suporta.
Naka-posisyon na si Raffy para sa panglimang tira niya. Hindi ko na alam kung anong estado ng mukha ko ngayon pero hangga't kaya ko pang tumayo, tatayo ako.
Pagkatapos ng tira ni Raffy, mas lalong nagkagulo ang lahat dahil tumalbog ang bola.
May nagbigay sa akin ng pingpong ball. Walang anu-anong inihagis ko 'yon nang basta-basta. Hindi ko alam kung sinadya ko o talagang kusang dumaplis lang sa kamay ko. Sabi sa inyo, umiikot na ang mundo ko.
Ngumisi ako kay Raffy to give him a signal to throw the ball.
I don't punyemas care if I'm drunk. As long as I save Raffy from being drunk. Mas sanay ako kesa sa kaniya kaya magpapaubaya ako.
Sinunod naman niya ang gusto kong mangyari at saktong lumanding ulit ang pingpong ball sa basong nasa lower right ng pyramid. Hiyawan ulit ang narinig ko habang kinukuha ang cup na iyon.
Punyemas?
Bago pa man malapat ang kamay ko sa basong iyon, may padarag nang humablot sa kaliwang braso ko at kinaladkad ako.
Sa sobrang bilis, nahirapan pa ang utak ko sa pag-rehistro sa kung anong nangyayari. Para akong nabuhayan ng loob dahil sa nangyari. Sobrang sakit ng kamay ko dahilan para mas lalong mawala ang pagkahilo ko.
"Ano ba!" Buong lakas akong tumigil. "Bitiwan mo nga ako!" Buong lakas din na sigaw ko tapos binawi ko ang braso kong hinahawakan pa rin niya.
Bigo kong nakuha ang braso ko pero tumigil din kami. Ang una kong nakita sa kaniya ay ang buho niya sa may bato. Tapos ay ang mga nag-aalab niyang mga mata.
"Ano bang problema mo?!" Singhal ko sa kaniya, pilit na nilalabanan ang masasama niyang tingin.
Pa-simple kong iginala ang nasa paligid ko. Nasa parking lot na pala kami.
"Ikaw? Anong problema mo?"
Mas lalo akong nainis sa naging tanong niya. May saltik ba 'tong engkantong 'to?
"Bakit mo ba ako kinakaladkad ha? Ano ba? Naglalaro ako roon tapos gagambalain mo ako? Ano ba?!"
Nawala yata ang alcohol ko sa katawan dahil sa sigaw ko sa kaniya.
"Edi bumalik ka sa loob! Ganiyan ka ba talaga ka-hayuk sa inumin at kahit alam mong masama ang lasa, patuloy ka pa rin? At bakit mo binibigyan ng pagkakataong matalo ka niya? Ano? Totoo ba na kayo na?"
Ano bang pinagsasabi ng engkantong ito?
"'Wag na. Nawalan na ako ng gana," kalmadong sabi ko at nilampasan siya sa paglalakad para hanapin ang kotse ko.
Nakakairita siya kahit kailan! Sobra.
"At sinong nagsabi sa'yo na puwede mo akong talikuran? Matapos kitang isalba roon, tatalikuran mo ako?"
Napahinto ako sa paglalakad. Hindi ko nga alam kung straight pa ba itong paglalakad ko, e.
"Sino ka naman para hindi ko talikuran?"
"Aba't!!"
"Ano ba?!" Bigla na naman niya akong hinigit at pinaharap sa kaniya.
Siguradong-sigurado na talaga akong nabuhay na ang huwisyo ko.
"Ano bang problema mo, Sonny?" Sigaw ko ulit sa kaniya.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Nag-aalala ako sa'yo kasi isang inom mo na lang ng inuming 'yon, ma-ooverdose ka na sa alcohol!"
"Edi sana hinayaan mo ako roon. Hinayaan mo akong ma-overdose para naman makarma ako sa lahat ng kagaguhang ginawa ko!" Kinalas ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko at muling naglakad palayo.
Nasa tapat na ako ng kotse ko nang bigla niya akong hinarap at ang unang naramdaman ko ay ang malalambot niyang labi na lumapat sa labi ko.
Punyemas!
Granada na may pinaghalong fireworks ang sumabog sa loob ko. Nagising ang lahat sa sistema ko dahil sa labing iyon. Nabuhayan ako. Nawala ang pagkalasing ko. Granada at fireworks. Panganib at kasiyahan. Posible bang maramdaman ng tao 'yon nang sabay?
Hindi ako makagalaw. Hindi ko magawang i-atras ang katawan ko sa kaniya. Gustong-gusto ko pero masiyado akong nanghihina.
Hanggang sa bigla niyang ginalaw ang labi niya at iyon ang naging hudyat ko para buong lakas ko siyang itinulak.
Habul-habol ang hininga, natigil ang titig ko sa kaniya sa isang baritonong boses na mas lalong nagpasabog sa granadang nasa loob ng sistema ko.
"Kuya, hinahanap ka ni Ayla sa loob."
Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon ng boses at no'ng makita ang walang expression niyang mukha ay para akong sinampal ng sampung beses.
Bakit? Bakit ako nagi-guilty?"
~
Nakauwi ako nang matiwasay sa gabing iyon. Wala na rin akong narinig na issue tungkol sa nangyaring paghigit sa akin ni Sonny. Hindi ko na rin masiyadong inisip.Pero isang buwan na ang nakalilipas, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang halik niya. Punyemas naman!I've kissed guys before, way hotter than that, way intense than that. Smack nga lang 'yong ginawa niya pero punyemas naman! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan.Siguro dahil na-guilty ako sa hindi ko malamang dahilan. Bakit nga ba ako nagi-guilty? Dahil ba isa siyang Lizares at ayaw ko sa kanila o dahil sa may nakakita sa aming dalawa? At sa lahat ng puwedeng makakita, bakit siya pa?I shake my head and stare at the ceiling of my room. Ilang minuto rin akong nakipagtitigan sa kisame. Umaga pa lang pero feeling ko ubos na ang energy ko.Mamayang gabi, makikilala ko na ang pamilyang pinili ng mga magulang ko para
Dumaan ang Pasko, kasal ni Ate Ada at Decart Lizares, at ang bagong taon na wala masiyadong ganap sa buhay ko.Maliban na lang sa pagiging makulit ng engkanto. Sa sobrang kulit, heto na nga siya o, palapit na sa akin.Sunday ngayon at nandito ako sa kabisera para simulan na naman ang panibagong linggo ng pagiging busy. It's the second week of January and ilang araw na rin magmula no'ng magpalit ang taon.I'm trying my best to be cool with Sonny since I knew the merging. I'm trying my best to do everything para lang makalimutan ang lahat ng pag-aming ginawa niya sa nakaraan. Sinubukan ko at hanggang ngayon ay sinusubukan ko pa rin.Gusto niya ako. May gusto siya sa akin. Kaya siguro masaya siya, masayang-masaya siya na kami ang ikakasal. I don't want to pop up his bubble. I'll let him be happy. As if people can be genuinely happy.I'm kind of good at acting pero sa loob ko, hindi
"Ready for hardbound!" Binasa ko ang maliit na note na nakalagay sa sandamakmak na papel na ipinasa namin kanina after ng defense. "Ready for hardbound na tayo!" Muling sigaw ko."'Yon o!""Nice!""Tara na! Pa-hardbound na tayo.""Waste no time, engineers!""Siguradong-sigurado na ba?"'Yan ang sari-saring reaksiyon ng mga project study mates ko nang sabihin ko ang magandang balita sa kanila."Oo nga! Ano? Tara na!" Natatawang sabi ko.Sobrang ingay namin ngayon, mabuti na lang at malapit kami sa field at malayo naman sa buildings. Baka napagalitan na kami dahil sa sari-saring sigaw namin. Sino ba kasi ang hindi matutuwa na ang halos isang taon mong pinaghirapan na project study ay makakapasa sa mga panel? Sinong hindi? Kaya dapat i-celebrate!First week of February, nagkaroon kami ng projec
"April seven is our graduation day!" Masayang sabi ni Ferlen habang binabasa ang nakasulat sa bulletin board. It's an announcement for the graduating students about the date of our graduation day.Sumandal ako sa pader na katabi lang ng bulletin board at in-i-relax ang likod ko habang ang mga kasamahan ko ay abala sa pagtingin sa bulletin board."That's exactly one month from now," ani Alvin."Grabe, grabe, grabe! Isang buwan na lang, graduate na tayo!" Masayang sambit naman ni Joemil kaya napatingin ako sa kaniya.It's our final week. Our last finals. My last examination in college. Pinaaga ang exams namin kasi nga graduating kami, and that's the usual schedule ng mga graduating students ng college.Dahil huling exams ko na, I challenged myself na hindi mag-aral at i-asa lahat sa stock knowledge. So, basically, hindi ako nag-aral para sa finals na ito. So far, so good, meron nam
Mapakla akong ngumiti sa likuran ng aking isipan.I didn't even know he's on a business trip now. I thought it was last week. Wow.Sabagay, wala naman akong karapatang magreklamo kung hindi ko malaman ang whereabouts niya. Wala naman siyang responsibility sa akin, hindi pa naman kami engaged, hindi pa kami kasal, kaya wala akong karapatang magalit kung bakit hindi ko alam na wala pala siya rito. I really thought he's just there on their milling company, experimenting new chemicals for their sugar corporation or whatever the Chemical Engineer do in that kind of company! Wala akong karapatang magalit at magreklamo talaga! Wala talaga! Walang-wala! Punyemas naman, Sonny!Ni-text ba talaga ay hindi mo magawa? Kahit isang 'I'm out of town' message man lang, wala talaga? Wala? Sigurado na ba?Tahimik ako sa buong oras na kumakain kami ng pananghalian. Ang mga pulitiko lang ang ma-iingay, nag-uusap siguro s
Unknown Number:Please, let's talk.MJ...I am not the father of Ayla's child. Please, let's talk, let me explain.Nakatitig ako sa tatlong sunod-sunod na mensaheng natanggap ko gabi nang mag-walk out ako sa Cabalen. Kagagaling ko lang sa isang panandaliang bakasyon sa Pennsylvania nang binasa ko ang mensaheng ito. It's been eight day since that happened, am I up for it? Kahit unregistered numberm alam ko kung kanino 'to... Darry.Siya lang naman ang pinaratangan ko na ama ng dinadala ni Ayla. So, siya ang nag-text. Alangan namang si Sonny... which will never gonna happen!E, sinong ama ng anak ni Ayla? Kung hindi si Darry at Sonny... sino at anong kinalaman ng mga Lizares? Anak ba ng kapatid nila? Sino naman?E, ano bang pakialam ko? Wala naman talaga akong kinalaman kay Ayla. Hindi ko naman siya talaga kaibigan, kakilala lang siya ng kakilala ko. Wala kaming ibang connection bukod ka
I was like a zombie: barely alive, walking, talking, interacting with people.I am in the state of information overload almost losing my sanity. I don't know what to do with that kind of information I just heard. Hindi ko alam paano manimbang. It's very new to me.Hindi ko alam kung paano kami naghiwalay ng mag-jowa with a normal slate basta ang alam ko, naglalakad na kami ngayon ng mga magulang ko palabas ng airport. Kararating lang namin ng Negros from Manila and diretso kami sa bahay na nasa exclusive village ng kabisera. Nandoon na rin ang mga susuotin ko for tomorrow's graduation.Dapat excited na ako ngayon. Dapat masaya na ako. Dapat makahihinga na ako nang maluwag. Pero hindi ko magawa kasi kahit anong palis ng masama kong iniisip, kahit anong pilig ng aking ulo, kahit anong sapaw ng ibang isipin, hindi talaga nawawala ang ipinakaing impormasyon ni Maj at Crisha sa'kin. I know it's not their intention to mention
Holy shit.Punyemas.Hijo Deputa.Ano pa bang mura ang kayang magpawala ng sakit? My head is literally throbbing. Parang tinutusok ng karayom na halos tumibok na sa sobrang sakit.Mariin kong ipinikit ang mata as if it can take away the throbbing pain. Pero walang nagbago kaya mabilisan akong bumangon at binalanse ang sarili nang makatayo at pilit in-adjust ang mata sa nagbabantang liwanag.Una kong tiningnan ang bintana ng kuwarto ko pero close ang curtains nito. Halata naman sa maliliit na siwang na maliwanag sa labas at umagang-umaga na kahit hindi ko naman alam kung anong oras na.Habang nakatayo pa rin sa gilid ng kama, wala sa sarili akong napatingin sa wall clock ng kuwarto.11:22 AM.Tanghali na pala?Nang maka-recover kahit papaano sa sakit ng ulo ay inalala ko ang nangyari kagabi. Alam k
Today is the day I will be judge. Today is the day that all my hardworks will be put into test. Today is the day. Today is the punyemas day!!!!Few days prior to this, everything about me and Darry were going smoothly. Hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa nangyaring iyon. Sa tuwing tinatanong niya ako, ang palagi kong sinasabi ay wala akong maalala dahil sa kalasingan. Hindi rin naman siya nagku-kuwento kung ano kaya pinapalabas ko na baka nga wala kasi parang wala lang naman.Mas lalo lang akong naging abala sa pagpi-prepare sa sarili ko sa papalapit na boards. Everything is sailing smoothly dahil walang mga problema akong natatanggap. Darry is treating me well, my family is constantly sending me messages and telling me to break a leg and everything, also my friends. Kaso ngayong araw, hindi na ako magbabasa ng mga message. Mas pinili ko kasing ilayo muna sa akin ang phone ko. Si Darry din mismo ang nag-suggest sa akin na lumayo muna
"Hello Misis Lizares!" Maligayang bati ni Jessa sa akin nang makarating kami sa bar kung saan daw magkikita-kita ang mga kaibigan ni Darry at ang mga kaibigan ko. As usual, si Crisha, Maj, at Jessa lang ang nandito. Nasa probinsya na naman kasi ang iba.Nakipag-beso ako kay Crisha at Jessa, at bro hug naman ang kay Maj."Himalang nakalabas ka ngayon, bruha?"Matapos ang batian, agad akong inilapit ni Jessa sa sarili niya para yakapin. It's been a while since the last time we saw each other, masiyado talaga akong naging busy sa buhay reviewee ko."Katatapos lang kasi ng mock board at isinama lang naman ako ni Darry dito kaya tinawagan ko na kayo ni Maj." Kumuha ako ng isang shot ng tequila na nasa lamesa at diretsong tinungga.We meet again, ardent spirits!"Ay betsung si papa Darry, pinayagan kang mag-enjoy," puna ni Jessa."Mabuti nga si
Another month has passed after that quick vacation with my cousins sa Palawan. I just came back from Manila. Done with another round of diagnostic testing for this month and two months na lang din at board exams na namin. Mas pinagbutihan ko ang pagri-review, erasing and ignoring the negativity of life. Charot. Ignoring my heart and its consequences. Brain muna. Si brain naman.Actually, kahapon lang talaga ako bumalik and today is another day kaya naisipan kong mag-jogging na naman. Another two hours of burning some unnecessary fats.Airpods on my ears and the phone is just on my left arm. I rested for a while on a big mango tree. The morning air in this kind of environment is the air I want to breathe for the rest of my life. Malamig tapos sobrang fresh pa. I can also see some moist on the grass of the sugarcanes.Ang sarap talagang mag-jogging kapag nature ang iyong kasama. Unlike when you're in some big cities, na pu
Tinitigan ko ang gawa ko. Not so perfect in appearance pero pasang awa na! Wait till you taste it! Mapapasinghap ka sa sarap!Bahagya ko pang inamoy ang niluto ko at saka dahan-dahang pumihit patalikod para mailapag ito sa dining table. Partida nakapikit pa ako n'yan nang inamoy ko kaya noong paglingon ko na ay saktong dumilat ako.Punyemas."Punyemas naman, Darry! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Singhal ko sa kaniya. Gulat na gulat ako sa prensensiya niya kasi nang magdilat ako ng mata, mukha niya agad ang nakita ko. Nakasandal siya sa bukana ng kitchen at naka-crossed arms pa ang demunyu. Habang ako naman ay halos tahipin na ang dibdib ko dahil sa gulat at sa kabang naramdaman ko.Sunod-sunod ang naging paghinga ko. Mabuti na lang at hindi ko nabitawan ang bitbit kong pinggan ng speciality ko: Scrambled corned beef ala Maria Josephina Constancia Osmeña Lizares."You're cu
Masakit ang sinabi ko. Masakit ang ginawa kong halos magmakaawa na kay Raffy para lang itigil na niya ang nararamdaman niya.Kung ako tinanong ng mga panahong namimili pa ng mapapangasawa sina Mama at Papa tungkol sa mga Javier, siguro tama si Raffy, papayag nga ako. Bukod sa wala na akong choice, mapapanatag ang loob ko dahil kaibigan ko ang ipakakasal sa akin. Siguro nga magiging masaya kami. Matututunan ko siyang magustohan. Baka nga.Pero ngayon ko nalaman, e, kaya ganito ang approach ko. I am not the same person as I am from last year. My perception did change after kong malaman na Lizares ang pakakasalan ko. Ibang-iba na. Kaya ko nasabi kay Raffy 'yon para hindi niya mas lalong sisihin ang sarili, para hindi na siya umasang meron nga kahit kaonti. Mas mahirap 'yon. Kaya sinabi ko sa kaniya ang mga salitang naka-base sa pangkasalukuyang nararamdaman ko.Hindi naging maayos ang pag-iwan ko kay Raffy sa fast food chai
Hindi ko pinagsisihan ang halik ko sa kaniya. I did it freely and not against my will. But what it turned out is the thing I'm afraid of right now.After that night, Darry said to my parents na mas mabuting nandito ako sa Negros for the review para raw mas maka-relax ako. Since hindi na rin naman daw ako ang hahawak ng company kasi nandito na ang parents ko. Wala na rin naman daw akong gagawin sa Manila kaya mas mabuti raw na manatili ako rito sa Negros.I want to protest. Pero wala akong nagawa kundi ang sundin ang utos nila. Pinagbigyan ko, baka sakaling kailangan niya lang ng space dahil sa nangyari at sa mga nalaman. Kahit na hindi man lang niya inalam ang side ko. Hinayaan ko siya. Nagpaubaya ako.Unang dalawang linggong pananatili ko sa bahay ay puro review lang ang ginagawa ko. Merong pinagdidikitan ko ang buong dingding ng study room namin ng mga formulas para makatulong sa akin sa pagri-review.
Paano mo malalaman kung may crush ka sa isang tao?'Pag napapangiti ka sa tuwing nakikita mo siya.Paano mo malalaman kung gusto mo na ang taong iyon?'Pag masaya ka sa tuwing nakikita mo siya at malungkot ka sa tuwing hindi mo siya nakikita.E, paano mo malalaman kung mahal mo na ang isang tao?Hoy teka, sandali, wait, MJ Osmeña! Anong mahal? Walang mahal! Ang mga bilihin lang ang nagmamahal, hindi si Maria Josephina Constancia! Hindi nagmamahal 'yon, nagmumura 'yon, e. Nagmumura ka! Hindi ka nagmamahal! Imposible 'yon!Masaya kong sinalubong ang pamilya ko nang makarating kami sa wakas sa birthday party ng pamangkin kong si Kansas. Airport ang theme ng party kaya punong-puno ang sikat na event center ng ciudad namin ng mga designs tungkol sa eroplano, airport, at iba pang may kinalaman sa aeronautics. Hindi ko alam kung anong trip ni Ate Tonette, hin
Kung dati, naging rason ang trabaho kung bakit nag-iiwasan kami ni Darry sa penthouse. Ngayon... ako na mismo ang umiiwas sa kaniya. Blessing in disguise din ang pagiging abala niya sa kompanya nila kaya hindi na rin niya ako binulabog pa. In short, wala kaming pansinan sa loob ng bahay.Laking pasasalamat ko na nga lang na hindi ko na kailangang magpanggap dahil uuwi na akong Negros ngayon at maiiwan siya sa penthouse kasama si Alice at Erna. Babalik din naman ako ng Monday morning. It's just a weekend with family dahil first birthday ni Kansas, na pangalawang anak ni Ate Tonette."Maligayang pagbabalik sa Negros, Ma'am MJ!" Pagkalabas ko ng airport, ang nakangiting si Manong Bong ang bumungad sa akin. Kinuha niya ang medium size luggage ko at saka pinasakay sa kotse ko na siya ang nag-drive."Hello Manong Bong! Kumusta ka na, Manong?" No'ng naisakay na niya sa likuran ang bagahe ay agad ko siyang binati.
"Oh, hija!" Malawak pero may poise na bati ni Mommy (so awkward!) Felicity sa akin. Hinawakan niya pa ang magkabilang braso ko at hinarap ako nang mabuti.Wala na akong pakialam kung nanginginig na itong labi ko sa kakangiti dahil hanggang ngayon, kahit na nakahawak at nakaharap na ang mga magulang niya sa akin, ay hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Mas lalo lang nakadagdag sa bilis ng tibok ng puso ko ang maya't-mayang pagpisil niya sa kamay ko.Gaga ka talaga kahit kailan, MJ! Ang dami mo nang nahawakang kamay, ngayon ka pa talaga kakabahan? Ano ka ba? High school student? Teenager? Feeling teenager? Tanga!Nang bumeso si Mommy (hindi na ako ma-a-awkward sa susunod) Felicity sa akin ay saka lang bumitaw si Darry sa kamay ko. Halos ipatawag at pasalamatan ko ang sampung santong kilala ko dahil sa ginawa niya. Naging stable na rin ang ngiti ko kay Mommy (promise, last na) Felicity at nakapag-respond na nang maay