Matapos ang isang pang malakasang sigaw at reaksiyon ni Ate kanina nang makita ang kausap ni Kuya, tumahimik na siya kaya nakapag-agahan kami. Mabuti na lang at huling pumasok si Mama at Papa kasama ang iba pang kapatid no'ng si Decart Lizares kaya hindi narinig ang OA na sigaw ni Ate sa kaniya.
Nasa kabisera ng lamesa si Papa. Si Mama naman ang nasa right side niya. Sa left side si Kuya Yosef. Ang katabi naman ni Kuya Yosef ay si Ate Tonette, tapos ako. Ang nasa tapat ni Ate na mismong katabi ni Mama ay ang isa sa mga Lizares na si Tonton Lizares at ang katabi naman niya na kaharap ko mismo ay si Sonny Lizares, ang nasa kabilang kabisera na mismong tapat ni Papa ay si Decart Lizares.
Tahimik ang bawat pagsubo ko. Ang tanging maingay lang sa aming lamesa ay sina Mama, Papa, at si Decart Lizares.
Nairaos namin ang agahan na iyon kahit na nakabusangot si Ate. Kaya no'ng nasa kuwarto na kaming dalawa para makapaghanda sa pag-alis ko sa Jomax Peak ay natanong ko siya.
"Ate, galit ka ba kay Decart Lizares?"
Natigil sa pagdadabog si Ate at masama akong tiningnan.
"Ugh! I really hate that man!"
Pero panandalian lang pala ang pagtigil ng kaniyang pagdadabog dahil nagpatuloy siya habang naglalagay ng lotion sa katawan.
"Bakit ba kasi?"
"Siya lang naman ang ipagkakasundo sa akin ng mga Lizares."
Arrange marriage. Marriage by name. Marriage for convenience. Whatever you call that. Osmeñas are very fond of that. Well, actually, the first generations of the Osmeña clan were very fond of that arrangement.
Halos lahat sila Papa at ang kaniyang mga kapatid ay biktima ng arrange marriage. They need to do that to keep the family business intact with the right people, the people who can make the business boom and prosper.
Ngayon, hinahanda na kami ng mga magulang namin para sa mga ganito. Si Kuya Yosef ang panganay na anak at apo at siya rin ang unang sasabak sa ganitong klaseng situwasiyon. He's bound to marry the daughter of a prominent business tycoon in Asia na matagal ng target ng mga Osmeña na maging business partner.
But here's a thing my parents didn't know. May balak i-boycott ni Kuya ang kasal na iyon. He loves someone else and he's going to seriously do that plan.
Now, my Ate is also going to do that too and I think, this time, ang mga Lizares naman ang target ng business namin. Base on her reaction, I have a gut feeling na susundin niya kung anong gagawin ni Kuya Yosef sa future.
I don't know much about the Lizares. Ang alam ko lang ay family friend namin sila pero minsan ko lang silang makita sa mga gatherings ng family friends namin. They are so very mailap sa alta sociedad na kinalakihan namin.
At ako? Siguradong-sigurado akong i-a-arrange din ako sa kung sinong lalaking makakatulong sa kompanya namin and I'm very much ready for that to happen. So bago mangyari 'yon, I need to enjoy every putaheng nakahain sa buong mundo.
Napatitig ako sa napakaaliwalas at napaka-green na bulubundukin sa harapan ko. Nandito na ako ngayon sa Jomax Peak at in-enjoy ang tanawin habang nag-aaral. Minsan, napapatigil ako para i-appreciate ang tanawin at langhapin ang sariwang hangin. Taliwas sa nalalanghap ko kapag nasa ciudad na.
Matapos ang agahan namin kanina, pinaalis agad ako ng mga magulang ko pero hindi ako nag-iisa dahil kasama ko ngayon sa Jomax Peak si Kuya kasama ang dalawa pang Lizares na si Tonton at Sonny. Si Mama at Papa naman ay bumalik sa planta kasama si Decart Lizares at ang nakabusangot buong umaga na si Ate.
Mag-isa lang ako sa table tapos ang mga bantay ko ay nasa kabilang dulo ng puwesto ko. Malayo pero makikita at mababantayan pa naman nila ako.
Weekend ngayon pero himalang kaonti lang ang nandito. Sabagay, kailangan pa kasing magpa-book before ka makakapunta rito. They do not cater walk-in clients and I'm so lucky na ginawa na ni Mama ang booking before kami nakapunta ngayon.
Nagpatuloy ako sa pag-aaral hanggang sa magtanghalian.
Dito pa rin kami kumain na apat. Isinantabi ko muna ang mga aralin ko at pinuntahan ang table na kasya kaming apat. Isa-isang inilapag ang mga pagkain sa lamesa. Tahimik lang ako habang si Tonton Lizares at Kuya ay masayang nagku-kuwentuhan. 'Yong si Sonny Lizares naman ay tahimik lang na nakatingin sa akin.
Oo, masiyadong halata ang mga tingin niya sa akin at mukhang hindi natitinag kahit na alam niyang alam kong nakatingin siya sa akin. Mukhang mas lalo nga yata siyang ginanahan nang makita ang mga tingin ko.
"Mahilig ka pa lang mag-aral?"
Sa tagal ng pakikipagtitigan niya sa akin, bigla siyang nagsalita kaya natigilan ang dalawa pa naming kasamahan sa kanilang pag-uusap at naibigay sa kaniya ang buong atensiyon.
"Hindi naman, kailangan ko lang mag-aral for the exams," kibit-balikat na sagot ko habang hinihiwa ang steak na siyang ulam ko for lunch.
"Saan ka nga ulit nag-aaral, MJ?" singit ni Tonton sa usapan namin ni Sonny.
Napalingon ako sa kaniya at doon ko napansin na nakatingin na rin si Kuya sa akin.
"Sa MCCEI," casual na sagot ko. Hindi ko kasi alam kung tatawagin ko ba siyang Kuya o ano. Halata naman kasing mas matanda silang dalawa ni Sonny sa akin, e.
"Oh? Schoolmates pala kayo ni bunso," sagot ni Tonton.
Hindi ko masiyadong pinansin ang sinabi niya kasi biglang umepal na ang Kuya ko.
"Si Darwin Charles? Bakit? Dito na ba siya nag-aaral?" tanong naman ni Kuya sa kaniya.
Nagpatuloy na lang ako sa pag-kain at hindi na sila pinansin pa.
"Oo. Noong isang taon pa Yosef. Biglaan din kasi ang pag-uwi niya, e. Pero after high school, babalik ulit siya sa America," si Sonny naman ngayon ang sumagot.
"So tuloy talaga ang plano niyang sa Harvard siya?" kuryusong tanong ni Kuya.
"Oo. Kailangang pagbigyan kasi nga bunso. At saka kahit saan naman niya gusto, susuportahan pa rin namin 'yon," ani Tonton.
"Sureball na 'yang Harvard ni Darwin. Ang talino ng batang iyon, e," manghang sabi naman ni Kuya.
"Si MJ ba... sa America rin ba mag-aaral ng college?"
Napa-angat ako ng tingin sa nagtanong na si Sonny nang banggitin niya ang pangalan ko.
Mapakla akong ngumiti sa kaniya bago sumagot.
"No. American school is not my thing."
Ayokong maging komportable sa mga Lizares dahil sabi nga sa akin ng mga pinsan at kapatid ko... Lizares are untouchables!
Wala na akong naging interes sa pinaguusapan nilang tatlo kaya sinawalang-bahala ko na lang ang mga pinagsasabi nila. Ipinapasok sa isang tenga at pinapalampas sa kabilang tenga naman. Hindi na rin kasi ako makasingit sa usapan nila kasi napapadpad na sa ibang dimension. Minsan nga tungkol sa negosyo, minsan sa mga babae, minsan sa pag-aaral. Aba ewan.
Matapos ang weekend na iyon, hinarap namin ang madugong hell week. Isang linggong puro examinations ang haharapin namin.
Friday na at huling subject na namin. Pero sa loob ng isang linggo, isa lang ang napapansin ko sa mga kaibigan ko... masiyado silang ganado sa finals na ito.
Sa tuwing tatanungin ko sila kung bakit... ang laging sinasagot lang ng mga bruha ay 'Ang galing kasing magturo ni Kuya Darry.'
The hell with that!
Dumaan ang summer at nag-bakasyon ako kasama ang iilan sa pinsan ko sa Siargao. We stayed there for a month. It was fun and happy and one of the unforgettable dahil pinasaya ng mga pinsan ko ang trip naming iyon. Hindi kasi nagkakalayo ang edad naming magpipinsan. Si Kuya ang pinakamatanda at gaya ng sabi ko, unang apo ng Lolo at Lola namin. He's twenty-one years old.
Matapos ang summer vacation, it's another school year. Grade ten na kami and that means... another fling.
After that weekend getaway sa Don Salvador, hindi na naulit ang interaksiyon ko sa mga Lizares. Siguro sila Mama mayroon, pero ako, wala na.
I rested my back at the comfortable couch of a popular chilling place here in our ciudad. Bahagya kong ipinikit ang mga mata ko at pinakinggang mabuti ang soothing music mula sa stereo ng establishment.
"You okay, MJ?"
Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at iginalaw ito para makita si Nicole. I smiled at her.
"Yeah, why?"
Nakatambay kaming magkakaibigan ngayon dito sa Old House. It's Friday night and we deserve to chill.
"Wala kang ka-fling ngayon?" natatawang tanong ni Jessa.
Umayos ako sa pagkakaupo at napa-angat ang gilid ng labi ko sa sinabi ni Jessa.
"Searching... Masiyadong malamya si Rocky, e. Rocky nga ang pangalan, masiyado namang soft."
Malakas ang naging tawa ni Maj sa sinabi ko. As in sobrang lakas na halos masapawan na niya ang malakas na music ng Old House. Nagsalubong ang kilay ko dahil mangiyak-ngiyak na siya kakatawa.
"Gago ka, MJ, sinabi ko naman sa 'yong may pusong babae 'yong si Rocky... pinagpatuloy mo pa rin pala," at pinagpatuloy ulit niya ang naudlot niyang tawa dahil sa pagsasalita.
"Hoy, Major Gerardo! Masiyado ka nang OA sa pagtawa, tama na 'yan."
Binato ni Lory si Maj ng isang pirasong fries para matigil ito sa pagtawa. Si Nicole naman, na mismong katabi ni Maj, ay tinapik-tapik na ito sa likod. Mas lalo akong umiling at tumayo na lang.
"Powder room lang."
Hinayaan naman nila ako sa pag-alis at wala ni-isa sa kanila ang sumama sa akin o nagpresenta man lang na samahan ako. Punyemas.
Matapos ako sa powder room at pabalik na sana sa table namin nang bigla akong may nakasalubong na kakilala.
"MJ Osmeña!" malawak ang ngiti at naka-spread ang dalawang braso niya habang sinisigaw ang pangalan ko.
No'ng makita ko ang mukha niya ay agad akong natuwa. Bineso ko siya at binati na rin.
"Hey Madonna, who's with you?"
Madonna Vaflor. Bestfriend ng pinsan kong si Ate Chain. Barkada rin ng iilan ko pang pinsan. Kaya medyo mahirap mahulaan kung sino ang kasama niya tonight.
"Hey cousin!"
Bago pa man ako sagutin ni Madonna, sumingit na nga ang pinsan kong si Chain Osmeña. Ate Chain is the first and only daughter of my Tito Ed Osmeña, ang pangalawa sa Osmeña brothers.
"Hi Ate Chain!"
Mahigpit ko siyang niyakap.
"Sinong kasama mo?"
Matapos ang yakapan namin ay agad siyang nagtanong.
"I'm with my friends. Nandoon kami malapit sa entrance."
Hindi ko na itinuro kung saan kami. Marami na kasing tao sa Old House at hindi na kita sa puwesto nina Ate Chain ang puwesto namin.
"Halika, pakita ka muna sa mga kaibigan ko. May gusto raw kumilala sa 'yo. You're single and available, right?"
Ngumisi ako kay Ate Chain bilang sagot at cue na n'ya 'yon para kaladkarin ako nila Madonna papunta sa table nila.
Nang makalapit kami sa table nila, sari-saring mukha ang nakita ko. May babae, may lalaki, may bakla, may tomboy, may pamilyar sa akin, may kilala ako, at mayroon ding ngayon ko lang nakita. Gaya ng lalaking nasa harapan ko ngayon.
Kinawayan ko ang mga kaibigan nina Ate Chain na kilala na ako. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na magsalita, parang ang atat niya masiyado.
"Erico, this is my cousin... the one I'm talking about?"
Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Tinawag siyang Erico ni Ate Chain so I assume Erico ang pangalan niya.
Tingin pa lang, alam ko na ang balak niya. Ang funny kasi sa murang edad, gamay na gamay ko na ang mga bituka ng mga lalaking ganiyan.
I just smirk at the back of my head. So funny.
"Hoy Chain, ibinebenta mo na naman si MJ?"
Bago pa man maglapat ang kamay namin ng lalaking ipinakilala ni Ate Chain ay may bigla nang umakbay sa akin at kung hindi ko lang kilala ang boses, baka magtaka na ako kung sino man 'yon.
Nilingon ko ang isa na naman sa mga pinsan ko.
Kuya Clee. Clee Osmeña. Panganay ni Tito Arm Osmeña ang pangatlo sa Osmeña brothers.
"'Wag ka nga’ng KJ, Clee. Ito ‘yong gusto ni MJ, e. Balita ko rin na available na available siya ngayon kasi wala na sila no'ng Rocky."
"Hahaha! Pinatulan mo pala si Rocky Geroso?"
Umirap ako sa naging tanong ni Kuya Clee.
"Oh shut up, Kuya! It's not even funny. It was a mistake, okay?"
Ginulo ni Kuya Clee ang buhok ko at ngumisi.
"Good job, you have learned another lesson."
Isa lang ang masasabi ko sa mga pinsan ko... bad influence silang lahat. Hard drinker ang mga pinsan kong babae. Babaero naman ang mga lalaki. And unfortunately, I got the two traits. I'm a hard drinker and at the same time lalakero at a very young age. Creepy isn't it?
"Sige na, sige na, bumalik ka na sa table n'yo. Baka hinahanap ka na nila Vad. Nakita ko sila kanina sa may counter, e," ginulo ulit ni Kuya Clee ang buhok ko at binitawan na sa pagkakaakbay.
Hinayaan na rin ako ni Ate Chain, Madonna, at no'ng lalaking ipinakilala nila sa akin na sa kasawiang palad ay hindi nagtagumpay na makilala ako dahil nga umepal itong si Kuya Clee.
Habang naglalakad ako sa gitna ng mga taong abala sa pagbati, pag-usap, at kung ano-ano pa ay bigla akong may nakabangga na isang tao.
Pahapyaw ko siyang nilingon at sinabing... "I'm sorry."
Hindi ko na sana siya lilingunin ulit pero wala siyang response sa sinabi ko kaya out of curiosity, napalingon ulit ako sa kaniya.
Likuran ng lalaki ang nakita ko at kahit medyo madilim dito, kitang-kita kong naka-manbun ang lalaking iyon. Mahaba ang kaniyang buhok, that's for sure, pero sigurado talaga akong lalaki siya. Amoy pa lang.
Bigo akong makita kung sino 'yon at wala rin naman akong pakialam na, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa table namin.
"Ano? Uwi na tayo?" tanong ko sa kanila.
"Saan ka galing? Ba't ang tagal mo yata?" nagtatakang tanong ni Ressie habang sumisimsim sa inumin niyang pineapple juice.
"Hindi mo tuloy nakita si Kuya Darry," singit ni Jessa na ngayon ay katabi na ang pinsan kong si Steve.
Ay sandali... Opo, pinsan ko po si Steve. Pangalawang anak ni Tito Ram Osmeña, ang pang-anim sa Osmeña brothers.
Isang taon lang ang agwat naming dalawa kaya batchmates na rin kami. Isa't kalahating tarantado 'to, e.
Wala sa sarili akong napa-irap nang marinig na naman ang bukambibig nilang si Kuya Darry na kahit kailan, hindi ko naman nakita. Hindi ko nga alam kung nag-i-exist nga ba talaga 'yang pangalan na 'yan, e.
"Nakita ko sina Ate Chain at Kuya Clee doon malapit sa powder room. Kinausap ko muna saglit," sagot ko naman sa tanong ni Ressie. "Nakita mo na sila, Steve?" baling ko naman sa pinsan ko.
One rule about our cousinship... Kapag nasa iisang lugar kami pero iba-iba ang kasama, we need to at least make an appearance to their group of friends or sa kanila mismo. Basta ang importante, magpakita ka sa mga pinsan mo. The perks of being an Osmeña.
Tumango si Steve sa naging tanong ko.
Hindi na ulit ako nagtanong pa at inabala na lang ang sarili sa mga finger foods at pulutan na nakahain sa mesa namin.
"Kuya Darry!"
Habang abala sa mga pagkain, narinig kong biglang sumigaw si Jessa, mukhang may tinatawag. Pero masiyado akong abala para pagtoonan iyon ng pansin.
"Ay? Uuwi na siya? Sayang naman," punong-puno ng panghihinayang na sabi ni Lory.
"Sinong uuwi?" tanong ko habang sumasandal sa couch na ngayon ay bitbit ang isang pirasong cheese stick. Nilingon ko na rin si Lory para sa sagot.
"Si Kuya Darry. Sayang."
Wala sa sarili na naman akong napa-irap dahil sa sinagot niya.
Kuya Darry na naman!
"Ah!"
Isang malakasang ungol ang iginawad ni Justine habang hinihimas ko ang super turned on niyang alagad.
Kahit na balot na balot kaming dalawa ngayon, ramdam na ramdam ko kung gaano siya ka-turn on. Mas lalo akong ginanahang bitinin siya.
Habang hinahalikan niya ako sa leeg ay walang kupas naman ang ngisi ko nang sunod-sunod na ungol ulit ang ginawa niya.
Punyemas, ang ingay naman nitong si Justine!
Nasa loob kami ng kotse niya habang nagmimilagro.
Yes, you've read it right, nagmimilagro.
Look where my playgirl trait and fondness of flings brought me.
Kung dati, base one lang ang kaya ko. Ngayon, umaabot na ako ng base two. Pero don't panic my friends, everything is under control.
Nang mas ibinaba pa ni Justine ang halik niya, lower than the usual neck kisses, I stop him.
"Sorry Just, time for school."
Lumayo ako sa kaniya at inayos ang sarili ko. Binutones ko ulit ang uniform ko. Sinuklay ang buhok gamit ang mga kamay. Inayos ang laylayan ng palda. Inayos ang mukha. At saka ngumiti nang napakalawak sa disappointed na ngayong si Justine.
Sorry Justine, you're the third disappointed guy this year.
Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga habang mariing nakahawak sa manibela ng kotse niya.
"I'll see you later."
Kusa akong lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisnge.
"Please do see me later, MJ, and please 'wag mo na ulit akong bitinin nang ganoon. Damn it!" iritado pa ring sabi niya na mas lalong nagpangisi sa akin.
"I'll try my very best, Just," huling sabi ko bago ako bumaba ng kotse niya at naglakad papasok sa school na parang walang nangyari.
Senior High School year. Where the fun started. I mean the hardcore fun.
That guy I made out a while ago is my third fling this year. Isn't it fun?
"Pulang-pula, ah?" may panunuksong salubong sa akin ni Paulla nang magkita kami sa may canopy papuntang SHS building. "Hinatid ka ni Justine, 'no?" dagdag pa niya.
Pa-simple akong umirap.
"Justine is a lame kisser. Should I change him?" diretsahang tanong ko.
"What the ef, Maria Josephina Constancia? Seryoso ka? Lame kisser pero pulang-pula 'yang labi mo?"
"He is, Paullita, a lame kisser," sinabayan ko ng irap ang sagot ko.
"I really cannot believe you, MJ. May I remind you, he's like the third guy na sinabihan mo ng lame kisser. Seryoso ka talaga? Pambansang labi ng college campus, sasabihan mong lame kisser?"
Nang marating namin ang building ay sabay pa rin kami ni Paulla.
"Makapal lang ang labi niya pero hindi siya marunong humalik," may diing sabi ko.
I am just telling the truth. Nothing but the truth.
"Ugh MJ! Bakit hindi na lang si Siggy Lizares ang gawin mong fling? Bali-balita na magaling at masarap daw humalik 'yon."
I stop midstep and naramdaman naman ni Paulla ang pagtigil ko kaya mariin ko siyang hinarap.
"I told you, Paullita-"
"The Lizares are untouchables... I know that MJ. You said it a million times since Junior High," malamyang pagtutuloy ni Paulla sa sasabihin ko sana. Iniwan niya ako roon sa gitna ng hagdan at nagpatuloy sa paglalakad.
Natigilan talaga ako sa sinabi ni Paulla kaya hinayaan ko na lang siya sa paglalakad na ginagawa niya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa classroom namin.
"Hoy MJ, anong drama 'yan?"
Natigil lang ang pagkakatulala ko nang marinig ko ulit ang isa pang pamilyar na boses. Nilingon ko ang likuran ko at napatingin sa may ibaba.
Si Vad.
"Magaling ba talagang humalik si Siggy?" wala sa sariling naitanong ko sa kaniya.
At huli na ang lahat nang ma-realize ko kung anong itinanong ko sa kaniya.
"Anong klaseng tanong 'yan, MJ? High na high ka ba kay Justine at kung saan-saan napapadpad 'yang utak mo?" natatawa pero may pagtatakang tanong ni Vad.
Nilapitan niya ako sa gitna ng hagdan at siya na mismo ang kumaladkad sa akin papasok sa classroom namin.
Buong araw akong nag-isip kung paano ko maiiwasan mamayang uwian si Justine. Ka-fling ko na siya ng mahigit isang buwan at tinatamaan na naman ako ng pagkabagot. Naghahanap ng bagong ka-fling. Ewan ko ba. Hindi ko talaga kayang ma-attach at manatili sa iisang lalaki na umaabot ng buwan. So far, ang pinakamatagal ko ay si Justine. The heck 'di ba?
Pero hindi na ako kailangang maghanap ng rason para maiwasan si Justine. Kusa itong dumating sa katauhan ng Mama ko.
Nag-text kasi siya sa akin na susunduin ako ng driver namin nang maaga para makapaghanda sa isang special na dinner. I did not ask further more questions kasi 'pag sinabi ni Mama at Papa, wala akong question, diretsong payag ako kahit ano pa 'yan.
Hindi ko na pinahaba ang paalaman namin ng mga kaibigan ko dahil naghihintay na ang driver namin sa labas ng school. Nang makarating sa bahay, agad akong nag-ayos. Mag-isa lang ako pero alam ko na naman kung paano lagyan ng kaonting kolorete ang mukha ko. Isang simpleng one-shoulder knee length dress na kulay flesh ang suot ko. Hinayaan ko lang na nakabuhaghag ang mahaba kong buhok. Bagay naman sa suot ko. Tapos isang gladiator sandals naman ang partner nito.
Taray 'di ba? Lakas maka-greek mythology.
Mag-isa rin akong hinatid ng driver namin sa isang sikat na restaurant sa city namin. Doon daw kasi ang dinner.
Sa labas pa lang, kitang-kita na ang iba't-ibang klaseng sasakyan. Nakita ko rin ang Range Rover nina Mama, ang Everest ni Kuya, at ang Sedan ni Ate.
So ibig sabihin, hindi rin magkakasabay na pumunta ang mga kapatid ko?
Nang ma-i-park ng driver ang sasakyan, agad akong pumasok sa loob ng resto. Isa itong Filipino cuisine. G-in-uide ako ng isang waitress papasok sa kanilang VIP room. Pagkapasok ko, isang maginhawang hininga ang agad kong ginawa dahil ang pamilya ko pa lang ang nakikita ko ngayon.
Lumapit ako sa kanila at isa-isa silang binati. Huli kong binati ang Ate kong parang sinakluban ng langit at lupa.
Hindi muna ako naki-usyoso sa kaniya kung bakit para siyang nalugi dahil abala ako sa paggala ng tingin sa buong paligid.
Lima kami sa pamilya at ang mga bakanteng espasyo na nasa harapan namin ay mayroong pitong upuan. Ang dami pero wala talaga akong idea kung sino ang makakasama namin tonight. Sa dinami-rami ng investors at friends nina Mama, hindi ko na alam kung sino-sino sila.
"Ate, anong mayroon?" inosenteng tanong ko matapos kong igala ang tingin sa paligid. Siya rin naman ang katabi ko kaya siya na ang pinagtanungan ko.
Salubong ang kilay at mas lalong sumama ang mukha ni Ate nang hinarap niya ako.
"Mama and Papa still pursue the engagement," puno ng hinanakit na sabi niya.
Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya.
"What? With the Lizares? So mga Lizares ang makakasama natin ngayon?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
Dahan-dahan ang naging pagtango niya habang mariin na nakapikit.
"May engagement ka na? Akala ko ba si Kuya muna?"
"Yosef is buying his time kaya sa akin nag-focus si Mama at Papa," nakapikit pa rin siya at halos pabulong niyang sinabi iyon. "Ugh! Ang sarap talagang kutusan ni Anthonio Josefino Ricardo! Nakakapakshet!"
Wow. Ramdam na ramdam talaga ang kaniyang hinanakit.
"Ayaw mo ba talaga sa mga Lizares, Ate?"
Nang pakiramdam ko humupa na ang emosyon ni Ate ay nagsalita ulit ako.
"Like what I always tell you... Lizares are untouchables. Mahirap silang abutin, suntok sa buwan. Besides, I have a boyfriend and Decart is not my type. Nothing in that Lizares brothers is my type."
Sasagot na sana ako kay Ate nang biglang nagbukas ang pintuan ng VIP room. Napalingon ako roon at no'ng makitang tumayo ang pamilya ko, tumayo na rin ako.
Isa-isang nagsipasukan ang mga matitipunong lalaki sa kanilang pamilya. The boys, my cousins and siblings warned me about, are here.
I still remember my cousin said... "Kung marumi kang maglaro, mas maruming maglaro ang mga Lizares. They can never be trusted. That's what made them untouchables."
Pinagmasdan ko sila, one at a time.
Ang una ay ang panganay na anak na si Decart Lizares. Isang salita lang... Adonis. Isa siyang Adonis.
Ang dami ko nang nakitang guwapo sa buong buhay ko, mga pinsan ko guwapo rin naman, pero ngayon lang ako nakakita ng isang totoong Adonis. Maka-ilang beses ko na siyang nakita pero ngayon ko lang napansin ang kakisigan at kaguwapohan niya. Bakit kaya ayaw ni Ate sa kaniya?
Ang sumunod sa kaniya, ang pangalawa na si Einny Lizares. Itong isang 'to? Parang isang greek god na ibinagsak sa lupa. Kasing kisig at kasing guwapo rin ni Decart pero mas halata ang facial hair ni Einny kaysa sa Kuya niya.
Pangatlo, si Tonton Lizares. Nakasalamuha ko na siya. Siya 'yung isa sa mga kasama namin no'ng minsan akong magpahinga at mag-aral sa Jomax Peak. Junior High years. Isang mapaglaro ang kaniyang personality. The goofy Lizares kung tawagin nga nila. Mas mahaba ang buhok niya kaysa sa dalawang Kuya niya. Walang mababakas na bigote sa kaniyang mukha, halatang bagong shave.
Pang-apat... Siggy Lizares is the name. And the heck! Bumaba agad ang tingin ko sa kaniyang labi.
Punyemas naman, Paullita Hannabelle Lacson! Kung anu-anong ipinapasok mo sa utak ko, e!
Okay. Siggy Lizares. Ito, siya ‘yong tipo ng tao na no'ng nagpa-ulan ang Diyos ng kaguwapohan, gising na gising siya at sinalo na niya lahat ng kaguwapohan sa mundo. He has a more soft features than his three older brothers. Para siyang baby version ng mga Kuya niya at sa tingin ko habang buhay na magiging baby face ang walang hiyang ito. At ‘yong labi? Punyemas naman kasi, kasing kapal no'ng kay Justine pero dahil sa sinabi ni Paulla parang... ah punyemas! Stop it, Maria Josephina Constancia Leonardia Osmeña!
Tumigil na nga tayo, doon naman tayo sa huling kapatid. 'Yong akala ng lahat na bunso.
Pang-lima, Sonny Lizares. Ang una kong napansin sa kaniya? 'Yong buhok niya sa likuran. Like the long hair sa may batok? 'Yong ganoon. Naka-braid kasi iyon at sobrang halata kasi nga nakadantay sa ibabaw ng balikat niya. Dahil sa ganoong klaseng hairstyle niya mas nadepina ang kaniyang panga, mas nadepina ang kaniyang makakapal na kilay, mas nadepina ang pointed nose niya, mas nadepina kung gaano kaganda ang kaniyang mga mata na sinamahan pa ng mayayabong na pilikmata, na kung titingnan ay parang mapipigtas ang lahat ng garter sa suot mong damit.
Ano bang nangyayari sa 'yo, Maria Josephina Constancia? Hindi ka naman ganiyan nang una mo siyang nakita, ah?
Naibaling ko ang tingin ko sa dalawang taong huling pumasok. Naka-angkla ang kamay ng babae sa braso ng lalaki at ramdam na ramdam ko ang ma-ingat na pag-alalay ng lalaki sa babae.
Napatingin ako sa lalaki. He's the Lizares patriarch. Gabriellito Nikola Lizares. Siya naman 'yong tipong kasama ni Lord mamigay ng kaguwapohan sa buong mundo. Ay hindi, mali, siya pala mismo ang namigay dahil nag-uumapaw ito at kailangang mamigay na sa iba. Dinaig niya pa ang description ng isang greek god sa libro. Mahihiya pa nga yata si Zeus at Adonis sa kaniya. Halata na sa kaniya ang pagiging mature at papunta na sa katandaan ang mukha pero feeling ko mas lalong grumabe ang pagiging guwapo niya. Doon ko rin napagtanto na hawig si Decart, Einny, at Tonton sa kaniya. As in parang carbon copy. Hindi na nga ako magtataka kung mapagkakamalan silang quadroplets, e. Mas lalo ring nakadagdag ang mahabang buhok na p-in-onytail. Swak na swak sa kaniyang kaguwapohan.
At ang matriarch ng Lizares. Felicithea Prowess Lumayno Lizares. Mula sa angkan ng mga Lumayno na pinakasalan ng isang Lizares. Pangalan pa lang, pamatay na. Ayoko nang mag-describe, mauubos ang dictionary kaka-describe sa kaniya. Nakuha na niya lahat... ganda at elegante. Feeling ko tuloy kalkulado lahat ng galaw at hininga niya. Poise kung poise. Maiirita talaga si Aphrodite 'pag nakita niyang may nakakalamang sa kaniyang kagandahan. Hindi niya lang yata ipapadala sa underworld, just like what she did to Psyche, kundi maging sa ibang dimension ay ipapatapon niya si Donya Felicity. Hindi ako OA. Maganda talaga siya. Sobra. May hawig din si Siggy at Sonny sa kaniya. Siguro sa kaniya nagmana. Si Sonny kasi parang hati, mana kay Donya Felicity, mana rin kay Don Gabriel. Aba ewan.
Nakipag-shakehands si Mama at Papa sa mag-asawa. Isa akong masunurin na bata sa mga magulang kaya lumapit ako sa kanila at nagmano.
Bagay na bagay talaga ang suot ko ngayong gabi. Para akong alipin ng mga greek gods and goddess na nandito mismo sa aking harapan, nakakasilaw sila.
Hindi ko na ulit pinasadahan ng tingin ang mga anak nila. Masiyado silang nakakasilaw sa mga formal attires na suot nila. Masiyadong makintab. Kaya pala untouchables.
Kumain kami ng dinner at tanging ang boses ng mga magulang namin ang nangingibabaw. Minsan nakikisagot din si Kuya at ang Lizares brothers. And I mean brothers, as in silang lahat.
Impressive, mukhang alam ang lahat tungkol sa business nila.
Kami lang yata ni Ate ang tahimik. Siya, mukhang hanggang ngayon nanlulumo pa rin. Ako, wala naman akong isasagot. Ano ba dapat ang isasagot ng isang sixteen years old na katulad ko? Nandito lang naman talaga ako para kumain, e.
Nasa dessert na kami nang in-open up ang tungkol sa engagement party. Mas lalong natahimik si Ate. Kung kanina nakakasagot pa siya tungkol sa topikong negosyo, ngayon parang p-in-adlock-an ang bibig niya. Tahimik niyang pinaglalaruan ang dessert niya.
Lumipat sila sa mas malayong table. Naiwan ako kasama ang apat sa Lizares brothers at si Kuya.
Kuya found serenity through talking with Einny and Tonton. Ako naman, parang gusto kong gayahin si Ate, 'yong paglaruan ang dessert ko. Ang awkward naman nito. Saktong kaharap ko pa ang natitirang si Siggy at katabi naman niya si Sonny.
Ack ang awkward! Bakit ba kasi sa lahat ng pamilyang puwedeng ipagkasundo kay Ate, sila pa? Akala ko ba they're untouchables?
"Tahimik ka pala?"
Bigla kong nabitiwan ang tinidor nang dumagundong sa pandinig ko ang malaki at buong boses ni Siggy.
My god! Ang soft ng feature niya, malambot tingnan ang labi niya pero bakit ganoon? Kasing lakas ng kulog ang boses niya? Punyemas naman, oh!
"Sorry..." paumanhin ko sa ginawang simpleng ingay.
Nagawa ko pang igala ang tingin ko sa table ng parents ko at sa puwesto nila Kuya pero parang wala naman silang narinig at tuloy pa rin sila sa pag-uusap.
"Sig, 'wag mo namang gulatin si MJ."
Napalingon ako kay Sonny nang bigla siyang magsalita.
"Sorry naman. Kanina ko pa kasi napapansing tulala siya and it's very unusual from the stories we heard about you," sabi ni Siggy kaya siya naman ang tiningnan ko.
Napaangat ang gilid ng labi ko sa sinabi niya.
"Bakit? Ano ba ang naririnig n'yong kuwento tungkol sa akin? Tungkol ba sa pagiging malandi ko?"
"Whoa! Calm there, kid! Wala kaming sinabing ganiyan," namamangha pero natatawang sabi ni Sonny na mas lalo kong tinaasan ng kilay.
Kid, huh?
"Ang ibig kong sabihin... madaldal ka raw, pala-kuwento, maraming bitbit na istorya. Kaya bakit kabaligtaran naman yata ang ipinapakita mo ngayon? Totoo ba talaga ang mga kuwento ni Justine o sadyang ganoon ka lang sa mga taong ka-fling mo?"
Because you are untouchables!
Gusto ko sanang sabihin iyon pero bumabagabag sa akin ang huling pangungusap na sinabi niya.
"You knew Justine?"
"Tropa namin si Justine," ani Siggy.
"Palagi ka nga niyang kini-kuwento sa amin," ani naman ni Sonny.
"And?"
"Wala sa kuwento niya na tahimik ka pala at mahilig mag-aral," ngingisi-ngising sabi ni Sonny.
"And?"
"At wala rin sa kuwento niya na suplada ka pala," ani Siggy na mas lalong nagpagana sa akin na asarin sila.
"So?"
"Walang kuwentang kausap. Ganiyan siguro kapag hindi interesado sa isang lalaki," ngumisi si Sonny pero halata pa rin sa mukha niya ang inis. His defined jaw said it so.
Tagumpay ang pang-aasar.
Inilipat ko ang tingin kay Siggy. Sumandal siya sa bangko niya, humalukipkip, at nakangising pinasadahan ako ng tingin. I mirrored his gesture.
"I suggest that you need to break up with Justine."
Unti-unting nawala ang ngisi ko dahil sa sobrang seryosong sabi ni Siggy. Isang panandaliang pagkagulat lang at agad kong ibinalik ang ngisi sa aking labi.
"Anong ibe-break, e, hindi naman kami?" sarkastikong sabi ko pa.
"Playgirl..." Sonny said after whistling. "Sig, hanap tayong iba. Hindi bagay kay Charles 'yan. Masasaktan lang 'yon."
Ang ngising kanina pang naka-plaster sa labi ko ay unti-unti ulit na nawala. Wala man akong maintindihan sa sinabi ni Sonny, feeling ko may kinalaman iyon sa akin.
"I also suggest to stop playing games. You're not a little kid anymore, MJ," Siggy leaned forward at ipinatong ang dalawang siko sa lamesa. "Hindi bagay sa mala-anghel mong mukha ang pagiging isang mapaglaro sa larangan ng pag-ibig. Stop it beforehand to lessen the future pain."
Hindi ko na alam kung anong naiisip ko. Ano bang pinagsasabi ng Siggy na ito?
"Thank you for the suggestion, but no thanks," pilit akong ngumiti sa kanila at dahan-dahang tumayo.
"We need to find another, Siggy."
Tumalikod ako at naglakad papuntang comfort room pero bago pa man ako makalayo, rinig na rinig ko ang mga huling sinabi ni Siggy sa gabing iyon.
"Anong magagawa natin, e, gusto siya ni Charles?"
~
Huling taon sa high school. Busy year. Halos kalimutan ko nang lumandi pero naisisingit ko pa naman sa schedule.After Justine, I have five other flings in between Grade eleven and twelve years. Pero sa ngayon, wala muna, pass muna, focus muna sa mga requirements sa school.Halos mapigtas ang bra ko kakabitbit nitong printer. Kailangan kasi naming magdala ng sariling printer para sa group project namin para madali na lang i-print ang mga kailangang i-print."Hoooh..."Inilapag ko ang printer sa may bleachers ng gym. Dito kami tumatambay malapit sa outlet para madaling isaksak ang printer at laptop na dala namin."Gawa ba sa bakal 'tong printer mo, Theresa? Ba't ang bigat?" reklamo ko habang pinapahiran ng panyo ang pawis sa noo ko."Ang gaan kaya nito, MJ. Ang sabihin mo, masiyadong mapayat 'yang mga braso mo. Kumain ka kasi ng marami," sagot naman ni Theresa
I was voted as the 'Most Likely To Get Pregnant Before The Age Of Eighteen' way back Junior High School.Now, I just turned nineteen years old. Still a punyemas virgin!Malandin man sa inyong paningin, marunong namang pahalagahan si muningning.Kidding aside, it's all in the past now. Hindi naman ako nagtanim ng hinanakit sa mga kaklase kong bumuto sa akin no'n. Hindi dapat ako magtanim ng galit kasi isa na sa mga nagsabi no'n ay mismong mga kaibigan ko. Isang patunay na ganoon ka-landi ang tingin nila sa akin kaya hindi ko sila masisisi.So anyways, heto na nga, nasa Amanpulo pa rin kami ngayon. Kakatapos lang ng family dinner namin with the Lizares brothers. Kaniya-kaniya na kami after. Ang mga matatandang Osmeña ay agad nagpalabas ng mga inumin sa kanilang table malapit sa dalampasigan. Kaming mga batang Osmeña naman ay na-isipang gumawa ng malaking bonfire sa buhanginan. Medyo malay
"And good job! Maganda! Sa tingin ko may laban ang College of Engineering. Am I right, Engineer Lizares?"Wala sa sarili akong napa-irap habang naglalakad papunta sa duffel bag ko.Tatlong rounds ng practice ang ginawa namin para sa final practice na ito. Una, 'yong kami-kami lang as a group. Pangalawa, pinapanood na kami ng aming supervising faculty. Pangatlo, ang Dean of College of Engineering na ang nanunood sa amin. Sa tatlong rounds na 'yon, nandoon lang sa isang sulok si Sonny. Tahimik na nakamasidsa bawat galaw namin. Oo. Namin. Ayokong mag-assume na ako lang ang tinitingnan niya kahit halata naman.Ngayon ay hiningan na siya ng komento ni Dean tungkol sa naging performance namin."Tama po kayo, Dean, magaling nga itong mga kasali sa pop dance ngayong taon."Napapikit ako nang mariin dahil nagsisi akong lumapit agad ako sa duffel bag ko bago pa man siya nagsalita. Sana pal
Dumaan ang birthday ko na hindi pa rin nagpaparamdam ang mga kapatid ko. Para sa akin, normal na lang 'yon.Naging abala rin ako sa OJT namin sa isang construction site. After no'ng party namin sa isang high end bar ay nagsimula rin ang OJT ko. Parte ito ng curriculum namin dahil incoming fifth year na kami.Sobrang na-enjoy ko ang experience kahit na palagi kaming nakabilad sa araw at kung minsan tinutulungan namin ang mga construction workers sa mga gawain nila, minsan nagbubuhat, nagmamasa ng semento, at kung anu-ano pang ginagawa nila. Meron din kaming experience na pinakita sa amin ng Engineer ng construction site na iyon kung paano nila ginagawa ang building na iyon through strategic planning.Dalawang buwan lang ang OJT namin doon kaya hindi na namin pinatapos ang paggawa ng building. Pero masaya naman, marami kaming natutunan, Be it life lessons or actual job of a certified civil engineer.Ka
Humigop ako sa mainit-init na sabaw ng tinolang manok. Ito kasi ang ulam ngayong pananghalian. Nasa canteen ako kasama ang mga engineering friends ko.Simula no'ng June, naging abala na ang buhay mag-aaral ko. Fifth year na kasi kaya kaliwa't-kanan na ang gawain. Meron pang project study na kailangang atupagin.Minsanan na nga lang din akong lumabas ng gabi at mag-party sa sobrang daming gawain. Ang huling party yata na napuntahan ko ay no'ng fiesta pa ng ciudad namin. Aba'y ewab, ayoko nang balikan ang gabing 'yon. Naiirita ako. Hindi ko kasi nakilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa sarili ko no'ng mga oras na 'yon. Siguro dahil sa nainom ko. Oo, dahil lang 'yon sa nainom ko. Walang ibang taong involve, sarili ko lang at ang iba't-ibang klaseng inumin na tinungga ko. Basta naiirita talaga ako."MJ, tapos ka na ba sa design mo para sa Transpo Eng?"Sa kalagitnaan ng panananghalian
Kumukuti-kutitap. Bumubusi-busilak. Kikindat-kindat. Kukurap-kurap.Ganiyan ang indak ng mga bombilya na animo'y pinaglalaruan ang ating mga mata.Funny how these little lights makes me stare at the at the moment. Funny how this big christmas tree that displayed at the condo building's lobby entertained for the mean time.Isang buwan na lang pala at pasko na. Ang bilis talaga ng panahon, parang noong isang linggo lang, nagha-halloween party pa kami ng mga pinsan ko, binista pa namin ang mga mahal namin na pumunaw na, tapos ngayon... lumalamig na ang simoy ng hangin, nagsisilabasan na ang mga palamuting pang pasko, naririnig ko na ang boses ni Jose Marie Chan, Mariah Carey, at ang station ID ng Abs-Cbn at iba pa.Sabagay, noong September pa lang nagsimula ang mga ganito, ngayon ko lang talaga nabigyan ng pansin."Ma'am MJ, nandiyan na po ang sundo n'yo."Natig
Nakauwi ako nang matiwasay sa gabing iyon. Wala na rin akong narinig na issue tungkol sa nangyaring paghigit sa akin ni Sonny. Hindi ko na rin masiyadong inisip.Pero isang buwan na ang nakalilipas, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang halik niya. Punyemas naman!I've kissed guys before, way hotter than that, way intense than that. Smack nga lang 'yong ginawa niya pero punyemas naman! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan.Siguro dahil na-guilty ako sa hindi ko malamang dahilan. Bakit nga ba ako nagi-guilty? Dahil ba isa siyang Lizares at ayaw ko sa kanila o dahil sa may nakakita sa aming dalawa? At sa lahat ng puwedeng makakita, bakit siya pa?I shake my head and stare at the ceiling of my room. Ilang minuto rin akong nakipagtitigan sa kisame. Umaga pa lang pero feeling ko ubos na ang energy ko.Mamayang gabi, makikilala ko na ang pamilyang pinili ng mga magulang ko para
Dumaan ang Pasko, kasal ni Ate Ada at Decart Lizares, at ang bagong taon na wala masiyadong ganap sa buhay ko.Maliban na lang sa pagiging makulit ng engkanto. Sa sobrang kulit, heto na nga siya o, palapit na sa akin.Sunday ngayon at nandito ako sa kabisera para simulan na naman ang panibagong linggo ng pagiging busy. It's the second week of January and ilang araw na rin magmula no'ng magpalit ang taon.I'm trying my best to be cool with Sonny since I knew the merging. I'm trying my best to do everything para lang makalimutan ang lahat ng pag-aming ginawa niya sa nakaraan. Sinubukan ko at hanggang ngayon ay sinusubukan ko pa rin.Gusto niya ako. May gusto siya sa akin. Kaya siguro masaya siya, masayang-masaya siya na kami ang ikakasal. I don't want to pop up his bubble. I'll let him be happy. As if people can be genuinely happy.I'm kind of good at acting pero sa loob ko, hindi
Today is the day I will be judge. Today is the day that all my hardworks will be put into test. Today is the day. Today is the punyemas day!!!!Few days prior to this, everything about me and Darry were going smoothly. Hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa nangyaring iyon. Sa tuwing tinatanong niya ako, ang palagi kong sinasabi ay wala akong maalala dahil sa kalasingan. Hindi rin naman siya nagku-kuwento kung ano kaya pinapalabas ko na baka nga wala kasi parang wala lang naman.Mas lalo lang akong naging abala sa pagpi-prepare sa sarili ko sa papalapit na boards. Everything is sailing smoothly dahil walang mga problema akong natatanggap. Darry is treating me well, my family is constantly sending me messages and telling me to break a leg and everything, also my friends. Kaso ngayong araw, hindi na ako magbabasa ng mga message. Mas pinili ko kasing ilayo muna sa akin ang phone ko. Si Darry din mismo ang nag-suggest sa akin na lumayo muna
"Hello Misis Lizares!" Maligayang bati ni Jessa sa akin nang makarating kami sa bar kung saan daw magkikita-kita ang mga kaibigan ni Darry at ang mga kaibigan ko. As usual, si Crisha, Maj, at Jessa lang ang nandito. Nasa probinsya na naman kasi ang iba.Nakipag-beso ako kay Crisha at Jessa, at bro hug naman ang kay Maj."Himalang nakalabas ka ngayon, bruha?"Matapos ang batian, agad akong inilapit ni Jessa sa sarili niya para yakapin. It's been a while since the last time we saw each other, masiyado talaga akong naging busy sa buhay reviewee ko."Katatapos lang kasi ng mock board at isinama lang naman ako ni Darry dito kaya tinawagan ko na kayo ni Maj." Kumuha ako ng isang shot ng tequila na nasa lamesa at diretsong tinungga.We meet again, ardent spirits!"Ay betsung si papa Darry, pinayagan kang mag-enjoy," puna ni Jessa."Mabuti nga si
Another month has passed after that quick vacation with my cousins sa Palawan. I just came back from Manila. Done with another round of diagnostic testing for this month and two months na lang din at board exams na namin. Mas pinagbutihan ko ang pagri-review, erasing and ignoring the negativity of life. Charot. Ignoring my heart and its consequences. Brain muna. Si brain naman.Actually, kahapon lang talaga ako bumalik and today is another day kaya naisipan kong mag-jogging na naman. Another two hours of burning some unnecessary fats.Airpods on my ears and the phone is just on my left arm. I rested for a while on a big mango tree. The morning air in this kind of environment is the air I want to breathe for the rest of my life. Malamig tapos sobrang fresh pa. I can also see some moist on the grass of the sugarcanes.Ang sarap talagang mag-jogging kapag nature ang iyong kasama. Unlike when you're in some big cities, na pu
Tinitigan ko ang gawa ko. Not so perfect in appearance pero pasang awa na! Wait till you taste it! Mapapasinghap ka sa sarap!Bahagya ko pang inamoy ang niluto ko at saka dahan-dahang pumihit patalikod para mailapag ito sa dining table. Partida nakapikit pa ako n'yan nang inamoy ko kaya noong paglingon ko na ay saktong dumilat ako.Punyemas."Punyemas naman, Darry! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Singhal ko sa kaniya. Gulat na gulat ako sa prensensiya niya kasi nang magdilat ako ng mata, mukha niya agad ang nakita ko. Nakasandal siya sa bukana ng kitchen at naka-crossed arms pa ang demunyu. Habang ako naman ay halos tahipin na ang dibdib ko dahil sa gulat at sa kabang naramdaman ko.Sunod-sunod ang naging paghinga ko. Mabuti na lang at hindi ko nabitawan ang bitbit kong pinggan ng speciality ko: Scrambled corned beef ala Maria Josephina Constancia Osmeña Lizares."You're cu
Masakit ang sinabi ko. Masakit ang ginawa kong halos magmakaawa na kay Raffy para lang itigil na niya ang nararamdaman niya.Kung ako tinanong ng mga panahong namimili pa ng mapapangasawa sina Mama at Papa tungkol sa mga Javier, siguro tama si Raffy, papayag nga ako. Bukod sa wala na akong choice, mapapanatag ang loob ko dahil kaibigan ko ang ipakakasal sa akin. Siguro nga magiging masaya kami. Matututunan ko siyang magustohan. Baka nga.Pero ngayon ko nalaman, e, kaya ganito ang approach ko. I am not the same person as I am from last year. My perception did change after kong malaman na Lizares ang pakakasalan ko. Ibang-iba na. Kaya ko nasabi kay Raffy 'yon para hindi niya mas lalong sisihin ang sarili, para hindi na siya umasang meron nga kahit kaonti. Mas mahirap 'yon. Kaya sinabi ko sa kaniya ang mga salitang naka-base sa pangkasalukuyang nararamdaman ko.Hindi naging maayos ang pag-iwan ko kay Raffy sa fast food chai
Hindi ko pinagsisihan ang halik ko sa kaniya. I did it freely and not against my will. But what it turned out is the thing I'm afraid of right now.After that night, Darry said to my parents na mas mabuting nandito ako sa Negros for the review para raw mas maka-relax ako. Since hindi na rin naman daw ako ang hahawak ng company kasi nandito na ang parents ko. Wala na rin naman daw akong gagawin sa Manila kaya mas mabuti raw na manatili ako rito sa Negros.I want to protest. Pero wala akong nagawa kundi ang sundin ang utos nila. Pinagbigyan ko, baka sakaling kailangan niya lang ng space dahil sa nangyari at sa mga nalaman. Kahit na hindi man lang niya inalam ang side ko. Hinayaan ko siya. Nagpaubaya ako.Unang dalawang linggong pananatili ko sa bahay ay puro review lang ang ginagawa ko. Merong pinagdidikitan ko ang buong dingding ng study room namin ng mga formulas para makatulong sa akin sa pagri-review.
Paano mo malalaman kung may crush ka sa isang tao?'Pag napapangiti ka sa tuwing nakikita mo siya.Paano mo malalaman kung gusto mo na ang taong iyon?'Pag masaya ka sa tuwing nakikita mo siya at malungkot ka sa tuwing hindi mo siya nakikita.E, paano mo malalaman kung mahal mo na ang isang tao?Hoy teka, sandali, wait, MJ Osmeña! Anong mahal? Walang mahal! Ang mga bilihin lang ang nagmamahal, hindi si Maria Josephina Constancia! Hindi nagmamahal 'yon, nagmumura 'yon, e. Nagmumura ka! Hindi ka nagmamahal! Imposible 'yon!Masaya kong sinalubong ang pamilya ko nang makarating kami sa wakas sa birthday party ng pamangkin kong si Kansas. Airport ang theme ng party kaya punong-puno ang sikat na event center ng ciudad namin ng mga designs tungkol sa eroplano, airport, at iba pang may kinalaman sa aeronautics. Hindi ko alam kung anong trip ni Ate Tonette, hin
Kung dati, naging rason ang trabaho kung bakit nag-iiwasan kami ni Darry sa penthouse. Ngayon... ako na mismo ang umiiwas sa kaniya. Blessing in disguise din ang pagiging abala niya sa kompanya nila kaya hindi na rin niya ako binulabog pa. In short, wala kaming pansinan sa loob ng bahay.Laking pasasalamat ko na nga lang na hindi ko na kailangang magpanggap dahil uuwi na akong Negros ngayon at maiiwan siya sa penthouse kasama si Alice at Erna. Babalik din naman ako ng Monday morning. It's just a weekend with family dahil first birthday ni Kansas, na pangalawang anak ni Ate Tonette."Maligayang pagbabalik sa Negros, Ma'am MJ!" Pagkalabas ko ng airport, ang nakangiting si Manong Bong ang bumungad sa akin. Kinuha niya ang medium size luggage ko at saka pinasakay sa kotse ko na siya ang nag-drive."Hello Manong Bong! Kumusta ka na, Manong?" No'ng naisakay na niya sa likuran ang bagahe ay agad ko siyang binati.
"Oh, hija!" Malawak pero may poise na bati ni Mommy (so awkward!) Felicity sa akin. Hinawakan niya pa ang magkabilang braso ko at hinarap ako nang mabuti.Wala na akong pakialam kung nanginginig na itong labi ko sa kakangiti dahil hanggang ngayon, kahit na nakahawak at nakaharap na ang mga magulang niya sa akin, ay hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Mas lalo lang nakadagdag sa bilis ng tibok ng puso ko ang maya't-mayang pagpisil niya sa kamay ko.Gaga ka talaga kahit kailan, MJ! Ang dami mo nang nahawakang kamay, ngayon ka pa talaga kakabahan? Ano ka ba? High school student? Teenager? Feeling teenager? Tanga!Nang bumeso si Mommy (hindi na ako ma-a-awkward sa susunod) Felicity sa akin ay saka lang bumitaw si Darry sa kamay ko. Halos ipatawag at pasalamatan ko ang sampung santong kilala ko dahil sa ginawa niya. Naging stable na rin ang ngiti ko kay Mommy (promise, last na) Felicity at nakapag-respond na nang maay