Home / Romance / She Leaves / She Leaves 1: 10 Yeaers Before The Engagement

Share

She Leaves 1: 10 Yeaers Before The Engagement

Author: doravella
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"MJ! MJ!"

Nakasandal ako sa malaking puno ng acacia nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

Agad kong nalaman kung saan banda ang tumawag sa akin kaya nakangiti akong lumingon sa kaniya.

"What?"

"'Yo’ng dalawang manliligaw mo, nag-aaway sa CR ng mga boys," sumbong niya agad.

"Sino?" tanong ni Ressie sa kaniya, mukhang hindi na napigilan ang maki-chismis sa narinig. Isa siya sa mga kaibigan ko at obviously kasamahan sa pagtatambay ngayon.

"Si Vad at Maj," sagot naman no'ng schoolmate namin na nakalimutan ko ang pangalan.

"Salvador Montero and Major Yap," sabay na sabi ng kambal ng tadhana na si Lory at Lorene na sinabayan pa ng nakaririnding hagikhikan.

Tumingala ako sa mga dahon ng puno at pinagmasdan ito.

"Hayaan mo na sila, wala rin naman akong sasagutin sa kanilang dalawa, e. Titigil din ang mga 'yon," kalmadong sagot ko.

"Sige na, Kirk, pakisabihan na lang ang dalawang iyon na tumigil na sila. Alam naman nilang pareho na hindi talaga nagbo-boyfriend si MJ, e," sagot ni Nicole sa schoolmate naming iyon na ngayon ko lang nalaman ang pangalan. Kirk pala.

"Ang haba talaga ng buhok nitong si MJ. Ikaw na talaga," narinig kong sagot no'ng Kirk bago nawala sa pandinig ko ang mahina niyang tawa.

"Salvador Montero V and Major Gerardo Yap… mga anak ng dalawang prominenteng politician ng Negros Occidental. Pinag-aawayan ang napakagandang si Maria Josephina Constancia Leonardia Osmeña," ma-dramang sabi ni Jessa kaya dahan dahan kong inilipat ang tingin ko sa kaniya.

"What now, Jesshane Alaina Marañon?" malamyang tanong ko.

"Ang akin lang naman, kaibigan, bakit hindi mo mabigyan ng chance ang isa sa kanila? Mahirap ba talagang pumili?" nakangiwing tanong ni Jessa. "Sabagay, parehong guwapo ang dalawa at parehong malakas ang dating kaya mahirap nga naman ang pumili sa kanilang dalawa," kibit-balikat na dagdag pa niya.

Napangisi ako sa sinabi niya at napa-ayos na rin sa pagkakaupo.

"Ano pa ba ang kailangan nila? Pareho kong pinagbigyan ang mga gusto nilang makahalik-"

"Ew, MJ! Stop! My virgin ears!"

Natigil ako sa pagsasalita dahil sa maarteng reaksiyon kaagad ni Lory. May pagtakip pa siya sa tengang nalalaman.

Napa-iling na lang ako sa inasta niya at ibinalik ang tingin sa iba ko pang kaibigan.

"Totoo naman kasi. 'Yon lang naman talaga ang gusto nila, ang maka-score sa akin. I can give them that without giving them a label. Like duh, masiyadong mabigat ang mabigyan sila ng label."

Pinag-ekis ko ang braso ko sa may tiyan at isa-isa silang tiningnan.

"Oh, my god! Don't tell me may nangyari na sa inyo? Sino 'yong una mo?" hysterical na tanong ni Paulla kaya bigla akong nainis sa sinabi niya.

"Really, Paullita? Do you think I can do that?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "I already told you about the bases right? Base one, base two, base three? God! Base one pa lang ako. 'Wag nga kayong OA!"

"Gaga! Magtatanong lang sana ako kung sino ang first kiss mo sa dalawa?" pambawing tanong agad ni Paulla.

Napatagal ang titig ko sa kaniya. May dumaan lang na isang mala-motorsiklong alaala sa aking isipan.

"They aren't my first kiss," kibit-balikat na sagot ko sabay iwas ng tingin.

None of them was.

"OMG! So sino ang first kiss mo?" sabay na namang tanong ng kambal. Napalipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Shit, MJ! Stop thinking and just punyemas answer the twins' question.

"Siyempre, my parents. Sino pa ba?" cool na cool na sabi ko sabay tayo. "Tara na nga, nagugutom na ako. Punta tayong canteen."

"Ang showbiz nitong si MJ. Pero sino ang unang nahalikan mo kay Vad at Maj?"

Nagsitayuan na rin naman sila at may pahabol pang tanong si Ressie.

"Kaya siguro nag-away 'yong dalawa, nagtatalo kung sino sa kanila ang first kiss ni MJ," patutsada ni Jessa na sinabayan pa ng pagtawa ng iba.

"Haba talaga ng hair," sabi ni Nicole.

Umiling na lang ako sa mga pinagsasabi nila at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi pa rin natigil ang pag-uusap nila sa likuran ko. Hinayaan ko na lang, masaya naman sila, e.

Pero hindi pa kami nakararating sa canteen ay may napansin na akong isang tumpokan ng mga pamilyar na estudyante. Tumigil ako sa paglalakad at pinagmasdan 'yon. Biglaan yata ang pagtigil ko kaya naramdaman kong may bumunggo sa aking likuran.

"God, MJ! Why did you stop?" gulat na tanong ni Ressie sa akin pero hindi ko na pinagtoonan ng pansin. Nakatingin pa rin kasi ako sa tumpokang iyon.

"Steve, ano 'yan?" kalmadong tanong ko sa kanila.

Agad din naman akong nilingon ng tatlong lalaking iyon. Ang nasa gitna ang tinawag ko kaya nang paglingon niya sa akin, kasing lawak ng Plaza Miranda ang kaniyang ngisi.

"MJ!" bati niya sa akin na tinanguan ko naman.

"Ano 'yan?"

"We're just having a very interesting conversation with this little... nerd!" at sabay na nagtawanan si Steve at ang dalawa pa niyang kaibigan.

Sobrang lakas ng tawanan nila na halos malagutan na ng hininga itong si Steve kakatawa.

Humalukipkip ako and I shifted my weight from left to right. Tinabingi ko rin ang ulo ko para pasadahan ng panandaliang tingin ang isang lalaki na nasa harapan nila Steve. Nakayuko, hindi nakikita ang mukha dahil sa mahabang buhok, at inaayos ang salamin.

"Ano namang pinag-uusapan n'yo?"

Kumalma sina Steve nang sumagot ako sa sinabi niya.

"Oh, it's all about you. May gusto raw kasi sa 'yo. Tinatanong ko lang kung gusto ba niyang sumali sa away ni Vad at Maj, isasali sana namin," at nagtawanan na naman si Steve and friends.

"Hay naku, makatawa naman itong si Steve parang wala ng bukas," narinig kong komento ni Paulla kaya napangisi ako at napa-iling na rin.

"Stop it, Steve. You're clearly bullying him. You're ruining his silent moment."

"Oh no, MJ, you're not going to save this nerd," sagot agad ni Steve.

"Don't give him false hope, MJ," singit ni Brey, isa sa mga kasama ni Steve ngayon.

"Oo nga, MJ. Baka umasa 'to dahil sa pagtatanggol mong 'yan," sabi naman ng isa pa na si Serg.

"I'm not. I don't care if he likes me or nah. I'm just stating the fact that you're invading his personal space. And we all know na ayaw ng lahat ng tao na ma-invade ang personal space nila. And that man right there is not an exception to that rule."

Sabay na napatingin ang tatlo sa lalaking nasa harapan nila and as if on cue, sabay din silang umatras sa kaniya.

"Mabuti pa, sumama na lang kayo sa amin. Pupunta kaming canteen."

"Libre ba?" nakangising tanong ni Serg na parang walang nangyari.

"Mukha mo! Ang dami dami mong pera, magpapalibre ka pa?" mataray na sabi ni Lorene.

Napa-iling na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Alam ko rin kasing nakasunod na si Steve and friends sa amin dahil naririnig kong inaasar na ni Serg ang kaibigan kong si Lorene.

"Kilala mo ba 'yong estudyanteng iyon?" biglang tanong ni Nicole sa akin habang naglalakad.

Nagkibit-balikat ako bilang pa-unang sagot. "No. Never seeen that guy. Why?"

"Pamilyar kasi siya sa akin," ani ni Nicole.

"Sa akin din, parang kilala ko," singit ni Paulla. Pareho silang nasa likuran ko.

"Ako, hindi ko kilala at hindi na ako mag-aaksayang isipin 'yon," sagot ko at saktong nakarating na kami sa canteen.

Agad akong naghanap ng puwesto at nagsunuran naman ang kasamahan ko sa akin.

"Teka, sobrang pamilyar talaga ng lalaking iyon, e."

Nakaupo na kami't lahat, hindi pa rin natitigil si Paulla sa kakaisip sa lalaking pinag-trip-an nina Steve kanina.

Pinabayaan ko na sila at naglakad na papuntang counter para bumili ng merienda.

Kaonti lang ang bumibili kaya agad akong nakabalik sa table namin.

"Ha? Kapatid 'yon nina Decart."

Pagka-upo ko, 'yan agad ang narinig kong sinabi ni Brey.

Wala akong idea sa pinag-uusapan nila kaya patuloy ako sa pagbukas ng balot ng mamon na binili ko.

"Decart? Kuya Decart Lizares?" gulat na tanong ni Nicole kaya nasulyapan ko siya nang panandalian bago nagpatuloy sa ginagawa.

"Isa siyang Lizares?" second the motion naman ni Lory.

"Uh huh," cool na cool na sagot naman ni Serg.

"Eh bakit n'yo ginaganoon?" tanong ni Ressie.

"Masarap pag-trip-an, e, at hindi gumaganti. Masiyado pang tahimik," sagot naman ni Steve.

Wala akong balak sumagot sa pinag-uusapan nila kaya inabala ko ang sarili ko sa phone ko. Wala akong masagot sa usapan nila kaya sinagot ko na lang ang sandamakmak na text messages na natanggap ko galing sa iba't-ibang klaseng numero.

"Imposible naman yata 'yang sinasabi mo, Brey. Imposibleng isang Lizares 'yon," narinig kong sabi ni Jessa.

Hindi pa rin pala sila tapos sa pag-uusap tungkol sa mga Lizares?

Teka, bakit ba pinaguusapan nila ang mga Lizares?

Teka ulit, ano bang pakialam ko?

"Oo nga, Brey. Kilala mo naman ang mga Lizares 'di ba?" sabi ni Lory.

"Guwapo, matipuno, makisig, malakas ang sex appeal," narinig kong sabi naman ni Lorene.

"Seriously Lorene? Pinagnanasahan mo ba ang mga Lizares?" naiiritang tanong ni Serg sa kaniya.

"Shut up, Serg. I'm just stating some facts here kasi ganoon naman talaga ang Lizares brothers," depensang sagot ni Lorene.

"Seloso ka pala, Serg," natatawang komento ni Nicole na sinabayan ng kantiyaw ng iba pa.

Hindi na ulit ako nakinig sa usapan nila. Mas lalo kong pinagtoonan ng pansin ang mga ka-text ko. Pero sa dami ng nagtext sa akin, dalawa lang ang ni-reply-an ko.

Vad: Wala ba talaga akong pag-asa sa 'yo, MJ?

Ako: I already told you, Vad. No.

After I sent that message, ang message naman ni Maj ang binasa ko.

Major: Ang angas no'ng isang manliligaw mo, MJ. Akala mo kung sinong makasabi na siya lang daw ang sasagutin mo.

Ako: Maj, wala talaga akong sasagutin kahit sino sa inyo. I don't do relationships, remember?

Agad ding sumagot si Vad sa reply ko sa kaniya.

Vad: But we're still friends, right? Where are you?

Ako: Sure, we can always be friends, Vad. Nasa canteen.

"Hala la la la la. Sino na naman 'yang ka-text mo?"

Agad kong inilapag ang phone ko sa table at ngumisi kay Paulla.

"Boys," kibit-balikat na sagot ko. "Hindi pa ba tayo babalik?" pag-iiba ko naman sa usapan.

"Nag-message si Joanna, hindi raw makakapasok si Miss Tes kasi may emergency sa kanila pero nag-iwan daw ng activities. Mamaya na tayo bumalik sa classroom," sagot agad ni Nicole.

"Okay. Sina Steve?"

Napansin ko kasi na kami-kaming girls na lang ang naiwan sa table na ito.

"Umalis na. Masiyado ka kasing busy sa phone mo kaya hindi mo siguro narinig na nagpaalam silang tatlo," sagot ni Lory.

Tumango na lang ako bilang response sa mga sinasabi nila.

Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng canteen. Iilang estudiyante na lang ang nakikita ko. Siguro tapos na ang afternoon break kaya nagsibalikan na sila.

"Look, Lorene. I really can't believe pa rin na he's one of them."

Naibalik ko kaagad ang tingin ko kay Paulla nang marinig na naman siyang magsalita. Nakatingin siya sa may entrance ng canteen kaya wala sa sarili kong sinundan iyon ng tingin.

Papasok sa bukana ng canteen ang isang lalaki na hindi masiyadong katangkaran, nakayuko at mukhang sa sahig lang ang tingin dahilan para hindi ko masiyadong makita ang kabuuan ng mukha niya. Mas lalong nakadagdag ang mahahabang hibla ng buhok para mas lalong hindi makita ang mukha niya.

Okay, he's a long haired guy and it's kind of weird na makitang may ganitong klaseng lalaki sa school namin na well in fact it's a catholic school and masiyadong strikto ang mga nuns dito when it comes to policies.

Suot niya ang usual school uniform ng mga boys na white polo na mayroong bulsa sa left side ng uniform at sa bulsang iyon nakalagay ang logo ng school. Nakasabit din sa may kuwelyo niya ang lanyard ng school na merong I.D. It's also properly swaying while he's walking.

Sa pants naman, color brown ang color ng school pants ng mga boys. Parang dinaanan ng singkuwentang plantsa ang kaniyang pants dahil sa sobrang hipid nito. Walang halong biro, pero para talagang hindi nagugusot.

At 'yong sapatos naman n'ya... Naku, sinasabi ko sa inyo, tinalbugan ang sahig namin sa bahay sa sobrang kintab. Mahihiya ang alikabok na dumapo sa sapatos na iyon. Sobrang kintab na puwede ka na ring manalamin.

I'm not really fond of checking somebody's overall appearance, but this guy? Damn, he's an epitome of a prim and proper kind of guy. 'Yong tipong hinakot niya lahat ng Most Neat and Clean na riboon noong elementary.

"See that? He's so neat and that's way too different from his family's image. If he really is one of them."

Natigil ako sa pagja-judge ng lalaking iyon nang marinig ang boses ni Paulla.

"Baka ampon? I really thought Sonny is their youngest," komento naman ni Nicole.

"Their oldest is Kuya Decart, 'di ba?" ani Lory.

"Then next to Kuya Decart is Kuya Einny," ani Lorene naman.

"And after Kuya Einny is Kuya Tonton," si Ressie naman ngayon ang nagsalita.

"And after him is Kuya Siggy," sagot ni Paulla.

"And lastly... is Sonny," sagot din ni Jessa.

"Hindi lastly, Jess. Meron pa silang bunso... and I think that's him," epal din ni Nicole.

Nakapalumbaba lang akong nakatingin sa kanila. Kung sino ang magsasalita, doon ko itutuon ang atensiyon ko.

Alam ko na ngayon kung anong pinaguusapan nila. Ang mga Lizares. Na naman.

"Sabi ni Ate, mayroon daw silang bunso. Pero hindi lang masiyadong ine-expose sa media and sa society dahil nasa ibang bansa raw," singit ko sa usapan nila.

"Ha?!"

Punyemas.

Halos mahiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan dahil sa sabay-sabay nilang pagsigaw sa akin. Napapikit pa ako.

"Kailangan talaga sabay sabay?" singhal ko sa kanila.

Kahit hindi ko igala ang tingin ko sa paligid, alam kong naagaw namin ang atensiyon ng mga taong nandito sa loob ng canteen.

"Mayroon ka palang alam, bakit ngayon ka lang nagsabi?" ma-dramang tanong ni Nicole.

"Kanina pa kami nagbi-brainstorming kung totoo ba ang sinabi ni Brey tapos mayroon ka palang alam bruha ka!" may ipinaglalabang sabi ni Jessa.

Ngumisi ako sa kanila at umayos sa pagkakaupo.

"'Yon lang din naman ang alam ko. Bukod doon, wala na. Wala naman kasi talaga akong alam sa mga Lizares. Mga ka-sosyo lang sila nina Mama pero 'yon lang din ang alam ko," kibit-balikat na sagot ko. "Asus, pa Kuya Kuya pa kayo, crush n'yo lang naman ang mga Lizares, e."

"Bakit, MJ? Hindi ka ba nagka-interes sa mga Lizares? Ang guguwapo kaya nila," parang kinikilig na sabi ni Lory.

"Lizares are untouchables... kaya hindi sila puwedeng maisali sa mga koleksyon ko," nag-iwas ako ng tingin sa kanila at napatingin na lang sa may counter ng canteen.

At saktong paglingon ko doon ay nakatingin na sa akin ang lalaking jina-judge ko lang kanina. Seryoso ang tingin niya pero dahil halos wala na akong maramdaman, isinawalang bahala ko ang titig niya.

Grade nine na kami pero ganoon pa rin... kaliwa't kanan pa rin ang mga humahanga sa akin. And as a generous girl, I am honored to entertain each one of them, one at a time.

After that incident with Vad Montero and Maj Yap, mayroon na namang nakasunod na manliligaw. But I refuse to call them suitors, I prefer calling them flings. I maybe a playgirl but I was never a timer. Swear.

Friends na kami ngayon ni Vad at Maj at tinatawanan na lang namin ngayon ang nangyari a year ago. 'Yong time na nag-away sila dahil sa akin. May mga girlfriends na sila and sometimes, sila rin mismo ang nangrereto sa mga flavor of the week ko.

Ngayon, si Albert Ballesteros ang fling of the moment ko. He's a Grade ten student in our school.

"Hey, MJ..." malambing na tawag ni Albert sa pangalan ko.

Kasalakuyan kaming nagpapahangin sa mga kakahuyan dito malapit sa soccer field ng school. Kaming dalawa lang. Nakahiga siya sa lap ko at ako, tahimik na iginagala ang paningin.

"Yes, Al?"

"My parents wants to meet you," seryosong sabi niya.

Oh no!

Napatikhim ako sa sinabi ni Albert. Pa-simple akong umayos sa pagkakaupo dahilan para bumangon siya at hinarap ako.

"Is that necessary?"

"Gustong gusto ka kasi talaga nilang makilala. You know naman how supportive they are to me, 'di ba?" hinawakan niya ang magkabilang braso ko kaya napatingin ako sa mga mata niya.

"We're not officially in a relationship, Al. I don't know what's the relevance of them meeting me. We're just flings, Al," casual na sabi ko.

Dahil nakatingin ako sa mga mata niya, kitang-kita ko kung paano naging malungkot ito. Pero ako si Maria Josephina Constancia L. Osmeña, walang epekto sa akin ang emosyong iyon.

"Para saan pa't doon din naman ang punta natin 'di ba? Oo mo lang naman ang hinihintay ko, e."

Whoa there!

Dahil sa sinabi ni Albert, agad akong napatayo at isa-isang sinikop ang mga gamit ko.

"Oh no, Albert, you're expecting me to be your girlfriend," pa-iling iling na sabi ko.

"Siyempre naman, mahal kita MJ."

Oh heck no!

"That's too deep, Albert. I already told you, I can accompany you like a real girlfriend but you can't make me one. And love? You love me within that three days that I'm with you? Sigurado ka?" pahapyaw akong natawa dahil sa napagtanto ko. "You're just infatuated, Albert. So kung ayaw mong makuntento sa kung anong mayroon tayo ngayon, I'm sorry but we should stop this," cool na cool na sabi ko at iniwan siya roon.

Mabilis akong naglakad at hinanap ang mga kaibigan ko sa canteen. Nang makita sila, padabog kong inilagay ang bag ko sa ibabaw ng lamesa at umupo.

"Oh?" gulat na tanong ni Jessa.

"Hulaan ko... ekis na naman from the list si Albert Ballesteros, 'no?" natatawang sabi ni Lorene.

"Why? What happened?" tanong ni Vad.

Kasama rin pala ng mga girls si Maj at Vad. Sabi sa inyo, naging kaibigan ko na rin sila. Isa sa mga pinakamalapit na kaibigan.

"Like the usual, Vad," sagot ni Nicole.

"H-Hey MJ, I'm sorry."

May biglang humawak sa kanang braso ko. Hindi ako nagulat dahil nakilala ko agad ang nagmamay-ari ng boses.

Dahan-dahan ko siyang nilingon.

"Albert, I said we are already done. Stop chasing me now," kalmanteng sabi ko sa kaniya.

"And I guess you need to take her words seriously, Albert," epal naman ni Maj kaya nakita ko ang paglingon ni Albert sa puwesto niya. Kitang-kita ko rin ang pagtiim ng bagang niya. Pinipigilan ang inis.

"We can stay as friends, Albert," kalmado pa ring sabi ko.

Ibinalik niya na rin sa akin ang tingin niya.

"B-But-"

"Ooooh!"

Sabay-sabay na napa-Ooooh ang mga taong nasa canteen nang biglang may nadapa sa gilid ni Albert. Pero hindi ang taong iyon ang nagpa-Ooooh sa kanila. Kundi ang isang klaseng likido na dahan-dahang tumutulo sa harapan ng uniform ni Albert papunta sa pants niya hanggang sa makaabot sa sapatos niya. Isang malagkit at kulay pulang likido. I think that's a watermelon or a strawberry smoothie.

"Pakshet!" malakas na sigaw ni Albert kaya agad akong napatayo at pinigilan siya sa pagsugod sa lalaking nadapa.

"Hey! Calm down!"

Mas malaki si Albert kaya hindi ko siya napigilan sa pagsugod sa lalaking iyon.

No'ng makawala si Albert sa hawak ko, agad niyang dinekwat ang kuwelyo ng lalaking nadapa at marahas na pinatayo ito.

"Why did you do that, huh?" puno ng panggagalaiting tanong ni Albert sa lalaking iyon.

"So-So-Sorry. I-I-I didn't m-mean t-to-"

"Shut the fuck up, Nerd!"

"Hey Albert, stop it! Hindi niya sinasadya!" at buong lakas kong binawi ang kamay ni Albert sa pagkakahawak sa kuwelyo ng lalaking iyon.

Pero masiyadong mahigpit kaya nilingon ko ang dalawa kong kaibigan at pinandilatan ng mata.

"Major? Salvador? Help?"

Kung hindi ko pa sila sinindak, hindi pa sila tatayo at tumulong sa akin.

Mabuti naman at napaglayo nina Maj si Albert at ang lalaking iyon. Pero mababakas pa rin sa mukha ni Albert ang panggagalaiti sa galit. Pinasadahan ko muna ng tingin ang mga kaibigan kong babae na agad nilapitan ang lalaking kinagalitan ni Albert.

Panandalian ko ring tiningnan ang lalaking iyon pero dahil sa nagmamadali ako, hindi na masiyadong na-sink in sa utak ko kung sino 'yon.

Sinundan ko sina Albert na naglalakad na ngayon papuntang boy's locker room. For sure mayroong spare clothes si Albert sa locker niya kaya alam kong makakapagbihis siya agad.

Inakbayan ni Vad at Maj si Albert at mukhang may binubulong din sa kaniya. Ako naman ay tahimik lang na nakasunod.

Punyemas. Kailangan ko na namang maghanap ng bagong prospect. Masiyadong mainitin ang ulo ni Albert and I'm not going to settle down with that kind of attitude. Punyemas boy.

Matapos ang kaguluhang iyon, na mabuti at hindi nakarating sa kahit kaninong faculty and statt, ay tahimik na nagpatuloy ang afternoon class namin.

Nakapalumbaba akong nakatingin sa white board ng classroom namin habang naghihintay sa last subject teacher namin.

"Anong sinabi ni Albert? Okay na ba sa kaniya na stop na kayo?"

Bigla akong kinausap ni Paulla kaya napatingin ako sa kaniya.

"He needs to accept it. Whether he likes it or not, we need to stop kasi he's falling in love with me na raw. You know naman na I don't like boys who directly confesses their undying love for me, right?" walang ganang sagot ko kasi totoo naman, ang pinaka-ayaw ko sa lahat, ang mga lalaking nagsasabing mahal na nila ako at gusto na nila akong maging girlfriend.

"Bakit ba ayaw na ayaw mong may lalaking nagko-confess sa'yo? Ayaw mo no'n? Mahal na mahal ka."

"Because love is an impossible word," 'yon lang ang sinagot ko at tumahimik na si Paulla dahil na rin sa pagdating ng subject teacher namin.

Sa mga sumunod na araw, naging tahimik na ang takbo ng buhay ko. Tahimik dahil hindi na ulit nangulit si Albert sa akin. And thank God for that!

Final grading namin ngayon, wala ako sa mood maghanap ng bagong fling. Papalipasin ko na muna ang final exams bago ako maghahanap. Marami naman d'yan, hindi naman ako mauubusan.

One week before the final examinations, kaniya-kaniyang bigay ang mga subject teachers namin ng pointers for the coverage of the exams. Kaniya-kaniya na ring group study ang mga kaklase ko.

"Saan kayo mag-aaral bukas?" tanong ko sa kanila habang inaayos ang mga gamit ko. Ako na lang ang natitira at nakapalibot na sila sa akin, hinihintay akong matapos.

"Ako... sa bahay, as usual. Bantay sarado na naman," sagot ni Nicole na may pagtaas pa ng kamay.

"With my tutor," ani Jessa.

"Self-study para makapagconcentrate," ani Paulla.

"Ako, sasama ako sa twins," sagot naman ni Ressie na nakaagaw ng atensiyon ko.

Kunot-noo kong tiningnan ang kambal dahil sa sinabi ni Ressie.

"Mag go-group study kayo?"

"Parang ganoon na nga," sagot ni Lory sa akin.

"Pero magpapatulong lang naman kami kay Kuya Darry. Sasama lang talaga itong si Ressie kasi nga 'di ba magkapitbahay kami?" dagdag na sagot naman ni Lorene sa unang sinabi ng kakambal.

"Hala talaga? Pumayag siya? Puwedeng sumama?"

Napataas ang isang kilay ko sa biglang sinabi ni Jessa.

"Oo naman, mabait naman 'yon. At saka sinabi na rin niya na puwede tayong sumama lahat," sagot din ni Lorene.

"Hala sige sige, gusto ko 'yan!" may palakpak pang sabi ni Nicole.

"Ako rin, sasama ako!" third the motion ni Paulla.

Mas lalo akong nagtaka sa mga pinagsasabi nila.

"Ikaw, MJ? Sasama ka? Group study bukas sa bahay ng twins," tanong sa akin ni Ressie.

"Teka, anong oras ba?" singit ni Jessa bago pa man ako makasagot sa tanong ni Ressie.

"Eight am to five pm para marami tayong mapag-aralan," sagot ni Lory kay Jessa.

Teka sandali, iba ang mga sinagot ni Jessa, Paulla, at Nicole, ah? Bakit ngayon, binanggit lang ng twins na mayroong tutulong sa kanila, biglang sumama na ang tatlo? Anong sapak sa ulo ang meron sila?

"You know naman na I'm not effective with group studying 'di ba?" umirap ako sa kanila at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.

"Ay bahala ka, you're missing half of your life," may halong pang-iinggit sa tono ng kaniyang boses na sabi ni Jessa.

"At saka hindi rin naman ako makakasama sa inyo bukas. May lakad kami nina Mama," kibit-balikat na sagot ko bago isinukbit ang sling bag sa balikat at nginitian sila. "Tara na."

Patuloy pa rin sila sa pag-uusap tungkol sa taong tutulong daw sa kanila bukas na mag-group study. Wala naman akong interes kaya nanguna ako sa paglalakad para hindi ko marinig ang mga pinag-uusapan nila.

Pero masiyadong malakas ang boses nila at palagi rin nilang binabanggit ang pangalan na Kuya Darry.

Heck! The hell I care with that?

Pagkauwi ko sa bahay, sinalubong agad ako ng mga kasambahay na may bitbit na mga maliliit na bag na pinapasok nila sa compartment ng aming Land Range Rover at ang iba naman ay sa Ford Everest.

"Alice, anong meron?"

Pagkababa ko ng sasakyang regular na sumusundo sa akin, agad akong nilapitan ng isang kasambahay para kunin ang mga dala kong gamit.

"Ah, Ma'am MJ, magandang hapon. Aalis kayo ngayon para pumunta sa planta n'yo sa Don Salvador. Doon na rin daw kayo magpapalipas ng weekend," sagot ni Alice.

"Sina Mama, nand'yan pa?"

Isang tango ang sinagot ni Alice sa akin bago ako nagpatuloy sa paglalakad papasok sa loob ng bahay. Saktong pagpasok ko ay siyang pagbaba ni Mama sa hagdan. Dali-dali akong lumapit para batiin siya.

"How's school, anak?" malambing na tanong niya matapos ang usual na beso at yakap ko sa kaniya.

"Fine, Ma, nothing special."

"I heard finals n'yo na next week? How's the preparation?"

Tuluyan nang nakababa si Mama sa hagdan at akay-akay niya pa rin ako.

"Like the usual, self-studying pa rin ako. Actually, may group study po sina Nicole bukas sa bahay ng twins," kuwento ko naman sa napag-usapan kanina.

"Hindi ka ba sasama?"

"As if I can do the group studying, Ma?" I said like a matter of fact.

"I see. Hmm, I think you need to change your clothes na? We're going to Don Salvador today for the weekly check-up of the plant and since kailangan mo ng place to study, kaya isasama ka namin."

Mas lalo akong na-excite sa sinabi ni Mama.

"Can I go to Jomax Peak, Ma?"

Dahil sa excitement ko, napayakap pa ako kay Mama.

"Yes naman! So go na, change your clothes na. Don't pack anymore kasi nasa kotse na ang mga gamit mo. Just bring your needs for studying."

Napahalik ako sa pisnge ni Mama bago tumakbo papunta sa second floor ng bahay kung saan nandoon ang kuwarto ko.

I just took a very quick shower. Change something na comfortable akong suotin at inilagay sa iisang back pack ang Macbook, notes, and books ko.

Pagkalabas ko ay ako na lang pala ang hinihintay at hindi lang ako ang sasama. Kasama rin namin ang dalawa kong kapatid na si Kuya Yosef at Ate Tonette.

Magkasama kaming magkakapatid sa Everest at sa Range Rover naman ang mga magulang namin. Convoy lang kami dahil mga tatlong oras pa bago kami makarating sa rest house namin sa Don Salvador.

Gabi na kami nakarating sa Don Salvador kaya pagkalapat ng likuran ko sa malambot na kutson ng kuwarto namin ni Ate, agad akong kinain ng antok.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa sobrang lamig. Ganito kasi sa Don Salvador, malamig lalo na tuwing madaling araw hanggang umaga. Binansagan nga itong Little Baguio ng probinsiya namin, e.

Pero kahit na malamig, naligo pa rin ako. Mayroon naman kasing heater ang mga bathroom namin sa rest house na ito, e.

Matapos akong mag-ayos ay bumaba na ako sa kusina para makapagkape. Natutulog pa si Ate sa kuwarto namin at si Kuya naman, hindi ko alam kung gising na. Sa kabilang kuwarto kasi siya, e.

Ako na mismo ang nagtimpla ng sarili kong kape. Hindi katulad sa bahay namin, isang katulong lang ang mayroon kami sa rest house na ito at siya na rin ang nagsisilbing care taker nito 'pag hindi kami nagagawi rito. Pumupunta lang naman kasi kami rito kung pupuntahan nina Mama at Papa ang planta namin dito. Kung hindi, wala talagang naninirahan sa bahay na ito.

Nagluluto ng agahan ang katulong namin kaya ako na mismo ang nagtimpla ng kape ko.

Tahimik akong umupo sa kitchen island at marahang pina-ikot ikot ang kutsara sa loob ng mug.

"Okay lang po kayo, Ma'am MJ?"

Naputol ang pagtitig ko sa mga artificial fruits na nasa harapan ko nang marinig ko ang boses ng katulong.

Lumingon ako sa kaniya at ngumiti.

"Okay lang po ako, manang," assurance ko sa kaniya. "Sina Mama at Papa po? Gising na po ba?"

"Ay opo, maaga po silang pumunta ng planta. Ang sabi nila babalik po sila bago mag-agahan," patango-tango pang sabi ng katulong kaya napatango na rin ako.

Pinagpatuloy niya ang pagluluto at ako naman ay unti-unti nang hinigop ang kape ko.

Saktong natapos ako sa kape ay ang paglalatag ni manang sa mga niluto niyang agahan sa dining table na isang dipa ang layo mula sa kitchen island.

Pinagmasdan ko ang ginagawa ni manang hanggang sa mapansin kong sobra sa lima ang pinggang inilatag niya sa lamesa. May tatlong extra doon.

"Ah, manang, bakit sobrang pinggan po ang inilagay niyo? May inaasahan po bang bisita?"

Napatigil si manang sa ginagawa niya at pinasadahan ako ng panandaliang tingin.

"Oo, Ma'am MJ, mayroon po. May tatlong bisita pong kasama sina Madam kanina papuntang planta. Ang aga nga pong dumating nila, e, kaya imbes na magpahinga muna, diretsong planta na sila," kuwento naman ni manang.

"Killa niyo po ba kung sino-sino?"

Kasi kung iisipin mo, sinong hunghang ang pupuntang planta matapos ang mahabang biyahe, 'di ba?

"Ay Ma'am, ang mga nagu-guwapohang Lizares, Ma'am."

Agad napataas ang isang kilay ko dahil sa naging tono ni manang habang sinasabi niya ang mga katagang 'nagu-guwapohang Lizares.'

Magtatanong pa sana ako pero itinikom ko na lang ang bibig ko dahil nakita kong papalapit na ang Ate kong humihikab pa.

"Morning, ‘lil sis," she said while tapping my head. "Morning, manang," bati niya rin sa katulong.

"Magandang umaga po, Ma'am Tonette. Hindi po ba kayo mag-aayos muna, Ma'am?"

"Huh? Bakit naman manang? Pangit ba ako 'pag bagong gising? I'm so beautiful kaya every morning," conceited na sabi ng Ate kaya napangiwi na lang ako sa pinagsasabi niya.

"Hindi naman po, Ma'am. Pero kasi-"

Biglang naputol ang sasabihin sana ni manang nang marinig namin ang nag-uusap na boses galing sa main door ng bahay at dahil hindi ko pa makikita kung sino-sino iyon, naghintay na lang ako na makarating sila mismo sa dining area.

Alam ko agad na kasama sa mga pumasok ang Kuya dahil sa lakas ng boses niya habang nagku-kuwento ng kung ano-ano sa kausap niya.

Kaya nang tuluyan silang makapasok, natoon agad ang pansin ko sa kausap ni Kuya kaso biglang umalingawngaw ang sigaw ni Ate bago ko pa man ma-sink in sa utak ko kung sino iyon.

"What are you doing here, Decart?"

~

Related chapters

  • She Leaves   She Leaves 2: 8 Years Before The Engagement

    Matapos ang isang pang malakasang sigaw at reaksiyon ni Ate kanina nang makita ang kausap ni Kuya, tumahimik na siya kaya nakapag-agahan kami. Mabuti na lang at huling pumasok si Mama at Papa kasama ang iba pang kapatid no'ng si Decart Lizares kaya hindi narinig ang OA na sigaw ni Ate sa kaniya.Nasa kabisera ng lamesa si Papa. Si Mama naman ang nasa right side niya. Sa left side si Kuya Yosef. Ang katabi naman ni Kuya Yosef ay si Ate Tonette,tapos ako. Ang nasa tapat ni Ate na mismong katabi ni Mama ay ang isa sa mga Lizares na si Tonton Lizares at ang katabi naman niya na kaharap ko mismo ay si Sonny Lizares, ang nasa kabilang kabisera na mismong tapat ni Papa ay si Decart Lizares.Tahimik ang bawat pagsubo ko. Ang tanging maingay lang sa aming lamesa ay sina Mama, Papa, at si Decart Lizares.Nairaos namin ang agahan na iyon kahit na nakabusangot si Ate. Kaya no'ng nasa kuwarto na kaming dalawa para makapaghanda

  • She Leaves   She Leaves 3: 6 Years Before The Engagement

    Huling taon sa high school. Busy year. Halos kalimutan ko nang lumandi pero naisisingit ko pa naman sa schedule.After Justine, I have five other flings in between Grade eleven and twelve years. Pero sa ngayon, wala muna, pass muna, focus muna sa mga requirements sa school.Halos mapigtas ang bra ko kakabitbit nitong printer. Kailangan kasi naming magdala ng sariling printer para sa group project namin para madali na lang i-print ang mga kailangang i-print."Hoooh..."Inilapag ko ang printer sa may bleachers ng gym. Dito kami tumatambay malapit sa outlet para madaling isaksak ang printer at laptop na dala namin."Gawa ba sa bakal 'tong printer mo, Theresa? Ba't ang bigat?" reklamo ko habang pinapahiran ng panyo ang pawis sa noo ko."Ang gaan kaya nito, MJ. Ang sabihin mo, masiyadong mapayat 'yang mga braso mo. Kumain ka kasi ng marami," sagot naman ni Theresa

  • She Leaves   She Leaves 4: 4 Years Before The Engagement

    I was voted as the 'Most Likely To Get Pregnant Before The Age Of Eighteen' way back Junior High School.Now, I just turned nineteen years old. Still a punyemas virgin!Malandin man sa inyong paningin, marunong namang pahalagahan si muningning.Kidding aside, it's all in the past now. Hindi naman ako nagtanim ng hinanakit sa mga kaklase kong bumuto sa akin no'n. Hindi dapat ako magtanim ng galit kasi isa na sa mga nagsabi no'n ay mismong mga kaibigan ko. Isang patunay na ganoon ka-landi ang tingin nila sa akin kaya hindi ko sila masisisi.So anyways, heto na nga, nasa Amanpulo pa rin kami ngayon. Kakatapos lang ng family dinner namin with the Lizares brothers. Kaniya-kaniya na kami after. Ang mga matatandang Osmeña ay agad nagpalabas ng mga inumin sa kanilang table malapit sa dalampasigan. Kaming mga batang Osmeña naman ay na-isipang gumawa ng malaking bonfire sa buhanginan. Medyo malay

  • She Leaves   She Leaves 5: 2 Years Before The Engagement

    "And good job! Maganda! Sa tingin ko may laban ang College of Engineering. Am I right, Engineer Lizares?"Wala sa sarili akong napa-irap habang naglalakad papunta sa duffel bag ko.Tatlong rounds ng practice ang ginawa namin para sa final practice na ito. Una, 'yong kami-kami lang as a group. Pangalawa, pinapanood na kami ng aming supervising faculty. Pangatlo, ang Dean of College of Engineering na ang nanunood sa amin. Sa tatlong rounds na 'yon, nandoon lang sa isang sulok si Sonny. Tahimik na nakamasidsa bawat galaw namin. Oo. Namin. Ayokong mag-assume na ako lang ang tinitingnan niya kahit halata naman.Ngayon ay hiningan na siya ng komento ni Dean tungkol sa naging performance namin."Tama po kayo, Dean, magaling nga itong mga kasali sa pop dance ngayong taon."Napapikit ako nang mariin dahil nagsisi akong lumapit agad ako sa duffel bag ko bago pa man siya nagsalita. Sana pal

  • She Leaves   She Leaves 6: 11 Months Before The Engagement

    Dumaan ang birthday ko na hindi pa rin nagpaparamdam ang mga kapatid ko. Para sa akin, normal na lang 'yon.Naging abala rin ako sa OJT namin sa isang construction site. After no'ng party namin sa isang high end bar ay nagsimula rin ang OJT ko. Parte ito ng curriculum namin dahil incoming fifth year na kami.Sobrang na-enjoy ko ang experience kahit na palagi kaming nakabilad sa araw at kung minsan tinutulungan namin ang mga construction workers sa mga gawain nila, minsan nagbubuhat, nagmamasa ng semento, at kung anu-ano pang ginagawa nila. Meron din kaming experience na pinakita sa amin ng Engineer ng construction site na iyon kung paano nila ginagawa ang building na iyon through strategic planning.Dalawang buwan lang ang OJT namin doon kaya hindi na namin pinatapos ang paggawa ng building. Pero masaya naman, marami kaming natutunan, Be it life lessons or actual job of a certified civil engineer.Ka

  • She Leaves   She Leaves 7: 9 Months Before The Engagement

    Humigop ako sa mainit-init na sabaw ng tinolang manok. Ito kasi ang ulam ngayong pananghalian. Nasa canteen ako kasama ang mga engineering friends ko.Simula no'ng June, naging abala na ang buhay mag-aaral ko. Fifth year na kasi kaya kaliwa't-kanan na ang gawain. Meron pang project study na kailangang atupagin.Minsanan na nga lang din akong lumabas ng gabi at mag-party sa sobrang daming gawain. Ang huling party yata na napuntahan ko ay no'ng fiesta pa ng ciudad namin. Aba'y ewab, ayoko nang balikan ang gabing 'yon. Naiirita ako. Hindi ko kasi nakilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa sarili ko no'ng mga oras na 'yon. Siguro dahil sa nainom ko. Oo, dahil lang 'yon sa nainom ko. Walang ibang taong involve, sarili ko lang at ang iba't-ibang klaseng inumin na tinungga ko. Basta naiirita talaga ako."MJ, tapos ka na ba sa design mo para sa Transpo Eng?"Sa kalagitnaan ng panananghalian

  • She Leaves   She Leaves 8: 5 Months Before The Engagement

    Kumukuti-kutitap. Bumubusi-busilak. Kikindat-kindat. Kukurap-kurap.Ganiyan ang indak ng mga bombilya na animo'y pinaglalaruan ang ating mga mata.Funny how these little lights makes me stare at the at the moment. Funny how this big christmas tree that displayed at the condo building's lobby entertained for the mean time.Isang buwan na lang pala at pasko na. Ang bilis talaga ng panahon, parang noong isang linggo lang, nagha-halloween party pa kami ng mga pinsan ko, binista pa namin ang mga mahal namin na pumunaw na, tapos ngayon... lumalamig na ang simoy ng hangin, nagsisilabasan na ang mga palamuting pang pasko, naririnig ko na ang boses ni Jose Marie Chan, Mariah Carey, at ang station ID ng Abs-Cbn at iba pa.Sabagay, noong September pa lang nagsimula ang mga ganito, ngayon ko lang talaga nabigyan ng pansin."Ma'am MJ, nandiyan na po ang sundo n'yo."Natig

  • She Leaves   She Leaves 9: 4 Months Before The Engagement

    Nakauwi ako nang matiwasay sa gabing iyon. Wala na rin akong narinig na issue tungkol sa nangyaring paghigit sa akin ni Sonny. Hindi ko na rin masiyadong inisip.Pero isang buwan na ang nakalilipas, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang halik niya. Punyemas naman!I've kissed guys before, way hotter than that, way intense than that. Smack nga lang 'yong ginawa niya pero punyemas naman! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan.Siguro dahil na-guilty ako sa hindi ko malamang dahilan. Bakit nga ba ako nagi-guilty? Dahil ba isa siyang Lizares at ayaw ko sa kanila o dahil sa may nakakita sa aming dalawa? At sa lahat ng puwedeng makakita, bakit siya pa?I shake my head and stare at the ceiling of my room. Ilang minuto rin akong nakipagtitigan sa kisame. Umaga pa lang pero feeling ko ubos na ang energy ko.Mamayang gabi, makikilala ko na ang pamilyang pinili ng mga magulang ko para

Latest chapter

  • She Leaves   She Leaves 30: The Board Exam

    Today is the day I will be judge. Today is the day that all my hardworks will be put into test. Today is the day. Today is the punyemas day!!!!Few days prior to this, everything about me and Darry were going smoothly. Hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa nangyaring iyon. Sa tuwing tinatanong niya ako, ang palagi kong sinasabi ay wala akong maalala dahil sa kalasingan. Hindi rin naman siya nagku-kuwento kung ano kaya pinapalabas ko na baka nga wala kasi parang wala lang naman.Mas lalo lang akong naging abala sa pagpi-prepare sa sarili ko sa papalapit na boards. Everything is sailing smoothly dahil walang mga problema akong natatanggap. Darry is treating me well, my family is constantly sending me messages and telling me to break a leg and everything, also my friends. Kaso ngayong araw, hindi na ako magbabasa ng mga message. Mas pinili ko kasing ilayo muna sa akin ang phone ko. Si Darry din mismo ang nag-suggest sa akin na lumayo muna

  • She Leaves   She Leaves 29: The Ardent Spirits

    "Hello Misis Lizares!" Maligayang bati ni Jessa sa akin nang makarating kami sa bar kung saan daw magkikita-kita ang mga kaibigan ni Darry at ang mga kaibigan ko. As usual, si Crisha, Maj, at Jessa lang ang nandito. Nasa probinsya na naman kasi ang iba.Nakipag-beso ako kay Crisha at Jessa, at bro hug naman ang kay Maj."Himalang nakalabas ka ngayon, bruha?"Matapos ang batian, agad akong inilapit ni Jessa sa sarili niya para yakapin. It's been a while since the last time we saw each other, masiyado talaga akong naging busy sa buhay reviewee ko."Katatapos lang kasi ng mock board at isinama lang naman ako ni Darry dito kaya tinawagan ko na kayo ni Maj." Kumuha ako ng isang shot ng tequila na nasa lamesa at diretsong tinungga.We meet again, ardent spirits!"Ay betsung si papa Darry, pinayagan kang mag-enjoy," puna ni Jessa."Mabuti nga si

  • She Leaves   She Leaves 28: The Truth Behind The Past

    Another month has passed after that quick vacation with my cousins sa Palawan. I just came back from Manila. Done with another round of diagnostic testing for this month and two months na lang din at board exams na namin. Mas pinagbutihan ko ang pagri-review, erasing and ignoring the negativity of life. Charot. Ignoring my heart and its consequences. Brain muna. Si brain naman.Actually, kahapon lang talaga ako bumalik and today is another day kaya naisipan kong mag-jogging na naman. Another two hours of burning some unnecessary fats.Airpods on my ears and the phone is just on my left arm. I rested for a while on a big mango tree. The morning air in this kind of environment is the air I want to breathe for the rest of my life. Malamig tapos sobrang fresh pa. I can also see some moist on the grass of the sugarcanes.Ang sarap talagang mag-jogging kapag nature ang iyong kasama. Unlike when you're in some big cities, na pu

  • She Leaves   She Leaves 27: The Exhibit

    Tinitigan ko ang gawa ko. Not so perfect in appearance pero pasang awa na! Wait till you taste it! Mapapasinghap ka sa sarap!Bahagya ko pang inamoy ang niluto ko at saka dahan-dahang pumihit patalikod para mailapag ito sa dining table. Partida nakapikit pa ako n'yan nang inamoy ko kaya noong paglingon ko na ay saktong dumilat ako.Punyemas."Punyemas naman, Darry! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Singhal ko sa kaniya. Gulat na gulat ako sa prensensiya niya kasi nang magdilat ako ng mata, mukha niya agad ang nakita ko. Nakasandal siya sa bukana ng kitchen at naka-crossed arms pa ang demunyu. Habang ako naman ay halos tahipin na ang dibdib ko dahil sa gulat at sa kabang naramdaman ko.Sunod-sunod ang naging paghinga ko. Mabuti na lang at hindi ko nabitawan ang bitbit kong pinggan ng speciality ko: Scrambled corned beef ala Maria Josephina Constancia Osmeña Lizares."You're cu

  • She Leaves   She Leaves 26: The Call

    Masakit ang sinabi ko. Masakit ang ginawa kong halos magmakaawa na kay Raffy para lang itigil na niya ang nararamdaman niya.Kung ako tinanong ng mga panahong namimili pa ng mapapangasawa sina Mama at Papa tungkol sa mga Javier, siguro tama si Raffy, papayag nga ako. Bukod sa wala na akong choice, mapapanatag ang loob ko dahil kaibigan ko ang ipakakasal sa akin. Siguro nga magiging masaya kami. Matututunan ko siyang magustohan. Baka nga.Pero ngayon ko nalaman, e, kaya ganito ang approach ko. I am not the same person as I am from last year. My perception did change after kong malaman na Lizares ang pakakasalan ko. Ibang-iba na. Kaya ko nasabi kay Raffy 'yon para hindi niya mas lalong sisihin ang sarili, para hindi na siya umasang meron nga kahit kaonti. Mas mahirap 'yon. Kaya sinabi ko sa kaniya ang mga salitang naka-base sa pangkasalukuyang nararamdaman ko.Hindi naging maayos ang pag-iwan ko kay Raffy sa fast food chai

  • She Leaves   She Leaves 25: The Review

    Hindi ko pinagsisihan ang halik ko sa kaniya. I did it freely and not against my will. But what it turned out is the thing I'm afraid of right now.After that night, Darry said to my parents na mas mabuting nandito ako sa Negros for the review para raw mas maka-relax ako. Since hindi na rin naman daw ako ang hahawak ng company kasi nandito na ang parents ko. Wala na rin naman daw akong gagawin sa Manila kaya mas mabuti raw na manatili ako rito sa Negros.I want to protest. Pero wala akong nagawa kundi ang sundin ang utos nila. Pinagbigyan ko, baka sakaling kailangan niya lang ng space dahil sa nangyari at sa mga nalaman. Kahit na hindi man lang niya inalam ang side ko. Hinayaan ko siya. Nagpaubaya ako.Unang dalawang linggong pananatili ko sa bahay ay puro review lang ang ginagawa ko. Merong pinagdidikitan ko ang buong dingding ng study room namin ng mga formulas para makatulong sa akin sa pagri-review.

  • She Leaves   She Leaves 24: The Birthday Party

    Paano mo malalaman kung may crush ka sa isang tao?'Pag napapangiti ka sa tuwing nakikita mo siya.Paano mo malalaman kung gusto mo na ang taong iyon?'Pag masaya ka sa tuwing nakikita mo siya at malungkot ka sa tuwing hindi mo siya nakikita.E, paano mo malalaman kung mahal mo na ang isang tao?Hoy teka, sandali, wait, MJ Osmeña! Anong mahal? Walang mahal! Ang mga bilihin lang ang nagmamahal, hindi si Maria Josephina Constancia! Hindi nagmamahal 'yon, nagmumura 'yon, e. Nagmumura ka! Hindi ka nagmamahal! Imposible 'yon!Masaya kong sinalubong ang pamilya ko nang makarating kami sa wakas sa birthday party ng pamangkin kong si Kansas. Airport ang theme ng party kaya punong-puno ang sikat na event center ng ciudad namin ng mga designs tungkol sa eroplano, airport, at iba pang may kinalaman sa aeronautics. Hindi ko alam kung anong trip ni Ate Tonette, hin

  • She Leaves   She Leaves 23: The Demunyu

    Kung dati, naging rason ang trabaho kung bakit nag-iiwasan kami ni Darry sa penthouse. Ngayon... ako na mismo ang umiiwas sa kaniya. Blessing in disguise din ang pagiging abala niya sa kompanya nila kaya hindi na rin niya ako binulabog pa. In short, wala kaming pansinan sa loob ng bahay.Laking pasasalamat ko na nga lang na hindi ko na kailangang magpanggap dahil uuwi na akong Negros ngayon at maiiwan siya sa penthouse kasama si Alice at Erna. Babalik din naman ako ng Monday morning. It's just a weekend with family dahil first birthday ni Kansas, na pangalawang anak ni Ate Tonette."Maligayang pagbabalik sa Negros, Ma'am MJ!" Pagkalabas ko ng airport, ang nakangiting si Manong Bong ang bumungad sa akin. Kinuha niya ang medium size luggage ko at saka pinasakay sa kotse ko na siya ang nag-drive."Hello Manong Bong! Kumusta ka na, Manong?" No'ng naisakay na niya sa likuran ang bagahe ay agad ko siyang binati.

  • She Leaves   She Leaves 22: The Husband's Other Friend, Part 2

    "Oh, hija!" Malawak pero may poise na bati ni Mommy (so awkward!) Felicity sa akin. Hinawakan niya pa ang magkabilang braso ko at hinarap ako nang mabuti.Wala na akong pakialam kung nanginginig na itong labi ko sa kakangiti dahil hanggang ngayon, kahit na nakahawak at nakaharap na ang mga magulang niya sa akin, ay hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Mas lalo lang nakadagdag sa bilis ng tibok ng puso ko ang maya't-mayang pagpisil niya sa kamay ko.Gaga ka talaga kahit kailan, MJ! Ang dami mo nang nahawakang kamay, ngayon ka pa talaga kakabahan? Ano ka ba? High school student? Teenager? Feeling teenager? Tanga!Nang bumeso si Mommy (hindi na ako ma-a-awkward sa susunod) Felicity sa akin ay saka lang bumitaw si Darry sa kamay ko. Halos ipatawag at pasalamatan ko ang sampung santong kilala ko dahil sa ginawa niya. Naging stable na rin ang ngiti ko kay Mommy (promise, last na) Felicity at nakapag-respond na nang maay

DMCA.com Protection Status