CHAPTER TEN: NADINE, mahal kita... mahal kita... mahal kita...! Umalingawngaw sa lahat ng sulok ng diwa ni Teo ang mga katagang iyon. He was practically begging! Nais nang kagalitan ni Teo ang sarili. Ngunit hindi niya mapalis ang pagsusumamo sa kanyang tono. "Nadine, sumama ka na sa akin. Ilalayo kita rito," pang-aamuki niya. God, he needed this woman as much as he needed breathing to live! Kailanman, ni sa hinagap, hindi niya nakita ang sarili na makakaranas kung paano ang manikluhod sa isang babae. He had been a 'Don Juan' in the past years. Women had come and went. 
Read more