Home / All / Heart's Desire / Sweet Obsession - Chapter 2

Share

Sweet Obsession - Chapter 2

last update Last Updated: 2021-03-18 20:28:23

CHAPTER TWO:

         NAGBUBUSA sa galit si Marissa nang bumalik si Nadine.

         Mabuti na lang pala, may lumapit na kakilala si Teo sa lamesa nila.

         Kaya nakaalis siyang mag-isa.

         "Ikaw talaga! Bruha ka talaga! Bakit ba hindi ka na lang pumirmi dito? Gala ka ng gala!" Tinalakan agad siya nito, pagkakita sa kanya. "Siguro, may ka-date ka dito sa mall, ano? Isusumbong kita kay Papa!"

         "Pasensiya ka na, Marissa. Nagutom kasi ako sa paghihintay. Kumain lang ako diyan sa--" She did not finish her half lie.

         Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.

         "Letse ka! Hindi ko kailangan ang mga paliwanag mo! Mas inuna mo pa ang paglamon!" Lalong naggalaiti ang babae. "Nang dahil sa kagagahan mo, hindi ako makakarating sa shooting ko!"

         Nagtiim-bagang si Nadine. Hindi iyon ang unang pagkakataon na sinaktan siya ng masungit na pinsan.

         Palagi siyang nabubugbog nito sa kurot at sapok simula pa nung maliliit pa sila.

         At katulad noon, wala siyang balak na gumanti ng pananakit.

         Ang palagi niyang itinatanim sa isipan ay ang mga kabutihan na ipinakita ng tiyo at tiya sa kanya, sa loob ng labingtatlong taon.

         Bearing the brunt of Marissa's spitefulness was just a small price to pay for the kindness that she had been shown since she had been orphaned at nine years old.

         Hindi na umimik si Nadine. Ipinagbukas niya ng pinto ang pinsan, bago siya sumakay.

         "Hah! Makikita mo, mapapalayas na kita ngayon sa bahay namin! Mawawala na rin sa paningin ko ang mukha mo!" Tuloy lang sa pag-alipusta si Marissa sa kanya kahit na umaandar na ang sasakyan. "Ang kapal-kapal mo! Mapagsamantala ka! Ayaw mo nang umalis sa amin. Ayaw mong huminto sa panghuhuthot sa Papa't Mama ko!"

         Nagbingi-bingihan pa rin si Nadine. Thirteen years of sheer forbearance helped her to be patient and unperturbed.

         Kaya lalo lang nagngingitngit si Marissa. "Ang kapal-kapal-kapal-kapal mo talaga! Sa sobrang kapal mo--hindi ka na matablan ng kahihiyan! Mahiya ka naman, Nadine. Habangbuhay ka na lang bang nakasandal sa amin?"

         Nadine remained silent and composed.

         Ang tutoo, disiotso pa lang siya noon, nagpapaalam na siya sa tiyuhin. Gusto na niyang magsarili.

         Pero si Marissa ang naging sagabal. Tumutol ito na makaalis siya gayong suklam na suklam nga ito sa kanya.

         Marahil ay naiinggit sa makakamtan niyang kalayaan.

         Kaya kapag nagtagumpay ito sa pagpapaalis sa kanya, matutuwa pa rin siya.

         Matutupad na ang matagal na niyang pangarap na makapamuhay nang mapayapa.

         A, sino ba kasi ang nagpauso ng utang na loob?

         Tama bang pati ang respeto sa sarili at ang dignidad ay maging kabayaran din sa utang na loob?

         Palagi na lang siyang nangingimi. Nag-iingat. Ayaw niyang masaktan ang kalooban ng mga taong kumupkop sa kanya.

         Hanggang kailan ba ako magbabayad sa kanila? tanong niya, pausal. Matagal na akong nagtitiis...

         Sa wakas, napagod na sa kadadakdak si Marissa. Tumahimik na ito habang nakasimangot na nakatanaw sa labas ng bintana.

         She knew that she did not hear the last of it.

         Masyadong mahaba magsumpong ang pinsan niya.

         Inaabot nga minsan ng isang linggo ang pagngingitngit nito.

         Tama ang hinuha niya. Hindi pa rin nagbabago ang pinsan niya.

         Paghintung-paghinto pa lang niya sa driveway, sa tapat ng malapad na front door, padaskol agad na umibis ang dalaga.

         At padabog na pumasok sa loob ng bahay.

         Ilang sandali pa, umaalingawngaw na ang matinis na boses nito habang pasigaw na nagsusumbong at nagrereklamo sa ama't ina.

         Nagkatinginan na lang sila ng mayordoma. Sabay pa ngang napailing-iling.

         Magkatuwang nilang hinakot sa itaas ang mga shopping bags and boxes.

         Habang nagtatrabaho, pigil-hininga si Nadine sa paghihintay ng magiging verdict ng Uncle Peping niya.

         She was hoping for the worse.

         Ipinatawag siya ng tiyuhin nang matapos na ang makamandag na litanya ni Marissa.

         "Tuloy ka, iha. Upo ka," utos ni Uncle Peping matapos siyang kumatok sa medyo nakaawang nang pinto.

         Nakatitig siya nang diretso sa mukha ng tiyo, habang naghihintay ng sasabihin nito sa kanya.

         Bumuntonghininga muna ito bago nagsimula. "Heto na naman ako, iha. Humihingi na naman ako ng dispensa sa 'yo." Umiling-iling ito. "At patuloy na nagpapasalamat sa ipinakikita mong pasensiya sa pinsan mong si Marissa."

         "Malaki po ang utang na loob ko sa inyo, Uncle. Maliit na bagay lang po ang pagpapasensiya kay Marissa," pahayag niya sa malumanay na tono.

         "A, napakabuti mo, Nadine. Nakikita ko sa 'yo palagi ang iyong nasirang ama. Mahaba rin ang pasensiya ni Kuya Nardo."

         "Hindi naman po masama si Marissa, Uncle. Nagseselos lang po siya sa atensiyon na naibibigay n'yo sa akin," paliwanag niya.

         "Alam ko," sambit ng matandang lalaki. Nagsindi ito ng matabang tabako atsaka sumandal para maghitit-buga ng puting usok.

         "Kaya mas makabubuti po sigurong umalis na ako dito sa poder n'yo," dugtong niya.

         Sunud-sunod na iling ang itinugon ng kaharap. "Hindi kita puwedeng pabayaang mabuhay mag-isa. Ano na lang ang sasabihin ni Kuya sa akin? Baka multuhin pa niya ako."

         Nadine knew a sinking feeling--again.

         Hindi lang niya masabi nang tuwiran sa tiyuhin na mas matutuwa pa siguro ang kanyang nasirang magulang kung papayagan siyang magsarili.

         Ayaw niya kasing ma-misinterpret ang kanyang pagnanais ng kalayaan.

         Baka isipin pa ng mga nagpalaki sa kanya na nagiging palalo na siya dahil matitigas na ang mga buto niya.

         Marami pang sinabi ang tiyo ngunit hindi na siya nakikinig.

         She was only half-listening as she daydreamed about a certain man calledTeo Montes.

         Napakasarap kausap ng taong iyon. Halos hindi niya namalayan ang paglipad ng mga sandali.

         He made her feel beautiful.

         Kay Teo niya naramdaman kung paano maging isang indibidwal.

         Kung paano maging isang babae...

         What was she thinking!

         "Buweno, iha, magpahinga ka na. Medyo umiwas ka na lang muna sa pinsan mo habang sinusumpong pa siya, ha?"

         "Opo," was all she said as she stood up to go.

         Nagtuloy siya sa kusina para tumulong sa mga trabaho bago magpahinga sa gabi.

         Dinampot niya ang drying towel nang makitang naghuhugas na ng mga pinggang pinagkanan ang mga katulong.

         "Kumain ka na ba, Ate Nadine?" usisa ng pinakabatang alila, si Nena.

         "Oo, Nena. Sumabay ako kina Aling Dada kanina."

         "Kuu, hindi ka naman gaanong nakakain, a?" sabad ng mayordoma. Naglabas ito ng isang pinggan na may takip mula sa microwave oven. "Heto, iha. Ipinagtira kita ng hapunan."

         "Hindi na sana kayo nag-abala, Aling Dada," wika niya. "Kaya hindi ako nakakain nang husto, busog pa kasi ako. Nagmeryenda ako sa mall bago kami umuwi," paliwanag niya.

         Lumapit ang magkapatid na hardinero, sina Jun at Mario. "Kami na lang ang kakain niyan, Aling Dada," prisinta ng mga ito, sabay pa.

         "Aba, hindi para sa inyo ito," tanggi ng mayordoma.

         "Ibigay n'yo na sa kanila," pangungumbinsi ni Nadine. "Busog pa talaga ako."

         "O, siya, siya, heto na. Ang sisiba n'yo talaga!" anang matandang babae, pero nakatawa na.

         Nilapitan siya ng mayordoma at tumulong na rin sa pagpupunas ng mga kubyertos at mga pinggan.

         "Ibang-iba ka sa pinsan mo, Nadine," wika nito nang mapunang humahaba na ang katahimikan.

         Silang dalawa na lang pala ang natitirang okupante ng malawak na kusina.

         Hindi niya namalayan na nagsialisan na ang ibang mga kasambahay.

         Walang isinagot si Nadine. Dahil alam na niya kung ano ang susunod na sasabihin ng kaharap.

         "Oo, magkamukhang-magkamukha kayo. Puwede na nga kayong mapagkamalang kambal," patuloy ng kasama. "Pero hanggang doon lang. Pagdating sa ugali, naku, taub na taob siya sa 'yo."

         "Kulot si Marissa at diretso naman ang buhok ko, Aling Dada," wika niya. "Perpekto ang katawan niya. Makinis ang kutis, magmula ulo hanggang paa. Maganda at maamo ang mukha."

         "Hmp! Panlabas na kagandahan lang ang lahat ng mga 'yan, Nadine. Ilang panahon lang ang dadaan, maglalaho na ang kariktan ng palalong si Marissa!"

         "Huwag naman sana mangyari," usal ni Nadine.

         Pinanlakihan siya ng mga mata ng kausap. "Bakit ba kahit na anong gawin sa 'yo ng masungit na pinsan mo, nakukuha mo pa siyang ipagtanggol?" pang-uusig nito. "Heto ako't kinakampihan ka na nga, tapos ikaw naman ang kakampi sa malditang pinsan mo?"

         "Tsk! tsk! Aling Dada, huminahon kayo. Baka marinig tayo nina Uncle at Auntie. Nakakahiya naman sa kanila," paalala niya.

         Tila nahimasmasan naman ang nag-a-alsa boses na mayordoma. "Concerned lang naman ako sa 'yo, Nadine."

         "Naiintindihan naman natin kung bakit nagkakagan'on si Marissa, hindi ba?" salo niya.

         "Alam mo naman na napamahal ka na sa akin, hindi ba?" dugtong ni Aling Dada.

         "Alam ko 'yon, Aling Dada. Kayo man, kayong lahat dito, ay napamahal na rin sa akin."

         Muling naghari ang katahimikan habang patuloy sa pagtatrabaho ang kanilang mga kamay.

         "Pinagpapala ang mga taong katulad mo, Nadine. Napakahaba ng pasensiya mo. Kaya tiyak na napakalaking suwerte ang naghihintay sa 'yo," pahayag ng kausap. "Magiging mahaba ang panahon ng kaligayahan, kapag dumating na sa buhay mo."

         Ngumiti lang ang dalaga sa prediksiyon ng mayordoma.

         She had been realistic eversince her parents' untimely death.

         Oo, marunong din siyang mangarap--pero iyung abot-kaya lang niya. Ng isang katulad niyang mahirap lang.

         Nakatapos din siya ng kolehiyo, pero sa isang pipitsuging eskuwelahan lang.

         Hindi niya tinanggap ang alok ng kanyang mga tiyuhin na mag-aral sa unibersidad ni Marissa.

         Tiyak niyang magwawala lang lalo ang pinsan.

         May talino naman si Nadine pero ordinaryo lang ang mga kakayahan niya.

         Mas nasanay siya sa mga gawaing bahay.

         She could cook, bake and prepare a full-scale, five-course meal single-handedly.

         Alam niya kung paano mag-alis ng halos lahat ng klaseng mantsa sa damit, kurtina, kumot o karpet.

         Eksperto na din siya sa flower arrangement. Sa pananahi ng kurtina o ng seatcovers man.

         Ang kaunting talento na meron siya ay ginagamit niya sa pagbuburda ng mga pan-display, katulad ng popular na cross-stitching.

         Her skills could only be useful to a rich household.

         And as she could never be a housewife for a wealthy man--because she had no money and great talents--she would be a perfect housekeeper.

         Kailanman, hindi siya nagkaroon ng mataas na ilusyon sa sarili niya.

         For Nadine herself, she was just a plain girl with simple looks.

         Hindi siya dapat makalimot sa katotohanan.

         Kaya dapat na niyang kalimutan ang isang binatang taga-ibang mundo na unang nagpakita ng paghanga sa isang katulad niya...

Related chapters

  • Heart's Desire   Sweet Obsession - Chapter 3

    CHAPTER THREE: IPINASOK ni Teo ang sasakyan sa gate ng bagong biling bahay. Kasunod niya ang malaking van na may dala ng ibang mga gamit niya. The sprawling wood-and-stone house was built during the American period in the Philippines. Kaya parang ranch-style ito. Malapad at nakalatag sa malawak na bakuran ang kabuuan. Binubuo lang ng isang palapag. May swimming pool sa likuran, isang walled garden na may rose shrubs sa palibot at ilang hilera ng vegetable and herbs cultivated beds. Marami ding puno sa paligid kaya malamig ang klima sa loob ng bahay. "Sir Teo, saan po namin ilalagay

    Last Updated : 2021-03-18
  • Heart's Desire   Sweet Obsession - Chapter 4

    CHAPTER FOUR: NANGANGATOG ang mga tuhod ni Nadine habang humahakbang papasok sa kusina. Alam niyang kasunod lang niya si Teo Montes. Si Teo Montes! Nagkakatutoo ba ang mga panaginip? Kagabi, kaulayaw niya ang lalaki sa panaginip. Kaya ba ito lumitaw ngayon? "Nadine, may bisita ka pala," salubong ni Aling Dada nang makita sila. Nasa harapan ito ng isang malaking lababo. May hinuhugasan na mga gulay. "Aling Dada, si Mr. Montes. Er, bagong kapitbahay natin siya." "A, kayo pa

    Last Updated : 2021-03-18
  • Heart's Desire   Sweet Obsession - Chapter 5

    CHAPTER FIVE: NASA silid niya si Nadine at nakatanaw sa nagliliwanag na bahay at bakuran sa di-kalayuan. Nandoon na sina Marissa ngayon. Tahimik na tahimik na ang buong kabahayan. Bumuntonghininga si Nadine. Umiwas na siyang makipag-usap kay Teo Montes. Para masanay na siyang tapos na ang pagkakaibigan nila. Naka-dalawang punta na ang binata, nang hindi siya humaharap. Ayon kay Aling Dada, halatang-halata daw ang disappointment nito. "Nami-missed ka na yata, Nadine." Mapait ang ngiti niya. "A

    Last Updated : 2021-03-18
  • Heart's Desire   Sweet Obsession - Chapter 6

    CHAPTER SIX: TEO did not want to move ever again. He was safely ensconced in her soft body. His manhood still throbbing deep inside her. His mind was dazed with the most magnificent culmination that he had ever experienced. Ni sa panaginip, hindi niya inasahan na magiging ganito kasidhi ang luwalhating makakamtan niya sa babaeng inibig na sa unang pagkakita pa lang. Then he heard her soft sobs. And reality started to set in. Dahan-dahan siyang nag-angat ng ulo para matunghayan ang mukha ng kaniig.&nbs

    Last Updated : 2021-03-18
  • Heart's Desire   Sweet Obsession - Chapter 7

    CHAPTER SEVEN: LONG, tapered fingers twirled the golden signpen absently, while their owner stared at nothing with a morose expression. Bumuntonghininga uli si Teo. The party was still in full swing, nang bumalik siya sa bahay mula sa matamis na kandungan ni Nadine. Nobody had noticed his entrance toone of the sidedoors. Nakapasok siya sa kanyang study room nang walang nakakita sa kanya. Ang baso ng alak na iniwan sa ibabaw ng lamesa ay nandoon pa rin. He just refilled it again with a thumbful of whisky. Ngunit nang akmang tutunggain na ay biglang nagbago ang isip.&nb

    Last Updated : 2021-03-18
  • Heart's Desire   Sweet Obsession - Chapter 8

    CHAPTER EIGHT: NASA hardin si Nadine nang dumating ang isang delivery boy. "Tao po!" tawag nito matapos pindutin ang doorbell. "Flowers for Miss Mercado," she muttered to herself. Napapatda siya nang marinig ang sarili. Naiinggit na ba siya ngayon kay Marissa? Matagal na! bulalas ng isang sarili niya. Ayaw lang niyang aminin na naiinggit siya, mula pa pagkabata nila. She was envious of her cousin dahil nandito ang mga bagay na gusto niya: mga magulang, seguridad... at ngayon, ang lalaking pinakaiibig niya.&

    Last Updated : 2021-03-18
  • Heart's Desire   Sweet Obsession - Chapter 9

    CHAPTER NINE: NAGSIMULA ang ikalawang aklat ng mahabang bangungot sa buhay ni Nadine, nang ipatawag siya ni Marissa sa bagong bahay nito. Nakataas ang noo nito at nakaupo sa isang magarang sofa na animo isang diyosa ng kagandahan. Suot nito ang isa sa mga nightgowns na ubod nang nipis at ikli. Nakalantad ang mahahaba at makikinis na binti at hita. "May kailangan pa ba kayo, Ma'am Marissa?" tanong ng may edad na babaeng utusan. Tila hindi na agad nito kasundo ang bagong amo. "Wala na, Saning." Lalong naging arogante ang dalagang pinsan. Bubulung-bulong ang mayordoma habang lumalabas

    Last Updated : 2021-03-18
  • Heart's Desire   Sweet Obsession - Chapter 10

    CHAPTER TEN: NADINE, mahal kita... mahal kita... mahal kita...! Umalingawngaw sa lahat ng sulok ng diwa ni Teo ang mga katagang iyon. He was practically begging! Nais nang kagalitan ni Teo ang sarili. Ngunit hindi niya mapalis ang pagsusumamo sa kanyang tono. "Nadine, sumama ka na sa akin. Ilalayo kita rito," pang-aamuki niya. God, he needed this woman as much as he needed breathing to live! Kailanman, ni sa hinagap, hindi niya nakita ang sarili na makakaranas kung paano ang manikluhod sa isang babae. He had been a 'Don Juan' in the past years. Women had come and went. 

    Last Updated : 2021-03-18

Latest chapter

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 23

    "A-ano ang dapat kong ikatuwa?" tanong pa ni Kate gayong ibig na nga niyang magtatalon sa tuwa. Nandito pa rin si Zander sa rantso! Nabuhayan siya ng loob."Tinanggap niya ang parusang iginawad ko sa kanya. Ang ibig sabihin niyon, nais niyang makamit ang kapatawaran mo. At mapatunayan na rin ang pag-ibig niya para sa 'yo."Ipinilig ni Kate ang ulo niya. "Nasaan siya?""Basta't nandito lang siya," ang tanging itinugon ni Don Nicholas.Parang ibig niyang magdamdam sa kanyang Papa. Bigla itong nagkaroon ng sikreto. At parang kumakampi pa ito kay Zander..."Papa--""Mag-almusal ka na, iha," pakli nito habang humahakbang patungo sa pinto. "Mag-relaks ka lang.""Pero, Papa--""Pasensiya ka na. Hindi kita masasabayan. Tapos na akong kumain. Mamayang tanghalian na lang tayo uli magkita."Natagpuan na lang niyang nasa labas na siya ng library."Senyorita Kate, nakahanda na po ang almusal sa balkonahe."Nalinga

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 22

    The deep timbre of his voice held a suppressed passion, conveying a banked fire. Nakaramdam ng kilabot si Kate kahit na nag-a-agaw-tulog na siya. Her arousal was immediate and spontaneous. As uncontrollable as a forest fire.'I want you...' bulong niya sa sarili.Kinagat niya ang ibabang labi upang hindi makahulagpos ang mga katagang lalo pang magpapababa sa kanyang pagkababae. Paano pa siya mairerespeto ng lalaking ito?Kate giggled with the realization.Bakit kailangan niya ng respeto? Siya ang biktima, hindi ba?"Are you drunk, Kate?" Narinig niya ang tanong ni Zander kaya nagpilit na naman siyang dumilat."No--" Napahinto siya dahil nakaramdam siya ng pagkaliyo."Yes, you are, sweetheart," pakli ng lalaki. "I saw you drank a glass of sherry and three glasses of white wine."Kate giggled again. Her eyes were closed again."Am I drunk?" tanong pa niya.Hinaplos ng isang kamay ni Zander ang kanyang noo at buhok n

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 21

    "Halika dito, iho. Maupo tayo. Pihong may importanteng sasabihin kayo sa akin," untag nito.Sumulyap siya kay Kate. Nakatitig ito sa hawak na kopita."Kate?"Saka lang ito nag-angat ng tingin nang marinig ang pagtawag niya rito. Nagtama ang kanilang mga mata. Zander would like to kick himself for being such an insensitive fool. His wife looked ready to collapse. Tumingin siya sa biyenan. It was up to him for now.Inumpisahan niya ang paglalahad ng tutoo sa pamamagitan ng marriage contract nila ni Kate. Hinugot niya ang papeles sa loob ng breast pocket ng suot na blazer na abuhin."Ikinasal po kami ni Kate kahapon, sir," simula niya. Inilatag niya ang sobreng kinalalagyan ng katibayan ng sinabi niya."Ikinasal?" ulit ni Don Nicholas. Ngunit bahagya lang ang pagkabiglang rumehistro sa mukha nito. Mas malaki ang pag-aalala.Hinugot nito ang malutong na papeles at binasa ang mga pangalang nakasulat doon."Kate?" Ang anak ang binali

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 20

    Zander should think himself foolish for feeling so happy with the admission--but he didn't. Nasorpresa siya ng matinding kasiyahan na sumulak sa kanyang kalooban pagkarinig sa pag-amin ng babae."So, how do you feel about me?" untag niya kapagkuwan. Kinontrol muna niya ang nadarama.Nagpunas ng napkin sa bibig ang natatarantang babae. "I--I don't know," tugon nito, halos pabulalas. "I'm confused!"Bigla itong tumindig at tumakbong papasok ng kuwarto. Pinagsisihan agad ni Zander ang di napigil na kuryosidad.Tumayo siya para sundan ito. Dinatnan niyang nakasubsob sa kama ang babae at humahagulgol ng iyak. Agad siyang nag-alala. Naupo siya sa tabi nito at hinagod nang buong pagsuyo ang ulo at likod nito."I'm sorry, Kate," pahayag niya. Nang-aalo ang mababang tono.Hindi sumagot ang babae. Nagpatuloy lang ito sa pag-iyak."Tumahan ka, Kate. Tiyak na mag-iisip ng iba ang Papa mo kapag nakita niyang namumugto ang mga mata mo," paalala niy

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 19

    "You're exquisite!" anas ni Zander, pa-daing.Powerful arms carried her pliant body towards the large bed. While passionate mouth kissed her senseless. His muscular loins bucked against hers. The hard length of his erection rubbing against her feminine sheath."I'm so hungry for you! I could devour everything about you!" He drunk from her nectar of sweetness again."You make me forget anything sane. You drive me wild everytime I touch you!" His craving desire to have her was so much, his whole form tremble."You bring out the worst--and the best in me, my exquisite captive!"Kate bit her lip to prevent herself from screaming. She wanted this man. She needed to experience his sensuous possession of her whole body again. Again and again.Bumaon ang mga kuko niya sa likod at balikat ng katalik nang pasulak na sumirit ang kasukdulan. Ibininit ang mga kamalayan nila sa kalawakan."Oh, Zander, Zander..." she heard herself moaning. She thought she w

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 18

    Napapitlag si Kate nang marinig ang malutong na ingay ng nababasag na kahoy. At ang pagbagsak niyon sa sahig. Nabaklas ang pinto!Pasuray na pumasok ang isang galit na galit na Zander."Anak ng--" pagmumura nito. "Bakit hindi ka sumasagot?" pang-uusig nito nang makita siya.Tinatagan ni Kate ang sarili. "H-huwag kang lalapit!" bulalas niya.Nakatitig siya sa lalaking nasa harapan niya. Iba na naman ang karakter nito ngayon. He looked ruthless and powerful...Humakbang palapit sa kanya ang lalaki. Madilim ang mukha. His stance was menacing as he stood before her trembling form."Bakit ka umalis sa hapag-kainan nang walang paalam?" tanong nito, paangil."T-tapos na akong kumain," tugon niya."Ni hindi mo ginalaw ang pagkain mo, Kate," pakli ni Zander.Umatras siya nang magpatuloy sa paghakbang ang lalaki. Hindi siya huminto sa pag-urong hanggang sa mapadikit na ang kanyang likod sa makinis na dingding. Nanlalaki ang mga ma

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 17

    "No!" Nagkumahog sa pagbangon ang babae matapos ang sandaling pagkabigla. She tried to crawl towards the other side.Ngunit mabilis niyang nahuli ang mga paa nito."Ano ba?" Nagpapadyak si Kate.Lumilis ang maluwang na laylayan hanggang sa mga hitang mapuputi at bilugan."I like your legs," wika ni Zander, nakatawa. He had caught her and pulled her back to his arms effortlessly. Hinihingal ang babae nang mapailaliman niya."I'll hate you!" bulalas ni Kate. "I'll despise you!"Binihag niya ang mga kamay nitong panay ang kalmot at suntok sa mukha at balikat niya."May bago pa ba?" panunuya niya. "You'll always hate me, despise me--and I'll always desire you, lust after you." Pakiskis na humalik ang mainit na bibig sa makinis na ukab ng leeg."Y-you promised to let me go--" Her voice started to wobble. "I want to go home. I missed my father very much!"Unti-unting nawala ang alab ng pagnanasa ni Zander. Para siyang binuhusa

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 16

    She had managed to fall asleep by dawn. Tanghali na nang magising siya. Naulinigan niya ang malalakas na katok ni Aling Diday."T-tuloy," tawag niya habang inut-inot na bumangon.Iniluwa ng bumukas na pinto ang may edad na katiwala. Bitbit nito ang isang puting bestida na naka-hanger pa. Nakangiti habang humahakbang papasok sa silid-tulugan."Ipinabibigay ni Ser Zander," pahayag nito. "Isuot mo raw pagkatapos mag-almusal at maligo."Saglit na hindi nakakilos si Kate. Napatitig siya sa puting kasuotan. Yari iyon sa malambot na seda at maliliit na lace. The tight bodice was high-necked with tapered long sleeves. The skirt was wide and knee-length."Naghihintay na sa ibaba ang huwes, iha," patuloy ni Aling Diday. Nasa loob na ito ng banyo, nagpupuno ng maligamgam na tubig sa bathtub."H-huwes?" ulit niya."Ikakasal kayong dalawa ni Ser ngayon. Nakalimutan mo ba?"Ipinilig ng dalaga ang ulo, para tiyakin na gising na talaga siya.

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 15

    "Ano'ng iniisip mo?" pang-uusig ng babae sa kanya."Ikaw.""Ano'ng iniisip mo tungkol sa akin?" Parang hindi nagulat ang dalaga sa itinugon niya.Humugot ng malalim na buntonghininga si Zander bago umiling. "Hindi mo magugustuhan kung sasabihin ko sa 'yo," pagtatapat niya. "C'mon, dinner's waiting."Inalalayan niya ang babae sa isang braso habang patungo sa kumedor. Dinner that night was strangely quiet and peaceful. Para bang nagkaroon ng pansamantalang kapayapaan habang nagkakasundo pa sila sa iisang desisyon.Inasikaso niyang mabuti si Kate. Sinilbihan niya ito, kahit na halatang naiilang."Bakit mo ginagawa sa akin ang lahat nang ito?" taka ng babae.Nagkibit ng mga balikat si Zander. "Dahil gusto ko.""Dahil inuuto mo ako," pananalakab nito."Hindi ka batang paslit para utuin, Kate," pakli niya. "Mas bagay sigurong sabihin na sinusuyo kita."She blushed delicately."Hindi mo na kailangang gawin 'yan,"

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status