Home / All / Heart's Desire / Sweet Obsession - Chapter 7

Share

Sweet Obsession - Chapter 7

last update Last Updated: 2021-03-18 20:43:25

CHAPTER SEVEN:

         LONG, tapered fingers twirled the golden signpen absently, while their owner stared at nothing with a morose expression.

         Bumuntonghininga uli si Teo.

         The party was still in full swing, nang bumalik siya sa bahay mula sa matamis na kandungan ni Nadine.

         Nobody had noticed his entrance to one of the sidedoors.

         Nakapasok siya sa kanyang study room nang walang nakakita sa kanya.

         Ang baso ng alak na iniwan sa ibabaw ng lamesa ay nandoon pa rin. He just refilled it again with a thumbful of whisky.

         Ngunit nang akmang tutunggain na ay biglang nagbago ang isip.

         Mawawala ang lasa ni Nadine sa kanyang bibig.

         Napatitig siya sa di-kalayuang dingding.

         At nagsimulang maglaro sa kanyang balintataw ang mga erotikong tagpo na namagitan sa kanila ng dalaga.

         He heaved a deep sigh.

         He was still stunned, shocked to the core of his being.

         Tonight was... wonderful.

         He had the most spectacular experience tonight.

         He met the most gorgeous woman tonight.

         God, he fell in love again tonight! He really felt foolish with so much happiness.

         Hanggang ngayon, parang hindi siya makapaniwalang tunay na nangyari ang mga naganap sa pagitan nila ni Nadine.

         Na umiibig na pala talaga siya--sa wakas...!

         Pero hindi pa siya maaaring magdiwang.

         Tumatanggi ang babaeng inalok niya ng kasal at pinaghandugan ng pag-ibig.

         Teo sighed again.

         Nasa ganitong ayos siya nang may kumatok sa pinto.

         Ang ulo ni Manang Saning ang sumungaw sa maliit na awang.

         "Sir Teo! Nandiyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Ang mga bisitang bagong dating ay kanina pa naghahanap sa 'yo."

         "Nandiyan pa ba ang mga kapitbahay natin na nakatira diyan sa kabilang kalsada?" tanong ni Teo.

         "Sino? 'Yung Pamilya Mercado?"

         "Oo."

         "Ay, oo, sir! 'Yung anak na magandang dalaga nga ang panay-panay ang pagtatanong sa 'yo," pahayag ni Manang Saning. "'Yung si Marissa?"

         He stood up impulsively. "Pakisabing lalabas na ako, Manang."

         "Okey, areglado, sir." Sumara uli ang pinto.

         Si Marissa agad ang inapuhap ng paningin niya nang makalabas sa bulwagan.

         Puno ng mga tao ang palibot ng maluwang na kabahayan.

         The people had overflowed outside. Pati yata ang swimming pool ay umaapaw na rin sa dami ng tao.

         Sa unang pagkakita niya sa babaeng naka-silver evening gown, nabigla muna siya.

         Paano'y inakala niya agad na si Nadine ang babaeng nakangiti sa kanya.

         Kusa siyang dinala ng mga paa sa bahaging kinaroroonan ng dalaga.

         Halos walang kurap ang kanyang pagtitig sa hugis-pusong mukha.

         "Hi!" bati nito sa kanya.

         Kamukhang-kamukha ni Nadine ang pinsang-buo na si Marissa.

         "Hello," ganting-bati niya. "You're Marissa Mercado?"

         Lalong lumuwang at naging kumpidente ang prupesyonal na ngiti. It was just a flashy smile, that did not reach the eyes.

         Iyon ang naging pagkakaiba nina Nadine at Marissa.

         Matipid ngumiti si Nadine ngunit umaabot naman hanggang sa mga mata ang mga kislap ng kasiyahan.

         Mapulang-mapula ang mga labi ni Marissa, ngunit peke ang ngiti.

         "Yes, Mr. Montes," tugon ng dalaga. "Please, call me Lissa. All my friends do."

         Pilit na nagpakitang-giliw si Teo. Hindi niya puwedeng palampasin ang babaeng ito na puwede niyang gawing daan para mapalapit kay Nadine.

         "Then, you must call me 'Teo'," wika niya.

         "Ooh, Teo," sambit ng babae. She gave gave him a provocative glance."That's the most masculine name I've ever heard. Teo..."

         His smile turned a little sour. Parang nawalan na siya ng gana sa mga babaeng ganito makipag-usap.

         Kahit na sanay siya sa panunukso ng mga babaeng nakakasalamuha, parang naging masyadong garapal ang paraan ng pang-aakit ni Marissa.

         "Where's your parents?"

         "Uh, they're just lookin' around." The girlish woman waved her hand in an airy gesture. Wala sa mga magulang ang atensiyon. "Tayo na lang muna ang mag-usap, Teo. Mamaya ko na lang sila ipapakilala sa 'yo."

         Umabrisiyete ang babae sa kanyang braso. She even pouted up at him prettily. "Dance with me, lover boy. Ikaw ang aking panaginip."

         Nakatiim ang mga bagang ng binata habang tumatango.

         "Sure. Why not?"

         He was able to dance with the silly creature because she had a resemblance to Nadine.

         Pinagtiisan niya ang mga walang kuwentang pagkukuwento ng trying-hard na socialite.

         During an intermission, nakaharap niya ang mag-asawang Mercado.

         "Good evening, Mr. Montes," ang magiliw na bati ni Mr. Mercado.

         "Teo, please," pakli niya, with a formal smile. "I believe, you have a niece living with you, sir?"

         Tila nagulat ang matandang lalaki. "You know my niece?" ulit nito habang palihim na sinusulyapan ang anak na nagpupuyos na sa matinding pagkayamot.

         "Yes, sir," ang banayad na tugon ni Teo. "In fact, Nadine is a friend of mine."

         Hindi na nakatiis si Marissa. "Paano mo naging kaibigan ang mucha--este, ang pinsan kong 'yon, Teo?" tanong nito. Takang-taka ang tono.

         "Hindi ako namimili ng magiging kaibigan, Marissa."

         "Oh, Teo. Lissa lang ang itatawag mo sa akin. Don't forget, just Lissa. Pinili na kitang maging kaibigan magmula ngayon."

         Ngumiti lang siya nang mapakla sa dalaga bago muling bumaling sa magulang nito na kausap niya.

         "Er, iho, kung kilala mo na nang lubos si Nadine, malalaman mong hindi siya mahilig sa mga ganitong okasyon," pahayag ni Mr. Mercado. "Simple lang ang pamangkin kong iyon. At may pagka-homebody."

         "I like homebodies," Teo stated bluntly. "Would you care to dance, Mrs.Mercado?" aya niya sa ina ni Marissa. He ignored the indignant gasp from the younger woman.

         Nagulat ang ginang. Tumingin muna sa gawi ng asawa bago nagpaunlak sa imbitasyon niya. "M-medyo kinalawang na ako sa pagsasayaw, ha, iho?"

         "Hindi naman po tayo mag-e-exhibition, Mrs. Mercado," tugon niya. "Nais ko lang kayong makausap nang sarilinan."

         "Er, tungkol ba sa aking anak na si Marissa?"

         Umiling ang binata. "Tungkol sa inyong pamangkin na si Nadine."

         Halata ang disappointment sa mukha ng may edad na babae, ngunit hindi naman nabahiran ng panibugho para sa anak. Mayroon din kasing pagmamahal-ina para sa pamangkin ng asawa. "Ano'ng gusto mong malaman tungkol kay Nadine?"

         "Ano po ba ang paborito niyang bulaklak?" untag niya. "Pati sa pagkain, ano ang gusto niya at ang ayaw niya."

         Nag-isip sandali ang butihing ginang bago ngumiti nang buong tamis. "Rosas na kulay pula ang gusto ni Nadine. Sa pagkain naman, paborito niya ang prutas at gulay. Pati piniritong isda at manok," umpisa nito. "But actually, hindi naman pihikan si Nadine. She can always make the best of a situation. Nagpapasalamat nga ako at napakabait pa rin niya sa aming anak. I'm afraid, we've spoiled Marissa terribly," pag-amin nito.

         Hindi nagkumento si Teo dahil tutoo ang sinabi ng kasayaw.

         "Ang tutoo, kaya hindi sumama si Nadine sa kasayahang ito ay dahil ayaw ni Marissa na may kaagaw sa atensiyon," patuloy pa ng ginang. "Maganda rin kasi si Nadine, basta't mag-aayos lang."

         "You also love Nadine," Teo stated calmly.

         "Oo naman. Kahit na sino ay napapamahal kay Nadine, except Marissa, of course."

         "Why, of course?"

         "Well, mga bata pa sila ay meron nang rivalry. Only on my daughter's part, mind you," paliwanag ng ginang. "At kahit na walang ganti mula kay Nadine, nagpatuloy lang iyon hanggang sa magdalaga sila."

         "I see."

         Ang nakintal sa kanyang utak ay ang tungkol sa dahilan ng hindi pagdalo ni Nadine sa party.

         Umiiwas na magalit ang pinsan.

         Napakamaunawain at mapagbigay na babae. He had fallen in love again withNadine.

         "Hay, iho, pagpasensiyahan mo na ako sa mga pinagsasabi ko, ha? Naparami na yata ang champagne na naiinom ko." Saka lang napagtanto ni Mrs.Mercado na nagiging disloyal ito sa sariling anak.

         The said daughter was scowling at the two of them when they finished the dance.

         "Ako naman, Mama," insisted the spoiled Marissa.

         "Oo naman, anak." The mother glanced at him apologetically.

         He just gave an imperceptible nod. "Thank you, Mr. Mercado. Your wife is a pleasant partner."

         "Salamat, iho." Tumawa ang matandang lalaki. Inaya din nitong magsayaw ang asawa. "Tayo naman, sweetheart."

         Nakasimangot pa rin si Marissa habang nagsasayaw sila. Hinihintay nitong aluin niya.

         "Hindi ka man lang ba magso-sorry?" untag nito nang hindi makatiis.

         "Bakit naman ako magso-sorry?" kunwa'y maang niya.

         "Basta ka na lang nakipagsayaw sa iba."

         Kumurba pataas ang isang makapal na kilay. "Hindi iba ang Mama mo, Marissa," he pointed out curtly.

         "Ibang babae na siya para sa akin," bawi ng dalaga. "Dahil nagiging kaagaw ko pa siya sa atensiyon mo."

         "I'll let you know something important, Marissa," salo niya. Pigil ang tono. "I don't like over-demanding and over-jealous women. Pasung-paso ako sa mga ganyang tipo. Kaya kung gusto mong huwag akong lumayo sa 'yo na parang napaso, behave yourself!"

         "Oh, Teo!" bulalas ng babae. Tila kinikilig pa. "I, myself, like macho men!"

         Parang ibig tumingala ni Teo upang humingi ng dagdag na pasensiya. Ngunit nagkibit-balikat na lang siya at ipinagpatuloy ang pakikipagsayaw ni Marissa.

         He did not mind dancing with her all night long, dahil abala siya sa kaiisip ng mga strategy para sa balak niyang panliligaw kay Nadine.

         He planned to woo the woman of his dreams.

         Kahit na wala itong pagtingin sa kanya...?

         A, gagawin niya ang lahat para makamit niya ang matamis na 'oo' ng dalagang iyon!

         "Teo!"

         Naputol ang paglalayag ng isipan ni Teo. "Ano'ng sinasabi mo, Marissa?" tanong niya agad.

         "Ang ibig mong sabihin, kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi mo pala ako naiintindihan?"

         "The music is very loud. This atmosphere is not conducive to any conversation," katwiran niya.

         "Then, let's go outside," aya ng dalaga.

         "No."

         "Why not? It's stuffy in here. I need some air," she wailed.

         Sandali lang siyang nag-alinlangan.

         "This is the way to the garden," wika niya habang hinihila palabas ang babae.

         Iniluwa sila ng isang french doors sa hardin. Wala nang gaanong tao sa bahaging ito ng bakuran. Palibhasa nasa gawi ng nakahiwalay na servants' quarters at storage shed.

         Yumapos agad sa kanya si Marissa nang makarating na sila sa madilim na bahagi.

         Teo let her do the kissing. The chit knew her trade so much.

         Her mouth and tongue ravished him with voracious appetite.

         Para bang isa siyang masarap na pagkain na pinapapak.

         After several minutes, she was able to arouse his body. Although his mind and his heart remained detached.

         "Enough, Marissa," wika niya. Bahagya na siyang hinihingal ngunit malinaw pa rin ang isipan niya. He was disturbed by a feeling of 'dejavu'.

         "I want you, Teo," pahayag ng liberated na babae.

         "Stop it, Marissa." Itinulak niya ito palayo.

         She mewled softly, just like a recalcitrant kitten.

         "Gusto kita, Teo. Bakla ka ba?" panghahamon nito, but still in a seductive voice.

         "Don't be provocative, Marissa," saway niya, in tight-lipped fashion.

         Tumawa nang patudyo ang babae. "Bakla ka yata, e," patuloy nito.

         "Halika na nga, pumasok na tayo sa loob," he replied tersely.

         Hinila niya ito pabalik sa pinanggalingan.

         "Teo, ayoko--" She dug her heels into the grassy earthfloor of the garden.

         Binitiwan niya ito. "Kung ayaw mo pang pumasok, sige, maiwan ka muna dito," aniya bago maliksing lumakad palayo.

         "Hey, wait for me, Teo!" bulalas ng nabiglang dalaga. "Huwag mo akong iwanan dito. Natatakot ako!"

         "Bumalik ka na lang sa pintuang dinaanan natin kanina, Marissa," he said aloud without looking back.

         "Teo!"

         Ngunit tuluy-tuloy lang siya sa paghakbang hanggang sa makarating siya sa sidedoor na patungo sa study room.

         Doon, uminom uli siya ng alak hanggang sa sunduin na naman siya ni Manang Saning.

         The old woman looked tired and sleepy, but she was still smiling. "Sir,magpapaalam na raw ang mga bisita."

         Tumindig uli siya. "Good," ang maikling wika niya.

         Nagkangitian silang mag-amo bago tumalikod ang matandang babae upang ipagpatuloy ang pag-aasikaso sa nagaganap na kasayahan.

Related chapters

  • Heart's Desire   Sweet Obsession - Chapter 8

    CHAPTER EIGHT: NASA hardin si Nadine nang dumating ang isang delivery boy. "Tao po!" tawag nito matapos pindutin ang doorbell. "Flowers for Miss Mercado," she muttered to herself. Napapatda siya nang marinig ang sarili. Naiinggit na ba siya ngayon kay Marissa? Matagal na! bulalas ng isang sarili niya. Ayaw lang niyang aminin na naiinggit siya, mula pa pagkabata nila. She was envious of her cousin dahil nandito ang mga bagay na gusto niya: mga magulang, seguridad... at ngayon, ang lalaking pinakaiibig niya.&

    Last Updated : 2021-03-18
  • Heart's Desire   Sweet Obsession - Chapter 9

    CHAPTER NINE: NAGSIMULA ang ikalawang aklat ng mahabang bangungot sa buhay ni Nadine, nang ipatawag siya ni Marissa sa bagong bahay nito. Nakataas ang noo nito at nakaupo sa isang magarang sofa na animo isang diyosa ng kagandahan. Suot nito ang isa sa mga nightgowns na ubod nang nipis at ikli. Nakalantad ang mahahaba at makikinis na binti at hita. "May kailangan pa ba kayo, Ma'am Marissa?" tanong ng may edad na babaeng utusan. Tila hindi na agad nito kasundo ang bagong amo. "Wala na, Saning." Lalong naging arogante ang dalagang pinsan. Bubulung-bulong ang mayordoma habang lumalabas

    Last Updated : 2021-03-18
  • Heart's Desire   Sweet Obsession - Chapter 10

    CHAPTER TEN: NADINE, mahal kita... mahal kita... mahal kita...! Umalingawngaw sa lahat ng sulok ng diwa ni Teo ang mga katagang iyon. He was practically begging! Nais nang kagalitan ni Teo ang sarili. Ngunit hindi niya mapalis ang pagsusumamo sa kanyang tono. "Nadine, sumama ka na sa akin. Ilalayo kita rito," pang-aamuki niya. God, he needed this woman as much as he needed breathing to live! Kailanman, ni sa hinagap, hindi niya nakita ang sarili na makakaranas kung paano ang manikluhod sa isang babae. He had been a 'Don Juan' in the past years. Women had come and went. 

    Last Updated : 2021-03-18
  • Heart's Desire   Sweet Obsession - Chapter 11

    CHAPTER ELEVEN IBIG manggigil ni Teo ngunit hindi niya alam kung ano ang dapat gawin para maiwaksi ang emosyon na nagpapahirap sa kanya. Love was a terrible disease. It only inflicted pain to his unsuspecting heart. Akala niya, masarap ang magmahal. Katulad ng malimit sabihin ng mga kapatid niya. Deep inside him, there was a silent wish. A secret longing to have his own someone special. Nakakainggit na kasi ang ibang ka-pamilya niya. He also wanted the comfortable companionship between his parents. He liked the warm relationship shared by his kins with their respective partners.&nbs

    Last Updated : 2021-03-21
  • Heart's Desire   Sweet Obsession - Chapter 12

    CHAPTER TWELVE: "BAKA naman nag-aalala ka lang na magseselos si Marissa kapag isinama ka namin?" Naalalang itanong ni Uncle Peping iyon nang papalabas na siya matapos magpaalam. Napapatda siya. Dahan-dahang umikot upang muling humarap. "Hindi po naman sa gan'on, Uncle. Kaya lang, dapat po siguro, siya at si Mr.Montes ang isinasama ninyo. Panahon pa po ng pulot-gata nila, hindi po ba?" Seryosong-seryoso si Nadine kaya nagulat pa siya nang marinig ang pagtawa ni Auntie Moring. "Tila susunod na sa yapak ni Marissa si Nadine, oy. Aba'y alam na niya ang tungkol sa pulot-gata, o?" Napahiya si Nadine. Paano'y tutoo naman na may alam na nga siy

    Last Updated : 2021-03-22
  • Heart's Desire   Sweet Obsession - Chapter 13

    CHAPTER THIRTEEN: SA unang pagkakataon, nagmatigas si Uncle Peping sa pagtanggi sa gusto ng anak. "Hindi puwedeng diyan sa 'yo mamirmi si Nadine, Marissa," the old man reasoned in a cajoling tone. "Bakit naman hindi, Papa?" muktol ng anak habang ipinapadyak ang isang paa. "Gusto ko, kasama ko si Nadine--para may mag-alaga sa akin." "Puwede naman ang gusto mo, anak--pero hindi maaaring diyan na rin tumira si Nadine." Ipinadyak uli ng anak ang paa kaya muling lumagutok ang suot na high heelssa sahig na marmol. "A, basta!" Nagdabog na nang nagdabog si Marissa. "Basta, gusto kong dito tumira si Nadine!" Nagnakaw ng sulyap si Nadine sa kinar

    Last Updated : 2021-03-23
  • Heart's Desire   Sweet Obsession - Chapter 14

    CHAPTER FOURTEEN: SA wakas, matapos ang matiyagang paghihintay, nakakuha rin ng magandang tiyempo si Teo. Everyday, Nadine went to his house to serve as a stay-out personal maid for Marissa. The woman was elusive and slippery. Nadoble ang pagiging mailap at maingat nito. Nagagawang mawala kapag lumilitaw siya sa isang lugar. He had to wait and wait and wait... At habang naghihintay siya ng tamang pagkakataon para makapiling uli ang babae, patuloy siyang nagiging bingi sa mga paalala ng kanyang konsensiya. Paano'y hindi naman niya kayang maging matatag at matibay kapag tungkol kay N

    Last Updated : 2021-03-24
  • Heart's Desire   Sweet Obsession - Chapter 15

    CHAPTER FIFTEEN: MATAPOS ang matamis na luwalhati, ang mapait na katotohanan naman ang pumalit. It was a very short 'high'. Mistulang epekto ng mamahaling droga ang mga sensasyon. The wonderful sensations were addictive and very brief. The happiness was a fleeting item. Para bang ibinulusok siya papaitaas at saglit na nanatili doon. Bago ibinulusok papaiba upang ihulog na naman sa kumunoy ng kasalanan. It was good while it lasts. Nang bumalik na sa normal ang pagtibok ng puso nila at ang paghingal, nagmulat ng mga mata si Nadine.&nb

    Last Updated : 2021-03-25

Latest chapter

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 23

    "A-ano ang dapat kong ikatuwa?" tanong pa ni Kate gayong ibig na nga niyang magtatalon sa tuwa. Nandito pa rin si Zander sa rantso! Nabuhayan siya ng loob."Tinanggap niya ang parusang iginawad ko sa kanya. Ang ibig sabihin niyon, nais niyang makamit ang kapatawaran mo. At mapatunayan na rin ang pag-ibig niya para sa 'yo."Ipinilig ni Kate ang ulo niya. "Nasaan siya?""Basta't nandito lang siya," ang tanging itinugon ni Don Nicholas.Parang ibig niyang magdamdam sa kanyang Papa. Bigla itong nagkaroon ng sikreto. At parang kumakampi pa ito kay Zander..."Papa--""Mag-almusal ka na, iha," pakli nito habang humahakbang patungo sa pinto. "Mag-relaks ka lang.""Pero, Papa--""Pasensiya ka na. Hindi kita masasabayan. Tapos na akong kumain. Mamayang tanghalian na lang tayo uli magkita."Natagpuan na lang niyang nasa labas na siya ng library."Senyorita Kate, nakahanda na po ang almusal sa balkonahe."Nalinga

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 22

    The deep timbre of his voice held a suppressed passion, conveying a banked fire. Nakaramdam ng kilabot si Kate kahit na nag-a-agaw-tulog na siya. Her arousal was immediate and spontaneous. As uncontrollable as a forest fire.'I want you...' bulong niya sa sarili.Kinagat niya ang ibabang labi upang hindi makahulagpos ang mga katagang lalo pang magpapababa sa kanyang pagkababae. Paano pa siya mairerespeto ng lalaking ito?Kate giggled with the realization.Bakit kailangan niya ng respeto? Siya ang biktima, hindi ba?"Are you drunk, Kate?" Narinig niya ang tanong ni Zander kaya nagpilit na naman siyang dumilat."No--" Napahinto siya dahil nakaramdam siya ng pagkaliyo."Yes, you are, sweetheart," pakli ng lalaki. "I saw you drank a glass of sherry and three glasses of white wine."Kate giggled again. Her eyes were closed again."Am I drunk?" tanong pa niya.Hinaplos ng isang kamay ni Zander ang kanyang noo at buhok n

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 21

    "Halika dito, iho. Maupo tayo. Pihong may importanteng sasabihin kayo sa akin," untag nito.Sumulyap siya kay Kate. Nakatitig ito sa hawak na kopita."Kate?"Saka lang ito nag-angat ng tingin nang marinig ang pagtawag niya rito. Nagtama ang kanilang mga mata. Zander would like to kick himself for being such an insensitive fool. His wife looked ready to collapse. Tumingin siya sa biyenan. It was up to him for now.Inumpisahan niya ang paglalahad ng tutoo sa pamamagitan ng marriage contract nila ni Kate. Hinugot niya ang papeles sa loob ng breast pocket ng suot na blazer na abuhin."Ikinasal po kami ni Kate kahapon, sir," simula niya. Inilatag niya ang sobreng kinalalagyan ng katibayan ng sinabi niya."Ikinasal?" ulit ni Don Nicholas. Ngunit bahagya lang ang pagkabiglang rumehistro sa mukha nito. Mas malaki ang pag-aalala.Hinugot nito ang malutong na papeles at binasa ang mga pangalang nakasulat doon."Kate?" Ang anak ang binali

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 20

    Zander should think himself foolish for feeling so happy with the admission--but he didn't. Nasorpresa siya ng matinding kasiyahan na sumulak sa kanyang kalooban pagkarinig sa pag-amin ng babae."So, how do you feel about me?" untag niya kapagkuwan. Kinontrol muna niya ang nadarama.Nagpunas ng napkin sa bibig ang natatarantang babae. "I--I don't know," tugon nito, halos pabulalas. "I'm confused!"Bigla itong tumindig at tumakbong papasok ng kuwarto. Pinagsisihan agad ni Zander ang di napigil na kuryosidad.Tumayo siya para sundan ito. Dinatnan niyang nakasubsob sa kama ang babae at humahagulgol ng iyak. Agad siyang nag-alala. Naupo siya sa tabi nito at hinagod nang buong pagsuyo ang ulo at likod nito."I'm sorry, Kate," pahayag niya. Nang-aalo ang mababang tono.Hindi sumagot ang babae. Nagpatuloy lang ito sa pag-iyak."Tumahan ka, Kate. Tiyak na mag-iisip ng iba ang Papa mo kapag nakita niyang namumugto ang mga mata mo," paalala niy

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 19

    "You're exquisite!" anas ni Zander, pa-daing.Powerful arms carried her pliant body towards the large bed. While passionate mouth kissed her senseless. His muscular loins bucked against hers. The hard length of his erection rubbing against her feminine sheath."I'm so hungry for you! I could devour everything about you!" He drunk from her nectar of sweetness again."You make me forget anything sane. You drive me wild everytime I touch you!" His craving desire to have her was so much, his whole form tremble."You bring out the worst--and the best in me, my exquisite captive!"Kate bit her lip to prevent herself from screaming. She wanted this man. She needed to experience his sensuous possession of her whole body again. Again and again.Bumaon ang mga kuko niya sa likod at balikat ng katalik nang pasulak na sumirit ang kasukdulan. Ibininit ang mga kamalayan nila sa kalawakan."Oh, Zander, Zander..." she heard herself moaning. She thought she w

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 18

    Napapitlag si Kate nang marinig ang malutong na ingay ng nababasag na kahoy. At ang pagbagsak niyon sa sahig. Nabaklas ang pinto!Pasuray na pumasok ang isang galit na galit na Zander."Anak ng--" pagmumura nito. "Bakit hindi ka sumasagot?" pang-uusig nito nang makita siya.Tinatagan ni Kate ang sarili. "H-huwag kang lalapit!" bulalas niya.Nakatitig siya sa lalaking nasa harapan niya. Iba na naman ang karakter nito ngayon. He looked ruthless and powerful...Humakbang palapit sa kanya ang lalaki. Madilim ang mukha. His stance was menacing as he stood before her trembling form."Bakit ka umalis sa hapag-kainan nang walang paalam?" tanong nito, paangil."T-tapos na akong kumain," tugon niya."Ni hindi mo ginalaw ang pagkain mo, Kate," pakli ni Zander.Umatras siya nang magpatuloy sa paghakbang ang lalaki. Hindi siya huminto sa pag-urong hanggang sa mapadikit na ang kanyang likod sa makinis na dingding. Nanlalaki ang mga ma

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 17

    "No!" Nagkumahog sa pagbangon ang babae matapos ang sandaling pagkabigla. She tried to crawl towards the other side.Ngunit mabilis niyang nahuli ang mga paa nito."Ano ba?" Nagpapadyak si Kate.Lumilis ang maluwang na laylayan hanggang sa mga hitang mapuputi at bilugan."I like your legs," wika ni Zander, nakatawa. He had caught her and pulled her back to his arms effortlessly. Hinihingal ang babae nang mapailaliman niya."I'll hate you!" bulalas ni Kate. "I'll despise you!"Binihag niya ang mga kamay nitong panay ang kalmot at suntok sa mukha at balikat niya."May bago pa ba?" panunuya niya. "You'll always hate me, despise me--and I'll always desire you, lust after you." Pakiskis na humalik ang mainit na bibig sa makinis na ukab ng leeg."Y-you promised to let me go--" Her voice started to wobble. "I want to go home. I missed my father very much!"Unti-unting nawala ang alab ng pagnanasa ni Zander. Para siyang binuhusa

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 16

    She had managed to fall asleep by dawn. Tanghali na nang magising siya. Naulinigan niya ang malalakas na katok ni Aling Diday."T-tuloy," tawag niya habang inut-inot na bumangon.Iniluwa ng bumukas na pinto ang may edad na katiwala. Bitbit nito ang isang puting bestida na naka-hanger pa. Nakangiti habang humahakbang papasok sa silid-tulugan."Ipinabibigay ni Ser Zander," pahayag nito. "Isuot mo raw pagkatapos mag-almusal at maligo."Saglit na hindi nakakilos si Kate. Napatitig siya sa puting kasuotan. Yari iyon sa malambot na seda at maliliit na lace. The tight bodice was high-necked with tapered long sleeves. The skirt was wide and knee-length."Naghihintay na sa ibaba ang huwes, iha," patuloy ni Aling Diday. Nasa loob na ito ng banyo, nagpupuno ng maligamgam na tubig sa bathtub."H-huwes?" ulit niya."Ikakasal kayong dalawa ni Ser ngayon. Nakalimutan mo ba?"Ipinilig ng dalaga ang ulo, para tiyakin na gising na talaga siya.

  • Heart's Desire   Fascinated by the Enemy - Chapter 15

    "Ano'ng iniisip mo?" pang-uusig ng babae sa kanya."Ikaw.""Ano'ng iniisip mo tungkol sa akin?" Parang hindi nagulat ang dalaga sa itinugon niya.Humugot ng malalim na buntonghininga si Zander bago umiling. "Hindi mo magugustuhan kung sasabihin ko sa 'yo," pagtatapat niya. "C'mon, dinner's waiting."Inalalayan niya ang babae sa isang braso habang patungo sa kumedor. Dinner that night was strangely quiet and peaceful. Para bang nagkaroon ng pansamantalang kapayapaan habang nagkakasundo pa sila sa iisang desisyon.Inasikaso niyang mabuti si Kate. Sinilbihan niya ito, kahit na halatang naiilang."Bakit mo ginagawa sa akin ang lahat nang ito?" taka ng babae.Nagkibit ng mga balikat si Zander. "Dahil gusto ko.""Dahil inuuto mo ako," pananalakab nito."Hindi ka batang paslit para utuin, Kate," pakli niya. "Mas bagay sigurong sabihin na sinusuyo kita."She blushed delicately."Hindi mo na kailangang gawin 'yan,"

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status