The Chained Heart - Chapter 22 Tumango ang matandang babae. "I'm sorry, iho. But you left me no choice," sambit nito. "Masyado kang malihim. Wala kang sinasabi sa akin tungkol sa mga nararamdaman mo. Hindi ko tuloy alam kung paano kita matutulungan." Pumiksi si Maximillan. "Mama, matanda na ako. Hindi n'yo na ako dapat pakialaman," wika niya, pero mababa at malumanay ang tono. "Pasensiya ka na, anak. I didn't mean to offend you. Pero ayaw ko rin naman na panoorin ang pagiging miserable mo," patuloy ng ina. Bumuntonghininga si Maximillan. Tumayo para gawaran ng halik sa noo ang magulang. "I know that you mean well, Ma. Forgive me for being so ungrateful." &
Last Updated : 2021-05-06 Read more