"I guess, I'm like you in a way. I didn't know how to take care of you," ang matalinhagang pahayag ng lalaki."A-ano'ng ibig mong sabihin?" Aywan kung bakit nautal siya. At kung bakit sumasal ang kaba ng dibdib niya.Tumitig sa kanya ang lalaki. Para bang inaarok ang kanyang kaluluwa."I will tell you someday--if you're still around..." he murmured softly, with a faint smile on his lips. "For now, lunch is ready."Papatalikod na ito sa kanya pero muling humarap. Inilahad ang isang palad sa kanya. Hindi mabasa ang ekspresyon.Tentatively, Layla put her small and pale hand on his callused palm. Ang mga kalyo sa palad ni Devlin ay nagpapatunay na ito ay isang debotong asendero. He was not the type to irk from hard work, even though he was the master.Habang naglalakad, nakayuko si Layla. Pero hindi lang sa dinaraanan nakatutok ang kanyang mga mata. Panaka-naka rin siyang sumusulyap sa mga kamay nilang magkahawak, sa mga daliring magkabuhol.
Read more