"But it's the truth, isn't it? Kahit na pangit pakinggan, tutoo pa rin.""M-Max, napakabait mo sa akin. Lalo na sa pamilya ko. Mapagbigay ka sa kanila. Mabuting tao ka," agap niya.Tila may bumadhang lungkot sa anyo ng lalaki. "Napakalaki na ng utang na loob mo sa akin dahil sa mga kabutihan ko sa pamilya mo, Paulina," sambit nito.Sunud-sunod ang pagtango niya."Ayaw mong mawala ang mga biyayang tinatamasa nila," patuloy ng baritonong tinig. "Kaya nakikisama ka pa rin sa akin, hindi ba?""Oh, Max..." Hindi na niya alam kung paano tutugunin iyon.Gusto niyang balikan ang nagdaang mga segundo upang burahin ang mga salitang nasabi niya ng pabigla. Ngunit imposible na iyon."Kaya pumapayag kang tratuhin kitang bilanggo sa marangyang bahay na ito, hindi ba?""M-Max, tama na, please," pakiusap niya. "Kadarating mo lang ngayon. Ayokong magkaroon agad tayo ng pagtatalo.""Pero matagal-tagal nang walang pagtatalo sa pagitan nati
Read more