"Sa bahay ka na lang sana naghintay," sambit nito, matapos siyang yapusin nang mahigpit at halikan nang matagal sa mga labi.
"I missed you so much, Max," sambit niya. Kusang lumabas sa bibig ang mga kataga. Tigib sa pagkasabik.
Tila may suminding mga munting ningas sa mga matang malalalim. Animo mga kislap ng liwanag sa gitna ng dilim.
Muling inangkin ng maaalab na halik ang kanyang mga labi. Mas mariin. Mas maapoy. Halos mapugto ang hininga niya. Nakalas mula sa pagkakapusod ang mahabang buhok niya. Pero balewala ang anumang nangyayari sa paligid. Mas importante ang pribadong daigdig na nililikha ng pagnanasa nila.
"I missed you, too, hot woman," bulong nito. Paos na ang baritonong tinig. "Sana pala, isinama kita--"
Sumagi agad sa isip niya si Josie nang mapahinto sa pagsasalita ang lalaki. Iniisip siguro nitong mas exciting kasama ang sekretarya kaysa sa asawa!
Pumakla ang pakiramdam ni Paulina. Gayundin yata si Max. Sabay pa silang kumala
"But it's the truth, isn't it? Kahit na pangit pakinggan, tutoo pa rin.""M-Max, napakabait mo sa akin. Lalo na sa pamilya ko. Mapagbigay ka sa kanila. Mabuting tao ka," agap niya.Tila may bumadhang lungkot sa anyo ng lalaki. "Napakalaki na ng utang na loob mo sa akin dahil sa mga kabutihan ko sa pamilya mo, Paulina," sambit nito.Sunud-sunod ang pagtango niya."Ayaw mong mawala ang mga biyayang tinatamasa nila," patuloy ng baritonong tinig. "Kaya nakikisama ka pa rin sa akin, hindi ba?""Oh, Max..." Hindi na niya alam kung paano tutugunin iyon.Gusto niyang balikan ang nagdaang mga segundo upang burahin ang mga salitang nasabi niya ng pabigla. Ngunit imposible na iyon."Kaya pumapayag kang tratuhin kitang bilanggo sa marangyang bahay na ito, hindi ba?""M-Max, tama na, please," pakiusap niya. "Kadarating mo lang ngayon. Ayokong magkaroon agad tayo ng pagtatalo.""Pero matagal-tagal nang walang pagtatalo sa pagitan nati
Nagsikip sandali ang paghinga ni Paulina. Parang gusto niyang mataranta. "S-salamat," tugon niya."Ako ang dapat na magpasalamat, Paulina. Your cooking reminded me of heaven--because you cook like an angel."Hindi na niya napigil ang pagngiti. "Matamis ka palang magsalita, Max.""Ngayon mo lang nalaman?" panunudyo ng lalaki. Mainit ang ngiti nito. Pati na ang pagtitig.Nagbaba ng tingin si Paulina dahil nakimi. "Hindi naman tayo nagdaan sa normal na ligawan, hindi ba?"Tila napahiya rin ang lalaki pero saglit lang. "Yeah," sang-ayon nito. "And it was my fault."Nagkibit siya ng mga balikat. "It was mine, too, Max. Hindi kita binigyan ng pagkakataon na makapanligaw nang maayos. I greedily grabbed you then.""You are being brutally honest, Paulina.""Tutoo naman talaga, hindi ba?" giit niya. "Masyado akong nagmamadali noon. Masyadong makitid ang pananaw sa buhay. Masyadong nagpahalaga sa yaman na nakikita..." Natapos sa isang bun
Tila nabasa ng lalaki ang iniisip niya. "Dinidigahan kita, Paulina. Hindi ko nagawa 'yan noon. Puwede pa akong humabol."Namilog ang mga mata ni Paulina. "Nanliligaw ka?" Hindi siya makapaniwala."Bakit? Ayaw mo ba?""Uhm, gusto ko, siyempre." Lalo pa nga siyang napapaibig sa lalaki. "Pero nalilito ako dahil kagabi ay--""I was being foolish last night." Hinagkan nito ang bibig niya. "Ang akala ko'y--never mind. Please, forget it."Naghahain ng bagong simula ang lalaki. Ngunit hindi makalimutan ni Paulina ang nasaksihang tagpo sa airport at ang naulinigang pag-uusap nina Max at Josie."What about, er, Josie?""Josie?" Tila tunay ang pagkabigla at pagtataka ng lalaki. "P'ano siya nasali dito?"Gusto na niyang umatras pero hindi puwedeng iwan ang binuksang paksa. Minabuti niyang aminin na ang lahat."I see," sambit ni Max pagkatapos niyang magtapat. "Nakita mo pala siya sa airport. Ang akala ko'y hindi, kaya hindi ko na si
"Tsk! tsk! Nothing is free in this materialistic world, Paulina.""H-hindi ko pinangarap na maging kerida, sir.""I know that. I plan to marry you.""Marry me?""Yes. Pakakasalan kita, Paulina."Natatandaan niyang napatigagal siya noon. Napatulala dahil hindi makapaniwalang natupad na nga ang kahilingan niya mula nang magdalaga: ang makabingwit ng malaking isda!Di-naglipat linggo, sinagot niya ang lalaki.Ngunit hindi siya naniniwalang tatanggapin niya ang proposal kung naging matandang hukluban na si Max Valdez.Makalipas ang dalawang araw, ikinasal sila sa huwes."We'll have a church wedding next month," pangako ni Max. Hindi ikinubli ang matinding pagkasabik na maangkin na siya. "I don't think I can wait any longer for you, Paulina. I want to possess you, every inch of you, as soon as possible!"Mapait sa pakiramdam ang marinig na pagnanasa lang ang iniuukol ng lalaking pakakasalan para sa kanya. At lalo pa si
Unang pagkakataon marahil iyon.Isinenyas niya kay Delay ang overnight case na inimpake niya para sa asawa. Maliksing inilapit iyon ng katulong."Puwede na kayong umuwi, Delay, Mang Kanor. Tatawag na lang ho ako kung may kakailanganin kami dito.""Umuwi ka na rin, Paulina," sabad ni Max. Mahina pero pagigil ang pagsasalita. "Hindi kita kailangan dito!" dagdag pa, paasik.Kunwa'y walang narinig si Paulina. Itinago niya ang sakit ng kalooban. Nagtagumpay pa nga siyang ngitian ang lalaki habang humahakbang palapit."May dala akong mga personal na gamit mo, Max. I'm sure, mas magiging comfortable ka kung makakapagpalit ka ng damit." Binuksan niya ang munting maleta. "Dala ko rin ang razor at aftershave lotion. Pati ang paborito mong pabango.""Mang Kanor, isama mo na si Paulina," utos ni Max sa matandang lalaki.Nangislap ang determinasyon sa mga mata ni Paulina. Tinitigan niya ng tuwid ang asawa."Uuwi lang ako kung kaya mo akong
Gusto sana niyang gamitin ang katagang 'pagmamahal' ngunit baka mailang si Max. Nag-iingat siya nang husto. Masyadong delikante ang balanse ng mga emosyon na puwedeng ilakip sa kanilang relasyon.Bagama't hindi na pagnanasa lang ang iniuukol ni Max sa kanya, ayaw niyang magpadalus-dalos. Palagi niyang pinipigil ang pagbugso ng damdamin."'Yan din ang sinabi sa akin ni Doktora. She advised us to have a two-year spacing between every child we'll have.""So, balik na naman tayo sa unang tanong. Ilan ba ang gusto mong maging anak?""Three would be ideal.""Or five, maybe?""Ayokong mahirapan ka lagi, Paulina."Muntik na namang nawala ang boses niya. Pinilit niyang manatiling kaswal. "I won't mind. Gusto ko ng maraming anak--kung gusto mo rin?""Of course."Nagsimulang mangusap ang mga kislap sa mga mata ni Max nang muli silang magkatitigan."Siyanga pala, mayr'on pa akong itinanong kay Doktora," anas nito habang marah
Fascinated by the EnemySYNOPSISAng paghihiganti ay palaging mapait... Ganito ang natuklasan ni Zander nang pairalin niya ang poot niya kaya buong balasik na nagplano ng paghihiganti. Sa kasamaang-palad, isang inosenteng dalaga ang naging biktima – si Kate.Ang palaso raw ni Kupido ay walang pinipiling patamaan basta't puso lang ang palaging target. Kahit na nakatikim ng kalupitan sa kamay ng isang estranghero, nakuha pa ring umusbong ng pag-ibig sa puso ni Kate para kay Zander.* * *Fascinated by the Enemy - Chapter 1Humagikhik ang isa sa dalawang aninong papatalilis."Ssh!" saway naman ng kasama nito. "Huwag kang maingay! Kanina ka pa tawa nang tawa. Gusto mo bang mahuli nila tayo?""I'm sorry. Ngayon lang kasi ako gagawa nang ganito ka-daring na bagay," paliwanag ng babae. "Kaya mo ba talagang paliparin ang eroplanong 'yan kahit na madilim?"Agad namang napawi a
"Wala akong ginagawang masama sa 'yo, Saldivia," pakli niya. Kontrolado na ang matigas na tinig. "Bakit tinarantado mo ako?""Mali ka diyan, Soriano. Inagaw mo ang kabuhayang dapat ay mamanahin ko!""Wala akong inaagaw sa inyo! At hindi ko kasalanan kung nawaldas ang kayamanan ninyo. Kayo lang ang humahawak ng inyong salapi, kaya kayo lang nagpakawala sa mga iyon.""Aaah! Kahit na ano pang sabihin mo, ikaw ang dahilan ng lahat ng mga paghihirap ko! Wala kang karapatang tumuntong sa lupang tinutungtungan ko. Isa ka lang busabos na hampaslupa!"Kinalma uli ni Zander ang sarili. "Ano'ng kailangan mo sa akin, Saldivia?" Binago niya ang direksiyon ng usapan nila."Ha! ha! Nakuha mo rin, Soriano! Kahit na ubod nang purol n'yang utak mo!" Ininsulto muna siya ni Jeremy bago tinugon ang tanong niya. "Pera ang kailangan ko, Soriano. Tutubusin mo sa akin si Sonia."Dahan-dahang nag-inat ang malalapad na balikat. Nagbawas ng tensiyon si Zander para lumi
"A-ano ang dapat kong ikatuwa?" tanong pa ni Kate gayong ibig na nga niyang magtatalon sa tuwa. Nandito pa rin si Zander sa rantso! Nabuhayan siya ng loob."Tinanggap niya ang parusang iginawad ko sa kanya. Ang ibig sabihin niyon, nais niyang makamit ang kapatawaran mo. At mapatunayan na rin ang pag-ibig niya para sa 'yo."Ipinilig ni Kate ang ulo niya. "Nasaan siya?""Basta't nandito lang siya," ang tanging itinugon ni Don Nicholas.Parang ibig niyang magdamdam sa kanyang Papa. Bigla itong nagkaroon ng sikreto. At parang kumakampi pa ito kay Zander..."Papa--""Mag-almusal ka na, iha," pakli nito habang humahakbang patungo sa pinto. "Mag-relaks ka lang.""Pero, Papa--""Pasensiya ka na. Hindi kita masasabayan. Tapos na akong kumain. Mamayang tanghalian na lang tayo uli magkita."Natagpuan na lang niyang nasa labas na siya ng library."Senyorita Kate, nakahanda na po ang almusal sa balkonahe."Nalinga
The deep timbre of his voice held a suppressed passion, conveying a banked fire. Nakaramdam ng kilabot si Kate kahit na nag-a-agaw-tulog na siya. Her arousal was immediate and spontaneous. As uncontrollable as a forest fire.'I want you...' bulong niya sa sarili.Kinagat niya ang ibabang labi upang hindi makahulagpos ang mga katagang lalo pang magpapababa sa kanyang pagkababae. Paano pa siya mairerespeto ng lalaking ito?Kate giggled with the realization.Bakit kailangan niya ng respeto? Siya ang biktima, hindi ba?"Are you drunk, Kate?" Narinig niya ang tanong ni Zander kaya nagpilit na naman siyang dumilat."No--" Napahinto siya dahil nakaramdam siya ng pagkaliyo."Yes, you are, sweetheart," pakli ng lalaki. "I saw you drank a glass of sherry and three glasses of white wine."Kate giggled again. Her eyes were closed again."Am I drunk?" tanong pa niya.Hinaplos ng isang kamay ni Zander ang kanyang noo at buhok n
"Halika dito, iho. Maupo tayo. Pihong may importanteng sasabihin kayo sa akin," untag nito.Sumulyap siya kay Kate. Nakatitig ito sa hawak na kopita."Kate?"Saka lang ito nag-angat ng tingin nang marinig ang pagtawag niya rito. Nagtama ang kanilang mga mata. Zander would like to kick himself for being such an insensitive fool. His wife looked ready to collapse. Tumingin siya sa biyenan. It was up to him for now.Inumpisahan niya ang paglalahad ng tutoo sa pamamagitan ng marriage contract nila ni Kate. Hinugot niya ang papeles sa loob ng breast pocket ng suot na blazer na abuhin."Ikinasal po kami ni Kate kahapon, sir," simula niya. Inilatag niya ang sobreng kinalalagyan ng katibayan ng sinabi niya."Ikinasal?" ulit ni Don Nicholas. Ngunit bahagya lang ang pagkabiglang rumehistro sa mukha nito. Mas malaki ang pag-aalala.Hinugot nito ang malutong na papeles at binasa ang mga pangalang nakasulat doon."Kate?" Ang anak ang binali
Zander should think himself foolish for feeling so happy with the admission--but he didn't. Nasorpresa siya ng matinding kasiyahan na sumulak sa kanyang kalooban pagkarinig sa pag-amin ng babae."So, how do you feel about me?" untag niya kapagkuwan. Kinontrol muna niya ang nadarama.Nagpunas ng napkin sa bibig ang natatarantang babae. "I--I don't know," tugon nito, halos pabulalas. "I'm confused!"Bigla itong tumindig at tumakbong papasok ng kuwarto. Pinagsisihan agad ni Zander ang di napigil na kuryosidad.Tumayo siya para sundan ito. Dinatnan niyang nakasubsob sa kama ang babae at humahagulgol ng iyak. Agad siyang nag-alala. Naupo siya sa tabi nito at hinagod nang buong pagsuyo ang ulo at likod nito."I'm sorry, Kate," pahayag niya. Nang-aalo ang mababang tono.Hindi sumagot ang babae. Nagpatuloy lang ito sa pag-iyak."Tumahan ka, Kate. Tiyak na mag-iisip ng iba ang Papa mo kapag nakita niyang namumugto ang mga mata mo," paalala niy
"You're exquisite!" anas ni Zander, pa-daing.Powerful arms carried her pliant body towards the large bed. While passionate mouth kissed her senseless. His muscular loins bucked against hers. The hard length of his erection rubbing against her feminine sheath."I'm so hungry for you! I could devour everything about you!" He drunk from her nectar of sweetness again."You make me forget anything sane. You drive me wild everytime I touch you!" His craving desire to have her was so much, his whole form tremble."You bring out the worst--and the best in me, my exquisite captive!"Kate bit her lip to prevent herself from screaming. She wanted this man. She needed to experience his sensuous possession of her whole body again. Again and again.Bumaon ang mga kuko niya sa likod at balikat ng katalik nang pasulak na sumirit ang kasukdulan. Ibininit ang mga kamalayan nila sa kalawakan."Oh, Zander, Zander..." she heard herself moaning. She thought she w
Napapitlag si Kate nang marinig ang malutong na ingay ng nababasag na kahoy. At ang pagbagsak niyon sa sahig. Nabaklas ang pinto!Pasuray na pumasok ang isang galit na galit na Zander."Anak ng--" pagmumura nito. "Bakit hindi ka sumasagot?" pang-uusig nito nang makita siya.Tinatagan ni Kate ang sarili. "H-huwag kang lalapit!" bulalas niya.Nakatitig siya sa lalaking nasa harapan niya. Iba na naman ang karakter nito ngayon. He looked ruthless and powerful...Humakbang palapit sa kanya ang lalaki. Madilim ang mukha. His stance was menacing as he stood before her trembling form."Bakit ka umalis sa hapag-kainan nang walang paalam?" tanong nito, paangil."T-tapos na akong kumain," tugon niya."Ni hindi mo ginalaw ang pagkain mo, Kate," pakli ni Zander.Umatras siya nang magpatuloy sa paghakbang ang lalaki. Hindi siya huminto sa pag-urong hanggang sa mapadikit na ang kanyang likod sa makinis na dingding. Nanlalaki ang mga ma
"No!" Nagkumahog sa pagbangon ang babae matapos ang sandaling pagkabigla. She tried to crawl towards the other side.Ngunit mabilis niyang nahuli ang mga paa nito."Ano ba?" Nagpapadyak si Kate.Lumilis ang maluwang na laylayan hanggang sa mga hitang mapuputi at bilugan."I like your legs," wika ni Zander, nakatawa. He had caught her and pulled her back to his arms effortlessly. Hinihingal ang babae nang mapailaliman niya."I'll hate you!" bulalas ni Kate. "I'll despise you!"Binihag niya ang mga kamay nitong panay ang kalmot at suntok sa mukha at balikat niya."May bago pa ba?" panunuya niya. "You'll always hate me, despise me--and I'll always desire you, lust after you." Pakiskis na humalik ang mainit na bibig sa makinis na ukab ng leeg."Y-you promised to let me go--" Her voice started to wobble. "I want to go home. I missed my father very much!"Unti-unting nawala ang alab ng pagnanasa ni Zander. Para siyang binuhusa
She had managed to fall asleep by dawn. Tanghali na nang magising siya. Naulinigan niya ang malalakas na katok ni Aling Diday."T-tuloy," tawag niya habang inut-inot na bumangon.Iniluwa ng bumukas na pinto ang may edad na katiwala. Bitbit nito ang isang puting bestida na naka-hanger pa. Nakangiti habang humahakbang papasok sa silid-tulugan."Ipinabibigay ni Ser Zander," pahayag nito. "Isuot mo raw pagkatapos mag-almusal at maligo."Saglit na hindi nakakilos si Kate. Napatitig siya sa puting kasuotan. Yari iyon sa malambot na seda at maliliit na lace. The tight bodice was high-necked with tapered long sleeves. The skirt was wide and knee-length."Naghihintay na sa ibaba ang huwes, iha," patuloy ni Aling Diday. Nasa loob na ito ng banyo, nagpupuno ng maligamgam na tubig sa bathtub."H-huwes?" ulit niya."Ikakasal kayong dalawa ni Ser ngayon. Nakalimutan mo ba?"Ipinilig ng dalaga ang ulo, para tiyakin na gising na talaga siya.
"Ano'ng iniisip mo?" pang-uusig ng babae sa kanya."Ikaw.""Ano'ng iniisip mo tungkol sa akin?" Parang hindi nagulat ang dalaga sa itinugon niya.Humugot ng malalim na buntonghininga si Zander bago umiling. "Hindi mo magugustuhan kung sasabihin ko sa 'yo," pagtatapat niya. "C'mon, dinner's waiting."Inalalayan niya ang babae sa isang braso habang patungo sa kumedor. Dinner that night was strangely quiet and peaceful. Para bang nagkaroon ng pansamantalang kapayapaan habang nagkakasundo pa sila sa iisang desisyon.Inasikaso niyang mabuti si Kate. Sinilbihan niya ito, kahit na halatang naiilang."Bakit mo ginagawa sa akin ang lahat nang ito?" taka ng babae.Nagkibit ng mga balikat si Zander. "Dahil gusto ko.""Dahil inuuto mo ako," pananalakab nito."Hindi ka batang paslit para utuin, Kate," pakli niya. "Mas bagay sigurong sabihin na sinusuyo kita."She blushed delicately."Hindi mo na kailangang gawin 'yan,"