Home / Romance / Heart's Desire / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Heart's Desire: Chapter 41 - Chapter 50

107 Chapters

The Chained Heart - Chapter 6

The Chained Heart - Chapter 6            Tila naantig naman ang natitirang konsensiya ng magulang. Nagbaba ito ng tono, nang muling magsalita.            "Tama ang desisyon mong 'yon, anak. Natapos ang lahat ng mga problema. At maginhawa na ang kinalalagyan natin ngayon." Bumuntonghininga ito. "S-sana naman, huwag mong kalilimutan na babawiin ni Don Simon ang lahat ng kasaganaan na ibinigay niya," dugtong nito. Tila may piping pakiusap.            "Sinabi na po sa akin ni Don Simon ang tungkol diyan, Papa." Wala nang kulay ang kanyang tinig. Dahil patay na ang puso niya...            "H-huwag kang mag-alala, anak. Matututuhan mo rin siyang mahalin."            Hindi na siya
Read more

The Chained Heart - Chapter 7

The Chained Heart - Chapter 7            Napalunok si Terry. Nagmistula siyang estatwang nakatayo. Isipin pa lang na didikit uli ang mabahong bibig sa kanyang balat, ibig na niyang magtatakbo palayo.            Pumikit siya nang mariin. Obligasyon niya ang magpaubaya sa lalaking pinakasalan.            "Sa unang kita ko pa lang sa 'yo nung isang taon, kursunada na talaga kita, Terry," pahayag nito. Humihingal na dahil sa sobrang pagkasabik. "Sinabi ko sa sarili ko noon na mapasaakin ka lang, puwede na akong mamatay..."            Oh, Maximillan! bulalas niya sa sarili. Parang ibig niyang humingi ng saklolo.            Hinintay niya ang pagdating ng halik mula sa hukluban.
Read more

The Chained Heart - Chapter 8

The Chained Heart - Chapter 8            "Ang tanga-tanga mo talaga, Terry! Kasal kayo ni Simon. Legal na asawa ka. Bakit mo iniwanan ang pamamahay n'yo?" pagbubusa nito. Nangangalingasaw sa mumurahing alak ang hininga. "Kahit na sinong Hudas, hindi ka kayang paalisin d'on!"            "Si Don Simon mismo ang nagpaalis sa akin, Papa," pahayag niya nang makasingit. "May ginawa siyang testamento bago kami ikinasal."            Pahapyaw niyang ikinuwento ang ilan sa mga detalye.            Kahit na lasing ang ama, agad nitong naintindihan ang mga teknikalidad.            Pero lalo lang itong nag-ulol sa galit.          
Read more

The Chained Heart - Chapter 9

The Chained Heart - Chapter 9            "Talaga po?" Muling umalon ang tuwa sa kalooban ni Terry. Para na naman siyang nadagdagan ng lakas. "Marunong po pala kayong tumingin."            "Marunong ding magpaanak si Inay, Terry," dagdag ni Aida. "O, heto ang binili mo." Iniabot nito ang isang plastic bag na maliit.            Nag-abot naman siya ng perang papel bilang bayad.            "Puwede po bang kayo na lang ang magpaanak sa akin?" hiling niya sa kausap.            "Aba, oo naman," agap ni Aida. Nakakuha na agad ng isusukli sa kanya. "Tiyak na magiging malusog ang baby mo!"            "Sobra naman ang tiwa
Read more

The Chained Heart - Chapter 10

The Chained Heart - Chapter 10            Humagikhik sa tuwa ang batang lalaki. "Wow! Parang pasko na po agad, a? An'daming regalo! Tenk yu, Inay. Tenk yu, Ninang! Tenk yu, Lola Muring! Masayang-masaya po ako, kahit na me sakit ako!"            "O, buksan mo na ang mga 'yan para matikman na natin ang cake," salo ni Terry. Ayaw niya munang maalala ang tunay na sitwasyon.            "Sige po, Inay," sang-ayon agad ni Marcus.            Binigyan niya ng ngiting puno ng pasasalamat ang mag-inang ubod nang bait. Nakiisa ang mga ito sa pagpapasaya sa bata. Nadagdagan na naman ang napakalaking utang na loob niya sa mga ito.            Hindi na matatawaran ang katapatan ng pagmamal
Read more

The Chained Heart - Chapter 11

The Chained Heart - Chapter 11            Nang magkamalay, may naririnig siyang mga palakpak sa malapit.            "Bravo, bravo," panunuya ng isang baritonong tinig. "Magaling ang ginawa mong 'grand entrance'!"            Nakaupo ito sa isang silya na nasa gawing harapan ng mahabang sopa na kinahihigaan niya. Pinilit niyang ibangon ang sarili.            Nasa dehadong posisyon siya kung nakahiga. At nakalilis ang mahabang laylayan ng palda, pati ang sa blusa. Dali-daling inayos ng mga daliring nangangatal ang kanyang kasuotan.            "I--I'm sorry," sambit niya, pautal. Hindi niya mapigil ang mapatitig sa lalaki.        
Read more

The Chained Heart - Chapter 12

The Chained Heart - Chapter 12            Ni hindi niya naramdaman ang hapdi nang punasan ng alkohol ang mapupulang gurlis sa makinis na balat niya. Abala ang utak niya sa pag-iisip.            "H-hindi ako dapat sumuko, hindi ba, Aida?" tanong niya sa kaharap.            "Oo naman. Magpatuloy ka lang sa paglaban," tugon ni Aida.            "Alang-alang kay Marcus, dapat kong gawin ang lahat ng makakaya ko, hindi ba?"            "Tama 'yan, Terry. Lakasan mo lang palagi ang loob mo."            "Babalik uli ako doon," pahayag niya. "Gagapang ako at hahalik sa mga paa ni Maximillan!"   &nbs
Read more

The Chained Heart - Chapter 13

The Chained Heart - Chapter 13            "Kailangan din kita rito, Terry," pakli ng lalaki. "Nagbakasyon sina Mama sa Maynila. Isinama nila ang mga katulong dahil hindi alam na darating ako dito mula sa Australia."            "Kailangan mo ng mag-aasikaso sa 'yo dito, ganoon ba?" sambit niya kapagkuwan. Dahan-dahang naintindihan ni Terry ang ibig sabihin ng lalaki.            A, ibig na niyang matunaw nang mga sandaling iyon!            Tumango si Maximillan. Humugot ito ng isang puting apron sa loob ng isang kabinet. Iniitsa sa kanya.            "That's right," tugon nito. "Isuot mo na 'yan. Mag-umpisa ka na," utos nito.       &n
Read more

The Chained Heart - Chapter 14

The Chained Heart - Chapter 14            Napamaang si Maximillan.            "Matagal ka na niyang gustong makilala, friend," paliwanag ni Rudy. "Malimit kasi kitang maikuwento sa kanya."            "Gan'on ba?" Ngumiti uli siya kay Merlina. "Well, I'm pleased to meet you, too. Salamat sa pagsama mo kay Rudy. Kundi sa 'yo, baka namuti na ang mga mata ko sa paghihintay sa kanya."            Tumawa nang malakas ang magpinsan.            "Kenkoy ka pala, Maximillan. I like funny men, y'know," ang prangkang wika ni Merlina.            "Ang tutoo, ngayon ko lang narinig na nagbiro ang kaibigan kong ito, Merlina dear
Read more

The Chained Heart - Chapter 15

The Chained Heart - Chapter 15            "Opo, sir." Laking pasalamat niya dahil kalmado pa rin ang boses, kahit masakit na masakit na ang kalooban.            Mas maigi pa yatang hindi na lang siya uminom ng gamot. Dahil nawawala rin ang pamamanhid habang humuhulas ang pagkaliyo niya.            Tagaktak ang pawis niya nang matapos sa pagtitimpla ng kape at pagbubukas ng mga de-latang prutas. Kaya nagpalit muna siya ng damit. May nakita siyang duster sa aparador ng servants' quarter.            Naghihintay na sa terrace ang tatlo nang ihatid niya ang tatlong tasa ng mainit na kape at ang dalawang mini-bowl ng pineapple slice at whole lychees.            Abala na ang dalaw
Read more
PREV
1
...
34567
...
11
DMCA.com Protection Status