The Chained Heart - Chapter 11
Nang magkamalay, may naririnig siyang mga palakpak sa malapit.
"Bravo, bravo," panunuya ng isang baritonong tinig. "Magaling ang ginawa mong 'grand entrance'!"
Nakaupo ito sa isang silya na nasa gawing harapan ng mahabang sopa na kinahihigaan niya. Pinilit niyang ibangon ang sarili.
Nasa dehadong posisyon siya kung nakahiga. At nakalilis ang mahabang laylayan ng palda, pati ang sa blusa. Dali-daling inayos ng mga daliring nangangatal ang kanyang kasuotan.
"I--I'm sorry," sambit niya, pautal. Hindi niya mapigil ang mapatitig sa lalaki.
The Chained Heart - Chapter 12 Ni hindi niya naramdaman ang hapdi nang punasan ng alkohol ang mapupulang gurlis sa makinis na balat niya. Abala ang utak niya sa pag-iisip. "H-hindi ako dapat sumuko, hindi ba, Aida?" tanong niya sa kaharap. "Oo naman. Magpatuloy ka lang sa paglaban," tugon ni Aida. "Alang-alang kay Marcus, dapat kong gawin ang lahat ng makakaya ko, hindi ba?" "Tama 'yan, Terry. Lakasan mo lang palagi ang loob mo." "Babalik uli ako doon," pahayag niya. "Gagapang ako at hahalik sa mga paa ni Maximillan!"&nbs
The Chained Heart - Chapter 13 "Kailangan din kita rito, Terry," pakli ng lalaki. "Nagbakasyon sina Mama sa Maynila. Isinama nila ang mga katulong dahil hindi alam na darating ako dito mula sa Australia." "Kailangan mo ng mag-aasikaso sa 'yo dito, ganoon ba?" sambit niya kapagkuwan. Dahan-dahang naintindihan ni Terry ang ibig sabihin ng lalaki. A, ibig na niyang matunaw nang mga sandaling iyon! Tumango si Maximillan. Humugot ito ng isang puting apron sa loob ng isang kabinet. Iniitsa sa kanya. "That's right," tugon nito. "Isuot mo na 'yan. Mag-umpisa ka na," utos nito.&n
The Chained Heart - Chapter 14 Napamaang si Maximillan. "Matagal ka na niyang gustong makilala, friend," paliwanag ni Rudy. "Malimit kasi kitang maikuwento sa kanya." "Gan'on ba?" Ngumiti uli siya kay Merlina. "Well, I'm pleased to meet you, too. Salamat sa pagsama mo kay Rudy. Kundi sa 'yo, baka namuti na ang mga mata ko sa paghihintay sa kanya." Tumawa nang malakas ang magpinsan. "Kenkoy ka pala, Maximillan. I like funny men, y'know," ang prangkang wika ni Merlina. "Ang tutoo, ngayon ko lang narinig na nagbiro ang kaibigan kong ito, Merlina dear
The Chained Heart - Chapter 15 "Opo, sir." Laking pasalamat niya dahil kalmado pa rin ang boses, kahit masakit na masakit na ang kalooban. Mas maigi pa yatang hindi na lang siya uminom ng gamot. Dahil nawawala rin ang pamamanhid habang humuhulas ang pagkaliyo niya. Tagaktak ang pawis niya nang matapos sa pagtitimpla ng kape at pagbubukas ng mga de-latang prutas. Kaya nagpalit muna siya ng damit. May nakita siyang duster sa aparador ng servants' quarter. Naghihintay na sa terrace ang tatlo nang ihatid niya ang tatlong tasa ng mainit na kape at ang dalawang mini-bowl ng pineapple slice at whole lychees. Abala na ang dalaw
The Chained Heart - Chapter 16 Binilang niya ang mga pako sa dingding. Kapagkuwa'y ang nasa kisame. Maging ang mga turnilyo sa mga bisagra ng pinto at mga bintana. Sinundan niya ang paulit-ulit na pag-ikot ng maliit na kamay sa malaking mukha ng orasan na nakasabit sa dingding. Maghahatinggabi na. Nang di na makatiis, bumangon siya at nagpalakad-lakad. Labis-labis na ang pag-aalala niya sa anak. Baka naghihilo na iyon dahil wala pa siya. Ngayon lang niya naisip na baka hindi maniwala si Marcus sa anumang idadahilan ng mag-inang tagabantay tungkol sa pag-alis niya.&
The Chained Heart - Chapter 17 Tumama ang likod niya sa labi ng kitchen sink ngunit halos hindi niya naramdaman ang sakit. Mistula siyang yagit na nakalutang sa hangin. Bitin na bitin. "M-Maximillan?" Hesitante ang tono niya. Nagtatanong pati ang mga mata. Nagngangalit ang hubog ng mga panga ni Maximillan. Matalim ang pagkakatitig nito sa kanya. "Napakasinungaling mo talaga, Terry!" pang-aakusa nito. "B-bakit--?" "Sino'ng niloloko mo? Ako? O ang sarili mo?" patuloy nito. "Paano mo nasasabing ako lang ang lalaking inibig mo? Gayong nagawa mo akong
The Chained Heart - Chapter 18 "Aba'y kamukhang-kamukha nga ng ama si Marcus!" bulong nito sa sarili nang nakatalikod na sila. Dahil sa narinig, kinasabikan niya tuloy makita ang bata. Sa kusina nagtungo si Terry. Marahan nitong itinulak ang pintong bahagya nang nakaawang. Maliksing gumala sa palibot ang matalas na paningin ni Maximillan. Simple at kaunti lang ang mga kasangkapan, ngunit napakalinis ng paligid. Ang mga laruan ay maayos na nakahilera sa isang tokador. Tumutok ang mga mata niya sa malaking kama. Nasa gitna ng kalawakan niyon ang isa
The Chained Heart - Chapter 19 Ang akala niya ay nawala na ang bundok ng mga problema noon. Pero mapapalitan lang pala ng mas mataas. Tila hindi pa siya nadala. Inulit na naman niya ang pagkakamaling nagawa noon. Muli na naman niyang ipinagpapalit ang sarili. Anong klaseng parusa naman kaya ang daranasin niya ngayon--kung talagang mali ang magsakripisyo para sa kapakanan ng isang mahal sa buhay? Niyapos niya ang sarili habang tinatanaw ang langit sa labas ng bintana. Makulimlim ang panahon. Tila nagbabadya ng paparating na unos sa buhay niya. Nagpapalakad-lakad siya sa waiting lounge ng ospital. Doon siya naghihintay sa
"A-ano ang dapat kong ikatuwa?" tanong pa ni Kate gayong ibig na nga niyang magtatalon sa tuwa. Nandito pa rin si Zander sa rantso! Nabuhayan siya ng loob."Tinanggap niya ang parusang iginawad ko sa kanya. Ang ibig sabihin niyon, nais niyang makamit ang kapatawaran mo. At mapatunayan na rin ang pag-ibig niya para sa 'yo."Ipinilig ni Kate ang ulo niya. "Nasaan siya?""Basta't nandito lang siya," ang tanging itinugon ni Don Nicholas.Parang ibig niyang magdamdam sa kanyang Papa. Bigla itong nagkaroon ng sikreto. At parang kumakampi pa ito kay Zander..."Papa--""Mag-almusal ka na, iha," pakli nito habang humahakbang patungo sa pinto. "Mag-relaks ka lang.""Pero, Papa--""Pasensiya ka na. Hindi kita masasabayan. Tapos na akong kumain. Mamayang tanghalian na lang tayo uli magkita."Natagpuan na lang niyang nasa labas na siya ng library."Senyorita Kate, nakahanda na po ang almusal sa balkonahe."Nalinga
The deep timbre of his voice held a suppressed passion, conveying a banked fire. Nakaramdam ng kilabot si Kate kahit na nag-a-agaw-tulog na siya. Her arousal was immediate and spontaneous. As uncontrollable as a forest fire.'I want you...' bulong niya sa sarili.Kinagat niya ang ibabang labi upang hindi makahulagpos ang mga katagang lalo pang magpapababa sa kanyang pagkababae. Paano pa siya mairerespeto ng lalaking ito?Kate giggled with the realization.Bakit kailangan niya ng respeto? Siya ang biktima, hindi ba?"Are you drunk, Kate?" Narinig niya ang tanong ni Zander kaya nagpilit na naman siyang dumilat."No--" Napahinto siya dahil nakaramdam siya ng pagkaliyo."Yes, you are, sweetheart," pakli ng lalaki. "I saw you drank a glass of sherry and three glasses of white wine."Kate giggled again. Her eyes were closed again."Am I drunk?" tanong pa niya.Hinaplos ng isang kamay ni Zander ang kanyang noo at buhok n
"Halika dito, iho. Maupo tayo. Pihong may importanteng sasabihin kayo sa akin," untag nito.Sumulyap siya kay Kate. Nakatitig ito sa hawak na kopita."Kate?"Saka lang ito nag-angat ng tingin nang marinig ang pagtawag niya rito. Nagtama ang kanilang mga mata. Zander would like to kick himself for being such an insensitive fool. His wife looked ready to collapse. Tumingin siya sa biyenan. It was up to him for now.Inumpisahan niya ang paglalahad ng tutoo sa pamamagitan ng marriage contract nila ni Kate. Hinugot niya ang papeles sa loob ng breast pocket ng suot na blazer na abuhin."Ikinasal po kami ni Kate kahapon, sir," simula niya. Inilatag niya ang sobreng kinalalagyan ng katibayan ng sinabi niya."Ikinasal?" ulit ni Don Nicholas. Ngunit bahagya lang ang pagkabiglang rumehistro sa mukha nito. Mas malaki ang pag-aalala.Hinugot nito ang malutong na papeles at binasa ang mga pangalang nakasulat doon."Kate?" Ang anak ang binali
Zander should think himself foolish for feeling so happy with the admission--but he didn't. Nasorpresa siya ng matinding kasiyahan na sumulak sa kanyang kalooban pagkarinig sa pag-amin ng babae."So, how do you feel about me?" untag niya kapagkuwan. Kinontrol muna niya ang nadarama.Nagpunas ng napkin sa bibig ang natatarantang babae. "I--I don't know," tugon nito, halos pabulalas. "I'm confused!"Bigla itong tumindig at tumakbong papasok ng kuwarto. Pinagsisihan agad ni Zander ang di napigil na kuryosidad.Tumayo siya para sundan ito. Dinatnan niyang nakasubsob sa kama ang babae at humahagulgol ng iyak. Agad siyang nag-alala. Naupo siya sa tabi nito at hinagod nang buong pagsuyo ang ulo at likod nito."I'm sorry, Kate," pahayag niya. Nang-aalo ang mababang tono.Hindi sumagot ang babae. Nagpatuloy lang ito sa pag-iyak."Tumahan ka, Kate. Tiyak na mag-iisip ng iba ang Papa mo kapag nakita niyang namumugto ang mga mata mo," paalala niy
"You're exquisite!" anas ni Zander, pa-daing.Powerful arms carried her pliant body towards the large bed. While passionate mouth kissed her senseless. His muscular loins bucked against hers. The hard length of his erection rubbing against her feminine sheath."I'm so hungry for you! I could devour everything about you!" He drunk from her nectar of sweetness again."You make me forget anything sane. You drive me wild everytime I touch you!" His craving desire to have her was so much, his whole form tremble."You bring out the worst--and the best in me, my exquisite captive!"Kate bit her lip to prevent herself from screaming. She wanted this man. She needed to experience his sensuous possession of her whole body again. Again and again.Bumaon ang mga kuko niya sa likod at balikat ng katalik nang pasulak na sumirit ang kasukdulan. Ibininit ang mga kamalayan nila sa kalawakan."Oh, Zander, Zander..." she heard herself moaning. She thought she w
Napapitlag si Kate nang marinig ang malutong na ingay ng nababasag na kahoy. At ang pagbagsak niyon sa sahig. Nabaklas ang pinto!Pasuray na pumasok ang isang galit na galit na Zander."Anak ng--" pagmumura nito. "Bakit hindi ka sumasagot?" pang-uusig nito nang makita siya.Tinatagan ni Kate ang sarili. "H-huwag kang lalapit!" bulalas niya.Nakatitig siya sa lalaking nasa harapan niya. Iba na naman ang karakter nito ngayon. He looked ruthless and powerful...Humakbang palapit sa kanya ang lalaki. Madilim ang mukha. His stance was menacing as he stood before her trembling form."Bakit ka umalis sa hapag-kainan nang walang paalam?" tanong nito, paangil."T-tapos na akong kumain," tugon niya."Ni hindi mo ginalaw ang pagkain mo, Kate," pakli ni Zander.Umatras siya nang magpatuloy sa paghakbang ang lalaki. Hindi siya huminto sa pag-urong hanggang sa mapadikit na ang kanyang likod sa makinis na dingding. Nanlalaki ang mga ma
"No!" Nagkumahog sa pagbangon ang babae matapos ang sandaling pagkabigla. She tried to crawl towards the other side.Ngunit mabilis niyang nahuli ang mga paa nito."Ano ba?" Nagpapadyak si Kate.Lumilis ang maluwang na laylayan hanggang sa mga hitang mapuputi at bilugan."I like your legs," wika ni Zander, nakatawa. He had caught her and pulled her back to his arms effortlessly. Hinihingal ang babae nang mapailaliman niya."I'll hate you!" bulalas ni Kate. "I'll despise you!"Binihag niya ang mga kamay nitong panay ang kalmot at suntok sa mukha at balikat niya."May bago pa ba?" panunuya niya. "You'll always hate me, despise me--and I'll always desire you, lust after you." Pakiskis na humalik ang mainit na bibig sa makinis na ukab ng leeg."Y-you promised to let me go--" Her voice started to wobble. "I want to go home. I missed my father very much!"Unti-unting nawala ang alab ng pagnanasa ni Zander. Para siyang binuhusa
She had managed to fall asleep by dawn. Tanghali na nang magising siya. Naulinigan niya ang malalakas na katok ni Aling Diday."T-tuloy," tawag niya habang inut-inot na bumangon.Iniluwa ng bumukas na pinto ang may edad na katiwala. Bitbit nito ang isang puting bestida na naka-hanger pa. Nakangiti habang humahakbang papasok sa silid-tulugan."Ipinabibigay ni Ser Zander," pahayag nito. "Isuot mo raw pagkatapos mag-almusal at maligo."Saglit na hindi nakakilos si Kate. Napatitig siya sa puting kasuotan. Yari iyon sa malambot na seda at maliliit na lace. The tight bodice was high-necked with tapered long sleeves. The skirt was wide and knee-length."Naghihintay na sa ibaba ang huwes, iha," patuloy ni Aling Diday. Nasa loob na ito ng banyo, nagpupuno ng maligamgam na tubig sa bathtub."H-huwes?" ulit niya."Ikakasal kayong dalawa ni Ser ngayon. Nakalimutan mo ba?"Ipinilig ng dalaga ang ulo, para tiyakin na gising na talaga siya.
"Ano'ng iniisip mo?" pang-uusig ng babae sa kanya."Ikaw.""Ano'ng iniisip mo tungkol sa akin?" Parang hindi nagulat ang dalaga sa itinugon niya.Humugot ng malalim na buntonghininga si Zander bago umiling. "Hindi mo magugustuhan kung sasabihin ko sa 'yo," pagtatapat niya. "C'mon, dinner's waiting."Inalalayan niya ang babae sa isang braso habang patungo sa kumedor. Dinner that night was strangely quiet and peaceful. Para bang nagkaroon ng pansamantalang kapayapaan habang nagkakasundo pa sila sa iisang desisyon.Inasikaso niyang mabuti si Kate. Sinilbihan niya ito, kahit na halatang naiilang."Bakit mo ginagawa sa akin ang lahat nang ito?" taka ng babae.Nagkibit ng mga balikat si Zander. "Dahil gusto ko.""Dahil inuuto mo ako," pananalakab nito."Hindi ka batang paslit para utuin, Kate," pakli niya. "Mas bagay sigurong sabihin na sinusuyo kita."She blushed delicately."Hindi mo na kailangang gawin 'yan,"