The Intrepid Flame - Chapter 8 "Iha," boses ng ina niya ang gumulantang sa kanyang malalim na pagmumuni-muni. "H-ho?" tugon agad niya, nagulantang. "Lumalamig ang almusal mo. Baka gusto mo nang ubusin?" Nakangiti ang kanyang mama. Ipinahihiwatig na nauunawaan siya sa sandali ng kanyang pagkalito. "Mama," bulong niya, hirap na hirap ang tono. "Ganito ba talaga?" Hindi malinaw ang mensahe ng kanyang katanungan ngunit dagling naintindihan ng matandan babae ang sinasabi niya. Nilapitan siya nito at marahang hinaplos ang kanyang ulo. Sinuklay-suklay ang kanyang buhok na basa-basa pa kaya nakalugay. "Iha, ganyan talaga. Lalo na kung pilit mong pinaglalabanan," tugon nito, malambing ang tono. Ganito ang tempo ng pananalita nito kapag
Last Updated : 2021-04-08 Read more