The Intrepid Flame - Chapter 10 Buong pagkasabik na siniil ng halik ang kanyang mga labi, hanggang sa loob ng kanyang bibig. Nilantad ang kanyang buong saloobin nang tuluyang nilipad ng hangin ang kanyang inhibisyon. Gumanti siya ng halik sa halik, haplos sa haplos, hagud sa hagod.Hanggang sa maulinigan niya ang pag-ungol ni Alden, ang pagtahip ng dibdib nito. Naramdaman niyang tinitimpi nito ang tila bulkang papasabog na sa mga emosyon. "I need you, Selina," bulong nito, padaing na. May piping pakiusap na sa impit na tonong umaantig sa bawa't himaymay ng kanyang pagkatao. "Alden, I--" "Ssh!" anas ni Alden. Dagli siyang binitiwan at humakbang nang isa palayo sa kanya ngunit nanatiling nakayakap sa kanya ang mga bisig. Hindi nga lang mahigpit na katulad nung una.
Последнее обновление : 2021-04-10 Читайте больше