The Chained Heart - Chapter 20
"Nandito sa verandah ang mga kapatid mo, iho. Nasasabik na silang makita si Terry," pahayag ng Mama ng lalaki. Naglalakad ito sa kabilang panig niya kaya napagitnaan siya ng mag-ina.
Hindi niya napigil ang pagsirit ng tensiyon. Maging ang panginginig ng mga kalamnan.
Naramdaman marahil ni Maximillan ang nerbiyos na nadarama niya. Bigla itong huminto sa tapat ng isang pinto.
"Mauna na kayo, Mama. May ipapakita ako kay Terry sa study room."
"Okey, iho. Pero limang minuto lang, ha?" Ginagap ng matandang babae ang isang kamay ni Terry. Niyapos ng mga daliring kulubot ang palad niyang nanlalami
The Chained Heart - Chapter 21 Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa apat na babae. Para bang inaamuki siya ng mga mata nito. Ilang ulit siyang napakurap bago kusang tumango ang ulo. Nabigla pa siya nang magpalakpakan ang mga kaharap dahil ang nasa isip niya ay pagtanggi lang. Tuwang-tuwa ang mga ito. "Salamat sa Diyos!" Nag-antanda ang ginang. Maluha-luha sa kaligayahan. Hindi na ito nakapagpigil, nilapitan pa siya at niyapos. Nagulat si Terry sa ginawi ng matanda. "Hindi po kayo nagagalit sa akin?" Di-sinasadya, napasulyap siya sa dako ni Erica. Bumadha ang pagkapahiya sa mukha ng dalaga. "Sana, napatawad mo na ako sa m
The Chained Heart - Chapter 22 Tumango ang matandang babae. "I'm sorry, iho. But you left me no choice," sambit nito. "Masyado kang malihim. Wala kang sinasabi sa akin tungkol sa mga nararamdaman mo. Hindi ko tuloy alam kung paano kita matutulungan." Pumiksi si Maximillan. "Mama, matanda na ako. Hindi n'yo na ako dapat pakialaman," wika niya, pero mababa at malumanay ang tono. "Pasensiya ka na, anak. I didn't mean to offend you. Pero ayaw ko rin naman na panoorin ang pagiging miserable mo," patuloy ng ina. Bumuntonghininga si Maximillan. Tumayo para gawaran ng halik sa noo ang magulang. "I know that you mean well, Ma. Forgive me for being so ungrateful."&
The Chained Heart - Chapter 23 Ginamit niya ang isa sa dalawang bagong toothbrush para linisin ang mga ngipin. Pagkatapos, kinuha niya ang shampoo sachet at promo-sized bath soap, bago nagtungo sa shower cubicle. Pinabula niya ang mahabang buhok at sinabon ang buong katawan. Nagbanlaw siyang maigi bago umahon. Sinadya niyang hindi magpunas ng tuwalya sa katawan. Ang mahabang buhok lamang ang pinatuyo niya. Sinuklay niya nang pahapyaw ang mga hiblang itim na diretso bago lumabas. "Maximillan." Tinawag niya ang lalaking tila leon na nakakulong dahil balisang-balisa ang anyo. Papitlag itong luminga sa dako niya. At agad na
The Chained Heart - Chapter 24 "Tatanggapin mo na ba ito?" Tila nag-aalangan pa ang lalaki nang ipakita ang singsing na dinukot sa bulsa ng blazer. "I've been meaning to give you this ring, seven years ago." Napamaang si Terry sa ipinagtapat ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya. "A-ang ibig mong sabihin--?" "Binili ko ito, isang linggo matapos may mangyari sa atin," pahayag ni Maximillan. "Palagi na akong inuusig ng aking budhi noon. Para bang nararamdaman ko na may dapat akong panagutan sa 'yo. Nakahanda na akong ipakilala ka sa aking pamilya nung... nung makita ko ang letrato n'yo ng matanda sa diyaryo. At sa isang iglap, nawasak ang mga pangarap ko noon." "Oh, Maximillan!" Ramdam na ramdam
Obsessed to PossessSYNOPSISSi Layla ay lumaki at nagdalaga sa kumbento kaya hindi kataka-takang nais niyang magmadre. Nanirahan siya sa labas bilang pagsubok at agad na namataan ni Devlin, isang lalaking makapangyarihan. Tumanggi siya nang aluking magpakasal. Tumakas pabalik ng kumbento.Nang lumabas uli si Layla ng kumbento, ipinadukot siya ni Devlin. He planned to take her as his mistress for one year...* * *Obsessed to Possess - Chapter 1Tumingkayad si Layla Gomez para mahalikan sa pisngi ang may edad na madre. Her beautifully-shaped eyes brimmed with unshed tears as she smiled courageously.Nagpapakita siya ng tapang, sa kabila ng takot na kanyang nadarama."Aalis na po ako, Mother," sambit niya. Medyo garalgal ang likas na malamyos na boses niya."Mag-iingat ka, Layla. Ipagdarasal ka namin palagi." Tigib naman sa pag-aalala ang tinig ng matandang madre."Sana'y makabalik ka, S
"H-hindi pa ako bayad sa pamasahe," ang pautal na sambit niya.Agad na dumukot ng pera sa bulsa ang lalaking may bitbit sa bag niya at iniabot sa matanda. "Sige na, alis na, tata!""Salamat, sister!" hiyaw ng huli. Nagitla pa muna ito."Tsk! Ang bait naman nitong kinidnap natin. Hindi kaya tayo tamaan ng kidlat, pare?" bulong ng umaakay sa kanya."'Wag ka nang magtanong. Mas takot ako sa punglo ni Bosing Devlin.""Talagang pinanindigan niya ang pangalan niyang Devlin! Devlinyo talaga! Pati madre pinapatos na."Kunwa'y walang naririnig si Layla. Pero panay-panay na ang pag-usal niya ng mga dasal.She should have expected that her piqued suitor could resort to kidnapping. Hindi siya dapat nabigla sa pananambang. Hindi marunong tumanggap ng pagkabigo si Devlin Montecarlo."Pare, mag-ingat ka sa pagsasalita mo. Tauhan lang tayo dito. Hindi natin alam ang puno't dulo ng istorya," paalala ng ikalawang kidnapper. "O, heto na ang sasak
Nakaupo si Kate sa silyang tumba-tumba na yari sa rattan. Tinatanaw niya ang maaliwalas na kalangitan. Kailan kaya magiging maaliwalas ang kanyang kinabukasan?Nakabuti sa kanya ang malimit na pag-iisa. She was nearing a nervous breakdown then. Mabuti na lang, nakapagpahinga siya. Nagkaroon ng malinaw na perspective ang buhay niya. Natiyak niya ang mga bagay na mahalaga sa kanya.At isa si Zander at ang magiging anak nila sa mga iyon. Hinaplos ng isang kamay ni Kate ang tiyan na hindi pa gaanong halata."Senyorita, nandito po ang meryenda n'yo," anang boses ni Mina. Inilapag nito ang isang tray na may lamang isang basong gatas at isang hinog na papaya na nakabiyak sa gitna."Salamat, Mina."Matamlay ang ngiti niya. Pati ang pagkilos para simulan ang pagkain. She ate her food even without appetite because of the baby. Kahit na wala siyang gana, kumakain siya para sa munting sanggol na nasa sinapupunan niya.Ano kaya ang sasabihin ni Zander ka
Subalit pinanindigan niya ang pagtutol. Tumakas siya sa poder ni Devlin...Natigil ang pagbabalik-tanaw ni Layla. Para siyang malaking bato na inihulog buhat sa mataas na lugar nang bumalik sa kasalukuyan.Bahagya siyang nauntog sa sandalan ng upuang nasa harapan nang magpreno ang sinasakyan. Hindi siya nasaktan pero sapat na para magbalik ang naglalakbay na wisyo."Nandito na tayo," was the unnecessary announcement from the driver.Hindi niya namalayang umaambon na naman. Tumingala siya upang tanawin ang pinakaituktok ng palalong mansiyon na nasa kanyang harapan. Nakabalot pa rin iyon ng makapal na ulap.At katulad pa rin ng dati ang pakiramdam niya. A cold shiver crawled along her spine. Ginapangan ng lamig ang gulugod niya."Bababa na tayo, sister. Naghihintay na si Sir Devlin."She forced her paralyzed limbs to function. Mabuway ang kanyang mga tuhod kaya muling umalalay sa isang siko niya ang katabing tauhan."Ingat lang,
"A-ano ang dapat kong ikatuwa?" tanong pa ni Kate gayong ibig na nga niyang magtatalon sa tuwa. Nandito pa rin si Zander sa rantso! Nabuhayan siya ng loob."Tinanggap niya ang parusang iginawad ko sa kanya. Ang ibig sabihin niyon, nais niyang makamit ang kapatawaran mo. At mapatunayan na rin ang pag-ibig niya para sa 'yo."Ipinilig ni Kate ang ulo niya. "Nasaan siya?""Basta't nandito lang siya," ang tanging itinugon ni Don Nicholas.Parang ibig niyang magdamdam sa kanyang Papa. Bigla itong nagkaroon ng sikreto. At parang kumakampi pa ito kay Zander..."Papa--""Mag-almusal ka na, iha," pakli nito habang humahakbang patungo sa pinto. "Mag-relaks ka lang.""Pero, Papa--""Pasensiya ka na. Hindi kita masasabayan. Tapos na akong kumain. Mamayang tanghalian na lang tayo uli magkita."Natagpuan na lang niyang nasa labas na siya ng library."Senyorita Kate, nakahanda na po ang almusal sa balkonahe."Nalinga
The deep timbre of his voice held a suppressed passion, conveying a banked fire. Nakaramdam ng kilabot si Kate kahit na nag-a-agaw-tulog na siya. Her arousal was immediate and spontaneous. As uncontrollable as a forest fire.'I want you...' bulong niya sa sarili.Kinagat niya ang ibabang labi upang hindi makahulagpos ang mga katagang lalo pang magpapababa sa kanyang pagkababae. Paano pa siya mairerespeto ng lalaking ito?Kate giggled with the realization.Bakit kailangan niya ng respeto? Siya ang biktima, hindi ba?"Are you drunk, Kate?" Narinig niya ang tanong ni Zander kaya nagpilit na naman siyang dumilat."No--" Napahinto siya dahil nakaramdam siya ng pagkaliyo."Yes, you are, sweetheart," pakli ng lalaki. "I saw you drank a glass of sherry and three glasses of white wine."Kate giggled again. Her eyes were closed again."Am I drunk?" tanong pa niya.Hinaplos ng isang kamay ni Zander ang kanyang noo at buhok n
"Halika dito, iho. Maupo tayo. Pihong may importanteng sasabihin kayo sa akin," untag nito.Sumulyap siya kay Kate. Nakatitig ito sa hawak na kopita."Kate?"Saka lang ito nag-angat ng tingin nang marinig ang pagtawag niya rito. Nagtama ang kanilang mga mata. Zander would like to kick himself for being such an insensitive fool. His wife looked ready to collapse. Tumingin siya sa biyenan. It was up to him for now.Inumpisahan niya ang paglalahad ng tutoo sa pamamagitan ng marriage contract nila ni Kate. Hinugot niya ang papeles sa loob ng breast pocket ng suot na blazer na abuhin."Ikinasal po kami ni Kate kahapon, sir," simula niya. Inilatag niya ang sobreng kinalalagyan ng katibayan ng sinabi niya."Ikinasal?" ulit ni Don Nicholas. Ngunit bahagya lang ang pagkabiglang rumehistro sa mukha nito. Mas malaki ang pag-aalala.Hinugot nito ang malutong na papeles at binasa ang mga pangalang nakasulat doon."Kate?" Ang anak ang binali
Zander should think himself foolish for feeling so happy with the admission--but he didn't. Nasorpresa siya ng matinding kasiyahan na sumulak sa kanyang kalooban pagkarinig sa pag-amin ng babae."So, how do you feel about me?" untag niya kapagkuwan. Kinontrol muna niya ang nadarama.Nagpunas ng napkin sa bibig ang natatarantang babae. "I--I don't know," tugon nito, halos pabulalas. "I'm confused!"Bigla itong tumindig at tumakbong papasok ng kuwarto. Pinagsisihan agad ni Zander ang di napigil na kuryosidad.Tumayo siya para sundan ito. Dinatnan niyang nakasubsob sa kama ang babae at humahagulgol ng iyak. Agad siyang nag-alala. Naupo siya sa tabi nito at hinagod nang buong pagsuyo ang ulo at likod nito."I'm sorry, Kate," pahayag niya. Nang-aalo ang mababang tono.Hindi sumagot ang babae. Nagpatuloy lang ito sa pag-iyak."Tumahan ka, Kate. Tiyak na mag-iisip ng iba ang Papa mo kapag nakita niyang namumugto ang mga mata mo," paalala niy
"You're exquisite!" anas ni Zander, pa-daing.Powerful arms carried her pliant body towards the large bed. While passionate mouth kissed her senseless. His muscular loins bucked against hers. The hard length of his erection rubbing against her feminine sheath."I'm so hungry for you! I could devour everything about you!" He drunk from her nectar of sweetness again."You make me forget anything sane. You drive me wild everytime I touch you!" His craving desire to have her was so much, his whole form tremble."You bring out the worst--and the best in me, my exquisite captive!"Kate bit her lip to prevent herself from screaming. She wanted this man. She needed to experience his sensuous possession of her whole body again. Again and again.Bumaon ang mga kuko niya sa likod at balikat ng katalik nang pasulak na sumirit ang kasukdulan. Ibininit ang mga kamalayan nila sa kalawakan."Oh, Zander, Zander..." she heard herself moaning. She thought she w
Napapitlag si Kate nang marinig ang malutong na ingay ng nababasag na kahoy. At ang pagbagsak niyon sa sahig. Nabaklas ang pinto!Pasuray na pumasok ang isang galit na galit na Zander."Anak ng--" pagmumura nito. "Bakit hindi ka sumasagot?" pang-uusig nito nang makita siya.Tinatagan ni Kate ang sarili. "H-huwag kang lalapit!" bulalas niya.Nakatitig siya sa lalaking nasa harapan niya. Iba na naman ang karakter nito ngayon. He looked ruthless and powerful...Humakbang palapit sa kanya ang lalaki. Madilim ang mukha. His stance was menacing as he stood before her trembling form."Bakit ka umalis sa hapag-kainan nang walang paalam?" tanong nito, paangil."T-tapos na akong kumain," tugon niya."Ni hindi mo ginalaw ang pagkain mo, Kate," pakli ni Zander.Umatras siya nang magpatuloy sa paghakbang ang lalaki. Hindi siya huminto sa pag-urong hanggang sa mapadikit na ang kanyang likod sa makinis na dingding. Nanlalaki ang mga ma
"No!" Nagkumahog sa pagbangon ang babae matapos ang sandaling pagkabigla. She tried to crawl towards the other side.Ngunit mabilis niyang nahuli ang mga paa nito."Ano ba?" Nagpapadyak si Kate.Lumilis ang maluwang na laylayan hanggang sa mga hitang mapuputi at bilugan."I like your legs," wika ni Zander, nakatawa. He had caught her and pulled her back to his arms effortlessly. Hinihingal ang babae nang mapailaliman niya."I'll hate you!" bulalas ni Kate. "I'll despise you!"Binihag niya ang mga kamay nitong panay ang kalmot at suntok sa mukha at balikat niya."May bago pa ba?" panunuya niya. "You'll always hate me, despise me--and I'll always desire you, lust after you." Pakiskis na humalik ang mainit na bibig sa makinis na ukab ng leeg."Y-you promised to let me go--" Her voice started to wobble. "I want to go home. I missed my father very much!"Unti-unting nawala ang alab ng pagnanasa ni Zander. Para siyang binuhusa
She had managed to fall asleep by dawn. Tanghali na nang magising siya. Naulinigan niya ang malalakas na katok ni Aling Diday."T-tuloy," tawag niya habang inut-inot na bumangon.Iniluwa ng bumukas na pinto ang may edad na katiwala. Bitbit nito ang isang puting bestida na naka-hanger pa. Nakangiti habang humahakbang papasok sa silid-tulugan."Ipinabibigay ni Ser Zander," pahayag nito. "Isuot mo raw pagkatapos mag-almusal at maligo."Saglit na hindi nakakilos si Kate. Napatitig siya sa puting kasuotan. Yari iyon sa malambot na seda at maliliit na lace. The tight bodice was high-necked with tapered long sleeves. The skirt was wide and knee-length."Naghihintay na sa ibaba ang huwes, iha," patuloy ni Aling Diday. Nasa loob na ito ng banyo, nagpupuno ng maligamgam na tubig sa bathtub."H-huwes?" ulit niya."Ikakasal kayong dalawa ni Ser ngayon. Nakalimutan mo ba?"Ipinilig ng dalaga ang ulo, para tiyakin na gising na talaga siya.
"Ano'ng iniisip mo?" pang-uusig ng babae sa kanya."Ikaw.""Ano'ng iniisip mo tungkol sa akin?" Parang hindi nagulat ang dalaga sa itinugon niya.Humugot ng malalim na buntonghininga si Zander bago umiling. "Hindi mo magugustuhan kung sasabihin ko sa 'yo," pagtatapat niya. "C'mon, dinner's waiting."Inalalayan niya ang babae sa isang braso habang patungo sa kumedor. Dinner that night was strangely quiet and peaceful. Para bang nagkaroon ng pansamantalang kapayapaan habang nagkakasundo pa sila sa iisang desisyon.Inasikaso niyang mabuti si Kate. Sinilbihan niya ito, kahit na halatang naiilang."Bakit mo ginagawa sa akin ang lahat nang ito?" taka ng babae.Nagkibit ng mga balikat si Zander. "Dahil gusto ko.""Dahil inuuto mo ako," pananalakab nito."Hindi ka batang paslit para utuin, Kate," pakli niya. "Mas bagay sigurong sabihin na sinusuyo kita."She blushed delicately."Hindi mo na kailangang gawin 'yan,"