Angel
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Parang inaantok ako na ewan na tumingin sa aking paligid. Naikunot ko ang aking noo nang ma-realize ko na hindi pamilyar ang lugar. Nasa isang magarang silid ako at higit sa lahat ay nasa kama ako. As in kama!
Tapos ay bigla kong naalala ang nangyari. “Nasaan na ang mga lalaki?” nanghihilakbo kong tanong ng malakas na wala namang sumagot dahil mag-isa lang ako sa silid. Totoo bang pangyayari iyon o nanaginip lang ako?
Naipilig ko ang aking ulo dahil sigurado akong totoo ang nakita ko. May pinatay at naalala kong palapit sa akin ang lalaking may magandang boses pero nakakatakot na pagkatao. Anong nangyari pagkatapos non?
Natampal ko ang aking noo ng maalala kong wala na akong matandaan ng tuluyang makalapit sa akin ang lalaki at tanungin ang katabi kong si Mauro kung sino ako. Hinimatay ako! Kinapa ko ang aking sarili para siguraduhing hindi ako isang kaluluwa lang. Kinurot ko ang aking sarili. “Aray!” Nakahinga ako ng maluwag ng mapatunayan kong buhay pa ako.
Naupo ako kasabay ang pagbukas ng pintuan kaya naman mabilis akong napatingin doon at pumasok ang isang babaeng sa palagay ko ay matanda sa akin ng mga sampung taon. “Mabuti naman at gising ka na, pinapatawag ka na ni Sir Tore.”
Wala man lang ekspresyon ang mukha ng babae kaya naisip kong baka kagaya rin siya ng lalaking bumaril sa nakaluhod na lalaki kanina. I mean, baka isa rin siyang mamamatay tao. Mga ganitong klase ba ng mga tao ang dapat kong kaharapin simula ngayon? Baka magbabad na lang ako sa labahan kapag nagkataon dahil mas gugustuhin kong kausapin ang mga maruruming damit kaysa sa kanila.
Tumayo na ako at mabilis na sumunod sa babae dahil baka bigla itong mainis at patayin ako. Mahirap na at baka trigger happy din sila eh ako pa ang mapag-trip-an.
Hindi ko maiwasang humanga sa laki ng bahay habang sinusundan ko ang babae. Napag-alaman kong nasa second floor kami ng makarating na kami sa hagdanan. Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kalaking bahay kaya hindi ko mapigilan ang humanga.
Para akong laki sa bundok na nakababa sa syudad kung titingnan ngunit wala na akong pakialam doon dahil nakakatuwang pagmasdan ang naggagandahang mga furniture at kagamitan pati na rin ang mga nakasabit na mga paintings na may palagay akong likha ng kilalang mangguguhit.
Sa kakatingin sa paligid ay hindi ko namalayan na nasa dining area na pala kami. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang lalaking nakatayo sa harapan ng lalaking nakaluhod kanina. Hindi ko na naman malaman ang gagawin ko dahil sa takot.
“Maupo ka na.” Tumingin ako sa babae na itinuturo ang upuang nasa kanan ng lalaking hindi nakatingin sa akin pero hindi ko magawang tignan ng diretso kaya pinanatili ko lang ang aking ulo sa pagkakayuko.
Naupo ako sa kanang side ng lalaki at naghintay ng susunod na kaganapan. Pero hindi ko maiwasan mapaisip kung bakit ako nakaupo ngayon ssa lamesang ito gayong ang pagkakaalam ko ay pangangatulong ang sadya ko rito. Wait, ano nga ulit ang pangalan niya? Sinabi na kanina ng babaeng tumawag sa akin eh. Ano ba naman, bakit ko nakalimutan?
Maya maya lang ay dumating ang lalaking kumuha sa akin sa bahay namin na si Mauro at naupo naman sa kaliwang side ng lalaking nasa dilentera.
Hindi ko alam kung bakit kasama nila ako ngayon dito at hindi rin naman sila nagsasalita, ni walang kumakausap sa akin.
Nagsimula na silang dalawa na kumuha ng pagkain at nakatingin lang ako sa kanila. Kukuha ba ako? Pero di ba at pinatawag ako dito para kumain? Pag tingin ko sa lalaking maganda ang boses kung magsalita ay nakatingin di ito sa akin habang nginunguya ang kanyang pagkain.
“Ayaw mong kumain?” Tumingin ako kay Mauro na nakatingin sa akin at naghihintay ng isasagot ko.
“G-gusto.”
“Ano pang hinihintay mo? Hindi kita paglalagay ng pagkain sa pinggan mo.”
“Kaya ko naman,” sagot ko tapos ay mabilis na akong kumuha ng pagkain habang manaka nakang tumitingin sa dalawang lalaki lalo na sa nasa kaliwa ko kahit na nakatungo ako. Hindi na ako kinausap ni Mauro at wala na ring nagsalita sa aming tatlo.
Ang laki ng lamesa pero tatatlo lang kaming sabay sabay na kumain at nagtataka talaga ako kung bakit kasabay nila ako habang ang iba ay hindi lalo na ang sumundo sa akin sa kwarto.
Wait? Bakit pala ako nasa silid na iyon? Hindi ko napagmasdan masyado pero alam kong malaki iyon. Imposible naman na ang isang katulong na katulad ko ay sa ganong silid matutulog di ba?
Tinapos ko na lang ang pagkain at kahit na gusto ko sanang gawin iyon ng mabilisan ay hindi ko nagawa dahil nag-alala ako kung ano naman ang gagawin ko kapag nauna ako sa kanila.
“Follow me,” sabi ng lalaking may magandang boses kaya tumingin ako sa kanya.
Nagkatinginan muna kami bago siya tumayo at lumakad. Naiwan naman akong nalilito. Ako ba ang sinasabi niyang sumunod? Si Mauro na nakataas ang isang kilay na nakatingin sa akin ay biglang nagsalita.
“Bagalan mo ang pagkilos kung alam mo ang opisina niya dahil hindi kita ihahatid don. Bawal pumunta ang kahit na sino ng hindi niya pinapayagan. At sinumang hindi sumunod sa gusto niya ay alam mo na…”
Hindi na niya kailangan sabihin sa akin dahil parang alam ko na kung ano ang magiging parusa ko kung sakali. Kaya bigla akong napatayo at sumunod na sa lalaki na hindi ko pa rin alam ang pangalan.
Pagpasok ng lalaki ay dire diretso lang ito at iniwang nakabukas ang pintuan kaya pumasok na rin ako kaya lang ay naisip ko kung isasara ko ba ang pintuan o hahayaan ko lang na nakabukas. Kahit na pinakain niya ako ay hindi ko pa rin maiwasang matakot sa kanya.
“Close the door.” Napaigtad ako ng bigla niyang sabihin iyon. Namamasa ang aking mga kamay dahil sa nerbiyos at takot pero sinikap ko pa ring palakasin ang aking loob. Huminga ako ng malalim bago ko kinabig pasara ang pintuan. Hindi ko na ini-lock para kung sakali ay may pagkakataon akong makatakas kung sakaling papatayin niya na nga ako kahit na sigurado akong wala naman akong magagawa kung sakali.
“Come here.” Ayaw ko na sanang umalis sa kinatatayuan ko pero dahil sinabi niya ay wala na rin akong nagawa. Nanginginig ang mga paa kong humakbang palapit sa kanya na ngayon ay naupo na sa may kalakihang pang-isahang upuan. Ang mga kamay niya ay nakapatong sa magkabilang armrest habang naka sandal ito at naka de kwatro na akala mo ay siya ang hari ng mundo.
Nakayuko ako dahil hindi ko siya matignan ng diretso habang nilalaro ko ang aking mga daliri. Ang lakas ng pagkabog ng aking dibdib na parang lumigwak ng puso at manakbo palayo sa bahay na ito.
“Look at me.” Patay na, ano ba naman yan. Iyon nga ang iniiwasan ko kanina pa tapos gusto pa niyang tignan ko siya. Dahan dahan ay inangat ko ang aking ulo para nga gawin ang gusto niya. At ng mangyari ay nahigit ko ang aking paghinga. Ngayon ko lang siya napagmasdan ng husto. Kanina kasi ay medyo malayo siya at sa mga nangyayaring gulpihan at patayan ay sino pa ba ang magagawang pansinin ang kahit na anong magandang nakikita niya sa paligid?
Isa yata sa mga hari ng Olympus ang nasa harapan ko dahil sa taglay niyang kagwapuhan. Walang buhay ang kanyang may pagka-singkit na mga mata pero para pa rin iyong nanghahalina. Ang kanyang kanyang matangos na ilong na tila nililok ng magaling na iskultor ay may bahagyang cut sa bandang kanan pero mas lalo pa iyong nagbigay sa kanya ng kaakit akit na dating kahit na nakatikom ang kanyang hugis pusong mga labi.
Bigla kong naipilig ang aking ulo ng ma-realize ko kung ano ang nasa isipan ko. ‘Angel, maghunos dili ka, isang kriminal ang kaharap mo at hindi malayong mangyaring gawin niya sayo ang ginawa niya sa lalaking nakita mo kanina,’ ang nasabi ko sa aking sarili.
Napansin kong kumibot ang kanyang bibig bago nagsalita, “Maghubad ka.” Biglang nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Ano daw? Tama ba ang narinig ko?
Angel“Ha?” Sigurado akong mukha akong tanga ng mga oras na ito pero hindi ko mapigilan ang maging ganon. Paano ba naman, hindi normal na makarinig ng ganon sa unang beses na pagkikita. “Pasensya na po kasi parang nagkamali ako ng pandinig.” Nasa mga tatlong metro ang distansya namin sa isa’t isa kaya baka nga mali lang talaga ang intindi ko.“Ano ba ang pagkakarinig mo?” tanong niya na nahihiya naman akong sagutin. Paano nga kung mali ako ng pandinig tapos ay isipin niyang may pagnanasa ako sa kanya?“P-Pwede pong pakiulit ng sinabi mo?” kinakabahan kong tanong. Bahala na, kaysa naman mas magmukha akong tanga dahil nga mali ang pagkakariniig ko.“I said, maghubad ka na.” Mahina lang ang pagkakasabi niya pero may diin at kababakasan ng pagkainis. Siguro ay dahil kailangan pa niyang ulitin ang sinabi niya kaya lang.“Ano ho?” ang nanghihilakbo kong tanong. “Eh bakit ho?”“Dahil gusto kong makita ang katawan mo.” Parang wala lang na sabi niya. Manyakis pa yata ito ah. Kung kanina ay par
AngelHindi ko akalain na ang silid na tinulugan ko ay silid din pala ng lalaking iyon. Marapos niya akong paalisin ng kanyang opisina ay pinabalik niya ako sa silid at sinabihang ayusin ang mga gamit na dinala doon ng tauhan niya.Nagulat ako ng puro mga pambabaeng damit at kung ano anong mga cosmetics na hindi ko naman ginagamit ang laman ng paperbag na nasa sahig. Medyo may kapirasong saya ang agad na nagdaan sa aking puso, ngunit ng maalala ko ang pinagawa niya sa akin kanina ay mabilis din iyong nawala.Nagbukas ako ng closet matapos kong matagpuan iyon na nasa isang silid din sa bandang kanan ng kwarto. Gusto kong malula sa laki non dahil halos kasing laki na iyon ng aming sala samantalang lalagyan lang ng mga damit dito sa mansyon ng lalaking iyon.Lumapit ako sa isa sa mga pintuan ng closet na nandoon at nanlaki ang aking mga mata ng makita kong mga damit panlalaki ang naroon. At doon ko naalala ang sinabi ng lalaking pumasok sa opisina kanina, ‘ang iba ay nasa silid niyo na.’
Angel“Diyan ka lang at wag kang gagalaw,” galit na sabi ng lalaki na sige pa rin ang ginagawang pagbayo sa babaeng nasa harapan niya na ngayon ay masama na ang tingin sa akin. “Sa akin ka lang tumingin,” dagdag utos pa niya kaya wala akong nagawa dahil sa takot ko sa itsura niya ngayon. Lahat ng galit ko kanina ay parang naglahong parang bula at napalitan ng sobrang kaba at takot tapos ang babaeng binabayo naman niya ay parang nakabawi na at panay na ang ungol.“Ohh.. Tore sige pa please…” pagkasabi ng babae ng ganon ay napansin kong bumilis ang pagkilos ng lalaki na napag-alaman kong Tore ang pangalan dahil iyon ay ang itinawag sa kanya ng babae. Ang ikinatataka ko lang ay kung bakit sa akin siya nakatingin at tila walang pakialam sa kaniig. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa naging paraan ng pag tingin niya sa akin na tila ako ang kanyang binabayo.Nanuyo ang aking lalamunan na parang gusto kong uminom ng malamig na tubig. Yung maraming marami at malamig na malamig. Hindi namin
AngelNanlalaki ang aking mga matang nakatingin sa kanyang mga mata na titig na titig din sa akin habang sige ang ginagawa niyang paghalik sa akin. Nakayuko na ito habang nararamdaman ko ang kanyang mga kamay na nakayapos sa aking baywang na naging dahilan upang halos kargahin na niya ako. Ang mga kamay ko ay nasa kanyang mga balikat at mahigpit na nakakapit na akala mo ay mahuhulog ako.Hindi niya inaalis ang pagkakatingin sa akin at ganun din naman ako habang pilit kong ginagaya ang ginagawa ng kanyang bibig sa akin. He’s my first kiss and aaminin ko, kahit na napakasama ng tingin ko sa kanya dahil nga isa siyang mamamatay tao ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng kakaiba para sa kanya lalo na sa napaka eksperto niyang paghalik sa akin na tila gusto ko ng higit pa roon ang gawin namin. Ang tagal na magkahinang ang aming mga labi at tumigil lang ng kapwa na kami pangapusan ng hininga.“Siguraduhin mong matututunan mo ang humalik ng tama, Angel.” Bigla akong parang nabuh
AngelIsang linggo ang matuling lumipas, nasa bahay pa rin ako ni Tore at balak na yata niya akong buruhin dahil ni minsan ay hindi man lang niya ako niyayang lumabas. Natatakot naman akong magsabi dahil nga ako’y alipin lang.Ang tanging nakakapagpalubag ng aking kalooban ay ang pagkakataong binibigay niya upang makausap ko ang aking kapatid na mukhang nasa maayos na kalagayan naman ayon na rin sa kanyang boses kagaya ngayon.“Ate, sabi ni Kuya Mauro ay sa ibang school na ako papasok ngayong pasukan. Ayaw na daw ni Kuya Salvatore na doon pa sa dati ako pumasok dahil malayo na dito sa tinitirhan ko.”Gusto kong tanungin kung nasaan siya kaya lang ay nag-aalala naman ako na magtanong din ito sa akin tapos ay hindi ko alam kung saan eksakto ako naroroon. Sa totoo lang ay nauna pa niyang nalaman na Salvatore ang tunay na pangalan ng lalaking kaharap ko ngayon kaysa sa akin. Hindi ko naman din siya tinatanong. Basta Tore lang ang alam ko dahil nga narinig kong tinawag siyang ganon ng babae
AngelPakiramdam ko ay mababaliw ako sa ginagawa sa akin ni Salvatore. Mas gusto kong tawagin siya sa buong pangalan kaysa sa nickname kasi parang ang tigas tigas ng dating noon at nakakatakot. At least kung yung tunay na pangalan parang sapatos lang siya. Doon man lang ay maasar ko siya kahit na sa loob loob ko lang.Kahapon, ng sabihan niya akong papatayin sa sarap at naramdaman ko ang kanyang mga kamay sa aking pagkababae ay nawindang ang mundo ko. Nagregudon ang puso ko dahil kahit na may panty akong suot noon ay tila ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang kamay na humahagod sa aking kaselanan na naging dahilan upang mamasa iyon na nagpapula ng aking pisngi.Masasabing bata pa ako at walang karanasan pero hindi naman ako inosente sa ganong bagay lalo na sa klase ng lugar na kinalakihan ko kung saan talamak at normal na lang na lumalabas sa bibig ng mga tao ang mga kabastusan. Ngunit sinikap ko na kahit ganun ay maingatan ko ang aking sarili pati na ang aking kapatid. Pasalamat
Pinil-ap-an ko at pinirmahan ang marriage application na binigay sa akin ni Mauro. Wala din naman akong magagawa tapos non ay umalis na ito habang ako naman ay bumalik sa aming silid at nagsimulang mag scroll sa social media. Ito na lang din ang pinagkakalibangan ko dahil hindi naman ako makapaglaro sa cell phone kong hindi man niluma ng panahon ay outdated naman. Candy crush na lang ang pwedeng ma-d******d eh ang bagal pa.Makakapanood na rin ng short videos at mahilig ako sa mga nakakatawa. Sa kinakaharap ko ba naman ay iyon na lang ang nakakapagpatawa sa akin bukod sa kumita ako ng 500 pesos sa loob ng isang araw.Sige lang ako sa pag scroll ng biglang may tumawag nang aking pansin. “Anak ni Senator Mondragon na si Victoria, nakitang may kasamang lalaki na gumagawa ng hindi kaaya aya?” Sabi ng caption at wala naman sana akong paki doon dahil hindi ko kilala ang anak ng senador at wala rin akong paki sa pulitika. Pero ang tumawag ng aking pansin ay ang lalaking kasama ng babae at an
AngelHindi ako nakagalaw at nanatili ang aking mga mata na nakatingin sa kanya habang patuloy siya sa pagsakop sa aking bibig. Marahas at mapagparusa iyon ngunit nagugustuhan ko, dahilan upang tugunin ko iyon na naging dahilan upang mas lumalim pa ang ginagawa niyang paghalik sa akin.Naramdaman kong umangat ang aking katawan mula sa kama bago ko naramdaman ang matigas niyang pagkalalaki na tumutusok na sa aking kaselanan dahil nakakandong na ako sa kanya ng paharap.May sariling isip din ang aking mga kamay na humagod sa kanyang matipunong dibdib. Amoy na amoy ko ang alak na nagmumula sa kanyang hininga pero bakit hindi mabaho ang dating sa akin? Naramdaman ko ang bahagya niyang pagkagat kagat sa aking mga labi na ginaya ko rin.Ang mga kamay niya ay naramdaman ko na ring humahagod sa aking katawan na nagbibigay pa lalo ng kiliti sa akin. Tumigil kami sa paghahalikan ngunit nanatiling magkalapit ang aming mga mukha. Ang aming mga labi ay may ilang milimetro lamang ang layo sa isa't i
AngelSabay na kaming pumapasok ni Salvatore at hindi na rin lingid sa kumpanya ang relasyon namin. Kahit si Camille ay laging nanunukso sa tuwing magkikita kami. Si David naman ay sinabihan ko na rin through chat dahil wala naman siya sa Manila ngayon. Ayaw ko lang din kasing sa iba pa niya malaman ang tungkol sa amin.Kinausap ko na rin ang team na baka hindi na ako laging makapasok kaya most of the time ay online na kami mag-uusap. Ayaw ko kasi talagang mag-office at buti na lang ay sinang-ayunan iyon ni Salvatore. Pero sa ngayon ay need ko munang matapos ang para sa catalogue ng company kaya kailangan kong pumunta pa sa office.Naipaalam ko na sa school ng kambal ang pagtransfer nila at later ay may school akong pupuntahan para ma-check kung pwede sila doon.“Uy, saan ang punta?” tanong ni Nadia na kasalubong ko.“Sa office ni Salvatore, bakit?” tanong ko rin.“Bakit?”“Yayayain kong puntahan yung school na lilipatan ng kambal.”“Ah, okay. Nandoon din yata si Mau.”“Pupunta ka rin
Angel“Mommy, okay na ba ito?” tanong ni Savinna. Araw ng Sabado at nasa kitchen kami, naghahanda ng lunch para sa pagdating nina Mauro, Nadia at Angelo.Noong nakaraang linggo ay niyaya nga kaming mag-iina ni Salvatore na gumala. Nag-enjoy ang mga bata dahil nga hindi ko pa naman sila talaga nailabas ng kagaya ng ginawa namin. Hindi naman kasi ako sanay sa Manila talaga at hanggang Angeles Pampanga lang ang kaya kong ikutin na malamang ngayon ay malaki na ang ipinagbago.“Get up and go to the living room, sweetheart. Hayaan mo na kami ng Mommy ang nandito,” nakangiting sabi ni Salvatore sa anak matapos buhatin ito mula sa upuan pababa sa sahig. “Go ang play with Savanna.”“But she didn’t want to,” reklamo ni Savinna. Tumingin sa akin si Salvatore na tila humihingi ng saklolo pero bahala siya sa buhay niya. I’m done with the twins never ending arguments and discussion about everything. It's his turn.“Isa pa, I want to help.”“Sweetheart, mas makakatulong ka if you stay in the living r
Mature ContentMauro“Nadia!” bulalas ko kasabay ang pagtapik ko sa aking magkabilang pisngi para lang masiguro na siya nga ang nakikita ko.“What are you doing, idiot?” I chuckled after she said that, dahil nakumpirma kong siya nga talaga iyon.“How did you get in here?” tanong ko sabay lapit sa kanya para salubungin ang paglapit din niya sa akin.“Binuksan ko yung pinto.”“At sa tingin mo ay hindi ko alam ‘yon?”“Bakit ka pa nagtatanong kung alam mo na pala?” “I am asking you, my love. Hindi ka ba talaga makakasagot sa akin ng maayos?” She’s always like that. Sa tuwing gusto ko siyang kausapin ng matino ay parang lagi naman siyang nakikipag biruan.“Lasing ka naman, bakit pa kita kakausapin ng maayos?”“I’m not drunk! Nakainom, yes.”“At talagang umapila ka pa.”“You haven’t answer me, anong ginagawa mo dito?”“Looking for Angelo.” Titig na titig na siya sa akin habang inis na inis naman ako. Bakit niya hinahanap yung bata?“Why?” tanong ko habang pinipigilan ko ang sarili kong ipak
MauroKinakabahan ako sa plano ko. Hindi naman talaga tatagal ng isang linggo ang pag-uusap namin ni Angelo ngunit iyon na rin ang ipinaalam ko kay Salvatore just in case may mangyaring hindi ko inaasahan. Mahal ko si Nadia at gusto ko na ring makasama siya. Fuck, ang tanda ko na pero heto at single pa rin ako dahil sa kakahintay sa makulit na babaeng iyon.Kung tutuusin ay okay lang dahil nabigyan ko ng pagkakataon si Nadia na magawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nakapagtrabaho siya at kita ko sa mukha niya ang kaligayahn ng tuluyan niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang.At ngayon nga na nandito na ulit si Angel ay inisip ko ng seryosohin ang pakikipag-usap din sa babaeng maligalig na ‘yon pagkatapos naming mag-usap ni Angelo. Mabuti pa si Salvatore at may kambal na, samantalang ako a bubuo pa lang kung sakali.“Ano ba kasi ang pag-uusapa natin?” tanong ni Angelo. Tinignan ko siyang mabuti at hindi ko maiwasan ang mapailing at mapangiti. Nasa balcony kami
AngelMasakit man ang katawan ko ay maaga pa rin akong nagising ng kasunod na araw. Nasanay na talaga kasi ako sa ganitong routine kaya walang kaso sa akin no matter how tired or kulang ako sa tulog. Tumingin ako sa aking tabi at nakita ko ang mahimbing pang natutulog na si Salvatore. Hindi ko maiwasan ang mapangiti ng maalala ko kung paano niya ako inangkin kagabi habang sinasabi niya na kaya pa niya akong sabayan.Nagtaka ako at napansin kong naka ulo pala kami sa bandang paanan ng kama. Muli kong tiningnan si Salvatore at hindi ko mapigilang haplusin ang kanyang pisngi.Pinagsawa ko ang aking mga mata hanggang sa may napansin ako sa aking daliri. Inilapit ko ang aking kamay at tinitigan iyon.“Do you still remember?” tinignan ko si Salvatore na nakadilat na. Inabot niya ang aking kamay at tsaka dinala iyon sa kanyang bibig at hinalikan. “When did you—”“I never took that off my body lagi lang nakakabit sa necklace ko.” Iyon pala ang napansin ko kagabi.“I'm sorry, I took it off.”
Mature ContentSalvatorePara akong mababaliw ng makita ko ang suot niyang pantulog na walang itinago lalo at napakanipis lang non at wala pa siyang underwear. Ngani ngani ko na talagang buhatin siya at dalhin sa kama para angkinin ng paulit-uilt ngunit itinulak niya ako palabas.Nanatili ako sa sala at sinibukan kong makatulog ngunit ako’y bigo kaya makalipas ang ilan pang minuto ay pumasok na ako sa kwarto. Kitang kita ko ang pigura niyang nakahiga sa kama at payapang natutulog.Bakit ang bilis niyang makatulog na tila hindi man lang apektado ng sinabi niya kanina? Fuck, sundan na daw namin ang kambal. Ang tanga ko talaga kahit kailan!Naghubad ako ng aking damit bago ako tumabi sa kanya at pumwesto sa kanyang likuran. Alanganin kong dinampian ng magaan na halik ang nakalabas niyang balikat ngunit hindi siya gumalaw.“Baby..” tawag ko sa kanya habang patuloy ko siyang kinikintalan ng magagaan na halik mula sa kanyang balikat hanggang sa kanyang pisngi. Marahan kong hinagod ang kanyan
Angel“Mommy, are you sure you’re still going to wait for Papa?” tanong ni Savanna na tinanguan ko naman. Kakatapos lang ng klase nila at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin dumarating si Salvatore.“Madami kasi siyang ginagawa kanina bago ako umuwi kaya nauna na ako.”“But you’re still not eating.” Si Savinna na ang sumagot.“Hindi pa rin kumakain ang Papa niyo kaya sabay na kami.” Hindi umimik ang dalawa at nanatiling nakatingin sa akin. “You know what, why don’t you go to your rooms now and sleep?”“Okay,” sabay nilang sabi bago nagsibalikan sa aking pisngi at tsaka pumasok na sa kanilang silid. Ako naman ay naiwan na sa sala at nanatiling nakaupo sa sofa para maghintay pa ng konti. Napatingin ako sa aking phone at nangangati na akong tawagan siya ngunit pinigilan ko pa rin ang aking sarili.May isang oras pa akong naghintay bago tumayo mula sa sofa at niligpit ko na lang ang laptop na gamit ng kambal. Nawalan na rin ako ng ganang kumain dahil sobrang late na. Papunta na ako sa pint
SalvatoreFor 3 weeks now ay parang nasa langit na ang pakiramdam ko dahil nasa next level na ang samahan namin. Nagdala ako ng ilang damit sa condo ng mag-ina ko. Gusto ko sanang sa akin na sila tumira pero alam ko na kailangan kong maghinay hinay. Ayaw kong isipin ni Angel na masyado na akong nagiging demanding.Sabay kaming pumapasok ni Angel araw araw at sa gabi ay magkatabi na kaming matulog ngunit hanggang doon pa lang. May weekends na nagkikita kami nila Angelo at Nadia sa tuwing dinadalaw nila ang mag-iina.Hindi ko rin naisip na ganito kalakas ang self control ko dahil sa pagtitimpi kong angkinin ang mahal ko. Nakatulong na din siguro yung fear na baka magalit ang mahal ko kung sakaling ipipilit ko ang sarili ko sa kanya. “Mukhang busy ka ah?” Nag angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Mauro. “Ni hindi mo narinig ang pagkatok ko.”Nag unat ako ng likod at sumandal. “Hindi naman. Gusto ko lang matapos ang trabaho ko bago mag-uwian.”“Dahil kay Angel?” tanong habang lum
Salvatore“Papa, ready na?” tanong ni Savinna. Ako ang nag-aayos ng laptop nilang magkapatid para sa online class nila. Gusto ko ng ipa-transfer sila sa skwelahan dito sa Pilipinas dahil alanganin naman masyado ang klase nila gawa ng umaga sa Michigan eh gabi naman dito.“Okay na, sweetheart. Sige at pumwesto ka na, ikaw din Savanna.” Masayang sumunod ang dalawa at ako naman ay tumabi na sa baby ko na nasa sofa at busy sa kanyang tablet. Inangat ko ang likod niya ng bahagya tsaka ko iniunat ang aking braso para nakayapos ako sa kanya. Wala naman siyang tutol at patuloy lang sa kanyang ginagawa.Salitan ang naging tingin ko sa kambal at kay Angel na ngayon ay nakasandig na sa akin. Nahuli ko pang nakangiti ang kambal habang nakatingin sa amin na tila masaya sa kanilang nakikita. Sinenyasan ko sila na sa laptop lang ang tingin at mabilis naman din nilang ginawa iyon.Dapat ay mabagot ako dahil wala naman akong ginagawa, ngunit sa pagtingin lang sa pamilya ko ay parang kuntento na ang pak