Share

Chapter 3

Angel

“Ha?” Sigurado akong mukha akong tanga ng mga oras na ito pero hindi ko mapigilan ang maging ganon. Paano ba naman, hindi normal na makarinig ng ganon sa unang beses na pagkikita. “Pasensya na po kasi parang nagkamali ako ng pandinig.” Nasa mga tatlong metro ang distansya namin sa isa’t isa kaya baka nga mali lang talaga ang intindi ko.

“Ano ba ang pagkakarinig mo?” tanong niya na nahihiya naman akong sagutin. Paano nga kung mali ako ng pandinig tapos ay isipin niyang may pagnanasa ako sa kanya?

“P-Pwede pong pakiulit ng sinabi mo?” kinakabahan kong tanong. Bahala na, kaysa naman mas magmukha akong tanga dahil nga mali ang pagkakariniig ko.

“I said, maghubad ka na.” Mahina lang ang pagkakasabi niya pero may diin at kababakasan ng pagkainis. Siguro ay dahil kailangan pa niyang ulitin ang sinabi niya kaya lang.

“Ano ho?” ang nanghihilakbo kong tanong. “Eh bakit ho?”

“Dahil gusto kong makita ang katawan mo.” Parang wala lang na sabi niya. Manyakis pa yata ito ah. Kung kanina ay para akong nahahalina sa taglay niyang kakisigan ay bigla iyong bula na naglaho,

“Eh sir. Hindi naman ho ako nagpunta dito para maging agogo dancer.”

“Hindi ka naman talaga dancer,” sabi niya. “Dahil gagawin kitang parausan ko.”

“Ho?” gulat kong tanong. Malakas talaga ang pagkakasabi ko, halos sumigaw na nga ako eh. “Ang sabi ng aking tiyahin ay ay magkakatulong ako rito. Wala siyang sinabi na magiging ano?” Ni hindi ko masabi ang salitang binitawan niya.

Biglang tumikom ng madiin ang kanyang mga labi at nagtiim ang kanyang bagang.. Alam na alam kong galit na siya sa akin siguro dahil sa pagsagot ko. Pero magkapitpitan na ng mani, hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari. Natatakot ako sa kanya dahil natatakot akong mamatay, pero hindi ibig sabihin ay hahayaan ko na siyang gawin ang gusto niya.

“Sinabi niya sayo mismo na gagawin kitang katulong? Is that her exact words?” tanong niya na halatang nagtitimpi ng galit. “Alam mo ba kung gaano kalaki ang utang sa akin ng tiyuhin mo para lang tanggapin ka ditong katulong?”

Napanganga ako. Wala akong ideya sa kung magkano, basta ang alam ko lang ay ako ang ipinabayad nila na pumayag naman ako dahil ayaw kong mapahamak ang aking kapatid. “Gusto kong masulit ang limang milyong nakuha nila sa akin kaya maghubad ka na. Gusto kong malaman kung worth it ka bang kabayaran doon pati na ang kapatid mo.”

“Kapatid ko? Anong pinagsasasabi mo? Kaya nga ako nandito ay para hindi madamay ang kapatid ko.”

“Well, mukhang wala kang alam. Kasama ang kapatid mo sa ibinayad nila sa akin gusto mo ba siyang makita?” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin or gagawin ko. Bigla akong napayuko dahil sa lito. Paanong nangyari ito? Sa hilatsa ng itsura ng lalaking kaharap ko ngayon ay mukhang pareho pa kaming magkapatid na walang mararating at malu lugmok sa putikan. “Nauubos na ang pasensya ko babae.”

Bigla akong nag-angat ng tingin at sigurado ako na kung hindi ko pipigilan ang luha ko sa pagpatak ay siguradong aagos iyon ng walang humpay. “O gusto mong ako pa ang maghubad sayo?”

Bigla kong nayapos ang aking sarili dahil sa sinabi niya. “Tapos ay tatawagin ko ang kapatid mo para panoorin niya kung paano ka angkinin ng mga tauhan ko.”

“Huwag, please parang awa mo na huwag. Gagawin ko na. Kahit anong sabihin mo ay gagawin ko huwag mo lang hayaang makita ako ng kapatid ko sa hindi kanais nais na sitwasyon,” mabilis kong sabi sa nagmamakaawang tono.

“Then do it. Maghubad ka na.” Pagkasabi niya non ay tuluyan ng tumulo ang aking luha. Hindi ko akalain na mauuwi ako sa ganitong sitwasyon. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na may lalaking makakakita sa katawan ko maliban sa aking mapapangasawa.

Dahan dahan ay itinaas ko ang laylayan ng suot kong t-shirt. Halos hindi ko maigalaw ang aking mga kamay at ni hindi ko magawang tumingin sa lalaki. Unang una na dahil sa takot at pangalawa na ang hiya. “Look at me habang naghuhubad ka.”

Paano ko ba gagawin iyon? Hindi ako makakilos. Ayaw ko ng gawin ang pinagagawa niya at ayaw ko rin siyang makita. Nanatili akong nakayuko hanggang sa tuluyan ko ng mahubad ang aking t-shirt. Hindi ko siya narinig na nagsalita, pero may narinig akong nag-ring.

“Boss,” umalingawngaw ang boses ni Mauro sa naka loudspeaker na cellphone ng lalaki.

“Dalhin mo si Angelo—” hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla akong tumingin sa kanya sabay sabi.

“Please, huwag po! Gagawin ko na, susunod na ako.”

“You heard her.” Nakatingin siya sa akin at magkahinang ang aming mga mata ng sabihin niya iyon.

“Okay boss.” Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang tugon na iyon ni Mauro.

“Continue what you are doing.” Parang wala lang na sabi ng lalaki, Kung kanina ay para siyang hari ng Olympus sa aking paningin, ngayon ay para na siyang si satanas na nakaupo sa trono.

Kagaya ng sinabi niya ay pinagpatuloy ko ang paghuhubad ng magkahinang ang aming mga mata. Dahil wala na akong t-shirt ay ang leggings naman ang isinunod ko. Hindi ko pa alam kung saan ako kukuha ng lakas para tanggalin ang aking bra at panghuli ang aking panty.

Ngunit ang lahat ay kailangan ngang pagdaanan. Nang nasa sahig na ang pang-ibaba ko ay huminga ako ng malalim tsaka ko inabot sa aking likuran ang hook ng aking bra at kinalag iyon at tinanggal. Medyo maliit ang aking bra dahil sa kalumaan kaya masikip iyon sa akin. Kaya ng tuluyan ko na iyong mahubad ay nag bounce ng bahagya ang aking malulusog na mga dibdib.

Ngayon ko naisip kung bakit sa dibdib at hindi na lang sa pera ako nabiyayaan ng Panginoon, eh di sana, wala ako sa sitwasyon kong ito ngayon. Nakita kong nanigas ang panga ng lalaki kaya medyo kinabahan ako dahil baka mamaya ay bigla niya na lang daklutin ang matayog kong hinaharap.

Nang ang panty na ang aking tatanggalin ay napansin ko ang pagsandal niya. Ano yon, naisip pa niya na main event na kaya dapat ay kumportable siya? Nagtagis ang aking mga bagang at alam kong nakita niya iyon ngunit wala siyang sinabi, basta naghintay lang siya sa susunod kong gagawin.

Dahil kailangan ko talagang gawin ay isinunod ko na nga aking panty na tanggalin. Napansin kong bahagya gumalaw ang kanyang adams apple ngunit hindi ko na binigyang pansin. Nanatili akong nakatayo sa harapan niya habang magkahinang pa rin ang aming paningin.

Tapos ay bigla niyang iniangat ang kanyang likod sa paggkakasandal, Ang naka de kwatro niyang mga paa ay kanyang ibinuka at tsaka nagsabi. “Lumapit ka.”

Ayaw ko na subukin pa ang kanyang pasensya dahil baka maubos pa iyon. Kaya kahit na nanginginig ako sa ginaw dulot ng lamig ng aircon lalo na sa kaba, takot at kahihiyan ay ginawa ko ang gusto niya.

Ngayon ay nakatayo ako sa harapan niya, sobrang lapit. Sa pagitan ng kanyang mga hita to be exact. Tumingala siya sa akin habang nakayuko naman ako sa kanya matapos niyang sumandal na muli.

“Tumalikod ka.” Na siya namang ginawa ko. Tapos ay naramdaman ko ang pagdampi ng dulo ng isa niyang daliri. Bigla tuloy nanayo ang mga balahibo ko. Yung tipong kinilabutan ako.

“Harap.” At humarap nga ako, muli, naghinang ang aming mga mata at nakasandal pa rin siya sa couch.

Tapos ay biglang may kumatok kaya napatingin ako sa pinto. Paano kung biglang pumasok ang kung sino man iyon at makita ako sa ganitong ayos. Teka lang, baka dinala nga nila dito si Angelo. Mabilis kong naibalik ang aking tingin sa lalaking nakaupo na biglang tumayo bago sinabi.

“Come in.” Hindi ko malaman ang gagawin ko kung saan ko itatago ang aking sarili. Ayaw kong may iba pang makakita sa akin ng ganitong ayos. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. At bigla akong nagsisi ng hindi ko i-lock iyon kanina.

“Hindi ba sinabi ko na tumingin ka sa akin?” tanong ng lalaki kaya naman napatingala ako sa kanya.

“Ito na boss, ang iba ay nasa silid niyo na.” Narinig kong sabi ng boses ng lalaki at tsaka ang pagsarang muli ng pintuan. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko pero lumakad ang lalaki papunta sa may pintuan bago muling bumalik sa akin.

“Itapon mo ang hinubad mong mga basahan at isuot mo ito.” Lalong hindi ako nakahuma dahil sa sinabi niya bago lumakad papunta sa kanyang office table na katapat lang ng pintuan at naupo sa kanyang office chair.

Nakatingin pa rin ako sa kanya habang may kung ano siyang sinusulat tapos ay bigla siyang tumingin sa akin. “Huwag mong sabihing mas gusto mong walang damit kapag magkasama tayo.”

Napapitlag ako at tila nahimasmasan dahil sa sinabi niya. Mabilis kong kinuha ang paper bag na ipinatong niya sa kinauupuan niya kanina at nagbihis. Pero nanatili pa rin akong nakatayo sa kinatatayuan ko ng matapos.

Maganda ang damit. Isang dress iyon na hanggang tuhod ang haba. Kumpara sa suot ko kanina, pakiramdam ko ay nag mukha akong college student. 

“Simula ngayon ay gagawin mo ang lahat ng ipapagawa ko sayo, naiintindihan mo ba?” tanong niya ng mag-angat ulit ito ng tingin sa akin.

“Opo.”

“Kapag sinabi kong sumayaw ka, sasayaw ka. Kapag sinabi kong kumanta ka, kakanta ka.”

“Opo.”

“Kapag sinabi kong halikan mo ako, hahalikan mo ako.” Hindi pa ako nakasagot pero dahil kailangan kong sumunod ay,

“O-opo.”

“Lahat lahat ng sasabihin at iuutos ko ay gagawin mo, kung ayaw mong magalit ako, Angel.” Alam niya ang pangalan ko at ni Angelo pero wala akong idea kung sino siya. 

“Opo.” Parang robot ng tugon ko. Bahala na kung anong mangyayari mamaya or bukas. Ang mahalaga ay ang ngayon. Wala siyang ginawang kakaiba sa akin.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Milbert Patanao
kawawa naman ni angel....masamang kapalaran........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status