Angel
Hindi ko akalain na ang silid na tinulugan ko ay silid din pala ng lalaking iyon. Marapos niya akong paalisin ng kanyang opisina ay pinabalik niya ako sa silid at sinabihang ayusin ang mga gamit na dinala doon ng tauhan niya.
Nagulat ako ng puro mga pambabaeng damit at kung ano anong mga cosmetics na hindi ko naman ginagamit ang laman ng paperbag na nasa sahig. Medyo may kapirasong saya ang agad na nagdaan sa aking puso, ngunit ng maalala ko ang pinagawa niya sa akin kanina ay mabilis din iyong nawala.
Nagbukas ako ng closet matapos kong matagpuan iyon na nasa isang silid din sa bandang kanan ng kwarto. Gusto kong malula sa laki non dahil halos kasing laki na iyon ng aming sala samantalang lalagyan lang ng mga damit dito sa mansyon ng lalaking iyon.
Lumapit ako sa isa sa mga pintuan ng closet na nandoon at nanlaki ang aking mga mata ng makita kong mga damit panlalaki ang naroon. At doon ko naalala ang sinabi ng lalaking pumasok sa opisina kanina, ‘ang iba ay nasa silid niyo na.’ ang ibig bang sabihin ay kaming dalawa ang gagamit ng silid na ito? Ibig bang sabihin non ay wala na akong kawala sa kanya sa bawat oras na magkasama kami rito lalo at kagaya ng sinabi niya ay magiging “parausan” niya ako.
Isinara ko ang pintuan ng closet ng lalaking iyon at naghanap ako ng bakante. Hindi ko lang sigurado pero parang pinaghandaan ito dahil ilang hilera rin ang walang lamang mga damit kaya doon ko isinalansan ang lahat ng mga bagong biling damit na hindi ko maiwasang mapanganga ng makita ko ang mga pantulog na nandoon. Pawang maninipis at ang de-dairing. Hindi ako nagsusuot ng ganong klase ng pantulog. Sapat na sa akin ang pajama, ngunit dahil magiging parausan nga ako ay hindi nga malayong mangyaring ito ang ipasuot sa akin ng lalaking iyon.
Nang makatapos ako ay lumabas ako ng malaking lagayan ng aparador na iyon at hinanap ang bathroom. Sigurado akong may CR dito at hindi nga ako nagkamali dahil sa bandang kanan ko din ay may isang salaming pintuan na ng aking buksan at aking pasukin ay napag alaman kong isa ring malaking bathroom.
Nakakamangha dahil kasing laki iyon ng silid nila tita Anacleta. Samakatuwid, ang isang buong silid na kinaroroonan ko ay kasing laki na ng buong bahay namin sa San Juan. Isinalansan ko naman ang mga toiletries doon at ng makatapos ay bumalik ako sa silid at naupo sa kama.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid at tsaka ako napahinga ng malalim. Maganda iyon at malaki. Mamahalin ang mga gamit ay alam kong kahit sino ay hindi tatanggi kung sakaling tatanungin sila kung gusto ba nilang manirahan sa lugar na ito. Masarap sa pakiramdam na simula ngayon ay dito na ako matutulog, pero kaya ba ng sikmura ko na makasama ang mga mamamatay tao na iyon? Tapos ay dinamay pa nila ang nakababata kong kapatid.
Dahil kay Angelo ay wala na akong hindi kayang gawin masiguro lang na hindi sasaktan ng lalaking iyon ang aking kapatid. Parausan. Ni sa hinagap ay hindi ko akalain masasadlak ako sa ganitong buhay?
Simple lang ang pangarap ko at yan ay ang pareho kaming makatapos sa pag-aaral na magkapatid bago magkaroon ng isang simple at masayang pamilya. Sinabi ko na sa kanya na kung sakaling magkakaroon kami ng kanya kanyang pamilya ay sisiguraduhin namin na malapit lang kami sa isa’t isa. Pero dahil sa mga tiyahin at tiyuhin kong gahaman sa pera, sugal at bisyo ay heto ako ngayon sa kamay ng malupit na lalaking hindi ko kilala pero may palagay akong napakasamang tao.
Isang araw pa lang akong naririto pero ang dami ng nangyari. Kaninang umaga ay nasa bahay pa ako nila Tita Ancleta. Umalis ang aking tiyuhin at ginawa ko naman ang aking gawaing bahay ng utusan ng aking tiyahin si Angelo na sundan ang kanyang batugang asawa.
Mga alas nueve ng sabihin sa akin ng aking tiyahin ang tungkol nga sa pagbabayad nila sa akin sa pinagkakautangan nila at nagsimula ng aming gulpihan. Bago magtanghali ay dumating si Mauro at nagbiyahe na kami papunta sa kung saan mang lupalop at mga alas dos ng hapon ng mawalan na ako ng malay sa lahat.
Gabi na ng magising ako at naghapunan kasama ang dalawang lalaking hindi ko kilala. At ngayon ay nasa silid na ng lalaking iyon bilang kanyang parausan. Napahinga ako ng malalim dahil doon, pero kung iyon ang kailangan kong gawin upang maprotektahan ang aking kapatid ay gagawin ko.
Dumako ang aking paningin sa bag na dala dala ko, may damit pa nga pala ako doon. Kinuha ko iyon at inilabas lahat ng laman ngunit maliban sa cellphone ay sa basurahan ko na idineretso ang iba na sigurong sasabihin din sa akin ng lalaking iyon.
Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama at tinignan kung may tumawag or may nag text man lang ba sa akin at nakita ko ang pangalan ng aking kaibigan. Mabilis ko siyang tinawagan na kanya din namang sinagot agad.
“Bruha ka, nasaan ka dinala ng mga lalaking yon?” bungad niya pagkasagot na pagkasagot niya ng aking tawag. Bakas sa kanyang tinig ang pag-aalala kaya naman hindi ko na rin mapigilan ang mapangiti.
“Hindi ko rin alam, bes pero maayos naman ako.” Ayaw ko rin naman na mag-isip siya ng sobra tungkol sa kalagayan ko.
Si Nadia ay ang aking best friend simula pa nang kupkupin kami ng aking tiyahin. Magkapitbahay at naging sobrang close kami dahil na rin sa bait ng kanyang mga magulang. Kagaya namin ay mahirap lang rin sila pero sinisikap ng kanyang tatay na mapag-aral siya.
Habang nasa 1st year college siya ngayon, ako naman ay hindi na nakatuntong ng paaralan ng manirahan na kami ni Angelo kila tita Anacleta dahil hindi daw nila kayang magpaaral. Sa dinami rami ng mga public schools ay hindi ko sila napapayag na makapag aral ako. Mabuti na lang at pagdating kay Angelo ay hindi na rin sila nakatanggi. Malaki na kasi ako at alam ko na ang mga karapatan namin bilang bata.
“Mabuti naman kung ganon. Hay, sobrang nag-aalala sayo ang kapatid mo. Pumunta siya ditong umiiyak dahil wala ka raw sa bahay, Sinabihan ng tiyuhin mo na binenta ka raw nila kaya hayun, panay ang pag-iyak.”
Teka, anong sinasabi niya? Ang akala ko ba ay hawak ng lalaking iyon ang kapatid ko? Bakit iba ang sinasabi ngayon ni Nadia? “Sigurado ka bang iyak ng iyak si Angelo? Anong sinabi mo sa kanya?”
“Eh di ano pa, di para lang tumigil siya sa kakaiyak ay sinabihan kong hindi magagawa ng mga tito at tita mo ang sinasabi nila dahil wala ng magtatrabaho para sa kanila.”
“Nasaan siya ngayon?”
“Umuwi na, hihintayin ka na lang daw niya sa inyo.” Nanggigil ako sa galit dahil napaniwala ako ng lalaking iyon na hawak nga nila ang kapatid ko dahilan para pumayag ako sa gusto niya. “Bes, okay ka lang ba? Nandyan ka pa ba?”
“Oo, tatawagan na lang kita ulit, may kailangan lang akong i-check. Salamat sa pang-aalo kay Angelo ha at pakisuyo na rin siya habang wala pa ako dyan.”
“Sige, mag-iingat ka at tumawag ka sa akin ng madalas okay?” sagot niya na tinanguan ko naman kahit na alam kong hindi naman niya ako nakikita.
“Sige, ba-bye.” At tinapos ko na ang call. Mabilis akong tumayo sa kama at lumakad palabas ng silid. Kailangan kong bumalik sa opisina ng lalaking iyon at kausapin siya. Napakawalanghiya niya para gamitin ang aking kapatid at takutin ako.
Hindi na ako kumatok at basta ko na lang binuksan ang pintuan dahil sa galit ko, pero laking gulat ko ng maabutan ko ang lalaking iyon na may kasamang babae na nakatuwad sa harapan ng kanyang lamesa habang nasa likod siya nito at bumabayo. Sabay pa silang napatingin sa akin at hindi nakaligtas sa pandinig ko ang galit na sabi ng lalaki, “Damn!”
Angel“Diyan ka lang at wag kang gagalaw,” galit na sabi ng lalaki na sige pa rin ang ginagawang pagbayo sa babaeng nasa harapan niya na ngayon ay masama na ang tingin sa akin. “Sa akin ka lang tumingin,” dagdag utos pa niya kaya wala akong nagawa dahil sa takot ko sa itsura niya ngayon. Lahat ng galit ko kanina ay parang naglahong parang bula at napalitan ng sobrang kaba at takot tapos ang babaeng binabayo naman niya ay parang nakabawi na at panay na ang ungol.“Ohh.. Tore sige pa please…” pagkasabi ng babae ng ganon ay napansin kong bumilis ang pagkilos ng lalaki na napag-alaman kong Tore ang pangalan dahil iyon ay ang itinawag sa kanya ng babae. Ang ikinatataka ko lang ay kung bakit sa akin siya nakatingin at tila walang pakialam sa kaniig. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa naging paraan ng pag tingin niya sa akin na tila ako ang kanyang binabayo.Nanuyo ang aking lalamunan na parang gusto kong uminom ng malamig na tubig. Yung maraming marami at malamig na malamig. Hindi namin
AngelNanlalaki ang aking mga matang nakatingin sa kanyang mga mata na titig na titig din sa akin habang sige ang ginagawa niyang paghalik sa akin. Nakayuko na ito habang nararamdaman ko ang kanyang mga kamay na nakayapos sa aking baywang na naging dahilan upang halos kargahin na niya ako. Ang mga kamay ko ay nasa kanyang mga balikat at mahigpit na nakakapit na akala mo ay mahuhulog ako.Hindi niya inaalis ang pagkakatingin sa akin at ganun din naman ako habang pilit kong ginagaya ang ginagawa ng kanyang bibig sa akin. He’s my first kiss and aaminin ko, kahit na napakasama ng tingin ko sa kanya dahil nga isa siyang mamamatay tao ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng kakaiba para sa kanya lalo na sa napaka eksperto niyang paghalik sa akin na tila gusto ko ng higit pa roon ang gawin namin. Ang tagal na magkahinang ang aming mga labi at tumigil lang ng kapwa na kami pangapusan ng hininga.“Siguraduhin mong matututunan mo ang humalik ng tama, Angel.” Bigla akong parang nabuh
AngelIsang linggo ang matuling lumipas, nasa bahay pa rin ako ni Tore at balak na yata niya akong buruhin dahil ni minsan ay hindi man lang niya ako niyayang lumabas. Natatakot naman akong magsabi dahil nga ako’y alipin lang.Ang tanging nakakapagpalubag ng aking kalooban ay ang pagkakataong binibigay niya upang makausap ko ang aking kapatid na mukhang nasa maayos na kalagayan naman ayon na rin sa kanyang boses kagaya ngayon.“Ate, sabi ni Kuya Mauro ay sa ibang school na ako papasok ngayong pasukan. Ayaw na daw ni Kuya Salvatore na doon pa sa dati ako pumasok dahil malayo na dito sa tinitirhan ko.”Gusto kong tanungin kung nasaan siya kaya lang ay nag-aalala naman ako na magtanong din ito sa akin tapos ay hindi ko alam kung saan eksakto ako naroroon. Sa totoo lang ay nauna pa niyang nalaman na Salvatore ang tunay na pangalan ng lalaking kaharap ko ngayon kaysa sa akin. Hindi ko naman din siya tinatanong. Basta Tore lang ang alam ko dahil nga narinig kong tinawag siyang ganon ng babae
AngelPakiramdam ko ay mababaliw ako sa ginagawa sa akin ni Salvatore. Mas gusto kong tawagin siya sa buong pangalan kaysa sa nickname kasi parang ang tigas tigas ng dating noon at nakakatakot. At least kung yung tunay na pangalan parang sapatos lang siya. Doon man lang ay maasar ko siya kahit na sa loob loob ko lang.Kahapon, ng sabihan niya akong papatayin sa sarap at naramdaman ko ang kanyang mga kamay sa aking pagkababae ay nawindang ang mundo ko. Nagregudon ang puso ko dahil kahit na may panty akong suot noon ay tila ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang kamay na humahagod sa aking kaselanan na naging dahilan upang mamasa iyon na nagpapula ng aking pisngi.Masasabing bata pa ako at walang karanasan pero hindi naman ako inosente sa ganong bagay lalo na sa klase ng lugar na kinalakihan ko kung saan talamak at normal na lang na lumalabas sa bibig ng mga tao ang mga kabastusan. Ngunit sinikap ko na kahit ganun ay maingatan ko ang aking sarili pati na ang aking kapatid. Pasalamat
Pinil-ap-an ko at pinirmahan ang marriage application na binigay sa akin ni Mauro. Wala din naman akong magagawa tapos non ay umalis na ito habang ako naman ay bumalik sa aming silid at nagsimulang mag scroll sa social media. Ito na lang din ang pinagkakalibangan ko dahil hindi naman ako makapaglaro sa cell phone kong hindi man niluma ng panahon ay outdated naman. Candy crush na lang ang pwedeng ma-d******d eh ang bagal pa.Makakapanood na rin ng short videos at mahilig ako sa mga nakakatawa. Sa kinakaharap ko ba naman ay iyon na lang ang nakakapagpatawa sa akin bukod sa kumita ako ng 500 pesos sa loob ng isang araw.Sige lang ako sa pag scroll ng biglang may tumawag nang aking pansin. “Anak ni Senator Caloia na si Victoria, nakitang may kasamang lalaki na gumagawa ng hindi kaaya aya?” Sabi ng caption at wala naman sana akong paki doon dahil hindi ko kilala ang anak ng senador at wala rin akong paki sa pulitika. Pero ang tumawag ng aking pansin ay ang lalaking kasama ng babae at ang k
AngelHindi ako nakagalaw at nanatili ang aking mga mata na nakatingin sa kanya habang patuloy siya sa pagsakop sa aking bibig. Marahas at mapagparusa iyon ngunit nagugustuhan ko, dahilan upang tugunin ko iyon na naging dahilan upang mas lumalim pa ang ginagawa niyang paghalik sa akin.Naramdaman kong umangat ang aking katawan mula sa kama bago ko naramdaman ang matigas niyang pagkalalaki na tumutusok na sa aking kaselanan dahil nakakandong na ako sa kanya ng paharap.May sariling isip din ang aking mga kamay na humagod sa kanyang matipunong dibdib. Amoy na amoy ko ang alak na nagmumula sa kanyang hininga pero bakit hindi mabaho ang dating sa akin? Naramdaman ko ang bahagya niyang pagkagat kagat sa aking mga labi na ginaya ko rin.Ang mga kamay niya ay naramdaman ko na ring humahagod sa aking katawan na nagbibigay pa lalo ng kiliti sa akin. Tumigil kami sa paghahalikan ngunit nanatiling magkalapit ang aming mga mukha. Ang aming mga labi ay may ilang milimetro lamang ang layo sa isa't i
AngelTinapos ko ang pagkain ko ng araw na yon habang sinisikap kong hindi ipahalata ang takot ko. Pagkatapos din non ay hindi ko na siya pinansin ngunit sumasagot ako kapag kinakausap niya. Cold treatment ang ibinigay ko sa kanya lalo at hindi pa malinaw sa akin kung sino ang babaeng kasama niya sa video na napanood ko.Dalawang linggo pa ang lumipas at naging ganun ang aming setup. Halos hindi kami magkapangita dahil iniiwasan ko na rin siya maliban sa oras ng pagkain. Ngunit madalas siyang wala at tulog na ako kung umuwi kaya hindi naging mahirap sa akin ang hindi siya pansinin.Nag request ako kay Mauro na tawagan ako para makausap ko ang kapatid ko na ginawa naman niya at sa akin na siya tumatawag. Hindi ko alam kung talagang sinunod niya ako o dahil wala lang ang amo niya. Pwede naman sigurong magkasama na kaming magkapatid sa iisang bahay ngunit bakit kaya pinaghiwalay pa kami?Normal lang ang bawat maghapon na nasa kwarto lang ako hanggang sa gumabi na. Nakakaboring pero ano an
Angel“S-Salvatore…” patuloy ko sa pag-ungol dahil sa patuloy niyang pagdila sa aking leeg papunta sa aking balikat tapos ay nagtapos sa aking collarbone. Nararamdaman ko rin ang bahagya niyang pagkagat kagat sa aking balat na imbes na masaktan ako ay lalo pang nakapagpa-init ng aking pakiramdam na nadadarang sa init din na nagmumula sa katawan niya.“Baby..” tawag niya sa akin kaya naman ang nakapikit kong mga mata ay biglang dumilat. Hindi talaga ako mapalagay sa “baby” na yan. Pinilit kong humarap sa kanya at hinayaan naman niyang gawin ko iyon.“Huwag kang bumanggit ng ibang babae kung ayaw mong gawin ko rin yan,” galit kong sabi tsaka ko siya itinulak palayo ngunit hinawakan niya ang aking mga kamay at inilagay iyon sa kanyang dibdib at hindi binitawan.“Sinabi ko na, na ikaw lang ang baby ko at wala ng iba,” sagot niya habang sige ang pag paikot ng kanyang hinlalaki sa kamay kong hawak hawak pa rin niya.“Sino? Sino ang baby mo?” tanong ko pa rin.“Ikaw lang ang baby ko, Angel.
Angelo“Magna-nineteen ka na boy, anong gusto mo sa birthday mo?” tanong ni Sid. Nandito kami ngayon sa private resort nila sa Laguna matapos kong umalis sa condo ni kuya Mau para bigyan sila ng time ni Nadia.“Wait, don’t tell me yung kaibigan ng ate mo? Hindi ko kayang ibigay sayo yon ha!” bulalas niyang tatawa tawa. Alam kasi niya kung gaano ako ka-head over heels sa babaeng ‘yon na mas gusto ang gurang kaysa sa batang batang kagaya ko. Sabagay hindi ko rin naman siya masisi dahil kung ako nga ay mas gusto rin siya na walong taon ang tanda sa akin.“Sira ulo! Alam ko naman na hindi ko siya makukuha no!”“So, ano nga?” pagpipilit niya.“Nothing in particular, kasama ko na ulit ang ate ko at masaya na rin siya sa piling ni kuya Salvatore kaya wala na rin akong mahihiling pa. Siguro yung makatapos na lang talaga ako ng pag-aaral para naman hindi ko na kailangang sumandal sa kanila.”“Akala mo naman totoo! Hoy! Alam ko naman ang pagod mo sa part time job mo. Bilib nga ako sayo dahil kah
Salvatore“Papa, will lolo like us?”“Of course, Savinna,” tugon ko. Nasa sasakyan kaming pamilya at papunta sa kulungan para bisitahin si Dad. Kahit na ayaw kong mamulat ang isipan ng kambal sa karahasan ay may utang na loob pa rin ako sa ama ko na siyang dahilan kung bakit ko kasama ang mag-iina ko.Ayaw kong ipagkait sa matanda ang pagkakataong mahalin ng kanyang mga apo lalo kung ito lang ang tanging magagawa ko para mapaligaya siya habang nasa loob.Tumingin ako kay Angel na nakangiting nakatingin sa akin. Tinanong ko siya kung okay lang ba na ipakilala ko ang kambal sa ama ko at agad naman siyang pumayag.Naikwento ko na sa kanya ang mga nangyari maliban sa pag-ako ni Dad ng mga kasalanan ko. Hindi sa ayaw kong sabihin sa kanya, ngunit nangako ako sa ama ko na kami lang ang makakaalam non. Pagdating na lang daw ng panahon tsaka ko ipaalam sa asawa ko. Basta sa ngayon, hayaan ko lang daw muna siya.“What are you doing here, you idiot?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Dad ng mak
SalvatoreNairaos ang kasal namin ni Angel at ako ang naging pinakamasayang lalaki sa mundo.Kita ko rin ang kaligayahan sa mukha ng babaeng pinakamamahal ko at gayon din naman sa kambal.Nakarating si David at ang kanyang kapatid na si Dom at hipag na si Erika pati na ang iba pang mga taong tumulong kay Angel noong panahong nagkahiwalay kami.Umaapaw ang kaligayahan sa puso ko. Pero ngayon, kinakabahan ako dahil mag-uusap sila Sandicho, Angel at Angelo.“Kaya mo ‘yan,” sabi ko sa aking kapatid.Bago ang kasal ko pa siya sinabihan na kausapin ang magkapatid kung gusto niya ngunit tumanggi siya dahil baka daw maging emosyonal siya or magalit si Angel eh maging dahilan pa ng hindi pagkatuloy ng okasyon.Hindi ko naman hahayaang mangyari iyon syempre. Pero dahil mukhang kabado talaga siya ay hindi ko na pinilit.“Pumasok ka na,” sabi ko pa. Nasa tapat na kami ng pintuan ng aking munting opisina sa aming bahay at nandoon na rin sa loob ang magkapatid. Alam ko naman na mapapatawad siya ni A
Angel“Mommy! Mommy!” sigaw ng kambal paglabas ko sa may pool area. Nakalipat na kami at kagaya ng inaasahan ko na ay ang dalawa nga ang naging sobrang saya sa bago naming tahanan.“We really love our new home!!” sabay na naman nilang sabi na ikinangiti ko lang. Kami lang mag-iina ang nasa bahay ngayon dahil umalis si Salvatore. May ilang mga tauhan na kasama kami na galing sa mansyon niya sa Pampanga at higit sa lahat, si Naty na tuwang tuwa ng makita ako. Mga pinagkakatiwalaan niyang mga tao ang nandito kaya panatag naman ako. Isa pa, subok ko na rin naman ang mga iyon dahil nga nakasama ko na rin sila dati pa. May mga quarters sila na located sa likod ng bahay.“Huwag kayong masyadong magbabad ha?” paalala ko sa kanila. Ngunit alam ko naman na kahit anong sabi ko sa kanila ay sila pa rin ang masusunod.Inilapag ko ang meryendang ginawa ni Naty sa lamesa at tsaka ako naupo sa upuan paharap sa kanila. Mabuti na ang panoorin ko silang dalawa para kung ano’t anuman ang mangyari ay masa
AngelSiniguro sa akin ni Salvatore na ayos na ang lahat ng gulo kaya naniwala naman ako. Ang pinaka-importante lang naman sa akin ay ang kaligtasan ng aking mga anak. Ayaw kong mamuhay na may takot na baka bigla na lang may kumuha sa kambal at hindi ko na sila makita pa.“Baby…” tawag ni Salvatore. Pangalawang araw na naming magkasama dito sa condo niya at simula ng dumating kami ay hindi pa talaga kami nakapag-usap. Baka kasi hindi ko siya mapilit sabihin sa akin kung ano na ang mga nangyari kung sakaling magtanong ako ulit.“Galit ka pa ba sa akin?” tanong niya. Huminga ako ng malalim bago ngumiti at sumagot.“Hindi naman ako nagalit sa’yo,” tugon ko. Naupo siya sa tabi ko at tsaka muling nagtanong.“Then why are you not talking to me?”“Baka kasi makulitan ka sa akin at magalit,” pagtatapat ko, dahilan upang mapayuko siya.“Kagaya mo ay hindi ko rin magagawang magalit sa’yo. I’m sorry kung ganon ang naramdaman mo sa pagtanggi kong sagutin ang mga tanong mo. Guilty lang ako kaya—”“
SalvatoreSa condo ko na iniuwi si Angel. Okay naman na ang itsura niya although may bakas pa rin ng pangingitim dahil sa mga sampal na tinamo niya sa demonyong si Narciso.Ang dami niyang tanong tungkol sa lalaki pero pinili kong huwag munang sagutin dahhil pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat ng nangyari sa kanya.Nang magising siya sa hospital ay grabe ang ginhawang naramdaman ko. Ang akala ko ay tuluyan na siyang mawawala sa akin. Alam kong hindi ko kakayanin iyon.“Pwede bang sa kwarto na ako?” tanong ni Angel ng papaupuin ko na siya sa sofa.“Okay,” sagot ko at sinamahan ko na siya sa kwarto ko. “Kung may kailangan ka ay sasbihin mo lang sa akin.”Tumango lang siya at nahiga na. Napapansin kong kibuin dili niya ako. Dahil ba sa ayaw kong sagutin ang mga tanong niya sa akin?Lumabas na ako ng silid pero iniwan kong nakaawang ang pintuan para kung sakaling managinip na naman siya ay malalaman ko.Yes. Nananaginip siya ng masama. Na tila ba yung nangyari sa kanya ang paulit-ulit
AngelMabigat ang mga mata ko ngunit sinikap ko pa ring idilat ang mga iyon. Dahan dahan lang dahil ramdam ko ang sakit na tila napupunit iyon kung ipagpipilitan ko ang gusto ko.Anong nangyari? Ang akala ko ay katapusan ko. Pero dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking buong mukha pati na rin sa aking katawan partikular sa bandang sikmura ay alam kong buhay na buhay pa ako.Masakit sa mata ang liwanag na sumalubong sa akin ng tuluyan ko ng magawa ang gusto ko.“Baby…”“Sal—” natigilan ako dahil masakit din ang aking bibig ng tangkain kong tawagin ang pangalan niya.“I’m here, baby.. Don't try to speak if it hurts.”Dahan dahan kong ipinaling ang aking ulo sa kanya at nakita ko ang mangiyak ngiyak niyang mga mata na nakatunghay sa akin. Namumula iyon na tila galing sa pag-iyak.Napansin ko ang pag-angat ng kanyang kamay na tila gusto niyang haplusin ang aking mukha ngunit hindi na niya itinuloy. Bakit kaya? Alam ba niya na masakit ang pakiradam ko? “K-Kamb– al…” Hindi ko maiwasan an
Angel“Sino ka, bakit mo ginagawa sa akin ito? Anong nagawa sayo ni Salvatore para gawin mo ito?” tanong ko. Ayaw pa niya kasing magpakilala at sabihin sa akin ang dahilan niya upang maunawaan ko siya.Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kabilang bahagi ng kama at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking baba at itiningala sa kanya. Kahit na kinakabahan at natatakot ay hindi ko rin ipinahalata. Hndi rin ako nagpumiglas at nagpakitang matapang para hindi rin siya magalit.“Ano kaya ang maiisip ni Salvatore kapag nalaman niyang naangkin na kita?” tanong niya na ikinalaki ng aking mga mata kasabay ang pagtawa niya na tila demonyo.“Gusto kong maramdaman niya ang naramdaman ko ng k******n niya si Victoria kahit na alam niyang asawa ko na siya! Gusto kong malaman niya kung paanong nagpakasarap siya sa katawan ng asawa ko habang nagngangalit ako sa galit at pinagbuntunan ko ng galit ang babaeng ang tanging kasalanan ay mahalin siya!”Asawa siya ni Victoria? Simula ng umalis ako ng Pilipinas a
Salvatore“May nakapagsabi sa akin na may nag-iimbestiga ng tungkol kay Angel at natagpuang patay ang tito at tita niya,” sabi ni Sandicho.“Sigurado ka ba talaga dyan?” tanong ko. Si Mauro ay tahimik lang na nakikinig sa amin.“I’m the one in Pampanga so I know what I’m saying.” Tinignan kong mabuti ang kapatid ko na puno rin ng pag-aalala ang mukha. “Kaya you have to make sure that your wife is safe.”Nang dumating kanina si Angel sa office ko ay pinag-uusapan namin ang balitang hatid sa amin ng kapatid ko. Kaya naman nandito kami sa condo ko para pag-usapan iyon. Baka kasi magtaka ang babae sa biglang pagsulpot ni Sandicho kaya ayaw ko munang makita niya ang lalaki. Isa pa, ayaw ko rin siyang takutin.Si Sandicho ay nakatira ngayon sa mansyon ko sa Angeles. Simula ng maayos namin ang gusot ng aming pamilya ay hinayaan ko na siya na maglabas masok doon.Dati pa man ay magkasundo na kami dahil ang akala namin pareho ay ang organisasyon lang ni Dad ang mahalaga sa kanya. Ngunit pareho