Share

Chapter 5

Angel

“Diyan ka lang at wag kang gagalaw,” galit na sabi ng lalaki na sige pa rin ang ginagawang pagbayo sa babaeng nasa harapan niya na ngayon ay masama na ang tingin sa akin. “Sa akin ka lang tumingin,” dagdag utos pa niya kaya wala akong nagawa dahil sa takot ko sa itsura niya ngayon. Lahat ng galit ko kanina ay parang naglahong parang bula at napalitan ng sobrang kaba at takot tapos ang babaeng binabayo naman niya ay parang nakabawi na at panay na ang ungol.

“Ohh.. Tore sige pa please…” pagkasabi ng babae ng ganon ay napansin kong bumilis ang pagkilos ng lalaki na napag-alaman kong Tore ang pangalan dahil iyon ay ang itinawag sa kanya ng babae. Ang ikinatataka ko lang ay kung bakit sa akin siya nakatingin at tila walang pakialam sa kaniig. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa naging paraan ng pag tingin niya sa akin na tila ako ang kanyang binabayo.

Nanuyo ang aking lalamunan na parang gusto kong uminom ng malamig na tubig. Yung maraming marami at malamig na malamig. Hindi namin iniaalis ang aming tingin sa isa’t isa at hindi ko rin malaman kung bakit hindi ko magawang maibaling ang tingin ko sa iba. Gusto kong isipin na dahil natatakot ako sa kanya pero may bahagi ng kalooban ko na nagsasabing may higit pa roon.

“Ahh! Tore!!!” ang sigaw ng babae kaya naman bigla akong napatingin sa kanya. Napansin kong hinugot ng lalaki ang kanyang sandata mula sa pagkakabaon tapos ay inilabas ang lahat ng kanyang t***d sa pisngi ng pwetan ng babae tsaka itinaas ang pantalon.

“Makakaalis ka na,” sabi niya sa nagulat na babae. Wala naman itong nagawa kung hindi gawin ang sinabi ni Tore, marahil ay takot din siya. Sinundan ko ng tingin ang papaalis na babae na itinaas lang din ang panty bago inayos ang bestida niyang nakataas lang.

“Sinabi ko bang pumunta ka dito?” Napatingin ako sa pinanggalingan ng tinig at hindi ko mapigilang mapalunok na naman ng makita ko si Tore na nakasandig sa kanyang office table habang nakahalukipkip ang kanyang dalawang braso sa kanyang dibdib at nakatingin sa akin na tila may kung anong gustong gawin.

Pero dahill din sa sinabi niya ay naalala ko ang sinabi ng aking kaibigang si Nadia, kaya lakas loob ay kinumpronta ko siya. “Sinungaling ka!” Tumaas ang isang kilay niya pagkarinig non.

“Paano mo nasabi?” relax na tanong niya, yung akala mo ay totoong hindi siya sinungaling.

“Sabi mo ay nasa iyo ang aking kapatid pero wala naman pala, ginamit mo siya para mapapayag ako sa gusto mo!” sigaw ko ulit. Lumakas yata ang loob ko dahil sa sinabi ni Nadia, dahil alam kong wala sa mga kamay niya ang aking kapatid at hinding hindi ito mapapahamak.

Napapalatak siya bago hinubad ang coat na suot niya na tanggal na sa pagkakabutones tsaka ipinatong sa upuang nasa tabi lang din niya. Hindi man lang nila nagawang makapagtanggal ng kanilang mga saplot at ganun lang ba talaga iyon? Pagkabunot niya tapos na? Naipilig ko ang aking ulo, bakit ba pumasok sa isipan ko iyon? Wala na akong pakialam kung 5 seconds lang tumagal ang pagbabayuhan nila.

Hindi niya inaalis ang pagkakatingin sa akin habang inililislis niya ang manggas ng suot niyang puting long sleeves na nakatanggal na rin ang dalawang butones sa bandang itaas. Kaya naman kitang kita ko na rin ang malapad niyang dibdib na mayroong tattoo.

“Lumapit ka,” sabi niya pero hindi ko sinunod. Nagsalubong ang kanyang mga kilay dahil hindi nga ako tuminag sa kinatatayuan ko. Hindi siya nagsalita, bagkus ay kinuha niya ang kanyang cellphone at ini-loud speaker pa niya.

“Boss,” boses iyon ulit ni Mauro. Ano yon, gagawin na naman niya yung ginawa niya kanina? Hindi na niya ako maloloko ngayon. Hindi pa rin ako tuminag at nanatili sa aking kinatatayuan habang nakatingin pa rin siya sa akin.

“Kamusta ang bata?” tanong niya. Alam kong hindi totoo iyon kaya hindi pa rin ako kumibo at sinalubong ko pa ang kanyang mga mata.

“Tapos ng umiyak boss pero gusto daw niyang makausap ang ate niya, pero ang sabi ko ay kasama niya ang kanyang asawa.” Nanlaki ang aking mga mata pero pinigilan ko ang sarili kong lumapit dahil baka hindi iyon totoo. Tsaka sinong asawa ang sinasabi ng Mauro na yon?

“Put him on the phone, nakikinig ang ate niya.” Sinaniban ako ng sobrang takot ng sabihin niya iyon. Pero bago pa ako maka react ay narinig ko na ang boses ng pinakamamahal kong kapatid.

“Hello, Ate?” Mabilis akong nakalapit kay Tore at kukunin ko sana ang cellphone sa kanyang kamay ngunit mabilis naman niya iyong naiiwas kaya naman halos sumubsob ako sa kanyang dibdib.

“Hello, Angelo.”

“Sino to? Ikaw ba ang asawa ni Ate?” tanong ng aking kapatid.

“Bakit hindi siya ang tanungin mo?” sagot naman ni Tore na ngayon ay nakangising nakatingin sa akin tsaka itinapat ang cellphone sa aking bibig.

“Angelo, okay ka lang ba?” tanong ko agad. Gusto kong malaman kung ano ang ginawa nila sa kapatid ko.

“Ayos lang ako ate. Buti na lang at nakausap na kita. Sabi kasi ni Kuya Mauro ay magkasama daw kayo ng iyong asawa kaya hindi ka raw makatawag sa akin. Kailan ka nagpakasal? Tsaka yung lalaki bang nagsalita kanina ang napangasawa mo?” Hindi naman mukhang takot ang tunog ng boses ng kapatid ko kaya naman bahagyang lumuwag na rin ang aking paghinga. “Ate, hindi ka na nakasagot.”

“Ha? O-oo, asawa ko nga siya.” Nagtama ang mga mata namin ni Tore kaya kitang kita ko ang kanyang pag ngisi. Alam na niya ngayon na kahit anong hilingin niya sa akin ay gagawin ko para sa kaligtasan ng aking kapatid na sigurado na akong hawak niya.

Nagkausap pa kami ni Angelo at nagpaalam na ito dahil inaantok na raw siya. Mabilis namang in-end ni Tore ang call at tsaka ipinatong ang kanyang cellphone sa lamesa. Alam kong nagkamali ako kaya naman mabilis na akong tumalikod sa kanya ngunit mabilis din niya akong nahawakan sa kamay at pinigilan. Dahilan upang tumama ang aking mukha sa kanyang dibdib.

“Next time, huwag kang basta basta pumasok sa opisina ko.” 

“Opo,” mabilis kong sagot tsaka nagpumilit makawala sa kanyang pagkakahawak ngunit hindi ko magawa.

“Saan ka pupunta at bakit ka nagmamadali?”

“Ah, inaantok na rin kasi ako kaya babalik na ako sa kwarto ko.”

“Look at me, Angel. Always look at me kapag kinakausap kita or magkasama tayo, naiintindihan mo ba?”

Kagaya ng kagustuhan niya ay tumingala ako at tumingin sa kanya. Tapos ay naramdaman kong hinawakan niya ako sa aking baba gamit ang kanyang hintuturo at hinlalaki. “Kiss me.” Utos iyon at hindi request. Dahil nag padalos dalos ako ay kailangan ko ngayong pagbayaran ang katangahan ko.

Pumikit ako para halikan siya ngunit, “Open your eyes. Gusto kong makita mo kung sino ang hahalikan mo.”

Huminga ako ng malalim bago dumilat at tsaka dahan dahan kong inilapit ang aking mukha sa kanya. Ang problema nga lang ay kahit na anong pilit kong maabot ng mga labi ko ang mga labi niya ay hindi iyon magtagpo dahil sa taas niya. Nakatingkayad na ako at lahat pero kulang pa rin.

“Seriously, hindi ka ba kumain ng masustansyang pagkain noong bata ka pa para madagdagan kahit na konti ang height mo?” tanong niyang tila nang-uuyam. Nakakainis na pati ang height ko ay idinamay pa niya.

“Eh ano kung hindi eh mahirap lang kami at maagang namatay ang mga magulang ko tapos sa demonyong mag-asawa na walang pakialam kami napadpad na magkapatid tapos ngayon ay sayo hmp–” Hindi ko na natuloy  ang aking sasabihin dahil bigla na lang niya akong hinalikan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status