Hi po, sana ay samahan niyo po ako sa pagtatapos ng story nila Salvatore at Angel. Pwede pa rin po kayong mag-like, comment, gem votes at rate para masama sa promotion sa App. Salamat po.
Angel“Ikaw na babae ka, wala kang silbi!” galit na sigaw sa akin ni Tita Anacleta habang sabusabunot niya ako kaya naman hawak hawak ko rin ang kanyang kamay at nagsusumikap na makakawala sa mahigpit niyang pagkakahawak sa mahaba kong buhok.“Tita please po, masakit...” ang umiiyak kong sabi habang sige pa rin siya sa pagsabunot niya sa akin.“Sasama ka sa mga lalaking pupunta dito mamaya o si Angelo ang ibibigay ko sa kanila. Sabagay, lalaki ang kapatid mo, mas mapapakinabangan nila iyon kapag naturuan nilang manggulpi at pumatay ng tao, siguradong lalaking kriminal ang pinakamamahal mong kapatid.”“Huwag po tita,ang bata bata pa po ni Angelo. Tsaka nangako po ako kila mama at papa na aalagaan ko at papalakihin siya ng wasto.” Hindi pwedeng hindi ako mangatwiran dahil ayaw ko namang bumangon sa hukay ang mga magulang ko o kaya naman ay multuhin ako dahil pinabyaan ko ang aming bunso.“Hindi pa ba tapos yan? Kanina mo pa kinakausap eh hindi mo pa mapa-oo.” Napatingin kami pareho sa b
AngelDahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Parang inaantok ako na ewan na tumingin sa aking paligid. Naikunot ko ang aking noo nang ma-realize ko na hindi pamilyar ang lugar. Nasa isang magarang silid ako at higit sa lahat ay nasa kama ako. As in kama!Tapos ay bigla kong naalala ang nangyari. “Nasaan na ang mga lalaki?” nanghihilakbo kong tanong ng malakas na wala namang sumagot dahil mag-isa lang ako sa silid. Totoo bang pangyayari iyon o nanaginip lang ako?Naipilig ko ang aking ulo dahil sigurado akong totoo ang nakita ko. May pinatay at naalala kong palapit sa akin ang lalaking may magandang boses pero nakakatakot na pagkatao. Anong nangyari pagkatapos non?Natampal ko ang aking noo ng maalala kong wala na akong matandaan ng tuluyang makalapit sa akin ang lalaki at tanungin ang katabi kong si Mauro kung sino ako. Hinimatay ako! Kinapa ko ang aking sarili para siguraduhing hindi ako isang kaluluwa lang. Kinurot ko ang aking sarili. “Aray!” Nakahinga ako ng maluwag ng mapa
Angel“Ha?” Sigurado akong mukha akong tanga ng mga oras na ito pero hindi ko mapigilan ang maging ganon. Paano ba naman, hindi normal na makarinig ng ganon sa unang beses na pagkikita. “Pasensya na po kasi parang nagkamali ako ng pandinig.” Nasa mga tatlong metro ang distansya namin sa isa’t isa kaya baka nga mali lang talaga ang intindi ko.“Ano ba ang pagkakarinig mo?” tanong niya na nahihiya naman akong sagutin. Paano nga kung mali ako ng pandinig tapos ay isipin niyang may pagnanasa ako sa kanya?“P-Pwede pong pakiulit ng sinabi mo?” kinakabahan kong tanong. Bahala na, kaysa naman mas magmukha akong tanga dahil nga mali ang pagkakariniig ko.“I said, maghubad ka na.” Mahina lang ang pagkakasabi niya pero may diin at kababakasan ng pagkainis. Siguro ay dahil kailangan pa niyang ulitin ang sinabi niya kaya lang.“Ano ho?” ang nanghihilakbo kong tanong. “Eh bakit ho?”“Dahil gusto kong makita ang katawan mo.” Parang wala lang na sabi niya. Manyakis pa yata ito ah. Kung kanina ay par
AngelHindi ko akalain na ang silid na tinulugan ko ay silid din pala ng lalaking iyon. Marapos niya akong paalisin ng kanyang opisina ay pinabalik niya ako sa silid at sinabihang ayusin ang mga gamit na dinala doon ng tauhan niya.Nagulat ako ng puro mga pambabaeng damit at kung ano anong mga cosmetics na hindi ko naman ginagamit ang laman ng paperbag na nasa sahig. Medyo may kapirasong saya ang agad na nagdaan sa aking puso, ngunit ng maalala ko ang pinagawa niya sa akin kanina ay mabilis din iyong nawala.Nagbukas ako ng closet matapos kong matagpuan iyon na nasa isang silid din sa bandang kanan ng kwarto. Gusto kong malula sa laki non dahil halos kasing laki na iyon ng aming sala samantalang lalagyan lang ng mga damit dito sa mansyon ng lalaking iyon.Lumapit ako sa isa sa mga pintuan ng closet na nandoon at nanlaki ang aking mga mata ng makita kong mga damit panlalaki ang naroon. At doon ko naalala ang sinabi ng lalaking pumasok sa opisina kanina, ‘ang iba ay nasa silid niyo na.’
Angel“Diyan ka lang at wag kang gagalaw,” galit na sabi ng lalaki na sige pa rin ang ginagawang pagbayo sa babaeng nasa harapan niya na ngayon ay masama na ang tingin sa akin. “Sa akin ka lang tumingin,” dagdag utos pa niya kaya wala akong nagawa dahil sa takot ko sa itsura niya ngayon. Lahat ng galit ko kanina ay parang naglahong parang bula at napalitan ng sobrang kaba at takot tapos ang babaeng binabayo naman niya ay parang nakabawi na at panay na ang ungol.“Ohh.. Tore sige pa please…” pagkasabi ng babae ng ganon ay napansin kong bumilis ang pagkilos ng lalaki na napag-alaman kong Tore ang pangalan dahil iyon ay ang itinawag sa kanya ng babae. Ang ikinatataka ko lang ay kung bakit sa akin siya nakatingin at tila walang pakialam sa kaniig. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa naging paraan ng pag tingin niya sa akin na tila ako ang kanyang binabayo.Nanuyo ang aking lalamunan na parang gusto kong uminom ng malamig na tubig. Yung maraming marami at malamig na malamig. Hindi namin
AngelNanlalaki ang aking mga matang nakatingin sa kanyang mga mata na titig na titig din sa akin habang sige ang ginagawa niyang paghalik sa akin. Nakayuko na ito habang nararamdaman ko ang kanyang mga kamay na nakayapos sa aking baywang na naging dahilan upang halos kargahin na niya ako. Ang mga kamay ko ay nasa kanyang mga balikat at mahigpit na nakakapit na akala mo ay mahuhulog ako.Hindi niya inaalis ang pagkakatingin sa akin at ganun din naman ako habang pilit kong ginagaya ang ginagawa ng kanyang bibig sa akin. He’s my first kiss and aaminin ko, kahit na napakasama ng tingin ko sa kanya dahil nga isa siyang mamamatay tao ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng kakaiba para sa kanya lalo na sa napaka eksperto niyang paghalik sa akin na tila gusto ko ng higit pa roon ang gawin namin. Ang tagal na magkahinang ang aming mga labi at tumigil lang ng kapwa na kami pangapusan ng hininga.“Siguraduhin mong matututunan mo ang humalik ng tama, Angel.” Bigla akong parang nabuh
AngelIsang linggo ang matuling lumipas, nasa bahay pa rin ako ni Tore at balak na yata niya akong buruhin dahil ni minsan ay hindi man lang niya ako niyayang lumabas. Natatakot naman akong magsabi dahil nga ako’y alipin lang.Ang tanging nakakapagpalubag ng aking kalooban ay ang pagkakataong binibigay niya upang makausap ko ang aking kapatid na mukhang nasa maayos na kalagayan naman ayon na rin sa kanyang boses kagaya ngayon.“Ate, sabi ni Kuya Mauro ay sa ibang school na ako papasok ngayong pasukan. Ayaw na daw ni Kuya Salvatore na doon pa sa dati ako pumasok dahil malayo na dito sa tinitirhan ko.”Gusto kong tanungin kung nasaan siya kaya lang ay nag-aalala naman ako na magtanong din ito sa akin tapos ay hindi ko alam kung saan eksakto ako naroroon. Sa totoo lang ay nauna pa niyang nalaman na Salvatore ang tunay na pangalan ng lalaking kaharap ko ngayon kaysa sa akin. Hindi ko naman din siya tinatanong. Basta Tore lang ang alam ko dahil nga narinig kong tinawag siyang ganon ng babae
AngelPakiramdam ko ay mababaliw ako sa ginagawa sa akin ni Salvatore. Mas gusto kong tawagin siya sa buong pangalan kaysa sa nickname kasi parang ang tigas tigas ng dating noon at nakakatakot. At least kung yung tunay na pangalan parang sapatos lang siya. Doon man lang ay maasar ko siya kahit na sa loob loob ko lang.Kahapon, ng sabihan niya akong papatayin sa sarap at naramdaman ko ang kanyang mga kamay sa aking pagkababae ay nawindang ang mundo ko. Nagregudon ang puso ko dahil kahit na may panty akong suot noon ay tila ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang kamay na humahagod sa aking kaselanan na naging dahilan upang mamasa iyon na nagpapula ng aking pisngi.Masasabing bata pa ako at walang karanasan pero hindi naman ako inosente sa ganong bagay lalo na sa klase ng lugar na kinalakihan ko kung saan talamak at normal na lang na lumalabas sa bibig ng mga tao ang mga kabastusan. Ngunit sinikap ko na kahit ganun ay maingatan ko ang aking sarili pati na ang aking kapatid. Pasalamat
Salvatore“May nakapagsabi sa akin na may nag-iimbestiga ng tungkol kay Angel at natagpuang patay ang tito at tita niya,” sabi ni Sandicho.“Sigurado ka ba talaga dyan?” tanong ko. Si Mauro ay tahimik lang na nakikinig sa amin.“I’m the one in Pampanga so I know what I’m saying.” Tinignan kong mabuti ang kapatid ko na puno rin ng pag-aalala ang mukha. “Kaya you have to make sure that your wife is safe.”Nang dumating kanina si Angel sa office ko ay pinag-uusapan namin ang balitang hatid sa amin ng kapatid ko. Kaya naman nandito kami sa condo ko para pag-usapan iyon. Baka kasi magtaka ang babae sa biglang pagsulpot ni Sandicho kaya ayaw ko munang makita niya ang lalaki. Isa pa, ayaw ko rin siyang takutin.Si Sandicho ay nakatira ngayon sa mansyon ko sa Angeles. Simula ng maayos namin ang gusot ng aming pamilya ay hinayaan ko na siya na maglabas masok doon.Dati pa man ay magkasundo na kami dahil ang akala namin pareho ay ang organisasyon lang ni Dad ang mahalaga sa kanya. Ngunit pareho
AngelNagising akong hilo. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Medyo madilim ang paligid dahil dim light lamang ang bukas. Bumangon ako at inilibot ko ang aking paningin. Nasa isang malinis na silid ako at malambot ang kama. May aircon at higit sa lahat, hindi ako nakatali.Anong nangyayari? Nasaan ako? Tandang tanda ko na sumakay ako ng taxi at doon ay nakaramdam ako ng pagka-antok. Ang bag ko! Nandoon ang aking cellphone.Nagpalinga linga ako at hinanap ang aking bag ngunit wala iyon. Bumaba ako sa kama at inikot ang aking paningin sa paligid, nagbabakasali na may makitang kahit na ano.Lumapit ako sa pintuan at sinubukan ko iyong buksan, hindi naman ako umaasa na bubukas iyon kaya hindi na ako nadismaya ng malaman kong naka lock iyon mula sa labas.Anong klaseng silid ito na ang lock ay nasa labas? Baliw yata ang nagpagawa nito. Lumakad ako pabalik sa kama at naupo para lang tumayo ulit at nagpabalik balik ng paglalakad. Nag-aalala ako para sa mga anak ko. Sa tingin ko ay
AngelSabay na kaming pumapasok ni Salvatore at hindi na rin lingid sa kumpanya ang relasyon namin. Kahit si Camille ay laging nanunukso sa tuwing magkikita kami. Si David naman ay sinabihan ko na rin through chat dahil wala naman siya sa Manila ngayon. Ayaw ko lang din kasing sa iba pa niya malaman ang tungkol sa amin.Kinausap ko na rin ang team na baka hindi na ako laging makapasok kaya most of the time ay online na kami mag-uusap. Ayaw ko kasi talagang mag-office at buti na lang ay sinang-ayunan iyon ni Salvatore. Pero sa ngayon ay need ko munang matapos ang para sa catalogue ng company kaya kailangan kong pumunta pa sa office.Naipaalam ko na sa school ng kambal ang pagtransfer nila at later ay may school akong pupuntahan para ma-check kung pwede sila doon.“Uy, saan ang punta?” tanong ni Nadia na kasalubong ko.“Sa office ni Salvatore, bakit?” tanong ko rin.“Bakit?”“Yayayain kong puntahan yung school na lilipatan ng kambal.”“Ah, okay. Nandoon din yata si Mau.”“Pupunta ka rin
Angel“Mommy, okay na ba ito?” tanong ni Savinna. Araw ng Sabado at nasa kitchen kami, naghahanda ng lunch para sa pagdating nina Mauro, Nadia at Angelo.Noong nakaraang linggo ay niyaya nga kaming mag-iina ni Salvatore na gumala. Nag-enjoy ang mga bata dahil nga hindi ko pa naman sila talaga nailabas ng kagaya ng ginawa namin. Hindi naman kasi ako sanay sa Manila talaga at hanggang Angeles Pampanga lang ang kaya kong ikutin na malamang ngayon ay malaki na ang ipinagbago.“Get up and go to the living room, sweetheart. Hayaan mo na kami ng Mommy ang nandito,” nakangiting sabi ni Salvatore sa anak matapos buhatin ito mula sa upuan pababa sa sahig. “Go ang play with Savanna.”“But she didn’t want to,” reklamo ni Savinna. Tumingin sa akin si Salvatore na tila humihingi ng saklolo pero bahala siya sa buhay niya. I’m done with the twins never ending arguments and discussion about everything. It's his turn.“Isa pa, I want to help.”“Sweetheart, mas makakatulong ka if you stay in the living r
Mature ContentMauro“Nadia!” bulalas ko kasabay ang pagtapik ko sa aking magkabilang pisngi para lang masiguro na siya nga ang nakikita ko.“What are you doing, idiot?” I chuckled after she said that, dahil nakumpirma kong siya nga talaga iyon.“How did you get in here?” tanong ko sabay lapit sa kanya para salubungin ang paglapit din niya sa akin.“Binuksan ko yung pinto.”“At sa tingin mo ay hindi ko alam ‘yon?”“Bakit ka pa nagtatanong kung alam mo na pala?” “I am asking you, my love. Hindi ka ba talaga makakasagot sa akin ng maayos?” She’s always like that. Sa tuwing gusto ko siyang kausapin ng matino ay parang lagi naman siyang nakikipag biruan.“Lasing ka naman, bakit pa kita kakausapin ng maayos?”“I’m not drunk! Nakainom, yes.”“At talagang umapila ka pa.”“You haven’t answer me, anong ginagawa mo dito?”“Looking for Angelo.” Titig na titig na siya sa akin habang inis na inis naman ako. Bakit niya hinahanap yung bata?“Why?” tanong ko habang pinipigilan ko ang sarili kong ipak
MauroKinakabahan ako sa plano ko. Hindi naman talaga tatagal ng isang linggo ang pag-uusap namin ni Angelo ngunit iyon na rin ang ipinaalam ko kay Salvatore just in case may mangyaring hindi ko inaasahan. Mahal ko si Nadia at gusto ko na ring makasama siya. Fuck, ang tanda ko na pero heto at single pa rin ako dahil sa kakahintay sa makulit na babaeng iyon.Kung tutuusin ay okay lang dahil nabigyan ko ng pagkakataon si Nadia na magawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nakapagtrabaho siya at kita ko sa mukha niya ang kaligayahn ng tuluyan niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang.At ngayon nga na nandito na ulit si Angel ay inisip ko ng seryosohin ang pakikipag-usap din sa babaeng maligalig na ‘yon pagkatapos naming mag-usap ni Angelo. Mabuti pa si Salvatore at may kambal na, samantalang ako a bubuo pa lang kung sakali.“Ano ba kasi ang pag-uusapa natin?” tanong ni Angelo. Tinignan ko siyang mabuti at hindi ko maiwasan ang mapailing at mapangiti. Nasa balcony kami
AngelMasakit man ang katawan ko ay maaga pa rin akong nagising ng kasunod na araw. Nasanay na talaga kasi ako sa ganitong routine kaya walang kaso sa akin no matter how tired or kulang ako sa tulog. Tumingin ako sa aking tabi at nakita ko ang mahimbing pang natutulog na si Salvatore. Hindi ko maiwasan ang mapangiti ng maalala ko kung paano niya ako inangkin kagabi habang sinasabi niya na kaya pa niya akong sabayan.Nagtaka ako at napansin kong naka ulo pala kami sa bandang paanan ng kama. Muli kong tiningnan si Salvatore at hindi ko mapigilang haplusin ang kanyang pisngi.Pinagsawa ko ang aking mga mata hanggang sa may napansin ako sa aking daliri. Inilapit ko ang aking kamay at tinitigan iyon.“Do you still remember?” tinignan ko si Salvatore na nakadilat na. Inabot niya ang aking kamay at tsaka dinala iyon sa kanyang bibig at hinalikan. “When did you—”“I never took that off my body lagi lang nakakabit sa necklace ko.” Iyon pala ang napansin ko kagabi.“I'm sorry, I took it off.”
Mature ContentSalvatorePara akong mababaliw ng makita ko ang suot niyang pantulog na walang itinago lalo at napakanipis lang non at wala pa siyang underwear. Ngani ngani ko na talagang buhatin siya at dalhin sa kama para angkinin ng paulit-uilt ngunit itinulak niya ako palabas.Nanatili ako sa sala at sinibukan kong makatulog ngunit ako’y bigo kaya makalipas ang ilan pang minuto ay pumasok na ako sa kwarto. Kitang kita ko ang pigura niyang nakahiga sa kama at payapang natutulog.Bakit ang bilis niyang makatulog na tila hindi man lang apektado ng sinabi niya kanina? Fuck, sundan na daw namin ang kambal. Ang tanga ko talaga kahit kailan!Naghubad ako ng aking damit bago ako tumabi sa kanya at pumwesto sa kanyang likuran. Alanganin kong dinampian ng magaan na halik ang nakalabas niyang balikat ngunit hindi siya gumalaw.“Baby..” tawag ko sa kanya habang patuloy ko siyang kinikintalan ng magagaan na halik mula sa kanyang balikat hanggang sa kanyang pisngi. Marahan kong hinagod ang kanyan
Angel“Mommy, are you sure you’re still going to wait for Papa?” tanong ni Savanna na tinanguan ko naman. Kakatapos lang ng klase nila at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin dumarating si Salvatore.“Madami kasi siyang ginagawa kanina bago ako umuwi kaya nauna na ako.”“But you’re still not eating.” Si Savinna na ang sumagot.“Hindi pa rin kumakain ang Papa niyo kaya sabay na kami.” Hindi umimik ang dalawa at nanatiling nakatingin sa akin. “You know what, why don’t you go to your rooms now and sleep?”“Okay,” sabay nilang sabi bago nagsibalikan sa aking pisngi at tsaka pumasok na sa kanilang silid. Ako naman ay naiwan na sa sala at nanatiling nakaupo sa sofa para maghintay pa ng konti. Napatingin ako sa aking phone at nangangati na akong tawagan siya ngunit pinigilan ko pa rin ang aking sarili.May isang oras pa akong naghintay bago tumayo mula sa sofa at niligpit ko na lang ang laptop na gamit ng kambal. Nawalan na rin ako ng ganang kumain dahil sobrang late na. Papunta na ako sa pint