Home / Romance / When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband / Kabanata 96: That Night, Sebastian is Wide Awake

Share

Kabanata 96: That Night, Sebastian is Wide Awake

Author: Yona Dee
last update Last Updated: 2025-04-25 23:25:39

Pagkalipas ng isang buwan matapos ang gabing iyon, ay hindi na pinatahimik si Sebastian ng kanyang pag-iisip. Araw at gabi, walang humpay ang pag-ikot ng mga tanong at alaala sa kanyang isipan—at ang nakapagtataka pa, si Seraphina ang laman nito. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang naging abala sa pag-iisip tungkol sa kanyang asawa, isang bagay na hindi niya kailanman nagawa sa buong sampung taon nilang pagsasama. Parang isang panibagong emosyon ang unti-unting umuusbong sa kanyang dibdib—hindi kilala, hindi pamilyar, at lalo’t higit, hindi niya inaasahan.

Napabuntong-hininga siya habang naupo sa kanyang swivel chair, napasandal at muling napapikit. Sa kanyang pag-idlip, tila muling nabuhay ang alaala ng gabing iyon—isang gabing hindi niya malilimutan, isang gabing paulit-ulit bumabalik sa kanyang isipan na parang isang bangungot na ayaw siyang tantanan.

Gising siya ng gabing iyon—hindi siya dinalaw ng antok, at parang may kung anong kaba sa kanyang dibdib. Hindi nagtagal,
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 1: Let's Celebrate My Birthday

    Nasa business trip si Seraphina kasama ang company manager ng Cavite branch na si Klea. Huling araw na nila ngayon, kaya masaya siyang naglalakad pabalik sa hotel room para kunin ang kaniyang maleta. Alas dose pa lang ng tanghali, kaya alam niyang makakahabol pa siya sa dinner date na ni-reserve niya para sa kaniyang mag-ama.“Happy birthday, Ms. Faye!” bati ni Klea habang nakangiti.Napangiti si Seraphina at bahagyang tumango. “Salamat, Klea.”"Sayang at hindi mo na kami makakasama mamaya," sabi ni Klea. "May pa-surprise sana kami sa 'yo.""Naku, okay lang! Next time na lang. Ang importante, makauwi ako para sa pamilya ko." Napahagikhik si Seraphina.“Sweet! May plano na ba kayo?” tanong ni Klea habang binubuksan ang pinto ng sariling kwarto.“Hmm, simple lang. Dinner lang kaming tatlo. Gusto ko lang silang makasama sa espesyal na araw na ’to.”Ngumiti si Klea. “Ang swerte naman nila sa ’yo. Sige, enjoy your date, Ms. Faye!”“Salamat! See you sa office!” sagot ni Seraphina bago pumas

    Last Updated : 2025-02-11
  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 2: I Want Her To Be My Mother

    “Ma’am, magsasara na po ang restaurant,” maingat na sabi ng waitress.Napatingin si Seraphina sa paligid—wala nang ibang tao sa loob. Ang mga ilaw ay unti-unti nang pinapatay, at ang ilang staff ay abala sa pagliligpit ng mga mesa.Muli siyang napabuntong-hininga. Ilang oras siyang naghintay, umaasang darating ang kanyang asawa at anak. Ngunit gaya ng dati, wala ni isa sa kanila ang sumipot.Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kanyang upuan, kinuha ang bag, at pilit na ngumiti sa waitress. “Salamat,” mahinang sabi niya bago tuluyang lumabas ng restaurant.Sa labas, malamig ang simoy ng hangin, ngunit pakiramdam niya ay mas malamig ang nararamdaman niya sa loob ng dibdib niya. Pinara niya ang unang dumaan na taxi at agad na naghatid pauwi.Pagkarating sa bahay, halos hindi pa siya nakakababa nang bumukas ang gate."Ma'am, andiyan na po kayo!" masayang salubong ng kanilang mayordoma na si Manang Jelly. Kasama niya ang anak ni Seraphina, si Chantal, na nakatayo at parang galit na nakatingi

    Last Updated : 2025-02-11
  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 3: Their Lunch Date

    “Ma’am Seraphina…”Napatingin ako kay Manang Jelly, mahina ang boses niya, para bang nag-aalangan kung dapat ba niya akong kausapin. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya—wala na sina Chantal at Sebastian. Umalis na sila.Walang paalam.Wala man lang pag-aalinlangan.Saglit akong napapikit, pilit na itinatago ang sakit na namumuo sa dibdib ko.Huminga ako nang malalim bago nagsalita.“Saang restaurant sila magla-lunch?” tanong ko kay Manang Jelly, umaasang baka nasabi ni Sebastian sa kanya.Sandaling natigilan si Manang, parang iniisip kung dapat ba niyang sabihin sa akin. Sa huli, tahimik siyang nag-abot ng isang papel.Kinuha ko iyon at tiningnan ang nakasulat.Pamilyar sa akin ang pangalan ng restaurant.Kung tama ang natatandaan ko… ito rin ang lugar kung saan madalas kaming kumain dati ni Sebastian—noong bago pa lang kaming mag-asawa.Umakyat ako sa kwarto at dumiretso sa banyo upang maligo. Matapos kong maligo, kumuha ako ng damit mula sa aparador—isang pink knee-length dress

    Last Updated : 2025-02-11
  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 4: The Mistress Leaves

    Hindi na siya pumasok sa loob ng restaurant. Sa halip, dali-dali siyang bumalik sa kaniyang sasakyan at mabilis na pinaharurot ito pauwi. Pagkarating sa bahay, dumiretso siya sa kaniyang kwarto. Sa ibabaw ng mesa, nakapatong ang kaniyang laptop. Agad niya itong binuksan, nagpunta sa MS Word, at sinimulang gawin ang divorce agreement.Pagkatapos niyang matapos ang dokumento, tinawagan niya ang kaibigang si Michelle, ngunit hindi ito sumagot. Napakagat siya sa labi at napaisip. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kaniya ni Jude. Dali-dali niyang hinanap ang numero nito at tinawagan."Hello, si Seraphina 'to. I need your help. Puwede mo ba akong sunduin sa bahay?" Walang paliguy-ligoy niyang sabi. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Jude at agad niyang binuksan ang airline website para bumili ng ticket papuntang Davao. Mahal ang pamasahe dahil last-minute booking ito, pero wala siyang pakialam—ang mahalaga ay makaalis siya agad.Pagkabili ng ticket, agad niyang pinrint ang divorce agreeme

    Last Updated : 2025-02-11
  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 5: The Wife Pack her things and Left

    Alas nuwebe ng gabi nang makauwi sina Sebastian at ang kanyang anak na si Chantal. Pagpasok ng sasakyan sa gate, nag-aalangan pa rin si Chantal na bumaba. Ayaw niyang umuwi dahil nandoon ang kanyang ina.“Chantal, kailangan mo nang umuwi. Samahan mo ang mama mo,” sabi ni Aunt Diane.“Anak, kung ayaw mong bumaba, susunduin ka ng mama mo dito,” dagdag ni Sebastian.Wala nang nagawa si Chantal. Kahit labag sa loob niya, bumaba na rin siya at pumasok sa bahay.Pagpasok nila sa bahay, nagsalita si Sebastian.“You can stay here, Diane. Sa guest room ka na lang matulog. I will ask Manang Jelly to prepare it,” sabi niya.Masaya namang ngumiti si Chantal at agad na kumapit kay Diane.“Aunt Diane, baka magalit si Mom kapag nandito ka. I really hate her,” sabi ni Chantal, halatang may inis sa kanyang boses.Tumingin si Sebastian sa anak at lumuhod para magpantay ang kanilang mga mata.“No, Mom won’t be angry,” sagot niya sa mahinahong tinig.Dahan-dahang lumambot ang mukha ni Chantal at tila gum

    Last Updated : 2025-02-11
  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 6: Husband's Anger and Reminisce

    Hindi na hinintay ni Sebastian na magsalita pa si Jude. Tinalikuran niya ito at agad na sumakay sa kanyang sasakyan, diretso pauwi. Habang nasa daan, ramdam niya ang kumukulong galit sa kanyang dibdib—galit sa asawa niyang animo'y laging humihingi ng atensyon, galit sa lahat ng nangyayari sa kanya. Para bang hindi pa sapat ang lahat ng pinagdaraanan niya, may idinagdag na namang panibagong sakit ng ulo."Akala ko, pagkatapos naming ikasal, mawawala na ang problema ko. Punyetang pamilya!" singhal niya bago malakas na sinuntok ang manibela.Napapikit siya saglit, pilit nilalabanan ang bumabalik na alaala—ang araw na ipinakilala siya ng kanyang lolo kay Seraphina.-Flash back-Habang nasa date si Sebastian kasama ang kanyang kasintahan na si Diane, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pinilit niyang balewalain ito, ngunit nang paulit-ulit itong nag-ring at nakita niyang si Lolo ang tumatawag, napabuntong-hininga siya at napilitan itong sagutin."Come to my office. Let’s have lunch toget

    Last Updated : 2025-02-12
  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 7: New Life for Her

    Nakaharap si Seraphina sa HR representative, nakaupo ng tuwid at maingat na nakapulupot ang kanyang mga kamay sa kanyang kandungan. Muling sumulyap ang opisyal sa kanyang resume bago ngumiti ng magalang."Seraphina Faye Dee-Singson," aniya, binibigkas ang pangalan niya nang malinaw bago muling tumingin sa kanya. "Maraming salamat sa pagpunta ngayon."Bahagyang tumango si Seraphina at gumanti ng magaan na ngiti. Pamilyar na sa kanya ang prosesong ito—una, babasahin ang kanyang pangalan, susundan ng ilang katanungan."Batay sa iyong resume, may hawak kang mga degree sa Early Childhood Education at Economics." Bahagyang tumango ang HR officer habang iniikot ang ballpen sa pagitan ng mga daliri. "Impressive credentials, However, most of your professional experience has been as a company secretary for nearly fifteen years. Could you tell me more about that career path and what led you to apply for a teaching position now?"Tahimik na tumingin si Seraphina sa opisyal, panatag ang kanyang ek

    Last Updated : 2025-02-15
  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 8: New Life for Her 2

    Napangiti si Seraphina nang marinig ang boses ng kaniyang kaibigang si Jude.“Unang araw mo sa Davao, ‘di ba? Kumusta? Is everything okay?” tanong nito mula sa kabilang linya.Dahil sa ingay ng paligid—ang tunog ng scanner ng cashier, ang usapan ng ibang mamimili, at ang anunsyo sa mall—hindi masyadong narinig ni Seraphina ang sinabi ni Jude.“Ha? Ano ‘yun? Hindi kita marinig, tatawagan na lang kita ulit.” sagot niya bago mabilis na ibinaba ang tawag.Binuksan niya ang messenger app at mabilis na nag-type ng mensahe:Seraphina: Ang ingay dito sa mall, hindi kita marinig. Call kita mamaya pag nasa bahay na ako!Matapos i-text si Jude, inilagay ni Seraphina ang cellphone sa loob ng kaniyang bag at muling ibinalik ang atensyon sa cashier na patuloy na sina-scan ang kaniyang mga pinamili. Napatingin siya sa monitor at bahagyang nagulat nang makita ang total—nasa sampung libo na. Pero sa kaniya, maliit lang ang halagang iyon.Hinugot niya ang wallet mula sa bag at saglit na natigilan. Ilan

    Last Updated : 2025-02-15

Latest chapter

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 96: That Night, Sebastian is Wide Awake

    Pagkalipas ng isang buwan matapos ang gabing iyon, ay hindi na pinatahimik si Sebastian ng kanyang pag-iisip. Araw at gabi, walang humpay ang pag-ikot ng mga tanong at alaala sa kanyang isipan—at ang nakapagtataka pa, si Seraphina ang laman nito. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang naging abala sa pag-iisip tungkol sa kanyang asawa, isang bagay na hindi niya kailanman nagawa sa buong sampung taon nilang pagsasama. Parang isang panibagong emosyon ang unti-unting umuusbong sa kanyang dibdib—hindi kilala, hindi pamilyar, at lalo’t higit, hindi niya inaasahan.Napabuntong-hininga siya habang naupo sa kanyang swivel chair, napasandal at muling napapikit. Sa kanyang pag-idlip, tila muling nabuhay ang alaala ng gabing iyon—isang gabing hindi niya malilimutan, isang gabing paulit-ulit bumabalik sa kanyang isipan na parang isang bangungot na ayaw siyang tantanan.Gising siya ng gabing iyon—hindi siya dinalaw ng antok, at parang may kung anong kaba sa kanyang dibdib. Hindi nagtagal,

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 95: Pegrnant? Buy PT

    Pagkatapos ng nangyari noong gabi ng salu-salo, nanatiling nakakulong sa loob ng apat na sulok ng kwartong iyon ang lahat ng sumunod. Dalawang buwang buong-buo na ang lumipas mula noon, at dahil sa sunod-sunod na abalang iskedyul, parang isang iglap lang ang lumipas na panahon. Para kay Seraphina, wala nang dahilan para ungkatin pa iyon. Wala siyang intensyong pag-usapan ito, ni banggitin man kahit bahagya. Sa isip niya, isa lamang iyong sandaling bunga ng kalasingan—dulot ng alak na, sa hindi nila nalalaman noon, ay may halong droga. Walang kahulugan. Isang pagkakamali lamang na nangyari sa ilalim ng impluwensiya ng lasing na isipan.Simula noon, nalunod si Seraphina sa sunod-sunod na responsibilidad. Araw-araw ay punô ng mga miting, legal na papeles, at walang katapusang tawag. Bawat oras na siya’y gising ay inuukol niya sa pagtugis sa kaniyang malapit nang maging dating asawa—pilit siyang humahanap ng katarungan, o baka isang pagsasara ng kabanata, para sa nangyaring hindi niya kay

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Chapter 94: Presidential Suite 3: Mistaken Intimacy

    Warning: SPGAng pakiramdam na nararamdaman ni Seraphina ay bago sa kanya—isang kakaibang halo ng sakit, hiya, at isang bagay na hindi niya mabigyan ng pangalan. Habang unti-unting pinapasok ng kanyang asawa ang kanyang daliri sa maselang bahagi ng kanyang katawan, naramdaman niya ang pag-igting ng kanyang kalamnan, ang pagkabog ng dibdib na tila lalabas sa kanyang balat.“Please… Ahh, masakit,” daing niya, bahagyang nanginginig ang boses, at ang mga mata’y nakapikit habang ang kanyang mga daliri ay mahigpit na kumakapit sa sapin ng kama. Ngunit sa kabila ng pakiusap, hindi huminto si Sebastian. Hindi dahil sa kawalan ng malasakit—kundi marahil dahil sa alam niyang may kailangang ilabas, may kailangang wakasan, may kailangang simulan.At sa di inaasahang sandali, ang kirot ay unti-unting napalitan ng kakaibang sarap. Para bang ang hapdi ay naging hudyat ng isang damdaming matagal nang kinulong. Ramdam niya ang bawat paglabas-masok ng daliri ni Sebastian—paulit-ulit, mas malalim, mas de

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 93: Presidential Suite No.3

    Warning: SPG [Droga, Sexual]“Ang init… masakit ang aking puson,” dagdag ni Seraphina, halos paungol na ang boses, punong-puno ng kaba at tila may halong desperasyon. Napapikit siya habang pilit kinakalmang ang sarili, pero ramdam niyang parang may humihigop ng lakas niya mula sa loob.Napakuyom ng kamao si Sebastian. Gusto niyang lapitan si Seraphina, gusto niyang alalayan ito, yakapin man lang. Ngunit kahit siya ay halos hindi na makalakad ng maayos—nilalagnat ang katawan, nanlalambot ang tuhod, at parang umiikot ang paligid.Pinagmasdan niya ang asawa—pawisan, namumungay ang mata, at bahagyang napapahawak sa tiyan. Sa kabila ng pagkalito, hindi maitatanggi ni Sebastian ang pagkabog ng kanyang dibdib. Ang kanyang asawa… sa ganitong estado… at pareho silang biktima ng kung anuman ang inilagay sa inumin nila.Hindi niya magawang makalapit. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil takot siya sa pwedeng mangyari—takot na baka mawalan siya ng kontrol, takot na masaktan lalo si Seraphina, lalo n

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 92: Drugged Wine

    Habang nasa jacuzzi si Sebastian, nakapikit siya’t sinisikap kalmahin ang sarili. Ang init ng tubig ay bahagyang nagpapagaan sa tensyong nararamdaman niya, pero hindi pa rin iyon sapat upang tuluyang mawala ang inis sa kanyang dibdib. Maya-maya, isang pamilyar na tunog ang umalingawngaw—ang pagsara ng pintuan. Napadilat siya, ngunit hindi siya gumalaw.Siguro si Diane lang iyon… o baka cleaning service, bulong niya sa sarili, pilit ipinagsasawalang-bahala ang tunog. Ayaw na niyang mag-isip. Gusto lang niyang magpahinga. Ngunit habang patuloy siyang nagbababad, unti-unti niyang naririnig ang mahinang tinig ng isang babae mula sa loob ng kwarto. Hindi iyon ang boses ni Diane.At habang lalong lumalakas ang bawat hinaing ng babae, mas malinaw na niyang naririnig ang bawat salita.“What if I never gave birth to Chantal?”Nanlaki ang mga mata ni Sebastian. Bigla siyang napatigil sa paggalaw. Ang malamig na pakiramdam ng gulat ay tila kumalaban sa init ng tubig na bumabalot sa kanyang kataw

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 91: Drowning In Dark

    Sa gitna ng masiglang kasayahan sa party, walang ibang inatupag si Seraphina kundi lunurin ang sarili sa alak. Walang ni isang salita na nais niyang marinig mula sa kanyang ama o kapatid—lalo na’t pagkatapos ng lahat ng nalaman niya ngayong gabi. Kaya’t nagpasya na siyang manatili sa hotel para sa gabing iyon. Isang gabi lang, malayo sa tanong, sa intriga, at sa masalimuot na katotohanang pilit na sumisiksik sa kanyang mundo.Ilang beses na niyang sinubukang tawagan at i-text ang kanyang tiyuhin ngunit walang sagot. Marahil ay hindi nito marinig ang ringtone dahil sa malakas na tugtugin sa loob ng banquet hall. Kaya’t sa halip na humanap ng sagot mula sa iba, pinili na lang niyang sumandal sa mesa sa tabi, tahimik na umiinom ng alak, isa… dalawa… hanggang sa hindi na niya mabilang.May mga waiter na palakad-lakad, nag-aalok ng pagkain, at sa hindi inaasahan, natuwa si Seraphina nang mapansing may hinain na litson—paborito niya. Napangiti siya kahit papaano.“Ma’am, you’re drunk na po,

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 90: Questions Never Answered

    “I’m just angry at that time, hija… sorry, dad is not perfect. I don’t know everything. I just wanted to make things smoother,” wika ng kanyang ama, ang tono nito'y tila pagod at punô ng pagsisisi. “Nakaplano na iyon… it’s just that I realized not all plans go well, kasi ‘yun naman ang realidad. I just recently found out what you’ve been through… your mom, she always bothers me in my sleep after what happened between us.” Kasunod nito ay isang malalim na buntong-hininga.Tahimik si Seraphina habang pinagmamasdan ang kanyang ama. Pero sa loob niya, may pader na nabuo—isa na hindi basta-basta mababasag ng simpleng “sorry.”“Is that so? ‘Yun lang, Dad?” tanong niya, pilit pinipigilan ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. “Hindi ko dinamdam ‘yon, pero… all along, I was just a plan? Plano niyo rin bang ipakasal ako kay Sebastian? Why? Am I just a tool?” sabay lingon sa kanyang kapatid, ang tinig niya’y tumalim gaya ng tingin.Napalunok ang kanyang kapatid, halatang hindi inaasahan ang b

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 89: Introduced As Heiress

    "Oh, Ms. Suarez, hindi ko inakalang makikita kita rito," wika ni Hugo sabay ngiti. Sa panlabas, tila kaswal at magiliw ang tono niya, ngunit sa ilalim ng kanyang ngiti ay ang lalim ng isang taong matagal nang alam ang mga larong nilalaro sa likod ng mga banqueting at diplomatiko.Kilala niya si Diane. Matagal na. Bilang family attorney ng Suarez, maraming lihim ang naipagkatiwala sa kanya—mga usaping pinansyal, legal, at personal. Sa katunayan, maging ang ama ni Diane ay may paggalang—o marahil takot—sa kanya. Hugo Ynez isn’t just a brilliant lawyer. He has connections. Deep, dangerous ones. Mga koneksyon na kayang magpabagsak ng pinakamataas kapag ginusto niya."Oo nga po," sagot ni Diane, may bahagyang ngiti sa labi. Hindi agresibo, ngunit may patagong tinik ang kanyang presensya. "Kasama ko si Mr. Singson. Naanyayahan siya sa banquet na ito ni Mr. Dee. Hindi ko nga inaasahang malapit pala sila sa isa’t isa," dagdag pa niya habang tiningnan si Hugo, pilit na walang ipinapakitang emo

  • When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband   Kabanata 88: At The Banquet

    “Kumusta ang pagbisita mo sa iyong anak?” tanong ng kanyang tiyuhin nang makapasok siya sa bahay. Ngunit nilampasan lang siya ni Seraphina, diretsong umupo sa couch na para bang gustong kalimutan ang lahat ng nangyari kanina.“Okay lang naman,” malamig niyang tugon, bago agad binago ang usapan. “By the way, mamayang gabi na ‘yung event, diba Tito?”“Yes, dear, mamayang gabi na nga. Are you ready?” tanong ng kanyang tiyuhin.Tahimik siyang tumango, kasabay ng marahang pag-exhale, pinipilit itikom ang mga damdaming hindi pa rin niya ganap na kayang buuin sa salita.Later that evening...Pagdating nila sa banquet hall, halos punô na ito ng mga bisita. Mamahaling chandelier ang nakasabit sa kisame, mga mesa ay puno ng wine, champagne, at mamahaling appetizer.Seraphina—suot ang beige silk dress na may simpleng hiwa sa gilid, buhok na nakalugay ngunit maayos ang pagkakaayos, at makeup na minimal ngunit elegante—ay agad nakatawag pansin sa mga panauhin. Her beauty was striking, but what tru

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status