Alas nuwebe ng gabi nang makauwi sina Sebastian at ang kanyang anak na si Chantal. Pagpasok ng sasakyan sa gate, nag-aalangan pa rin si Chantal na bumaba. Ayaw niyang umuwi dahil nandoon ang kanyang ina.
“Chantal, kailangan mo nang umuwi. Samahan mo ang mama mo,” sabi ni Aunt Diane.
“Anak, kung ayaw mong bumaba, susunduin ka ng mama mo dito,” dagdag ni Sebastian.
Wala nang nagawa si Chantal. Kahit labag sa loob niya, bumaba na rin siya at pumasok sa bahay.
Pagpasok nila sa bahay, nagsalita si Sebastian.
“You can stay here, Diane. Sa guest room ka na lang matulog. I will ask Manang Jelly to prepare it,” sabi niya.
Masaya namang ngumiti si Chantal at agad na kumapit kay Diane.
“Aunt Diane, baka magalit si Mom kapag nandito ka. I really hate her,” sabi ni Chantal, halatang may inis sa kanyang boses.
Tumingin si Sebastian sa anak at lumuhod para magpantay ang kanilang mga mata.
“No, Mom won’t be angry,” sagot niya sa mahinahong tinig.
Dahan-dahang lumambot ang mukha ni Chantal at tila gumaan ang kanyang pakiramdam.
Pagpasok nila sa loob, sinalubong sila ni Manang Jelly.
“Good evening, sir. Good evening, ma’am,” bati nito.
“Manang, pakihanda na lang ang guest room,” malamig na sabi ni Sebastian.
Tumango si Manang Jelly at agad na tumalima.
Naglakad si Manang Jelly patungo sa guest room, at sumunod naman sa kanya si Diane.
“No, Dad! Aunt Diane can sleep in my room, right?” sabi ni Chantal, sabay tingin kay Diane.
Napatingin si Diane sa bata at bahagyang ngumiti. “It’s okay, Chantal. Sa guest room na lang ako matutulog. Besides, your mom wants to sleep with you tonight—”
“No! I want Aunt Diane to sleep beside me! Dad!” sigaw ni Chantal, halatang nagpipilit.
Tiningnan siya ni Sebastian, saka mahina ngunit matigas na sinabi, “Chantal, go to your room now.”
Napayuko si Chantal at wala nang nagawa kundi sumunod. Tahimik siyang naglakad papunta sa kanyang kwarto. Sumunod naman sina Manang Jelly at Diane patungo sa guest room.
Saglit na tumigil si Sebastian at tiningnan ang paligid. Sa ganitong oras, madalas niyang makita ang kanyang asawang si Seraphina na nakaupo sa dining hall, abala sa kanyang laptop. Ngunit ngayong gabi, wala siya roon.
Naalala ni Sebastian ang sigaw ni Chantal kanina—siguradong narinig iyon ni Seraphina. Dapat ay bumaba na ito, pero wala pa rin siyang nakita.
Umiling siya sa sariling iniisip at naglakad papunta sa master’s bedroom. Pagpasok niya, agad niyang napansin ang isang bagay sa sahig—nakataob ang kanilang wedding picture ni Seraphina, at may mga bubog na nagkalat sa paligid.
Maliban doon, malinis pa rin ang kwarto. Ngunit isang bagay ang bumagabag sa kanya—wala roon si Seraphina.
Baka kasama niya ang kanyang kaibigan.
Napalingon si Sebastian sa pintuan nang bumukas ito, at bumungad sa kanya si Manang Jelly, may dalang brown envelope.
"Gusto n'yo po bang ihanda ko na ang inyong pampaligo?" tanong ni Manang Jelly.
Tumango lang si Sebastian bilang tugon. Inilahad naman ng matanda ang hawak na brown envelope sa kanya.
"Pinaabot po ito ni Ma’am Seraphina," aniya.
Tinitigan ni Sebastian ang envelope pero hindi niya ito binuksan. Kaswal siyang nagtanong, "Nasaan siya?"
"Umalis po si Ma’am Seraphina. May dala siyang maleta, pero hindi ko po alam kung saan siya pumunta. Kayo po, sir, alam n'yo ba?"
Hindi agad sumagot si Sebastian. Sa halip, tumalikod siya at naglakad papunta sa lugar kung saan nagkalat ang mga bubog ng salamin.
"Umalis siya?" bulong niya sa sarili.
Biglang nag-ring ang cellphone ni Sebastian. Napatingin siya rito sandali bago inilapag ang brown envelope sa bedside table. Saglit siyang nag-atubili, pero nang makita ang pangalan sa screen, agad niyang sinagot ang tawag.
"Jude," wika niya, malamig ang tono.
Walang anumang pag-aalinlangan, mabilis niyang ibinaba ang tawag at lumabas ng kwarto. Mabilis ang bawat hakbang niya pababa ng hagdan, kinuha ang kanyang susi sa ibabaw ng console table, at agad na sumakay sa kanyang sasakyan. Hindi niya na nagawang magpaalam kay Manang Jelly.
Madilim na ang kalangitan nang marating niya ang destinasyon. Isang park—tahimik, halos walang katao-tao. Ang tanging maririnig ay ang mahina at paminsan-minsang huni ng mga kuliglig. Sa ilalim ng malabong liwanag ng poste, bumungad kay Sebastian ang isang pamilyar na pigura.
Si Jude.
Nakatayo ito sa gitna ng parke, nakayuko nang bahagya, tila may dinaramdam. May hawak itong isang bagay, pero hindi niya maaninag kung ano. Lumapit si Sebastian, ramdam ang malamig na hangin ng hatinggabi na dumadampi sa kanyang balat.
"Ano ‘to, Jude?" tanong niya, bahagyang nakakunot ang noo.
Hindi agad sumagot si Jude. Sa halip, unti-unting tumingin ito kay Sebastian, mabigat ang ekspresyon, bago iniabot ang hawak nitong bagay.
"Ano 'to? At tinawagan mo pa ako kahit malalim na ang gabi," inis na wika ni Sebastian habang tinitigan si Jude.
Galit na tumawa si Jude, isang mapait na tawa na puno ng paninisi. "For real? Wala ka talagang pakialam sa asawa mo? Paano kung nasa panganib siya? Ni hindi mo man lang naisip 'yon?"
Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Sebastian. Blangko, malamig, walang kahit anong bahid ng pag-aalala.
"Kung mamatay man siya..." aniya, walang pag-aalinlangan sa boses. "Edi sana mamatay na lang siya. Para maging malaya na ako sa kanya."
Nanigas si Jude sa sagot ni Sebastian, hindi makapaniwala sa narinig. Nanginginig ang kanyang kamay habang mahigpit na hawak ang dala niyang bagay.
"Sebastian..." mahina ngunit puno ng poot ang kanyang tinig. "Hindi mo alam ang sinasabi mo."
Ngunit hindi na sumagot si Sebastian. Tahimik siyang tumingin kay Jude, tila wala na siyang pakialam sa usapan.
“Sana mamatay nalang siya.”
Hindi na hinintay ni Sebastian na magsalita pa si Jude. Tinalikuran niya ito at agad na sumakay sa kanyang sasakyan, diretso pauwi. Habang nasa daan, ramdam niya ang kumukulong galit sa kanyang dibdib—galit sa asawa niyang animo'y laging humihingi ng atensyon, galit sa lahat ng nangyayari sa kanya. Para bang hindi pa sapat ang lahat ng pinagdaraanan niya, may idinagdag na namang panibagong sakit ng ulo."Akala ko, pagkatapos naming ikasal, mawawala na ang problema ko. Punyetang pamilya!" singhal niya bago malakas na sinuntok ang manibela.Napapikit siya saglit, pilit nilalabanan ang bumabalik na alaala—ang araw na ipinakilala siya ng kanyang lolo kay Seraphina.-Flash back-Habang nasa date si Sebastian kasama ang kanyang kasintahan na si Diane, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pinilit niyang balewalain ito, ngunit nang paulit-ulit itong nag-ring at nakita niyang si Lolo ang tumatawag, napabuntong-hininga siya at napilitan itong sagutin."Come to my office. Let’s have lunch toget
Nakaharap si Seraphina sa HR representative, nakaupo ng tuwid at maingat na nakapulupot ang kanyang mga kamay sa kanyang kandungan. Muling sumulyap ang opisyal sa kanyang resume bago ngumiti ng magalang."Seraphina Faye Dee-Singson," aniya, binibigkas ang pangalan niya nang malinaw bago muling tumingin sa kanya. "Maraming salamat sa pagpunta ngayon."Bahagyang tumango si Seraphina at gumanti ng magaan na ngiti. Pamilyar na sa kanya ang prosesong ito—una, babasahin ang kanyang pangalan, susundan ng ilang katanungan."Batay sa iyong resume, may hawak kang mga degree sa Early Childhood Education at Economics." Bahagyang tumango ang HR officer habang iniikot ang ballpen sa pagitan ng mga daliri. "Impressive credentials, However, most of your professional experience has been as a company secretary for nearly fifteen years. Could you tell me more about that career path and what led you to apply for a teaching position now?"Tahimik na tumingin si Seraphina sa opisyal, panatag ang kanyang ek
Napangiti si Seraphina nang marinig ang boses ng kaniyang kaibigang si Jude.“Unang araw mo sa Davao, ‘di ba? Kumusta? Is everything okay?” tanong nito mula sa kabilang linya.Dahil sa ingay ng paligid—ang tunog ng scanner ng cashier, ang usapan ng ibang mamimili, at ang anunsyo sa mall—hindi masyadong narinig ni Seraphina ang sinabi ni Jude.“Ha? Ano ‘yun? Hindi kita marinig, tatawagan na lang kita ulit.” sagot niya bago mabilis na ibinaba ang tawag.Binuksan niya ang messenger app at mabilis na nag-type ng mensahe:Seraphina: Ang ingay dito sa mall, hindi kita marinig. Call kita mamaya pag nasa bahay na ako!Matapos i-text si Jude, inilagay ni Seraphina ang cellphone sa loob ng kaniyang bag at muling ibinalik ang atensyon sa cashier na patuloy na sina-scan ang kaniyang mga pinamili. Napatingin siya sa monitor at bahagyang nagulat nang makita ang total—nasa sampung libo na. Pero sa kaniya, maliit lang ang halagang iyon.Hinugot niya ang wallet mula sa bag at saglit na natigilan. Ilan
"Papuntahin mo nga muna si Andrea sa opisina," utos ni Sebastian sa kanyang head secretary na si Jude. Walang imik na tumango si Jude bago lumabas ng silid at nagtungo sa opisina ng mga sekretarya.Habang hinihintay niya si Andrea, ibinalik ni Sebastian ang pansin sa kanyang iPad, ngunit hindi niya tuluyang maituon ang isip sa binabasa. May kutob na siyang alam niya kung ano ang laman ng dokumentong ipapasa sa kanya.Makalipas ang ilang minuto, marahang kumatok si Andrea bago pumasok sa silid. Lumapit ito sa mesa niya at inilapag ang isang sobre.Napatingin si Sebastian sa papel, bahagyang nagtaas ng kilay bago ito kinuha. “What’s this?” malamig niyang tanong.Napakapit si Andrea sa hawak niyang folder, halatang alanganin. "Ano po, resignation letter ni—""I see." Hindi na hinintay ni Sebastian ang buong paliwanag. Pinisil niya ang tulay ng kanyang ilong bago ibinaba ang papel sa mesa. "Then go find a new secretary."Nag-aalangan man, tumango si Andrea. "Opo, sir." Inilahad niya ang f
“Seb,” mahinhin na tawag ni Diane kay Sebastian.Napabuntong-hininga si Sebastian bago siya tumingin kay Diane, halatang iritado. “Hindi ka pa pala nakaalis. Gusto mo bang ihatid na kita?” tanong niya. Tahimik na tumango si Diane.Tumayo si Sebastian, kinuha ang kanyang susi at cellphone na nasa mesa, saka tumingin kay Diane. “Mauna ka nang lumabas,” malamig niyang utos. Kita sa mata niya ang kawalan ng emosyon.Pagkabukas ng pinto, sumalubong sa kanila si Jude, kasama ang anak nitong si Chantal. Napatingin si Chantal kay Diane, halatang nagtataka. Si Jude naman ay agad tumingin kay Sebastian na may matalim na tingin.“Saan ka pupunta, Sebastian? Nasa gitna ka ng trabaho, tapos aalis ka?” matigas na tanong ni Jude.Napailing si Sebastian, halatang naiinis. “You know what, Jude? Gawin mo na lang ang trabaho mo sa kumpanya. I’m the CEO—”“I’m one of the shareholders of this company, Sebastian,” mariing putol ni Jude. “Kaya may karapatan akong pagsabihan ka kung hindi mo ginagampanan ng
Alas sais na ng gabi, at nagsialisan na ang mga trabahante ng kumpanya. Si Jude na lang ang natitira sa loob ng kanyang opisina, nakatitig sa kanyang cellphone na nakahiga sa mesa. Nagdadalawang-isip siya kung rereplyan ba si Seraphina at ipapaalam na hinahanap na siya ng kanyang ama.Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina. Agad niyang pinatay ang cellphone at itinaas ang tingin. Sa may pintuan, nakatayo si Sebastian. Tahimik itong pumasok, at napilitan namang tumayo si Jude mula sa kanyang upuan.Saglit silang nagkatitigan bago nagsalita si Sebastian, ang tinig nito ay malamig at walang bahid ng emosyon.“Jude, alam kong alam mo kung bakit ako nandito.”Hindi nagbago ang ekspresyon ni Sebastian—wala ni anong galit o pang-aakusang makikita sa kanyang mukha. Parang pumunta lang siya doon para hanapin ang kanyang asawa dahil gusto itong makita nina Mama at Papa.Napabuntong-hininga si Jude bago sumagot.“Alam ko,” aniya, matigas ang tinig. “Pero wala a
Inis na tumayo si Sebastian at walang sabi-sabing umalis sa unit ni Diane. Mabilis niyang isinara ang pinto at diretso siyang nagtungo sa elevator.Pagkapasok, pinindot niya ang button pababa patungong parking lot. Nakatitig siya sa number panel, halatang naiinip, habang walang tigil sa pagtapik ng daliri sa kanyang hita.Nang biglang bumukas ang elevator sa third floor, agad siyang napairap. "Tangina naman," bulong niya sa sarili, lalo pang nadagdagan ang pagkainis niya.Sa wakas, nang makarating siya sa parking lot, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Malalaki ang mga hakbang niyang tinahak ang daan patungo sa kanyang sasakyan. Pagkasakay, agad niyang pinaandar ang makina at marahas na pinaharurot ang kotse palabas.Habang mabilis na binabagtas ni Sebastian ang daan patungo sa mansyon ng kanyang mga magulang, mahigpit niyang hinawakan ang manibela. Alam niyang hindi siya ipapatawag ng kanyang ina nang walang mabigat na dahilan.Pagdating niya sa mansyon, agad siyang sinalubong ng pers
“Kailangan mong hanapin siya, gaano man katagal, Sebastian,” matigas na wika ng kanyang ina bago siya tuluyang lumabas ng silid.Naiwan namang nakatulala si Sebastian, nakatingin sa mga nagkalat na envelope sa sahig. Agad niya iyong pinulot at itinapon sa basurahan. Matapos niyang ayusin ang kalat, lumabas siya ng silid at napahinto nang makita ang kanyang kapatid na si Jude, nakasandal sa pader, tahimik na nakamasid sa kanya.“Ano’ng ginagawa mo rito?” malamig na tanong ni Sebastian. “Nandito ka rin ba para husgahan ako sa mga ginawa ko, Kuya? Sige, sabihin mo na.”Walang imik na inayos ni Jude ang kanyang postura bago iniabot kay Sebastian ang isang plastic bag.Kinuha iyon ni Sebastian at binuksan, agad niyang nakilala ang laman—ang cellphone ni Seraphina. Ang parehong cellphone na minsan niyang ibinigay kay Chantal noong kaarawan nito, ngunit tinanggihan ng anak.“Bakit nasa iyo ‘to?” kunot-noong tanong ni Sebastian.“Ibinigay niya sa akin,” sagot ni Jude. “Ipinapasira na niya, pe
Bukas ng umaga, aalis na si Seraphina patungong Italy. Hindi niya alam kung kailan siya babalik, kaya napagdesisyunan niyang bumalik muna sa kanyang nirentahang apartment upang ayusin ang mga natitira niyang gamit. Habang nakaupo sa kanyang kama, pinagmasdan niya ang mga gamit na kanyang binili—mga gamit na hindi na niya madadala sa kanyang pag-alis.Napabuntong-hininga siya, halatang nag-aalangan kung ano ang dapat niyang gawin."Sayang naman kung hindi ko magagamit ang mga ito…" bulong niya sa sarili habang nakatingin sa kanyang kapatid na abala sa pag-aayos ng ibang gamit.Napansin nito ang kanyang pagkadismaya at agad siyang tinapik sa balikat. “Let me take care of that. Huwag ka nang mabahala,” anito, may bahagyang ngiti. “Yung laman ng ref mo, ipamigay mo na lang sa mga kapitbahay mo. Sayang kung masisira lang.”Napatingin siya sa refrigerator. Binuksan niya ito at napansin niyang puno pa ito ng pagkain—may mga sariwang gulay, karne, at iba't ibang klase ng processed food. Hindi
Kasama ngayon ni Seraphina ang kanyang kapatid habang naglalakad patungo sa korte. Huling araw na niya ito para asikasuhin ang kaso, at ngayong araw na rin ilalabas ang pinal na desisyon ng hukuman. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon, kaya hindi niya napigilan ang pagbuntong-hininga habang papasok sa court hall. Pilit niyang pinapanatili ang kanyang kumpiyansa, ngunit hindi niya maikakaila ang kaba na bumabalot sa kanyang dibdib.Habang nililibot ng kanyang paningin ang paligid, agad niyang napansin si Diane na nakaupo sa kabilang bahagi ng hall, kasama ang kanyang ina. Tahimik lang itong nakamasid, halatang nag-aalala rin sa magiging hatol. Gayunpaman, isang bagay ang kapansin-pansin—wala doon ang ama ni Diane."I guess his father never showed. Nakakahiya naman kasi," bulong ng kanyang kapatid, may bahid ng pangungutya sa tinig nito.Napakunot-noo si Seraphina at agad siyang sumulyap ng masama sa kanyang kapatid, na tila sinasaway ito sa pagiging mapanuri sa sitwasyon ng iba. Hindi n
“Finally, tapos na din,” wika ni Seraphina matapos niyang ligpitin ang kanyang mga kagamitan.Katatapos lang ng exam, at ngayon, isang mabigat na desisyon ang kanyang nagawa—magre-resign siya upang makapag-focus sa kaso laban kay Diane. Matagal niyang pinag-isipan ito, at kahit mahirap iwan ang trabahong minahal niya, alam niyang kailangan niyang unahin ang laban na matagal na niyang gustong tapusin.Nagpatuloy ang mga hearings, at sa bawat pagharap niya sa korte, ramdam niya ang pagod—hindi lamang sa pisikal kundi pati na rin sa emosyonal. Minsan, gusto na niyang sumuko, gusto na niyang iurong ang kaso para lang matapos na ang lahat ng sakit na dulot nito. Pero sa tuwing naiisip niya ang nangyari, ang mga alaala ng kawalang-hustisyang natanggap niya, napipilitan siyang ipagpatuloy ang laban.“Ms. Sep, talagang aalis ka na talaga?” tanong ni Ma’am Ge, isa sa kanyang mga kasamahan sa trabaho. Kita sa mukha nito ang lungkot at panghihinayang.Napangiti si Seraphina kahit may bahagyang p
“Let’s go,” wika ni Seraphina, kasabay ng pagtango ni Althea bilang pagsang-ayon. Hindi na sila nag-aksaya ng oras at tuluyang lumabas ng arena. Sa paglabas nila, kaagad silang pumara ng taxi upang makaalis.“Punta muna tayo sa isang burger house,” suhestiyon ni Althea habang inaayos ang kanyang buhok. Tumango lang si Seraphina, halatang walang reklamo sa mungkahi ng kaibigan. Pagdating nila sa burger house, agad na nagtungo si Althea sa counter upang umorder ng pagkain, samantalang si Seraphina naman ay nanatiling nakatayo at tahimik na inilibot ang paningin sa paligid.Habang abala si Althea sa pagpili ng kanilang kakainin, si Seraphina naman ay tila nalulunod sa sarili niyang isipan. Maraming tao sa paligid—mga magkakaibigang nagtatawanan, mga pamilya na masayang nagsasalu-salo, at ilang magkasintahang punong-puno ng lambing sa isa’t isa. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Hindi niya maiwasang maalala ang isang bagay—o isang tao.Kailan nga ba ang huling beses n
Napataas ang kilay ni Seraphina habang nakatingin kay Gorge. Ramdam niyang para bang hinuhusgahan siya nito, ngunit wala siyang pakialam. Hindi niya kailangang ipaliwanag ang sarili niya, lalo na sa isang taong mahilig makialam sa hindi naman niya dapat pinapakialaman.“Si Sebastian ba ang hinahanap mo?” tanong ni Gorge, may bahid ng panunuyang nakapaloob sa kanyang tinig. Ang ngisi nito ay nagpapahiwatig ng kung anong iniisip na tila nais niyang iparamdam kay Seraphina.Mabilis siyang sumagot, hindi pinapahalata ang inis na unti-unting nabubuo sa kanyang dibdib. “I’m not looking for him, at saka ano ba ang pakialam mo?” madiin niyang wika, nakatingin nang diretso sa mga mata ni Gorge. Hindi niya gusto ang tono nito, ang paraang ginagamit nito upang painitin ang ulo niya.Ngunit sa halip na umurong o tumigil, mas lalo pang lumapad ang ngiti ng lalaki, tila ba natutuwa na nakikita siyang naiinis. “Oh, a loving wife is here—”Bago pa man matapos ang kanyang pangungutya, hindi na nakapag
Napansin ni Seraphina ang malinaw na pagkakaiba ng ugali nina Austin at Sebastian. Si Austin ay kalmado at tila palaging may hinahon sa bawat kilos, samantalang si Sebastian ay hindi mapakali—parang laging may kinikimkim na galit sa mundo. Siguro nga, naisip niya, may kinalaman ito sa pananaw nila sa buhay o sa kung paano sila pinalaki. Habang iniisip niya ito, napabalik ang kanyang pansin sa kasalukuyang nangyayari sa paligid.Biglang napatalon sa tuwa ang kanyang anak na si Chantal, kasama ang kaibigan nito, habang todo hiyaw sa excitement. Hindi niya maiwasang mapatingin kay Althea, na ngayon ay sobrang abala sa pagsuporta sa paborito nitong manlalaro. Tila ba wala na itong pakialam sa kanya, lubos na nahahatak ng init ng laban.“Magbanyo muna ako, beh,” mahinahong wika ni Seraphina kay Althea. Ngunit tulad ng inaasahan, hindi siya nito pinansin, kaya napagdesisyunan niyang umalis na lang.Pagdating sa banyo, agad niyang napansin ang mahabang pila ng mga taong naghihintay. Mabuti n
“You have them? Are you delusional?!” mariing sigaw ni Mari, hindi makapaniwala sa naririnig. “Diane, you are madly in love—blinded! Stop this insanity before it’s too late!”Ngunit hindi natinag si Diane. Bagkus, mas lalo pang tumibay ang determinasyon sa kanyang mga mata. Tumindig siya ng tuwid, ipinapakita ang paninindigan sa kabila ng galit at panghuhusga ng kanyang ina.“No one can stop me, Mom,” madiin niyang sagot, malamig ang kanyang tinig. “Kahit ikaw. Kaya please, huwag mo nang subukang pigilan ako. I don’t need your support or anything else.”Nanlumo si Mari sa sinabi ng anak. Kitang-kita niya ang pagiging matigas ng ulo nito, ang lubusang paniniwala na kaya nitong ipaglaban ang isang bagay na sa tingin ng lahat ay mali. Ilang beses na ba niya itong pinagbilinan? Ilang beses na ba niyang sinubukang ipaintindi sa anak ang tama at mali?Napatingin na lamang siya kay Diane, tila hinuhukay sa mga mata nito ang kahit katiting na pagsisisi—ngunit wala siyang nakita. Isang malamig
Malinaw. Malinaw pa sa sikat ng araw ang naging pahayag ni Ms. Ynez. Ang bawat salitang binitiwan nito ay tila patalim na tumarak sa sitwasyon, nag-iiwan ng hindi maitatangging epekto sa bawat isa sa silid.Napapikit na lamang si Romulo, ang ama ni Diane. Ramdam niya ang matinding bigat ng pangyayari, isang pagkadismayang hindi niya inaasahang mararanasan mula sa sariling anak. Wala na siyang alam kung ano pa ang maaari niyang gawin upang baguhin ang sitwasyon. Alam niyang hindi niya maaaring pwersahin o takutin ang dalaga upang makuha ang gusto niya—hindi kung ayaw niyang makalaban ang tiyuhin nito, isang taong hindi niya gugustuhing maging kaaway. Ang pangalan pa lamang nito ay sapat ng magpabigat sa kanyang loob.Huminga siya ng malalim bago tumayo. May hinanakit man sa dibdib, kinailangan niyang panatilihin ang anyo ng isang mahinahong tao. "I’m sorry again, Ms. Ynez. Aalis na ho kami," aniya, may bahagyang paggalang sa tinig.Walang imik si Seraphina. Tanging pagtango lamang ang
“I just want to settle everything in private. Hindi naman kailangang umabot pa sa ganito, Seraphina,” paliwanag ni Jude, ang boses niya ay puno ng pagsusumamo.Ngunit imbes na makuha ang simpatiya ng dalawa, lalo lamang nitong ikinairita si Seraphina at Althea. Pinilit ni Seraphina na panatilihing kalmado ang kanyang sarili, kaya't tumango-tango lang siya habang nakikinig, ngunit ramdam niya ang nag-aapoy na galit ng kaibigan.Hindi na napigilan ni Althea ang sarili. Matalim ang tingin niyang ibinato kay Jude habang mariing bumuntong-hininga.“Oh, here we go again! ‘I just want to settle everything in private, hindi naman kailangang umabot pa sa ganito, Seraphina.’” Inulit ni Althea ang sinabi ni Jude, ginagaya ang tono nito na may halong panunuya. “Cut your clout, Jude, kasi nakakarindi! Settle everything in private? And what about my best friend’s dignity? Private lang din ba iyon pagkatapos ng lahat ng nangyari? Nag-iisip ba kayo?”Puno ng poot ang boses ni Althea, ramdam ang matin