Alas sais na ng gabi, at nagsialisan na ang mga trabahante ng kumpanya. Si Jude na lang ang natitira sa loob ng kanyang opisina, nakatitig sa kanyang cellphone na nakahiga sa mesa. Nagdadalawang-isip siya kung rereplyan ba si Seraphina at ipapaalam na hinahanap na siya ng kanyang ama.Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina. Agad niyang pinatay ang cellphone at itinaas ang tingin. Sa may pintuan, nakatayo si Sebastian. Tahimik itong pumasok, at napilitan namang tumayo si Jude mula sa kanyang upuan.Saglit silang nagkatitigan bago nagsalita si Sebastian, ang tinig nito ay malamig at walang bahid ng emosyon.“Jude, alam kong alam mo kung bakit ako nandito.”Hindi nagbago ang ekspresyon ni Sebastian—wala ni anong galit o pang-aakusang makikita sa kanyang mukha. Parang pumunta lang siya doon para hanapin ang kanyang asawa dahil gusto itong makita nina Mama at Papa.Napabuntong-hininga si Jude bago sumagot.“Alam ko,” aniya, matigas ang tinig. “Pero wala a
Inis na tumayo si Sebastian at walang sabi-sabing umalis sa unit ni Diane. Mabilis niyang isinara ang pinto at diretso siyang nagtungo sa elevator.Pagkapasok, pinindot niya ang button pababa patungong parking lot. Nakatitig siya sa number panel, halatang naiinip, habang walang tigil sa pagtapik ng daliri sa kanyang hita.Nang biglang bumukas ang elevator sa third floor, agad siyang napairap. "Tangina naman," bulong niya sa sarili, lalo pang nadagdagan ang pagkainis niya.Sa wakas, nang makarating siya sa parking lot, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Malalaki ang mga hakbang niyang tinahak ang daan patungo sa kanyang sasakyan. Pagkasakay, agad niyang pinaandar ang makina at marahas na pinaharurot ang kotse palabas.Habang mabilis na binabagtas ni Sebastian ang daan patungo sa mansyon ng kanyang mga magulang, mahigpit niyang hinawakan ang manibela. Alam niyang hindi siya ipapatawag ng kanyang ina nang walang mabigat na dahilan.Pagdating niya sa mansyon, agad siyang sinalubong ng pers
“Kailangan mong hanapin siya, gaano man katagal, Sebastian,” matigas na wika ng kanyang ina bago siya tuluyang lumabas ng silid.Naiwan namang nakatulala si Sebastian, nakatingin sa mga nagkalat na envelope sa sahig. Agad niya iyong pinulot at itinapon sa basurahan. Matapos niyang ayusin ang kalat, lumabas siya ng silid at napahinto nang makita ang kanyang kapatid na si Jude, nakasandal sa pader, tahimik na nakamasid sa kanya.“Ano’ng ginagawa mo rito?” malamig na tanong ni Sebastian. “Nandito ka rin ba para husgahan ako sa mga ginawa ko, Kuya? Sige, sabihin mo na.”Walang imik na inayos ni Jude ang kanyang postura bago iniabot kay Sebastian ang isang plastic bag.Kinuha iyon ni Sebastian at binuksan, agad niyang nakilala ang laman—ang cellphone ni Seraphina. Ang parehong cellphone na minsan niyang ibinigay kay Chantal noong kaarawan nito, ngunit tinanggihan ng anak.“Bakit nasa iyo ‘to?” kunot-noong tanong ni Sebastian.“Ibinigay niya sa akin,” sagot ni Jude. “Ipinapasira na niya, pe
“Ano kayang nangyari kay Dad, Manang?” nagtatakang tanong ni Chantal sa katulong. Napabuntong-hininga ang bata at pinagdikit ang mga labi, tila nag-iisip.“Whatever. But I’m so happy, Manang! Hindi ko akalaing susundan talaga ni Dad si Tita Diane sa Davao. He really loves her so much. At pumayag pa siya sa utos ni Lola na i-manage ‘yung school,” masayang sabi ni Chantal bago siya saglit na natigilan at umupo sa sofa.Tahimik na sumunod ang katulong at tumayo sa tabi niya. Ilang sandali pa, muling nagsalita si Chantal.“Let’s go upstairs, Manang! Let’s pack my things—‘yun naman ang utos ni Dad, ‘di ba?” ani Chantal, sabay tayo mula sa sofa.Mabilis itong tumakbo paakyat sa kanyang kwarto, bakas ang excitement sa kanyang mukha.Masaya pa rin si Chantal habang nasa kwarto, patuloy na umaawit at sumasayaw sa kama.Makalipas ang ilang sandali, bigla niyang naalala ang kanyang ina, si Seraphina.Sa mga nakaraang araw, dahil hindi siya tinawagan ng kanyang ina, nanatili siyang nasa mabuting m
Napatingin na lang si Sebastian sa kanyang anak, na napabuntong-hininga. Napailing siya nang maalala niya ang kanyang asawa habang tinitingnan ang anak niya. Pilit niyang iniisip na magkaiba sila—his daughter was more emotionally expressive. Madaling mababasa sa mukha nito kung siya’y galit, masaya, malungkot, o nadidismaya. Hindi tulad ng kanyang asawa, na parang robot—walang kahit anong emosyon na makikita sa mukha.Lumabas na si Sebastian sa kwarto ni Chantal, at sumunod naman sa kanya si Manang Jelly.“Tapos ka na ba sa pag-aayos ng gamit ni Chantal?” tanong niya sa matanda nang maramdaman niyang sumusunod ito sa kanya.“Sir, pinapakalma ko muna si Chantal. Babalikan ko iyon mamaya,” sagot ni Manang Jelly. “Nga pala, sir, ano po pala 'yung gusto n’yong itanong sa akin?”Napabuntong-hininga na lang si Sebastian. Ipinakita niya ang brown envelope na hawak niya kay Manang Jelly.“Bakit po, sir? May problema ba diyan? ‘Yan po ‘yung pinaabot sa akin ni Ma’am Seraphina,” ani Manang Jell
Matagal nang hindi nagkita ang dalawa, kaya habang naglalakad sila, sinamantala nila ang pagkakataong makapagkumustahan tungkol sa kanilang mga karera."Nagtuturo ka na ngayon sa Tagum, tama ba? Sa isang unibersidad?" tanong ni Althea.Tumango si Seraphina. "Oo. Medyo mahirap, lalo na sa schedule at workload, pero mas gusto ko ito kaysa sa trabaho ko noon sa Maynila.""Mabuti naman at masaya ka sa ginagawa mo ngayon—""Pero minsan, natatakot pa rin ako. Lalo na ngayon," amin ni Seraphina, bahagyang bumaba ang kanyang boses.Napabuntong-hininga si Althea. Ilang sandali pa lang silang nag-uusap, ngunit ramdam na niya ang pagbabago kay Seraphina. Ang dating masiglang babae na kilala niya noon ay tila may dinadalang bigat sa dibdib.Sa pag-iisip tungkol kay Seraphina, hindi kailanman naisip ni Althea na darating ang araw na maiuugnay niya ang salitang "inferiority complex" kay Seraphina.Ang buhay mag-asawa nina Seraphina at Sebastian—hindi niya ito lubos na alam. Pero may ideya siya.May
Nakita ni Seraphina ang reaksyon sa mukha ni Trisha—nakangiti ito, ngunit bakas ang pagkabigla sa kaniyang mga mata."Siguro nagbibiro lang siya," naisip ni Trisha. Hindi kailanman nagawang tanggihan ni Seraphina ang anumang hiling niya noon. Pero ngayon, tila wala na siyang pakialam.Alam ni Seraphina na matagal nang nagbago ang pakikitungo ni Trisha sa kaniya. Hindi na ito tulad ng dati. Napangiti siya, ngunit may bahid ng pait sa kaniyang ekspresyon."Si Sebastian at Chantal ay wala na sa tabi mo ngayon," mariing wika ni Trisha, may halong panunuya sa boses. "Ano pa ang magagawa mo?"Sa halip na sumagot, natawa si Seraphina nang mapait. Sa loob ng maraming taon, isinantabi niya ang sarili, ibinuhos ang buhay niya kay Sebastian at sa kanilang anak. Umiikot ang mundo niya sa kanila, hanggang sa nakalimutan na niya kung sino siya.At ngayon, ito ang tingin nila sa kaniya? Parang wala siyang halaga?Tama lang ba iyon?Ngunit hindi na siya papayag na manatili sa ganoong sitwasyon. Hindi
Alas-diyes ng gabi ng araw ding iyon, eksaktong dumating sa paliparan ang eroplanong sinakyan nina Sebastian at Chantal.Pagkauwi nila sa bahay, mag-aala-una na ng madaling araw.Mahimbing nang natutulog si Chantal bago pa sila makarating.Maingat siyang binuhat ni Sebastian paakyat sa kwarto nito. Habang naglalakad siya sa pasilyo, napansin niyang bukas ang pinto ng master bedroom, pero madilim sa loob. Saglit siyang natigilan bago nagpatuloy sa kwarto ni Chantal.Matapos niyang ihiga ang anak sa kama at takpan ng kumot, bumalik siya sa kanilang silid. Binuksan niya ang maliit na ilaw sa tabi ng kama at napatingin sa kutson—walang tao.Sakto namang dumating si Ara ang kasambahay na nag-aalaga sa bahay nilang mag-asawa dito sa Davao, dala ang ilan sa kanilang bagahe. Habang tinatanggal ni Sebastian ang kurbata niya, nagtanong siya nang walang emosyon sa boses, “Dumating na ba siya?”Agad na sumagot ang matandang kasambahay, “Wala po, Sir.”Napalunok si Sebastian.Kalahating buwan na a
Pagkalipas ng isang buwan matapos ang gabing iyon, ay hindi na pinatahimik si Sebastian ng kanyang pag-iisip. Araw at gabi, walang humpay ang pag-ikot ng mga tanong at alaala sa kanyang isipan—at ang nakapagtataka pa, si Seraphina ang laman nito. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang naging abala sa pag-iisip tungkol sa kanyang asawa, isang bagay na hindi niya kailanman nagawa sa buong sampung taon nilang pagsasama. Parang isang panibagong emosyon ang unti-unting umuusbong sa kanyang dibdib—hindi kilala, hindi pamilyar, at lalo’t higit, hindi niya inaasahan.Napabuntong-hininga siya habang naupo sa kanyang swivel chair, napasandal at muling napapikit. Sa kanyang pag-idlip, tila muling nabuhay ang alaala ng gabing iyon—isang gabing hindi niya malilimutan, isang gabing paulit-ulit bumabalik sa kanyang isipan na parang isang bangungot na ayaw siyang tantanan.Gising siya ng gabing iyon—hindi siya dinalaw ng antok, at parang may kung anong kaba sa kanyang dibdib. Hindi nagtagal,
Pagkatapos ng nangyari noong gabi ng salu-salo, nanatiling nakakulong sa loob ng apat na sulok ng kwartong iyon ang lahat ng sumunod. Dalawang buwang buong-buo na ang lumipas mula noon, at dahil sa sunod-sunod na abalang iskedyul, parang isang iglap lang ang lumipas na panahon. Para kay Seraphina, wala nang dahilan para ungkatin pa iyon. Wala siyang intensyong pag-usapan ito, ni banggitin man kahit bahagya. Sa isip niya, isa lamang iyong sandaling bunga ng kalasingan—dulot ng alak na, sa hindi nila nalalaman noon, ay may halong droga. Walang kahulugan. Isang pagkakamali lamang na nangyari sa ilalim ng impluwensiya ng lasing na isipan.Simula noon, nalunod si Seraphina sa sunod-sunod na responsibilidad. Araw-araw ay punô ng mga miting, legal na papeles, at walang katapusang tawag. Bawat oras na siya’y gising ay inuukol niya sa pagtugis sa kaniyang malapit nang maging dating asawa—pilit siyang humahanap ng katarungan, o baka isang pagsasara ng kabanata, para sa nangyaring hindi niya kay
Warning: SPGAng pakiramdam na nararamdaman ni Seraphina ay bago sa kanya—isang kakaibang halo ng sakit, hiya, at isang bagay na hindi niya mabigyan ng pangalan. Habang unti-unting pinapasok ng kanyang asawa ang kanyang daliri sa maselang bahagi ng kanyang katawan, naramdaman niya ang pag-igting ng kanyang kalamnan, ang pagkabog ng dibdib na tila lalabas sa kanyang balat.“Please… Ahh, masakit,” daing niya, bahagyang nanginginig ang boses, at ang mga mata’y nakapikit habang ang kanyang mga daliri ay mahigpit na kumakapit sa sapin ng kama. Ngunit sa kabila ng pakiusap, hindi huminto si Sebastian. Hindi dahil sa kawalan ng malasakit—kundi marahil dahil sa alam niyang may kailangang ilabas, may kailangang wakasan, may kailangang simulan.At sa di inaasahang sandali, ang kirot ay unti-unting napalitan ng kakaibang sarap. Para bang ang hapdi ay naging hudyat ng isang damdaming matagal nang kinulong. Ramdam niya ang bawat paglabas-masok ng daliri ni Sebastian—paulit-ulit, mas malalim, mas de
Warning: SPG [Droga, Sexual]“Ang init… masakit ang aking puson,” dagdag ni Seraphina, halos paungol na ang boses, punong-puno ng kaba at tila may halong desperasyon. Napapikit siya habang pilit kinakalmang ang sarili, pero ramdam niyang parang may humihigop ng lakas niya mula sa loob.Napakuyom ng kamao si Sebastian. Gusto niyang lapitan si Seraphina, gusto niyang alalayan ito, yakapin man lang. Ngunit kahit siya ay halos hindi na makalakad ng maayos—nilalagnat ang katawan, nanlalambot ang tuhod, at parang umiikot ang paligid.Pinagmasdan niya ang asawa—pawisan, namumungay ang mata, at bahagyang napapahawak sa tiyan. Sa kabila ng pagkalito, hindi maitatanggi ni Sebastian ang pagkabog ng kanyang dibdib. Ang kanyang asawa… sa ganitong estado… at pareho silang biktima ng kung anuman ang inilagay sa inumin nila.Hindi niya magawang makalapit. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil takot siya sa pwedeng mangyari—takot na baka mawalan siya ng kontrol, takot na masaktan lalo si Seraphina, lalo n
Habang nasa jacuzzi si Sebastian, nakapikit siya’t sinisikap kalmahin ang sarili. Ang init ng tubig ay bahagyang nagpapagaan sa tensyong nararamdaman niya, pero hindi pa rin iyon sapat upang tuluyang mawala ang inis sa kanyang dibdib. Maya-maya, isang pamilyar na tunog ang umalingawngaw—ang pagsara ng pintuan. Napadilat siya, ngunit hindi siya gumalaw.Siguro si Diane lang iyon… o baka cleaning service, bulong niya sa sarili, pilit ipinagsasawalang-bahala ang tunog. Ayaw na niyang mag-isip. Gusto lang niyang magpahinga. Ngunit habang patuloy siyang nagbababad, unti-unti niyang naririnig ang mahinang tinig ng isang babae mula sa loob ng kwarto. Hindi iyon ang boses ni Diane.At habang lalong lumalakas ang bawat hinaing ng babae, mas malinaw na niyang naririnig ang bawat salita.“What if I never gave birth to Chantal?”Nanlaki ang mga mata ni Sebastian. Bigla siyang napatigil sa paggalaw. Ang malamig na pakiramdam ng gulat ay tila kumalaban sa init ng tubig na bumabalot sa kanyang kataw
Sa gitna ng masiglang kasayahan sa party, walang ibang inatupag si Seraphina kundi lunurin ang sarili sa alak. Walang ni isang salita na nais niyang marinig mula sa kanyang ama o kapatid—lalo na’t pagkatapos ng lahat ng nalaman niya ngayong gabi. Kaya’t nagpasya na siyang manatili sa hotel para sa gabing iyon. Isang gabi lang, malayo sa tanong, sa intriga, at sa masalimuot na katotohanang pilit na sumisiksik sa kanyang mundo.Ilang beses na niyang sinubukang tawagan at i-text ang kanyang tiyuhin ngunit walang sagot. Marahil ay hindi nito marinig ang ringtone dahil sa malakas na tugtugin sa loob ng banquet hall. Kaya’t sa halip na humanap ng sagot mula sa iba, pinili na lang niyang sumandal sa mesa sa tabi, tahimik na umiinom ng alak, isa… dalawa… hanggang sa hindi na niya mabilang.May mga waiter na palakad-lakad, nag-aalok ng pagkain, at sa hindi inaasahan, natuwa si Seraphina nang mapansing may hinain na litson—paborito niya. Napangiti siya kahit papaano.“Ma’am, you’re drunk na po,
“I’m just angry at that time, hija… sorry, dad is not perfect. I don’t know everything. I just wanted to make things smoother,” wika ng kanyang ama, ang tono nito'y tila pagod at punô ng pagsisisi. “Nakaplano na iyon… it’s just that I realized not all plans go well, kasi ‘yun naman ang realidad. I just recently found out what you’ve been through… your mom, she always bothers me in my sleep after what happened between us.” Kasunod nito ay isang malalim na buntong-hininga.Tahimik si Seraphina habang pinagmamasdan ang kanyang ama. Pero sa loob niya, may pader na nabuo—isa na hindi basta-basta mababasag ng simpleng “sorry.”“Is that so? ‘Yun lang, Dad?” tanong niya, pilit pinipigilan ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. “Hindi ko dinamdam ‘yon, pero… all along, I was just a plan? Plano niyo rin bang ipakasal ako kay Sebastian? Why? Am I just a tool?” sabay lingon sa kanyang kapatid, ang tinig niya’y tumalim gaya ng tingin.Napalunok ang kanyang kapatid, halatang hindi inaasahan ang b
"Oh, Ms. Suarez, hindi ko inakalang makikita kita rito," wika ni Hugo sabay ngiti. Sa panlabas, tila kaswal at magiliw ang tono niya, ngunit sa ilalim ng kanyang ngiti ay ang lalim ng isang taong matagal nang alam ang mga larong nilalaro sa likod ng mga banqueting at diplomatiko.Kilala niya si Diane. Matagal na. Bilang family attorney ng Suarez, maraming lihim ang naipagkatiwala sa kanya—mga usaping pinansyal, legal, at personal. Sa katunayan, maging ang ama ni Diane ay may paggalang—o marahil takot—sa kanya. Hugo Ynez isn’t just a brilliant lawyer. He has connections. Deep, dangerous ones. Mga koneksyon na kayang magpabagsak ng pinakamataas kapag ginusto niya."Oo nga po," sagot ni Diane, may bahagyang ngiti sa labi. Hindi agresibo, ngunit may patagong tinik ang kanyang presensya. "Kasama ko si Mr. Singson. Naanyayahan siya sa banquet na ito ni Mr. Dee. Hindi ko nga inaasahang malapit pala sila sa isa’t isa," dagdag pa niya habang tiningnan si Hugo, pilit na walang ipinapakitang emo
“Kumusta ang pagbisita mo sa iyong anak?” tanong ng kanyang tiyuhin nang makapasok siya sa bahay. Ngunit nilampasan lang siya ni Seraphina, diretsong umupo sa couch na para bang gustong kalimutan ang lahat ng nangyari kanina.“Okay lang naman,” malamig niyang tugon, bago agad binago ang usapan. “By the way, mamayang gabi na ‘yung event, diba Tito?”“Yes, dear, mamayang gabi na nga. Are you ready?” tanong ng kanyang tiyuhin.Tahimik siyang tumango, kasabay ng marahang pag-exhale, pinipilit itikom ang mga damdaming hindi pa rin niya ganap na kayang buuin sa salita.Later that evening...Pagdating nila sa banquet hall, halos punô na ito ng mga bisita. Mamahaling chandelier ang nakasabit sa kisame, mga mesa ay puno ng wine, champagne, at mamahaling appetizer.Seraphina—suot ang beige silk dress na may simpleng hiwa sa gilid, buhok na nakalugay ngunit maayos ang pagkakaayos, at makeup na minimal ngunit elegante—ay agad nakatawag pansin sa mga panauhin. Her beauty was striking, but what tru