Nakita ni Seraphina ang reaksyon sa mukha ni Trisha—nakangiti ito, ngunit bakas ang pagkabigla sa kaniyang mga mata."Siguro nagbibiro lang siya," naisip ni Trisha. Hindi kailanman nagawang tanggihan ni Seraphina ang anumang hiling niya noon. Pero ngayon, tila wala na siyang pakialam.Alam ni Seraphina na matagal nang nagbago ang pakikitungo ni Trisha sa kaniya. Hindi na ito tulad ng dati. Napangiti siya, ngunit may bahid ng pait sa kaniyang ekspresyon."Si Sebastian at Chantal ay wala na sa tabi mo ngayon," mariing wika ni Trisha, may halong panunuya sa boses. "Ano pa ang magagawa mo?"Sa halip na sumagot, natawa si Seraphina nang mapait. Sa loob ng maraming taon, isinantabi niya ang sarili, ibinuhos ang buhay niya kay Sebastian at sa kanilang anak. Umiikot ang mundo niya sa kanila, hanggang sa nakalimutan na niya kung sino siya.At ngayon, ito ang tingin nila sa kaniya? Parang wala siyang halaga?Tama lang ba iyon?Ngunit hindi na siya papayag na manatili sa ganoong sitwasyon. Hindi
Alas-diyes ng gabi ng araw ding iyon, eksaktong dumating sa paliparan ang eroplanong sinakyan nina Sebastian at Chantal.Pagkauwi nila sa bahay, mag-aala-una na ng madaling araw.Mahimbing nang natutulog si Chantal bago pa sila makarating.Maingat siyang binuhat ni Sebastian paakyat sa kwarto nito. Habang naglalakad siya sa pasilyo, napansin niyang bukas ang pinto ng master bedroom, pero madilim sa loob. Saglit siyang natigilan bago nagpatuloy sa kwarto ni Chantal.Matapos niyang ihiga ang anak sa kama at takpan ng kumot, bumalik siya sa kanilang silid. Binuksan niya ang maliit na ilaw sa tabi ng kama at napatingin sa kutson—walang tao.Sakto namang dumating si Ara ang kasambahay na nag-aalaga sa bahay nilang mag-asawa dito sa Davao, dala ang ilan sa kanilang bagahe. Habang tinatanggal ni Sebastian ang kurbata niya, nagtanong siya nang walang emosyon sa boses, “Dumating na ba siya?”Agad na sumagot ang matandang kasambahay, “Wala po, Sir.”Napalunok si Sebastian.Kalahating buwan na a
“I see.”Malamig na sagot ni Sebastian kay Trisha bago siya tuluyang tumalikod at naglakad palayo mula sa AVR. Hindi man lang siya nag-abala pang tumugon sa mapanuyang tawa ng kapatid niya.Dire-diretso siyang naglakad patungo sa kanyang opisina, ngunit kahit na nasa loob na siya ng gusali, hindi niya maialis sa isip ang nakita niya kanina.Atty. Seraphina Faye Ynez Dee, Ed.D.Paulit-ulit na umalingawngaw ang pangalang iyon sa utak niya, kasabay ng bigat sa dibdib na hindi niya maipaliwanag.Pagkarating sa opisina, agad siyang naupo sa kanyang swivel chair. Hinilot niya ang sentido niya, pilit pinapakalma ang sarili.Bakit hindi niya alam?Dati, alam niyang sa opisina at sa bahay lang ang pinapalagian ni Seraphina, minsan lang ito nakakalabas dahil palaging pumupunta ang mga pamangkin niya kapag may free time si Seraphina. Bago pa siya tuluyang malunod sa sarili niyang isip, isang katok sa pinto ang pumukaw sa kanya.“Good morning, Sir Sebastian. Narito na po yung reports na kailanga
“Come on, let’s go,” wika ng ka-trabaho ni Seraphina habang nakatayo ito sa tabi ng kanyang desk. Nasa loob siya ngayon ng faculty office, alas dose na ng tanghali, free time kaya naisip nalang ni Seraphina na magpahinga. May klase pa siya mamayang ala-una, at sa totoo lang, nakakapagod ding lumabas para bumili ng pangtanghalian. Kaya naman, mas pinili niyang magdala nalang ng sariling pagkain.“Dito nalang ako kakain, Ma’am Ge. Medyo nakakapagod din maglakad, sa third floor pa ako later. Ire-reserve ko nalang ang energy ko para mamaya,” sagot ni Seraphina habang inaayos ang kaniyang lunch pack sa lamesa. Tumango naman si Ma’am Ge, saka lumabas kasama ang isa pa nilang kasamahan, si Ma’am Yen. Iniwan siyang mag-isa sa loob ng opisina, na tila isang tahimik na pahinga sa gitna ng abalang araw.Habang kumakain, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Saglit niyang tinigil ang pagkain at kinuha ang kanyang telepono. Nang makita niyang si Althea ang tumatawag, agad niya itong sinagot.“Fay
Hindi pa man nakababa si Seraphina mula sa third floor ng gusali ay bigla nang tumunog ang kanyang cellphone. Napahinto siya sandali upang sagutin ang tawag, ngunit nang mabasa niya ang pangalan ng tumatawag, bahagyang kumunot ang kanyang noo—Jude?Bahagya siyang nagdadalawang-isip bago sinagot ang tawag.“Hello, you're in Davao right now?” tanong ni Jude mula sa kabilang linya.Saglit na natahimik si Seraphina, hindi agad alam kung ano ang isasagot. Sa halip na huminto, nagpatuloy na lamang siya sa pagbaba ng hagdan, ang ingay ng kanyang mga hakbang ay sumasabay sa mahihinang tunog ng pag-uusap ng ilang estudyanteng nakakasalubong niya sa SOM building.“Nope, wala. Next week pa ako babalik para sa isang research presentation. Bakit?” sagot niya sa malamig na tono, animo'y isang sekretarya lamang na nag-a-update sa schedule ng kanyang boss. Walang bahid ng emosyon ang kanyang boses, tila wala siyang pakialam sa kung ano ang pakay ni Jude sa pagtawag.Sa kabilang linya, saglit na natah
“Make sure of that. Your brother is really giving me a headache—naiinis na ako sa kanya! Why can’t he just make the marriage work?” iritadong wika ng ina ni Jude habang nakakunot ang noo at nakapameywang.Napabuntong-hininga si Jude, hinaplos ang kanyang buhok at pilit na ngumiti upang pakalmahin ang ina. “Mom, please, cut the crap. I’ll fix this. Everything will be fine and back to normal,”Saglit siyang tiningnan ng kaniyang ina, tila sinusuri kung totoo ang sinasabi niya. Matapos ang ilang segundo, malalim itong bumuntong-hininga at umiling. “You better do something about this, Jude,” sagot nito bago mabilis na lumabas ng opisina.Nang tuluyang makaalis ang ina niya, napasandal si Jude sa kanyang swivel chair at muling napabuntong-hininga. Pakiramdam niya ay biglang bumigat ang mundo sa kanyang balikat.Umiling siya at agad na kinuha ang kanyang cellphone, saka dinial ang numero ni Sebastian. Ilang saglit siyang naghintay habang nagri-ring ang tawag, marahang pinipitik ang mesa gam
Napabuntong-hininga si Sebastian, pilit pinapakalma ang sarili sa harap ni Diane. Ramdam niya ang pag-init ng dugo niya, pero hindi niya maaaring hayaan ang sarili na sumabog sa galit. Kailangan niyang panatilihin ang kontrol. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kanyang upuan at lumapit kay Diane, ang kanyang tingin ay seryoso at mabigat.“Don’t you ever say that again. Please, don’t.” Mahinahon ngunit may bahid ng babala ang kanyang boses habang nakatitig kay Diane.Ngunit hindi pa rin natinag ang babae. Hindi niya hinayaan na basta na lang matabunan ang kanyang pagdududa sa mga sinabi ni Sebastian.“What is your business with her, Sebastian?” madiing tanong ni Diane, ang kanyang boses ay puno ng pangungutya at pagtataka. “She filed for divorce, Seb. Bakit hinahanap mo pa rin siya? Bakit mo siya gustong pauwiin?”Humigpit ang panga ni Sebastian bago siya muling huminga nang malalim, pilit pinoproseso ang sinasabi ni Diane. Hindi siya maaaring matinag—hindi siya maaaring bumigay. Dahan-
Narinig ang mahinang buntong-hininga mula kay Sebastian matapos niyang ibaba ang tawag. Marahan niyang ibinaba ang kanyang cellphone sa ibabaw ng mesa, saka ipinikit ang kanyang mga mata. Pilit niyang inaalala ang bawat detalye ng kanyang sitwasyon, sinusubukang pag-isipan kung paano niya masosolusyunan ang problemang kinakaharap nang hindi nasasakripisyo ang relasyon niya kay Diane. Alam niyang isang maling desisyon lang ay maaaring magdulot ng hindi kanais-nais na epekto, kaya't mas lalo siyang nag-isip nang masinsinan.Habang nilulunod siya ng kanyang sariling mga pangamba, muling tumunog ang kanyang cellphone. Agad siyang napadilat at inabot ito mula sa kanyang mesa. Nang tingnan niya ang screen, isang hindi rehistradong numero ang tumatawag. Sandaling nag-alangan si Sebastian—hindi niya alam kung dapat ba niyang sagutin ito o hindi. Sa huli, pinili niyang huwag sagutin ang tawag at muling ibinalik ang kanyang cellphone sa mesa. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at muli
"How are you, my dear brother? Did you enjoy my gift last week? The wine?"Nanlamig si Sebastian. Tila nanigas siya sa kinatatayuan niya, hindi makapaniwala sa narinig. Hindi niya inaasahan ang tawag na iyon — hindi sa araw na ito, hindi pagkatapos ng lahat ng nangyari.Ang simpleng pagbati ng tinig sa kabilang linya ay nagdala ng alon ng hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang katawan. Ang tono ng boses ay hindi ordinaryo — may halong panunukso at mapanganib na lambing, parang isang ahas na handang manila ng biktima, humahabi ng bitag na hindi mo namamalayan hanggang huli na ang lahat.Hawak pa rin ang cellphone sa tainga, si Sebastian ay napapikit, pilit pinipigilan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.Gift? Wine?Biglang bumalik sa kanyang isipan ang isang bote ng mamahaling alak na dumating sa hotel room niya noong nakaraang linggo — walang pangalan kung kanino galing, walang kahit anong indikasyon kung sino ang nagpadala. Akala niya noon ay simpleng corporate gesture lang ito mul
"You hard-headed bastard! Mahirap bang makinig sa akin? Just once, please, makinig ka naman," naiinis na wika ni Trisha kay Sebastian, ang kanyang tono ay puno ng pagod at frustration habang nakatingin sa kapatid niyang tila hindi nadadala sa mga payo niya."’Hindi mahirap makinig, but it’s not about listening," sagot ni Sebastian, hindi nagpapatalo, ramdam ang bigat ng kanyang loob. "You did it already, nagbigay ka na ng payo, but I need to do what I think is right. Sana noon ko pa ito nagawa," dagdag pa niya, habang pinipilit ipaintindi sa kapatid ang bigat ng kanyang desisyon. "After my daughter almost lost her life, I realized I can’t waste another moment. I don’t want that to happen again. I want to give her a complete family. I don’t want to be like Father. I don’t want to be him."Sa mga salitang iyon ay natahimik si Trisha. Tumigil siya sa paglalakad at napalunok, ramdam niya ang kirot sa dibdib. Alam niya kung gaano kalalim ang sugat na iniwan ng kanilang ama — isang babaeron
Isinuot na niya ang kanyang tuxedo, maingat na inayos ang kwelyo at siniguradong maayos ang bawat tiklop ng damit. Wala siyang inaksayang oras—pagkatapos magbihis ay agad na siyang lumabas ng kwarto, hindi man lang lumingon kay Diane na naiwan doon. She don’t want to talk to her, not on this night. Hindi niya kayang makipag-usap o makipagtalo, lalo na ngayon na masyado ng magulo ang lahat.Dumiretso siya sa villa, sakay ng kanyang itim na kotse. Habang nasa biyahe, tahimik ang paligid ngunit sa kanyang isipan ay parang may isang kaguluhang hindi matahimik. Ginugulo siya ng mga pangyayari—ang hindi inaasahang sitwasyon sa pagitan ng kanyang asawa at si Diane. Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin o maramdaman. He doesn’t know what to think. Tila ba kahit anong pilit niyang magpakatatag, ay may pumipigil sa kanya na makapagdesisyon ng maayos.Dahil abala siya sa malalim na pag-iisip at panandaliang nakalimot sa daan, hindi niya namalayang palapit na pala siya sa isang konkretong pos
Pagkalipas ng isang buwan matapos ang gabing iyon, ay hindi na pinatahimik si Sebastian ng kanyang pag-iisip. Araw at gabi, walang humpay ang pag-ikot ng mga tanong at alaala sa kanyang isipan—at ang nakapagtataka pa, si Seraphina ang laman nito. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang naging abala sa pag-iisip tungkol sa kanyang asawa, isang bagay na hindi niya kailanman nagawa sa buong sampung taon nilang pagsasama. Parang isang panibagong emosyon ang unti-unting umuusbong sa kanyang dibdib—hindi kilala, hindi pamilyar, at lalo’t higit, hindi niya inaasahan.Napabuntong-hininga siya habang naupo sa kanyang swivel chair, napasandal at muling napapikit. Sa kanyang pag-idlip, tila muling nabuhay ang alaala ng gabing iyon—isang gabing hindi niya malilimutan, isang gabing paulit-ulit bumabalik sa kanyang isipan na parang isang bangungot na ayaw siyang tantanan.Gising siya ng gabing iyon—hindi siya dinalaw ng antok, at parang may kung anong kaba sa kanyang dibdib. Hindi nagtagal,
Pagkatapos ng nangyari noong gabi ng salu-salo, nanatiling nakakulong sa loob ng apat na sulok ng kwartong iyon ang lahat ng sumunod. Dalawang buwang buong-buo na ang lumipas mula noon, at dahil sa sunod-sunod na abalang iskedyul, parang isang iglap lang ang lumipas na panahon. Para kay Seraphina, wala nang dahilan para ungkatin pa iyon. Wala siyang intensyong pag-usapan ito, ni banggitin man kahit bahagya. Sa isip niya, isa lamang iyong sandaling bunga ng kalasingan—dulot ng alak na, sa hindi nila nalalaman noon, ay may halong droga. Walang kahulugan. Isang pagkakamali lamang na nangyari sa ilalim ng impluwensiya ng lasing na isipan.Simula noon, nalunod si Seraphina sa sunod-sunod na responsibilidad. Araw-araw ay punô ng mga miting, legal na papeles, at walang katapusang tawag. Bawat oras na siya’y gising ay inuukol niya sa pagtugis sa kaniyang malapit nang maging dating asawa—pilit siyang humahanap ng katarungan, o baka isang pagsasara ng kabanata, para sa nangyaring hindi niya kay
Warning: SPGAng pakiramdam na nararamdaman ni Seraphina ay bago sa kanya—isang kakaibang halo ng sakit, hiya, at isang bagay na hindi niya mabigyan ng pangalan. Habang unti-unting pinapasok ng kanyang asawa ang kanyang daliri sa maselang bahagi ng kanyang katawan, naramdaman niya ang pag-igting ng kanyang kalamnan, ang pagkabog ng dibdib na tila lalabas sa kanyang balat.“Please… Ahh, masakit,” daing niya, bahagyang nanginginig ang boses, at ang mga mata’y nakapikit habang ang kanyang mga daliri ay mahigpit na kumakapit sa sapin ng kama. Ngunit sa kabila ng pakiusap, hindi huminto si Sebastian. Hindi dahil sa kawalan ng malasakit—kundi marahil dahil sa alam niyang may kailangang ilabas, may kailangang wakasan, may kailangang simulan.At sa di inaasahang sandali, ang kirot ay unti-unting napalitan ng kakaibang sarap. Para bang ang hapdi ay naging hudyat ng isang damdaming matagal nang kinulong. Ramdam niya ang bawat paglabas-masok ng daliri ni Sebastian—paulit-ulit, mas malalim, mas de
Warning: SPG [Droga, Sexual]“Ang init… masakit ang aking puson,” dagdag ni Seraphina, halos paungol na ang boses, punong-puno ng kaba at tila may halong desperasyon. Napapikit siya habang pilit kinakalmang ang sarili, pero ramdam niyang parang may humihigop ng lakas niya mula sa loob.Napakuyom ng kamao si Sebastian. Gusto niyang lapitan si Seraphina, gusto niyang alalayan ito, yakapin man lang. Ngunit kahit siya ay halos hindi na makalakad ng maayos—nilalagnat ang katawan, nanlalambot ang tuhod, at parang umiikot ang paligid.Pinagmasdan niya ang asawa—pawisan, namumungay ang mata, at bahagyang napapahawak sa tiyan. Sa kabila ng pagkalito, hindi maitatanggi ni Sebastian ang pagkabog ng kanyang dibdib. Ang kanyang asawa… sa ganitong estado… at pareho silang biktima ng kung anuman ang inilagay sa inumin nila.Hindi niya magawang makalapit. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil takot siya sa pwedeng mangyari—takot na baka mawalan siya ng kontrol, takot na masaktan lalo si Seraphina, lalo n
Habang nasa jacuzzi si Sebastian, nakapikit siya’t sinisikap kalmahin ang sarili. Ang init ng tubig ay bahagyang nagpapagaan sa tensyong nararamdaman niya, pero hindi pa rin iyon sapat upang tuluyang mawala ang inis sa kanyang dibdib. Maya-maya, isang pamilyar na tunog ang umalingawngaw—ang pagsara ng pintuan. Napadilat siya, ngunit hindi siya gumalaw.Siguro si Diane lang iyon… o baka cleaning service, bulong niya sa sarili, pilit ipinagsasawalang-bahala ang tunog. Ayaw na niyang mag-isip. Gusto lang niyang magpahinga. Ngunit habang patuloy siyang nagbababad, unti-unti niyang naririnig ang mahinang tinig ng isang babae mula sa loob ng kwarto. Hindi iyon ang boses ni Diane.At habang lalong lumalakas ang bawat hinaing ng babae, mas malinaw na niyang naririnig ang bawat salita.“What if I never gave birth to Chantal?”Nanlaki ang mga mata ni Sebastian. Bigla siyang napatigil sa paggalaw. Ang malamig na pakiramdam ng gulat ay tila kumalaban sa init ng tubig na bumabalot sa kanyang kataw
Sa gitna ng masiglang kasayahan sa party, walang ibang inatupag si Seraphina kundi lunurin ang sarili sa alak. Walang ni isang salita na nais niyang marinig mula sa kanyang ama o kapatid—lalo na’t pagkatapos ng lahat ng nalaman niya ngayong gabi. Kaya’t nagpasya na siyang manatili sa hotel para sa gabing iyon. Isang gabi lang, malayo sa tanong, sa intriga, at sa masalimuot na katotohanang pilit na sumisiksik sa kanyang mundo.Ilang beses na niyang sinubukang tawagan at i-text ang kanyang tiyuhin ngunit walang sagot. Marahil ay hindi nito marinig ang ringtone dahil sa malakas na tugtugin sa loob ng banquet hall. Kaya’t sa halip na humanap ng sagot mula sa iba, pinili na lang niyang sumandal sa mesa sa tabi, tahimik na umiinom ng alak, isa… dalawa… hanggang sa hindi na niya mabilang.May mga waiter na palakad-lakad, nag-aalok ng pagkain, at sa hindi inaasahan, natuwa si Seraphina nang mapansing may hinain na litson—paborito niya. Napangiti siya kahit papaano.“Ma’am, you’re drunk na po,