author-banner
Yona Dee
Yona Dee
Author

Novels by Yona Dee

When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband

When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband

"Love can be learned." Iyan ang paniniwala ni Seraphina. Kaya nang ipahayag ng kanyang mga magulang na ikakasal siya kay Sebastian Aldridge Singson—isang lalaking may yaman, kapangyarihan, ngunit walang emosyon—hindi siya tumutol. Sa isip niya, matutunan din nitong mahalin siya… balang araw. Ngunit ang kasal niya ay naging isang bilangguan. Kahit anong pagsisikap niyang makuha ang atensyon at pagmamahal ng kanyang asawa, nananatili itong malamig at walang pakialam. Isinilang ang kanilang anak, ngunit sa halip na maging daan upang mapalapit ang kanyang pamilya, mas lalong lumalim ang kanyang pagdurusa. Hindi lang siya itinuturing na estranghero ni Sebastian—pati ang sarili niyang anak ay may hinanakit sa kanya. Sa wakas, napagod si Seraphina sa laban na siya lang ang lumalaban. Sa unang pagkakataon, pinili niyang mahalin ang kanyang sarili. Iniwan niya ang buhay na puno ng sakit at hinanap ang kalayaang matagal niyang inasam. Ngunit sa kanyang muling pagsisimula, hindi niya inaasahan na ang lalaking minsang nagpaikot sa kanyang mundo ay siya ring maghahabol upang maibalik siya sa kanyang piling. Handa pa ba siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang lalaking minsang bumasag sa kanyang puso? O tuluyan na niyang pipiliin ang isang bagong simula?
Read
Chapter: Kabanata 88: At The Banquet
“Kumusta ang pagbisita mo sa iyong anak?” tanong ng kanyang tiyuhin nang makapasok siya sa bahay. Ngunit nilampasan lang siya ni Seraphina, diretsong umupo sa couch na para bang gustong kalimutan ang lahat ng nangyari kanina.“Okay lang naman,” malamig niyang tugon, bago agad binago ang usapan. “By the way, mamayang gabi na ‘yung event, diba Tito?”“Yes, dear, mamayang gabi na nga. Are you ready?” tanong ng kanyang tiyuhin.Tahimik siyang tumango, kasabay ng marahang pag-exhale, pinipilit itikom ang mga damdaming hindi pa rin niya ganap na kayang buuin sa salita.Later that evening...Pagdating nila sa banquet hall, halos punô na ito ng mga bisita. Mamahaling chandelier ang nakasabit sa kisame, mga mesa ay puno ng wine, champagne, at mamahaling appetizer.Seraphina—suot ang beige silk dress na may simpleng hiwa sa gilid, buhok na nakalugay ngunit maayos ang pagkakaayos, at makeup na minimal ngunit elegante—ay agad nakatawag pansin sa mga panauhin. Her beauty was striking, but what tru
Last Updated: 2025-04-17
Chapter: Kabanata 87: Mom Is Not Allowed To Enter By Vicious Aunt
Pumasok si Seraphina sa loob ng villa, mabigat ang bawat hakbang. Mula sa pintuan, agad niyang napansin ang mini garden sa gawing kanan. Doon, sa ilalim ng lilim ng lumang punong kahoy, nakita niya ang isang tanawing tila pumutol sa kanyang paghinga.Si Chantal. Nakaupo sa bench, tahimik na nakikinig sa kanyang lola—ang ina ni Sebastian—habang ito'y mahinahong nagsasalita.May kirot sa puso ni Seraphina. Matagal na niyang inasam na muling makita ang anak sa ganitong kapayapaang eksena. Ngunit hindi pa man siya nakakalapit, isang boses mula sa kanyang likuran ang bumasag sa katahimikan."You're here? Akala ko hindi ka na dadating pa?" malamig at puno ng pangungutya ang boses na iyon.Paglingon niya, bumungad sa kanya ang pamilyar na mukha ni Trisha—ang kapatid ni Sebastian. As ever, kahit ilang taon na ang lumipas simula nang ikasal siya kay Sebastian, hindi pa rin nagbago ang pangmamaliit at asal nito.“I was informed na hinanap ako ng anak ko—” panimula ni Seraphina, tinatangkang pan
Last Updated: 2025-04-16
Chapter: Kabanata 86: Visitation
Sapat na kay Seraphina na malaman niyang ayos na ang kanyang anak. Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang mabalitaan niyang nagising si Chantal. Dalawang linggo rin siyang tahimik na umaasa—nag-aabang ng kahit isang tawag, isang mensahe, kahit ilang salitang mula mismo sa anak niyang ilang beses niyang pinangarap na muling marinig.Pero wala. Walang tawag. Walang mensahe. Walang Chantal.Ngayon ay nasa opisina siya, tahimik na nakaupo sa likod ng kanyang mesa habang muling binabasa ang isang kaso na nasa ilalim ng kanyang pangangalaga—isang divorce case. Sa bawat linya ng salaysay ng mag-asawang nais nang wakasan ang kanilang pagsasama, parang may sariling tinig na bumubulong sa kanyang isipan. Ang tahimik na paalala na siya man, ay hindi pa rin tuluyang nakakaalis sa gulo ng sarili niyang buhay.Naalala niya bigla—hindi pa pala naibibigay ng kanyang asawa ang final divorce papers. Isang dokumentong matagal na dapat ay naisara, ngunit tila ba sinadya talagang ipagpaliban… o talaga
Last Updated: 2025-04-15
Chapter: Kabanata 85: Chantal Is Awake!
Pagkarinig ng balita mula kay Jude, hindi na nag-aksaya pa ng oras si Seraphina. Kinuha niya ang kanyang coat at bag, saka mabilis na lumabas ng opisina. Ang bawat hakbang niya sa hallway ng law firm ay punung-puno ng kaba, at kahit pilit niyang itinatago sa mukha ang tensyon, hindi nito nalinlang ang mabilis na tibok ng kanyang puso.Pagdating niya sa parking area ay agad niyang pinaandar ang sasakyan. Ang mga mata niya ay diretso sa daan ngunit ang isip ay naglalakbay—paulit-ulit ang mga tanong: Nagising na ba si Chantal? O… lumala pa ba?Tahimik ang biyahe ngunit punung-puno ng emosyon. Habang tinatahak niya ang pamilyar na daan patungong ospital, bawat pulang ilaw sa stoplight ay tila isang bangungot, bawat segundong naantala ay parang isang buong taon.Pagkarating sa ospital, halos hindi na siya naghanap ng parking—basta’t may espasyo, doon na siya huminto at mabilis na lumabas ng sasakyan. Tumakbo siya papasok ng main entrance, hindi alintana ang mga matang sumusunod sa kanya. S
Last Updated: 2025-04-14
Chapter: Kabanata 84: It's About Chantal
Lumipas ang ilang araw ngunit hindi pa rin nagigising si Chantal. Sa bawat paglipas ng oras ay lalong tumitindi ang kaba sa dibdib ni Seraphina. Ang naging set-up nila ni Sebastian ay siya ang nagbabantay tuwing umaga, habang si Sebastian naman ang nakatalaga tuwing gabi. Ngayon ay muling sumapit ang madaling araw, at nasa loob pa rin siya ng ICU, nakaupo sa tabi ng kama ng kanyang anak, mahigpit na hawak ang maliit na kamay nito.Muli siyang napatingin sa salamin ng ICU—mahina na ang liwanag mula sa labas, at tila sumasalamin ang pagod at lungkot sa kanyang mukha. Ika-sampung araw na ito mula nang ma-admit si Chantal, ngunit wala pa ring paggalaw, walang muling pagkislot ng daliri, walang pagbukas ng mata. Ilang beses na rin siyang nakiusap sa Diyos, ngunit tila patuloy ang katahimikan.“Seraphina, you can rest now,” mahinahong wika ni Jude mula sa likuran, “Kami nalang muna ni Sebastian ang magbabantay kay Chantal.”Tumingin siya kay Jude, mabigat ang mga mata, ngunit may bahid ng pa
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Kabanata 83: A Little Hope
“Please do reconsider, Ms. Dee—” maingat ngunit may pag-aalalang wika ng doktor.“No reconsideration, Doc,” mariing sagot ni Seraphina, pinilit panatilihin ang kontrol sa boses kahit nanginginig ito sa galit at takot. “As if you’re saying na wala na kayong magagawa. Na hindi niyo kayang iligtas ang anak ko… if you can’t do that, I’ll transfer my daughter to another hospital. Somewhere where they’ll try harder, where they won’t just wait and watch.”Napatingin ang doktor sa kanya, kita ang tensyon sa kanyang mukha. “It’s risky, ma’am. Moving her now could worsen her condition—”“I know the risk,” putol ni Seraphina, ngayon ay nakatayo na at halos hindi mapakali. “But what I’m emphasizing here is simple—try your best. Huwag niyong hayaang mawalan ako ng anak nang hindi man lang kayo lumaban para sa kanya. I don’t want apologies, I want action, Doc. That’s all I’m asking for.”Nagpalitan ng tingin ang doktor at ang nurse sa tabi nito. Kita sa kanilang mga mata ang bigat ng sitwasyon, ngu
Last Updated: 2025-04-12
Contract Marriage: How To Love My Husband To Be

Contract Marriage: How To Love My Husband To Be

Si Mia ay lumaki sa isang pamilyang walang pagmamahal at puro kalupitan ang natanggap. Para sa kanila, isa lang siyang pabigat. Kaya nang ipagkasundo siyang ipakasal sa pinaka kinatatakutan na lalaki sa bayan—isang makapangyarihang tao na kilala sa kanyang pagiging malupit—hindi na siya nagreklamo. Matagal na niyang alam na darating ang araw na ito, at wala siyang inaasahang masayang kinabukasan. Ngunit pagdating niya sa tahanan ng kanyang mapapangasawa, natuklasan niyang mali ang lahat ng narinig niyang tsismis. Sa halip na isang halimaw na walang awa, nakilala niya ang isang lalaking bagamat seryoso, ay may kakayahang magpakita ng kabutihan. Unti-unti, naguguluhan siya sa hindi pamilyar na mundo ng pagmamahal at pag-aaruga. Ngunit para kay Mia, na lumaki sa takot at hindi kailanman nakaranas ng tunay na pagmamahal, kaya ba niyang matutong buksan ang kanyang puso? O mananatili siyang bihag ng kanyang madilim na nakaraan at tanggihan ang pag-ibig na nasa harapan na niya?
Read
Chapter: Kabanata 20: Girls Time
“It’s okay, if you still want to stay here, it’s okay—” mahinahong sabi ni Nikolai, ang boses niya’y puno ng pag-unawa.Ngunit bago pa niya matapos ang sasabihin, mabilis na sumingit si Mia.“Ahh... alis na po ako,” wika niya, halos pabulong, at agad siyang tumalikod, hindi na hinintay pa ang anumang sagot mula kay Nikolai.Tahimik siyang lumakad palabas ng study room. Hindi siya dumiretso sa kanyang kwarto, gaya ng inaasahan. Sa halip, pinili niyang magtungo sa greenhouse—ang tanging lugar sa bahay na nagbibigay sa kanya ng pakiramdam ng pagiging ligtas, tahimik, at malaya. Doon, sa gitna ng mga halaman at amoy ng lupa, nararamdaman niyang hindi siya sinusukat, hindi hinuhusgahan.Umupo siya sa isang sulok, kung saan ang liwanag mula sa buwan ay bahagyang tumatama sa mga dahon ng mga halamang nakapaligid sa kanya. Bitbit pa rin niya ang librong kanina ay hindi niya mabitawan, ngunit sa pagkakataong ito, hindi niya na mabuksan ang pahina.Sinubukan niyang magpatuloy sa pagbasa, pero b
Last Updated: 2025-04-10
Chapter: Kabanata 19: Cute Moments
Hindi na nagsalita pa si Mia hanggang sa makauwi sila sa bahay ni Nikolai. Tahimik ang buong biyahe, tila parehong abala sa kani-kanilang iniisip. Si Mia ay nakatanaw lang sa bintana ng sasakyan, pinagmamasdan ang mga dumadaang tanawin, habang si Nikolai naman ay tahimik sa manibela, hindi rin nagbukas ng kahit anong usapan.Hindi niya rin alam kung bakit siya natahimik—maaaring napagod lang siya sa araw, o baka may bagay na gumugulo sa isip niya na hindi pa niya kayang banggitin. Sa likod ng katahimikan ay naroon ang pakiramdam na iyon ang nararapat. Walang pilitang usapan, walang mga tanong na kailangang sagutin.Pagdating nila sa bahay, agad silang sinalubong ng malamig na hangin at ang pamilyar na katahimikan ng lugar. Tumigil si Nikolai sa may pintuan at muling hinarap si Mia.“May inaayos pa sa kwarto mo,” mahinahon niyang sabi. “Kung maaari, sa greenhouse ka muna pansamantala.”Tumango lang si Mia bilang tugon. Wala siyang reklamo. Sanay siyang hindi pinaprioridad, at ang magka
Last Updated: 2025-04-08
Chapter: Kabanata 18: Something Is Suspicious?
“Anong gusto mong gawin sa bahay, kapag may bakanteng oras ka?” tanong ni Nikolai kay Mia habang inaayos ang tasa ng kape sa harap niya. Simple lang ang tanong, pero may halong interes sa tono niya—gusto niyang malaman ang mga bagay na nagpapasaya sa dalaga, kahit sa pinakasimpleng paraan.Napatingin si Mia kay Nikolai, tila nagulat sa tanong. Sandaling natahimik, saka siya maingat na nagsalita.“Gusto kong matutong magsulat at magbasa, sa wikang Ingles,” sagot niya, diretsong wika, walang pagdadalawang-isip. Sa tono ng kanyang boses ay halatang matagal na niyang ninanais iyon, isang simpleng pangarap na para sa kanya ay tila napakalayo.Ngunit nang mapagtanto niya ang kabuuan ng sinabi niya—na sa edad niya ay hindi pa siya bihasa sa pagbabasa at pagsusulat sa Ingles—napayuko siya agad, at halos ikubli ang mukha. Nahihiya siya sa inamin, parang may malaking kahinaan siyang ibinunyag.“I’m sorry, sir… kung… kung—” nagsimula siyang magsalita, nanginginig ang tinig, tila nag-aalangan kun
Last Updated: 2025-04-07
Chapter: Kabanata 17: Deep Talk
“What do you want?” tanong ni Nikolai kay Mia, at napatingin naman si Mia sa lalaki, hindi alam kung ano ang isasagot. Sa halip, nakatingin lang siya sa mga dessert na nasa menu. Gusto niyang tikman lahat—lahat ng kulay, lasa, at texture na naroon—pero alam niyang hindi naman pwede iyon, kaya nanatili siyang tahimik, pinipigilang madala ng tukso.“Pa-order na lang ng isang parfait at saka isang cheesecake,” wika ni Nikolai sa waitress, na agad namang tumango at umalis upang ipasa ang order nila sa kitchen.Umupo silang dalawa sa isang bakanteng mesa na medyo nasa sulok ng café. Tahimik ang paligid, may malamig na hangin mula sa aircon, at tila nakakalamang musika ang umiikot sa background. Habang inaantay ang kanilang order, kinuha ni Nikolai ang cellphone mula sa bulsa at nagsimulang mag-scroll, samantalang si Mia naman ay patingin-tingin sa paligid. Halatang bago pa lang siya sa ganitong klase ng lugar. First time niyang makapasok sa isang café na ganito kaayos, maaliwalas, at kapre
Last Updated: 2025-04-06
Chapter: Kabanata 16: It's Just You Deserve Everything
“Halika dito, let me show you some new fabrics,” wika ng may-ari habang masiglang tinawag si Nikolai papalapit sa isang panibagong section ng shop. Sumunod naman si Nikolai, marahan ang bawat hakbang habang nakikiramdam sa paligid.“May mga bagong design kami dito,” dagdag pa ng may-ari habang inilalatag ang ilang papel na may mga sketch. “Exclusive ang mga ito—once na mapili niyo ang design, hindi na namin iyon ibebenta sa iba. Sa inyo lang talaga.”Tahimik na sinuri ni Nikolai ang bawat disenyo. Simple pero elegante ang mga linya ng mga sketch, at sa bawat guhit ay naisip niya kung paano babagay ang mga iyon sa pigura ni Mia. Isa sa mga ito ang agad na humuli sa kanyang atensyon—isang damit na may modernong hiwa pero may tradisyonal na detalye. Kinuha niya ang papel at saka iniangat para makita nang mas maayos.Kasabay nito, tumingin siya sa hanay ng mga tela, at doon ay nahagip ng kanyang paningin ang isang tela na kulay emerald green. Ang texture nito ay makinis at kumikislap sa i
Last Updated: 2025-04-05
Chapter: Kabanata 15: Is She Your New Fiance?
Pagpasok nila sa opisina ay agad silang sinalubong ng ilang kasamahan ni Nikolai—mga empleyado at opisyal na bumati at bahagyang yumuko bilang paggalang. May ilan sa mga ito ang sumulyap kay Mia, at hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding pagkailang. Hindi siya sanay sa ganoong atensyon, lalo na't hindi niya alam kung paano siya titingnan ng mga taong nakapaligid kay Nikolai.Tahimik siyang naglakad sa tabi ng binata, pinipilit na huwag pansinin ang mga matang tila nag-uusisa. Ngunit unti-unting bumagal ang kanyang hakbang, at sa likod ng kanyang likas na tahimik na kilos, ay bahagyang yumuko si Mia—parang nais niyang itago ang sarili mula sa mga mapanuring tingin.Napansin iyon ni Nikolai. Saglit siyang tumigil sa paglalakad at tiningnan si Mia, saka bahagyang yumuko upang magsalita sa mahinahong tinig.“Saglit lang tayo dito. Maaga pa naman,” aniya, malamig ngunit may halong pagkalinga ang tinig. “Lapit ka dito para hindi ka mailang.”Nag-angat ng tingin si Mia at tumango. Sumu
Last Updated: 2025-04-05
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status