Inis na tumayo si Sebastian at walang sabi-sabing umalis sa unit ni Diane. Mabilis niyang isinara ang pinto at diretso siyang nagtungo sa elevator.Pagkapasok, pinindot niya ang button pababa patungong parking lot. Nakatitig siya sa number panel, halatang naiinip, habang walang tigil sa pagtapik ng daliri sa kanyang hita.Nang biglang bumukas ang elevator sa third floor, agad siyang napairap. "Tangina naman," bulong niya sa sarili, lalo pang nadagdagan ang pagkainis niya.Sa wakas, nang makarating siya sa parking lot, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Malalaki ang mga hakbang niyang tinahak ang daan patungo sa kanyang sasakyan. Pagkasakay, agad niyang pinaandar ang makina at marahas na pinaharurot ang kotse palabas.Habang mabilis na binabagtas ni Sebastian ang daan patungo sa mansyon ng kanyang mga magulang, mahigpit niyang hinawakan ang manibela. Alam niyang hindi siya ipapatawag ng kanyang ina nang walang mabigat na dahilan.Pagdating niya sa mansyon, agad siyang sinalubong ng pers
“Kailangan mong hanapin siya, gaano man katagal, Sebastian,” matigas na wika ng kanyang ina bago siya tuluyang lumabas ng silid.Naiwan namang nakatulala si Sebastian, nakatingin sa mga nagkalat na envelope sa sahig. Agad niya iyong pinulot at itinapon sa basurahan. Matapos niyang ayusin ang kalat, lumabas siya ng silid at napahinto nang makita ang kanyang kapatid na si Jude, nakasandal sa pader, tahimik na nakamasid sa kanya.“Ano’ng ginagawa mo rito?” malamig na tanong ni Sebastian. “Nandito ka rin ba para husgahan ako sa mga ginawa ko, Kuya? Sige, sabihin mo na.”Walang imik na inayos ni Jude ang kanyang postura bago iniabot kay Sebastian ang isang plastic bag.Kinuha iyon ni Sebastian at binuksan, agad niyang nakilala ang laman—ang cellphone ni Seraphina. Ang parehong cellphone na minsan niyang ibinigay kay Chantal noong kaarawan nito, ngunit tinanggihan ng anak.“Bakit nasa iyo ‘to?” kunot-noong tanong ni Sebastian.“Ibinigay niya sa akin,” sagot ni Jude. “Ipinapasira na niya, pe
“Ano kayang nangyari kay Dad, Manang?” nagtatakang tanong ni Chantal sa katulong. Napabuntong-hininga ang bata at pinagdikit ang mga labi, tila nag-iisip.“Whatever. But I’m so happy, Manang! Hindi ko akalaing susundan talaga ni Dad si Tita Diane sa Davao. He really loves her so much. At pumayag pa siya sa utos ni Lola na i-manage ‘yung school,” masayang sabi ni Chantal bago siya saglit na natigilan at umupo sa sofa.Tahimik na sumunod ang katulong at tumayo sa tabi niya. Ilang sandali pa, muling nagsalita si Chantal.“Let’s go upstairs, Manang! Let’s pack my things—‘yun naman ang utos ni Dad, ‘di ba?” ani Chantal, sabay tayo mula sa sofa.Mabilis itong tumakbo paakyat sa kanyang kwarto, bakas ang excitement sa kanyang mukha.Masaya pa rin si Chantal habang nasa kwarto, patuloy na umaawit at sumasayaw sa kama.Makalipas ang ilang sandali, bigla niyang naalala ang kanyang ina, si Seraphina.Sa mga nakaraang araw, dahil hindi siya tinawagan ng kanyang ina, nanatili siyang nasa mabuting m
Napatingin na lang si Sebastian sa kanyang anak, na napabuntong-hininga. Napailing siya nang maalala niya ang kanyang asawa habang tinitingnan ang anak niya. Pilit niyang iniisip na magkaiba sila—his daughter was more emotionally expressive. Madaling mababasa sa mukha nito kung siya’y galit, masaya, malungkot, o nadidismaya. Hindi tulad ng kanyang asawa, na parang robot—walang kahit anong emosyon na makikita sa mukha.Lumabas na si Sebastian sa kwarto ni Chantal, at sumunod naman sa kanya si Manang Jelly.“Tapos ka na ba sa pag-aayos ng gamit ni Chantal?” tanong niya sa matanda nang maramdaman niyang sumusunod ito sa kanya.“Sir, pinapakalma ko muna si Chantal. Babalikan ko iyon mamaya,” sagot ni Manang Jelly. “Nga pala, sir, ano po pala 'yung gusto n’yong itanong sa akin?”Napabuntong-hininga na lang si Sebastian. Ipinakita niya ang brown envelope na hawak niya kay Manang Jelly.“Bakit po, sir? May problema ba diyan? ‘Yan po ‘yung pinaabot sa akin ni Ma’am Seraphina,” ani Manang Jell
Matagal nang hindi nagkita ang dalawa, kaya habang naglalakad sila, sinamantala nila ang pagkakataong makapagkumustahan tungkol sa kanilang mga karera."Nagtuturo ka na ngayon sa Tagum, tama ba? Sa isang unibersidad?" tanong ni Althea.Tumango si Seraphina. "Oo. Medyo mahirap, lalo na sa schedule at workload, pero mas gusto ko ito kaysa sa trabaho ko noon sa Maynila.""Mabuti naman at masaya ka sa ginagawa mo ngayon—""Pero minsan, natatakot pa rin ako. Lalo na ngayon," amin ni Seraphina, bahagyang bumaba ang kanyang boses.Napabuntong-hininga si Althea. Ilang sandali pa lang silang nag-uusap, ngunit ramdam na niya ang pagbabago kay Seraphina. Ang dating masiglang babae na kilala niya noon ay tila may dinadalang bigat sa dibdib.Sa pag-iisip tungkol kay Seraphina, hindi kailanman naisip ni Althea na darating ang araw na maiuugnay niya ang salitang "inferiority complex" kay Seraphina.Ang buhay mag-asawa nina Seraphina at Sebastian—hindi niya ito lubos na alam. Pero may ideya siya.May
Nakita ni Seraphina ang reaksyon sa mukha ni Trisha—nakangiti ito, ngunit bakas ang pagkabigla sa kaniyang mga mata."Siguro nagbibiro lang siya," naisip ni Trisha. Hindi kailanman nagawang tanggihan ni Seraphina ang anumang hiling niya noon. Pero ngayon, tila wala na siyang pakialam.Alam ni Seraphina na matagal nang nagbago ang pakikitungo ni Trisha sa kaniya. Hindi na ito tulad ng dati. Napangiti siya, ngunit may bahid ng pait sa kaniyang ekspresyon."Si Sebastian at Chantal ay wala na sa tabi mo ngayon," mariing wika ni Trisha, may halong panunuya sa boses. "Ano pa ang magagawa mo?"Sa halip na sumagot, natawa si Seraphina nang mapait. Sa loob ng maraming taon, isinantabi niya ang sarili, ibinuhos ang buhay niya kay Sebastian at sa kanilang anak. Umiikot ang mundo niya sa kanila, hanggang sa nakalimutan na niya kung sino siya.At ngayon, ito ang tingin nila sa kaniya? Parang wala siyang halaga?Tama lang ba iyon?Ngunit hindi na siya papayag na manatili sa ganoong sitwasyon. Hindi
Alas-diyes ng gabi ng araw ding iyon, eksaktong dumating sa paliparan ang eroplanong sinakyan nina Sebastian at Chantal.Pagkauwi nila sa bahay, mag-aala-una na ng madaling araw.Mahimbing nang natutulog si Chantal bago pa sila makarating.Maingat siyang binuhat ni Sebastian paakyat sa kwarto nito. Habang naglalakad siya sa pasilyo, napansin niyang bukas ang pinto ng master bedroom, pero madilim sa loob. Saglit siyang natigilan bago nagpatuloy sa kwarto ni Chantal.Matapos niyang ihiga ang anak sa kama at takpan ng kumot, bumalik siya sa kanilang silid. Binuksan niya ang maliit na ilaw sa tabi ng kama at napatingin sa kutson—walang tao.Sakto namang dumating si Ara ang kasambahay na nag-aalaga sa bahay nilang mag-asawa dito sa Davao, dala ang ilan sa kanilang bagahe. Habang tinatanggal ni Sebastian ang kurbata niya, nagtanong siya nang walang emosyon sa boses, “Dumating na ba siya?”Agad na sumagot ang matandang kasambahay, “Wala po, Sir.”Napalunok si Sebastian.Kalahating buwan na a
“I see.”Malamig na sagot ni Sebastian kay Trisha bago siya tuluyang tumalikod at naglakad palayo mula sa AVR. Hindi man lang siya nag-abala pang tumugon sa mapanuyang tawa ng kapatid niya.Dire-diretso siyang naglakad patungo sa kanyang opisina, ngunit kahit na nasa loob na siya ng gusali, hindi niya maialis sa isip ang nakita niya kanina.Atty. Seraphina Faye Ynez Dee, Ed.D.Paulit-ulit na umalingawngaw ang pangalang iyon sa utak niya, kasabay ng bigat sa dibdib na hindi niya maipaliwanag.Pagkarating sa opisina, agad siyang naupo sa kanyang swivel chair. Hinilot niya ang sentido niya, pilit pinapakalma ang sarili.Bakit hindi niya alam?Dati, alam niyang sa opisina at sa bahay lang ang pinapalagian ni Seraphina, minsan lang ito nakakalabas dahil palaging pumupunta ang mga pamangkin niya kapag may free time si Seraphina. Bago pa siya tuluyang malunod sa sarili niyang isip, isang katok sa pinto ang pumukaw sa kanya.“Good morning, Sir Sebastian. Narito na po yung reports na kailanga
Para kay Seraphina, tila napakabagal ng takbo ng oras. Naka-upo siya ngayon sa isang silya, hawak ang isang libro at pilit na binabasa ito, ngunit hindi niya lubos na maituon ang kanyang isip sa mga pahina. Wala siyang kailangang gawin—iyon ang bilin ng kanyang kapatid. Ang tanging hiling nito ay sulitin niya ang kanyang bakasyon sa Italy at i-enjoy ang bawat sandali. Ngunit sa halip na matuwa, isang hindi maipaliwanag na lungkot ang bumalot sa kanya. Pakiramdam niya’y parang may kulang, isang bagay na hindi niya mahagilap kung ano.Sa tuwing may libreng oras ang kanyang kaibigan na si Althea, tinatawagan siya nito upang kumustahin. Isang gabi, habang nakatanaw siya sa labas ng bintana, narinig niya ang tunog ng kanyang cellphone. Agad niyang sinagot ang tawag."Are you okay, Seraphina?" tanong ng kanyang kapatid, na siyang nagpatigil sa kanyang malalim na pag-iisip."Okay naman ako, Kuya," sagot niya, ngunit dama sa kanyang tinig ang bahagyang pag-aalinlangan. "It’s just... I feel bo
Nasa balkonahe na sila, at sa halip na tumingin kay Sebastian, itinukod ni Seraphina ang kanyang mga siko sa railing at itinapat ang paningin sa langit. Madilim na, at nagkalat ang mga bituin sa kalangitan, tila kumikislap sa katahimikan ng gabi. Ang buwan ay maliwanag, ngunit hindi sapat upang paliwanagin ang bigat na nakadagan sa kanyang dibdib.“Aalis na ako,” panimula niya, hindi pa rin tumitingin sa kanyang asawa. “Sana maging mapayapa kayo ni Chantal. Ingatan mo siya.”Sa gilid ng kanyang paningin, nakita niyang nilingon siya ni Sebastian. Sa pagkakataong ito, may nakita siyang emosyon sa mga mata nito—isang bagay na hindi niya inaasahan. Galit ba ito? O kaya naman, nasisiyahan na sa wakas ay aalis na siya? Hindi niya mawari.Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. “Yung divorce papers, paki-process na lang. I’ll be waiting for the final documents.”Sa puntong iyon, naramdaman niyang lumuwag ang kanyang dibdib. Isang hakbang palayo sa nakaraan, isang hakbang patungo sa
Habang nasa biyahe, pinagmasdan ni Seraphina ang tanawin sa labas ng bintana ng sasakyan. Ang mga ilaw sa lansangan ay tila naglalaro sa kanyang paningin, habang ang kanyang isip ay abala sa kung ano ang maaaring mangyari sa muli nilang pagkikita. Kinuha niya ang kanyang cellphone at mabilis na tinext si Jude, ang kanyang bayaw, upang ipaalam na pupunta siya sa kanilang bahay."Jude, I'm on my way. Hope it’s okay."Ilang sandali lamang ang lumipas bago ito sumagot."Of course, Seraphina. See you."Napabuntong-hininga si Seraphina matapos basahin ang sagot. Pinag-iisipan pa rin niya kung tama ba ang naging desisyon niyang dumalaw muna sa kanyang anak at manugang bago siya umalis patungong Italy. Alam niyang ito ang tamang gawin bilang isang ina, pero hindi niya rin maiwasang mangamba. Marami nang nangyari sa pagitan nila ni Sebastian at ng kanyang pamilya, at hindi niya alam kung paano siya tatanggapin sa pagkakataong ito.Muli niyang nilingon si Frederick, na tahimik na nagmamaneho. R
Bukas ng umaga, aalis na si Seraphina patungong Italy. Hindi niya alam kung kailan siya babalik, kaya napagdesisyunan niyang bumalik muna sa kanyang nirentahang apartment upang ayusin ang mga natitira niyang gamit. Habang nakaupo sa kanyang kama, pinagmasdan niya ang mga gamit na kanyang binili—mga gamit na hindi na niya madadala sa kanyang pag-alis.Napabuntong-hininga siya, halatang nag-aalangan kung ano ang dapat niyang gawin."Sayang naman kung hindi ko magagamit ang mga ito…" bulong niya sa sarili habang nakatingin sa kanyang kapatid na abala sa pag-aayos ng ibang gamit.Napansin nito ang kanyang pagkadismaya at agad siyang tinapik sa balikat. “Let me take care of that. Huwag ka nang mabahala,” anito, may bahagyang ngiti. “Yung laman ng ref mo, ipamigay mo na lang sa mga kapitbahay mo. Sayang kung masisira lang.”Napatingin siya sa refrigerator. Binuksan niya ito at napansin niyang puno pa ito ng pagkain—may mga sariwang gulay, karne, at iba't ibang klase ng processed food. Hindi
Kasama ngayon ni Seraphina ang kanyang kapatid habang naglalakad patungo sa korte. Huling araw na niya ito para asikasuhin ang kaso, at ngayong araw na rin ilalabas ang pinal na desisyon ng hukuman. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon, kaya hindi niya napigilan ang pagbuntong-hininga habang papasok sa court hall. Pilit niyang pinapanatili ang kanyang kumpiyansa, ngunit hindi niya maikakaila ang kaba na bumabalot sa kanyang dibdib.Habang nililibot ng kanyang paningin ang paligid, agad niyang napansin si Diane na nakaupo sa kabilang bahagi ng hall, kasama ang kanyang ina. Tahimik lang itong nakamasid, halatang nag-aalala rin sa magiging hatol. Gayunpaman, isang bagay ang kapansin-pansin—wala doon ang ama ni Diane."I guess his father never showed. Nakakahiya naman kasi," bulong ng kanyang kapatid, may bahid ng pangungutya sa tinig nito.Napakunot-noo si Seraphina at agad siyang sumulyap ng masama sa kanyang kapatid, na tila sinasaway ito sa pagiging mapanuri sa sitwasyon ng iba. Hindi n
“Finally, tapos na din,” wika ni Seraphina matapos niyang ligpitin ang kanyang mga kagamitan.Katatapos lang ng exam, at ngayon, isang mabigat na desisyon ang kanyang nagawa—magre-resign siya upang makapag-focus sa kaso laban kay Diane. Matagal niyang pinag-isipan ito, at kahit mahirap iwan ang trabahong minahal niya, alam niyang kailangan niyang unahin ang laban na matagal na niyang gustong tapusin.Nagpatuloy ang mga hearings, at sa bawat pagharap niya sa korte, ramdam niya ang pagod—hindi lamang sa pisikal kundi pati na rin sa emosyonal. Minsan, gusto na niyang sumuko, gusto na niyang iurong ang kaso para lang matapos na ang lahat ng sakit na dulot nito. Pero sa tuwing naiisip niya ang nangyari, ang mga alaala ng kawalang-hustisyang natanggap niya, napipilitan siyang ipagpatuloy ang laban.“Ms. Sep, talagang aalis ka na talaga?” tanong ni Ma’am Ge, isa sa kanyang mga kasamahan sa trabaho. Kita sa mukha nito ang lungkot at panghihinayang.Napangiti si Seraphina kahit may bahagyang p
“Let’s go,” wika ni Seraphina, kasabay ng pagtango ni Althea bilang pagsang-ayon. Hindi na sila nag-aksaya ng oras at tuluyang lumabas ng arena. Sa paglabas nila, kaagad silang pumara ng taxi upang makaalis.“Punta muna tayo sa isang burger house,” suhestiyon ni Althea habang inaayos ang kanyang buhok. Tumango lang si Seraphina, halatang walang reklamo sa mungkahi ng kaibigan. Pagdating nila sa burger house, agad na nagtungo si Althea sa counter upang umorder ng pagkain, samantalang si Seraphina naman ay nanatiling nakatayo at tahimik na inilibot ang paningin sa paligid.Habang abala si Althea sa pagpili ng kanilang kakainin, si Seraphina naman ay tila nalulunod sa sarili niyang isipan. Maraming tao sa paligid—mga magkakaibigang nagtatawanan, mga pamilya na masayang nagsasalu-salo, at ilang magkasintahang punong-puno ng lambing sa isa’t isa. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Hindi niya maiwasang maalala ang isang bagay—o isang tao.Kailan nga ba ang huling beses n
Napataas ang kilay ni Seraphina habang nakatingin kay Gorge. Ramdam niyang para bang hinuhusgahan siya nito, ngunit wala siyang pakialam. Hindi niya kailangang ipaliwanag ang sarili niya, lalo na sa isang taong mahilig makialam sa hindi naman niya dapat pinapakialaman.“Si Sebastian ba ang hinahanap mo?” tanong ni Gorge, may bahid ng panunuyang nakapaloob sa kanyang tinig. Ang ngisi nito ay nagpapahiwatig ng kung anong iniisip na tila nais niyang iparamdam kay Seraphina.Mabilis siyang sumagot, hindi pinapahalata ang inis na unti-unting nabubuo sa kanyang dibdib. “I’m not looking for him, at saka ano ba ang pakialam mo?” madiin niyang wika, nakatingin nang diretso sa mga mata ni Gorge. Hindi niya gusto ang tono nito, ang paraang ginagamit nito upang painitin ang ulo niya.Ngunit sa halip na umurong o tumigil, mas lalo pang lumapad ang ngiti ng lalaki, tila ba natutuwa na nakikita siyang naiinis. “Oh, a loving wife is here—”Bago pa man matapos ang kanyang pangungutya, hindi na nakapag
Napansin ni Seraphina ang malinaw na pagkakaiba ng ugali nina Austin at Sebastian. Si Austin ay kalmado at tila palaging may hinahon sa bawat kilos, samantalang si Sebastian ay hindi mapakali—parang laging may kinikimkim na galit sa mundo. Siguro nga, naisip niya, may kinalaman ito sa pananaw nila sa buhay o sa kung paano sila pinalaki. Habang iniisip niya ito, napabalik ang kanyang pansin sa kasalukuyang nangyayari sa paligid.Biglang napatalon sa tuwa ang kanyang anak na si Chantal, kasama ang kaibigan nito, habang todo hiyaw sa excitement. Hindi niya maiwasang mapatingin kay Althea, na ngayon ay sobrang abala sa pagsuporta sa paborito nitong manlalaro. Tila ba wala na itong pakialam sa kanya, lubos na nahahatak ng init ng laban.“Magbanyo muna ako, beh,” mahinahong wika ni Seraphina kay Althea. Ngunit tulad ng inaasahan, hindi siya nito pinansin, kaya napagdesisyunan niyang umalis na lang.Pagdating sa banyo, agad niyang napansin ang mahabang pila ng mga taong naghihintay. Mabuti n