“Ma’am, magsasara na po ang restaurant,” maingat na sabi ng waitress.
Napatingin si Seraphina sa paligid—wala nang ibang tao sa loob. Ang mga ilaw ay unti-unti nang pinapatay, at ang ilang staff ay abala sa pagliligpit ng mga mesa.
Muli siyang napabuntong-hininga. Ilang oras siyang naghintay, umaasang darating ang kanyang asawa at anak. Ngunit gaya ng dati, wala ni isa sa kanila ang sumipot.
Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kanyang upuan, kinuha ang bag, at pilit na ngumiti sa waitress. “Salamat,” mahinang sabi niya bago tuluyang lumabas ng restaurant.
Sa labas, malamig ang simoy ng hangin, ngunit pakiramdam niya ay mas malamig ang nararamdaman niya sa loob ng dibdib niya. Pinara niya ang unang dumaan na taxi at agad na naghatid pauwi.
Pagkarating sa bahay, halos hindi pa siya nakakababa nang bumukas ang gate.
"Ma'am, andiyan na po kayo!" masayang salubong ng kanilang mayordoma na si Manang Jelly. Kasama niya ang anak ni Seraphina, si Chantal, na nakatayo at parang galit na nakatingin kay Seraphina.
“Chantal, Come to mommy,” malambing na wika ni Seraphina ngunit ang kanyang anak na man ay nagtago sa likod ng mayordoma.
Napalunok si Seraphina, hindi sigurado kung paano magre-react. Matagal niya silang hinintay, ngunit ngayon kitang-kita na parang hindi siya gusto ng kanyang anak
“Yaya, I want to sleep right now, ayaw ko nang maglakad sa labas,” wika ni Chantal at saka padabog na naglakad patungo sa kanyang kwarto.
Ngunit bago pa siya makapagtanong kung bakit hindi ito sumipot sa dinner, nagsalita si Manang Jelly.
"Ma'am, gusto niyo na pong kumain? Baka po gutom na kayo."
Hindi na ssumagot si Seraphina at pumasok na ito sa bahay at sinundan si Seraphina sa kuwarto, narinig ni Seraphina na isinara ni Manang Jelly ang pintuan at sumunod din ito sa kaniya.
Papasok sana si Seraphina sa kwarto ng kanyang anak ngunit padabog namang nitong isinara ang pintuan kaya napa-igtag si Seraphina sa gulat.
“Pasensya na po kayo kay Chantal ma’am, kakausapin ko na muna.” wika ni Manang Jelly at tumango naman si Seraphina bilang pagsang-ayon.
“My dad and I have promised to accompany Aunt Diane to the beach tomorrow, and my mom suddenly came over. If she came with us, we would be so embarrassed.
"And my mom is so bad—always a fierce aunt—"
"Chantal!" awat ni Manang Jelly, halatang gulat sa narinig. "Hindi ka puwedeng magsalita ng ganiyan sa mama mo. Masasaktan siya."
"I know," sagot ni Chantal, walang bahid ng pagsisisi sa boses. "Pero si Daddy at ako, mas gusto namin si Aunt Diane. Hindi ba pwedeng siya na lang ang maging mommy ko?"
Parang nabingi si Seraphina.
Rinig na rinig niya ang sinabi ng anak niya—ang anak na siya mismo ang nagpalaki.
Sa loob ng walong taon, ginawa niya ang lahat para sa batang ito. Pinaglaban niya, inalagaan, minahal. Pero sa huli… mas pinili pa rin nito ang ama at ang ibang babae.
Naramdaman niya ang paninikip ng dibdib.
Hindi ko inasahan…
Parang nagyelo ang buong katawan niya. Natigil siya sa kinatatayuan, nanlalamig, habang unti-unting nawawalan ng kulay ang mukha niya.
Hindi siya makagalaw.
Hindi siya makapagsalita.
Ang tanging narinig niya ay ang tunog ng sariling puso niya—unti-unting nadudurog sa loob ng katahimikan.
Bumukas ang pinto, at tumambad sa akin si Manang Jelly.
"Ms. Seraphina, akala ko po umalis na kayo…" may pag-aalalang sabi niya. "Narinig niyo po lahat?"
Hindi na ako sumagot. Walang saysay. Ano pa ang dapat kong sabihin?
Tahimik akong tumalikod at naglakad papunta sa master’s bedroom.
Pagkapasok, wala sa sariling bumagsak ako sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame, pero ang isip ko, paulit-ulit na bumabalik sa mga sinabi ni Chantal.
I feel everything is useless.
May dala pa naman akong sorpresa para sa kaniya. Matagal kong pinag-isipan kung paano siya mapapasaya. Pero ngayon? Wala na iyong silbi. Siguro ipamimigay ko na lang ang regalo sa mga bata sa learning center na tinuturuan ni Michelle.
Her birthday seems like a joke to them. They don’t even bother to celebrate it.
Maging ang pagdating ko, parang biro lang sa kanila.
Bakit hindi pa ako nasanay?
Para kay Sebastian, ang mga kaibigan, pagtitipon, at trabaho ang mas mahalaga kaysa sa asawa niya. Kahit isang araw lang sa isang taon—isang araw lang sana—hindi niya ako kayang piliin.
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko.
Dahan-dahan kong kinuha ito mula sa bag at tiningnan ang screen.
Isang text mula kay Sebastian.
[Something happened at the office. Chantal is having a stomachache.]
Napangiti ako—pero hindi ito ngiti ng tuwa, nagawa pa talaga nilang magsinungaling sa akin.
Ganoon na lang? Isang simpleng text. Walang "Happy Birthday." Walang "Nasaan ka?" Walang kahit anong pagpapahalaga.
Ang kaarawan ko ay hindi man lang sapat na dahilan para matandaan niya.
Dumikit ang phone sa dibdib ko, habang unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko.
Hindi ko na alam kung ano ang silbi ko sa pamilya kong ito.
Maaga akong nagising kinabukasan, umaasang aabutan ko si Chantal bago siya pumasok sa eskwela. Gusto ko sana siyang ihatid—kahit man lang iyon ang magawa ko bilang ina.
Pagbaba ko, nakita ko siya sa sala. Ngunit agad akong natigilan—hindi siya naka-uniform.
Napatingin ako kay Manang Jelly, naghahanap ng sagot.
"Martes ngayon… Hindi ba papasok si Chantal?" tanong ko, pilit pinapanatili ang normal na tono ng boses ko.
Tumingin si Manang Jelly kay Chantal, kita sa mukha ng matanda ang pag-aalangan. Ngunit bago pa siya makasagot, mismong si Chantal na ang nagbigay ng paliwanag.
“Pumayag si Daddy na umabsent ako ngayon,” masiglang sagot niya. “May lunch date kami ni Aunt Diane. ‘Di ba, Daddy?”
Napatingin ako kay Sebastian, naghihintay kung ano ang sasabihin niya. Umaasa—kahit kaunti—na itatama niya ito.
Ngunit kalmadong tumango lang siya. “It’s okay, minsan lang naman umabsent ang bata. If you want to come, you can come too.”
Napasinghap ako.
Pinilit kong kontrolin ang bugso ng damdamin, ngunit ramdam ko ang unti-unting pag-init ng dugo ko. Ibinaba ko ang tingin at dahan-dahang huminga ng malalim.
Ngumiti ako—isang pekeng ngiti na tila lumalatay sa loob ko.
“Sure—”
Ngunit bago ko pa matapos ang sagot ko, mabilis akong pinutol ni Chantal.
“No, Dad! Mapapahiya tayo kay Aunt Diane kung isasama natin si Mama,” mariin niyang sabi. “And she’s busy. Bakit pa natin siya isasama, ‘di ba?”
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Malamig. Matigas. Diretsahan.
Gano’n lang?
Parang hindi ako ang nanay niya. Parang ako lang ang nakikitira sa buhay nila.
Napatitig ako kay Chantal, ngunit ni hindi niya ako nilingon. Wala man lang pag-aalinlangan sa boses niya, wala man lang pagsisisi sa sinabi niya.
Napabuntong-hininga ako, pilit itinatago ang sakit na dumudurog sa puso ko.
Bakit nga ba umaasa pa ako?
Sa loob ng maraming taon, hindi ko na ba dapat alam ang sagot?
“Ma’am Seraphina…”Napatingin ako kay Manang Jelly, mahina ang boses niya, para bang nag-aalangan kung dapat ba niya akong kausapin. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya—wala na sina Chantal at Sebastian. Umalis na sila.Walang paalam.Wala man lang pag-aalinlangan.Saglit akong napapikit, pilit na itinatago ang sakit na namumuo sa dibdib ko.Huminga ako nang malalim bago nagsalita.“Saang restaurant sila magla-lunch?” tanong ko kay Manang Jelly, umaasang baka nasabi ni Sebastian sa kanya.Sandaling natigilan si Manang, parang iniisip kung dapat ba niyang sabihin sa akin. Sa huli, tahimik siyang nag-abot ng isang papel.Kinuha ko iyon at tiningnan ang nakasulat.Pamilyar sa akin ang pangalan ng restaurant.Kung tama ang natatandaan ko… ito rin ang lugar kung saan madalas kaming kumain dati ni Sebastian—noong bago pa lang kaming mag-asawa.Umakyat ako sa kwarto at dumiretso sa banyo upang maligo. Matapos kong maligo, kumuha ako ng damit mula sa aparador—isang pink knee-length dress
Hindi na siya pumasok sa loob ng restaurant. Sa halip, dali-dali siyang bumalik sa kaniyang sasakyan at mabilis na pinaharurot ito pauwi. Pagkarating sa bahay, dumiretso siya sa kaniyang kwarto. Sa ibabaw ng mesa, nakapatong ang kaniyang laptop. Agad niya itong binuksan, nagpunta sa MS Word, at sinimulang gawin ang divorce agreement.Pagkatapos niyang matapos ang dokumento, tinawagan niya ang kaibigang si Michelle, ngunit hindi ito sumagot. Napakagat siya sa labi at napaisip. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kaniya ni Jude. Dali-dali niyang hinanap ang numero nito at tinawagan."Hello, si Seraphina 'to. I need your help. Puwede mo ba akong sunduin sa bahay?" Walang paliguy-ligoy niyang sabi. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Jude at agad niyang binuksan ang airline website para bumili ng ticket papuntang Davao. Mahal ang pamasahe dahil last-minute booking ito, pero wala siyang pakialam—ang mahalaga ay makaalis siya agad.Pagkabili ng ticket, agad niyang pinrint ang divorce agreeme
Alas nuwebe ng gabi nang makauwi sina Sebastian at ang kanyang anak na si Chantal. Pagpasok ng sasakyan sa gate, nag-aalangan pa rin si Chantal na bumaba. Ayaw niyang umuwi dahil nandoon ang kanyang ina.“Chantal, kailangan mo nang umuwi. Samahan mo ang mama mo,” sabi ni Aunt Diane.“Anak, kung ayaw mong bumaba, susunduin ka ng mama mo dito,” dagdag ni Sebastian.Wala nang nagawa si Chantal. Kahit labag sa loob niya, bumaba na rin siya at pumasok sa bahay.Pagpasok nila sa bahay, nagsalita si Sebastian.“You can stay here, Diane. Sa guest room ka na lang matulog. I will ask Manang Jelly to prepare it,” sabi niya.Masaya namang ngumiti si Chantal at agad na kumapit kay Diane.“Aunt Diane, baka magalit si Mom kapag nandito ka. I really hate her,” sabi ni Chantal, halatang may inis sa kanyang boses.Tumingin si Sebastian sa anak at lumuhod para magpantay ang kanilang mga mata.“No, Mom won’t be angry,” sagot niya sa mahinahong tinig.Dahan-dahang lumambot ang mukha ni Chantal at tila gum
Hindi na hinintay ni Sebastian na magsalita pa si Jude. Tinalikuran niya ito at agad na sumakay sa kanyang sasakyan, diretso pauwi. Habang nasa daan, ramdam niya ang kumukulong galit sa kanyang dibdib—galit sa asawa niyang animo'y laging humihingi ng atensyon, galit sa lahat ng nangyayari sa kanya. Para bang hindi pa sapat ang lahat ng pinagdaraanan niya, may idinagdag na namang panibagong sakit ng ulo."Akala ko, pagkatapos naming ikasal, mawawala na ang problema ko. Punyetang pamilya!" singhal niya bago malakas na sinuntok ang manibela.Napapikit siya saglit, pilit nilalabanan ang bumabalik na alaala—ang araw na ipinakilala siya ng kanyang lolo kay Seraphina.-Flash back-Habang nasa date si Sebastian kasama ang kanyang kasintahan na si Diane, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pinilit niyang balewalain ito, ngunit nang paulit-ulit itong nag-ring at nakita niyang si Lolo ang tumatawag, napabuntong-hininga siya at napilitan itong sagutin."Come to my office. Let’s have lunch toge
Nakaharap si Seraphina sa HR representative, nakaupo ng tuwid at maingat na nakapulupot ang kanyang mga kamay sa kanyang kandungan. Muling sumulyap ang opisyal sa kanyang resume bago ngumiti ng magalang."Seraphina Faye Dee-Singson," aniya, binibigkas ang pangalan niya nang malinaw bago muling tumingin sa kanya. "Maraming salamat sa pagpunta ngayon."Bahagyang tumango si Seraphina at gumanti ng magaan na ngiti. Pamilyar na sa kanya ang prosesong ito—una, babasahin ang kanyang pangalan, susundan ng ilang katanungan."Batay sa iyong resume, may hawak kang mga degree sa Early Childhood Education at Economics." Bahagyang tumango ang HR officer habang iniikot ang ballpen sa pagitan ng mga daliri. "Impressive credentials, However, most of your professional experience has been as a company secretary for nearly fifteen years. Could you tell me more about that career path and what led you to apply for a teaching position now?"Tahimik na tumingin si Seraphina sa opisyal, panatag ang kanyang ek
Napangiti si Seraphina nang marinig ang boses ng kaniyang kaibigang si Jude.“Unang araw mo sa Davao, ‘di ba? Kumusta? Is everything okay?” tanong nito mula sa kabilang linya.Dahil sa ingay ng paligid—ang tunog ng scanner ng cashier, ang usapan ng ibang mamimili, at ang anunsyo sa mall—hindi masyadong narinig ni Seraphina ang sinabi ni Jude.“Ha? Ano ‘yun? Hindi kita marinig, tatawagan na lang kita ulit.” sagot niya bago mabilis na ibinaba ang tawag.Binuksan niya ang messenger app at mabilis na nag-type ng mensahe:Seraphina: Ang ingay dito sa mall, hindi kita marinig. Call kita mamaya pag nasa bahay na ako!Matapos i-text si Jude, inilagay ni Seraphina ang cellphone sa loob ng kaniyang bag at muling ibinalik ang atensyon sa cashier na patuloy na sina-scan ang kaniyang mga pinamili. Napatingin siya sa monitor at bahagyang nagulat nang makita ang total—nasa sampung libo na. Pero sa kaniya, maliit lang ang halagang iyon.Hinugot niya ang wallet mula sa bag at saglit na natigilan. Ilan
"Papuntahin mo nga muna si Andrea sa opisina," utos ni Sebastian sa kanyang head secretary na si Jude. Walang imik na tumango si Jude bago lumabas ng silid at nagtungo sa opisina ng mga sekretarya.Habang hinihintay niya si Andrea, ibinalik ni Sebastian ang pansin sa kanyang iPad, ngunit hindi niya tuluyang maituon ang isip sa binabasa. May kutob na siyang alam niya kung ano ang laman ng dokumentong ipapasa sa kanya.Makalipas ang ilang minuto, marahang kumatok si Andrea bago pumasok sa silid. Lumapit ito sa mesa niya at inilapag ang isang sobre.Napatingin si Sebastian sa papel, bahagyang nagtaas ng kilay bago ito kinuha. “What’s this?” malamig niyang tanong.Napakapit si Andrea sa hawak niyang folder, halatang alanganin. "Ano po, resignation letter ni—""I see." Hindi na hinintay ni Sebastian ang buong paliwanag. Pinisil niya ang tulay ng kanyang ilong bago ibinaba ang papel sa mesa. "Then go find a new secretary."Nag-aalangan man, tumango si Andrea. "Opo, sir." Inilahad niya ang f
“Seb,” mahinhin na tawag ni Diane kay Sebastian.Napabuntong-hininga si Sebastian bago siya tumingin kay Diane, halatang iritado. “Hindi ka pa pala nakaalis. Gusto mo bang ihatid na kita?” tanong niya. Tahimik na tumango si Diane.Tumayo si Sebastian, kinuha ang kanyang susi at cellphone na nasa mesa, saka tumingin kay Diane. “Mauna ka nang lumabas,” malamig niyang utos. Kita sa mata niya ang kawalan ng emosyon.Pagkabukas ng pinto, sumalubong sa kanila si Jude, kasama ang anak nitong si Chantal. Napatingin si Chantal kay Diane, halatang nagtataka. Si Jude naman ay agad tumingin kay Sebastian na may matalim na tingin.“Saan ka pupunta, Sebastian? Nasa gitna ka ng trabaho, tapos aalis ka?” matigas na tanong ni Jude.Napailing si Sebastian, halatang naiinis. “You know what, Jude? Gawin mo na lang ang trabaho mo sa kumpanya. I’m the CEO—”“I’m one of the shareholders of this company, Sebastian,” mariing putol ni Jude. “Kaya may karapatan akong pagsabihan ka kung hindi mo ginagampanan ng
Alas-diyes ng gabi ng araw ding iyon, eksaktong dumating sa paliparan ang eroplanong sinakyan nina Sebastian at Chantal.Pagkauwi nila sa bahay, mag-aala-una na ng madaling araw.Mahimbing nang natutulog si Chantal bago pa sila makarating.Maingat siyang binuhat ni Sebastian paakyat sa kwarto nito. Habang naglalakad siya sa pasilyo, napansin niyang bukas ang pinto ng master bedroom, pero madilim sa loob. Saglit siyang natigilan bago nagpatuloy sa kwarto ni Chantal.Matapos niyang ihiga ang anak sa kama at takpan ng kumot, bumalik siya sa kanilang silid. Binuksan niya ang maliit na ilaw sa tabi ng kama at napatingin sa kutson—walang tao.Sakto namang dumating si Ara ang kasambahay na nag-aalaga sa bahay nilang mag-asawa dito sa Davao, dala ang ilan sa kanilang bagahe. Habang tinatanggal ni Sebastian ang kurbata niya, nagtanong siya nang walang emosyon sa boses, “Dumating na ba siya?”Agad na sumagot ang matandang kasambahay, “Wala po, Sir.”Napalunok si Sebastian.Kalahating buwan na a
Nakita ni Seraphina ang reaksyon sa mukha ni Trisha—nakangiti ito, ngunit bakas ang pagkabigla sa kaniyang mga mata."Siguro nagbibiro lang siya," naisip ni Trisha. Hindi kailanman nagawang tanggihan ni Seraphina ang anumang hiling niya noon. Pero ngayon, tila wala na siyang pakialam.Alam ni Seraphina na matagal nang nagbago ang pakikitungo ni Trisha sa kaniya. Hindi na ito tulad ng dati. Napangiti siya, ngunit may bahid ng pait sa kaniyang ekspresyon."Si Sebastian at Chantal ay wala na sa tabi mo ngayon," mariing wika ni Trisha, may halong panunuya sa boses. "Ano pa ang magagawa mo?"Sa halip na sumagot, natawa si Seraphina nang mapait. Sa loob ng maraming taon, isinantabi niya ang sarili, ibinuhos ang buhay niya kay Sebastian at sa kanilang anak. Umiikot ang mundo niya sa kanila, hanggang sa nakalimutan na niya kung sino siya.At ngayon, ito ang tingin nila sa kaniya? Parang wala siyang halaga?Tama lang ba iyon?Ngunit hindi na siya papayag na manatili sa ganoong sitwasyon. Hindi
Matagal nang hindi nagkita ang dalawa, kaya habang naglalakad sila, sinamantala nila ang pagkakataong makapagkumustahan tungkol sa kanilang mga karera."Nagtuturo ka na ngayon sa Tagum, tama ba? Sa isang unibersidad?" tanong ni Althea.Tumango si Seraphina. "Oo. Medyo mahirap, lalo na sa schedule at workload, pero mas gusto ko ito kaysa sa trabaho ko noon sa Maynila.""Mabuti naman at masaya ka sa ginagawa mo ngayon—""Pero minsan, natatakot pa rin ako. Lalo na ngayon," amin ni Seraphina, bahagyang bumaba ang kanyang boses.Napabuntong-hininga si Althea. Ilang sandali pa lang silang nag-uusap, ngunit ramdam na niya ang pagbabago kay Seraphina. Ang dating masiglang babae na kilala niya noon ay tila may dinadalang bigat sa dibdib.Sa pag-iisip tungkol kay Seraphina, hindi kailanman naisip ni Althea na darating ang araw na maiuugnay niya ang salitang "inferiority complex" kay Seraphina.Ang buhay mag-asawa nina Seraphina at Sebastian—hindi niya ito lubos na alam. Pero may ideya siya.May
Napatingin na lang si Sebastian sa kanyang anak, na napabuntong-hininga. Napailing siya nang maalala niya ang kanyang asawa habang tinitingnan ang anak niya. Pilit niyang iniisip na magkaiba sila—his daughter was more emotionally expressive. Madaling mababasa sa mukha nito kung siya’y galit, masaya, malungkot, o nadidismaya. Hindi tulad ng kanyang asawa, na parang robot—walang kahit anong emosyon na makikita sa mukha.Lumabas na si Sebastian sa kwarto ni Chantal, at sumunod naman sa kanya si Manang Jelly.“Tapos ka na ba sa pag-aayos ng gamit ni Chantal?” tanong niya sa matanda nang maramdaman niyang sumusunod ito sa kanya.“Sir, pinapakalma ko muna si Chantal. Babalikan ko iyon mamaya,” sagot ni Manang Jelly. “Nga pala, sir, ano po pala 'yung gusto n’yong itanong sa akin?”Napabuntong-hininga na lang si Sebastian. Ipinakita niya ang brown envelope na hawak niya kay Manang Jelly.“Bakit po, sir? May problema ba diyan? ‘Yan po ‘yung pinaabot sa akin ni Ma’am Seraphina,” ani Manang Jell
“Ano kayang nangyari kay Dad, Manang?” nagtatakang tanong ni Chantal sa katulong. Napabuntong-hininga ang bata at pinagdikit ang mga labi, tila nag-iisip.“Whatever. But I’m so happy, Manang! Hindi ko akalaing susundan talaga ni Dad si Tita Diane sa Davao. He really loves her so much. At pumayag pa siya sa utos ni Lola na i-manage ‘yung school,” masayang sabi ni Chantal bago siya saglit na natigilan at umupo sa sofa.Tahimik na sumunod ang katulong at tumayo sa tabi niya. Ilang sandali pa, muling nagsalita si Chantal.“Let’s go upstairs, Manang! Let’s pack my things—‘yun naman ang utos ni Dad, ‘di ba?” ani Chantal, sabay tayo mula sa sofa.Mabilis itong tumakbo paakyat sa kanyang kwarto, bakas ang excitement sa kanyang mukha.Masaya pa rin si Chantal habang nasa kwarto, patuloy na umaawit at sumasayaw sa kama.Makalipas ang ilang sandali, bigla niyang naalala ang kanyang ina, si Seraphina.Sa mga nakaraang araw, dahil hindi siya tinawagan ng kanyang ina, nanatili siyang nasa mabuting m
“Kailangan mong hanapin siya, gaano man katagal, Sebastian,” matigas na wika ng kanyang ina bago siya tuluyang lumabas ng silid.Naiwan namang nakatulala si Sebastian, nakatingin sa mga nagkalat na envelope sa sahig. Agad niya iyong pinulot at itinapon sa basurahan. Matapos niyang ayusin ang kalat, lumabas siya ng silid at napahinto nang makita ang kanyang kapatid na si Jude, nakasandal sa pader, tahimik na nakamasid sa kanya.“Ano’ng ginagawa mo rito?” malamig na tanong ni Sebastian. “Nandito ka rin ba para husgahan ako sa mga ginawa ko, Kuya? Sige, sabihin mo na.”Walang imik na inayos ni Jude ang kanyang postura bago iniabot kay Sebastian ang isang plastic bag.Kinuha iyon ni Sebastian at binuksan, agad niyang nakilala ang laman—ang cellphone ni Seraphina. Ang parehong cellphone na minsan niyang ibinigay kay Chantal noong kaarawan nito, ngunit tinanggihan ng anak.“Bakit nasa iyo ‘to?” kunot-noong tanong ni Sebastian.“Ibinigay niya sa akin,” sagot ni Jude. “Ipinapasira na niya, pe
Inis na tumayo si Sebastian at walang sabi-sabing umalis sa unit ni Diane. Mabilis niyang isinara ang pinto at diretso siyang nagtungo sa elevator.Pagkapasok, pinindot niya ang button pababa patungong parking lot. Nakatitig siya sa number panel, halatang naiinip, habang walang tigil sa pagtapik ng daliri sa kanyang hita.Nang biglang bumukas ang elevator sa third floor, agad siyang napairap. "Tangina naman," bulong niya sa sarili, lalo pang nadagdagan ang pagkainis niya.Sa wakas, nang makarating siya sa parking lot, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Malalaki ang mga hakbang niyang tinahak ang daan patungo sa kanyang sasakyan. Pagkasakay, agad niyang pinaandar ang makina at marahas na pinaharurot ang kotse palabas.Habang mabilis na binabagtas ni Sebastian ang daan patungo sa mansyon ng kanyang mga magulang, mahigpit niyang hinawakan ang manibela. Alam niyang hindi siya ipapatawag ng kanyang ina nang walang mabigat na dahilan.Pagdating niya sa mansyon, agad siyang sinalubong ng pers
Alas sais na ng gabi, at nagsialisan na ang mga trabahante ng kumpanya. Si Jude na lang ang natitira sa loob ng kanyang opisina, nakatitig sa kanyang cellphone na nakahiga sa mesa. Nagdadalawang-isip siya kung rereplyan ba si Seraphina at ipapaalam na hinahanap na siya ng kanyang ama.Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina. Agad niyang pinatay ang cellphone at itinaas ang tingin. Sa may pintuan, nakatayo si Sebastian. Tahimik itong pumasok, at napilitan namang tumayo si Jude mula sa kanyang upuan.Saglit silang nagkatitigan bago nagsalita si Sebastian, ang tinig nito ay malamig at walang bahid ng emosyon.“Jude, alam kong alam mo kung bakit ako nandito.”Hindi nagbago ang ekspresyon ni Sebastian—wala ni anong galit o pang-aakusang makikita sa kanyang mukha. Parang pumunta lang siya doon para hanapin ang kanyang asawa dahil gusto itong makita nina Mama at Papa.Napabuntong-hininga si Jude bago sumagot.“Alam ko,” aniya, matigas ang tinig. “Pero wala a
“Seb,” mahinhin na tawag ni Diane kay Sebastian.Napabuntong-hininga si Sebastian bago siya tumingin kay Diane, halatang iritado. “Hindi ka pa pala nakaalis. Gusto mo bang ihatid na kita?” tanong niya. Tahimik na tumango si Diane.Tumayo si Sebastian, kinuha ang kanyang susi at cellphone na nasa mesa, saka tumingin kay Diane. “Mauna ka nang lumabas,” malamig niyang utos. Kita sa mata niya ang kawalan ng emosyon.Pagkabukas ng pinto, sumalubong sa kanila si Jude, kasama ang anak nitong si Chantal. Napatingin si Chantal kay Diane, halatang nagtataka. Si Jude naman ay agad tumingin kay Sebastian na may matalim na tingin.“Saan ka pupunta, Sebastian? Nasa gitna ka ng trabaho, tapos aalis ka?” matigas na tanong ni Jude.Napailing si Sebastian, halatang naiinis. “You know what, Jude? Gawin mo na lang ang trabaho mo sa kumpanya. I’m the CEO—”“I’m one of the shareholders of this company, Sebastian,” mariing putol ni Jude. “Kaya may karapatan akong pagsabihan ka kung hindi mo ginagampanan ng