Si Dylan Asher del Valle, isang sikat at mayamang psychiatrist, ay mayroong lahat maliban sa tunay na pag-ibig. Isang hopeless romantic at possessive, patuloy siyang naghahanap ng babaeng mamahalin siya ng buong puso. Samantala, si Xena Celeste, isang simpleng dalaga at anti-romantic, ay kuntento sa kanyang buhay at pamilya. Ngunit ang lahat ay magbabago nang magtrabaho si Xena bilang sekretarya ni Dr. Dylan. Sa loob ng isang buwan, puro pang-aapi ang natanggap ni Xena mula sa kanyang boss. Ngunit dahil sa pangangailangan sa pera, nagtitiis siya. Isang araw, aksidenteng nasaksihan ni Xena ang mapait na hiwalayan ni Dylan sa kanyang kasintahan, na akala niya ay magpapakamatay. Kung kaya sinagip niya ito. Dahil dito, inalok ni Dylan si Xena ng isang kakaibang deal: isang "Dating Experiment" para sa kanyang research, kapalit ng 6 milyon. Ang twist? Si Dylan mismo ang magiging "boyfriend" ni Xena sa experiment. Pagkatapos ng isang buwan, kailangan nilang magpakasal para sa susunod na level, at manirahan sa iisang bubong. Sa gitna ng isang kontrata na puno ng mga clause at kondisyon, haharap si Xena sa isang malaking pagsubok. Mapapanalo kaya ni Dylan, ang isang hopeless romantic, ang puso ng isang anti-romantic na babae? Ano kaya ang mangyayari sa kanilang Dating Experiment? At higit sa lahat, matutuklasan kaya ni Xena ang tunay na kahulugan ng pag-ibig?
view moreXENAHindi ko alam kung ilang segundo kaming nanatiling gano’n—nakaharap sa isa’t isa, walang kumikilos. Pero ang puso ko? Grabe kung maka-rambol sa dibdib ko."Ayaw mo ba?" muling tanong ni Dylan, bahagyang yumuko para mas makita ako nang mabuti.I swallowed hard. Ayan na naman siya sa pagiging intense!Dapat ko siyang paalisin. Dapat ay tumanggi ako.Pero bakit hindi ko magawang isara ang pinto?Bakit ang tanging nagawa ko lang ay ang lumingon sa kama ko—at walang kahulugan ang kilos na ‘yon, pero biglang pumasok si Dylan."Hoy! Wala pa akong sinasabi!" bulong ko, pero hindi niya ako pinansin.Oh. My. God.Masyadong malapit si Dylan.Masyadong mainit ang kamay niyang nakahawak sa pulso ko.At masyadong delikado ang paraan ng pagtitig niya sa akin—para bang sinusuri ang bawat hibla ng emosyon ko, hinihila palabas ang lihim na pilit kong itinatago.Ilang beses akong napalunok, pero hindi ko magawang umatras.Lalo na nang dumikit pa siya nang kaunti.I could feel the warmth of his body
CHAPTER 106XENAHindi ako makatulog.Ewan ko ba. Siguro dahil ang daming gumugulo sa isip ko.Or maybe... dahil sa isang lalaking ilang pinto lang ang layo mula rito.Napabuntong-hininga ako at pumikit nang mariin, pilit na pinapakalma ang sarili. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa katawan ko ang pagod—o ang sakit—pero hindi ko naman puwedeng sisihin ang kahit sino kundi ang sarili ko.Walang may kasalanan kundi ako.Ako ang pumayag.Ako ang bumigay.Ako ang nagpahawak.Napakagat-labi ako at niyakap ang sarili habang nakahiga, pilit na tinatanggal sa isip ko ang mga bagay na dapat nang kalimutan.Pero paano kung hindi ako lang ang nakalimot?Paano kung... hindi niya talaga maalala?I clenched my fists. Napapikit ako nang mahigpit. "Tama na, Xena. Matulog ka na."Pero habang tahimik ang paligid, biglang may narinig akong mahina."...Xena..."Nanlaki ang mga mata ko.Napabangon ako mula sa kama at napatitig sa direksyon ng pinto.Doon galing ang boses.Dylan.Muling lumakas ang ti
DYLANMay kulang.Hindi ko alam kung ano, pero simula pa kaninang umaga, may bumabagabag sa utak ko. Parang may isang bagay na hindi ko maalala—isang piraso ng puzzle na hindi ko matukoy kung saan eksaktong nawawala.Naramdaman ko iyon habang nasa biyahe pa lang kami ni Xena papunta sa opisina. Nang tingnan ko siya kanina, para siyang may dinadalang bigat. Hindi ko masabi kung ano, pero hindi iyon normal.She was acting… strange.At hindi lang dahil nag-aalitan kami.She was avoiding me.Hindi halata kung hindi mo siya kilala, pero sa tagal ko na siyang kasama, kabisado ko na ang kilos niya. Alam kong may itinatago siya.And that bothered me more than I was willing to admit.Damn it.Napabuntong-hininga ako at nagpakawala ng iritadong tawa. I leaned back on my office chair, rubbing my temples. Hindi ko gusto ‘to—ang pakiramdam na parang may hindi ako alam. I hated being left in the dark.I tried to shake it off, pero habang lumilipas ang oras, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. M
CHAPTER 104XENANapakunot-noo ako habang pinagmamasdan si Dylan. Ang weird niya. Kanina pa siya tahimik habang kumakain, pero halatang may bumabagabag sa kanya. Ilang beses ko siyang nahuling nakakunot ang noo, at parang mas madiin pa yata ang paghiwa niya sa bacon kaysa sa dapat."May problema ka?" tanong ko, habang sinisiksik sa bibig ko ang last bite ng omelet.Hindi siya sumagot. Ni hindi man lang ako tinignan."Hoy, Dylan," tawag ko ulit. "Ano bang problema mo?"Ibinaling niya sa akin ang malamig niyang tingin. "Wala."Agad akong napairap. Napakabilis naman ng sagot niya. Sabi ko na nga ba eh. Alam kong may bumabagabag sa kanya, pero dahil ang pride ng lalaking 'to ay mas mataas pa sa presyo ng gasolina, wala akong makukuhang matinong sagot."Hindi mo naman ako kailangang tingnan ng ganyan kung wala kang problema," sarkastikong sabi ko."Eh ikaw?" biglang balik niya. "Ano naman problema mo?"Napaatras ako sa upuan, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sobrang random ng tanong ni
XENABadtrip.Hindi ko alam kung paano ako tatayo nang maayos. Pakiramdam ko, ang bigat-bigat ng katawan ko, parang dinaanan ng trak. At ‘yung ibabang parte ko? Masakit. As in, masakit na hindi ko alam kung gusto ko na lang gumapang papunta sa kusina kesa lumakad.Pero heto ako ngayon—nasa kusina, nagpipilit magluto ng almusal kahit paika-ika pa rin ako maglakad.Napatingin ako sa loob ng kwarto, kung saan mahimbing pa ring natutulog si Dylan. Tahimik. Kalma. Walang kamalay-malay.Gusto ko bang magising siya?Gusto ko bang maalala niya ang nangyari kagabi?O mas okay na hindi?Napakapit ako sa counter, hindi dahil sa sakit sa katawan ko kundi dahil sa bumabagabag sa utak ko.Ako ba ang nanamantala sa kanya?Parang ako pa ‘yung lumabas na masama. Ako ‘yung pumayag. Ako ‘yung hindi pumiglas. Hindi ko siya itinulak nang mas malakas. Alam kong hindi siya nasa huwisyo, pero—pero bakit?Jusko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.Napapikit ako, pinipilit burahin ang memorya ng init ng balat
Napasinghap ako nang subukan kong bumangon. May matinding kirot na gumapang sa ibabang bahagi ng katawan ko, dahilan para mapakapit ako sa kumot. Para akong binagsakan ng matinding sakit na hindi ko pa kailanman naranasan.Napapikit ako nang mariin, pilit hinahabol ang hininga habang nararamdaman ang paninigas ng buong katawan ko. Naramdaman ko ang init ng dugo sa pagitan ng hita ko—isang malinaw na patunay ng nangyari sa amin ni Dylan. Napalunok ako, pinipigilan ang pag-alon ng damdamin sa loob ko.Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot, mahiya, o… magsisi.Lumingon ako sa tabi ko. Nakahiga pa rin si Dylan, walang malay, ang noo niya basa ng pawis. Muli ko siyang tinitigan—ang lalaking nagpatumba sa lahat ng depensang itinayo ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung paano nangyari 'to. Kung paano ko hinayaang mangyari 'to.Pero mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang mapansing hindi pa rin siya gumagalaw."Dylan," mahina kong tawag habang inilapit ang kamay ko sa pisngi niya. Mainit pa
Chapter 101Mainit.Ramdam ko ang apoy na bumabalot sa katawan ko, pero hindi ko alam kung sa lagnat ni Dylan o sa nag-aalab niyang paghawak iyon nanggagaling. Nasa ibabaw ko siya, ang init ng balat niya ay dumadaloy sa akin, parang nilalagnat na rin ako sa tindi ng pagnanasa niyang hindi niya maitago.“Dylan…” Mahina kong tawag habang hinahabol ang hininga ko. Pero hindi siya tumigil. Bumaba ang labi niya sa leeg ko, nag-iiwan ng maiinit at basang halik, habang ang mga kamay niya ay gumagapang sa katawan ko, tila sinusubukang kabisaduhin ang bawat bahagi nito."Dylan, tama na..." Hinawakan ko ang mukha niya, pinipilit siyang tingnan sa mata. Kailangan kong makita kung nasa tamang huwisyo pa ba siya o dala lang ito ng lagnat niya. Pero nang tumama ang paningin ko sa kanya, para akong natunaw. Ang mga mata nya parang wala sya sa sarili nya.Ang ekspresyon niya… puno ng sakit. Puno ng pangungulila. Parang isang batang takot maiwan. Parang ako ang mundo niya at kung bibitawan ko siya, m
Nakatitig lang ako sa mukha ni Dylan habang mahimbing siyang natutulog. Matapos ang kung ilang oras ng pagpapalit ko ng cold compress sa noo niya, bumaba na rin ang lagnat niya, pero ang bigat na iniwan ng mga sinabi niya ay hindi pa rin mawala sa isip ko."Huwag kang umalis.""Ayoko nang mag-isa."Napalunok ako.Ganoon kalalim ang takot niyang maiwan?Matagal ko nang alam na may kung anong mas mabigat na dinadala si Dylan, pero hindi ko inakalang ganito ito kalala. Ang Dylan na kilala ng lahat—matapang, walang inuurungan, palaging may kontrol—ay isang lalaking takot sa pag-iisa.Hinila ko ang upuan palapit sa kama at napaupo. Napagod din yata ako sa pagbabantay sa kanya.Pinagmasdan ko siya. Sa unang pagkakataon, hindi ko siya nakikitang nakataas ang pader niya. Sa halip, mukha siyang isang ordinaryong taong sugatan, tulog pero parang may binabagabag pa rin.Napabuntong-hininga ako at marahang itinakip ang kamay ko sa noo niya.Mainit pa rin siya, pero hindi na tulad kanina."Anong n
(Xena's POV)Pagkapasok ko sa penthouse, agad akong napahinto sa bungad.Basa ang sahig.Literal na may mga bakas ng tubig mula sa pinto hanggang sa sala, parang may nabasang basang dumaan dito. Napaangat ang tingin ko—at halos mapatakbo ako sa nakita ko.Si Dylan, nakahiga sa sofa, basang-basa.Mabilis akong lumapit. "Dylan?" tawag ko, pero hindi siya gumalaw. Nanginginig ang mga kamay ko nang hinawakan ko ang noo niya—at agad akong natigilan.Ang taas ng lagnat niya."Shit," napamura ako, mabilis na inaalis ang basa niyang coat. Hindi man lang siya lumaban. Lalo akong kinabahan."Dylan, anong ginawa mo?" bulong ko habang hinuhubad ang sapatos niya. Dumikit ang basang tela sa balat niya, kaya agad akong tumayo para kumuha ng towel at tuyong damit. Kailangan ko siyang palitan bago lumala 'to.Pagbalik ko, wala pa ring pagbabago. Nanginginig siya, nanlalagkit sa pawis at tubig. Dahan-dahan kong hinubad ang basa niyang polo, pero sa bawat galaw ko, mas lalo kong napapansin kung gaano si
"Xena!"Napatalon ako sa gulat, agad na napaangat ang tingin mula sa mga papeles na inaayos ko. Nakatayo si Dr. Dylan sa harap ko—nakakunot ang noo, matalim ang tingin, at mukhang sasabog na sa galit."This is the third time this week you've messed up this report!" sigaw niya, hindi alintana kung may nakakarinig. "Are you even trying? You're supposed to be a secretary, not a kindergarten student!"Napakuyom ako ng kamao sa ilalim ng mesa, pilit pinipigilan ang sarili na sumagot nang pabalang. Huminga ako nang malalim bago nagpaubaya."Pasensya na po, Doc," sagot ko, pinipilit gawing kalmado ang boses ko. "Hindi ko po sinasadya. Nagkamali lang po ako.""Nagkamali?" Halos matawa siya sa inis. "You're supposed to be meticulous! This is a medical report, Xena! You're messing with people's lives!"Ramdam ko ang bigat ng tingin niya sa akin. Parang kahit anong gawin ko, wala siyang makitang tama."Doc, I'm sorry. I'll be more careful next time," sagot ko, pilit pa ring pinapakalma ang saril...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments