Chapter 4
Nakita kong tumayo si Dylan at lumapit sa bintana. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang ekspresyon sa mukha niya. Pero isang bagay ang agad kong napansin—tumulo ang dugo mula sa kamay niya. Napakunot ang noo ko. Bakit siya nasugatan? Anong nangyari? Pero mas naguluhan ako nang mapansin ang isang lubid na nakasabit sa may bintana. Napalunok ako. “Hindi naman siguro yan lubid para pang bigti, noh?” bulong ko sa sarili. Pero nang makita kong kinuha niya ang isang upuan at inilapit sa may bintana, lumakas ang kutob ko. Pinatong niya ang paa sa upuan at abot-kamay niyang inabot ang lubid. Tila may binubuhol siya. Parang tumigil ang mundo ko. “Parang… parang balak niyang magpakamatay.” Nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin. Parang nanigas ang buong katawan ko, pero hindi ko pwedeng hayaan na lang siyang gawin ‘yun. Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. “Doc Dylan!” sigaw ko, sabay kapit nang mahigpit sa braso niya at hinila siya pababa. Wala akong pakialam kung mahulog kami—ang mahalaga, mapigilan ko siya. At ‘yon nga ang nangyari. Nawalan siya ng balanse at bumagsak siya… sa ibabaw ko. Naramdaman ko ang bigat ng katawan niya, pero ang mas nakakagulat ay ang mainit niyang palad na dumapo sa likod ng ulo ko, parang sinadya niyang hindi ako masaktan. Napahiga kami pareho sa malamig na sahig. Nagkatitigan kami. Para akong nakulong sa lalim ng titig niya. Nanlaki ang mata niya, halatang naguguluhan sa nangyari. Ako naman, hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa sa sitwasyon namin. “Xena?” bulalas niya, gulat na gulat. Dahan-dahan niya akong inalalayan para bumangon. Pareho kaming nakaupo sa sahig, magkaharap, habang ako naman ay pilit na pinipigil ang panginginig ng kamay ko. “W-What are you doing here?” tanong niya, hindi pa rin makapaniwala. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ramdam ko ang sakit na biglang bumalot sa dibdib ko, at bago ko pa namalayan, tumulo na ang luha ko. Biglang bumalik sa isip ko ang isang masakit na alaala—ang araw na nagpakamatay ang papa ko anim na taon na ang nakalipas. Ang araw na pinagsisihan ko habang buhay, dahil wala ako roon para iligtas siya. Tiningnan ko si Dylan, at sa mata niya nakita ko ang parehong lungkot na nakita ko noon sa papa ko. Hindi ko na napigilan. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Please, ‘wag kang magpapakamatay! Please! Ano man ‘yung pinagdadaanan mo ngayon, ‘wag kang susuko! Hindi mo alam kung ano ang magiging epekto nun sa mga taong iiwan mo! Please, lumaban ka!” Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya habang patuloy ang pagdaloy ng luha ko. “I know wala akong karapatang sabihin ‘to, pero hindi mo deserve ang ganoong klaseng babae. Hindi mo deserve ang ganoong treatment ng pamilya. Siguro nga sobrang sakit ng nararamdaman mo ngayon, baka parang ang bigat-bigat na gusto mo nang sumuko, pero kailangan mong mabuhay. Para sa mga taong nagmamahal sa’yo. Para sa mga pasyente mong patuloy na lumalaban sa buhay dahil sa tulong mo. Please, ‘wag mo nang ulitin ‘to, Doc…” Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Ramdam kong tinitigan niya ako, pero hindi siya nagsalita. Maya-maya, naramdaman kong dahan-dahan niyang inalis ang mga braso ko mula sa pagkakayakap sa kanya. “Okay, tahan na.” Kaya dahan-dahan rin akong lumayo, pero hindi ko magawang tingnan siya nang diretso. Nakayuko lang ako, pinupunasan ang luha sa pisngi ko. At doon ko napagtanto—boss ko nga pala siya. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Anong ginagawa ko?! Muli akong napalunok, at pilit kong iniwasan ang tingin niya. Lumikot ang mga mata ko, iniisip kung paano ko maipapaliwanag ang lahat. Pero hindi ko kailangang mag-isip pa nang matagal. “You seem to be back to your senses.” Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang boses ni Dylan—matalim, malamig, puno ng hinanakit. Para tuloy gusto kong lamunin ng lupa. Nakayuko lang ako, hindi makapagsalita. Pero alam kong kailangan kong ipaliwanag ang sarili ko. “Sir… sorry po.” Halos isubsob ko na ang mukha ko sa sahig sa hiya. Hindi siya sumagot agad. “Care to explain why you are in my condo?” tanong niya, malamig pa rin ang boses. Mabilis akong umiling. “Ang totoo po, ako po ‘yung naglilinis ng bahay ninyo. Yung kaibigan ko po kasi, siya dapat ang assigned dito, pero pinakiusapan niya ako kung pwedeng ako muna. Hindi ko po alam na kayo ang may-ari nito. Nagkataon lang po talaga ang lahat.” Hindi siya kumibo. “Then why were you hiding?” malamig niyang tanong. Napalunok ako. “N-natatakot po ako. Nataranta ako lalo na nang makita ko na kayo pala ang may-ari. Wala po akong intensyong makinig o makialam. Nagkataon lang po talaga. At nung nakita ko kayong parang magpapakamatay, hindi ko na napigilan ang sarili ko.” Naningkit ang mata niya. “You think I was going to kill myself?” “Hindi po ba?” nagtatakang tanong ko. “Kitang-kita ko po kayo na inaayos ‘yung lubid, tapos umakyat pa kayo sa upuan—” Napahinto ako nang bigla siyang bumuntong-hininga at bahagyang iniling ang ulo. “Yeah, I had to climb up to fix the wire. It wasn’t even a rope, it was a wire. It was hanging loose, so I straightened it out.” Halos malunod ako sa sariling hiya. “S-sorry po…” pabulong kong sabi, nanliliit sa sarili. “And seriously? Pulling me like that was reckless! You could’ve seriously hurt yourself.” Natahimik ako. Naalala ko kung paano ko siya hinila kanina nang walang pag-aalinlangan. “Okay lang po… ang mahalaga, hindi kayo nasaktan.” Napatingin siya sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Ilang saglit siyang hindi gumalaw, bago siya tumayo mula sa sahig. Tumingala ako at nakita ko siyang nakatitig sa akin. Inilahad niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Marahan kong inabot ang kamay niya, at tumayo ako—pero biglang sumakit ang bukung-bukong ko. “Ahh!” Muntik na akong matumba. Agad niya akong sinalo, mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. “You’re hurt.” Napangiwi ako. Ngayon ko lang napansin na natapilok pala ako kanina nang mahulog kami sa sahig. Napatingin ako sa kanya, at doon ko lang napansin kung gaano siya kalapit. Ang init ng katawan niya, at ang tibok ng puso niya—o baka akin ‘yon—ay parang sobrang lakas. Nagtagpo ang mga mata namin. And for a moment, the world just stopped.“Are you okay?” may pag-aalalang tanong ni Doc Dylan habang nakatingin sa ankle ko. Napansin niyang namamaga ito kaya agad niya akong inalalayan papunta sa sofa. “Okay lang po ako,” sagot ko nang mahina, medyo nahihiya dahil hindi ko akalaing magiging ganito ang sitwasyon. Nang makaupo ako, agad siyang nagtungo sa kusina at bumalik na may dalang first aid kit at ice pack. Hindi ko inasahan na may ganito siyang side—sanay akong nakikita siyang malamig at matigas sa trabaho, pero ngayon, tila ibang Dylan ang nasa harapan ko. Lumuhod siya sa harapan ko at marahang hinawakan ang aking paa. “Let me see your ankle,” seryoso niyang sabi, ngunit agad kong binawi ang aking paa, nahihiya at nailang sa ginagawa niya. “Naku, Doc, huwag na po… nakakahiya,” sabi ko, ngunit mas mabilis ang kilos niya. Hinawakan niya ulit ang paa ko at marahang idinampi ang ice pack sa namamagang bahagi. "If this gets worse, you're gonna be in a lot more trouble. So stop being a pain and just listen," mariin n
"O-okay lang po ako, Sir," nauutal kong sagot. Pilit kong binawi ang balikat ko mula kay Sir Mark, pero parang hindi man lang niya naramdaman ang pag-atras ko."Tara, sabay na tayo mag-lunch," yaya niya, nakangiti.Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang puso ko ay tumatalon sa kaba. Ang dating kaakit-akit na mukha ni Sir Mark ay ngayon parang isang maskara—nagtatago ng isang madilim na lihim.“Xena, okay ka lang ba?” tanong ni Alice, ang ka-workmate ko. Napabalik ako sa realidad. Kailangan kong kumilos, kailangan kong makaalis rito."Ah, oo, okay lang ako," sagot ko, pilit ang ngiti. "Sige, mauna na kayo, susunod na lang ako. May gagawin pa ako sandali."Walang alam si Sir Mark, pero ang totoo, gusto ko lang makalayo.Makalipas ang ilang oras…Pagkatapos ng shift ko sa call center, dali-dali akong nagtungo sa isang condominium para linisan ito. Mabuti na lang at may kabaitan rin si Doc Dylan dahil hindi niya ako sinumbong sa kaibigan ko. Kung hindi, baka pat
Chapter 7Maya-maya ay nagtungo na ako sa kusina at nagsimulang maghanda ng hapunan nila. Tahimik lang si Sir Dylan habang nakaupo sa may counter, pero ramdam kong inoobserbahan niya ang bawat galaw ko. Parang nakakapasong tingin ang ipinupukol niya, kaya lalo akong naging conscious.Bakit ba siya nakatitig? Ano kayang iniisip niya? May side rin kaya siyang pervert?Napailing ako sa sarili kong mga hinala. Pero naisip ko rin—hindi ako dapat mag-alala. May hawak akong kutsilyo, at kung sakali mang may masamang mangyari, may CCTV naman. Pero teka, bakit ko iniisip na baka may mangyari?"Xen—"Biglang nagsalita si Sir Dylan sa gitna ng katahimikan, kaya nagulat ako. Dahil doon, nadulas ang kamay ko at nahiwa ko ang sarili ko."Aw!" Napaigtad ako, agad na hinigpitan ang kapit sa aking daliri. Dumaloy ang dugo mula sa maliit pero malalim na hiwa.Hindi ko pa man natatanggap nang buo ang sakit ay bigla na lang lumapit si Sir Dylan. Kinuha niya ang kamay ko at mabilis akong hinila patungo sa
Nakaupo siya sa harap ko, at napansin kong may hawak siyang papel.“Okay, so based on my evaluation, you’re struggling financially, correct?” diretsong tanong ni Doc Dylan.Alam ko namang hindi na ito tanong, kundi isang konklusyon na binuo niya mula sa lahat ng napansin niya sa akin nitong mga nakaraang araw. Kahit pa gusto kong magpanggap na hindi totoo, wala rin namang saysay ang pag-deny.“Yes po, pero don’t worry, hindi po iyon makakaapekto sa trabaho ko sa inyo,” mabilis kong sagot para ipakita na wala siyang dapat ipag-alala.Hindi siya nagsalita kaagad. Pinagmasdan lang niya ako, para bang inaaral niya ang reaksyon ko. Matapos ang ilang sandali, ini-slide niya ang isang papel sa akin.“Please answer this questionnaire.”Tumaas ang kilay ko sa ipinagawa niya pero hindi ako nagtanong. Sinimulan kong sagutan ang papel. Ang mga tanong ay tila may kinalaman sa personal kong paniniwala at karanasan sa pag-ibig at relasyon.Matapos ang ilang minuto, natapos ko rin ito at ibinalik sa
"Xena!"Napatalon ako sa gulat, agad na napaangat ang tingin mula sa mga papeles na inaayos ko. Nakatayo si Dr. Dylan sa harap ko—nakakunot ang noo, matalim ang tingin, at mukhang sasabog na sa galit."This is the third time this week you've messed up this report!" sigaw niya, hindi alintana kung may nakakarinig. "Are you even trying? You're supposed to be a secretary, not a kindergarten student!"Napakuyom ako ng kamao sa ilalim ng mesa, pilit pinipigilan ang sarili na sumagot nang pabalang. Huminga ako nang malalim bago nagpaubaya."Pasensya na po, Doc," sagot ko, pinipilit gawing kalmado ang boses ko. "Hindi ko po sinasadya. Nagkamali lang po ako.""Nagkamali?" Halos matawa siya sa inis. "You're supposed to be meticulous! This is a medical report, Xena! You're messing with people's lives!"Ramdam ko ang bigat ng tingin niya sa akin. Parang kahit anong gawin ko, wala siyang makitang tama."Doc, I'm sorry. I'll be more careful next time," sagot ko, pilit pa ring pinapakalma ang saril
Pagkatapos ng lunch break, agad akong nagtungo sa lobby area para makapag-power nap kahit sandali. Kahit papaano, makakabawi ako ng lakas bago bumalik sa trabaho. Mabilis akong naupo sa isang sulok, nag-set ng alarm clock sa phone ko—30 minutes lang—at pumikit.Parang isang segundo pa lang akong nakapikit nang may tumapik sa akin."Xena, pinapatawag ka ni Doc sa office niya."Napadilat ako at agad na bumangon. Pinahid ko ang antok sa mata ko at nagmadaling hanapin ang phone ko, pero wala ito sa tabi ko. Nagkandarapa akong halungkatin ang bag ko at ang paligid, pero hindi ko pa rin ito makita.Dali-dali akong lumapit sa reception desk. "Ana, may nakita ka bang phone na pink ang case?"Sandali siyang nag-isip bago may kinuha mula sa drawer. Inabot niya ito sa akin. "Eto ba yun?"Dali-dali ko itong kinuha. "Oo, ito nga! Akala ko nawala na. Salamat!""Nilalaro kasi 'yan ng bata kanina. Inabot ng mama niya sa amin," paliwanag niya.Napanganga ako nang makita ang oras. 2:00 PM na.sh**t, is
Napaatras ako, pilit pinapalma ang mabilis na tibok ng puso ko. Saan ako pupunta? Wala akong matakasan! Halos mapatid ang hininga ko nang marinig kong bumukas ang pinto. Sa sobrang panic, kusang gumalaw ang mga paa ko at nagtago ako sa likod ng kurtina sa may bintana.Bumagsak ang pinto, kasabay ng isang malakas na sigaw.“Sino ba ‘yung lalaking kausap mo?!”Napapikit ako. Ramdam ko ang tensyon sa boses ng lalaki—pamilyar, matigas, at punong-puno ng galit.“Sinabi ko naman sa’yo, kaibigan ko lang ‘yun!” sagot ng babae, iritadong-irritado.“Kaibigan? May kaibigan bang gano’n makatingin?! Alam kong may gusto ‘yon sa’yo!”“Dylan, tama na!”Nanlaki ang mata ko. Dylan? Hindi ako sigurado kung tama ang narinig ko. Dahan-dahan akong sumilip mula sa likod ng kurtina, at halos matumba ako sa nakita ko.Si Doc Dylan.Ang boss kong malamig at walang pakialam sa kahit sino, ngayon nasa harap ko, galit na galit at parang sasabog anumang oras.“Hon, sorry. Kasalanan ko. Huwag ka nang magalit.”Nagb

“Are you okay?” may pag-aalalang tanong ni Doc Dylan habang nakatingin sa ankle ko. Napansin niyang namamaga ito kaya agad niya akong inalalayan papunta sa sofa. “Okay lang po ako,” sagot ko nang mahina, medyo nahihiya dahil hindi ko akalaing magiging ganito ang sitwasyon. Nang makaupo ako, agad siyang nagtungo sa kusina at bumalik na may dalang first aid kit at ice pack. Hindi ko inasahan na may ganito siyang side—sanay akong nakikita siyang malamig at matigas sa trabaho, pero ngayon, tila ibang Dylan ang nasa harapan ko. Lumuhod siya sa harapan ko at marahang hinawakan ang aking paa. “Let me see your ankle,” seryoso niyang sabi, ngunit agad kong binawi ang aking paa, nahihiya at nailang sa ginagawa niya. “Naku, Doc, huwag na po… nakakahiya,” sabi ko, ngunit mas mabilis ang kilos niya. Hinawakan niya ulit ang paa ko at marahang idinampi ang ice pack sa namamagang bahagi. "If this gets worse, you're gonna be in a lot more trouble. So stop being a pain and just listen," mariin n
Chapter 4Nakita kong tumayo si Dylan at lumapit sa bintana. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang ekspresyon sa mukha niya. Pero isang bagay ang agad kong napansin—tumulo ang dugo mula sa kamay niya.Napakunot ang noo ko. Bakit siya nasugatan? Anong nangyari?Pero mas naguluhan ako nang mapansin ang isang lubid na nakasabit sa may bintana.Napalunok ako.“Hindi naman siguro yan lubid para pang bigti, noh?” bulong ko sa sarili. Pero nang makita kong kinuha niya ang isang upuan at inilapit sa may bintana, lumakas ang kutob ko.Pinatong niya ang paa sa upuan at abot-kamay niyang inabot ang lubid. Tila may binubuhol siya.Parang tumigil ang mundo ko.“Parang… parang balak niyang magpakamatay.”Nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin. Parang nanigas ang buong katawan ko, pero hindi ko pwedeng hayaan na lang siyang gawin ‘yun.Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya.“Doc Dylan!” sigaw ko, sabay kapit nang mahigpit sa braso niya at hinila siya pababa.Wala akong pakialam kung m