Home / Romance / My Ruthless Possessive Doctor / Chapter 06: Anti Romantic

Share

Chapter 06: Anti Romantic

Author: rhiettenbyme
last update Last Updated: 2025-01-24 00:49:52

"O-okay lang po ako, Sir," nauutal kong sagot. Pilit kong binawi ang balikat ko mula kay Sir Mark, pero parang hindi man lang niya naramdaman ang pag-atras ko.

"Tara, sabay na tayo mag-lunch," yaya niya, nakangiti.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang puso ko ay tumatalon sa kaba. Ang dating kaakit-akit na mukha ni Sir Mark ay ngayon parang isang maskara—nagtatago ng isang madilim na lihim.

“Xena, okay ka lang ba?” tanong ni Alice, ang ka-workmate ko. Napabalik ako sa realidad. Kailangan kong kumilos, kailangan kong makaalis rito.

"Ah, oo, okay lang ako," sagot ko, pilit ang ngiti. "Sige, mauna na kayo, susunod na lang ako. May gagawin pa ako sandali."

Walang alam si Sir Mark, pero ang totoo, gusto ko lang makalayo.

Makalipas ang ilang oras…

Pagkatapos ng shift ko sa call center, dali-dali akong nagtungo sa isang condominium para linisan ito. Mabuti na lang at may kabaitan rin si Doc Dylan dahil hindi niya ako sinumbong sa kaibigan ko. Kung hindi, baka pati itong sideline na ito ay mawala pa sa akin.

Habang nagpupunas ako ng mga bintana, hindi ko namalayan na tumunog ang phone ko. Nang tingnan ko, si Gwen pala ang tumatawag.

Pinunasan ko ang pawis sa pisngi ko at huminga ng malalim bago sinagot ang tawag.

“Hello, kamusta? Nandiyan ka na ba naglilinis?” tanong niya.

“Oo, Gwen. Wag kang mag-alala, hindi ako magpapakita sa may-ari,” sagot ko.

“Naku, ‘yun nga ang itinawag ko. Maaga kasi uuwi ‘yung may-ari. Nasabi ko na sa kanya na ikaw ang pinapunta ko para maglinis, kaya hindi mo na kailangang magtago. Pagsilbihan mo na lang muna, baka bigyan ka ng tip.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Basta pera, napapangiti ako. Kasi ang pera na lang ang tanging bagay na nagbibigay sa akin ng saya.

Kaya dali-dali akong naglinis para siguradong makita nilang malinis at maayos ang condo pagdating nila.

Maya-maya, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Medyo kinabahan ako, pero hindi na katulad ng dati. Pinilit kong magmukhang normal at naglakad papunta sa may pintuan para salubungin sila.

"Magandang hapon po," bati ko habang nakayuko.

Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko ang isang napakagwapong lalaki na may kasamang isang magandang babae.

“Hello,” bati ng babae sa akin. Napakaganda niya—maputi, matangkad, at mukhang sosyal. Parang napako tuloy ang mata ko sa kanya.

“Miguel, babe, saglit lang,” sabi niya sa gwapong lalaking naunang naglakad.

Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng lalaki. Para akong hangin sa harapan niya.

Bumalik ang tingin ko sa pinto at nakita kong may isa pang lalaking pumasok. Nang makita ko siya, nanlaki ang mga mata ko.

Nakayuko siya habang inaalis ang sapatos niya at isinusuot ang indoor slippers.

Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko, lalo na nang iangat niya ang ulo niya at magtama ang mga mata namin.

Doc Dylan.

Hindi ko inaasahang magkikita kaming muli ngayon. Akala ko bukas pa.

Halatang nagulat din siya nang makita ako, pero mabilis niyang binawi ang reaksyon niya at bumalik sa pagiging malamig at walang emosyon. Dumiretso lang siya sa loob at naupo sa tabi ni Miguel.

Pinilit kong ipagpatuloy ang paglilinis, kunwaring hindi apektado.

“Serenity, I need to go to the convenience store. May nakalimutan akong bilhin,” sabi ni Miguel sa girlfriend niyang si Serenity.

“Sure, babe. Tara, samahan na kita.”

“Dylan, dito ka muna, ha,” sabi ni Miguel bago sila tuluyang lumabas.

Natulala ako.

Ibig sabihin, maiwan kami ni Doc Dylan sa condo… kaming dalawa lang.

Napalunok ako. Sana lang hindi niya ako sigaw-sigawan o pagalitan.

“Manang, puwede bang magluto ka na rin ng dinner? I’ll pay you for that,” sabi bigla ni Miguel bago tuluyang lumabas.

Manang?!

Napangiwi ako sa loob-loob ko. Kung hindi lang pera ang pinag-uusapan, baka nasagot ko na siya nang pabalang. Pero dahil dagdag kita ito, ngumiti na lang ako.

Napansin kong biglang natawa nang bahagya si Dylan.

“Babe, wag mo namang tawaging manang si Miss. Parang kaedaran lang natin siya,” saway ni Serenity bago sila tuluyang lumabas.

Napabuntong-hininga ako. Aba, buti pa siya, alam!

Naiwan kaming dalawa ni Dylan sa bahay. At ngayon, ang awkward ng atmosphere.

Lalo kong naramdaman ang tensyon sa pagitan namin. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin, lalo na matapos ang mga sinabi ko sa kanya kanina.

Tahimik lang ako habang inihahanda ang mga sangkap para sa lulutuin kong pagkain. Alam kong hindi ko dapat siya intindihin, pero ewan ko ba…

Naiilang ako.

Kaso bigla kong naalala ang sinabi ni Miguel kanina.

"Manang."

Napailing ako. Mukha na ba talaga akong matanda? Baka dahil sa kakapuyat ko, mukha na akong losyang.

Biglang nagsalita si Dylan.

“My friend is really head over heels for his girlfriend, so he’s not really paying attention to anyone else. That’s probably why he didn’t notice you’re still young,” paliwanag niya.

Napatingin ako sa kanya.

Hindi ko alam kung paano ko ito tatanggapin. Compliment ba iyon o simpleng obserbasyon lang?

Napabuntong-hininga ako at bumulong, “Iyan ang sinasabi ko, eh. Kapag nainlove ka, hindi ka lang nagiging tanga, nagiging bulag ka rin.”

Sigurado akong hindi niya narinig dahil nakatingin siya sa phone niya.

Pero hindi ko maiwasang mapaisip.

Ano kaya ang pakiramdam ng magmahal nang ganon? ‘Yung bulag ka sa lahat ng bagay dahil masaya ka?

Napailing ako.

Hindi. Hindi bagay sa akin ‘yang mga ganyang bagay.

Kailangan kong tapusin ang trabaho ko at umalis agad.

Ayokong manatili rito nang mas matagal pa. Lalo na kapag nariyan si Dylan.

Related chapters

  • My Ruthless Possessive Doctor    Chapter 07: Deal

    Chapter 7Maya-maya ay nagtungo na ako sa kusina at nagsimulang maghanda ng hapunan nila. Tahimik lang si Sir Dylan habang nakaupo sa may counter, pero ramdam kong inoobserbahan niya ang bawat galaw ko. Parang nakakapasong tingin ang ipinupukol niya, kaya lalo akong naging conscious.Bakit ba siya nakatitig? Ano kayang iniisip niya? May side rin kaya siyang pervert?Napailing ako sa sarili kong mga hinala. Pero naisip ko rin—hindi ako dapat mag-alala. May hawak akong kutsilyo, at kung sakali mang may masamang mangyari, may CCTV naman. Pero teka, bakit ko iniisip na baka may mangyari?"Xen—"Biglang nagsalita si Sir Dylan sa gitna ng katahimikan, kaya nagulat ako. Dahil doon, nadulas ang kamay ko at nahiwa ko ang sarili ko."Aw!" Napaigtad ako, agad na hinigpitan ang kapit sa aking daliri. Dumaloy ang dugo mula sa maliit pero malalim na hiwa.Hindi ko pa man natatanggap nang buo ang sakit ay bigla na lang lumapit si Sir Dylan. Kinuha niya ang kamay ko at mabilis akong hinila patungo sa

    Last Updated : 2025-01-24
  • My Ruthless Possessive Doctor    Chapter 08 They meet again after the incident

    Nakaupo siya sa harap ko, at napansin kong may hawak siyang papel.“Okay, so based on my evaluation, you’re struggling financially, correct?” diretsong tanong ni Doc Dylan.Alam ko namang hindi na ito tanong, kundi isang konklusyon na binuo niya mula sa lahat ng napansin niya sa akin nitong mga nakaraang araw. Kahit pa gusto kong magpanggap na hindi totoo, wala rin namang saysay ang pag-deny.“Yes po, pero don’t worry, hindi po iyon makakaapekto sa trabaho ko sa inyo,” mabilis kong sagot para ipakita na wala siyang dapat ipag-alala.Hindi siya nagsalita kaagad. Pinagmasdan lang niya ako, para bang inaaral niya ang reaksyon ko. Matapos ang ilang sandali, ini-slide niya ang isang papel sa akin.“Please answer this questionnaire.”Tumaas ang kilay ko sa ipinagawa niya pero hindi ako nagtanong. Sinimulan kong sagutan ang papel. Ang mga tanong ay tila may kinalaman sa personal kong paniniwala at karanasan sa pag-ibig at relasyon.Matapos ang ilang minuto, natapos ko rin ito at ibinalik sa

    Last Updated : 2025-01-24
  • My Ruthless Possessive Doctor    Chapter 01: Ruthless

    "Xena!"Napatalon ako sa gulat, agad na napaangat ang tingin mula sa mga papeles na inaayos ko. Nakatayo si Dr. Dylan sa harap ko—nakakunot ang noo, matalim ang tingin, at mukhang sasabog na sa galit."This is the third time this week you've messed up this report!" sigaw niya, hindi alintana kung may nakakarinig. "Are you even trying? You're supposed to be a secretary, not a kindergarten student!"Napakuyom ako ng kamao sa ilalim ng mesa, pilit pinipigilan ang sarili na sumagot nang pabalang. Huminga ako nang malalim bago nagpaubaya."Pasensya na po, Doc," sagot ko, pinipilit gawing kalmado ang boses ko. "Hindi ko po sinasadya. Nagkamali lang po ako.""Nagkamali?" Halos matawa siya sa inis. "You're supposed to be meticulous! This is a medical report, Xena! You're messing with people's lives!"Ramdam ko ang bigat ng tingin niya sa akin. Parang kahit anong gawin ko, wala siyang makitang tama."Doc, I'm sorry. I'll be more careful next time," sagot ko, pilit pa ring pinapakalma ang saril

    Last Updated : 2025-01-24
  • My Ruthless Possessive Doctor    Chapter 02: Hide

    Pagkatapos ng lunch break, agad akong nagtungo sa lobby area para makapag-power nap kahit sandali. Kahit papaano, makakabawi ako ng lakas bago bumalik sa trabaho. Mabilis akong naupo sa isang sulok, nag-set ng alarm clock sa phone ko—30 minutes lang—at pumikit.Parang isang segundo pa lang akong nakapikit nang may tumapik sa akin."Xena, pinapatawag ka ni Doc sa office niya."Napadilat ako at agad na bumangon. Pinahid ko ang antok sa mata ko at nagmadaling hanapin ang phone ko, pero wala ito sa tabi ko. Nagkandarapa akong halungkatin ang bag ko at ang paligid, pero hindi ko pa rin ito makita.Dali-dali akong lumapit sa reception desk. "Ana, may nakita ka bang phone na pink ang case?"Sandali siyang nag-isip bago may kinuha mula sa drawer. Inabot niya ito sa akin. "Eto ba yun?"Dali-dali ko itong kinuha. "Oo, ito nga! Akala ko nawala na. Salamat!""Nilalaro kasi 'yan ng bata kanina. Inabot ng mama niya sa amin," paliwanag niya.Napanganga ako nang makita ang oras. 2:00 PM na.sh**t, is

    Last Updated : 2025-01-24
  • My Ruthless Possessive Doctor    Chapter 03: His Other Side

    Napaatras ako, pilit pinapalma ang mabilis na tibok ng puso ko. Saan ako pupunta? Wala akong matakasan! Halos mapatid ang hininga ko nang marinig kong bumukas ang pinto. Sa sobrang panic, kusang gumalaw ang mga paa ko at nagtago ako sa likod ng kurtina sa may bintana.Bumagsak ang pinto, kasabay ng isang malakas na sigaw.“Sino ba ‘yung lalaking kausap mo?!”Napapikit ako. Ramdam ko ang tensyon sa boses ng lalaki—pamilyar, matigas, at punong-puno ng galit.“Sinabi ko naman sa’yo, kaibigan ko lang ‘yun!” sagot ng babae, iritadong-irritado.“Kaibigan? May kaibigan bang gano’n makatingin?! Alam kong may gusto ‘yon sa’yo!”“Dylan, tama na!”Nanlaki ang mata ko. Dylan? Hindi ako sigurado kung tama ang narinig ko. Dahan-dahan akong sumilip mula sa likod ng kurtina, at halos matumba ako sa nakita ko.Si Doc Dylan.Ang boss kong malamig at walang pakialam sa kahit sino, ngayon nasa harap ko, galit na galit at parang sasabog anumang oras.“Hon, sorry. Kasalanan ko. Huwag ka nang magalit.”Nagb

    Last Updated : 2025-01-24
  • My Ruthless Possessive Doctor    Chapter 04: Suicide

    Chapter 4Nakita kong tumayo si Dylan at lumapit sa bintana. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang ekspresyon sa mukha niya. Pero isang bagay ang agad kong napansin—tumulo ang dugo mula sa kamay niya.Napakunot ang noo ko. Bakit siya nasugatan? Anong nangyari?Pero mas naguluhan ako nang mapansin ang isang lubid na nakasabit sa may bintana.Napalunok ako.“Hindi naman siguro yan lubid para pang bigti, noh?” bulong ko sa sarili. Pero nang makita kong kinuha niya ang isang upuan at inilapit sa may bintana, lumakas ang kutob ko.Pinatong niya ang paa sa upuan at abot-kamay niyang inabot ang lubid. Tila may binubuhol siya.Parang tumigil ang mundo ko.“Parang… parang balak niyang magpakamatay.”Nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin. Parang nanigas ang buong katawan ko, pero hindi ko pwedeng hayaan na lang siyang gawin ‘yun.Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya.“Doc Dylan!” sigaw ko, sabay kapit nang mahigpit sa braso niya at hinila siya pababa.Wala akong pakialam kung m

    Last Updated : 2025-01-24
  • My Ruthless Possessive Doctor    Chapter 05: Other Part Time

    “Are you okay?” may pag-aalalang tanong ni Doc Dylan habang nakatingin sa ankle ko. Napansin niyang namamaga ito kaya agad niya akong inalalayan papunta sa sofa. “Okay lang po ako,” sagot ko nang mahina, medyo nahihiya dahil hindi ko akalaing magiging ganito ang sitwasyon. Nang makaupo ako, agad siyang nagtungo sa kusina at bumalik na may dalang first aid kit at ice pack. Hindi ko inasahan na may ganito siyang side—sanay akong nakikita siyang malamig at matigas sa trabaho, pero ngayon, tila ibang Dylan ang nasa harapan ko. Lumuhod siya sa harapan ko at marahang hinawakan ang aking paa. “Let me see your ankle,” seryoso niyang sabi, ngunit agad kong binawi ang aking paa, nahihiya at nailang sa ginagawa niya. “Naku, Doc, huwag na po… nakakahiya,” sabi ko, ngunit mas mabilis ang kilos niya. Hinawakan niya ulit ang paa ko at marahang idinampi ang ice pack sa namamagang bahagi. "If this gets worse, you're gonna be in a lot more trouble. So stop being a pain and just listen," mariin n

    Last Updated : 2025-01-24

Latest chapter

  • My Ruthless Possessive Doctor    Chapter 06: Anti Romantic

    "O-okay lang po ako, Sir," nauutal kong sagot. Pilit kong binawi ang balikat ko mula kay Sir Mark, pero parang hindi man lang niya naramdaman ang pag-atras ko."Tara, sabay na tayo mag-lunch," yaya niya, nakangiti.Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang puso ko ay tumatalon sa kaba. Ang dating kaakit-akit na mukha ni Sir Mark ay ngayon parang isang maskara—nagtatago ng isang madilim na lihim.“Xena, okay ka lang ba?” tanong ni Alice, ang ka-workmate ko. Napabalik ako sa realidad. Kailangan kong kumilos, kailangan kong makaalis rito."Ah, oo, okay lang ako," sagot ko, pilit ang ngiti. "Sige, mauna na kayo, susunod na lang ako. May gagawin pa ako sandali."Walang alam si Sir Mark, pero ang totoo, gusto ko lang makalayo.Makalipas ang ilang oras…Pagkatapos ng shift ko sa call center, dali-dali akong nagtungo sa isang condominium para linisan ito. Mabuti na lang at may kabaitan rin si Doc Dylan dahil hindi niya ako sinumbong sa kaibigan ko. Kung hindi, baka pat

  • My Ruthless Possessive Doctor    Chapter 05: Other Part Time

    “Are you okay?” may pag-aalalang tanong ni Doc Dylan habang nakatingin sa ankle ko. Napansin niyang namamaga ito kaya agad niya akong inalalayan papunta sa sofa. “Okay lang po ako,” sagot ko nang mahina, medyo nahihiya dahil hindi ko akalaing magiging ganito ang sitwasyon. Nang makaupo ako, agad siyang nagtungo sa kusina at bumalik na may dalang first aid kit at ice pack. Hindi ko inasahan na may ganito siyang side—sanay akong nakikita siyang malamig at matigas sa trabaho, pero ngayon, tila ibang Dylan ang nasa harapan ko. Lumuhod siya sa harapan ko at marahang hinawakan ang aking paa. “Let me see your ankle,” seryoso niyang sabi, ngunit agad kong binawi ang aking paa, nahihiya at nailang sa ginagawa niya. “Naku, Doc, huwag na po… nakakahiya,” sabi ko, ngunit mas mabilis ang kilos niya. Hinawakan niya ulit ang paa ko at marahang idinampi ang ice pack sa namamagang bahagi. "If this gets worse, you're gonna be in a lot more trouble. So stop being a pain and just listen," mariin n

  • My Ruthless Possessive Doctor    Chapter 04: Suicide

    Chapter 4Nakita kong tumayo si Dylan at lumapit sa bintana. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang ekspresyon sa mukha niya. Pero isang bagay ang agad kong napansin—tumulo ang dugo mula sa kamay niya.Napakunot ang noo ko. Bakit siya nasugatan? Anong nangyari?Pero mas naguluhan ako nang mapansin ang isang lubid na nakasabit sa may bintana.Napalunok ako.“Hindi naman siguro yan lubid para pang bigti, noh?” bulong ko sa sarili. Pero nang makita kong kinuha niya ang isang upuan at inilapit sa may bintana, lumakas ang kutob ko.Pinatong niya ang paa sa upuan at abot-kamay niyang inabot ang lubid. Tila may binubuhol siya.Parang tumigil ang mundo ko.“Parang… parang balak niyang magpakamatay.”Nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin. Parang nanigas ang buong katawan ko, pero hindi ko pwedeng hayaan na lang siyang gawin ‘yun.Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya.“Doc Dylan!” sigaw ko, sabay kapit nang mahigpit sa braso niya at hinila siya pababa.Wala akong pakialam kung m

  • My Ruthless Possessive Doctor    Chapter 03: His Other Side

    Napaatras ako, pilit pinapalma ang mabilis na tibok ng puso ko. Saan ako pupunta? Wala akong matakasan! Halos mapatid ang hininga ko nang marinig kong bumukas ang pinto. Sa sobrang panic, kusang gumalaw ang mga paa ko at nagtago ako sa likod ng kurtina sa may bintana.Bumagsak ang pinto, kasabay ng isang malakas na sigaw.“Sino ba ‘yung lalaking kausap mo?!”Napapikit ako. Ramdam ko ang tensyon sa boses ng lalaki—pamilyar, matigas, at punong-puno ng galit.“Sinabi ko naman sa’yo, kaibigan ko lang ‘yun!” sagot ng babae, iritadong-irritado.“Kaibigan? May kaibigan bang gano’n makatingin?! Alam kong may gusto ‘yon sa’yo!”“Dylan, tama na!”Nanlaki ang mata ko. Dylan? Hindi ako sigurado kung tama ang narinig ko. Dahan-dahan akong sumilip mula sa likod ng kurtina, at halos matumba ako sa nakita ko.Si Doc Dylan.Ang boss kong malamig at walang pakialam sa kahit sino, ngayon nasa harap ko, galit na galit at parang sasabog anumang oras.“Hon, sorry. Kasalanan ko. Huwag ka nang magalit.”Nagb

  • My Ruthless Possessive Doctor    Chapter 02: Hide

    Pagkatapos ng lunch break, agad akong nagtungo sa lobby area para makapag-power nap kahit sandali. Kahit papaano, makakabawi ako ng lakas bago bumalik sa trabaho. Mabilis akong naupo sa isang sulok, nag-set ng alarm clock sa phone ko—30 minutes lang—at pumikit.Parang isang segundo pa lang akong nakapikit nang may tumapik sa akin."Xena, pinapatawag ka ni Doc sa office niya."Napadilat ako at agad na bumangon. Pinahid ko ang antok sa mata ko at nagmadaling hanapin ang phone ko, pero wala ito sa tabi ko. Nagkandarapa akong halungkatin ang bag ko at ang paligid, pero hindi ko pa rin ito makita.Dali-dali akong lumapit sa reception desk. "Ana, may nakita ka bang phone na pink ang case?"Sandali siyang nag-isip bago may kinuha mula sa drawer. Inabot niya ito sa akin. "Eto ba yun?"Dali-dali ko itong kinuha. "Oo, ito nga! Akala ko nawala na. Salamat!""Nilalaro kasi 'yan ng bata kanina. Inabot ng mama niya sa amin," paliwanag niya.Napanganga ako nang makita ang oras. 2:00 PM na.sh**t, is

  • My Ruthless Possessive Doctor    Chapter 01: Ruthless

    "Xena!"Napatalon ako sa gulat, agad na napaangat ang tingin mula sa mga papeles na inaayos ko. Nakatayo si Dr. Dylan sa harap ko—nakakunot ang noo, matalim ang tingin, at mukhang sasabog na sa galit."This is the third time this week you've messed up this report!" sigaw niya, hindi alintana kung may nakakarinig. "Are you even trying? You're supposed to be a secretary, not a kindergarten student!"Napakuyom ako ng kamao sa ilalim ng mesa, pilit pinipigilan ang sarili na sumagot nang pabalang. Huminga ako nang malalim bago nagpaubaya."Pasensya na po, Doc," sagot ko, pinipilit gawing kalmado ang boses ko. "Hindi ko po sinasadya. Nagkamali lang po ako.""Nagkamali?" Halos matawa siya sa inis. "You're supposed to be meticulous! This is a medical report, Xena! You're messing with people's lives!"Ramdam ko ang bigat ng tingin niya sa akin. Parang kahit anong gawin ko, wala siyang makitang tama."Doc, I'm sorry. I'll be more careful next time," sagot ko, pilit pa ring pinapakalma ang saril

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status