WARNING ‼️
Rated SPG and please be aware for the scene has a following content. Includes: Violence, k*ll*ng, destruction, foul words and etc.. — * 6 Years After The Last Bloody Destruction * MATAPOS ANG HULING laban namin sa mga kaaway namin at sa gobyerno ng bansa. Nag desisyon kami na lumabas muna ng bansa at tumira sa bansa kung saan lumaki ang asawa ko. Sa Japan kami nanatili hanggang mag tatlong taong gulang ang kambal nag desisyon naman kami na lumipat ng London, UK upang dito mag aral ang mga bata. Nag desisyon din ako na pansamantalang tumigil at pinaubaya ko ang pamumuno sa Underground sa nga kuya ko. Dahil nahihirapan ako maging Ina sa mga anak ko mas lalo sa kambal. In the first 2 months after ko manganak nag karoon ako ng anxiety sabi ng doctor normal ito sa bagong panganak at first time mommy. Nilabanan ko yun kasama ko ang asawa kong si Blake sa lahat ng yun hindi ako nito iniwan. Natatakot lang naman ako paano kung hindi ko magampanan ang pagiging mabuting ina? Pero si Mommy Aaliyah siya ang nandyan at si Ate Sky para suportahan ako at tulungan. Isa sa mga pinag papasalamat ko may asawa ako na kahit isang beses hindi nag dedemand na sundan na ang kambal. Nakita niya ang hirap ko sa mga anak namin. “Mama? Malalim po iniisip mo..” nagising ako sa lalim ng pag iisip ko ng makita ko ang anak kong panganay na si Cloud. Binuhat ko ito at inupo sa hita ko at niyakap ko. “Nope, mag aaral kana ha? Kayo ng mga kambal. Excited kana?” Tanong ko dito. Narinig kong tumawa ito ng mahina at naramdaman ko ang pag yakap nito ng mahigpit. “Yes mama, and the twins too. Ako po mag tatanggol sa kanila kapag inaaway po sila..” magalang nitong sagot. Ngumiti naman ako niyakap ko pa ito. “Good, but don’t do any violence action okay? Hindi sila katulad mo naiintindihan mo ba?” Tanong ko sa anak ko. “Yes po mama!” Sagot nito. Ang anak kong si Cloud ay paunti unti na namin nakikitaan na interest sa ginagawa namin. Yun ang dahilan kay kailangan ko ito palalahanan lagi “Isa pa! Control your emotion huwag kang padalos-dalos i know you, my son. If your classmate wants to hurt you, the twins and the quadruplets?” Bilin ko dito. “Go to office and tell them the whole truth no lies!” Sabay naming sagot. Natawa naman ako at tumango. He already knew what i always said. “But mama, how about the other bully? Lagi po kasi nila ako inaaway. Kasi po bad daw po kayo..” pinisil ko ang nguso nito dahil humahaba na naman. Napa ngiti ako ng marealize ko na, malaki na ang batang ito lumalabas na rin ang pagiging gwapo nito. But i hope someday masabi ko sa kanya ang totoo at matanggap niya at hindi siya masaktan. Pero hindi ko naman mapipigilan ang emosyon niya, tatanggapin ko kung magagalit ang panganay ko sa akin. After all nakaka galit naman talaga na hindi ko talaga siya anak. “Then mag sabi ka parin..” sagot ko dito at inayos ko ang buhok nito. “Mama? Yung teacher po minsan hindi po sila nakikinig kapag nag susumbong ako tapos kakampihan nila yung bad bully..” sumbong na naman nito. “Then, do it the same way don’t lay your hands on them. Don’t hit them tell me or daddy, you can tell all your Uncles too at kami na bahala okay??” Tanong ko dito. Tiningnan lang ako nito na tila iniisip niya kung sasang-ayon ba siya sa akin o hindi. “I will, Mama..” pag payag nito, halata naman na hindi siya sang-ayon pero dahil nanay ako sumang-ayon na lang ito. “But mama? Kailan po tayo bibili ng gamit po sa school?” Tanong na naman nito. Napa tampal ako ng noo dahil doon. Ito ang ugali niya sa oras na mag umpisa na siyang mag tanong hindi na ito matatapos maliban kung may bago na naman destruction sa kanya. “Later. Hintayin natin si Daddy. Tell the twins and quadro we are going out isama natin si Knives.. Go!” Utos ko dito. Agad itong bumaba at humalik muna ito sa pisngi ko. “Bye bye mama!” Paalam nito kaya napa ngiti na lang ako at tumayo na rin. It’s been a long time simula ng makabalik kami ng Pilipinas. Wala naman nag bago sa paligid kahit pa sa buhay Mafia walang nag bago. Saktong pag balik namin hindi ko inaasahan na makikilala ko ang tatlong tao na naging kilala sa buong bansa. Hindi ko din inaasahan na magiging parte ako ng kanilang gawain. Unang una si Mrs. Young o mas kilala na si Cierra Raven, si Hayes Ferguson ang ex convict. Wala akong balita sa kahit sino sa kanila, hindi naman din kami ganun ka close lahat. Tumulong lang ako pero hindi ibig sabihin kaibigan ko na. Mas mabuti na walang kaibigan, dahil baka mapahamak pa sila sa oras na malaman ng kaaway ko. Napa lingon ako ng may pumasok sa balcony ng kwarto namin ng asawa ko. “Miss Flame, nasa linya po si Mr. Ferguson gusto ka po niya maka usap..” wika ni ate Joan. Kinuha ko ang cellphone ko bago sumagot. “Ipasa mo po ang line sa cellphone ko..” utos ko dito. Tumango ito at umalis na ilang sigundo pa ay agad kong sinagot ang tawag ni Mr. Ferguson. “Good day Mr. Ferguson, gusto mo daw ako maka usap?” Bungad kong tanong dito. Narinig kong tumikhim ito at nag salita. “Gusto ko lang sana imbitahan kayo sa darating na Linggo kung libre kayo..” sagot nito. Nag salubong ang kilay ko at tiningnan ang relong pambisig ko at nakita ko ang date sa araw na yun. “What the occasion?” Tanong ko dito. “Oh well, opening ng bago kong kumpanya..” sagot nito. “Titingnan ko kung wala akong gagawin, thursday morning tatawagan kita..” sagot ko dito. “That’s good rather than say no.. thank you..” pasasamalat nito ngunit hindi na ako nag salita pa. Tumingin ako sa malawak na bundok doon ko nalaala ang lahat ng nangyari noon. Lahat ng ginawa ko noon akala ko matatapos na pero hindi parin dahil tuloy tuloy lang ito ngayon. Ilang taon na ang lumipas nanatili pa rin sariwa sa akin at sa mga taong nakaka alam ang nangyari ilang taon na ang nakaka lipas. Totoo ang sinasabi nila na tatanda lang ang mga tao pero ang ala-ala ay mananatiling bata at sariwa. Hindi na ito matatapos hangga’t walang bumibitaw at sumusuko. Nang humampas ang malamig na hangin sa mukha ko napa tingala ako sa makulimlim na langit. “Siguradong uulan o may bagyong parating..” bulong ko at naka tanggap ako ng tawag mula kay Mika. Agad kong sinagot ito, “Anong meron?” Bungad ko. “Boss naka tanggap kami ng tip na ang isa sa mga cargo na patungo sa bansa na may dalang armas ay pinalubong ng hindi pa namin kilalang grupo..” habang paliwanag nito. Napa hinga ako ng malalim, “Sabihan mo ang mga tao natin na naka deploy sa lugar at alamin sino ang may gawa..” mahinahon kong utos dito. “Okay po boss..” sagot nito at binaba na nito ang tawag nito. Tumingin ako sa langit na ramdam ko ang nagbabadya ng bagyong parating nito. “Umpisa na naman ng pagdanak ng pulang likido.” Bulong ko at bumaba na ako upang puntahan ang mga bata. HINDI NAGTAGAL nakatanggap ako ng tawag mula sa mga tao ko na sinugod na naman ang aming kumpanya ni Quogue kasama ang mga bata nito. Iniwan ko ang mga bata sa mansion at nag tungo doon. “May dalawang option ako ang dumaan sa likod ng kumpanya o sa harapan. Marami bang tao sa harapan, Mika?” Tanong ko kay Mika nasa kabilang linya ito. Habang ako mabilis kong pinatakbo ang McLaren 720s ko patungo sa kumpanya nila Kuya Thunder at Storm. Since na nag asawa ako at nag ka anak at nang maka balik kami ng Pilipinas hindi na sila nakatira sa akin maliban kay ate Sky at sa mga anak ni ate. Pero ang bahay nila kuya Thunder at Storm ay halos walking distance lang sa mansion parte ng pagmamay-ari kong lupa doon sila nag tayo ng bahay. Sinabi ko na ganun na lang para madali kami maka pag usap kung may importante kami pag uusapan. Pumayag sila sa sinabi ko, habang sila ate Sky ay pinapagawa pa lang ang bahay nila sa tabi lang din namin. Ayoko man na mahiwalay sila sa akin dahil sa mga bata wala naman ako magagawa. Ngunit ang mga bata gusto pa rin matulog at mag stay sa mansion. Kasya naman kami ngunit sinasabi nila na hindi iyon magandang tingnan mas lalo may pamilya na ako. Ang magulang ng asawa ko ay nakatira din sa mansion, ako ang nag offer dahil si Crystal ay nag aaral same school sa mga bata at kay Winter. Upang mapadali ang pag pasok ng kapatid ng asawa ko, pinag usapan namin na sa mansion sila titira mas okay yun sa amin at pumayag sila doon. Ganun ang naging set up namin ngayon. Okay back to the main topic. “Yes Boss Flame marami sila, may mga reporter din po na naka abang doon..” sagot nito. Kinuha ko ang black surgical mask ko at sinuot ko ito sa mukha ko. “Okay dadaan ako sa harapan. Mika, sabihan mo sila kuya na huwag baba hangga’t may media ako na bahala ang humarap sa kanila..” utos ko. “Pero.. hindi po papayag sila Boss Thunder niyan?” Pag dadalawang isip nitong sagot. Nag isip naman ako at huminga ng malalim tama siya, simula ng matapos ang gulo ilang taon na ang lumipas. Lahat kami nag bago din, ako na lang ata ang hindi parin. “Sige, magpadala sila ng tao na makakasama ko sa ibaba” utos ko at binaba ko na ang tawag at nag tungo na ako sa kumpanya ng nakakatandang kapatid ko. NANG MAKARATING AKO agad akong bumusina at walang habas kong pinatakbo ang sasakyan ko. Nag takbuhan pa ang mga tao palayo sa harapan ng kumpanya. Nag drift pa ako paikot para mapalitan sila umatras. “Savage entrance!” Bulong ko at nang itigil ko ang sasakyan bumaba na ako. Tiningnan ko ang mga tao, saka media at mga pulis ng malamig inayos ko pa ang mask ko muna. “Ikaw pala Mrs. Dela V——” hindi nito natuloy ang pag tawag niya sa apelyido ng asawa ko ng tingnan ko ito ng masama. “Subukan mo ituloy, hindi ako mag dadalawang isip na tapusin ka sa harap ng mga taong ito. Call me Miss Lavistre not my husband name..” malamig kong pagbabanta dito. Nakita ko itong napa lunok at tila namutla pa ang mukha nito. “Anong kailangan niyo dito?” Tanong ko sa kanila. Tumigil ang ingay sa paligid at lumapit ang chief of police ng pangulo sa akin. “Kailangan niyo ipatigil ang operation ng kumpanya niyo, dahil sa mga pag labag sa pag babayad ng tax sa bansa..” wika ni Chief Quogue bago ito sa kanyang position. “Tax? Gaano ba kalaki ang hindi namin nabayaran?” Tanong ko dito, naging mahinahon lang ako dahil kung totoo ang sinasabi nito may mali din kami. And we accepted it, “55 million pesos. Isa pa kinukwestyon ng pangulo ang milyones niyo at mga ari-arian dahil nakaka pag taka paano kayo yumaman ng ganito..” sagot nito. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko ang finances ng kumpanya. “Mag labas ka ng 55 million pesos at bayaran niyo ang sinasabing Tax..” utos ko sa kabilang linya at binaba ko na ang tawag ko. “Wala ka ng pakialam doon, at ang pinaka mamahal mong pangulo kung saan galing ang pera namin at ari-arian. Labas kayo sa kahit anong gawain namin,” wika ko at tiningnan ko ito ng malamig. Nakita ko si Damon na palabas habang may ngisi sa labi nito. “Naniniwala ka talaga sa sinasabi niyang may utang tayo? Wala naman tayong utang eh. Ginagawa nila yan dahil interesado sila sa yaman ng angkan ng mga Lavistre at Valencia. Tama ba ako Chief?” Mapag larong tanong ni Damon dito. Dahil doon hindi ko mapigilan hindi makaramdam ng galit. “Umalis na kayo at huwag na kayong babalik pa. Dahil kapag bumalik kayo? Sisiguraduhin ko magiging abo kayo ng mga tao mo.” Madiin kong utos at pag babanta dito. Ngumisi si Quogue at nag salita. “Matalino pala ang pinsan mo ano? Sisiguraduhin ko na dadalhin ko ito sa pinaka mataas at sisiguraduhin ko na makuku——” hindi nito natuloy ang sasabihin niya ng mag salita si Damon. “Oo nga pala, anak mo ito diba? Sorry ha? Dumaplis kasi yung bala ng tauhan namin sa ulo niya..” naka ngiting wika ni Damon at pinakita nito ang isang video. Ngumisi naman ako at nag salita. “Kilala mo kami, alam mo anong kaya namin gawin, kung ako sayo mananahimik na lang ako baka sakali humaba pa ang buhay ng pamilya ko..” umiiling kong paalala dito at nag lakad na ako. “Paalisin niyo sila!” Utos ko sa mga gwardya at yumuko ito sa amin ni Damon. “Hay*p ka mag babayad kayo!” Sigaw ni Quogue sa amin, ngunit tinaas lang ni Damon ang kamay nito at binigyan ito ng middle finger sign. Umiling na lang ako at nag tungo kami sa elevator. “Totoo ba na pinatay niyo ang anak niya?” Tanong ko ng makapasok kami pareho. “Huh? Hindi ah? Idea ni Brent yun ang kopyahin ang mukha ng isa sa mga anak ni Quogue tapos ipatong sa ibang mukha and them Boom! Naka gawa kami ng pekeng tao!” Pag papaliwanag nito. Napa tapik naman ako sa noo ko. Hanggang mag salita muli ito. “Ayaw kasi tayo tigilan ng bagong pangulo eh. Masyado silang interesado sa yaman ng angkan natin, gusto nila makuha ang meron tayo.. palalabasin na ilalagay nila sa kaban ng bayan pero ang totoo ibubulsa naman nila, bulok talaga ang sistema..” paliwanag nito. Sa aming lahat ito ang naiwan sa bansa noon kaya mas alam niya nangyayari dito. Oo umuuwi ito sa UK noon pero hindi naman ito nag tatagal. Ano pa ba aasahan niyo sa isang ito? Hindi ito napapakali sa iisang lugar. “Hayaan niyo sila, sila ang mag lalagay sa sarili nila sa malaking kapahamakan..” sagot ko dito at pinikit ko ang mata ko. “Ang akin lang sana wag na sila maki-epal sa gawain ng mafia, ano bang mahirap intindihin don?” May halong gigil na tanong nito. “Para sa makikitid nilang isip, kasama na ang hindi kaya mag patalo sa lahat ng aspeto. Wala silang pakialam basta ang importante makuha nila ang mga ninanais nila, kahit mag mukha pa silang tanga..” sagot ko at lumabas na kami ng elevator ng mag kasunod. “Yun ang magiging dahilan para mapa-aga ang pag sundo sa kanila ni Kamatayan..” huling sagot ko at nag tungo na kami sa opisina ni Kuya Thunder. Pag pasok namin bumungad sa amin ni Damon ang sinabi ni Kuya Thunder. “May bago tayong kalaban ang Los Trados Organization..” bungad nito. Pinakita sakin ang isang Logo ng bungo ng isang tao at maraming pulang rosas may nakatarak pa sa bungo nito na isang Dagger. “Bigyan niyo ng information ang mga tauhan natin sa lahat ng parte ng bansa mapa labas at loob..” utos ko agad sa mga kuya ko. “Kami na bahala dito..” sagot ni Kuya Storm. Tumalikod na ako at nag lakad ako palabas upang umuwi na. Ngumisi ako at umiling. “Buhay ka pa palang hay*p ka.. pwes mas maganda at tayo naman ang mag tutuos..” bulong ko habang naka ngisi ako. Mas masaklap ang sasapitin mo sa mga kamay ko ngayon, sisiguraduhin ko na hindi ka na bubuhayin ng mga kamay ko. Tiningnan ko ang kamay ko at ang nakikita ko ay ang mga dugo ng mga naging kaaway at tinapos ko noon. “Let the bloody death and destruction war begin..” ————————————————————————— When there is evil in this world that justice cannot defeat. Would you taint your hands with evil to defeat evil?Or you remain steadfast and righteous even if it means surrendering to evil? - " TO DEFEAT EVIL, I SHALL BECOME AN EVEN GREATER EVIL." - Flame Morjiana Lavistre - Dela VegaFLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Mauna na kami, ihahatid ko muna ang mga bata.” Paalam ko, habang ang asawa ko ay buhat ang kambal. “Sige, dumeretso kayo mag asawa sa kumpanya may pag uusapan tayo..” bilin ni kuya Thunder habang inaayos nito ang kanyang gamit. Iisa pa rin ang garahe namin dahil ayaw naman nila na sirain ang bakod ng mansion. “Sige sunod kami..” sagot ko lang dito at humalik ako sa pisngi ng kuya ko. “Bye kiddo! Aral kayo mabuti at wag kayo makulit!” Bilin ni kuya sa mga bata. Agad agad bumaba ang kambal na kina ngiti ko, basta Tito ang usapan mabilis ang mga bata tumabi ako sa asawa ko at hinawakan ang braso nito. “Parang kailan lang ang liliit pa nila, pero tingnan mo ngayon? Unti unti na silang lumalaki..” natatawang wika ng asawa ko. Umiling na lang ako at pinagmasdan ang mga bata na isa isa humalik sa Tito Thunder nila. “Kailan kaya mag asawa si Kuya ano?” Tanong ko dito. “Kapag meron na siyang natitipuhan, Hon. Sigurado yan..” sagot ng asawa ko
THUNDER LAVISTRE “Hindi mo kasama si Flame, bayaw?” Tanong ni Storm kay Blake. Nilingon ko ang dalawang ito saglit bago ko pinanood muli ang kilos bagong kaaway namin, nakita ko ang mga tauhan nito. “Ako lang ba o pamilyar ang kilos nila?” Tanong ko sa kanila na kina tahimik naman ng dalawa. “Totoo?” Tanong ni Storm sa akin tumabi sa akin ito. Bago pa ako makasagot napa lingon ako ng may motor na pumasok, alam ko ang nakaka batang kapatid ko ang ingay na yan. Hinintay ko ito maka baba ng motor nito hanggang mag lakad na ito. “Akala ko ako lang nakakapansin, kamukha ng kilos nila ang pagkilos ng Señora Vipers..” wika ni Flame nagawa nitong lagpasan ang asawa niya. Hindi na ito bago sa amin dahil ito ang gusto niya upang hindi mahaluan ng kahit ano ang trabaho nito. She’s the boss and we need to agree to whatever she says, infact tama naman ito. “Paano mangyayari yun kung patay na ang huling pinuno? Pinatay na ito si Ava diba?” Tanong ni Azi, nakita ko ang kapatid ko na na
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Napa tampal ako ng noo ng malaman ko mula kay Tita Danica ang dahilan bakit pinalayas si Damon sa kanila. “Pasensya kana Flame ha? Naku dyan pa talaga nag tungo ang bata na ‘yan..” wika ni tita habang kausap ko ito sa tawag. “Okay lang tita, wala naman problema doon..” maikli at malamig kong sagot. “Anyway anak, pwede ba namin madalaw ang mga bata?” Tanong nito kaya naman napa lingon ako sa mag aama ko. “Kakausapin ko po muna ang asawa ko..” sagot ko dahil hindi pa alam ng asawa ko. “Honey? Tungkol ba yan sa pag punta sa kanila ng mga bata?” Tanong ng asawa ko kaya tumango ako ng hindi nililingon ito. “Payag ako, andun naman si Jimmy kasama ng mga bata..” nilingon ko ito habang naka ngiti pa ito. Ngumiti lang din ako at nag salita na rin. “Salamat Love, sige po Tita papuntahin na lang namin dyan pumayag po si Blake..” pag payag ko. Narinig ko pa ang sinabi nito kay Tito Dethroide. “Hay naku, nakaka excite naman sige bibili kami ngayon
A/N: Ang season 1 to 3 po nito ay nasa Dreame o Yugto po hindi kasi pwede ilagay dito dahil exclusive po yun. Pwede niyo po muna basahin yun bago ito pwede din mauna ito saka niyo basahin ang season 4. Dahil may mga part po kasi na connected sa ibang season kaya need po muna mabasa kahit 50% ng mga past season.. Salamat po..-Continuation - FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Nang maisip ko na ang pwede kong gawin, ngunit hindi papayag si Damon matagal niyang pinag ipunan ang pagpapagawa dito. Ngunit kapag hindi ko pinigilan ito makukulong si Damon. Humarap ako at nag salita ako. “Gibain natin ang bar ni Damon!” Utos ko na kina singhap nila. Bago sila maka pag salita. “Mika kailangan ko ng report ng bar ni Damon!” Utos ko dito. “Ano pong klaseng report?” Tanong nito. “Ang mga pumapasok dito bilisan mo..” utos ko dito. “Flame! Bakit naman ganun ang gagawin mo?!” Tanong ni Damon sakin. Hinarap ko ito na kina atras nito. “Ilang beses ka ba naging patay malisya?! Ala
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Salamat Mr. Ferguson..” pasasalamat ko at binaba ko na ang tawag ko. Pumasok ako muli sa loob at nakita ko ang mga bata na pinaglalaruan ang magazine ni Francine. “Kids, mapunit yan kailangan pa yan ng Tita Francine niyo..” mahinahon kong paalala sa mga ito. “Opo..” sabay sabay na sagot ng mga ito sa akin. Tinawagan ko si Mr. Ferguson upang itanong kung pwede ba ang mga bata sa party nito dahil kung hindi, hindi ako sasama sila kuya na lang ang pupunta upang may bantay ang mga bata. Hindi ko gusto ipagkatiwala ang mga bata sa mga yaya nito dahil malilikot ang mga ito. “Kamusta Hon? Pwede ba sila isama?” Tanong ng asawa ko. Lumapit ako dito at inayos ko ang suot nitong kurbata. “Oo pwede sila sumama, hindi naman late ang tapos ng party kaya pwede sila..” sagot ko sa asawa ko at tiningnan ko ito gamit ang whole body mirror. “Bagay sayo ang kulay..” papuri ko at nginitian ko ang asawa ko. “Thank you, Honey. Mamili kana rin para maka
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Matapos ko ilapag ang niluto kong adobong baboy na gusto ni Mommy Aaliyah nag paalam muna ako na tutungo sa likod. “Tawagin ko lang po sila kuya..” paalam ko at nag lakad na ako palabas sa likod. Nakita ko bukas pa ang ilaw ng bahay nila doon kaya alam ko gising pa sila. “Kuya Thunder, kuya Storm! Punta kayo dito kain tayo may adobo sa bahay..” tawag ko habang nakatayo ako sa maliit na gate. Nakita kong lumabas si kuya Thunder. “Kakain lang namin, salamat..” sagot ni kuya Thunder kaya napa buntong hininga na lang ako at umiling. “Lagi na lang..” bulong ko. “Okay.. mag tira na lang kami incase na gusto niyo..” sagot ko at tumalikod na ako saka nag lakad pabalik. Simula ng bumukod sila hindi na sila sumasabay sa amin kumain, hindi tulad noon. BLAKE SHIN DELA VEGA NAKITA ko ang asawa ko na bagsak ang balikat nito ng pumasok ng bahay. Mukhang hindi na naman sasabay ang mag kapatid sa amin. “Hindi daw sila sasabay?” Tanong ko sa asawa ko
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Mauna na kayo Love, hindi tayo pwede mag sabay-sabay mas lalo at may nagbabantay sa atin..” utos ko sa asawa ko. Hindi pa ako naka bihis pero naka ayos na ang mukha ko. Tinuruan na rin ako nila Ingrid at Emerald paano mag ayos o mag makeup sa sarili. Kahit napaka hirap nito gawin para sa isang tulad ko. “Okay naiintindihan ko.” Sagot ng asawa ko at nilapitan ako nito. Humalik ito ito sa labi ko at nginitian ako. “Mag ingat kayo, kuya convoy na kayo sa kanila kaya ko mag isa..” inayos ko ang suit ng asawa ko. Hindi ito nag suot ng tie dahil hindi daw siya komportable mabuti at bagay naman sa kanya. “Okay let’s go kids, sa akin na ang kambal niyo para magkahiwalay sila sa daddy nila. Incase na ambushin tayo. Damon, Ezekiel at Storm kunin niyo ang ibang bata hatiin sila..” utos ni Kuya Thunder. Nilingon ko ang asawa ko. “Okay lang ba sayo na hindi mo kasama ang mga anak natin?” Tanong ko sa asawa ko. Tumango naman ito. “Oo para hindi kami tamb
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Nakalabas na ang mga bata kasama ang asawa mo at si Jimmy.. naka convoy sa kanila ang iba nating tauhan..” narinig kong wika ni Kuya Thunder. Hindi ako sumagot at inayos ko ang make up ko at buhok ko. Umatras ako at tinaas ko ang paa ko sa cubicle inangat ko ang dulo ng suot kong dress at kinuha ko ang baril ko. Nilagyan ko ito ng bala at ang inayos ko ang mga dagger ko just incase na kailanganin ko. “Kuya siguraduhin niyo na protektado ang mga tao sa event na ito. Mas lalo si Mr. Ferguson, pakisabihan na ito huli akong lalabas..” pakiusap ko sa kuya ko. “Kasama ko na siya nasabi ko na rin pero wala pang umaatake..” sagot nito. Inayos ko ang dress ko at hinawi ko ang buhok ko patungo sa likod ko. “Hindi sila aatake agad, aatake sila sa oras na maka labas tayo.. pero hindi tayo pwede maging kampante..” sagot ko at lumabas na ako ng restroom ng mga babae. Napansin ko na wala ang lalaki, ngunit ramdam ko na nandito siya naka bantay sa kilos
ACE LUTHER BLACK NANG MAKARATING kami sa Enrique Medical Hospital agad nila inasikaso si Flame. “How many gunshots?” Tanong ni Doc Rivers. “I don’t f-cking know! Nagulat na lang kami may tama na pala siya! Kaya please..” pikon kong sagot. Agad akong inawat ni Blake. “Okay okay, pero gusto ko malaman ang pangalan at edad niya muna..” sagot nito kaya tinapunan ko ito ng masamang tingin. “Make sure, na ililigtas niyo siya? Flame Lavistre, Married, 26 years old..” sagot na lang ni Blake dito bago pa ako maka pag mura sa isang ito dahil ang daming tanong. “Thank you, we will everything we can..” sagot nito at tumakbo na ito papasok sa O.R. Umupo naman ako at kinuha ko ang cellphone ko. “Mika, alisin ko na ang proteksyon ng safe house..” utos ko dito ng sagutin ang tawag ko nito. Binabaan ko na ito agad dahil nakita ko na tumatakbo ang tatlo. Sa likod ng mga ito si Violet. Sa hindi inaasahang pagkakataon nakita kong nadapa si Damon na kina tawa ng dalawa. Umiling na lang ako, dahil
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Makinig kayo, Damon, Ken at Lance..” tawag ko sa tauhan ko. “Simula ngayon tayo lang apat ang lalaban, isa lang ang gusto ko gawin niyo, huwag niyong hahayaan na mamatay kayong lahat. Dahil hinding-hindi ko kayo mapapatawad..” utos ko habang hawak ko ang dalawang baril ko. “Oo naman saka, wala akong planong mamatay ano.” Mapaglarong sagot ni Damon sa akin. “Boss Flame! Patay na po ang magulang ni Celso Vendera! Pwede na po kayo kumilos.” Wika ni Mika na kina ngisi ko. Lumingon ako sa mga nasa harapan ko at nag salita. “Ito lang ang rason bakit ko pinasasabog ang mga kulungan. Dahil ‘yun sa mga tauhan ni Celso Vendera, halos lahat ng napatay at nahuli niyo gamit ang info na binibigay ng grupo ko ay mga tauhan niya.” Paliwanag ko. Narinig ko ang dating ng helicopter. “Lance! Pasabugin mo ang parating na ‘yan..” mahinang bulong ko. “Areglado boss..” sagot nito. “Hindi ‘yan totoo! Biktima ang pamily——” hindi ko pinatapos ito ng barilin ko ang b
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Lavistre, oras na..” wika ng babaeng pulis ng buksan ang selda ko, tumayo ako kung ano ang suot ko ng kunin nila ako yun din ang suot ko ngayon. Inshort naka pambahay lang talaga ako. Nilagyan nila ako ng posas ang mga kamay ko sa harapan ko. “Hindi pa ba aalisin ang collar ng taong ito?” Tanong ng isang pulis na babaeng naka hawak kaliwa kong braso. “Hindi daw hanggat hindi siya naililipat..” sagot ng isa. Binaliwala ko ang dalawa at tiningnan ko ang oras sa taas. 15 minutes before 7pm.. Nag lakad ako hanggang makalabas ako ng kulungan nakita ko ang media sa labas pero pinayuko nila ako hanggang makapasok ako sa loob ng isang normal na pulis car. Kung tungkol naman sa ginawa ng tauhan ko tungkol kay Vendera, wala akong alam dahil lost connection ang earpiece ko. Hindi nag bukas ng tv kaya wala akong idea. Bago ako makapasok may humablot sa akin at sinuntok ako ng malakas at kinuwelyuhan. “Hay*p ka anong ginawa ng pamilya ko at kailangan mo
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA NAIKUYOM KO ANG KAMAO KO ng malaman ko na hindi plano tumulong ng mga kapatid ko. Napa buntong hininga ako at bumulong.. “Hindi mo kailangan silang pilitin..” bulong ko. “Ngunit hanggang kailan ka magiging mabait sa kanila Flame? Alam mo na bago ka pa naging mafia boss sila na ang nauna sa mga gawaing ito..” tanong ni Louross sa akin. “Natatakot ka lang na maging katulad ng Lolo mo, hindi ka naman magiging katulad niya kung magiging totoo ka lang..” wika ni Louross muli. Aminin ko man o hindi tama ang sinabi ni Louross. “Natatakot ka ba na bigla silang maging rebelde at mag amok ng away dahil sa mga differences niyo at paniniwala?” Tanong nito muli sa akin. Weird man pero naririnig ko si Louross pero hindi siya naririnig ng iba. “Siguro..” sagot ko lang at sumagot ito. “Then kapag natapos ang laban na ito, maging vocal kana kailangan mo na sila sabihan na hindi lagi sayo iikot ang bawat mabigat na laban..” wika ni Louross. He’s probably rig
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Nakatitig lang ako sa mukha ni Vendera habang ito naman ay galit na galit. Sa unang pagkakataon simula ng ipasok nila ako dito, inalis nila ang choker sa leeg ko ngunit ang kamay ko ay naka balot ng makapal na tela payakap sa katawan ko. Naka tali din ang mga kamay ko sa loob nitong suot ko, naka upo ako at naka taas ang mga paa ko. “Ikaw ang pinaka walang hiya sa lahat ng mamatay tao!” Gigil nitong wika na kina ngiti ko. “Tingin mo ba may pakialam ako sa sinasabi mo ngayon? Alam mo payo lang..” sagot ko dito. Ngumisi ako. “Ilaan mo na ang natitira mong oras sa pamilya mo alam mo ba kung bakit? Dahil sa oras na maka labas ako dito katapusan na ng kalayaan mo..” wika ko dito habang naka ngiti lang ako. “Hay*p ka anong plano mo?!” Galit na tanong nito, malakas pa nitong hinampas ang mesa sa harapan namin. Ngumisi lang ako at hindi umimik.. “Oo nga pala, imbes na ilaan niyo ang oras niyo sakin? Kung ako sa inyo hanapin niyo na ang bomba na pinata
FLAME MORJINA LAVISTRE - DELA VEGA Nang putulin ko ang linya ng kuryente narinig ko ang sigawan. Agad akong kumilos, tumakbo ako kahit napaka dilim at nilabas ko ang dagger ko hindi ako gagamit ng baril ngayon. Mabilis at tahimik kong sinaksak ang leeg ng isa sa kanila. Hindi nila alam kung sino ang umaatake o ano ang nangyayari ngayon. Kailangan ko bilisan. “Putang*na ngayon pa nawalan ng ilaw!” Wika ng pamilyar na boses sa akin. Agad kong tinungo kung nasaan ito, nang matakpan ko ang bibig nito ay agad akong bumulong. “Tama lang ang ginawa mong tumakas, dahil pag katataon ko na patayin ka at ang mga kasama mo..” bulong ko at ginilitan ako ang leeg nito. Narinig ko pa ang sirit ng dugo nito agad kong binitawan ito. “Ano gagawin natin babalik ba tayo sa kulungan?” Narinig kong tanong ng isa. Agad kumislap ang boltahe ng kuryente sa hawak kong whip chain. “Sino ka?!” Tanong ng isa halagang kinakabahan ito. “Flame Morjiana Diana Lavistre - Dela Vega..” pakilala ko, “Nalintikan na
VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE “Mabuti at napigilan ni Brent ang pagsabog..” nakahinga ako ng maluwag dahil sinabi ni Brent na napigilan nila ni Ken ang bomba na sumabog. Hindi namin pwede basta basta mailalabas ang mga pasyente dahil na rin sa critical ang ibang pasyente. “Sa ngayon kailangan mo bantayan maigi si Hailey at ang kapatid nito, ikaw ang responsibilidad sa mag kapatid..” umayos ako ng tayo at kinausap ko si Thunder. Tumango ito habang naka yakap sa kanyang kasintahan. “Ang importante ngayon ligtas na kayo.” Wika ko at nag lakad na ako ng mag tanong si Hailey. “Si Flame anong balita sa kanya?” Tanong nito. Hindi ako lumingon ngunit sumagot naman ako. “Kung ano napanood niyo..” sagot ko na lang at dumeretso na ako sa sasakyan ko upang umuwi na. KINAUMAGAHAN NAGULAT kami magkapatid na nag flash sa tv ang nangyari sa bilibid nagkaroon ng malawakan na food poisoning. Nandito kami ngayon sa bahay ni Flame. “Titoooo Vlaaaad! Buhat mo ako..” agad ko na hinawakan ang short ko n
THIRD PERSON POV Nanginginig sa takot ang ibang inmate sa loob ng malaman nila ang sinabi ng lalaking inmate din. Na plano ng babaeng mafia na nakakulong sa isang selda. “Dapat maka takas tayo mamayang gabi..” wika ng isang inmate. Lahat sila ay nasa labas upang gawin ang kanilang aktibidad. Ngunit tanging bukod tangi lang na si Flame ang hindi nila kasama dahil iniiwasan ng ibang police na makalaya ang dalawa nitong kamay dahil sigurado na tatakas ito. Hindi kayang baliwalain ng mga police ang kakayahan ng batang mafia. Dahil dito walang nagawa si Flame kundi umupo sa isang hagdan na yari sa nangangalawang ng bakal. Pinapanood nito ang mga kapwa niya naka kulong na nagtatanim ng gulay sa bakuran ng City Jail. SA KABILANG BANDA nakatanggap ng tawag si Thunder mula kay Drake na pinos-pone ang pag lipat kay Flame kaya mananatili muna itong nakakulong kung saan ito inilagay ngayon. Dahil doon hindi maiwasan hindi mainip ni Thunder sa mga nangyayari walang kakayahan si Flame ngayon n
BLAKE SHIN DELA VEGA PUMASOK AKO SA UNDERGROUND ng maka tanggap ako ng tawag mula sa asawa ko. Pinatawag ko silang lahat, “Blake para saan ito? At bakit mo iniwan ang mga anak mo?” Salubong sa akin ni Vlad. “Babalik din ako pero kailangan ko sabihan kayo ng personal. Tumawag ang asawa ko, dadalhin daw siya sa istasyon ng pulis, para ikulong sa maximum..” pamamalita ko na kina tayo ni Earl agad “Anong sabi mo?! Hindi ito pwede maraming madadamay sa loob!” Sagot ni Earl sa akin. Tumango ako bilang sang-ayon. “Plano ng asawa ko na palabasin si Vedera at kagatin ang patibong sa kanya! Ano gagawin natin?” Tanong ko dito. “No stay out of here, malilintikan kami kay Flame kapag may nangyari sayo..” nagulat pa ako ng hawakan ako ni Thunder sa balikat. “Per——” hindi ko natapos ang sasabihin ko na biglang yumanig ang buong underground at gumalaw ang mga gamit namin. “Woah!” Gulat na wika ni Damon. “Boss may pag yanig sa tubig! Abot po tayo pero tingnan niyo po ang balita!” Wika ni Mika