FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
Matapos ko ilapag ang niluto kong adobong baboy na gusto ni Mommy Aaliyah nag paalam muna ako na tutungo sa likod. “Tawagin ko lang po sila kuya..” paalam ko at nag lakad na ako palabas sa likod. Nakita ko bukas pa ang ilaw ng bahay nila doon kaya alam ko gising pa sila. “Kuya Thunder, kuya Storm! Punta kayo dito kain tayo may adobo sa bahay..” tawag ko habang nakatayo ako sa maliit na gate. Nakita kong lumabas si kuya Thunder. “Kakain lang namin, salamat..” sagot ni kuya Thunder kaya napa buntong hininga na lang ako at umiling. “Lagi na lang..” bulong ko. “Okay.. mag tira na lang kami incase na gusto niyo..” sagot ko at tumalikod na ako saka nag lakad pabalik. Simula ng bumukod sila hindi na sila sumasabay sa amin kumain, hindi tulad noon. BLAKE SHIN DELA VEGA NAKITA ko ang asawa ko na bagsak ang balikat nito ng pumasok ng bahay. Mukhang hindi na naman sasabay ang mag kapatid sa amin. “Hindi daw sila sasabay?” Tanong ko sa asawa ko at tumayo ako para ipag hila ito ng upuan. Umiling ito. “Kumain na daw sila..” sagot nito at nag umpisa na itong kumain, pinag sandok ko na kasi ito sa plano niya kakain na lang ito. Dahil sa sagot nito sinenyasan ko si Nanay Fely na itaob ang dalawang plato na nilagay ng asawa ko. Lagi ito nilalagyan ng asawa ko dahil gusto niya kasabay ang dalawang kuya niya. “It’s okay.. sasabay din sila baka busog na talaga sila..” hinawakan ko ang kamay ng asawa ko kasi nakita ko itong nanginginig. Ganito siya kapag nag uumpisa na itong umiyak ulit. I know she misses her brother, hindi naman kasi madali na pag gising niya nag desisyon ang dalawa na bumukod na which is nagulat si Flame sa nangyari kahit gumuguhit ang pag disgusto, sumang-ayon na lang ito bilang respeto sa privacy ng dalawa at sa amin ng mga anak niya. It’s kinda hard para sa isang katulad niya na buong buhay kasama ang mga kapatid niya. Kahit sabihin natin na she’s cold like ice. Tumango lang ito at tahimik na kumain at pinakain ang mga anak namin. STORM LAVISTRE “Masyado na tayong nagiging mapanakit sa kanya..” wika ko habang bumaba ako ng hagdan. “Alam ko, masakit din naman sa’kin pero kailangan kasi niya masanay na wala tayo sa bahay niya..” sagot ni Kuya Thunder. Naka upo ito at umiinom ng alak. “Kailangan ba talaga o naiilang ka lang kay Blake? Dahil asawa siya ni Flame?” Tanong ko sa kuya ko, Up until wala parin tiwala si kuya kay Blake, kahit napatunayan naman na nito na maganda ang intention niya sa kapatid namin. Umiling ito. “Hindi yun.. ang gusto ko lang masanay siya na wala tayo sa tabi niya. Noon kasi nasa isang bahay lang tayo..” sagot nito. Bumuntong hininga na lang ako at umiling. “I hate to say this but, she always crying ‘yun ang sabi ng asawa niya. Kuya pag isipan mo maigi, tandaan mo dati na may sakit si Flame na anxiety dahil sa panganganak niya maaari itong bumalik kapag may nag trigger.. please be aware of that mag isip ka din may anak si Flame at malaki ang responsibilidad niya..” mahabang paliwanag ko at bumalik ako sa taas upang mag pahinga na. THUNDER LAVISTRE Bumuntong hininga ako at tumayo na ako. Nang marinig ko ang sinabi ni Storm tungkol sa naging sakit ni Flame noon, para akong binuhusan ng malamig na tubig mula ulo. Lumabas ako ng bahay at nag tungo sa mansion, gising pa sila alam ko ‘yun. Agad kong tinawagan ang number ng nakaka bata kong kapatid. Ilang ring sumagot ito pero si Ai ang sumagot. “Hello? Tito? Si Aithne po ito..” pakilala nito. Napa ngiti ako sa cute ng boses ng pamangkin ko. Pasagot na ako ng may narinig akong sunod sunod na putok mula sa ibaba ng mansion. “Mamaya na lang tayo mag usap baby ha?” Tanong ko sa pamangkin ko at binaba ko na ang tawag ko. “Storm!” Tawag ko sa kapatid ko alam ko narinig ako nito at ako naman ay nag tungo na sa loob ng mansion. “Flame! May narinig akong putukan sa baba!” Bungad ko nakita ko ito na kumakain pa pala. Tumayo ito at uminom ng tubig. “Istorbo talaga kumakain ako eh!” Reklamo nito, tinapik ko ang braso ni Blake ibig sabihin ang mga bata. Deretso ako sa labas at kinuha ko ang baril ko sa sasakyan ko. “Kuya tawagan mo si Kuya Storm tulungan ang mag ama ko. Huwag muna pauwiin sila ate Sky dito..” utos ng kapatid ko at tumakbo na ito palabas ng gate. Umiling na lang ako at pumasok ako sa loob. “Storm, tawagan mo si ate Sky huwag muna pauwiin. Ipaliwanag mo nangyari tapos ikaw na bahala dito!” Utos ko at tumalikod na ako at nag umpisa na rin akong tumakbo. HINDI NAG TAGAL NASA baba na ako nakita ko si Flame na ang tatago kaya sinundan ko ito. “Ilan sila?” Tanong ko ng makalapit ako. “Sampu..” sagot nito kaya naman napa iling ako at kinargahan ko pa ng bala ang isa kong baril. “Lalaban tayo ng harapan, pero kung kaya ng bala natin sila tapusin agad ito..” utos ni Flame. Tumango lang at hindi ako kumibo, “Kamusta naman? Nasira ko ba ang lovey dovey ninyo mag asawa? Pasensya na ha? Trabaho lang..” narinig kong wika ng isang lalaki. Nilingon ko si Flame na nanatiling walang emosyon, isang bagay ang hindi nag bago sa kapatid ko. Ang mukha nito ang emosyon nito sa mga kalaban at nasa mode ito bilang isang mafia. Yun ang hindi nawala. “Sabi nila kapag nag asawa na ang isang Mafia boss at nag ka anak ng iiba ang pananaw sa buhay? Tama kaya ‘yun? Nag bago ka ba? Pinangarap mo ba na maging mabuting ina?” He sound like mocking my sister. “Gago talaga..” bulong ko pero nanatiling tahimik si Flame. “May pangarap ba ang isang inang katulad mo na mamatay tao? Wala kang karapatan ga——” naputol ito ng maglakad si Flame. Ngumisi ako dahil ang mga mata na ‘yun, nagsasabi na ‘wala akong pakialam’. “She’s really back..” bulong ko at sumunod ako dito. “Masyado kang maraming sinasabi, wala akong pakialam sa iisipin ng ibang tao tungkol kung paano ako maging ina at asawa. Labas kayo sa usapin tungkol sa pribado kong buhay. Huwag kayo masyadong nanghihimasok sa buhay ng kaaway na papatay sa inyo..” sagot ng kapatid ko. Nakita ko ang gumuhit na galit sa mukha ng lalaki. “You b*tch!” Gigil na tawag nito sa kapatid ko. “Dahil kahit anong mangyari tatapusin namin ang lahat ng humaharang sa daanan namin at pilit kaming ginugulo..” naka yukong wika ng kapatid ko. “Tulad niyo..” huling wika nito kaya agad kong tinaas ang baril ko at nag paputok ako sa langit. Nag labasan ang mga assassin na hawak ng grupo at tinutukan ang mga kalaban. “Sapat na sila para tapusin kayo..” wika ko at nag lakad na ako patungo sa harap hanggang. Napa lingon sa likod ko at nanlaki ang mata ko ng may babaeng sumugod kay Flame at sinakal ito gamit ang braso nito. Mas matangkad ito kay Flame. Bago ako maka kilos agad akong maramdaman na may parating kaya lumingon ako at sinalo ang kamao ng lalaki gamit ang palad ko. Nang masalo ko ito sinipa ko naman ang sikmura nito at tinutok ko ang baril ko sa bunganga nito at walang pag da-dalawang isip na barilin ito. Binitawan ko ito ng bumagsak ito, pinagbabaril ng assassin namin ang ibang kasama ng kalaban. Sinilip ko ang guard house doon ko nalaman na wala ang mga guard dito. Kaya tumingin ako sa taas. Nakita ko sila sa taas sila ang humawak ng baril na para sa assassin. Mabuti at tinuruan sila paano makipag laban. Mas lalo ngayon kailangan na namin mag doble ingat dahit maraming bata dito. Nilingon ko si Flame nakita ko itong hawak ang ulo ng babae habang humihiyaw sa sakit ng katawan, doon ko napagtanto na. Durog na ang binti nito sa hindi ko malaman na dahilan. Isang bagay lang ang alam ko binalian ito ni Flame ng buto at tinadyakan ng para madurog. Mas lumakas ang kapatid ko sa loob ng anim na taon, hindi biro ang naging training nito noon. Dahil kailangan niya maging malakas para sa lahat. “Paki sabi sa diyos na kinikilala mo, matagal pa kami magkikita..” narinig kong malamig na wika ng nakaka bata kong kapatid. Tumalikod ako at sunod sunod na putok ang narinig ko. THIRD PERSON POV “Walang silbe!” Galit na sigaw ng lalaki, naka upo ito sa kanyang hospital bed habang balot na balot ng puting benda ang buong mukha nito. “Ano po gagawin namin?” Tanong ng isang lalaki na nagsisilbing kanang kamay nito. “Kunin mo ang lahat ng pangalan ng dati kong tauhan, babalikan ko sila sa oras na gumaling ako..” utos nito sa kanang kamay nito. “Masusunod po..” sagot nito at lumabas na ito ng kanyang kwarto. Tumingin ang binata sa labas ng bintana at naikuyom nito ang kamao nito sa galit. “Babalikan kita at tatapusin kita, ikaw naman ang susunod na susunugin ko tulad ng ginawa mo sa akin..” galit na bulong nito. EARL LOYD LAVISTRE “Hindi pa ba tayo babalik boss Earl sa Pilipinas?” Tanong ng bagong tauhan ng DCN na si Bryant. Tinapunan ko ito ng malamig na tingin. “Hindi pa..” maikli at malamig kong sagot dito. “Namimiss ko na ang simoy ng hangin sa Pilipinas..” wika nito at umupo ito sa bermuda glass. Tanghali dito at oras ng pahinga nila sa pag eensayo. “Anong nakaka miss? Puno ng populasyon at corrupt..” tanong ko dito. Sa maikling panahon nakita ko ang dedikasyon nila sa traning upang lalo silang gumaling. Desido sila na tumbasan ang binigay sa kanilang tiwala ni Flame. Kaya ginagawa ko din ang lahat ng kaya ko upang mas maging magaling sila. “Kasi boss Earl, iba kasi sa Pilipinas malaya ka kasing nakaka kilos doon. Dito kasi lagi lang kami nasa training session tapos kapag lalabas kami napaka lamig..” sagot nito. “Tapos bawal pa kami makipag interact sa ibang tao..” dagdag nito. “Dito sa Russia mga walang emosyon ang mga karamihan dito, dahil sa klima ng panahon. Napaka lamig dito, bukod doon hindi ka basta basta nakaka ngiti sa ibang tao dahil ang tingin nila sayo ay bastos..” paliwanag ko. “Yun ang isang bagay bakit minsan tinagurian ang mga tao dito na coldest human on earth. Dahil sa mga wala silang emosyon, but hindi naman dahil wala silang pakialam kundi hindi lang sila mahilig problemahin at isipin ang iisipin ng iba..” paliwanag ko muli. Tumango ito at nag salita. “Parang kayong mga Lavistre at Valencia tama po ba? Dahil halos lahat kayo ay isang Russian diba?” Tanong nito. Tumango ako ng hindi ito tinatapunan ng tingin. “Isa na rin ‘yan, mas lalo nasa Oymyakon tayo, napa lamig dito mabuti at kumagat pa ang heater dito. Kaya hindi natin nararamdaman..” sagot ko. “Ito din ang lugar sa Russia kung saan nag training si Flame pero hindi katulad niyo nasa mainit na lugar. Dahil ang batang ‘yun ay nasa labas ng bahay nag eensayo..” sagot ko na kina ubo nito sa gulat. “Nakaya niya?! Paano? Minus 58 degree celsius ang lamig sa labas!!” Gulat na tanong nito. This time, tinapunan ko na ito ng tingin. “Kailangan niya kayanin. Yun ang task niya naalala ko isang linggo straight na pingawa sa kanya ito. Matapos sa mainit na naman na pugon kailangan niya kayanin ito, para saan?” Tanong ko dito at paliwanag. Naka nganga lang ito. “Pa-para saan boss?” Tanong nito. “Para maging malakas ang katawan at isip niya. Kailangan niya tumagal sa kahit saan na laban kung simpleng lamig at init lang matatalo na siya? Hindi siya tatagal..” paliwanag ko. “Ito ang nakikita ni Lolo na paraan para maging malakas si Flame sa hinaharap dahil naka sa lalay na kay Flame ang lahat sa oras na tanggapin na niya ang position ng pagiging mafia boss.” Paliwanag ko dito. “Ang astig! Kaya pala malakas talaga siya at pati ang tatag ng isip niya ay ganun din..” wika nito. Tumango ako at nag salita. “Lahat naman kami dumaan sa ganitong training. Mas pinagtuunan lang si Flame dahil sa kanya ipapasa..” sagot ko. Tumango naman ito. Tumayo na ako at nag salita. “Mag pahinga kayo buong araw bukas na lang ulit..” utos ko at nag lakad ako palabas ng pinto. Narinig ko pa silang nagsi hiyawan sa tuwa, “Maraming salamat Boss Earl, dahil pinag tyagaan mo kami turuan..” napa lingon ako ng marinig ko na may nag salita. Nakita ko si Ava kasama nito ang tauhan niyang si Barbie. “Sumusunod lang ako sa utos ng batang yun..” malamig kong sagot at iniwan ko na sila. Tss. FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Ang ganda ng damit ko!” Nag tatalon ang dalawang dalaga namin sa bahay dahil sa damit na natanggap nila. “Do you both like it?” Tanong ko at pinatigil ko si Ai at Hermione sa pag talon. “Yes tita mommy!” Naka ngiting sagot ng pamangkin ko. “Opo Mama!” Sagot naman ni Ai sa akin. “Hon look at the boys.. they are really like man now..” napa lingon ako sa asawa ko at sa likod nito ang mga boys. Napangiti ako ng bumagay sa mga boys ang damit nila. “Ang gwapo niyo naman.. baka sa susunod pag lumaki kayo marami kayong chicks ha? Bad yun..” narinig kong papuri ni ate Sky. Natawa lang ako at lumapit sa mga bata. “Always remember hindi nakaka gwapo ang maraming babae sa buhay, okay ba?” Pag kausap ko sa mga boys. “And always think na hindi maganda ang niloloko at sinasaktan ang mga babae na minahal niyo. Dahil para na ninong sinaktan si Mama, mommy at tita Mommy ninang ninyo and ate Winter, Crystal, Hermione and Aithne..” dagdag ng asawa ko. “Hai!” (Yes in japanese) sagot ng mga bata. “Mabuti pa sila madali kausap.”wika ni Ate kaya naman napa iling ako. Pasagot na ako ng biglang bumukas ang pinto ng malakas. “Apoy! Panis na yung carbonara sa ref? Ang asim ng amoy..” tanong ni Damon nilingon ko sila ate na tumatawa lang. “Hindi ka ba marunong kumatok?!” Tanong ko dito. Nakita ko ang hawak nitong plato at glass bowl na puno ng pagkain. “Marunong, marami lang akong hawak. Okay pa ba ‘yun? Kinain ko kasi..” sagot at tanong nito. Nanlaki ang mata ko at tiningnan si ate. “Yari ka, noong isang umaga pa ‘yun, sira na ‘yun hindi lang natapon! Bakit mo kasi kinain? Maasim na pala!?” Tanong ni ate Sky dito. “Kulit ni Damon, para kang may alagang bata ulit..” bulong ng asawa ko at niyakap ako nito mula sa likod ko. “Eh ininit ko tapos kinain ko, wala pa naman ako nararamdaman..” patay malisya na sagot nito. Natawa lang ako at umiling hanggang sinundan nito si Ate Sky naririnig ko parin ang pagtatalo nila. Nilingon ko ang asawa ko na umiiling lang, he’s really pain my ass mas lalo ngayon dito ito nakatira. God.. help me and give me more patience.. - It takes a monster to destroy the monster..FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Mauna na kayo Love, hindi tayo pwede mag sabay-sabay mas lalo at may nagbabantay sa atin..” utos ko sa asawa ko. Hindi pa ako naka bihis pero naka ayos na ang mukha ko. Tinuruan na rin ako nila Ingrid at Emerald paano mag ayos o mag makeup sa sarili. Kahit napaka hirap nito gawin para sa isang tulad ko. “Okay naiintindihan ko.” Sagot ng asawa ko at nilapitan ako nito. Humalik ito ito sa labi ko at nginitian ako. “Mag ingat kayo, kuya convoy na kayo sa kanila kaya ko mag isa..” inayos ko ang suit ng asawa ko. Hindi ito nag suot ng tie dahil hindi daw siya komportable mabuti at bagay naman sa kanya. “Okay let’s go kids, sa akin na ang kambal niyo para magkahiwalay sila sa daddy nila. Incase na ambushin tayo. Damon, Ezekiel at Storm kunin niyo ang ibang bata hatiin sila..” utos ni Kuya Thunder. Nilingon ko ang asawa ko. “Okay lang ba sayo na hindi mo kasama ang mga anak natin?” Tanong ko sa asawa ko. Tumango naman ito. “Oo para hindi kami tamb
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Nakalabas na ang mga bata kasama ang asawa mo at si Jimmy.. naka convoy sa kanila ang iba nating tauhan..” narinig kong wika ni Kuya Thunder. Hindi ako sumagot at inayos ko ang make up ko at buhok ko. Umatras ako at tinaas ko ang paa ko sa cubicle inangat ko ang dulo ng suot kong dress at kinuha ko ang baril ko. Nilagyan ko ito ng bala at ang inayos ko ang mga dagger ko just incase na kailanganin ko. “Kuya siguraduhin niyo na protektado ang mga tao sa event na ito. Mas lalo si Mr. Ferguson, pakisabihan na ito huli akong lalabas..” pakiusap ko sa kuya ko. “Kasama ko na siya nasabi ko na rin pero wala pang umaatake..” sagot nito. Inayos ko ang dress ko at hinawi ko ang buhok ko patungo sa likod ko. “Hindi sila aatake agad, aatake sila sa oras na maka labas tayo.. pero hindi tayo pwede maging kampante..” sagot ko at lumabas na ako ng restroom ng mga babae. Napansin ko na wala ang lalaki, ngunit ramdam ko na nandito siya naka bantay sa kilos
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA BUMABA AKO ng sasakyan ko ng makarating ako sa mansion. Pag hakbang ko pa lang ng hagdan mula sa front door, napansin ko na ang likido sa tiles yumuko ako at pinahid ito gamit ang daliri ko. Napansin ko na bago ito at dahil malapot din ito ibig sabihin ay bago pa, ang inamoy ko ito doon ko napansin na dugo ito ng isang tao. Saktong bumukas ang pinto at sumambulat sa akin ang liwanag mula sa loob ng mansion. “Mabuti naman naka balik ka na? Ang dali na—” hindi na nito natuloy ang sasabihin niya ng sinalubong ko ng malakas na upper cut ito na kina bulagta nito sa sahig. Nag lakad na ako papasok nakita ko na hawak nila ang anak ko ang panganay ko at ang kambal. Ang asawa ko naman ay naka tali ng tingin ko ay lubid. “Sino kayo para pumasok dito?” Malamig kong tanong. “Bakit ikaw lang ba ang may karapatan pumasok sa ibang bahay at pumatay?” Tanong ng isang babae habang pababa ito sa hagdan. Hindi ko kilala ang isang ito. “Hindi ba at pinasok mo di
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Matapos maka alis ng mag aama ko nag tungo naman ako sa underground upang maki balita. “Miss Flame, nakakuha po ako ng unang information tungkol sa mga tauhan ng Los Trados..” wika ni Onze. Bago ko pa makuha ito agad itong nawala sa paningin ko. “Pabasa ako..” narinig kong wika ni Damon. Bumuntong hininga na lang ako at hinayaan na ito. “Oh natatandaan ko ang isang ‘to!” Napa lingon ako ng mag salita si Damon. “Sino?” Tanong ko dito. Lumapit ito at tinuro ang litrato. “Kanang kamay siya ni Don Martino! Nakita ko siya na kasama ng matandang ‘yun! Kung tama ako wala siya ng laban..” paliwanag nito at tiningnan ko ng maigi. “Hindi ko sila kilalang lahat, wala naman akong paki kung tauhan sila o hindi..” sagot ko at binalik ko ito sa kanya. Nilingon ko ang mga mukhang naka plastar sa screen sila ang mga tauhan ng dating Señora Vipers. Ang kalaban ni Ava, tumingin ako ng matalim sa mga ito at inalis ko ang tingin ko dito. “Boss Flame? May tawag p
BLAKE SHIN DELA VEGA “Sigurado ka na ba dito, hon?” Tanong ko sa asawa ko matapos nito ipaliwanag sa akin na gusto na niya sabihin kay Cloud ang totoo. Matapos ang nangyari sa school ng mga bata, gusto din niya sabihin sa lahat ng bata ang sitwasyon. “Hindi ba masyadong bata pa sila? Kay Cloud na muna saka na natin sabihin sa iba..” napa lingon ako kay Thunder ng mag salita ito. “Balak ko sabihin na matapos namin kausapin si Cloud pwede kayo sumama kung gusto ninyo..” wika ng asawa ko. Nilingon ko ang anak ko na nag lalaro sa table ko, wala naman siyang masisira sa mga document sa ibabaw dahil naka ayos ito bago dumating ang mag iina ko. “Kung buo na ang desisyon mo, kausapin mo muna si Cloud ikaw lang muna dahil ikaw ang legally guardian niya hindi pa nalilipat ang apelyido ni Blake sa kanya. Sunod ka naman Blake, if you want Cloud to use your last name, it’s up to you. If you want to stand as the child’s father..” mahabang paliwanag ni Thunder sa akin. “Salamat, I will do that
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Kaya mo ba talaga mag isang umalis?” Tanong sa akin ni kuya Thunder. Dalawang araw simula ng mapag usapan namin na aalis kaming lahat kaya ito na at sila muna ang mauuna susunod na lang ako. “Oo kaya ko, ako na bahala. Hindi ako pwede makampante na kasama niyo ako sa iisang eroplano, dahil sa ngayon hindi pa kumikilos ang Los Trados. Pero baka sa mga susunod araw o linggo kikilos na sila, mag ingat kayo..” sagot ko dito. Nakita ko ang asawa ko at mga anak ko na palabas na upang sumakay. “Tatawag ako kapag papunta na ako..” bilin ko dito. Nilingon ko ito na tumango naman. “Tara na kailangan na natin pumasok..” utos ni kuya Thunder sa mga kasama nila. Nilapitan ko ang asawa ko at niyakap ko ito. “Mag iingat kayo Love mas lalo ng mga bata. Susunod ako matapos ang isang araw..” bilin ko at nginitian ko ito. Humalik ito sa labi ko. “Mag ingat ka din Honey, ako na bahala sa mga anak natin. Sumunod ka agad hahanapin ka nila..” paalala nito. Ngumiti
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Dala ko ang gamit ko na passport at jacket lang. wala akong ibang dinala dahil dala na nila Kuya at asawa ko. Nag take na lang ako ng bus patungo sa airport, nag desisyon ako na hindi gumamit ng private plane. Madali lang naman ako naka kuha ng book mabuti at may nag cancel. Dumaan muna ako sa underground upang mag paalam sa kanila at mag iwan ng pera. Pumasok ako sa loob dala ang motor ko, iiwan ko ito dito, mula kasi dito sasakay na ako ng public transpo. “Boss, ngayon na po alis niyo hindi po ba?” Tanong sa akin ni Alice. Tumango ako at nilapag ko ang pagkain nila at pera. “Oo mag ingat kayo kapag may nangyari alertuhin niyo kami at lahat ng tauhan..” bilin ko sa kanila. “Opo..” sabay sabay na sagot nila sa akin. “Blue, Onze, Ayano at Renz. Kayo ang aasahan ko at kayo din Wendy at Samantha kami na bahala kay Knives..” bilin ko sa mga maiiwan. “Oo kami na bahala, huwag kana mag alala mag ingat ka din gusto mo ba hatid kita hanggang Airpor
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA NAKAUPO LANG AKO SA HINTAYAN NG PASAHERO habang hinihintay ko ang asawa ko. Tinawagan ko na ito na nandito na ako at huwag na isama ang mga bata. Napaka linis ng paligid malapit sa palacio, napaka tahimik din at ang mga guard ay talagang umiikot ikot sila sa area dito. “Hola, ¿qué haces aquí? ¿Estás perdido?” (Hello, what are you doing here? Are you lost?) pagtatanong ng guard sa akin. Umiling ako agad at sumagot. “No, estoy esperando que mi marido venga a recogerme.” (No, I'm waiting for my husband to come pick me up.) sagot ko naman dito. Nagulat pa ito pero kalaunan ay ngumiti at tumango. “¿Oh? ¿De hecho? Está bien, me quedaré aquí un rato, mientras esperas a tu marido, no me malinterpretes, es muy peligroso dejarte sola aquí.” (Oh? Actually? Okay, I'll stay here for a while, while you wait for your husband, don't get me wrong, it's very dangerous to leave you alone here.) sagot nito. Ngumiti lang ako pero tipid. “Está bien, no pensé nada ma
AVA OLIVIA LEVESQUE MASAYA AKO DAHIL binigay sakin ni Miss Flame ang kasal na dapat para sa akin. Ganun din kay Earl kahit na alam niyang takot ako sa kanya, nagawa niyang mahinga soft sakin. Hindi ko maitago ang tuwa sa labi ko habang inaayusan ako ng mga pinsan din ni Boss Flame. Sila na ang nag ayos sa akin ngayon, “Yan ang ganda mo na lalong buntis!” Wika ni Ingrid sa akin na kina ngiti ko. Ang gagaling nila mag make up at mag ayos nag mukha na akong tao dahil sa ginawa nila. “Thank you so much..” pasasalamat ko at ginawa nilang naka taas ang buhok ko para hindi ako naiinitan mamaya sa seremonya. “Si Miss Flame?” Tanong ko dito. “Ayun lang, hindi pa daw nakaka uwi, hayaan mo ‘yun lagi lang wala agad pero darating siya..” naka ngiting wika ni Emerald at inayos nito ang buhok ko. “Sanay na talaga kayo sa kanya ano?” Tanong ko sa kanila. Nakangiting tumango silang dalawa bago sumagot si Emerald. “Yes, ganun kasi ang love language ni Flame, i mean hindi talaga siya nagsa
FLAME MORJANA LAVISTRE - DELA VEGA Hindi ko alam bakit kailangan ko sumama sa mismong simbahan dahil kailangan nila ito makita at makapag insayo si Ava na mag lakad. Sinuggest namin na huwag na ito mag heels para komportable siya na mag lakad, pumayag naman ito. Lahat sila naka tayo ako naman naka upo lang habang pinapanood itong mag lakad. “Hon, ano ba ‘yan tumayo ka..” suway ng asawa ko. Nilingon ko ito ng may pagka bored sa mukha ko na kina tawa nito. “You know, i hate this right? Saka bukas pa naman ang kasal i know how i can act..” sagot ko na kina iling nito. Hindi ko narinig itong sumagot hanggang salubungin ito si Earl at nag lakad patungo sa mismong altar. Matapos na nito nakinig sila sa sasabihin ni father at ng kinuha nilang organizer. Nakaupo lang ako sa huli ng upuan sa likod palabas ng pinto. Nakatingin ako sa labas actually, natatakot ako para bukas dahil alam ko na aatake si Dylan kaya kahit ayaw pumunta sa kasal wala akong choice i want to make sure na safe si Av
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA KINAUMAGAHAN NAGISING ako na masakit ang ulo ko. “Mabuti naman at nagising kana?” Narinig kong tanong ni Ate Sky. “Mga bata ate?” Tanong ko dito at dahan dahan akong bumangon. Imbes na sagot ang natanggap ko, isang malakas na kaltok ang ginawa nito. “Ano pumasok sa isip mo at nag lasing ka ha?!” Tanong nito. “A—aray! Ang sakit non!” Daig ko habang kina-Kinamot ko ang ulo ko, “Hindi ko intensyon na mag lasing! Ininom ko lang yung isang baso na ganito lang ang sinerve sakin!” Minustra ko pa sa kamay ko. “Malay ko ba na ang lakas nun maka lasing ng tao?!” Tanong ko dito. Pinang hilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko. “Hay naku, sinabihan mo pa ang asawa mo na hindi mo siya asawa? Hay naku Flamie!” Napanganga ako sa sinabi nito. “Sinabi ko ‘yun?! Asan asawa ko?!” Tanong ko dito. “Yan! Now you’re back to your senses! Nasa baba pinag lulutuan ka ng soup para sa hangover mo..” sagot nito at lumabas na ito ng aming kwarto. Nang mag s
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA MAAYOS NA NAMIN na-idaos ang bagong taon, dalawang linggo na ang lumipas nag back to normal na ulit ang lahat. Pero hindi ko pa pina-patanggal ang mga dekorasyon sa safe house. Ngayon naman ay nasa dating bahay ako namin dahil ako mismo ang nag check kung maayos ba nila nagagawa ang trabaho. Agad itong sinimulan ng tauhan ni Opal at ng mga pinsan ko, nag bagsak na ng mga gagamitin tulad sa safe house ang gawin dito gusto ko ito gawing matibay dahil para na rin sa mga taong titira mas lalo at dadami ang bata sa pamilya. “Miss Flame?” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Ava. “Just Flame don’t use Miss from now on.. and that’s the command..” utos ko dito at pinatigil ko ito dahil delikado para sa kanya ang maka lapit pa sa pwesto ko. “Nasabi sakin ni Earl kung pwede ba na mag tayo din kami ng bahay sa property mo. He feel safe kasi kung doon kami titira kesa sa bahay niya..” sagot nito at pagtatanong nito. “Okay wala sakin problema ‘yan
THUNDER LAVISTRE Napa buntong hininga ako at ang asawa naman ni Flame ay umiiling na lang, pinahatid ko na kay Storm at Damon ang mga pinamili sa grocery dahil pagkain ito at may mga karne pa. Pumasok kami sa isang parang maliit na mall, hindi ko sigurado kung ano ang tawag dito. 167 Cybermart ang pangalan nito. “Maganda ito oh? Gagawin natin floor mat para kapag nag play ang mga bata.” Wika ni Flame at nakita ko ang presyo nito. “Nasa 285 ang isang ito..” sagot ko at pinakita sa kapatid ko. “Kuya ka ng apat kuya Thunder..” nakangiting utos ng kapatid ko kaya kumuha ako ng gusto nito. Napa lingon ako kay Demitri na galing kung saan..“May second floor pa pala puro appliances ang nandun tingnan niyo..” wika nito kaya agad sumunod si Flame kaya sumunod din ako. Natawa na lang ako kay Blake napapagod na ang isang ito kaya napapakamot na lang ito ng ulo. “Ang dami ditong gamit sa bahay, Love may couch..” turo ni Flame at humawak na ito sa braso ng kanyang asawa. Lumayo naman ako s
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA DALAWANG ARAW NA LUMIPAS, NAKAUPO AKO SA HARAP ng lalaking nakabuntis kay Madrid. “Kilala mo ang babaeng ito?” Tanong ko at pinakita ko ang litrato ni Madrid. Nang makita nito ang mukha ni Hailey agad itong umiwas ng tingin. Saktong bumukas ang pinto at niluwa nito si Madrid kahit hirap pa ito nagawa nitong mag lakad patungo dito. “Siya ba?” Tanong ko kay Madrid. Tiningnan nito ang lalaki ng maigi. “Oo pero hindi ko kailangan ang lalaking ‘yan. Ang tangi ko lang na gusto ngayon at si Th——” pinutol ko ito at nag salita ako. “Kahit mas matanda ang kapatid ko sa akin, sa sitwasyon na ito ako ang mag dedesiyon. Hindi aakuin ni Thunder ang pinagbubuntis mo, kung patay na ang ama niyan papayag ako pero kung hindi? Hindi ako papayag..” paliwanag ko dito. Nilingon ko ang lalaki. “Ikaw, hindi naman put* si Madrid kaya hindi masasabi na sa ibang lalaki pa ‘yan kung bibilangin tutugma ito ng may nangyari sa inyo..” wika ko sa lalaki. “Ano?! Eh hindi ko n
THUNDER LAVISTRE Matapos ang bonding kahapon kasama namin si Seth ngayon hinatid ito kasama si Adele at ang baby nito sa bahay. Nandito din sila uncle at Don Santiago kasama nito ni Prince. Buhat ko si Seth na hawak nito ang regalo ko, “Kuya paki baba naman ang anak ko..” utos ni Flame kaya binaba ko ang bata. “Halika may isusuot si Mama sayo..” naka ngiting tawag nito sa kanyang anak. Nakita ko na sinuot nito ang isang necklase na chained na gold. “Kapag may ganyan ka meaning anak na kita okay? Mama mo na talaga ako..” narinig kong wika ni Flame na kina ngiti ng bata at yumakap pa ito ng mahigpit. Magsasalita pa lang ako ng may nag sigawan sa labas. Kaya agad akong napa tayo at lumabas ng gate. Nakita namin nag kaka gulo ang mga tao. “Anong meron kuya?” Tanong ni Storm at Flame. “Hindi ko alam eh..” sagot ko at nakita ko isang lalaking sugatan. “Ano po nangyari?!” Tanong ko sa kanila. “Natamaan ng ligaw na bala at yung isa paputok!” Sagot ng lalaki. “Kuya kunin mo na ang sas
STORM LAVISTRE PAG BALIK NAMIN SA SAFE HOUSE nakita ko ang pamilyar na sasakyan. “Kumalma ka Storm..” inakbayan ako ni Blake na kina lingon ko. “Bakit nandito siya?” Tanong ko dito. Bumuntong hininga ito at tumigil sa pag lakad. “Nakiusap ako kay Vlad na puntahan si Thunder para makapag usap ang mag kapatid. I know galit ka parin pero pwede ba ako na nakikiusap? Mag ayos muna kayo ngayon, kahit hanggang bagong taon lang? Para na lang sa mga bata at asawa ko?” Nakikiusap nitong paliwanag. “Storm, hindi ko sinasagasaan ang nararamdaman mo sana alam mo ‘yan pero hindi kaya na makita ang asawa ko na ang mga mata ay malungkot. Ang mga bata ay nag hahanap. Kaya please nakikiusap na ako..” pakiusap nito sa akin. Huminga ako ng malalim at tumango. “Okay gagawin ko, pasensya na..” pag hingi ko ng paumanhin at pag payag ko.. “Thank you.. tara na kakain na tayo..” aya nito at pumasok na kami sa loob. Nauna ito. “Tito Storm magbubukas na po kami ng gift?” Tanong sa akin ni Hermoine. Umili
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA BIGLAAN ANG GINAWA KONG PAG IWAS kay kuya Thunder. Pero nasasaktan din ako kaya ko nagawa ito, kailangan ko parin ba maging selfless kung nasasaktan na ako? Hindi ba pwede na kahit minsan unahin ko muna sarili kong pakiramdam? Umiling ako at huminga ako ng malalim. Nakatingin lang ako sa mga ilaw ng Christmas tree, nakabihis na ako dahil on the way kami ngayong gabi para mag simba at mamasyal mamaya. Hindi naman namin tatapusin ang misa ayaw din nila. Pinaandar ko ang wheelchair ko at lumabas na ako safe house. Deretso ako sa van at agad naman ako tinulungan ni Kuya Vlad at Earl na isakay sa loob. “Iwan niyo na lang kaya ako? Ayoko din naman mag simba..” wika ko, sa dami kong kasalanan bakit kailangan ko pa mag simba ano ito pakitang tao? “Flame mahirap maiwan kang mag isa dito..” wika ni Kuya Vlad. “Okay lang naman ako dito, mas komportable ako dito..” sagot ko dito. “Blake paano ito? Papaiwan na lang daw siya?.” tanong ni Earl sa asawa ko