Share

CHAPTER 5

FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA

“Salamat Mr. Ferguson..” pasasalamat ko at binaba ko na ang tawag ko. Pumasok ako muli sa loob at nakita ko ang mga bata na pinaglalaruan ang magazine ni Francine.

“Kids, mapunit yan kailangan pa yan ng Tita Francine niyo..” mahinahon kong paalala sa mga ito.

“Opo..” sabay sabay na sagot ng mga ito sa akin.

Tinawagan ko si Mr. Ferguson upang itanong kung pwede ba ang mga bata sa party nito dahil kung hindi, hindi ako sasama sila kuya na lang ang pupunta upang may bantay ang mga bata.

Hindi ko gusto ipagkatiwala ang mga bata sa mga yaya nito dahil malilikot ang mga ito. “Kamusta Hon? Pwede ba sila isama?” Tanong ng asawa ko.

Lumapit ako dito at inayos ko ang suot nitong kurbata. “Oo pwede sila sumama, hindi naman late ang tapos ng party kaya pwede sila..” sagot ko sa asawa ko at tiningnan ko ito gamit ang whole body mirror.

“Bagay sayo ang kulay..” papuri ko at nginitian ko ang asawa ko.

“Thank you, Honey. Mamili kana rin para makapag sukat na at tayo’y pupunta sa toy kingdom. Gusto kasi ng mga bata doon..” sagot ng asawa ko.

Napa lingon ako ng may pumasok. “Okay na ba yan Blake? Oh ikaw pala Flame, kamusta okay ba sa asawa mo?” Tanong ni Francine na kapapasok lang.

“Oo okay na ito sa kanya, ayoko ng masyadong revealing Fran,” sagot ko. Humalik ang asawa ko sa labi ko mabilis lang ito bago ito pumasok sa men’s changing room.

“Iba na talaga ikaw, dati hindi mo ako ganyan kausapin..” wika nito.

Binalik ko ang pagiging malamig kong tumingin. “Gusto mo ibalik ko? Madali lang naman sakin mag switch..” tanong ko dito gamit ang malamig kong boses.

“Hey hey! Wala akong sinabi!” Awat nito na kina ngiti ko. “By the way ito pwede mo pag pilian, sinabi na ng asawa mo na ‘wag kana mag reveal dahil ayaw mo na so, ‘yan ang kinuha ko..” turo nito at paliwanag.

Nakita ko mula sa gilid ng aking paningin ang pag labas ng asawa ko. Pinagtuunan ko muna ng pansin ito at nang ilipat ko ang sunod na pahina ay tinuro ko ang gusto ko.

“Mas okay ako dito hindi siya sayad sa semento, mas madaling gumalaw..” turo ko sa isang black satin na dress.

Sinilip naman nito, “Ang asawa mo may attach na Gold yung iyo plain black?” Tanong nito sa akin.

“Mas okay ako dito then lagyan ko na lang ng silver na belt meron ka naman diba?” Tanong ko dito.

“Flame, alam ko may anak kana pero you’re just 26 years old or maybe 27 kana huwag ka naman mag madaling tumanda..” paliwanag ni Francine.

Natawa naman si Blake kaya napa lingon ako. “Tingnan mo naman kasi yung pinili niya Blake, d’yos ko!” Frustrated nitong sumbong sa asawa ko.

“For me it’s look good naman, tama siya lagyan na lang ng silver belt..” pagsang ayon ng asawa ko sa akin.

“Mag asawa nga kayo, fine hahanap ako ng babagay dito. Kung kaya mo bumili sa mall? Do it..” umiiling nitong pag payag.

Nginitian ako ng asawa ko at kinindatan. “Isukat mo muna ha? Ikaw lumabas ka muna alam ko nagka kitaan na kayo pero ‘wag niyo dalhin dito utang na loob!” Tinulak ako agad ni Francine na kina iling ko na lang

BLAKE SHIN DELA VEGA

“Kailan ang kasal niyo ni Kenneth?” Tanong ko habang nakaupo ako at hinihintay ko ang asawa ko.

Ang mga bata naman ay sinusukatan sa kabilang kwarto. “Ang tanong seryoso ba siya sa’kin? Napaka playboy ng pinsan mo. Wala akong plano makipag relasyon sa taong hindi pa tapos sa pagiging binata..” sagot nito.

Natawa naman ako at umiling, tama naman siya naging sila pero hindi ‘yun nag tagal dahil nag cheat si Kenneth ng umuwi kami ng Japan years ago.

Hindi ko alam ang bagay na ‘yun until my wife said. Una hindi ako naniniwala pero nababasa niya ang galaw ng pinsan ko hindi ko ito napansin o hindi ko talaga nakita.

Siguro dahil malakas ang pandama ng asawa ko. I really feel guilty and sorry for that. Akala ko kasi tapos na sila ganun pero mukhang hindi pa pala, sa aming lahat ako lang naunang nag settle down.

“I’m sorry for what my cousin did to you, i really don’t know..” pag hingi ko ng tawad. Umupo ito sa tabi ko at umiling.

“Wala kang kasalanan, malaki ang utang ko kay Flame dahil alam ko na hindi mag sisinugaling si Flame sa’kin o kahit kanino, kaya na-niwala ako sa kanya. Sabi ko nga kapag nasa bansa na ang pinsan mo patatawarin ko siya at ibabalik ko ang singsing na binigay niya..” paliwanag nito.

Umayos naman ako ng upo dahil pumasok ang mga bata kasama ang mga anak namin ni Flame. “What do you mean?” Takang tanong ko dito at inupo ko ang panganay kong si Cloud sa hita ko.

Habang ang mga pamangkin ng asawa ko naman ay tiningnan ang magazine. “Kasi hindi na ako makikipag balikan sa kanya. Natatakot ako, baka kasi kapag naisipan niya umalis ganun ulit gawin niya..” putol nito at ngumiti sa akin.

“You know what? What i really need now? Peace over chaos.. gusto ko ng tahimik na isip at walang problema. Tama si Flame huwag ako mag mahal ng hindi willing mag bago..” mahabang paliwanag nito.

Tumayo ito ng lumabas ang asawa ko kaya naman pinanood ko silang dalawa mag usap. She’s right lahat ng babae sa pamilya ng asawa ko lumaki silang independent.

Hindi nila gusto ang dagdag problema pa. Kung hindi ako nag bago para sa asawa ko at sa sarili ko sigurado ako na hindi rin ako pag bibigyan ng asawa ko.

Sigurado ako na itatapon lang ako nito.

Mabuti nakinig ako sa mommy ko at mabuti narealize ko agad na kung gusto ko ang asawa ko patunayan ko ito. Yun ang pinaka masaya at worth it na una kong ginawa ko.

At hinding hindi ko ito sisirain.

“Daddy, you’re passing out again..” napa tingin ako sa anak kong panganay na naka tulala sa akin.

“I’m just thinking about something, my son. Anyway, do you like your mama dress?” Tanong ko dito.

Tumingin ito sa mama niya at marahan tumango. “Yes daddy. Mama look like elegant and gorgeous with black..” naka ngiti nitong papuri sa mama Flame nito.

Ginulo ko ang buhok nito at inalis ko ang kamay nito na sinusubo na naman sa bibig ang daliri. “Yeah i agree with you..” niyakap ko ito ng mahigpit at pinag hahalikan ko ang buhok ng panganay ko.

Masakit man aminin lahat ng anak namin ni Flame sa kanya nakuha ang mga panitig na napaka lamig. Ang tingin na pailalim na akala mo papat*y sa kanya ito ng nakuha ng mga anak namin.

Mas lalo si Cloud o si Morrigan, ang mata nito kahit ako ang ama natatakot ako sa pagtitig nito. “Okay settle na, bukas ipapadala ko ito pati sa mga bata sa inyo..” wika ni Francine tumayo ako at binaba ko ang anak ko.

“Okay babayaran muna namin ito..” sagot ko at nilabas ko ang wallet ko. Pera ko ang gamit ko hindi ang sa asawa ko.

Pero minsan ginagamit ko ang asawa ko. “Ako na mag bayad Love, masyadong malaki ang presyo nila dito..” presinta ng asawa ko.

Pero naibigay kona kay Hannah ang card ko. “Already done Hon,” sagot ko at nginitian ko ito.

“Ay naku nag papaligsahan pa kayo sa pagbabayad hati na lang kayo para walang gulo..” suhistyon n Francine na kina tawa ko.

FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA

MATAPOS KAMI KAY Francine diretso kami sa mall na malapit. Tulad ng pangako ni Blake sa mga bata na mag toy kingdom sila.

Hindi ako pumasok sa loob dahil mas gusto bantayan ang mga bata tinawagan ko na rin si Damon na pumunta dito at kuya Storm, sa susunod na linggo ang opening ng bagong bar at gym ni Damon.

Preparation pa ang gagawin sa mga ito bago buksan sa publiko. Napa lingon ako sa malaking tv sa unahan nakita ko doon ang balita tungkol sa pag giba ng bar ni Damon.

“Grabe ano bakit kaya nila pinagigiba yan? Mukha naman malaki ang kita ng bar na ‘yan..” narinig kong tanong ng isang babae sa gilid ko sa kanan ko. May kasama din itong isang babae na kaibigan nito.

“Oo naka punta kami d’yan, ang ganda ganda loob tapos daming tao, sabi pa nga ng iba ang kita niyan sa isang araw pumapasok ng 100 thousand tapos gigibain lang??” Sagot naman ng isang babae.

“Baka may anomalya?” Tanong naman ng unang babae kanina.

Lumingon ako sa playground kung saan nag papadulas ang dalawang batang babae si Hermoine at si Aithne. Ngumiti ako sa ilalim ng suot kong hoodie jacket ng makita ko na inaalalayan ni Hermoine si Aithne.

Ate na ate ang kilos ng bunso ni Ate Sky kahit saang aspeto, si Ai ang baby sister niya kaya inaalagaan niya ito kahit ng sanggol pa ang anak ko.

Gusto nito laging nasa tabi ni Ai para mabantayan ito dahil nag mamadali ito na lumaki ang anak ko para may kalaro na siya. Well nag iisang babae kasi that time.

Napa tingin ako kay Cloud na palabas na at nakasimangot ito. Nilapitan ko ito. “What’s wrong? Ayaw mo na mag laro?” Tanong ko sa anak ko.

“Mama, yung bata binato po ako ng bola na blue yung malakit po..” ngumuso ito at umiyak na.

Tinuro nito kung saan tumama ang bola, nakita kong namula ito. “Sussh.. gagamutin natin yan sa sasakyan huwag kana umiyak..” pag papatahan ko dito.

Binuhat ko ito hanggang mag salita ang isang babae sa harapan ko, hindi ko ito napansin dahil busy ako sa anak ko. “Hindi ako mag so-sorry para sa ginawa ng anak ko sa anak mo. Para sakin tama lang yan, mamat——” hindi ko na ito pinatapos ng sinenyasan ko ang anak ko na yumuko at mag tago sa leeg ko.

Kilala na nito ang gesture ko na pagtingin ng side eye, “Subukan mo ituloy yan, kung noon hindi ako gaano nakaka relate sa mga sinasabi ng ibang tao dahil wala pa akong asawa at anak baka ngayon nagbago na ang pananaw ko. Kung saktan ko ba ang anak mo matutuwa ka?” Tanong ko dito,

“Mama, yung asawa po niya may ari po ng pagawaan po ng lata ng mga food company..” bulong ng anak kong si Morrigan.

He’s only 9 years old but my son is so smart like me. He can use Ken’s laptop without asking any para magamit ito. He likes numbers and riddles.

Tinaasan ako ng kilay ng babae. “Then do it i will sue you..” pananakot nito.

Nag lakad ako palapit at nag salita. “Mukha naman kilala mo ako, alam mo din anong kaya kong gawin. Kaya ko pumatay ng angkan, ‘wag mo ako subukan..” bulong ko at nilagpasan ko ito dahil palabas na ang asawa ko at pamangkin.

“By the way, may ari ang asawa mo ng pagawaan ng Lata diba? Supplier kayo right? Paano kaya kung bilhin ko ang lahat ng board member at kliyente niyo? May ipag mamayabang ka pa ba??” Tanong ko dito at nginisian ko ito.

Umalis na ako at nilapitan ang asawa ko. “What happened?” Tanong ng asawa ko.

“Nothing let’s go kumain na muna tayo, nagugutom na ako..” sagot ko at sinenyasan ko si Jimmy at yaya na hawakan ang mga bata.

NANG MAKARATING KAMI SA ISANG Filipino buffet. Nagpaalam ako na papasok muna ako sa Watson para maghanap ng pang gamot sa natamo ni Cloud kanina.

Mabuti meron sila ng kailangan ko, matapos ko bayaran ito bumalik na ako sa restaurant at nakita ko agad ang mag ama ko na pinapaalis ng mga staff.

“This is the worst scenario than what happened 6 years ago..” bulong ko at tumakbo na ako.

“Love anong meron?” Tanong ko kahit alam ko na ang problema.

“Pinaalis kami dahil sa—” hindi ko ito pinatapos ng mag salita ako.

“Mauna na kayo umuwi ako na bahala dito..” seryoso at malamig kong utos.

“Hon, don’t do anything bad please..” pakiusap ng asawa ko.

Tumango ako pero kasinungalingan yun dahil pagod na ako sa ganitong pag trato sa amin, ayoko madungisan ang kamay ng asawa ko. Kaya imbes na siya ang mag tanggol sa amin ako ang gumagawa nito hindi dahil duwag ang asawa ko.

Matagal ng tumalikod ang asawa ko sa gawaing marumi bago pa kami ikasal. Kaya nangako ako na ako na lang bahala dahil ako matagal ng alam ng mga tao ang tungkol sa akin, pero ang sa asawa ko hindi.

Sana naiintindihan ninyo ang pinupunto ko.

Nang maka alis sila lumapit ang tingin ko ay manager sa akin ng restaurant na ito. “Ikaw ang mamatay tao diba? Bawal kayo dito,” mayabang nitong wika.

Ngumisi ako at nag salita. “Sana lang nasa rules niyo ang bagay na sinabi mo dahil, kapag nalaman ko sino may ari nito? At wala ‘yan? Tatapusin kita at ang pinakamamahal mong amo..” pagbabanta ko dito na nakaguhit ng takot nito sa kanyang mga mata.

“Guard!” Sigaw ng lalaki, bago pa ako tutukan ng baril na hawak ng gwardya, tinutukan ko ang matabang manager na lalaki ng hawak kong fork o tinidor sa leeg.

“Ibaba mo yan!” Sigaw ng guard ngunit hindi ko ito pinakinggan.

“Tandaan mo ito, sa pabilisan ng kilos mas mabilis parin ako wala kang laban at ang guard na ito. Dahil kapag nag paputok yan, sisiguraduhin ko na matatamaan ang mga inosente at sila mismo gagamitin kong bitag, at palalabasin ko na kayo ang nauna at sisiguraduhin ko na makukulong kayo..” bulong sa pag mumukha ng lalaking ito.

“Kaya mo ba tumbasan ang kakayahan ko?” Tanong ko dito. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa at nag salita muli. “Tingin ko hindi, think again..” bulong ko at binagsak ko sa mesa ang tinidor na dinampot ko.

Hinarap ko ang guard at walang kahirap hirap kong inagaw ang shot gun sa kamay nito. “Sana marunong ka mag balik nito..” maka hulugan kong wika.

At harapan harapan ko kinalas ito tumalsik pa ang bala nito kung saan ng ikasa ko. Binato ko ang baril sa sahig at umalis.

Tinawagan ko si Mika at agad itong sumagot. “Boss?” Mahinahon nitong sagot.

“BK restaurant, pabagsakin mo at siguraduhin mo lulubog sila gumawa ng isyu..” utos ko dito at binaba ko na ang tawag ko at sumakay ako ng escalator.

Imbes na hintayin ko na maka baba ako nag lakad ako pababa para makarating na ako sa ibaba. Nag lakad ako patungo sa labas ng mall, buong akala ko umuwi na ang mag aama ko pero hindi pa pala.

Nasa labas sila nag hihintay, kaya tumakbo na ako at sumakay sa passenger seat. Naka sunod naman sa amin si Jimmy.

“Sa bahay na lang tayo kumain magluluto ako..” wika ko ng maka pasok ako.

Pero nakita ko na may pagkain ng katabi ang mga at naamoy ko din, tiningnan ko ang asawa ko. “Bumili na ako dahil gutom na sila kalalaro..” nag kakamot sa ulo nitong sagot.

Natawa lang ako at tumango. “Thank you, Love..” pasasalamat ko ngumiti lang ito at umuwi na kami.

-

Envolve or Repeat? These decisions is Yours now..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status