BLAKE SHIN DELA VEGA “Sigurado ka na ba dito, hon?” Tanong ko sa asawa ko matapos nito ipaliwanag sa akin na gusto na niya sabihin kay Cloud ang totoo. Matapos ang nangyari sa school ng mga bata, gusto din niya sabihin sa lahat ng bata ang sitwasyon. “Hindi ba masyadong bata pa sila? Kay Cloud na muna saka na natin sabihin sa iba..” napa lingon ako kay Thunder ng mag salita ito. “Balak ko sabihin na matapos namin kausapin si Cloud pwede kayo sumama kung gusto ninyo..” wika ng asawa ko. Nilingon ko ang anak ko na nag lalaro sa table ko, wala naman siyang masisira sa mga document sa ibabaw dahil naka ayos ito bago dumating ang mag iina ko. “Kung buo na ang desisyon mo, kausapin mo muna si Cloud ikaw lang muna dahil ikaw ang legally guardian niya hindi pa nalilipat ang apelyido ni Blake sa kanya. Sunod ka naman Blake, if you want Cloud to use your last name, it’s up to you. If you want to stand as the child’s father..” mahabang paliwanag ni Thunder sa akin. “Salamat, I will do that
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Kaya mo ba talaga mag isang umalis?” Tanong sa akin ni kuya Thunder. Dalawang araw simula ng mapag usapan namin na aalis kaming lahat kaya ito na at sila muna ang mauuna susunod na lang ako. “Oo kaya ko, ako na bahala. Hindi ako pwede makampante na kasama niyo ako sa iisang eroplano, dahil sa ngayon hindi pa kumikilos ang Los Trados. Pero baka sa mga susunod araw o linggo kikilos na sila, mag ingat kayo..” sagot ko dito. Nakita ko ang asawa ko at mga anak ko na palabas na upang sumakay. “Tatawag ako kapag papunta na ako..” bilin ko dito. Nilingon ko ito na tumango naman. “Tara na kailangan na natin pumasok..” utos ni kuya Thunder sa mga kasama nila. Nilapitan ko ang asawa ko at niyakap ko ito. “Mag iingat kayo Love mas lalo ng mga bata. Susunod ako matapos ang isang araw..” bilin ko at nginitian ko ito. Humalik ito sa labi ko. “Mag ingat ka din Honey, ako na bahala sa mga anak natin. Sumunod ka agad hahanapin ka nila..” paalala nito. Ngumiti
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Dala ko ang gamit ko na passport at jacket lang. wala akong ibang dinala dahil dala na nila Kuya at asawa ko. Nag take na lang ako ng bus patungo sa airport, nag desisyon ako na hindi gumamit ng private plane. Madali lang naman ako naka kuha ng book mabuti at may nag cancel. Dumaan muna ako sa underground upang mag paalam sa kanila at mag iwan ng pera. Pumasok ako sa loob dala ang motor ko, iiwan ko ito dito, mula kasi dito sasakay na ako ng public transpo. “Boss, ngayon na po alis niyo hindi po ba?” Tanong sa akin ni Alice. Tumango ako at nilapag ko ang pagkain nila at pera. “Oo mag ingat kayo kapag may nangyari alertuhin niyo kami at lahat ng tauhan..” bilin ko sa kanila. “Opo..” sabay sabay na sagot nila sa akin. “Blue, Onze, Ayano at Renz. Kayo ang aasahan ko at kayo din Wendy at Samantha kami na bahala kay Knives..” bilin ko sa mga maiiwan. “Oo kami na bahala, huwag kana mag alala mag ingat ka din gusto mo ba hatid kita hanggang Airpor
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA NAKAUPO LANG AKO SA HINTAYAN NG PASAHERO habang hinihintay ko ang asawa ko. Tinawagan ko na ito na nandito na ako at huwag na isama ang mga bata. Napaka linis ng paligid malapit sa palacio, napaka tahimik din at ang mga guard ay talagang umiikot ikot sila sa area dito. “Hola, ¿qué haces aquí? ¿Estás perdido?” (Hello, what are you doing here? Are you lost?) pagtatanong ng guard sa akin. Umiling ako agad at sumagot. “No, estoy esperando que mi marido venga a recogerme.” (No, I'm waiting for my husband to come pick me up.) sagot ko naman dito. Nagulat pa ito pero kalaunan ay ngumiti at tumango. “¿Oh? ¿De hecho? Está bien, me quedaré aquí un rato, mientras esperas a tu marido, no me malinterpretes, es muy peligroso dejarte sola aquí.” (Oh? Actually? Okay, I'll stay here for a while, while you wait for your husband, don't get me wrong, it's very dangerous to leave you alone here.) sagot nito. Ngumiti lang ako pero tipid. “Está bien, no pensé nada ma
THUNDER LAVISTRENag umpisa na ang Royal Banquet, kanina tinawag kami at ngayon naka upo na. Ilang beses ko tinawagan si Flame ngunit cannot be reach ang cellphone nito. Kahit ang asawa nito hindi nito sinasagot.“Hindi talaga sumasagot?” Pabulong na tanong ni Storm sa akin.Umiling ako bago sumagot. “Naka off ang cellphone, nag tanong na ako sa immigration dito sa espanya, pero wala daw sa record nila ang paglabas ni Flame ng Spain. Kaya malamang nandito lang ‘yun..” sagot ko sa kapatid ko.“Mamaya mag papaalam ako tatawag ako ulit.” Sagot ni Storm.“Hindi parin nakaka labas ng Spain si Flame. Katatawag ko lang wala daw talaga silang narecord na ganitong tao. Imposible na makaka labas siya ng bansa ng hindi dumadaan sa airport mas lalo ang biyahe ay sumakay lang siya ng ordinary hindi naman siya gumamit ng private plane..” singit ni Ezekiel sa amin ni Storm.Kung ganun nasa bansa parin si Flame ngayon, kung ganun nasaan na naman ito?BLAKE SHIN DELA VEGANAG AALALA ako sa asawa ko ku
WARNING ‼️ Rated SPG and please be aware for the scene has a following content. Includes: Violence, k*ll*ng, destruction, foul words and etc.. — * 6 Years After The Last Bloody Destruction * MATAPOS ANG HULING laban namin sa mga kaaway namin at sa gobyerno ng bansa. Nag desisyon kami na lumabas muna ng bansa at tumira sa bansa kung saan lumaki ang asawa ko. Sa Japan kami nanatili hanggang mag tatlong taong gulang ang kambal nag desisyon naman kami na lumipat ng London, UK upang dito mag aral ang mga bata. Nag desisyon din ako na pansamantalang tumigil at pinaubaya ko ang pamumuno sa Underground sa nga kuya ko. Dahil nahihirapan ako maging Ina sa mga anak ko mas lalo sa kambal. In the first 2 months after ko manganak nag karoon ako ng anxiety sabi ng doctor normal ito sa bagong panganak at first time mommy. Nilabanan ko yun kasama ko ang asawa kong si Blake sa lahat ng yun hindi ako nito iniwan. Natatakot lang naman ako paano kung hindi ko magampanan ang pagiging mabut
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Mauna na kami, ihahatid ko muna ang mga bata.” Paalam ko, habang ang asawa ko ay buhat ang kambal. “Sige, dumeretso kayo mag asawa sa kumpanya may pag uusapan tayo..” bilin ni kuya Thunder habang inaayos nito ang kanyang gamit. Iisa pa rin ang garahe namin dahil ayaw naman nila na sirain ang bakod ng mansion. “Sige sunod kami..” sagot ko lang dito at humalik ako sa pisngi ng kuya ko. “Bye kiddo! Aral kayo mabuti at wag kayo makulit!” Bilin ni kuya sa mga bata. Agad agad bumaba ang kambal na kina ngiti ko, basta Tito ang usapan mabilis ang mga bata tumabi ako sa asawa ko at hinawakan ang braso nito. “Parang kailan lang ang liliit pa nila, pero tingnan mo ngayon? Unti unti na silang lumalaki..” natatawang wika ng asawa ko. Umiling na lang ako at pinagmasdan ang mga bata na isa isa humalik sa Tito Thunder nila. “Kailan kaya mag asawa si Kuya ano?” Tanong ko dito. “Kapag meron na siyang natitipuhan, Hon. Sigurado yan..” sagot ng asawa ko
THUNDER LAVISTRE “Hindi mo kasama si Flame, bayaw?” Tanong ni Storm kay Blake. Nilingon ko ang dalawang ito saglit bago ko pinanood muli ang kilos bagong kaaway namin, nakita ko ang mga tauhan nito. “Ako lang ba o pamilyar ang kilos nila?” Tanong ko sa kanila na kina tahimik naman ng dalawa. “Totoo?” Tanong ni Storm sa akin tumabi sa akin ito. Bago pa ako makasagot napa lingon ako ng may motor na pumasok, alam ko ang nakaka batang kapatid ko ang ingay na yan. Hinintay ko ito maka baba ng motor nito hanggang mag lakad na ito. “Akala ko ako lang nakakapansin, kamukha ng kilos nila ang pagkilos ng Señora Vipers..” wika ni Flame nagawa nitong lagpasan ang asawa niya. Hindi na ito bago sa amin dahil ito ang gusto niya upang hindi mahaluan ng kahit ano ang trabaho nito. She’s the boss and we need to agree to whatever she says, infact tama naman ito. “Paano mangyayari yun kung patay na ang huling pinuno? Pinatay na ito si Ava diba?” Tanong ni Azi, nakita ko ang kapatid ko na na