Tuwing gabi na po ako mag update. Saka po kapag nag comment po kayo always niyo po icheck kasi sumasagot po ako. Hindi po ako esnaberang writer salamat po.
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA BUMABA AKO ng sasakyan ko ng makarating ako sa mansion. Pag hakbang ko pa lang ng hagdan mula sa front door, napansin ko na ang likido sa tiles yumuko ako at pinahid ito gamit ang daliri ko. Napansin ko na bago ito at dahil malapot din ito ibig sabihin ay bago pa, ang inamoy ko ito doon ko napansin na dugo ito ng isang tao. Saktong bumukas ang pinto at sumambulat sa akin ang liwanag mula sa loob ng mansion. “Mabuti naman naka balik ka na? Ang dali na—” hindi na nito natuloy ang sasabihin niya ng sinalubong ko ng malakas na upper cut ito na kina bulagta nito sa sahig. Nag lakad na ako papasok nakita ko na hawak nila ang anak ko ang panganay ko at ang kambal. Ang asawa ko naman ay naka tali ng tingin ko ay lubid. “Sino kayo para pumasok dito?” Malamig kong tanong. “Bakit ikaw lang ba ang may karapatan pumasok sa ibang bahay at pumatay?” Tanong ng isang babae habang pababa ito sa hagdan. Hindi ko kilala ang isang ito. “Hindi ba at pinasok mo di
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Matapos maka alis ng mag aama ko nag tungo naman ako sa underground upang maki balita. “Miss Flame, nakakuha po ako ng unang information tungkol sa mga tauhan ng Los Trados..” wika ni Onze. Bago ko pa makuha ito agad itong nawala sa paningin ko. “Pabasa ako..” narinig kong wika ni Damon. Bumuntong hininga na lang ako at hinayaan na ito. “Oh natatandaan ko ang isang ‘to!” Napa lingon ako ng mag salita si Damon. “Sino?” Tanong ko dito. Lumapit ito at tinuro ang litrato. “Kanang kamay siya ni Don Martino! Nakita ko siya na kasama ng matandang ‘yun! Kung tama ako wala siya ng laban..” paliwanag nito at tiningnan ko ng maigi. “Hindi ko sila kilalang lahat, wala naman akong paki kung tauhan sila o hindi..” sagot ko at binalik ko ito sa kanya. Nilingon ko ang mga mukhang naka plastar sa screen sila ang mga tauhan ng dating Señora Vipers. Ang kalaban ni Ava, tumingin ako ng matalim sa mga ito at inalis ko ang tingin ko dito. “Boss Flame? May tawag p
BLAKE SHIN DELA VEGA “Sigurado ka na ba dito, hon?” Tanong ko sa asawa ko matapos nito ipaliwanag sa akin na gusto na niya sabihin kay Cloud ang totoo. Matapos ang nangyari sa school ng mga bata, gusto din niya sabihin sa lahat ng bata ang sitwasyon. “Hindi ba masyadong bata pa sila? Kay Cloud na muna saka na natin sabihin sa iba..” napa lingon ako kay Thunder ng mag salita ito. “Balak ko sabihin na matapos namin kausapin si Cloud pwede kayo sumama kung gusto ninyo..” wika ng asawa ko. Nilingon ko ang anak ko na nag lalaro sa table ko, wala naman siyang masisira sa mga document sa ibabaw dahil naka ayos ito bago dumating ang mag iina ko. “Kung buo na ang desisyon mo, kausapin mo muna si Cloud ikaw lang muna dahil ikaw ang legally guardian niya hindi pa nalilipat ang apelyido ni Blake sa kanya. Sunod ka naman Blake, if you want Cloud to use your last name, it’s up to you. If you want to stand as the child’s father..” mahabang paliwanag ni Thunder sa akin. “Salamat, I will do that
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Kaya mo ba talaga mag isang umalis?” Tanong sa akin ni kuya Thunder. Dalawang araw simula ng mapag usapan namin na aalis kaming lahat kaya ito na at sila muna ang mauuna susunod na lang ako. “Oo kaya ko, ako na bahala. Hindi ako pwede makampante na kasama niyo ako sa iisang eroplano, dahil sa ngayon hindi pa kumikilos ang Los Trados. Pero baka sa mga susunod araw o linggo kikilos na sila, mag ingat kayo..” sagot ko dito. Nakita ko ang asawa ko at mga anak ko na palabas na upang sumakay. “Tatawag ako kapag papunta na ako..” bilin ko dito. Nilingon ko ito na tumango naman. “Tara na kailangan na natin pumasok..” utos ni kuya Thunder sa mga kasama nila. Nilapitan ko ang asawa ko at niyakap ko ito. “Mag iingat kayo Love mas lalo ng mga bata. Susunod ako matapos ang isang araw..” bilin ko at nginitian ko ito. Humalik ito sa labi ko. “Mag ingat ka din Honey, ako na bahala sa mga anak natin. Sumunod ka agad hahanapin ka nila..” paalala nito. Ngumiti
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Dala ko ang gamit ko na passport at jacket lang. wala akong ibang dinala dahil dala na nila Kuya at asawa ko. Nag take na lang ako ng bus patungo sa airport, nag desisyon ako na hindi gumamit ng private plane. Madali lang naman ako naka kuha ng book mabuti at may nag cancel. Dumaan muna ako sa underground upang mag paalam sa kanila at mag iwan ng pera. Pumasok ako sa loob dala ang motor ko, iiwan ko ito dito, mula kasi dito sasakay na ako ng public transpo. “Boss, ngayon na po alis niyo hindi po ba?” Tanong sa akin ni Alice. Tumango ako at nilapag ko ang pagkain nila at pera. “Oo mag ingat kayo kapag may nangyari alertuhin niyo kami at lahat ng tauhan..” bilin ko sa kanila. “Opo..” sabay sabay na sagot nila sa akin. “Blue, Onze, Ayano at Renz. Kayo ang aasahan ko at kayo din Wendy at Samantha kami na bahala kay Knives..” bilin ko sa mga maiiwan. “Oo kami na bahala, huwag kana mag alala mag ingat ka din gusto mo ba hatid kita hanggang Airpor
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA NAKAUPO LANG AKO SA HINTAYAN NG PASAHERO habang hinihintay ko ang asawa ko. Tinawagan ko na ito na nandito na ako at huwag na isama ang mga bata. Napaka linis ng paligid malapit sa palacio, napaka tahimik din at ang mga guard ay talagang umiikot ikot sila sa area dito. “Hola, ¿qué haces aquí? ¿Estás perdido?” (Hello, what are you doing here? Are you lost?) pagtatanong ng guard sa akin. Umiling ako agad at sumagot. “No, estoy esperando que mi marido venga a recogerme.” (No, I'm waiting for my husband to come pick me up.) sagot ko naman dito. Nagulat pa ito pero kalaunan ay ngumiti at tumango. “¿Oh? ¿De hecho? Está bien, me quedaré aquí un rato, mientras esperas a tu marido, no me malinterpretes, es muy peligroso dejarte sola aquí.” (Oh? Actually? Okay, I'll stay here for a while, while you wait for your husband, don't get me wrong, it's very dangerous to leave you alone here.) sagot nito. Ngumiti lang ako pero tipid. “Está bien, no pensé nada ma
THUNDER LAVISTRENag umpisa na ang Royal Banquet, kanina tinawag kami at ngayon naka upo na. Ilang beses ko tinawagan si Flame ngunit cannot be reach ang cellphone nito. Kahit ang asawa nito hindi nito sinasagot.“Hindi talaga sumasagot?” Pabulong na tanong ni Storm sa akin.Umiling ako bago sumagot. “Naka off ang cellphone, nag tanong na ako sa immigration dito sa espanya, pero wala daw sa record nila ang paglabas ni Flame ng Spain. Kaya malamang nandito lang ‘yun..” sagot ko sa kapatid ko.“Mamaya mag papaalam ako tatawag ako ulit.” Sagot ni Storm.“Hindi parin nakaka labas ng Spain si Flame. Katatawag ko lang wala daw talaga silang narecord na ganitong tao. Imposible na makaka labas siya ng bansa ng hindi dumadaan sa airport mas lalo ang biyahe ay sumakay lang siya ng ordinary hindi naman siya gumamit ng private plane..” singit ni Ezekiel sa amin ni Storm.Kung ganun nasa bansa parin si Flame ngayon, kung ganun nasaan na naman ito?BLAKE SHIN DELA VEGANAG AALALA ako sa asawa ko ku
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Nang makabalik ako ng bansa natulog muna ako ng halos mag hapon. Dahil pakiramdam ko nagka jet lagged ako ng wala sa oras. Pag gising ko ay gabi naman na, naka tanggap din ako ng email mula kay Ezekiel na early tomorrow darating na sila sa bansa bukas. Hindi ko na ito sinagot pa ang importante umuwi sila. Lumabas ako ng bahay at nilagay ko ang alert sa level 4 para hindi naman matatakot ang mga tao sa mansion. Nag tungo ako sa labas ng gate dito ko inutos kay Jimmy na iparada na ang sasakyan ko. Ang motor ko ay naiwan naman sa Underground. Sumakay ako dito at mabilis itong pinaandar paalis. Mas binilisan ko pa ng makarating ako sa patag na kalsada. HINDI NAG TAGAL NAKARATING ako sa Maynila nasa tinatawag akong Jones Bridge ngayon. Natatandaan ko ang lugar na ito, naging tourist attraction ito ng bansa dahil sa maka luma nitong anyo. Sinasabi sa balita na ito ay replika ng nakaraan pareho ito sa dating Jones Bridge hindi lang ito ang orihinal.
AVA OLIVIA LEVESQUE MASAYA AKO DAHIL binigay sakin ni Miss Flame ang kasal na dapat para sa akin. Ganun din kay Earl kahit na alam niyang takot ako sa kanya, nagawa niyang mahinga soft sakin. Hindi ko maitago ang tuwa sa labi ko habang inaayusan ako ng mga pinsan din ni Boss Flame. Sila na ang nag ayos sa akin ngayon, “Yan ang ganda mo na lalong buntis!” Wika ni Ingrid sa akin na kina ngiti ko. Ang gagaling nila mag make up at mag ayos nag mukha na akong tao dahil sa ginawa nila. “Thank you so much..” pasasalamat ko at ginawa nilang naka taas ang buhok ko para hindi ako naiinitan mamaya sa seremonya. “Si Miss Flame?” Tanong ko dito. “Ayun lang, hindi pa daw nakaka uwi, hayaan mo ‘yun lagi lang wala agad pero darating siya..” naka ngiting wika ni Emerald at inayos nito ang buhok ko. “Sanay na talaga kayo sa kanya ano?” Tanong ko sa kanila. Nakangiting tumango silang dalawa bago sumagot si Emerald. “Yes, ganun kasi ang love language ni Flame, i mean hindi talaga siya nagsa
FLAME MORJANA LAVISTRE - DELA VEGA Hindi ko alam bakit kailangan ko sumama sa mismong simbahan dahil kailangan nila ito makita at makapag insayo si Ava na mag lakad. Sinuggest namin na huwag na ito mag heels para komportable siya na mag lakad, pumayag naman ito. Lahat sila naka tayo ako naman naka upo lang habang pinapanood itong mag lakad. “Hon, ano ba ‘yan tumayo ka..” suway ng asawa ko. Nilingon ko ito ng may pagka bored sa mukha ko na kina tawa nito. “You know, i hate this right? Saka bukas pa naman ang kasal i know how i can act..” sagot ko na kina iling nito. Hindi ko narinig itong sumagot hanggang salubungin ito si Earl at nag lakad patungo sa mismong altar. Matapos na nito nakinig sila sa sasabihin ni father at ng kinuha nilang organizer. Nakaupo lang ako sa huli ng upuan sa likod palabas ng pinto. Nakatingin ako sa labas actually, natatakot ako para bukas dahil alam ko na aatake si Dylan kaya kahit ayaw pumunta sa kasal wala akong choice i want to make sure na safe si Av
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA KINAUMAGAHAN NAGISING ako na masakit ang ulo ko. “Mabuti naman at nagising kana?” Narinig kong tanong ni Ate Sky. “Mga bata ate?” Tanong ko dito at dahan dahan akong bumangon. Imbes na sagot ang natanggap ko, isang malakas na kaltok ang ginawa nito. “Ano pumasok sa isip mo at nag lasing ka ha?!” Tanong nito. “A—aray! Ang sakit non!” Daig ko habang kina-Kinamot ko ang ulo ko, “Hindi ko intensyon na mag lasing! Ininom ko lang yung isang baso na ganito lang ang sinerve sakin!” Minustra ko pa sa kamay ko. “Malay ko ba na ang lakas nun maka lasing ng tao?!” Tanong ko dito. Pinang hilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko. “Hay naku, sinabihan mo pa ang asawa mo na hindi mo siya asawa? Hay naku Flamie!” Napanganga ako sa sinabi nito. “Sinabi ko ‘yun?! Asan asawa ko?!” Tanong ko dito. “Yan! Now you’re back to your senses! Nasa baba pinag lulutuan ka ng soup para sa hangover mo..” sagot nito at lumabas na ito ng aming kwarto. Nang mag s
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA MAAYOS NA NAMIN na-idaos ang bagong taon, dalawang linggo na ang lumipas nag back to normal na ulit ang lahat. Pero hindi ko pa pina-patanggal ang mga dekorasyon sa safe house. Ngayon naman ay nasa dating bahay ako namin dahil ako mismo ang nag check kung maayos ba nila nagagawa ang trabaho. Agad itong sinimulan ng tauhan ni Opal at ng mga pinsan ko, nag bagsak na ng mga gagamitin tulad sa safe house ang gawin dito gusto ko ito gawing matibay dahil para na rin sa mga taong titira mas lalo at dadami ang bata sa pamilya. “Miss Flame?” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Ava. “Just Flame don’t use Miss from now on.. and that’s the command..” utos ko dito at pinatigil ko ito dahil delikado para sa kanya ang maka lapit pa sa pwesto ko. “Nasabi sakin ni Earl kung pwede ba na mag tayo din kami ng bahay sa property mo. He feel safe kasi kung doon kami titira kesa sa bahay niya..” sagot nito at pagtatanong nito. “Okay wala sakin problema ‘yan
THUNDER LAVISTRE Napa buntong hininga ako at ang asawa naman ni Flame ay umiiling na lang, pinahatid ko na kay Storm at Damon ang mga pinamili sa grocery dahil pagkain ito at may mga karne pa. Pumasok kami sa isang parang maliit na mall, hindi ko sigurado kung ano ang tawag dito. 167 Cybermart ang pangalan nito. “Maganda ito oh? Gagawin natin floor mat para kapag nag play ang mga bata.” Wika ni Flame at nakita ko ang presyo nito. “Nasa 285 ang isang ito..” sagot ko at pinakita sa kapatid ko. “Kuya ka ng apat kuya Thunder..” nakangiting utos ng kapatid ko kaya kumuha ako ng gusto nito. Napa lingon ako kay Demitri na galing kung saan..“May second floor pa pala puro appliances ang nandun tingnan niyo..” wika nito kaya agad sumunod si Flame kaya sumunod din ako. Natawa na lang ako kay Blake napapagod na ang isang ito kaya napapakamot na lang ito ng ulo. “Ang dami ditong gamit sa bahay, Love may couch..” turo ni Flame at humawak na ito sa braso ng kanyang asawa. Lumayo naman ako s
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA DALAWANG ARAW NA LUMIPAS, NAKAUPO AKO SA HARAP ng lalaking nakabuntis kay Madrid. “Kilala mo ang babaeng ito?” Tanong ko at pinakita ko ang litrato ni Madrid. Nang makita nito ang mukha ni Hailey agad itong umiwas ng tingin. Saktong bumukas ang pinto at niluwa nito si Madrid kahit hirap pa ito nagawa nitong mag lakad patungo dito. “Siya ba?” Tanong ko kay Madrid. Tiningnan nito ang lalaki ng maigi. “Oo pero hindi ko kailangan ang lalaking ‘yan. Ang tangi ko lang na gusto ngayon at si Th——” pinutol ko ito at nag salita ako. “Kahit mas matanda ang kapatid ko sa akin, sa sitwasyon na ito ako ang mag dedesiyon. Hindi aakuin ni Thunder ang pinagbubuntis mo, kung patay na ang ama niyan papayag ako pero kung hindi? Hindi ako papayag..” paliwanag ko dito. Nilingon ko ang lalaki. “Ikaw, hindi naman put* si Madrid kaya hindi masasabi na sa ibang lalaki pa ‘yan kung bibilangin tutugma ito ng may nangyari sa inyo..” wika ko sa lalaki. “Ano?! Eh hindi ko n
THUNDER LAVISTRE Matapos ang bonding kahapon kasama namin si Seth ngayon hinatid ito kasama si Adele at ang baby nito sa bahay. Nandito din sila uncle at Don Santiago kasama nito ni Prince. Buhat ko si Seth na hawak nito ang regalo ko, “Kuya paki baba naman ang anak ko..” utos ni Flame kaya binaba ko ang bata. “Halika may isusuot si Mama sayo..” naka ngiting tawag nito sa kanyang anak. Nakita ko na sinuot nito ang isang necklase na chained na gold. “Kapag may ganyan ka meaning anak na kita okay? Mama mo na talaga ako..” narinig kong wika ni Flame na kina ngiti ng bata at yumakap pa ito ng mahigpit. Magsasalita pa lang ako ng may nag sigawan sa labas. Kaya agad akong napa tayo at lumabas ng gate. Nakita namin nag kaka gulo ang mga tao. “Anong meron kuya?” Tanong ni Storm at Flame. “Hindi ko alam eh..” sagot ko at nakita ko isang lalaking sugatan. “Ano po nangyari?!” Tanong ko sa kanila. “Natamaan ng ligaw na bala at yung isa paputok!” Sagot ng lalaki. “Kuya kunin mo na ang sas
STORM LAVISTRE PAG BALIK NAMIN SA SAFE HOUSE nakita ko ang pamilyar na sasakyan. “Kumalma ka Storm..” inakbayan ako ni Blake na kina lingon ko. “Bakit nandito siya?” Tanong ko dito. Bumuntong hininga ito at tumigil sa pag lakad. “Nakiusap ako kay Vlad na puntahan si Thunder para makapag usap ang mag kapatid. I know galit ka parin pero pwede ba ako na nakikiusap? Mag ayos muna kayo ngayon, kahit hanggang bagong taon lang? Para na lang sa mga bata at asawa ko?” Nakikiusap nitong paliwanag. “Storm, hindi ko sinasagasaan ang nararamdaman mo sana alam mo ‘yan pero hindi kaya na makita ang asawa ko na ang mga mata ay malungkot. Ang mga bata ay nag hahanap. Kaya please nakikiusap na ako..” pakiusap nito sa akin. Huminga ako ng malalim at tumango. “Okay gagawin ko, pasensya na..” pag hingi ko ng paumanhin at pag payag ko.. “Thank you.. tara na kakain na tayo..” aya nito at pumasok na kami sa loob. Nauna ito. “Tito Storm magbubukas na po kami ng gift?” Tanong sa akin ni Hermoine. Umili
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA BIGLAAN ANG GINAWA KONG PAG IWAS kay kuya Thunder. Pero nasasaktan din ako kaya ko nagawa ito, kailangan ko parin ba maging selfless kung nasasaktan na ako? Hindi ba pwede na kahit minsan unahin ko muna sarili kong pakiramdam? Umiling ako at huminga ako ng malalim. Nakatingin lang ako sa mga ilaw ng Christmas tree, nakabihis na ako dahil on the way kami ngayong gabi para mag simba at mamasyal mamaya. Hindi naman namin tatapusin ang misa ayaw din nila. Pinaandar ko ang wheelchair ko at lumabas na ako safe house. Deretso ako sa van at agad naman ako tinulungan ni Kuya Vlad at Earl na isakay sa loob. “Iwan niyo na lang kaya ako? Ayoko din naman mag simba..” wika ko, sa dami kong kasalanan bakit kailangan ko pa mag simba ano ito pakitang tao? “Flame mahirap maiwan kang mag isa dito..” wika ni Kuya Vlad. “Okay lang naman ako dito, mas komportable ako dito..” sagot ko dito. “Blake paano ito? Papaiwan na lang daw siya?.” tanong ni Earl sa asawa ko