FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA
“Mauna na kami, ihahatid ko muna ang mga bata.” Paalam ko, habang ang asawa ko ay buhat ang kambal. “Sige, dumeretso kayo mag asawa sa kumpanya may pag uusapan tayo..” bilin ni kuya Thunder habang inaayos nito ang kanyang gamit. Iisa pa rin ang garahe namin dahil ayaw naman nila na sirain ang bakod ng mansion. “Sige sunod kami..” sagot ko lang dito at humalik ako sa pisngi ng kuya ko. “Bye kiddo! Aral kayo mabuti at wag kayo makulit!” Bilin ni kuya sa mga bata. Agad agad bumaba ang kambal na kina ngiti ko, basta Tito ang usapan mabilis ang mga bata tumabi ako sa asawa ko at hinawakan ang braso nito. “Parang kailan lang ang liliit pa nila, pero tingnan mo ngayon? Unti unti na silang lumalaki..” natatawang wika ng asawa ko. Umiling na lang ako at pinagmasdan ang mga bata na isa isa humalik sa Tito Thunder nila. “Kailan kaya mag asawa si Kuya ano?” Tanong ko dito. “Kapag meron na siyang natitipuhan, Hon. Sigurado yan..” sagot ng asawa ko kaya natawa na lang ako. “Kids, tara na baka mahuli kayo sa klase..” tawag ko at binuksan ko ang pinto sa back seat. Kumaway ako sa kuya ko at pumasok na rin, “Oy sama ako!” Napa lingon ako kay Damon na tumatakbo. “Sa school kami!” Sagot ko dito. Tumango lang ito at pumasok na sa loob napa iling na lang ako sa kinikilos ng isang ito. “Sama ako hindi pwede na hindi ako kasama, oo nga pala Flamie? Paano yung dalawang dalaga? Kailan ba sila susunduin?” Tanong naman nito ng makapasok ako. “Hindi ko pa alam sa dalawang yun..” Sagot ko dito. Ang dalawang dalaga kasi ay nasa pamilya ni Winter kaya ganun na kang din ang sagot ko. Tumango naman ito at naramdaman ko na lang ang pag andar ng sasakyan hanggang makarating kami sa ibaba ng bundok. “Tita mommy,” tawag sa akin ni Helliot kaya naman nilingon ko ito. “What’s wrong?” Tanong ko dito. Umiling ito at ngumiti sa akin. “Tita mommy, yung iba po naming classmate may cellphone po sila bakit po kami wala?” Tanong nito kaya nilingon ko ang asawa ko. Nagulat naman ako ng sumagot si Damon, “Bawal kasi sa bata pa ang cellphone..” sagot ni Damon sa pamangkin niya. “I think Hon, it’s time na para pag isipan ang pagbibigay sa kanila ng cellphone. Mas lalo ngayon laging nasa delikadong sitwasyon tayo..” mahinahon na wika ng asawa ko. “Sang-ayon ako Flamie kay Blake..” pagsang ayon din ni Damon. Kaya nilingon ko ang mga bata na tahimik lang naman na naka upo. “Kung ganun kailangan ko kausapin si Ate, gusto ko sin mag deploy ng bodyguard ng mga bata okay na sa akin ang apat hindi pa kasama ang driver.” Sagot ko sa kanila. “Edi hiramin mo muna si Jimmy para maging driver ng mga bata. Si kuya Danny na sa dalawang dalaga.. o hiramin mo muna tauhan ni Ava..” sagot ng asawa ko. “Oo nga speaking of her? Kailan sila babalik? Tapos na ang 6 months training nila diba??” Tanong ni Damon sa akin. “Nakausap ko si Earl, humingi ito ng extension ng kahit 2 weeks pa dahil may mga bagay siyang kailangan idiscuss kay Ava..” sagot ko at umayos ako ng upo. Tumingin ako sa labas ng bintana. “Ganun pala..” narinig kong sagot ni Damon. Kapag nalaman ni Ava ang bagay na yun baka matakot na ito. Sa laban niya nitong huli lang halos hindi na niya kayanin mag isa lang, mabuti at naka suporta kami. Mabuti at sinabi ni kuya Thunder at Vlad na huwag ko na muna iwan si Ava sa laban niya, mas lalo ng opisyal ko na silang kunin bilang tauhan ko. Mawawalan ng kasama si Ava sa laban niya. Tama sila mabuti at nakinig ako, hindi ko siya pwede pabayaan. Ngunit kaya niya ba tanggapin na ang inaakala niyang tapos na ay hindi pa pala? Pero ako na this time ang mag de-desisyon ng magiging katapusan niya. Napa-hinga ako ng malalim at umiling na lang ako para mawala lahat ng iniisip ko. HINDI NAG TAGAL NAKARATING NA KAMI sa School ng mga bata. Nauna akong bumaba at doon ko nakita na ang mga magulang na nakatingin sa akin. Tingin sa akin na nang huhusga. Hindi naman sikreto ang buhay ko o sino ako. Kung papaliin ako kung ano ba dapat kong gawin? Mas pipiliin ko na mag aral ang mga bata sa bahay. Pero hindi ko pwede gawin yun dahil bata sila marami silang bagay na pwede ma missed out kapag sinunod ko ang kagustuhan ko. Ayoko maging makasarili ng dahil lang sa estado ko ngayon. “Kids tara na..” utos ko sa kanila ang asawa ko naman ang bumuhat ng bag ng tatlo naming anak. Ako naman sa bag ni Knives at Hermione, si Damon naman tatlong boys. “Una na tayo bilis!” Nag takbuhan naman ang mga bata na kina iling ko. “Susundan ko sila..” bulong ng asawa ko kaya tumango ako at nginitian ito ng tipid. Hindi ako ngumi-ngiti kapag nasa public ako tulad ng dati hindi ako halos nag sasalita tulad ng dati. Pero kapag kasama ko sila at nasa bahay lang kami o isang lugar lang kami. Malaya akong gawin yun, dahil gusto ko kahit papaano nagagawa ko ang normal na ginagawa ng ibang tao. Ako parin si Flame na kilala ng lahat, gusto ko lang baguhin ng kaunti dahil may anak na ako na laging nag papangiti sa akin at sa aming lahat. Yun ang napagtanto ko sa maraming taon na hindi ako pwede manatili sa dating ako mas lalo na may pamilya ako. Okay lang naman sa asawa ko na maging cold ako sa kanya sa public huwag lang kamag magkasama kami. Siya pa mismo ang nagsabi sa akin na kung ano ako nakilala ng lahat, yun parin ako dapat, ayos lang sa kanya at naiintindihan niya ngunit huwag ko gawin sa mga anak namin. Nagpapasalamat ako na may asawa ako na katulad niya. Actually sinabi ko sa kanya na confused ako sa magiging reaction at gagawin ko. Hanggang ito na ang nagsalita na pinakinggan ko, hiningi ko din ang opinyon ng lahat na sinang ayunan nila. That’s why huwag na kayo mag taka kung malamig ako makitungo sa asawa ko kapag nasa public places kami. “Siya yung mamatay tao diba? Susmaryosep hindi pala ligtas ang mga anak natin dito? Dahil may mga mmatay tao pati yung anak niya andito pa..” narinig kong bulong ng isang nanay. “Flame wag kana pumalag..” bulong ni Damon sa akin at hinawakan nito ang braso ko. “Huwag na palalain mo ang sitwasyon..” hinila na ako nito kaya nag padala na lang ako. “Isa pa..” bulong ko lang at namulsa ako habang buhat ang bag ni Knives at Hermione.. Umiling na lang si Damon at nag lakad na paakyat ng hagdan. Grade 1 ang kambal habang si Cloud ay nasa grade 4 na ganun din ang mga anak ni Ate Sky. Si Knives naman ay nasa kinder pa lang.. “Ako na naghahatid kay Cloud, Knives at kay Kwatro..” wika ko at kinuha ko ang bag ni Cloud kay Damon. “Okay kita na tayo sa parking..” sagot nito kaya tumango ako at hinawakan ko ang kamay ng anak kong panganay at si Knives. “Tita Ninang si Mommy Wendy po mag sundo sakin?” Tanong ni Knives sa akin. “Hindi Knives, pero may ibang susundo sa inyo diba kilala mo si Kuya Jimmy diba? Siya ang magsusundo sa inyo lagi at maghahatid sa school kaya huwag niyo kakalimutan ang bilin ko okay?” Pagkausap ko sa kanila. “Opo!” Sagot ng tatlong batang kasama ko, hawak ng panganay ko si Knives si Kwatro naman ay nasa isang kamay ko din upang hindi mahiwalay si Knives. Nakita ako ang asawa ko na hinatid na ang kambal sa mga room nito, sa ngayon mag kasama muna sila sa Klase pero pag tung-tong ng grade 2 hindi na namin ito ipag sasama. Ang mga quadruplets ay magkakahiwalay na sila ng klase dahil may competition sa kanila. Mabuti sana kung hindi matatalino, sa bawat klase nila lagi silang apat ang nangunguna kaya nag desisyon kami na pag hiwa-hiwalayin ang mga quadruplets ng ate Sky ko. Nang makatapat kami sa classroom ni Cloud. “Kuya Cloud? Ang bilin ni Mama at daddy ha? Don’t hit them okay?” Bilin ko sa anak ko tiningnan ko ito diretso sa mata. Sumilip ito sa loob at walang nagawa kundi tumango, alam ko naman na binubully sila dito dahil sa akin at sa amin nila kuya. Ayoko lang hanggang dito kikilos ako sa maruming paraan, “Opo mama,” ngumuso ito at nag umpisa ng umiyak. “Sussh..” pag papatahan ko dito at niyakap ko ito napa buntong hininga ako. Bago pa ako makapag salita nakatanggap ako ng tawag galing kay Damon. “Early morning we have big problems..” bungad nito ng sagutin ko ang tawag nito. “What?” Tanong ko at tumayo na ako, nakita ko ang asawa ko na pababa kasama ang mga anak namin. “Oh well ayaw tanggapin ng teacher ang mga bata, dahil sa alam mo na yun..” sagot nito. “Kunin niyo ang mga bata at umalis na kayo, ako na ang bahala dito..” seryosong utos ko. Binaba ko ang tawag at sinalubong ko ang asawa ko at binigay ko ang bag dito. “Love, mauna na kayo mag commute na lang ako diretso ako sa underground. I will fix this muna, ingat kayo..” salubong ko dito at humalik ako sa pisngi ng asawa ko. “Okay sige, wait mo lang tatawagan ko si Jean para ipadala ang motor mo don’t use on a public transpo.. let’s go kids bukas kayo papasok..” utos ng asawa ko. Tumango lang ako at hinintay silang maka alis, naka tayo lang ako sa labas ng grade 4 building nang mawala na sila sa paningin ko, napa buntong hininga ako at nag tungo ako sa Dean office. Kahit anong gawin nila ako pa rin ang may ari ng paaralan na ito, wala akong pakialam kung magiging bias ako ngayon. Kung sa kapakanan ng mga bata sa mansion gagawin ko ito. NANG MAKARATING AKO sa Dean at ang nagsisilbing faculty. Dere-deretso ako pumasok sa loob ng opisina. Nakita ko ang bagong nakaupong lalaking Dean. Naka upo sa hita nito ang babaeng muse ng senior high school. Nilock ko ang pinto upang hindi sila maka alis, “Kamusta naman ang pag paparaos dito?” Tanong ko at dumereto ako sa bintana at tinaas ko ang blinds. Kitang kita silang parehong walang saplot, “Ibaba mo yan!” Uto ng Dean sa akin. Tiningnan ko ang pangalan nito, “Ramil? Ang baho naman ang apelyido mo..” panlalait ko at dinampot ko ang lampshade sa gilid. Habang estudyante naman ay hiyang hiyang naka siksik sa gilid. “May relasyon kayo o parausan ka lang? Yan ba ang ganti mo sa binabayad ng magulang mo na tuition dito?” Tanong ko sa batang babae. “Huwag mo siya pakialamanan at wala kang pakialam sa gusto kong gawin! Sino kaba at bigla bigla kang puma-pasok dito?!” Tanong nito. Binato ko ang lampshade sa gilid nito na kina iwas nito. Tinutok ko ang baril ko sa mukha nito. “Flame Lavistre, the owner of this whole international school..” malamig kong pagpapakilala. Nanlaki ang mata nito kahit ang dalaga ay naka singhap ng hangin. “Ngayon umayos ka kung ayaw mo tapusin kita, ipatawag mo ang lahat ng teacher dito ngayon din!” Utos ko dito. Agad agad itong kumilos at kinuha ang telepono nito. “Ikaw? Anong plano mo? Mag aral o maging puta ka na lang nito habang buhay?” Malamig kong tanong sa babae. “Kung ayaw mo na mag aral mag sabi ka sa magulang mo! Kung gusto mo maging puta, pwede ka sa tauhan ko itatapon kita sa kanila..” bastos at walang preno kong sagot dito. “Nag aaksaya ka ng pera para ano? Maging puta nitong Dean na ito? Ikaw? Gusto mo mawalan ng trabaho wala akong pakialam sa degree na meron ka pag sinira ko buhay mo walang magagawa ‘yang degree mo..” malamig kong wika at diin ko din dito sa magiging kahihinatnan nito. “Pa-papunta na sila..” napa baling ako sa Dean ng mag salita ito. “Ikaw ayusin mo sarili mo at subukan mo pa ulitin ito? Isasama kita sa listahan ng taong wawasakin ko. Get out!” Sigaw ko sa babae at dali dali itong umalis matapos mag bihis. NAKAUPO LANG AKO habang nakatitig ako sa mga gurong nasa harapan ko at sa Dean na nakaupo sa pang isahang upuan. Ako ang umupo sa mesa ng Dean, “Bakit niyo tinanggihan ang mga pamangkin ko sa klase niyo? Sino nagturo sa inyo na gawin niyo yan?” Tanong ko sa kanila. “Hindi kami pwede mag papasok ng anak ng isang kriminal mas lalo kung mafia, utos ng dean sa amin ito.” Wika ng isang guro. Wala na akong pakialam kung anong pangalan nito. “Ganun pala, kung sabihin ko na ako ang may ari nito hindi parin sila pwede?” Tanong ko sa kanila na kina laki ng mata nila. Tumayo na ako at inayos ko ang damit ko. “Ayusin nyo ang rules niyo, kung ayaw nyong mawalan ng trabaho..” pag pa-paalala ko. Wala akong gagawin sa kanila ito lang ang gusto ko gawin. Ang ipapaalala at ilagay sila sa tamang pwesto nila. Nag lakad na ako hanggang marinig ko silang humingi ng tawad. Nagkibit balikat ako at nag lakad na hanggang maka baba ako. Pagdating ko sa corridor dito palabas ng building na ito narinig kong nag salita ang isang babae na mukhang mayaman base sa suot nito. “Yung mga anak natin makakasama ang mga anak ng kriminal ng bansa, marami silang pinatay kahit alagad ng batas kahit ang dating pangulo..” wika nito kaya naman tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito. “Alam mo ba na matagal na akong uhaw sa dugo ng tao? Ang kamay ko kating kating humugot ng dila at lalamunan ng tao? Gusto mo ba gawin ko sayo ng habang buhay ka ng hindi makapag salita pa?” Malamig kong tanong dito. Nag lakad ako palapit dito habang ito at ang mga kasama nitong tatlong nanay ay umaatras ng hakbang. “Sa oras na malaman ko na binully ng anak niyo o kayo mismo ang gagawa sa mga bata sa pamilya ko..” putol ko. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa pabalik sa ulo nito. “Kayo naman makakatanggap ng bully mula sa akin. Hinding hindi kayo makaka ahon sa gagawin ko..” banta ko dito. “Leave my children’s and my nephew alone, hayaan niyo sila maging bata din minsan. Masaktan lang sila at mag sumbong sakin, babalikan ko lahat ng magiging dahilan ng pag patak ng luha nila..” huling wika ko at nag lakad na ako palabas ng gate. Nakita ko si Jean nasa baba na ang motor ko, mukhang ito ang nag hatid at sinakay lang nito sa kanyang pick-up. Hinagis nito sa akin ang susi ng motor ko. Habang ang helmet ko nasa kotor ko na. “Oy huwag ka mang away kapwa mo magulang..” paalala nito. Umirap ako at nag suot ng helmet. “Kaya ko naman gawin yan, huwag lang nila pakialamanan ang mga bata..” sagot ko. Nakita ko itong tumawa at sumakay na sa kanyang sasakyan ako naman sa motor ko. Mag kasunuran lang kami umalis. Ako ay dederetso na sa UG at ito sa kanyang shop na. - I’m not fighting because I want to win, I’m fighting because I have to win..THUNDER LAVISTRE “Hindi mo kasama si Flame, bayaw?” Tanong ni Storm kay Blake. Nilingon ko ang dalawang ito saglit bago ko pinanood muli ang kilos bagong kaaway namin, nakita ko ang mga tauhan nito. “Ako lang ba o pamilyar ang kilos nila?” Tanong ko sa kanila na kina tahimik naman ng dalawa. “Totoo?” Tanong ni Storm sa akin tumabi sa akin ito. Bago pa ako makasagot napa lingon ako ng may motor na pumasok, alam ko ang nakaka batang kapatid ko ang ingay na yan. Hinintay ko ito maka baba ng motor nito hanggang mag lakad na ito. “Akala ko ako lang nakakapansin, kamukha ng kilos nila ang pagkilos ng Señora Vipers..” wika ni Flame nagawa nitong lagpasan ang asawa niya. Hindi na ito bago sa amin dahil ito ang gusto niya upang hindi mahaluan ng kahit ano ang trabaho nito. She’s the boss and we need to agree to whatever she says, infact tama naman ito. “Paano mangyayari yun kung patay na ang huling pinuno? Pinatay na ito si Ava diba?” Tanong ni Azi, nakita ko ang kapatid ko na na
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Napa tampal ako ng noo ng malaman ko mula kay Tita Danica ang dahilan bakit pinalayas si Damon sa kanila. “Pasensya kana Flame ha? Naku dyan pa talaga nag tungo ang bata na ‘yan..” wika ni tita habang kausap ko ito sa tawag. “Okay lang tita, wala naman problema doon..” maikli at malamig kong sagot. “Anyway anak, pwede ba namin madalaw ang mga bata?” Tanong nito kaya naman napa lingon ako sa mag aama ko. “Kakausapin ko po muna ang asawa ko..” sagot ko dahil hindi pa alam ng asawa ko. “Honey? Tungkol ba yan sa pag punta sa kanila ng mga bata?” Tanong ng asawa ko kaya tumango ako ng hindi nililingon ito. “Payag ako, andun naman si Jimmy kasama ng mga bata..” nilingon ko ito habang naka ngiti pa ito. Ngumiti lang din ako at nag salita na rin. “Salamat Love, sige po Tita papuntahin na lang namin dyan pumayag po si Blake..” pag payag ko. Narinig ko pa ang sinabi nito kay Tito Dethroide. “Hay naku, nakaka excite naman sige bibili kami ngayon
A/N: Ang season 1 to 3 po nito ay nasa Dreame o Yugto po hindi kasi pwede ilagay dito dahil exclusive po yun. Pwede niyo po muna basahin yun bago ito pwede din mauna ito saka niyo basahin ang season 4. Dahil may mga part po kasi na connected sa ibang season kaya need po muna mabasa kahit 50% ng mga past season.. Salamat po..-Continuation - FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Nang maisip ko na ang pwede kong gawin, ngunit hindi papayag si Damon matagal niyang pinag ipunan ang pagpapagawa dito. Ngunit kapag hindi ko pinigilan ito makukulong si Damon. Humarap ako at nag salita ako. “Gibain natin ang bar ni Damon!” Utos ko na kina singhap nila. Bago sila maka pag salita. “Mika kailangan ko ng report ng bar ni Damon!” Utos ko dito. “Ano pong klaseng report?” Tanong nito. “Ang mga pumapasok dito bilisan mo..” utos ko dito. “Flame! Bakit naman ganun ang gagawin mo?!” Tanong ni Damon sakin. Hinarap ko ito na kina atras nito. “Ilang beses ka ba naging patay malisya?! Ala
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Salamat Mr. Ferguson..” pasasalamat ko at binaba ko na ang tawag ko. Pumasok ako muli sa loob at nakita ko ang mga bata na pinaglalaruan ang magazine ni Francine. “Kids, mapunit yan kailangan pa yan ng Tita Francine niyo..” mahinahon kong paalala sa mga ito. “Opo..” sabay sabay na sagot ng mga ito sa akin. Tinawagan ko si Mr. Ferguson upang itanong kung pwede ba ang mga bata sa party nito dahil kung hindi, hindi ako sasama sila kuya na lang ang pupunta upang may bantay ang mga bata. Hindi ko gusto ipagkatiwala ang mga bata sa mga yaya nito dahil malilikot ang mga ito. “Kamusta Hon? Pwede ba sila isama?” Tanong ng asawa ko. Lumapit ako dito at inayos ko ang suot nitong kurbata. “Oo pwede sila sumama, hindi naman late ang tapos ng party kaya pwede sila..” sagot ko sa asawa ko at tiningnan ko ito gamit ang whole body mirror. “Bagay sayo ang kulay..” papuri ko at nginitian ko ang asawa ko. “Thank you, Honey. Mamili kana rin para maka
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Matapos ko ilapag ang niluto kong adobong baboy na gusto ni Mommy Aaliyah nag paalam muna ako na tutungo sa likod. “Tawagin ko lang po sila kuya..” paalam ko at nag lakad na ako palabas sa likod. Nakita ko bukas pa ang ilaw ng bahay nila doon kaya alam ko gising pa sila. “Kuya Thunder, kuya Storm! Punta kayo dito kain tayo may adobo sa bahay..” tawag ko habang nakatayo ako sa maliit na gate. Nakita kong lumabas si kuya Thunder. “Kakain lang namin, salamat..” sagot ni kuya Thunder kaya napa buntong hininga na lang ako at umiling. “Lagi na lang..” bulong ko. “Okay.. mag tira na lang kami incase na gusto niyo..” sagot ko at tumalikod na ako saka nag lakad pabalik. Simula ng bumukod sila hindi na sila sumasabay sa amin kumain, hindi tulad noon. BLAKE SHIN DELA VEGA NAKITA ko ang asawa ko na bagsak ang balikat nito ng pumasok ng bahay. Mukhang hindi na naman sasabay ang mag kapatid sa amin. “Hindi daw sila sasabay?” Tanong ko sa asawa ko
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Mauna na kayo Love, hindi tayo pwede mag sabay-sabay mas lalo at may nagbabantay sa atin..” utos ko sa asawa ko. Hindi pa ako naka bihis pero naka ayos na ang mukha ko. Tinuruan na rin ako nila Ingrid at Emerald paano mag ayos o mag makeup sa sarili. Kahit napaka hirap nito gawin para sa isang tulad ko. “Okay naiintindihan ko.” Sagot ng asawa ko at nilapitan ako nito. Humalik ito ito sa labi ko at nginitian ako. “Mag ingat kayo, kuya convoy na kayo sa kanila kaya ko mag isa..” inayos ko ang suit ng asawa ko. Hindi ito nag suot ng tie dahil hindi daw siya komportable mabuti at bagay naman sa kanya. “Okay let’s go kids, sa akin na ang kambal niyo para magkahiwalay sila sa daddy nila. Incase na ambushin tayo. Damon, Ezekiel at Storm kunin niyo ang ibang bata hatiin sila..” utos ni Kuya Thunder. Nilingon ko ang asawa ko. “Okay lang ba sayo na hindi mo kasama ang mga anak natin?” Tanong ko sa asawa ko. Tumango naman ito. “Oo para hindi kami tamb
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Nakalabas na ang mga bata kasama ang asawa mo at si Jimmy.. naka convoy sa kanila ang iba nating tauhan..” narinig kong wika ni Kuya Thunder. Hindi ako sumagot at inayos ko ang make up ko at buhok ko. Umatras ako at tinaas ko ang paa ko sa cubicle inangat ko ang dulo ng suot kong dress at kinuha ko ang baril ko. Nilagyan ko ito ng bala at ang inayos ko ang mga dagger ko just incase na kailanganin ko. “Kuya siguraduhin niyo na protektado ang mga tao sa event na ito. Mas lalo si Mr. Ferguson, pakisabihan na ito huli akong lalabas..” pakiusap ko sa kuya ko. “Kasama ko na siya nasabi ko na rin pero wala pang umaatake..” sagot nito. Inayos ko ang dress ko at hinawi ko ang buhok ko patungo sa likod ko. “Hindi sila aatake agad, aatake sila sa oras na maka labas tayo.. pero hindi tayo pwede maging kampante..” sagot ko at lumabas na ako ng restroom ng mga babae. Napansin ko na wala ang lalaki, ngunit ramdam ko na nandito siya naka bantay sa kilos
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA BUMABA AKO ng sasakyan ko ng makarating ako sa mansion. Pag hakbang ko pa lang ng hagdan mula sa front door, napansin ko na ang likido sa tiles yumuko ako at pinahid ito gamit ang daliri ko. Napansin ko na bago ito at dahil malapot din ito ibig sabihin ay bago pa, ang inamoy ko ito doon ko napansin na dugo ito ng isang tao. Saktong bumukas ang pinto at sumambulat sa akin ang liwanag mula sa loob ng mansion. “Mabuti naman naka balik ka na? Ang dali na—” hindi na nito natuloy ang sasabihin niya ng sinalubong ko ng malakas na upper cut ito na kina bulagta nito sa sahig. Nag lakad na ako papasok nakita ko na hawak nila ang anak ko ang panganay ko at ang kambal. Ang asawa ko naman ay naka tali ng tingin ko ay lubid. “Sino kayo para pumasok dito?” Malamig kong tanong. “Bakit ikaw lang ba ang may karapatan pumasok sa ibang bahay at pumatay?” Tanong ng isang babae habang pababa ito sa hagdan. Hindi ko kilala ang isang ito. “Hindi ba at pinasok mo di
ACE LUTHER BLACK NANG MAKARATING kami sa Enrique Medical Hospital agad nila inasikaso si Flame. “How many gunshots?” Tanong ni Doc Rivers. “I don’t f-cking know! Nagulat na lang kami may tama na pala siya! Kaya please..” pikon kong sagot. Agad akong inawat ni Blake. “Okay okay, pero gusto ko malaman ang pangalan at edad niya muna..” sagot nito kaya tinapunan ko ito ng masamang tingin. “Make sure, na ililigtas niyo siya? Flame Lavistre, Married, 26 years old..” sagot na lang ni Blake dito bago pa ako maka pag mura sa isang ito dahil ang daming tanong. “Thank you, we will everything we can..” sagot nito at tumakbo na ito papasok sa O.R. Umupo naman ako at kinuha ko ang cellphone ko. “Mika, alisin ko na ang proteksyon ng safe house..” utos ko dito ng sagutin ang tawag ko nito. Binabaan ko na ito agad dahil nakita ko na tumatakbo ang tatlo. Sa likod ng mga ito si Violet. Sa hindi inaasahang pagkakataon nakita kong nadapa si Damon na kina tawa ng dalawa. Umiling na lang ako, dahil
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Makinig kayo, Damon, Ken at Lance..” tawag ko sa tauhan ko. “Simula ngayon tayo lang apat ang lalaban, isa lang ang gusto ko gawin niyo, huwag niyong hahayaan na mamatay kayong lahat. Dahil hinding-hindi ko kayo mapapatawad..” utos ko habang hawak ko ang dalawang baril ko. “Oo naman saka, wala akong planong mamatay ano.” Mapaglarong sagot ni Damon sa akin. “Boss Flame! Patay na po ang magulang ni Celso Vendera! Pwede na po kayo kumilos.” Wika ni Mika na kina ngisi ko. Lumingon ako sa mga nasa harapan ko at nag salita. “Ito lang ang rason bakit ko pinasasabog ang mga kulungan. Dahil ‘yun sa mga tauhan ni Celso Vendera, halos lahat ng napatay at nahuli niyo gamit ang info na binibigay ng grupo ko ay mga tauhan niya.” Paliwanag ko. Narinig ko ang dating ng helicopter. “Lance! Pasabugin mo ang parating na ‘yan..” mahinang bulong ko. “Areglado boss..” sagot nito. “Hindi ‘yan totoo! Biktima ang pamily——” hindi ko pinatapos ito ng barilin ko ang b
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Lavistre, oras na..” wika ng babaeng pulis ng buksan ang selda ko, tumayo ako kung ano ang suot ko ng kunin nila ako yun din ang suot ko ngayon. Inshort naka pambahay lang talaga ako. Nilagyan nila ako ng posas ang mga kamay ko sa harapan ko. “Hindi pa ba aalisin ang collar ng taong ito?” Tanong ng isang pulis na babaeng naka hawak kaliwa kong braso. “Hindi daw hanggat hindi siya naililipat..” sagot ng isa. Binaliwala ko ang dalawa at tiningnan ko ang oras sa taas. 15 minutes before 7pm.. Nag lakad ako hanggang makalabas ako ng kulungan nakita ko ang media sa labas pero pinayuko nila ako hanggang makapasok ako sa loob ng isang normal na pulis car. Kung tungkol naman sa ginawa ng tauhan ko tungkol kay Vendera, wala akong alam dahil lost connection ang earpiece ko. Hindi nag bukas ng tv kaya wala akong idea. Bago ako makapasok may humablot sa akin at sinuntok ako ng malakas at kinuwelyuhan. “Hay*p ka anong ginawa ng pamilya ko at kailangan mo
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA NAIKUYOM KO ANG KAMAO KO ng malaman ko na hindi plano tumulong ng mga kapatid ko. Napa buntong hininga ako at bumulong.. “Hindi mo kailangan silang pilitin..” bulong ko. “Ngunit hanggang kailan ka magiging mabait sa kanila Flame? Alam mo na bago ka pa naging mafia boss sila na ang nauna sa mga gawaing ito..” tanong ni Louross sa akin. “Natatakot ka lang na maging katulad ng Lolo mo, hindi ka naman magiging katulad niya kung magiging totoo ka lang..” wika ni Louross muli. Aminin ko man o hindi tama ang sinabi ni Louross. “Natatakot ka ba na bigla silang maging rebelde at mag amok ng away dahil sa mga differences niyo at paniniwala?” Tanong nito muli sa akin. Weird man pero naririnig ko si Louross pero hindi siya naririnig ng iba. “Siguro..” sagot ko lang at sumagot ito. “Then kapag natapos ang laban na ito, maging vocal kana kailangan mo na sila sabihan na hindi lagi sayo iikot ang bawat mabigat na laban..” wika ni Louross. He’s probably rig
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Nakatitig lang ako sa mukha ni Vendera habang ito naman ay galit na galit. Sa unang pagkakataon simula ng ipasok nila ako dito, inalis nila ang choker sa leeg ko ngunit ang kamay ko ay naka balot ng makapal na tela payakap sa katawan ko. Naka tali din ang mga kamay ko sa loob nitong suot ko, naka upo ako at naka taas ang mga paa ko. “Ikaw ang pinaka walang hiya sa lahat ng mamatay tao!” Gigil nitong wika na kina ngiti ko. “Tingin mo ba may pakialam ako sa sinasabi mo ngayon? Alam mo payo lang..” sagot ko dito. Ngumisi ako. “Ilaan mo na ang natitira mong oras sa pamilya mo alam mo ba kung bakit? Dahil sa oras na maka labas ako dito katapusan na ng kalayaan mo..” wika ko dito habang naka ngiti lang ako. “Hay*p ka anong plano mo?!” Galit na tanong nito, malakas pa nitong hinampas ang mesa sa harapan namin. Ngumisi lang ako at hindi umimik.. “Oo nga pala, imbes na ilaan niyo ang oras niyo sakin? Kung ako sa inyo hanapin niyo na ang bomba na pinata
FLAME MORJINA LAVISTRE - DELA VEGA Nang putulin ko ang linya ng kuryente narinig ko ang sigawan. Agad akong kumilos, tumakbo ako kahit napaka dilim at nilabas ko ang dagger ko hindi ako gagamit ng baril ngayon. Mabilis at tahimik kong sinaksak ang leeg ng isa sa kanila. Hindi nila alam kung sino ang umaatake o ano ang nangyayari ngayon. Kailangan ko bilisan. “Putang*na ngayon pa nawalan ng ilaw!” Wika ng pamilyar na boses sa akin. Agad kong tinungo kung nasaan ito, nang matakpan ko ang bibig nito ay agad akong bumulong. “Tama lang ang ginawa mong tumakas, dahil pag katataon ko na patayin ka at ang mga kasama mo..” bulong ko at ginilitan ako ang leeg nito. Narinig ko pa ang sirit ng dugo nito agad kong binitawan ito. “Ano gagawin natin babalik ba tayo sa kulungan?” Narinig kong tanong ng isa. Agad kumislap ang boltahe ng kuryente sa hawak kong whip chain. “Sino ka?!” Tanong ng isa halagang kinakabahan ito. “Flame Morjiana Diana Lavistre - Dela Vega..” pakilala ko, “Nalintikan na
VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE “Mabuti at napigilan ni Brent ang pagsabog..” nakahinga ako ng maluwag dahil sinabi ni Brent na napigilan nila ni Ken ang bomba na sumabog. Hindi namin pwede basta basta mailalabas ang mga pasyente dahil na rin sa critical ang ibang pasyente. “Sa ngayon kailangan mo bantayan maigi si Hailey at ang kapatid nito, ikaw ang responsibilidad sa mag kapatid..” umayos ako ng tayo at kinausap ko si Thunder. Tumango ito habang naka yakap sa kanyang kasintahan. “Ang importante ngayon ligtas na kayo.” Wika ko at nag lakad na ako ng mag tanong si Hailey. “Si Flame anong balita sa kanya?” Tanong nito. Hindi ako lumingon ngunit sumagot naman ako. “Kung ano napanood niyo..” sagot ko na lang at dumeretso na ako sa sasakyan ko upang umuwi na. KINAUMAGAHAN NAGULAT kami magkapatid na nag flash sa tv ang nangyari sa bilibid nagkaroon ng malawakan na food poisoning. Nandito kami ngayon sa bahay ni Flame. “Titoooo Vlaaaad! Buhat mo ako..” agad ko na hinawakan ang short ko n
THIRD PERSON POV Nanginginig sa takot ang ibang inmate sa loob ng malaman nila ang sinabi ng lalaking inmate din. Na plano ng babaeng mafia na nakakulong sa isang selda. “Dapat maka takas tayo mamayang gabi..” wika ng isang inmate. Lahat sila ay nasa labas upang gawin ang kanilang aktibidad. Ngunit tanging bukod tangi lang na si Flame ang hindi nila kasama dahil iniiwasan ng ibang police na makalaya ang dalawa nitong kamay dahil sigurado na tatakas ito. Hindi kayang baliwalain ng mga police ang kakayahan ng batang mafia. Dahil dito walang nagawa si Flame kundi umupo sa isang hagdan na yari sa nangangalawang ng bakal. Pinapanood nito ang mga kapwa niya naka kulong na nagtatanim ng gulay sa bakuran ng City Jail. SA KABILANG BANDA nakatanggap ng tawag si Thunder mula kay Drake na pinos-pone ang pag lipat kay Flame kaya mananatili muna itong nakakulong kung saan ito inilagay ngayon. Dahil doon hindi maiwasan hindi mainip ni Thunder sa mga nangyayari walang kakayahan si Flame ngayon n
BLAKE SHIN DELA VEGA PUMASOK AKO SA UNDERGROUND ng maka tanggap ako ng tawag mula sa asawa ko. Pinatawag ko silang lahat, “Blake para saan ito? At bakit mo iniwan ang mga anak mo?” Salubong sa akin ni Vlad. “Babalik din ako pero kailangan ko sabihan kayo ng personal. Tumawag ang asawa ko, dadalhin daw siya sa istasyon ng pulis, para ikulong sa maximum..” pamamalita ko na kina tayo ni Earl agad “Anong sabi mo?! Hindi ito pwede maraming madadamay sa loob!” Sagot ni Earl sa akin. Tumango ako bilang sang-ayon. “Plano ng asawa ko na palabasin si Vedera at kagatin ang patibong sa kanya! Ano gagawin natin?” Tanong ko dito. “No stay out of here, malilintikan kami kay Flame kapag may nangyari sayo..” nagulat pa ako ng hawakan ako ni Thunder sa balikat. “Per——” hindi ko natapos ang sasabihin ko na biglang yumanig ang buong underground at gumalaw ang mga gamit namin. “Woah!” Gulat na wika ni Damon. “Boss may pag yanig sa tubig! Abot po tayo pero tingnan niyo po ang balita!” Wika ni Mika