THUNDER LAVISTRE
“Hindi mo kasama si Flame, bayaw?” Tanong ni Storm kay Blake. Nilingon ko ang dalawang ito saglit bago ko pinanood muli ang kilos bagong kaaway namin, nakita ko ang mga tauhan nito. “Ako lang ba o pamilyar ang kilos nila?” Tanong ko sa kanila na kina tahimik naman ng dalawa. “Totoo?” Tanong ni Storm sa akin tumabi sa akin ito. Bago pa ako makasagot napa lingon ako ng may motor na pumasok, alam ko ang nakaka batang kapatid ko ang ingay na yan. Hinintay ko ito maka baba ng motor nito hanggang mag lakad na ito. “Akala ko ako lang nakakapansin, kamukha ng kilos nila ang pagkilos ng Señora Vipers..” wika ni Flame nagawa nitong lagpasan ang asawa niya. Hindi na ito bago sa amin dahil ito ang gusto niya upang hindi mahaluan ng kahit ano ang trabaho nito. She’s the boss and we need to agree to whatever she says, infact tama naman ito. “Paano mangyayari yun kung patay na ang huling pinuno? Pinatay na ito si Ava diba?” Tanong ni Azi, nakita ko ang kapatid ko na nakatingin pa rin sa pinapanood ko. “Gumawa ka ng paraan Mika, para maka kuha ka ng information tungkol sa grupo na ito. Ang boss nila gusto ko din malaman..” utos ng nakaka bata kong kapatid. Nakita kong naikuyom nito ang kamao niya kaya naman napa tingin ako sa screen. “Kung ganun sino ang nagpapagalaw sa kanila?” Tanong ko naman. “Hindi kaya si Britney Madden? Yung anak ni Elrod?” Tanong ni Damon sa amin. Nilingon ko si Flame ganun parin ito naka tingin pa rin ito sa screen, hanggang mag salita ito. “Hintayin na lang natin na sila ang lumapit sa atin. Tawagan niyo si Earl madaliin ang training ng tauhan ni Ava at si Ava mismo tapusin na ang pag sasanay nito upang bumalik na sila..” utos nito at umalis na ito. “Kahit kailan talaga ang hirap niya basahin..” bulong ni Storm. “Hindi mahirap basahin ang asawa ko, sigurado ako na iniisip niya ang posibilidad na si Britney ang may pakana ng pag kilos nito. Ang hindi ko lang maintindihan diba dapat kumilos na ito para tapusin ang kalaban?” Tanong at paliwanag ni Blake. Napa lingon ako dito. “Ibig sabihin lang nun kaya hindi siya kumukilos pa o nag uutos pa. Kung totoo na sila yan ang dating Señora Vipers, sila mismo ang lalapit. Malaki ang kargadong galit nila kay Flame dahil sa pangingialam nito sa huling laban, nangialam si Flame sa laban ni Ava hindi ito bago sa kanya tutulong siya kung kailangan..” napa lingon kami sa nag salitang si Vlad kararating lang nito. “Tama, ang kailangan lang natin gawin ay mag handa. Ang mga bata kailangan ligtas sila at marami silang kasama.” Pag sang ayon ko. Tumango si Vlad at nag salita muli ito. “Hindi naman ito ang unang beses na sumali si Flame sa gulo ng iba. Natatandaan niyo ba ang nangyaring labanan ng isang secret agent sa dati nitong asawa?” Tanong ni Vlad sa amin. Tumango lang ako at ang iba din. Tama siya hindi naman ito bago sa amin ang ayaw lang namin ay nagiging continuation ang laban at kaaway. Napa buntong hininga ako at binalingan ang mga babae. “Gawin ninyong ASAP ito, we need that..” mahinahon kong wika sa mga ito. “Opo boss Thunder..” sagot ni Jennica sa akin, tumango ako at nag lakad na ako para makabalik sa kumpanya. Hindi naman kami nag usap ng matagal kanina dahil ang usapan ay sa underground mag uusap. Nang umalis si Flame sumunod na rin kami, “Oo nga pala hindi mo pa tinatanggap na maging kanang kamay si Ava!” Wika ni Damon na kina tigil ko. Nilingon ko ito at bumuntong hininga ako. “Ayoko ng kanang kamay, sasabihin ko din ito kay Flame..” sagot ko at tinalikuran ko na sila. “Edi asawahin mo na lang, ganda kaya nun bagay kayo..” natawa na ako sa sinabi nito at lumingon ako dito. Lagi kasi nito sinasabi na asawahin ko na lang at hindi bagay maging kanang kamay ko. Kahit kay Flame sinabi na nito ang bagay na ito, hindi lang ako umiimik. Nag tawanan naman ang kasama ko. “Gusto mo talaga ano? Gusto mo iutos ko kay Flame na ipakasal ka sa kanya? Susunod ang kapatid ko..” tanong ko dito na kina tigil naman nito sa pag tawa. “Huwag naman, ayoko pa mag asawa!” Bigla itong naging mahinahon, dahil alam niya kaya ko mapapayag ang kapatid ko. “Kaya tigilan mo ako..” ngumisi ako at umiling at iniwan ko na sila. DAMON VALENCIA LAVISTRE Nakahiga lang ako habang iniisip ko ang gagawin ko sa araw na ito. “Oy Damon, pinapauwi ka ni Tita sa inyo..” narinig kong wika ni Storm. Nilingon ko ito at nag kamot ako ng ulo ko. “Hatid mo ako brad..” sagot ko dito na kina lingon nito sa akin na salubong pa ang kilay.. “At bakit? Hindi ka naman baldado..” sagot nito. Ngumiti ako ng alangin at sumagot. “Tinatamad kasi ako mag maneho..” sagot ko na, nakita ko na dumampot ito ng magazine ng 45 caliber kaya agad akong tumayo at tumakbo. “Tarantado ka! Pati ba naman pag da-drive kinatamaran mo na!” Sigaw nito narinig kong tumawa ang mga babae na kasama namin. “Kasalanan ko ba na nakaramdam ako ng katamaran?!” Tanong ko dito at sumandal ako sa pinto. “Ay tol, anong kailangan sa akin ng magulang ko?” Tanong ko dito ulit. “Wala akong ideya nag text lang naman si Tita..” sagot nito, kaya lalo akong sumimangot at umiling na lang. “Bye!” Paalam ko at nag lakad na ako patungo sa sasakyan ko na naka parada sa labas. Sumakay ako dito at mabilis kong nilisan ang Underground. Hindi nagtagal nakarating na ako at bumaba ako ng sasakyan ko ng makapasok ako sa pribadong village kung saan ako nakatira talaga. “Young Master..” wika ni Battler Rudolf ang Combat Battler ng pamilya ko, si Daddy mismo ang nag hire sa kanya para laging ma protektahan ang mommy ko. “Andyan ba sila Battler?” Tanong ko dito at nag lakad na ako papasok ng mansion. “Opo,” sagot nito kaya tinapik ko ang braso nito at nag tungo na ako sa loob ng bahay. Pag pasok ko nakita ko ang mga maleta sa gilid ng pinto ng bahay. “Sinong lalayas??” Takang tanong ko at nakita ko si Mom at Dad pababa sila. Sila si Danica at Dethroid Valencia Lavistre at sila ang magulang ko, sino ba ang Valencia at Lavistre? Si Daddy ang Lavistre pero si Mommy ay Harper ang totoong apelyido nito. Sa pamilya lang namin ay hindi pwede gamitin ang middle o ang surname ng asawa kailangan Valencia parin at Lavistre. Kung ang ama o ina mo ay Lavistre ito ang dadalhin mo pero kung Valencia tulad pa rin sa nauna kong nasabi. Inshort walang karapatan ang asawa na ipagamit ang kanyang apelyido sa kanyang magiging anak. Tradition na ito na hindi na mabali pero mukhang babaliin na ni Flame ito dahil ang mga anak niya ay tama na ang mga pangalan nito. Gamit na nila ang Lavistre na apelyido ni Flame at Dela Vega sa anak niya. “Hindi na kina-kaya ng mga katulong ang ginagawa mo, kapag hindi masarap ang luto nila walang preno ang bibig mo..” wika ni Daddy na kina asim ng mukha ko. “Ang O.A dad ah?! Dahil lang don palalayasin niyo ako?” Hindi ko makapaniwalang tanong. Si mommy naman ay tumatawa lang pati si Manang, “Manang. Palalayasin ako? Kasalanan ko ba na kumuha kayo ng Chef tapos hindi masarap mag luto?” Tanong ko ulit. “Anak nasasaktan kasi ang Chef natin sa sinasabi mo..” mahinahon na sagot ni Mom at tumabi ito sa akin. Kaya humiga ako sa lap ng mommy ko, ako lang nag iisang anak nila kung spoiled ako? Oo naman “Bakit ako mag aadjust?” Tanong ko ulit. “Tumigil ka Damon, matanda kana kaya pwede ka na mag bukod.” Suway ni Dad sa akin. “Ayoko!” Sagot ko na kina singhap ni Dad. “Still stubborn.. Danica, gumawa ka ng paraan para makahanap ka ng mapapangasawa ng anak mo!” Utos ni Dad na kina bangon ko. “Yan na naman kayo sa asawa na yan?! Ayoko nga mag asawa saka matatalo ako sa pusta—” napa talon ako sa likod ng upuan ng tumayo si Dad. “Tigilan mo ako sa pustahan na yan! Mag te-trenta kana! Bigyan mo na kami ng apo!” Gigil na sagot ni Dad. Si mommy naman tawa lang ng tawa. Nag kamot na ako ng ulo dahil sa frustration. “Ah alam ko na dadalhin ko mga anak ni Flame dito,” sagot ko at ngumiti ako ng malawak. Napa tampal si Daddy sa noo niya, “Damon, anak. May ipapakilala kami sayo gusto ko puntahan mo siya sa address na ito magugustuhan mo siya..” mahinahon na wika ni Mommy at inabot sa akin ang isang papel. “Langya! Na blind date pa ako? Mommy naman? Nanahimik buhay ko eh, ayoko ng ganito.” Huminahon na ako at binasa ang nakalagay dito. “You should try lang naman anak, malay mo magustuhan mo siya mahinhin yan at maganda din..” sagot ni mommy. Napa ngiwi ako lalo at umiling. “Bahala na, pag sinipag na lang ako mom,” nginitian ko ito at ito naman ay napa tampal ng noo. “Kanino ka ba talaga nag mana,” narinig kong bulong ni Mommy. “Sundin mo ang mommy mo Damon, hindi kana bumabata! Wala sa pamilya natin ang matandang binata at dalaga!” Ma-owtoridad na utos ni Dad. “Edi ako ang kauna unahan dad..” ngumiti ako at agad akong tumakbo dahil babatuhin na naman ako ng ashtray nito. “Lumayas kana! Mag bukod ka may trabaho ka may pera ka kaya, kaya mo na buhayin sarili mo!” Utos ni Dad. Umupo naman ako sa maleta ko. “Pero hindi ako marunong mag luto at maglinis ng bahay. Hindi rin ako marunong mag laba..” sagot ko. “You’re really pain in my ass.. mag aral ka!” May gigil na sa boses ni Daddy pero I don’t mind it. “In a short period of time? Ngayon agad? Dad tinatamad nga ako pumunta dito sabi ko kay Storm ihatid niya ako dito dahil tamad ako mag maneho eh!” Angil ko na naman. Kahit ang Battler namin ay tumatawa lang. “Young Master, pwede kayo mag paturo kay Highest Master Flame..” mungkahi nito. “Edi doon na lang ako titira? Saka dad, doon din ako natutulog eh..” pagpapaalam ko sa kanila. “Talino mo Rudolf! Bye mom, dad!” Paalam ko at humalik ako sa pisngi ng mommy ko. “Daddy gusto mo din ikiss kita?” Tanong ko dito pero pina-ningkitan lang ako nito ng mata kaya lumayo na ako. “Mag iingat po kayo Young Master..” paalala sa akin ni Rudolf. Lumapit ako dito habang buhat ko ang maleta ko, “Sila ang mag ingat sa akin! Tawagan mo ako kapag may nangyari dito dahil may bago kaming kalaban..” mahigpit kong bilin ito. “Masusunod po.” Sagot nito at yumuko sa harap ko. Nag lakad na ako at bago pa ako makasakay sa sasakyan ko nag salita si daddy. “Pakisabi kay Flame, minsan gusto namin makasama ang mga bata kahit isang araw lang..” wika ni Daddy. Ngumisi ako at nag salita. “Kulang ang isang araw dad, maikli lang yun. I will dad, please take care of mommy and yourself too. Tumawag kayo kapag may nararamdaman kayong pagbabanta sa paligid..” palala ko at kumaway na ako at nag sumakay na ako sa kotse ko. Pag sakay ko napa buntong hininga ako dahil sigurado malakas na batok aabutin ko kay Flamie nito. “Bahala na..” bulong ko at mabilis akong nag maneho patungo sa mansion ni Flame. FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Napa tingin ako sa dala-dalang apat na maleta ni Damon, “Saan ka pupunta? Lalabas ka ba ng bansa?” Tanong ko dito. Umiling ito. “Tito D, dito ka na po titira sa amin?” Tanong ni Cloud sa pinsan ko. Hindi ko maiwasan hindi mapa iling. “May isa pang kwarto sa taas katabi ng kwarto ni Ken, pero sa dulo ka..” pag bibigay ko ng direksyon dito. “Okay lang sayo? Hindi ka galit?” Tanong ni Damon Nilingon ko ito at nag salita. “I’m not, malaki ang bahay na ito para sa amin na dalawang pamilya. Bukod na sila kuya Thunder at Storm.” Sagot ko dito. Nakita ko ang malawak na ngiti nito. Tumalikod ako at ngumiti lang. “Mga bata samahan niyo ako bilis! Tulungan niyo ako..” narinig kong pag aaya nito sa mga bata. “Opo!” Magiliw na sagot ng mga bata. Napa tingin na lang ako sa hagdan habang paakyat sila. Kahit papaano naging magaan at masaya ang bahay na ito dahil sa mga bata. Yun ang dahilan kaya ayaw ko din na umalis sila, pakiramdam ko malaking pagsubok sa akin ang pagiging ina at asawa kasama na ang pagiging Tita. Malaki na ang pagkakaiba noon sa ngayon, dati kasi kaunti lang kami wala pa akong anak na iisip oras oras. Ngayon? Dumami kami, mas lumaki ang pamilya at dumami ang responsibilidad. Nag lakad ako patungo sa likod ng bahay napa lingon ako sa mga gumagawa ng bahay nila ate Sky at kuya Harold. Ang naging personal engineer nila at architect nila ay si Clyde ang pinsan ko na nadawit sa isang isyu noon. At ang kapatid ni Ezekiel na si Ezekiela, dalawa ang course na kinuha ng dalawang batang ito. Parehong may kinalaman sa mga gusto nila. Lumapit ako at nag salita. “Kamusta?” Tanong ko sa dalawang ito. Lumingon ito at yumuko sa harapan ko. “Ginagawa na lang po nila ang magiging kwarto ng mga bata, ginawa po naming Adult size na para sa pag laki nila. Yun din kasi ang gusto nila kuya Harold..” sagot sa akin ni Ezekiela. Tumango naman ako at ngumiti ako sa kanila. “Matapos ng project niyo sa kanila paki naman din ang kwarto ng mga anak ko, mas lalo si Cloud ayaw na nito ang kulay blue na room,” sagot ko. Natawa naman ito at tumango. “Opo ate, ako na po bahala. Kailan po pala babalik mula sa bakasyon sila Winter at Crystal? Pasukan na nila..” tanong ni Clyde sa akin. “Hindi ko alam, nag eenjoy pa ang dalawang yun..” sagot ko lang sa kanila. “Pumapasok naman sila via online kaya sigurado ako na hindi sila nahuhuli..” dagdag ko pa. Ngumiti ang dalawa sa akin kaya naman ngumiti ako. Totoong wala sila sa bansa dahil nag bakasyon sila sa tunay na magulang ni Winter, hinayaan ko na dahil may kasama naman sila ang mga Dela Vega. Hindi ako natatakot sa mangyayari sa kanila dahil alam ko na ligtas sila sa kamay ng royal family. Hindi ako nangangamba, tumalikod na ako at nag lakad patungo sa loob ng bahay. Nakatanggap ako ng text message kaya agad kong binuksan ito. “MAGKIKITA PA TAYO ULIT..” Basa ko dito, ngumisi ako at umiling. “Oo alam ko magkikita pa tayo..” bulong ko at nag tungo ako sa kusina upang mag luto ng hapunan namin ng buong pamilya. - Something I learned about people.. if they do it once, they will do it again.FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Napa tampal ako ng noo ng malaman ko mula kay Tita Danica ang dahilan bakit pinalayas si Damon sa kanila. “Pasensya kana Flame ha? Naku dyan pa talaga nag tungo ang bata na ‘yan..” wika ni tita habang kausap ko ito sa tawag. “Okay lang tita, wala naman problema doon..” maikli at malamig kong sagot. “Anyway anak, pwede ba namin madalaw ang mga bata?” Tanong nito kaya naman napa lingon ako sa mag aama ko. “Kakausapin ko po muna ang asawa ko..” sagot ko dahil hindi pa alam ng asawa ko. “Honey? Tungkol ba yan sa pag punta sa kanila ng mga bata?” Tanong ng asawa ko kaya tumango ako ng hindi nililingon ito. “Payag ako, andun naman si Jimmy kasama ng mga bata..” nilingon ko ito habang naka ngiti pa ito. Ngumiti lang din ako at nag salita na rin. “Salamat Love, sige po Tita papuntahin na lang namin dyan pumayag po si Blake..” pag payag ko. Narinig ko pa ang sinabi nito kay Tito Dethroide. “Hay naku, nakaka excite naman sige bibili kami ngayon
A/N: Ang season 1 to 3 po nito ay nasa Dreame o Yugto po hindi kasi pwede ilagay dito dahil exclusive po yun. Pwede niyo po muna basahin yun bago ito pwede din mauna ito saka niyo basahin ang season 4. Dahil may mga part po kasi na connected sa ibang season kaya need po muna mabasa kahit 50% ng mga past season.. Salamat po..-Continuation - FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Nang maisip ko na ang pwede kong gawin, ngunit hindi papayag si Damon matagal niyang pinag ipunan ang pagpapagawa dito. Ngunit kapag hindi ko pinigilan ito makukulong si Damon. Humarap ako at nag salita ako. “Gibain natin ang bar ni Damon!” Utos ko na kina singhap nila. Bago sila maka pag salita. “Mika kailangan ko ng report ng bar ni Damon!” Utos ko dito. “Ano pong klaseng report?” Tanong nito. “Ang mga pumapasok dito bilisan mo..” utos ko dito. “Flame! Bakit naman ganun ang gagawin mo?!” Tanong ni Damon sakin. Hinarap ko ito na kina atras nito. “Ilang beses ka ba naging patay malisya?! Ala
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Salamat Mr. Ferguson..” pasasalamat ko at binaba ko na ang tawag ko. Pumasok ako muli sa loob at nakita ko ang mga bata na pinaglalaruan ang magazine ni Francine. “Kids, mapunit yan kailangan pa yan ng Tita Francine niyo..” mahinahon kong paalala sa mga ito. “Opo..” sabay sabay na sagot ng mga ito sa akin. Tinawagan ko si Mr. Ferguson upang itanong kung pwede ba ang mga bata sa party nito dahil kung hindi, hindi ako sasama sila kuya na lang ang pupunta upang may bantay ang mga bata. Hindi ko gusto ipagkatiwala ang mga bata sa mga yaya nito dahil malilikot ang mga ito. “Kamusta Hon? Pwede ba sila isama?” Tanong ng asawa ko. Lumapit ako dito at inayos ko ang suot nitong kurbata. “Oo pwede sila sumama, hindi naman late ang tapos ng party kaya pwede sila..” sagot ko sa asawa ko at tiningnan ko ito gamit ang whole body mirror. “Bagay sayo ang kulay..” papuri ko at nginitian ko ang asawa ko. “Thank you, Honey. Mamili kana rin para maka
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Matapos ko ilapag ang niluto kong adobong baboy na gusto ni Mommy Aaliyah nag paalam muna ako na tutungo sa likod. “Tawagin ko lang po sila kuya..” paalam ko at nag lakad na ako palabas sa likod. Nakita ko bukas pa ang ilaw ng bahay nila doon kaya alam ko gising pa sila. “Kuya Thunder, kuya Storm! Punta kayo dito kain tayo may adobo sa bahay..” tawag ko habang nakatayo ako sa maliit na gate. Nakita kong lumabas si kuya Thunder. “Kakain lang namin, salamat..” sagot ni kuya Thunder kaya napa buntong hininga na lang ako at umiling. “Lagi na lang..” bulong ko. “Okay.. mag tira na lang kami incase na gusto niyo..” sagot ko at tumalikod na ako saka nag lakad pabalik. Simula ng bumukod sila hindi na sila sumasabay sa amin kumain, hindi tulad noon. BLAKE SHIN DELA VEGA NAKITA ko ang asawa ko na bagsak ang balikat nito ng pumasok ng bahay. Mukhang hindi na naman sasabay ang mag kapatid sa amin. “Hindi daw sila sasabay?” Tanong ko sa asawa ko
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Mauna na kayo Love, hindi tayo pwede mag sabay-sabay mas lalo at may nagbabantay sa atin..” utos ko sa asawa ko. Hindi pa ako naka bihis pero naka ayos na ang mukha ko. Tinuruan na rin ako nila Ingrid at Emerald paano mag ayos o mag makeup sa sarili. Kahit napaka hirap nito gawin para sa isang tulad ko. “Okay naiintindihan ko.” Sagot ng asawa ko at nilapitan ako nito. Humalik ito ito sa labi ko at nginitian ako. “Mag ingat kayo, kuya convoy na kayo sa kanila kaya ko mag isa..” inayos ko ang suit ng asawa ko. Hindi ito nag suot ng tie dahil hindi daw siya komportable mabuti at bagay naman sa kanya. “Okay let’s go kids, sa akin na ang kambal niyo para magkahiwalay sila sa daddy nila. Incase na ambushin tayo. Damon, Ezekiel at Storm kunin niyo ang ibang bata hatiin sila..” utos ni Kuya Thunder. Nilingon ko ang asawa ko. “Okay lang ba sayo na hindi mo kasama ang mga anak natin?” Tanong ko sa asawa ko. Tumango naman ito. “Oo para hindi kami tamb
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Nakalabas na ang mga bata kasama ang asawa mo at si Jimmy.. naka convoy sa kanila ang iba nating tauhan..” narinig kong wika ni Kuya Thunder. Hindi ako sumagot at inayos ko ang make up ko at buhok ko. Umatras ako at tinaas ko ang paa ko sa cubicle inangat ko ang dulo ng suot kong dress at kinuha ko ang baril ko. Nilagyan ko ito ng bala at ang inayos ko ang mga dagger ko just incase na kailanganin ko. “Kuya siguraduhin niyo na protektado ang mga tao sa event na ito. Mas lalo si Mr. Ferguson, pakisabihan na ito huli akong lalabas..” pakiusap ko sa kuya ko. “Kasama ko na siya nasabi ko na rin pero wala pang umaatake..” sagot nito. Inayos ko ang dress ko at hinawi ko ang buhok ko patungo sa likod ko. “Hindi sila aatake agad, aatake sila sa oras na maka labas tayo.. pero hindi tayo pwede maging kampante..” sagot ko at lumabas na ako ng restroom ng mga babae. Napansin ko na wala ang lalaki, ngunit ramdam ko na nandito siya naka bantay sa kilos
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA BUMABA AKO ng sasakyan ko ng makarating ako sa mansion. Pag hakbang ko pa lang ng hagdan mula sa front door, napansin ko na ang likido sa tiles yumuko ako at pinahid ito gamit ang daliri ko. Napansin ko na bago ito at dahil malapot din ito ibig sabihin ay bago pa, ang inamoy ko ito doon ko napansin na dugo ito ng isang tao. Saktong bumukas ang pinto at sumambulat sa akin ang liwanag mula sa loob ng mansion. “Mabuti naman naka balik ka na? Ang dali na—” hindi na nito natuloy ang sasabihin niya ng sinalubong ko ng malakas na upper cut ito na kina bulagta nito sa sahig. Nag lakad na ako papasok nakita ko na hawak nila ang anak ko ang panganay ko at ang kambal. Ang asawa ko naman ay naka tali ng tingin ko ay lubid. “Sino kayo para pumasok dito?” Malamig kong tanong. “Bakit ikaw lang ba ang may karapatan pumasok sa ibang bahay at pumatay?” Tanong ng isang babae habang pababa ito sa hagdan. Hindi ko kilala ang isang ito. “Hindi ba at pinasok mo di
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Matapos maka alis ng mag aama ko nag tungo naman ako sa underground upang maki balita. “Miss Flame, nakakuha po ako ng unang information tungkol sa mga tauhan ng Los Trados..” wika ni Onze. Bago ko pa makuha ito agad itong nawala sa paningin ko. “Pabasa ako..” narinig kong wika ni Damon. Bumuntong hininga na lang ako at hinayaan na ito. “Oh natatandaan ko ang isang ‘to!” Napa lingon ako ng mag salita si Damon. “Sino?” Tanong ko dito. Lumapit ito at tinuro ang litrato. “Kanang kamay siya ni Don Martino! Nakita ko siya na kasama ng matandang ‘yun! Kung tama ako wala siya ng laban..” paliwanag nito at tiningnan ko ng maigi. “Hindi ko sila kilalang lahat, wala naman akong paki kung tauhan sila o hindi..” sagot ko at binalik ko ito sa kanya. Nilingon ko ang mga mukhang naka plastar sa screen sila ang mga tauhan ng dating Señora Vipers. Ang kalaban ni Ava, tumingin ako ng matalim sa mga ito at inalis ko ang tingin ko dito. “Boss Flame? May tawag p
ACE LUTHER BLACK NANG MAKARATING kami sa Enrique Medical Hospital agad nila inasikaso si Flame. “How many gunshots?” Tanong ni Doc Rivers. “I don’t f-cking know! Nagulat na lang kami may tama na pala siya! Kaya please..” pikon kong sagot. Agad akong inawat ni Blake. “Okay okay, pero gusto ko malaman ang pangalan at edad niya muna..” sagot nito kaya tinapunan ko ito ng masamang tingin. “Make sure, na ililigtas niyo siya? Flame Lavistre, Married, 26 years old..” sagot na lang ni Blake dito bago pa ako maka pag mura sa isang ito dahil ang daming tanong. “Thank you, we will everything we can..” sagot nito at tumakbo na ito papasok sa O.R. Umupo naman ako at kinuha ko ang cellphone ko. “Mika, alisin ko na ang proteksyon ng safe house..” utos ko dito ng sagutin ang tawag ko nito. Binabaan ko na ito agad dahil nakita ko na tumatakbo ang tatlo. Sa likod ng mga ito si Violet. Sa hindi inaasahang pagkakataon nakita kong nadapa si Damon na kina tawa ng dalawa. Umiling na lang ako, dahil
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Makinig kayo, Damon, Ken at Lance..” tawag ko sa tauhan ko. “Simula ngayon tayo lang apat ang lalaban, isa lang ang gusto ko gawin niyo, huwag niyong hahayaan na mamatay kayong lahat. Dahil hinding-hindi ko kayo mapapatawad..” utos ko habang hawak ko ang dalawang baril ko. “Oo naman saka, wala akong planong mamatay ano.” Mapaglarong sagot ni Damon sa akin. “Boss Flame! Patay na po ang magulang ni Celso Vendera! Pwede na po kayo kumilos.” Wika ni Mika na kina ngisi ko. Lumingon ako sa mga nasa harapan ko at nag salita. “Ito lang ang rason bakit ko pinasasabog ang mga kulungan. Dahil ‘yun sa mga tauhan ni Celso Vendera, halos lahat ng napatay at nahuli niyo gamit ang info na binibigay ng grupo ko ay mga tauhan niya.” Paliwanag ko. Narinig ko ang dating ng helicopter. “Lance! Pasabugin mo ang parating na ‘yan..” mahinang bulong ko. “Areglado boss..” sagot nito. “Hindi ‘yan totoo! Biktima ang pamily——” hindi ko pinatapos ito ng barilin ko ang b
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Lavistre, oras na..” wika ng babaeng pulis ng buksan ang selda ko, tumayo ako kung ano ang suot ko ng kunin nila ako yun din ang suot ko ngayon. Inshort naka pambahay lang talaga ako. Nilagyan nila ako ng posas ang mga kamay ko sa harapan ko. “Hindi pa ba aalisin ang collar ng taong ito?” Tanong ng isang pulis na babaeng naka hawak kaliwa kong braso. “Hindi daw hanggat hindi siya naililipat..” sagot ng isa. Binaliwala ko ang dalawa at tiningnan ko ang oras sa taas. 15 minutes before 7pm.. Nag lakad ako hanggang makalabas ako ng kulungan nakita ko ang media sa labas pero pinayuko nila ako hanggang makapasok ako sa loob ng isang normal na pulis car. Kung tungkol naman sa ginawa ng tauhan ko tungkol kay Vendera, wala akong alam dahil lost connection ang earpiece ko. Hindi nag bukas ng tv kaya wala akong idea. Bago ako makapasok may humablot sa akin at sinuntok ako ng malakas at kinuwelyuhan. “Hay*p ka anong ginawa ng pamilya ko at kailangan mo
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA NAIKUYOM KO ANG KAMAO KO ng malaman ko na hindi plano tumulong ng mga kapatid ko. Napa buntong hininga ako at bumulong.. “Hindi mo kailangan silang pilitin..” bulong ko. “Ngunit hanggang kailan ka magiging mabait sa kanila Flame? Alam mo na bago ka pa naging mafia boss sila na ang nauna sa mga gawaing ito..” tanong ni Louross sa akin. “Natatakot ka lang na maging katulad ng Lolo mo, hindi ka naman magiging katulad niya kung magiging totoo ka lang..” wika ni Louross muli. Aminin ko man o hindi tama ang sinabi ni Louross. “Natatakot ka ba na bigla silang maging rebelde at mag amok ng away dahil sa mga differences niyo at paniniwala?” Tanong nito muli sa akin. Weird man pero naririnig ko si Louross pero hindi siya naririnig ng iba. “Siguro..” sagot ko lang at sumagot ito. “Then kapag natapos ang laban na ito, maging vocal kana kailangan mo na sila sabihan na hindi lagi sayo iikot ang bawat mabigat na laban..” wika ni Louross. He’s probably rig
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Nakatitig lang ako sa mukha ni Vendera habang ito naman ay galit na galit. Sa unang pagkakataon simula ng ipasok nila ako dito, inalis nila ang choker sa leeg ko ngunit ang kamay ko ay naka balot ng makapal na tela payakap sa katawan ko. Naka tali din ang mga kamay ko sa loob nitong suot ko, naka upo ako at naka taas ang mga paa ko. “Ikaw ang pinaka walang hiya sa lahat ng mamatay tao!” Gigil nitong wika na kina ngiti ko. “Tingin mo ba may pakialam ako sa sinasabi mo ngayon? Alam mo payo lang..” sagot ko dito. Ngumisi ako. “Ilaan mo na ang natitira mong oras sa pamilya mo alam mo ba kung bakit? Dahil sa oras na maka labas ako dito katapusan na ng kalayaan mo..” wika ko dito habang naka ngiti lang ako. “Hay*p ka anong plano mo?!” Galit na tanong nito, malakas pa nitong hinampas ang mesa sa harapan namin. Ngumisi lang ako at hindi umimik.. “Oo nga pala, imbes na ilaan niyo ang oras niyo sakin? Kung ako sa inyo hanapin niyo na ang bomba na pinata
FLAME MORJINA LAVISTRE - DELA VEGA Nang putulin ko ang linya ng kuryente narinig ko ang sigawan. Agad akong kumilos, tumakbo ako kahit napaka dilim at nilabas ko ang dagger ko hindi ako gagamit ng baril ngayon. Mabilis at tahimik kong sinaksak ang leeg ng isa sa kanila. Hindi nila alam kung sino ang umaatake o ano ang nangyayari ngayon. Kailangan ko bilisan. “Putang*na ngayon pa nawalan ng ilaw!” Wika ng pamilyar na boses sa akin. Agad kong tinungo kung nasaan ito, nang matakpan ko ang bibig nito ay agad akong bumulong. “Tama lang ang ginawa mong tumakas, dahil pag katataon ko na patayin ka at ang mga kasama mo..” bulong ko at ginilitan ako ang leeg nito. Narinig ko pa ang sirit ng dugo nito agad kong binitawan ito. “Ano gagawin natin babalik ba tayo sa kulungan?” Narinig kong tanong ng isa. Agad kumislap ang boltahe ng kuryente sa hawak kong whip chain. “Sino ka?!” Tanong ng isa halagang kinakabahan ito. “Flame Morjiana Diana Lavistre - Dela Vega..” pakilala ko, “Nalintikan na
VLADIMIR VALENCIA LAVISTRE “Mabuti at napigilan ni Brent ang pagsabog..” nakahinga ako ng maluwag dahil sinabi ni Brent na napigilan nila ni Ken ang bomba na sumabog. Hindi namin pwede basta basta mailalabas ang mga pasyente dahil na rin sa critical ang ibang pasyente. “Sa ngayon kailangan mo bantayan maigi si Hailey at ang kapatid nito, ikaw ang responsibilidad sa mag kapatid..” umayos ako ng tayo at kinausap ko si Thunder. Tumango ito habang naka yakap sa kanyang kasintahan. “Ang importante ngayon ligtas na kayo.” Wika ko at nag lakad na ako ng mag tanong si Hailey. “Si Flame anong balita sa kanya?” Tanong nito. Hindi ako lumingon ngunit sumagot naman ako. “Kung ano napanood niyo..” sagot ko na lang at dumeretso na ako sa sasakyan ko upang umuwi na. KINAUMAGAHAN NAGULAT kami magkapatid na nag flash sa tv ang nangyari sa bilibid nagkaroon ng malawakan na food poisoning. Nandito kami ngayon sa bahay ni Flame. “Titoooo Vlaaaad! Buhat mo ako..” agad ko na hinawakan ang short ko n
THIRD PERSON POV Nanginginig sa takot ang ibang inmate sa loob ng malaman nila ang sinabi ng lalaking inmate din. Na plano ng babaeng mafia na nakakulong sa isang selda. “Dapat maka takas tayo mamayang gabi..” wika ng isang inmate. Lahat sila ay nasa labas upang gawin ang kanilang aktibidad. Ngunit tanging bukod tangi lang na si Flame ang hindi nila kasama dahil iniiwasan ng ibang police na makalaya ang dalawa nitong kamay dahil sigurado na tatakas ito. Hindi kayang baliwalain ng mga police ang kakayahan ng batang mafia. Dahil dito walang nagawa si Flame kundi umupo sa isang hagdan na yari sa nangangalawang ng bakal. Pinapanood nito ang mga kapwa niya naka kulong na nagtatanim ng gulay sa bakuran ng City Jail. SA KABILANG BANDA nakatanggap ng tawag si Thunder mula kay Drake na pinos-pone ang pag lipat kay Flame kaya mananatili muna itong nakakulong kung saan ito inilagay ngayon. Dahil doon hindi maiwasan hindi mainip ni Thunder sa mga nangyayari walang kakayahan si Flame ngayon n
BLAKE SHIN DELA VEGA PUMASOK AKO SA UNDERGROUND ng maka tanggap ako ng tawag mula sa asawa ko. Pinatawag ko silang lahat, “Blake para saan ito? At bakit mo iniwan ang mga anak mo?” Salubong sa akin ni Vlad. “Babalik din ako pero kailangan ko sabihan kayo ng personal. Tumawag ang asawa ko, dadalhin daw siya sa istasyon ng pulis, para ikulong sa maximum..” pamamalita ko na kina tayo ni Earl agad “Anong sabi mo?! Hindi ito pwede maraming madadamay sa loob!” Sagot ni Earl sa akin. Tumango ako bilang sang-ayon. “Plano ng asawa ko na palabasin si Vedera at kagatin ang patibong sa kanya! Ano gagawin natin?” Tanong ko dito. “No stay out of here, malilintikan kami kay Flame kapag may nangyari sayo..” nagulat pa ako ng hawakan ako ni Thunder sa balikat. “Per——” hindi ko natapos ang sasabihin ko na biglang yumanig ang buong underground at gumalaw ang mga gamit namin. “Woah!” Gulat na wika ni Damon. “Boss may pag yanig sa tubig! Abot po tayo pero tingnan niyo po ang balita!” Wika ni Mika