Thank you for reading this story of mine. I hope you like this too katulad kung paano niyo nagustuhan ang iba kong story. Please leave a comment. Enjoy reading:)
Patingin-tingin sa paligid si Monique kung nasa salas ba ang pamilya niya. Nang hindi niya naman makita ang mga ito ay dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto niya. Ilang araw na siyang hindi pinapayagan na lumabas dahil grounded siya. Tumakas na naman siya noong nakaraang linggo para makipagkita kay Aidan, Aidan is her boyfriend pero nahuli sila ng Kuya niya at isinumbong siya sa mga magulang nila kaya grounded siya. Hindi siya pwedeng lumabas kahit saan siya pumunta. Dumaan siya sa likod ng bahay nila pero mabilis siyang nagtago sa likod ng pader nang makita niyang may gwardya dun. Maaaring nalaman na ng mga magulang niya kung saan siya dumadaan sa tuwing tumatakas siya. Bumalik siya at nagtungo sa isa pang dinadaanan niya. Napangiti na lang siya nang wala siyang makitang tao sa paligid. Nagtatago siya sa mga naglalakihang halaman at nang makarating siya sa pader, hinanap niya ang ladder na itinatago niya sa gilid ng puno. Isinandal niya na ito sa pader at mabilis na umakyat. M
Nang maging maayos ang kalagayan ni Monique ay iniuwi na siya sa kanila. Hindi pa rin siya umiimik dahil masakit pa rin sa kaniya ang nangyari. Nalaman niya na ring dinadala niya ang anak nila ni Aidan but he don’t deserve to know about this. Nagmahal siya pero hindi siya tanga para gamitin ang baby niya para lang balikan siya ni Aidan. Ayaw niyang babalikan lang siya ni Aidan para sa baby at hindi rin ipapaalam ni Monique ang tungkol sa pagbubuntis niya. Nalaman niya rin na binugbog ni Anthony at ng mga pinsan niya si Aidan. Sapat na yun na paghihiganti sa pananakit niya. “What is your plan now? Monique, nag-iisip ka ba?” galit ding saad ni Warren, pinsan nila. Pinoproblema nila ang pagbubuntis ni Monique dahil nahaluan na ng dugo ng mga De Chavez ang mga Sandejas. “Alam mo naman na mortal na kaaway ng pamilya natin ang pamilya nila. Sinabihan ka na una pa lang na layuan na ang Aidan na yan pero bakit naman nagpabuntis ka pa?!” sabat din ni Nigel. Kaharap ni Monique ang mga p
Dumating na ang araw ng kapanganakan ni Monique at ilang oras na siyang naglalabor. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya, nanghihina ang buong katawan niya at hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya. “I’m tired yaya,” nanghihina niyang saad kay Yaya Marie. Malamig sa bansa pero halos maligo na sa pawis si Monique. Hirap na hirap na siya sa panganganak niya. “Doc, wala pa rin po ba kayong gagawin sa kaniya?” nag-aalalang tanong ni Yaya Marie pero hindi naman siya naintindihan ng doctor dahil tagalog ang lengwahe niya. Chineck ng doctor si Monique at isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Ilang oras ng nasa hospital si Monique pero hindi pa rin lumalabas ang baby niya.“It’s still 2 cm,” anas ng doctor kaya umalis na naman siya. “Aaaahhhh!” malakas na sigaw ni Monique dahil hirap na hirap na siya sa paglalabor niya. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya. Hindi niya alam kung magtatagal pa ba siya ng ilang oras. “Yaya,” hinihingal na saad ni Anthony nang makarating siya sa
Marami na ang nagtatakbuhan palabas ng building. Tiningnan ni Monique kung saan nanggagaling ang apoy. “No, please.” Anas niya nang makita niyang malapit sa nursery ang sunog. “Ang baby ko,” aniya at dahan-dahan na naglakad papunta sa nursery dahil dun nanggagaling ang sunod. “Ma’am, we need to get out in the hospital now!” saad ng nurse sa kaniya pero inalis ni Monique ang pagkakahawak sa kaniya ng nurse. “I need my son, I need to get him out here!” saad niya at pinilit na puntahan ang anak niyang nasa nursery. “Excuse me, where’s exactly the fire?” tanong niya sa isang babaeng nagmamadali ring lumabas. “In the nursery room,” mabilis niyang sagot saka muling tumakbo. Halos manghina si Monique sa narinig. Wala siyang ibang iniisip kundi ang anak niya. “My baby,” para bang nanlamig ang buong katawan niya thinking that she can’t save her son. Masakit man ang tahi niya at unti-unti na rin yung bumubuka wala siyang pakialam dahil mas mahalaga sa kaniya ang buhay at kaligtasa
Lumipas ang tatlong taon, masaya at tahimik naman nang namumuhay si Monique sa England, madalas naman siyang dalawin ng Kuya niya, mga magulang niya at ang mga kupal niyang pinsan. “Come here little Sandejas,” nandito na naman ang lahat ng mga pinsan ni Monique at nilalaro nila ang dalawang taon niyang anak. Kahit papaano ay nakakalimutan na ni Monique si Aidan, ang mga taong nanakit sa kaniya. Bihira na lang maalala ni Monique si Aidan at si Isabella. Masaya rin naman ang anak niya dahil marami siyang maituturing na ama. Si Anthony ang tinatawag ng anak niyang Dada. Hinahayaan naman nila dahil si Anthony naman ang tumayong ama sa kaniya. Noong una ay itinatama ni Monique ang anak niya na Tito ang itawag niya kay Anthony pero kahit anong gawin niya Dada pa rin ang tawag niya kay Anthony kaya hinayaan na lang nila. “You’re still lucky huh? You are still our princess dahil lalaki ang anak mo. Kapag naging babae’to, good bye our princess.” Pagbibiro na namang saad ni Arjel. Iniirap
Una nilang nakuha ang isang letter. “If you get caught, take the medicines and your families will live in peace.” Anas sa letter. Ngayon, malinaw na sa kanila na may nag-utos sa kanila na patayin si Monique. Kung ganun, sino? Nagkatinginan silang lahat, wala silang person of interes para gawin ang bagay na ito kay Monique. “Kuya,” anas ni Monique. Nakaramdam siya ng takot dahil may tao na gusto siyang patayin. “These people is foreigner Sir, they are not from in this country.” Wika ng pulis. “Can we see them?” tanong ni Anthony. Iginiya naman sila kaagad ng pulis kung nasaan ang bangkay ng mga lalaki. Tiningnan nila ang mga itsura ng mga ito at alam nilang mga kapwa nila Pilipino ang mga lalaki. “Nanggaling ang mga killer mo sa Pilipinas Monique.” Saad ni Warren habang nakatingin sila mga bangkay. Napalunok si Monique, nanahimik na sila pero bakit may taong galing sa sarili niyang bansa ang gusto siyang patayin? Binalikan nila ang mga gamit ng mga lalaki. Mga pera ang la
Pinag-aralan ni Monique ang mga dapat niyang pag-aralan. Nagresearch na rin siya sa mga nangyayari sa buhay ni Aidan lalo na ni Isabella. Posible kayang alam ni Isabella ang tungkol sa anak nila ni Monique at Aidan?Kung alam niya, anong kinalaman ni Isabella sa nangyaring sunog sa nursery tatlong taon na ang nakalilipas.Unang-unang pinag-aralan ni Monique ay ang tungkol sa negosyo. Nagpaturo na rin siya sa Kuya niya para alam niya ang bawat takbo sa loob ng isang kompanya.“Kasama ba ito sa paghihiganti mo?” kuryosong tanong ni Anthony habang tinuturuan niya ang kapatid niya. “Saka anong gagawin mo sa perang hiniram mo sa akin? Sobrang laki nun Monique, saan mo ba gagamitin?” dagdag pa niyang tanong.“Don’t worry Kuya hindi ko yun gagamitin sa walang kabuluhang bagay. Malalaman mo rin sa susunod kung bakit ko pinag-aaralan ang negosyo.” Pagpapaliwanag niya. Napapabuntong hininga na lang si Anthony.Sa ilang buwan niyang tinuturuan ang kapatid niya malaki na rin ang improvement niya.
Natutuwa ang mga dati nilang katulong na muli siyang makita. Ang laki na ng pinagbago niya dahil dati para lang siyang bata, isang dalaginding na walang ibang pinapakinggan kundi ang sarili niya lang.“Mamala, Lolodad!” tawag ni Brylle sa mga Lolo at Lola niya.“Oh my God, nandito na ang apo ko.” excited ding wika ni Arianna saka niya sinalubong si Brylle at pinaliguan ito ng halik sa noo.“I miss you so much, my little one. How are you? Ang laki-laki mo na.” niyakap niya ang apo niya at nanunuod lang naman si Monique. Ang Daddy niya naman ang sumalubong sa kaniya.“Kumusta ang prinsesa ko? Are you okay now?” nangungulila ang tinig niyang tanong sa nag-iisang prinsesa ng mga Sandejas. Dinama ni Monique ang mainit at mahigpit na yakap sa kaniya ng kaniyang ama.“I’m fine Dad, I’m not a baby anymore,” wika niya. Ngumiti naman ang ama niya sa kaniya saka ito kumalas sa pagkakayakap niya sa anak.“I’m happy that you’re back, I’m sorry if we can’t visit you there often.” Ngumiti naman si M