Share

Kabanata 3.1

Dumating na ang araw ng kapanganakan ni Monique at ilang oras na siyang naglalabor. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya, nanghihina ang buong katawan niya at hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya.

“I’m tired yaya,” nanghihina niyang saad kay Yaya Marie. Malamig sa bansa pero halos maligo na sa pawis si Monique. Hirap na hirap na siya sa panganganak niya.

“Doc, wala pa rin po ba kayong gagawin sa kaniya?” nag-aalalang tanong ni Yaya Marie pero hindi naman siya naintindihan ng doctor dahil tagalog ang lengwahe niya. Chineck ng doctor si Monique at isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Ilang oras ng nasa hospital si Monique pero hindi pa rin lumalabas ang baby niya.

“It’s still 2 cm,” anas ng doctor kaya umalis na naman siya.

“Aaaahhhh!” malakas na sigaw ni Monique dahil hirap na hirap na siya sa paglalabor niya. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya. Hindi niya alam kung magtatagal pa ba siya ng ilang oras.

“Yaya,” hinihingal na saad ni Anthony nang makarating siya sa hospital, galing pa siya ng Pilipinas. Hindi siya kaagad nakabyahe papunta rito dahil may tinapos pa siya.

“Anong sabi ng doctor? Kanina mo pa ako tinawagan pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya nanganganak?” nag-aalalang tanong ni Anthony.

“Sir, hindi ko rin po alam. Ang sabi ng doctor kanina 2cm pa lang pero kanina hirap na hirap si Monique.” Natatarantang saad ni Yaya Marie. Dahan-dahan nang pumipikit ang mga mata ni Monique. Wala na siyang maramdaman na sakit, tila ba manhid na ang buong katawan niya. Nahihilo na rin siya at hindi niya na maaninag ng malinaw ang taong nasa harapan niya pero kilala niya ang boses.

“Kuya,” mahina niyang tawag kay Anthony, huling salita niyang binigkas bago siya mawalan ng malay.

“Monique!” sigaw ni Anthony ng mawalan na ng malay si Monique. Tinawag na ni Anthony ang doctor at mabilis namang chineck ng doctor si Monique. Sa tingin nila ay hindi na magbabago ang cervical length ni Monique, they need to do a c-section.

“Excuse us,” anas ng doctor at hinila na nila ang higaan ni Monique para ilipat sa operation room. Nakasunod naman si Anthony at Yaya Marie. Pinagkamalan pa siyang ama ng anak ni Monique.

Nag-aalalang naghihintay sa labas ng operating room si Anthony, nag-aalala na siya para sa kapatid niya.

“Ilang oras na ba siyang nahihirapan Yaya?” tanong niya, kung sana inuna niya na lang na puntahan ang kapatid niya kesa sa negosyo nila baka sakaling nasa maayos ng lagay si Monique ngayon.

“Kaninang umaga pa po Sir, alas dyes ko po siya itinakbo dito sa hospital.” Sagot naman ni Yaya Marie, tinignan ni Anthony ang oras at alas otso na ng gabi. Kung ganun ilang oras na siyang nahihirapan. Naghintay silang dalawa sa waiting area at ilang oras ang naging operasyon nila kay Monique.

Makalipas ng ilang oras ay lumabas na ang doctor.

“How is she, doc?” tanong ni Anthony. Bakas na ang puyat at pagod sa kaniya.

“She’s fine now and the baby, they are both healthy. I’m sorry if we didn’t do the operation immediately. The mother still sleeping, you can visit the baby in the nursery.” Sagot ng doctor. Nakahinga naman ng maayos si Anthony.

Hinintay nilang ilipat si Monique sa recovery room at nang mailipat na siya ay pinuntahan siya kaagad ni Anthony. Maputla pa ang buong mukha niya na tila ba nawalan na siya ng dugo sa katawan niya. Hinawakan ni Anthony ang kamay ng kapatid niya. Nahirapan din siya sa pagbubuntis niya nitong mga nakaraang buwan lalo na sa paglilihi niya pero ang gagong ama ng anak niya, ang sarap ng buhay at wala man lang kahirap-hirap sa mag-ina niya.

“You’ll be okay, my princess.” Anas niya saka niya hinalikan ang likod ng palad ni Monique. Pinabantayan na muna ni Anthony kay Yaya Marie si Monique para puntahan niya ang baby sa nursery.

“What is the name of your baby, Sir?” tanong ng nurse kay Anthony.

“Brylle Sandejas,” sagot niya. Ipinagbubuntis pa lang kasi ni Monique ang anak niya ay may pangalan na ito. Hinanap ng nurse ang pangalan na sinabi ni Anthony at inilapit ng nurse ang baby malapit sa glass wall para makita ni Anthony.

Napangiti na lang siya nang makita niya ang gwapo niyang pamangkin. Hinawakan niya ang glass wall na nakapamagitan sa kanilang dalawa. Hindi pa nila mahahawakan ang baby kaya dinadalaw pa lang nila ito.

“Hi my little prince,” anas niya, gusto niya nang makita ng malapitan ang pamangkin niya at makarga. Napabuntong hininga na lang siya dahil hindi maitatago na kamukha ni Aidan ang baby nila. Iniingatan nilang hindi mahahaluan ng dugo ng De Chavez ang pamilya nila dahil sa mga alitan ng mga ito pero wala silang nagawa dahil isinilang na ang magkahalong dugo ng Sandejas at De Chavez.

“Ang gagong yun nakuha pa rin ang mukha ng anak niya,” saad pa ni Anthony habang nakatingin sa pamangkin niya pero kahit ganun pa man hindi nila idadamay ang bata sa kung ano mang gulo meron ang pamilya nila. Ibibigay nila ang pagmamahal na kailangan niya na hindi niya makukuha sa sarili niyang ama.

Nang magising si Monique ay una niyang tinanong ang anak niya. Nakabalik na rin si Anthony sa kwarto ni Monique. Maya-maya ay may nurse na pumasok sa kwarto nila at dala-dala na ang baby ni Monique.

“Is that my baby?” emosyunal pa niyang tanong na ikinatango at ikinangiti ng nurse. Ibinigay na ng nurse kay Monique ang baby niya at naiyak na lang si Monique nang makita niya na ang mukha ng anak niya. Pagod na pagod at hirap na hirap na siya kahapon sa panganganak pero tila ba nawala ang lahat ng yun nang makita niya na ang anak niya.

“Ang gwapo-gwapo mo anak,” saad niya habang bumabagsak ang mga luha niya. Hindi niya mapigilang hindi maiyak dahil sa tuwa. Hinawakan na rin ni Anthony ang pisngi ng pamangkin niya.

“We will take care of him and we will give him the love he deserves.” Wika ni Anthony na mas lalong ikinaiyak ni Monique dahil sa kabila ng katigasan ng ulo niya, nandyan pa rin ang Kuya niya para sa kaniya.

“Thank you for everything Kuya,” aniya na ikinatango lang ni Anthony. Tumayo siya at niyakap niya ang kapatid at pamangkin niya. Hinalikan ni Anthony ang noo ni Monique, hinihiling niyang sana ay si Aidan na lang ang kasama niya ngayon, na sana si Aidan ang nag-aalaga sa kanila ngayon but where is he? He doesn’t even know that that they have a son.

“Magpalakas ka para makauwi na tayo.” Saad ni Anthony, napakunot naman ng noo si Monique.

“Uuwi ng Pilipinas? Kuya, I don’t even have a plan to go back there. I just want to stay here at palakihin dito ang anak ko kahit mag-isa ko.” natawa naman si Anthony sa kapatid niya. Takot na takot na ibalik siya ng Pilipinas.

“Hindi ka pa rin ba nakakamove on? Monique, hindi ka na namin ibabalik ng Pilipinas dahil kami na ang dadalaw sayo rito. Ang sinasabi ko, para makauwi na tayo sa bahay dito sa England. Hindi ka na uuwi ng Pilipinas dahil paano kung nalaman ng gagong yun ang tungkol sa anak niyo?” umiling naman si Monique. Oo, nangungulila pa rin siya kay Aidan hanggang ngayon, namimiss niya pa rin ito pero wala siyang balak na ipakilala ang anak niya kay Aidan.

“Hindi niya malalaman, gagawin ko ang lahat para hindi niya malaman. Kuya, hindi niya pwedeng kunin sa akin ang anak ko dahil anong magiging buhay ng anak ko sa pamilya niya? Baka puro pagkamuhi ang matanggap niya dahil may dugo siya ng mga Sandejas and I don’t want that to happen.” Natatakot si Monique para sa anak niya.

Alam niya na kung gaano kalaki ang galit ng mga pamilya nila sa isa’t isa. Ano na lang mangyayari kapag nalaman ng mga De Chavez na nahaluan ng dugo ng mga Sandejas ang pamilya nila? Paniguradong hindi nila tatanggapin ang anak ni Monique.

Oo, ipinaglaban niya noon si Aidan pero wala pa siyang masyadong alam kung gaano kalaki ang galit ng mga pamilya nila sa isa’t isa dahil itinago naman sa kaniya ang buong katotohanan.

Napatango-tango na lang si Anthony sa kapatid niya dahil naiintindihan niya ito. Hindi rin nila hahayaan na masaktan ng mga De Chavez ang anak ni Monique.

“You will stay here and your son, hindi ka na babalik sa bansang yun.” Seryoso niyang saad na ikinatango ni Monique. Hinalikan ni Monique ang noo ng anak niya at napangiti. Palalakihin niya ng mag-isa ang anak niya, aalagaan at mamahalin. Hindi man niya maibibigay ang kompletong pamilya para sa kaniya, sisiguraduhin niyang hindi na maghahanap ng ama ang anak niya dahil sa pagmamahal na matatanggap niya sa mga Tito niya.

“Sa mga susunod na araw o baka bukas siguradong nandito na ang mga kupal nating mga pinsan para dalawin kayong mag-ina pero sinabi ko sa kanilang pumunta na lang sila kapag nakauwi na tayo sa bahay para mas makita nila si Brylle.”

“How about Mom and Dad?” tanong niya.

“Pupunta rin sila pero hindi ko pa alam kung kailan. Wala kasing maiiwan na mag-aasikaso sa kompanya. Sasabihan ko na lang ulit sila kapag nakauwi na tayo.”

Hindi na maalis ni Monique ang paningin niya sa anak niya. Sa tuwing tinititigan niya ito wala siyang ibang makita kundi ang itsura ni Aidan. Palagi man niyang maaalala si Aidan dahil kay Brylle hindi siya magpapaapekto dun dahil pinatay na siya ni Aidan nang lokohin siya nito sa best friend niya.

Mag-iisang taon na rin na wala na siyang balita sa dalawang taong nanakit sa kaniya at mas napapadali ang pagmove on niya. Hindi siya sigurado kung nakamove on na ba talaga siya. Hindi pa niya masasabi, masasabi niya lang siguro kapag nakita niya ng face to face si Aidan tapos wala na siyang maramdaman na pagmamahal para sa kaniya.

Ibinalik nila sa nursery si Brylle. Nagpapahinga pa si Monique sa kwarto niya. Hindi pa masyadong magaling ang tahi niya. Naiwan siya ng mag-isa sa kwarto niya dahil umuwi si Yaya Marie para magluto ng makakain nila habang lumabas naman na muna si Anthony.

Pang-apat na araw niya na rito sa hospital at hindi niya alam kung kailan siya papayagan ng doctor na umuwi. Gusto niyang lumabas dahil maganda ang sikat ng araw kahit na malamig pa rin.

“Fire! Fire! Fire!”

“There’s a fire!” napaupo si Monique ng marinig niya ang malakas na sigaw mula sa labas ng kwarto niya. Nagpanik na siya ng marinig niya ang isang siren. Masakit man ang tahi niya pero pinilit niyang lumabas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status