Share

Kabanata 3.2

Marami na ang nagtatakbuhan palabas ng building. Tiningnan ni Monique kung saan nanggagaling ang apoy.

“No, please.” Anas niya nang makita niyang malapit sa nursery ang sunog.

“Ang baby ko,” aniya at dahan-dahan na naglakad papunta sa nursery dahil dun nanggagaling ang sunod.

“Ma’am, we need to get out in the hospital now!” saad ng nurse sa kaniya pero inalis ni Monique ang pagkakahawak sa kaniya ng nurse.

“I need my son, I need to get him out here!” saad niya at pinilit na puntahan ang anak niyang nasa nursery.

“Excuse me, where’s exactly the fire?” tanong niya sa isang babaeng nagmamadali ring lumabas.

“In the nursery room,” mabilis niyang sagot saka muling tumakbo. Halos manghina si Monique sa narinig. Wala siyang ibang iniisip kundi ang anak niya.

“My baby,” para bang nanlamig ang buong katawan niya thinking that she can’t save her son. Masakit man ang tahi niya at unti-unti na rin yung bumubuka wala siyang pakialam dahil mas mahalaga sa kaniya ang buhay at kaligtasan ng anak niya.

Ramdam na ni Monique ang init kahit na hindi pa siya nakakarating dahil talagang malaki na ang apoy. Nakikipagsiksikan naman si Anthony sa mga nagsisilabasan ng mga pasyente at mga bantay nila.

“Monique!” malakas na tawag ni Anthony sa kapatid niya pero hindi siya nito naririnig dahil tila ba nabingi na si Monique. Wala siyang gusto kundi ang makuha ang anak niya.

“What do you think you’re doing?!” galit na galit na saad ni Anthony.

“I need my son Kuya! My son is in there! The nursery is on fire, damn it!” umiiyak niya ng saad. Tiningnan ni Anthony ang daan papuntang nursery pero hindi niya alam kung may maabutan pa ba siyang buhay sa nursery room.

Nanginginig na rin si Anthony, nag-aalala para sa pamangkin niya pero kung pipilitin nilang pumasok baka pati sila ay mamatay na.

“I’m sorry Monique but I need you to get out here first,” saad niya saka niya hinila pabalik si Monique pero ayaw ni Monique kaya para silang naglalaro ng tug of war.

“No Kuya! Hindi ako lalabas hangga’t hindi ko kasama ang anak ko!” umiiyak niyang saad. “I need my son!”

“I know but we need you too Monique, wala na tayong maabutang buhay sa nursery room at kung pipilitin mo pang pumasok hindi ka na makakalabas baka magkaroon pa ng explosion!”

“Then I don’t care, kung mamamatay ang anak ko mamamatay din ako!” pagpupumilit niya pero hindi hahayaan ni Anthony na may mangyayari rin sa kapatid niya. Buong lakas na binuhat ni Anthony ang kapatid niya na tila ba isang bride dahil alam niyang may tahi si Monique sa tiyan niya.

“Kuya, put me down please! I’m begging you, I need my son!” sigaw niya habang hinahampas sa dibdib ang Kuya niya pero blangko at seryoso lang ang mukha ni Anthony. Iniisip niya ang kalagayan ng pamangkin niya pero alam niyang wala na silang aabutan sa nursery.

“Brylle!” malakas na sigaw ni Monique habang papalayo na sila sa nursery room. Wala na silang kasama sa loob ng floor na yun dahil lahat sila ay nakalabas na.

“Kuya yung anak ko!” sigaw pa rin ni Monique. Nanlalabo na ang paningin niya.

“Here, come here!” napalingon si Anthony sa tumawag sa kanila sa bandang bintana. Nakita ni Anthony ang dalawang lalaking nakasakay sa cherry picker. Mabilis siyang tumakbo dun at tinulungan na siya ng dalawang rescuer na isakay si Monique sa cherry picker. Kung gagamitin pa nila ang hagdan baka hindi pa sila makalabas ng floor dahil hindi malabong magkaroon ng explosion.

Saktong pagsampa ni Anthony sa cherry picker ay siyang malakas na pagsabog. Napayuko silang lahat.

Ibinaba na ng operator ng truck ang boom ng cherry picker kung saan nakasakay si Anthony at Monique. Humihikbi pa rin si Monique dahil ang anak niyang nasa nursery room ay maaaring wala na. Bumagsak na lang si Monique sa bisig ng Kuya niya. Hindi niya kaya, hindi niya alam kung paano niya tatanggapin.

Tahimik lang si Anthony habang yakap-yakap ang kapatid niya. Alam niya kung anong nararamdaman nito lalo na at kapapanganak pa lamang niya.

Inalalayan na ng mga rescuer na bumaba si Anthony at si Monique. Marami na ring mga ina ang umiiyak habang tinatawag ang pangalan ng mga anak nilang nasa nursery. Natulala na lang si Monique, wala ng luha ang lumalabas sa mga mata niya.

“Nooooo! My baby is in there!” humahagulgol na wika ng isang ina habang nakatingin sa nursery room na sunog na sunog na. Pinapatay naman na ng mga fireman ang apoy pero makapal pa rin ang usok.

“Kuya, ang baby ko.” mahinang saad ni Monique. Walang magawa si Anthony kundi ang yakapin lang ang kapatid niya. Ilang araw pa lang ang mga sanggol na nasa nursery pero binawian na kaagad ng buhay ang mga ito dahil sa sunog.

“Anthony,” tawag kay Anthony. Tiningala ni Anthony kung sino ang tumawag sa kaniya at nagulat siya nang makita niya si Warren.

“Ang baby ko,” masiglang saad ni Monique nang makita niyang buhat-buhat ng pinsan niya ang baby niya. Umiiyak na kinuha ni Monique ang anak niya.

“Oh my God, thank you so much Kuya, thank you.” umiiyak niyang saad habang hinahalikan ang anak niya nang paulit-ulit. Nagtataka namang nakatingin si Anthony sa pinsan niya.

“How did you—“ naguguluhang saad ni Anthony, halos hindi pa niya mahanap ang sasabihin niya kay Warren.

“Kararating ko lang kanina, dumiretso ako sa nursery because I want to see our niece. Nagpaalam ako sa nurse na kung pwede ko bang kunin si Brylle para mailabas ko siya at masikatan ng araw, pumayag naman kaya lumabas kami.” saad niya na gulat na gulat din sa nangyaring sunog. Para bang napapatulala rin si Warren dahil tila ba hulog siya ng langit para iligtas ang pamangkin nila.

“Thank you so much, Kuya, thank you Kuya Warren.” Pagpapasalamat pa rin ni Monique. Ang akala niya ay hindi niya na makikita ang anak niya, ang akala niya ay wala na siyang maaabutang katawan ng anak niya sa nursery.

Nakahinga ng maluwag si Anthony, tinapik niya ang balikat ni Warren at nagpasalamat. Hindi na nila alam ang gagawin nila kay Monique kapag nawala pa sa kaniya ang anak niya.

“You’re just on time,” anas ni Anthony kay Warren. Tiningnan ni Warren ang floor kung nasaan ang nursery room. Ang balak niya talaga ay bukas pa ang luwas niya pero ang nakuhang ticket ng Mommy niya ay ngayong araw kaya wala siyang nagawa kundi ang lumipad na patungong England.

Kating-kati rin siyang dumiretso sa nursery room para makita ang pamangkin nila. Nang marinig ni Warren ang malakas na pagsabog kanina halos manigas siya nang makita niyang nagmumula yun sa floor kung nasaan si Monique at ang anak niya.

“Doc, we are going home. I want their safety, they are not safe here.” saad ni Anthony sa doctor ni Monique. Nakahiga sa isang kama si Monique dahil tinitingnan ng mga doctor ang tahi niya. Muli nilang tinahi yun dahil bumuka nang pinilit niyang tumakbo.

Karga-karga naman ni Warren ang bata.

“But she’s not fully heal, we still need to monitor her.” wika ng doctor pero umiling si Anthony. Desidido na siyang iuwi ang kapatid at pamangkin niya dahil hindi siya mapapanatag lalo na sa nangyari.

“No, I can pay you triple but I need to take them home. Don’t worry doc, we will pay you just name your price. Visit her in our house,” seryosong saad ni Anthony. Wala namang nagawa ang doctor kundi ang payagan na ilabas na si Monique.

Inihatid ng ambulance si Monique sa bahay nila. Gustong masiguro ni Anthony na ligtas ang kapatid at pamangkin niya, na walang mangyayari sa kanilang dalawa.

Tulalang nanunuod sa TV si Warren tungkol sa balitang nagkaroon ng sunog sa hospital.

“Ibig bang sabihin na sa nursery room talaga nagsimula ang sunog?” nagtatakang tanong ni Warren.

“Maybe,” sagot naman ni Anthony.

Hindi nila alam kung sunog ba talaga o kung sinadya ba ang sunog.

Napabuntong hininga na lang sila nang malaman nila kung ilang mga sanggol ang namatay sa sunog at ilan lang ang mga nakaligtas. Ang mga nakaligtas lang ay ang mga sanggol na inilabas ng mga magulang nila. May mga nurse ding nadamay at dahil sa malakas ang apoy, walang nakalabas na mga nurse na nasa nursery room.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status