Natutuwa ang mga dati nilang katulong na muli siyang makita. Ang laki na ng pinagbago niya dahil dati para lang siyang bata, isang dalaginding na walang ibang pinapakinggan kundi ang sarili niya lang.“Mamala, Lolodad!” tawag ni Brylle sa mga Lolo at Lola niya.“Oh my God, nandito na ang apo ko.” excited ding wika ni Arianna saka niya sinalubong si Brylle at pinaliguan ito ng halik sa noo.“I miss you so much, my little one. How are you? Ang laki-laki mo na.” niyakap niya ang apo niya at nanunuod lang naman si Monique. Ang Daddy niya naman ang sumalubong sa kaniya.“Kumusta ang prinsesa ko? Are you okay now?” nangungulila ang tinig niyang tanong sa nag-iisang prinsesa ng mga Sandejas. Dinama ni Monique ang mainit at mahigpit na yakap sa kaniya ng kaniyang ama.“I’m fine Dad, I’m not a baby anymore,” wika niya. Ngumiti naman ang ama niya sa kaniya saka ito kumalas sa pagkakayakap niya sa anak.“I’m happy that you’re back, I’m sorry if we can’t visit you there often.” Ngumiti naman si M
Hindi maalis ni Aidan ang paningin niya kay Monique na seryoso na ngayon ang mga tingin. Matapang ding sinalubong ni Monique ang mga titig ni Aidan sa kaniya. Ramdam ni Aidan ang malaking pagbabago kay Monique dahil sa paraan pa lang ng mga titig nito sa kaniya.Unang sumuko si Aidan sa titig ni Monique dahil hindi niya na makayang masalubong ang mga yun. Ang babaeng sinaktan niya ilang taon na ang nakalilipas ay nasa harapan niya na ngayon. Ang buong akala niya ay hindi niya na makikita pa si Monique lalo na ng malaman niyang wala na ito sa bansa.Kitang-kita ni Aidan sa mga mata ni Monique ang pagiging seryoso niya, hindi na siya yung babaeng nakilala niya noon na tila ba walang ibang kayang gawin sa buhay.Hilaw na natawa si Mrs. De Chavez, ang ina ni Aidan nang makita niya si Monique.“Are you kidding? Tell me that you’re kidding.” Saad niya pero seryoso lang siyang tiningnan ni Monique.“Do you think I would come here for no reason? You are waiting for a major shareholder of your
Nang makauwi si Monique sa bahay nila, nagulat na lang siya nang makita niya ang mga Uncle niya na naghihintay sa kaniya. Seryosong nakatingin ang mga ito sa kaniya at mukhang siya ang hinihintay. Hinanap na muna ni Monique ang anak niya kung nasaan dahil nandito na ang Kuya niya.“Pinasama ko na muna kay Tita Loleth sa mall si Brylle.” Saad ni Anthony dahil halata namang si Brylle ang hinahanap niya.“Please sit down,” seryosong wika ng Tito Mason niya, isang gobernador. Mukhang alam na ni Monique kung anong pag-uusapan nila ngayon. Naupo na siya at mag-isa niya lang sa isang sofa habang nasa harap niya naman ang mga Tito niya. Nasa gilid naman ang mga pinsan niya at mga magulang niya.“Meron ka bang dapat sabihin sa amin, Monique?” unang tanong ni Mason. Tahimik lang naman si Monique saka niya tiningnan ang Kuya niya. Napapahilot si Anthoney sa sintido niya dahil hindi niya na maintindihan ang kapatid niya.“Answer us Monique,” may diin na ring saad ng Tito Jacob niya, ang pinaka ma
Salubong pa rin ang mga kilay ni Aidan. Salita nang salita ang pamilya niya sa kaniya pero tila ba wala siyang naririnig dahil okupado ang isip niya tungkol kay Monique. Simula nang mahuli siya nito na katabi sa kama si Isabella, hindi niya na ito nakita, wala na siyang nabalitaan tungkol sa kaniya sa nakalipas na anim na taon.Nahilot ni Aidan ang sintido niya. Pinahanap niya noon si Monique dahil gusto niyang malaman kung okay lang ba siya o kung masaya na ba siya pero walang nangyari sa pagpapahanap niya dahil wala na pala sa bansa si Monique.“Aidan, nakikinig ka man lang ba sa amin?!” malakas na namang sigaw sa kaniya ng kaniyang ina. Wala ba siyang maririnig sa maghapon na ito kundi ang malakas na sigaw ng kaniyang ina?“Hindi pwedeng makuha ng babaeng yun ang lahat ng shares ng kompanya natin. Manang mana talaga siya sa Lolo niya, kinuha na nila ang kompanya noon sa Lolo mo at hinding hindi ko hahayaan na sa kaniya naman mapupunta ang kompanyang pinaghihirapan namin ng Daddy mo
Samantala naman ay nasa pool si Monique, enjoying swimming. Wala ang anak niya dahil iginala na naman siya ng mga Tito niya, hindi siya nag-aalala dahil mga pinsan niya ang kasama ng anak niya. Pabalik-balik lang ang paglalangoy niya sa napakalalim na tubig.“Hintayin niyo na lang po siya na umahon. Ihahatiran ko lang po kayo ng meryenda.” Saad ng isa sa mga katulong nina Monique. Napangiti naman ang lalaki saka muling tiningnan si Monique na lumalangoy pa rin.Nakaone piece lang siya at kitang kita ang kurba ng maganda niyang katawan. Nang mapagod si Monique sa kakalangoy niya ay umahon na siya. Dahan-dahan pa siyang napatingala sa taong nanunuod sa kaniya kanina pa.“Zamir?” gulat na saad ni Monique nang makita niya si Zamir. Natawa naman si Zamir at napakibit balikat.“Oh my God, it’s you.” anas pa ni Monique saka nagmadaling umahon sa tubig. Iniabot naman ni Zamir ang bathrobe ni Monique. Tuwang tuwang niyakap ni Monique si Zamir.“Bakit hindi ka nagsasabi na pupunta ka rito? Kara
Paggising ni Isabella kinabukasan hindi niya nakita si Aidan sa kama. Ngalay na ngalay din ang leeg niya dahil sa upuan siya nakatulog. Hindi man lang siya nagising ng madaling araw para sana nakalipat man lang sa kama. Hindi niya nakita sa kama si Aidan at tila hindi man lang yun nakusot. Bumaba ng kwarto si Isabella at hinanap ang ina ni Aidan para sana tanungin kung umuwi ba kagabi si Aidan. Nang makapasok siya ng kusina ay nakita niya si Aidan na kumakain na. “Where have you been? Saan ka natulog?” tanong ni Isabella kay Aidan. Patuloy lang namang kumakain si Aidan, tahimik na ang umaga niya huwag na sanang sirain pa ni Isabella. “Aidan, I’m asking you. Where did you sleep last night? Naghintay ako sayo sa kwarto mo pero hindi ka man lang umuwi?” mariing naipikit ni Aidan ang mga mata niya saka niya inis na tiningnan si Isabella. “Hindi ko sinabi sayo na hintayin mo ako o matulog sa kwarto ko. You’re not even my wife to ask me that. Isabella hindi pa lang kita asawa pero k
Hindi alam ni Monique kung bakit siya kinakabahan. Wala namang mangyayari ngayong gabi, dadalo lang naman sila ng party. “I didn’t know that you have a hidden beauty. Well, you’re really beautiful pero ibang iba pala ang ganda mo kapag nag-aayos ka.” Napapailing na lang si Monique. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o hindi. Nahihiya siya kapag ibang tao na ang pumupuri sa ganda niya. Matagal na silang magkakilala ni Zamir pero ngayon lang siya nito pinuri. “Puro ka kalokohan, let’s go.” Anas niya. Matamis namang napangiti si Zamir dahil kitang kita niya ang pamumula ng mga pisngi ni Monique. Nang makarating sila ay nauna nang bumaba si Zamir para mapagbuksan niya ng pintuan si Monique. Dahan-dahan ang pagbaba ni Monique habang nakaalalay sa kaniya si Zamir. Nakaheels na si Monique pero mas matangkad pa rin sa kaniya si Zamir. “Nagpatahi ka pa ba ng gown mo?” tanong ni Zamir. Tiningnan ni Monique ang sarili niya dahil sa pagtataka. “Hindi, bakit? May mali ba?” tanong ni
Hindi na mapakali si Monique sa kinauupuan niya dahil ramdam na ramdam niya ang titig ni Aidan sa kaniya. Alam ni Monique na gusto rin siyang lapitan ni Aidan pero pinipigilan niya ang sarili niya dahil maraming tao sa paligid nila. Nang may dumaan na waiter na may dalang wine ay humingi siya ng isa saka niya iyun ininom. Nakatingin siya sa ibang direksyon pero kitang kita niya sa peripheral view niya na mariing nakatingin sa kaniya si Aidan. Nang hindi na matiis ni Monique ay inis niyang nilingon si Aidan at gaya ng nakikita niya sa peripheral view niya nakatingin sa kaniya si Aidan. “Wala ka bang magawa sa buhay mo? Wala ka bang ibang makausap dito para ako ang inisin mo?” anas niya. Mariing lang namang nakatingin sa kaniya si Aidan.“Is it a crime to stare at you?” hilaw na natawa si Monique sa sinabi ni Aidan. “Yes, it’s a crime lalo na kung hindi na komportable ang taong tinititigan mo. Boring ka ba sa buhay mo, huwag ako ang abalahin mo Aidan.” Masungit niyang saad. Ha