Share

Kabanata 4.2

Una nilang nakuha ang isang letter.

“If you get caught, take the medicines and your families will live in peace.” Anas sa letter. Ngayon, malinaw na sa kanila na may nag-utos sa kanila na patayin si Monique. Kung ganun, sino?

Nagkatinginan silang lahat, wala silang person of interes para gawin ang bagay na ito kay Monique.

“Kuya,” anas ni Monique. Nakaramdam siya ng takot dahil may tao na gusto siyang patayin.

“These people is foreigner Sir, they are not from in this country.” Wika ng pulis.

“Can we see them?” tanong ni Anthony. Iginiya naman sila kaagad ng pulis kung nasaan ang bangkay ng mga lalaki. Tiningnan nila ang mga itsura ng mga ito at alam nilang mga kapwa nila Pilipino ang mga lalaki.

“Nanggaling ang mga killer mo sa Pilipinas Monique.” Saad ni Warren habang nakatingin sila mga bangkay. Napalunok si Monique, nanahimik na sila pero bakit may taong galing sa sarili niyang bansa ang gusto siyang patayin?

Binalikan nila ang mga gamit ng mga lalaki. Mga pera ang laman ng bag at nang makita ni Monique ang isang bracelet ay napakunot siya ng noo. Tatlong taon na ang nakalipas pero hinding hindi niya makakalimutan ang itsura ng bracelet na ito at kung sino ang nagmamay-ari ng bracelet.

“Let’s go,” nagmamadaling wika ni Monique at nauna nang sumakay sa kotse. Nagtataka namang sumunod sa kaniya ang mga Kuya niya.

“Why? What happened? Anong meron sa bracelet?” nagtatakang tanong ni Arjel habang nasa byahe sila.

“Kilala ko ang bracelet na yun and I need to confirm it. Let’s go home,” wika niya na sinunod naman nila. Nagtataka sila kung sino ang nasa isip ni Monique para gawin sa kaniya ito. Tahimik na ang buhay niya at wala na siyang communication sa Pilipinas maliban sa mga magulang niya.

Nang makauwi sila, mabilis na tumayo si Nigel para kumustahin ang mga pinsan niya.

“What happened?” tanong niya kaagad. Napansin niya ang sugat ni Monique sa braso.

“What happened to her?” tanong niya sa mga pinsan niyang lalaki nang lampasan siya ni Monique.

“Someone tried to kill her,” sagot ng kambal niyang si Arjel.

“What the fuck,” napapamurang wika na lang ni Nigel. Hinintay nila si Monique na bumaba dahil mukhang may kinuha siya sa loob ng kwarto niya. Ilang minuto lang ang lumipas, dala-dala niya na ang laptop niya.

Naupo na siya sa tabi ng mga pinsan niya at binuksan ang laptop niya. Tahimik lang naman silang nakatingin din sa laptop ni Monique. Tinitingnan niya ang ilang mga image sa laptop niya at nang makita niya ang hinahanap niya tumigil na siya sa pagscroll.

Hawak-hawak ni Monique ang bracelet na galing sa mga gamit ng mga lalaki. Pinagkumpara niya ang nasa picture at ang hawak niyang bracelet.

“Si Isabella? She’s your bestfriend, right? Kaya paano niya magagawang ipapatay ka?” naguguluhang wika ni Warren.

“I don’t know but maybe it’s because of Aidan?” hindi niya rin siguradong wika. Napada/ing na lang siya nang kumirot ang sugat niya.

“Because of Aidan? Magbestfriend kayong dalawa at alam niyang ex mo siya.” anas na rin ni Arjel. Walang alam ang mga pinsan niya na si Isabella ang babaeng naabutan niya na katabi ni Aidan sa kama.

“Dahil si Isabella ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Aidan. Si Isabella ang naabutan ko noon na katabi ni Aidan sa kama. Matagal ko ng kilala si Isabella at kilalang kilala ko ang bracelet niya dahil palagi niya itong suot noon pero ang hindi ko maintindihan, bakit?” naguguluhan na ring wika ni Monique.

Nagulat ang mga pinsan niya at ang Kuya niya sa isiniwalat ni Monique. Naikuyom ni Monique ang kamao niya. May kinalaman din ba si Isabella sa pagkakaroon ng sunog sa nursery kung nasaan ang anak niya?

Kung pinalampas niya ang nangyari sa sunog na yun hindi niya palalampasin ang nangyari ngayon. Nananahimik na siya kaya bakit pa ba nila ginugulo ang buhay niya? Wala naman na siyang pakialam sa mga buhay nila.

Wala na ring pakialam si Monique kung ang magkakatuluyan man ay si Isabella at Aidan. Masaya na siya kasama ng anak niya. Hinahamon nila si Monique pwes hindi niya aatrasan ang mga ito.

“Why didn’t you tell this to me?” seryosong wika ni Anthony. Tinutulungan niya ang kapatid niya pero nagagawan pa rin siya nito na lihiman.

“Dahil ayaw ko ng pag-usapan pa, ayaw ko ng palakihin pa at ayaw ko ng isipin pang nagawa akong traydurin ng dalawang taong pinagkatiwalaan ko pero kung totoo ngang may kinalaman si Isabella sa mga nangyayari sa akin dito sa England hindi ko ‘to palalampasin. Kapag napatunayan kong may kinalaman din siya sa sunog sa nursery sa hospital—“

“What will you do?” blangkong sabat ni Anthony. Hindi niya nagugustuhan ang pagiging seryoso ng kapatid niya.

“Anong gusto mong gawin ko Kuya? Manahimik at maghintay na lang kung kailan sila magtatagumpay? Yun ba ang gusto mo na gawin ko? May taong gusto akong patayin at ngayong hindi siya nagtagumpay paniguradong hindi siya dun titigil. Hindi ako pwedeng manuod lang at maghintay sa gagawin nila sa akin. Paano kung ang anak ko naman ang patayin nila? Saka na lang ba ako kikilos?” seryoso niyang saad sa Kuya niya.

Natahimik ang mga pinsan niya dahil ngayon lang nagseryoso si Monique. Palagi silang nagbibiruan, isang mahinang babae ang tingin nila kay Monique kaya hindi sila sanay na nagagalit at nagiging seryoso ito sa harap nila.

“She has a point,” saad din ni Nigel. Hindi biro ang nangyari kay Monique sa araw na ito. Napatayo si Anthony at bahagyang lumayo. Nakapamaywang ang isa niyang kamay habang hinihilot niya ang sintido niya.

“Balak mong bumalik sa Pilipinas at hahanapin kung sino ang gustong pumatay sayo? Monique, nandito pa lang kayo pero delikado na paano na lang kapag umuwi ka ng Pilipinas? Mas madali ka nilang mapapatay. Nag-iisip ka ba?” hindi maitago ang galit ni Anthony.

Tumayo na rin si Monique at hinarap ang Kuya niya.

“Gusto mong magtago ako? Magtago kami ng anak ko?”

“Kung yun ang dapat Monique, kung dun kayo mas magiging ligtas bakit hindi?” inis na nasabunutan ni Monique ang sarili niya.

“Kuya, kung dito nga nahanap nila ako kaya possible ring mahanap nila ako kapag nagtago ulit ako. Ayaw kong nagtatago lang kami ng anak ko, ayaw kong tumatakbo sa isip ko na sa tuwing lumalabas kami ay baka may taong naghihintay na sa amin para patayin kami. This is a crime at gusto mong balewalain ko?”

Nakikinig lang ang mga pinsan nila habang nag-aaway silang magkapatid.

“Sa tingin mo ba magiging tahimik ang buhay ko kapag hinayaan ko lang? Alam mo naman kung gaano kami katahimik dito diba? Tapos dumating ang mga lalaking yun para patayin ako. Hindi pa nga natin sigurado kung totoo bang nasunog ang nursery o baka may taong sinadya yung sunugin.” Dagdag pa ni Monique.

Naiintindihan ni Anthony ang gustong mangyari ng kapatid niya. Natatakot lang din siya na baka mas lumala lang ang nangyayari sa kanila kapag pinayagan niyang umuwi ang mga ito ng Pilipinas.

“Magpapadalos-dalos ka sa magiging desisyon mo? Hindi ka pa nga sigurado kung totoo ba ang hinala mo.” saad pa rin ni Anthony. Ayaw pa rin niyang payagan ang kapatid niya.

“Sa tingin mo ba ako pa rin ang Monique na nakilala niyo sa maraming taon? Sa tingin niyo ba hindi magbabago ang isang tao? Kuya, hindi ko sinasabi na uuwi na ako kaagad ng Pilipinas at hindi rin ako kikilos ng padalos-dalos. Gusto ko munang pag-aralan ang lahat ng mga magiging plano ko. Ayaw kong bumalik ng Pilipinas na isang mahina at ang dating Monique na nakilala nila.” Napabuntong hininga si Anthony na tila ba sumusuko na sa kapatid niya.

Hinarap na ni Anthony si Monique at tiningnan ito ng diretso sa mga mata niya. Desidido na si Monique sa desisyon niya at kahit na pigilan niya ito mukhang wala naman siyang planong sundin ang Kuya niya.

“So, what’s your plan?” tanong na ni Anthony.

“Hindi ko pa alam pero pag-iisipan ko pa. Marami pa akong pag-aaralan.” Sagot niya at naupo na sa sofa.

Muli niyang tiningnan ang bracelet na alam niyang pagmamay-ari ni Isabella. Anong koneksyon ni Isabella sa mga lalaking nagtangka na patayin siya?

Pinatay ng mga lalaking yun ang mga sarili nila dahil sa pananakot ng kung sino man sa kanila. Hawak ng taong yun ang mga pamilya nila kaya mas pinili niyang mamatay. Paano nila natunton kung nasaan sila?

Posible kayang matagal na silang minamanmanan? Tahimik naman na siya at wala naman siyang ginagawa sa kanila.

Niresearch ni Monique si Isabella. Matagal na siyang mga walang balita sa kanila dahil pinutol niya na ang connection sa kanilang lahat.

“Engage na si Isabella at Aidan?” gulat na saad ni Monique. Hindi na dapat siya magugulat dun pero hindi pa rin niya naiwasan.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Merilyn Gandoy Silagan Barcelona
bakit kasi ang bilis maubos ang bunos
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status