Lumipas ang tatlong taon, masaya at tahimik naman nang namumuhay si Monique sa England, madalas naman siyang dalawin ng Kuya niya, mga magulang niya at ang mga kupal niyang pinsan.
“Come here little Sandejas,” nandito na naman ang lahat ng mga pinsan ni Monique at nilalaro nila ang dalawang taon niyang anak. Kahit papaano ay nakakalimutan na ni Monique si Aidan, ang mga taong nanakit sa kaniya. Bihira na lang maalala ni Monique si Aidan at si Isabella.Masaya rin naman ang anak niya dahil marami siyang maituturing na ama. Si Anthony ang tinatawag ng anak niyang Dada. Hinahayaan naman nila dahil si Anthony naman ang tumayong ama sa kaniya. Noong una ay itinatama ni Monique ang anak niya na Tito ang itawag niya kay Anthony pero kahit anong gawin niya Dada pa rin ang tawag niya kay Anthony kaya hinayaan na lang nila.“You’re still lucky huh? You are still our princess dahil lalaki ang anak mo. Kapag naging babae’to, good bye our princess.” Pagbibiro na namang saad ni Arjel. Iniirapan na lang siya ni Monique.“Kuya, ako na talaga ang princess niyo forever. Nasa lahi natin ang puro lalaki ang mga anak kaya puro mga lalaki rin ang magiging anak niyo. Isinilang ako para maging princess ng mga Sandejas.”“Na—ahh,” umiiling anas ni Warren.“Our future girlfriend will be our princess.” Nang-aasar pa rin niyang saad. Ngumisi naman si Monique dahil hindi siya nagpapatalo sa tuwing inaasar siya ng mga pinsan niya.“Well, you’re wrong baby,” aniya na ikinatingin ng mga pinsan niyang lalaki. “Kahit si Kuya, ako pa rin ako magiging princess ng mga Sandejas, you wanna know why?” nakataas ang kilay niyang saad at confident na confident pa siya.“Why?” kuryosong tanong ni Nigel.“They will be a Sandejas because of marriage but not with blood. Papayag lang ako na magkakaroon na kayo ng kapalit ko as a princess of Sandejas kung nagkaroon kayo ng mga anak na babae.” Kindat niyang aniya na ikinailing na lang ng mga pinsan niya. Kahit kailan talaga nakakahanap siya ng dahilan.“Okay, fine, fine, we lose. You are our princess forever,” natatawa na lang na wika ni Warren. Hinawi naman ni Monique ang buhok niya dahil hindi siya magpapatalo sa mga pinsan niya.“Dada, milk,” anas ni Brylle kay Anthony habang dala-dala ni Brylle ang dede-an niya.“Oh Dada Anthony, itimplahan mo na raw ng gatas ang mahal na prinsipe.” Saad ni Warren, napapailing na lang si Anthony dahil bakit ba siya ang paborito ng pamangkin niya na magtimple ng gatas niya? Kinuha ni Anthony ang milk bottle ni Brylle saka siya nagtungo ng kusina para magtimpla.Lumipas ang mga araw, naiwan ang anak ni Monique sa pangangalaga ng mga pinsan niya. Kailangan niyang pumasok sa trabaho dahil kahit na sinusupurtahan siya ng Kuya niya at ng mga magulang niya, ayaw pa rin niyang iasa ang lahat ng pangangailan nilang mag-ina.Abala siyang nakatingin sa ipad niya, nirereview ang presentation niya ngayon. May mga negosyo sila pero wala siyang branch sa England kaya nagtatrabaho siya ngayon sa ibang kompanya na hindi sakop ng negosyo nila.Nabitiwan na lang ni Monique ang ipad niya at tumama ang ulo niya sa likod ng isang upuan nang may bigla na lang bumangga sa sasakyan nila. Hindi niya naramdaman ang sakit dahil sa gulat. Iniangat niya kaagad ang ulo niya tingnan kung anong nangyari.“What happened?” tanong ni Monique sa driver niya.“Someone hit us Ma’am,” sagot naman nito. Tiningnan ni Monique ang bumangga sa kanila pero napalunok na lang siya nang makita niyang may lalaking lumabas sa kotse at kitang-kita niya ang hawak nitong baril.“Let’s go,” saad niya sa driver niya. “Faster, let’s go! Someone trying to kill us!” nagpapanik niya ng wika. Mabilis namang sinunod ng driver ang utos ni Monique kahit na nahihilo pa siya dahil tumama sa manubela ang ulo niya.Napasigaw na lang s Monique nang sundan sila ng mga lalaki at sunod-sunod na pinaputukan ang kotse nila. Mabilis niyang kinuha ang cell phone niya at tumawag ng pulis. Hindi simpleng aksidente lang ang nangyari sa kanila kanina dahil plano talaga nilang patayin si Monique.Matapos niyang tawagan ang mga pulis ay tinawagan na rin niya ang Kuya niya.“Kuya please help us, someone is trying to kill us! Tinatahak pa rin namin ang daan papuntang office—aaahhh!” malakas na sigaw ni Monique nang tamaan siya sa braso.“Monique!” nag-aalalang sigaw ni Anthony. Rinig niya sa kabilang linya ang sunod-sunod na paputok ng mga baril.“Damn it!” aniya saka mabilis na kinuha ang coat niya at lumabas ng bahay.“Huy, san ka pupunta?!” tanong ni Warren pero hindi na siya sinagot ni Anthony sa kakamadali niya.“Ma’am, are you okay?” nag-aalala na ring tanong ng driver niya. Hawak-hawak ni Monique ang braso niyang may tama ng baril. Hindi niya alam kung hanggang kailan nila matatakbuhan ang mga lalaking humahabol sa kanila.“Oh God, please help us.” Aniya na, natatakot na sa pwedeng mangyari sa kanila ng driver niya. Wala naman siyang nakakaaway, tahimik naman na ang buhay niya sa nakalipas na tatlong taon pero bakit nangyayari ito sa kaniya? Bakit may taong gusto siyang patayin? She don’t understand. Ano bang ginawa niya para gawin ito sa kaniya?Wala siyang tinatapakang ibang tao, wala siyang maalala na may nagawa siyang kasalanan. Nablangko na si Monique nang tamaan ng bala ang gulong ng sasakyan nila. Tumigil na ang sasakyan nila.“Ma’am you need to escape now, just leave me here.” saad ng driver niya pero tila ba wala ng naririnig si Monique. Nakatulala na lang siyang nakatingin sa lalaking papunta na sa kanila at dala-dala ang baril na gagamitin para patayin siya.“Ma’am please run now!” sigaw ng driver niya pero tila ba naparalyzed na ang katawan ni Monique, hindi na siya makagalaw. Naghihintay na lang ng kamatayan niya, iniisip niya ang anak niya pero kahit na gusto niyang tumakbo hindi niya maigalaw ang katawan niya.Hindi na kumukurap ang mga mata niyang nakatingin sa lalaking papunta sa kanila. Nakatulala na lang siya. Ang akala niya ay magiging katapusan niya na ng may mga pulis nang dumating at sunod-sunod na pinaputukan ang lalaking papunta sa kaniya.Napayuko na lang si Monique sa takot niyang tamaan siya.“Monique!” sigaw ni Anthony nang makarating siya. Mabilis niyang binuksan ang pintuan kung nasaan si Monique. Inalalayan niyang bumaba ang kapatid niya at napamura na lang siya nang makita niya ang dugo sa braso niya.“Excuse me Sir but we need to take her in the hospital.” Saad ng babaeng nasa medic team.“Kuya,” nanginginig pa rin ang tinig ni Monique. Sumama naman si Anthony sa ambulansya para bantayan ang kapatid niya at masigurong maihahatid ito ng ligtas sa hospital. Hindi niya alam kung bakit ito nangyayari sa kapatid niya. May tao bang gustong mawala sa mundo ang nag-iisang babae sa Sandejas?Pinatigil na muna ng mga medic ang pagdurugo ng braso ni Monique.“What happened? Why someone is after you?” tanong ni Anthony sa kapatid.“I don’t know Kuya, nasa byahe pa lang kami nang may bigla na lang bumangga sa kotse and when I saw that one of the man have a gun umalis na kami pero hinabol kami at sunod-sunod na pinaputukan ng baril kaya ako tinamaan sa braso. Mabuti na lang at dumating kaagad ang mga pulis dahil kung hindi baka maabutan niyo na lang kaming wala ng buhay sa loob ng kotse.” Pagkwekwento niya.Sa sobrang pag-aalala ni Anthony ay niyakap niya ang kapatid niya. Lumayo sila sa Pilipinas, ilang taon ng hindi umuuwi ang kapatid niya pero bakit parang hindi ligtas ang kapatid niya sa bansang ito?Naidala nila sa hospital si Monique at tinanggal ang bala sa loob ng braso niya. Hindi naman nagtagal ang operasyon dahil hindi naman masyadong malalim ang tama niya. Inilipat siya kaagad sa recovery room at nandun na rin kaagad ang mga pinsan niya. Naiwan si Nigel para bantayan ang pamangkin nila.“Are you okay now? Hindi ka ba nahihilo?” nag-aalalang tanong ni Warren nang magising na si Monique mula sa operasyon.“Don’t worry Kuya, I’m okay. Kumusta yung mga taong sinusubukan akong patayin? Nahuli ba sila?” unang tanong ni Monique.“Oo, hawak na sila ng mga pulis ngayon. Pupuntahan namin sila mamaya.” Sagot ni Anthony.“Sasama ako Kuya,” kung wala lang dinaramdam na sakit ang kapatid ni Anthony baka sabay-sabay na nila itong binatukan.“Pwede ba Monique, tingnan mo naman ang nangyari sayo. You need to stay here para magpagaling.” Anas ni Arjel.“I’m okay, Kuya this is a serious and I need to know why they want to kill me. Buhay ko ang pinag-uusapan dito. I understand na gusto niyo lang naman akong protektahan but I’m not a kid anymore para iasa sa inyo ang lahat at maghintay na lang ng balita mula sa inyo.” seryoso niyang saad sa mga Kuya niya.Nagkatinginan naman silang lahat sa isa’t isa at napabuntong hininga na lang si Anthony.“Let her,” suko niyang saad. Alam ni Anthony na hindi na bata ang kapatid niya na palagi na lang nagtatago sa kanila sa tuwing natatakot siya. Nang araw na yun ay lumabas din ng hospital si Monique, may personal doctor naman sila para puntahan siya sa bahay nila.Dumiretsi silang lahat sa prisinto at una nilang tinanong ang tungkol sa mga lalaking gustong pumatay kay Monique.“I’m sorry to say this Sir but they are all dead. They took the medicines that ended their lives. This is what we got from their things.” Saad ng isang pulis at ibinigay sa kanila ang mga gamit na nakuha sa mga killer ni Monique.Una nilang nakuha ang isang letter. “If you get caught, take the medicines and your families will live in peace.” Anas sa letter. Ngayon, malinaw na sa kanila na may nag-utos sa kanila na patayin si Monique. Kung ganun, sino? Nagkatinginan silang lahat, wala silang person of interes para gawin ang bagay na ito kay Monique. “Kuya,” anas ni Monique. Nakaramdam siya ng takot dahil may tao na gusto siyang patayin. “These people is foreigner Sir, they are not from in this country.” Wika ng pulis. “Can we see them?” tanong ni Anthony. Iginiya naman sila kaagad ng pulis kung nasaan ang bangkay ng mga lalaki. Tiningnan nila ang mga itsura ng mga ito at alam nilang mga kapwa nila Pilipino ang mga lalaki. “Nanggaling ang mga killer mo sa Pilipinas Monique.” Saad ni Warren habang nakatingin sila mga bangkay. Napalunok si Monique, nanahimik na sila pero bakit may taong galing sa sarili niyang bansa ang gusto siyang patayin? Binalikan nila ang mga gamit ng mga lalaki. Mga pera ang la
Pinag-aralan ni Monique ang mga dapat niyang pag-aralan. Nagresearch na rin siya sa mga nangyayari sa buhay ni Aidan lalo na ni Isabella. Posible kayang alam ni Isabella ang tungkol sa anak nila ni Monique at Aidan?Kung alam niya, anong kinalaman ni Isabella sa nangyaring sunog sa nursery tatlong taon na ang nakalilipas.Unang-unang pinag-aralan ni Monique ay ang tungkol sa negosyo. Nagpaturo na rin siya sa Kuya niya para alam niya ang bawat takbo sa loob ng isang kompanya.“Kasama ba ito sa paghihiganti mo?” kuryosong tanong ni Anthony habang tinuturuan niya ang kapatid niya. “Saka anong gagawin mo sa perang hiniram mo sa akin? Sobrang laki nun Monique, saan mo ba gagamitin?” dagdag pa niyang tanong.“Don’t worry Kuya hindi ko yun gagamitin sa walang kabuluhang bagay. Malalaman mo rin sa susunod kung bakit ko pinag-aaralan ang negosyo.” Pagpapaliwanag niya. Napapabuntong hininga na lang si Anthony.Sa ilang buwan niyang tinuturuan ang kapatid niya malaki na rin ang improvement niya.
Natutuwa ang mga dati nilang katulong na muli siyang makita. Ang laki na ng pinagbago niya dahil dati para lang siyang bata, isang dalaginding na walang ibang pinapakinggan kundi ang sarili niya lang.“Mamala, Lolodad!” tawag ni Brylle sa mga Lolo at Lola niya.“Oh my God, nandito na ang apo ko.” excited ding wika ni Arianna saka niya sinalubong si Brylle at pinaliguan ito ng halik sa noo.“I miss you so much, my little one. How are you? Ang laki-laki mo na.” niyakap niya ang apo niya at nanunuod lang naman si Monique. Ang Daddy niya naman ang sumalubong sa kaniya.“Kumusta ang prinsesa ko? Are you okay now?” nangungulila ang tinig niyang tanong sa nag-iisang prinsesa ng mga Sandejas. Dinama ni Monique ang mainit at mahigpit na yakap sa kaniya ng kaniyang ama.“I’m fine Dad, I’m not a baby anymore,” wika niya. Ngumiti naman ang ama niya sa kaniya saka ito kumalas sa pagkakayakap niya sa anak.“I’m happy that you’re back, I’m sorry if we can’t visit you there often.” Ngumiti naman si M
Hindi maalis ni Aidan ang paningin niya kay Monique na seryoso na ngayon ang mga tingin. Matapang ding sinalubong ni Monique ang mga titig ni Aidan sa kaniya. Ramdam ni Aidan ang malaking pagbabago kay Monique dahil sa paraan pa lang ng mga titig nito sa kaniya.Unang sumuko si Aidan sa titig ni Monique dahil hindi niya na makayang masalubong ang mga yun. Ang babaeng sinaktan niya ilang taon na ang nakalilipas ay nasa harapan niya na ngayon. Ang buong akala niya ay hindi niya na makikita pa si Monique lalo na ng malaman niyang wala na ito sa bansa.Kitang-kita ni Aidan sa mga mata ni Monique ang pagiging seryoso niya, hindi na siya yung babaeng nakilala niya noon na tila ba walang ibang kayang gawin sa buhay.Hilaw na natawa si Mrs. De Chavez, ang ina ni Aidan nang makita niya si Monique.“Are you kidding? Tell me that you’re kidding.” Saad niya pero seryoso lang siyang tiningnan ni Monique.“Do you think I would come here for no reason? You are waiting for a major shareholder of your
Nang makauwi si Monique sa bahay nila, nagulat na lang siya nang makita niya ang mga Uncle niya na naghihintay sa kaniya. Seryosong nakatingin ang mga ito sa kaniya at mukhang siya ang hinihintay. Hinanap na muna ni Monique ang anak niya kung nasaan dahil nandito na ang Kuya niya.“Pinasama ko na muna kay Tita Loleth sa mall si Brylle.” Saad ni Anthony dahil halata namang si Brylle ang hinahanap niya.“Please sit down,” seryosong wika ng Tito Mason niya, isang gobernador. Mukhang alam na ni Monique kung anong pag-uusapan nila ngayon. Naupo na siya at mag-isa niya lang sa isang sofa habang nasa harap niya naman ang mga Tito niya. Nasa gilid naman ang mga pinsan niya at mga magulang niya.“Meron ka bang dapat sabihin sa amin, Monique?” unang tanong ni Mason. Tahimik lang naman si Monique saka niya tiningnan ang Kuya niya. Napapahilot si Anthoney sa sintido niya dahil hindi niya na maintindihan ang kapatid niya.“Answer us Monique,” may diin na ring saad ng Tito Jacob niya, ang pinaka ma
Salubong pa rin ang mga kilay ni Aidan. Salita nang salita ang pamilya niya sa kaniya pero tila ba wala siyang naririnig dahil okupado ang isip niya tungkol kay Monique. Simula nang mahuli siya nito na katabi sa kama si Isabella, hindi niya na ito nakita, wala na siyang nabalitaan tungkol sa kaniya sa nakalipas na anim na taon.Nahilot ni Aidan ang sintido niya. Pinahanap niya noon si Monique dahil gusto niyang malaman kung okay lang ba siya o kung masaya na ba siya pero walang nangyari sa pagpapahanap niya dahil wala na pala sa bansa si Monique.“Aidan, nakikinig ka man lang ba sa amin?!” malakas na namang sigaw sa kaniya ng kaniyang ina. Wala ba siyang maririnig sa maghapon na ito kundi ang malakas na sigaw ng kaniyang ina?“Hindi pwedeng makuha ng babaeng yun ang lahat ng shares ng kompanya natin. Manang mana talaga siya sa Lolo niya, kinuha na nila ang kompanya noon sa Lolo mo at hinding hindi ko hahayaan na sa kaniya naman mapupunta ang kompanyang pinaghihirapan namin ng Daddy mo
Samantala naman ay nasa pool si Monique, enjoying swimming. Wala ang anak niya dahil iginala na naman siya ng mga Tito niya, hindi siya nag-aalala dahil mga pinsan niya ang kasama ng anak niya. Pabalik-balik lang ang paglalangoy niya sa napakalalim na tubig.“Hintayin niyo na lang po siya na umahon. Ihahatiran ko lang po kayo ng meryenda.” Saad ng isa sa mga katulong nina Monique. Napangiti naman ang lalaki saka muling tiningnan si Monique na lumalangoy pa rin.Nakaone piece lang siya at kitang kita ang kurba ng maganda niyang katawan. Nang mapagod si Monique sa kakalangoy niya ay umahon na siya. Dahan-dahan pa siyang napatingala sa taong nanunuod sa kaniya kanina pa.“Zamir?” gulat na saad ni Monique nang makita niya si Zamir. Natawa naman si Zamir at napakibit balikat.“Oh my God, it’s you.” anas pa ni Monique saka nagmadaling umahon sa tubig. Iniabot naman ni Zamir ang bathrobe ni Monique. Tuwang tuwang niyakap ni Monique si Zamir.“Bakit hindi ka nagsasabi na pupunta ka rito? Kara
Paggising ni Isabella kinabukasan hindi niya nakita si Aidan sa kama. Ngalay na ngalay din ang leeg niya dahil sa upuan siya nakatulog. Hindi man lang siya nagising ng madaling araw para sana nakalipat man lang sa kama. Hindi niya nakita sa kama si Aidan at tila hindi man lang yun nakusot. Bumaba ng kwarto si Isabella at hinanap ang ina ni Aidan para sana tanungin kung umuwi ba kagabi si Aidan. Nang makapasok siya ng kusina ay nakita niya si Aidan na kumakain na. “Where have you been? Saan ka natulog?” tanong ni Isabella kay Aidan. Patuloy lang namang kumakain si Aidan, tahimik na ang umaga niya huwag na sanang sirain pa ni Isabella. “Aidan, I’m asking you. Where did you sleep last night? Naghintay ako sayo sa kwarto mo pero hindi ka man lang umuwi?” mariing naipikit ni Aidan ang mga mata niya saka niya inis na tiningnan si Isabella. “Hindi ko sinabi sayo na hintayin mo ako o matulog sa kwarto ko. You’re not even my wife to ask me that. Isabella hindi pa lang kita asawa pero k
AIDAN’S POV Sa nakalipas na mga taon napakarami naming pinagdaanan. Simula nang umalis si Monique at wala na akong balita kung saang bansa na siya nananatili, pakiramdam ko pati ang mundo ko ay bumagsak but I need to endure all the pain that I am feeling dahil ang ginawa kong pananakit sa kaniya ay para rin sa kaniya. Alam naman naming hindi kami bibigyan ng basbas ng mga pamilya namin para sa relasyon naming dalawa. Alam kong willing si Monique na iwan niya ang pamilya niya para sa akin pero ayaw kong gawin niya yun, ayaw kong iwan niya ang magandang buhay na nakasanayan niya. Wala siyang pakialam kahit na anong maging buhay naming dalawa pero ayaw kong danasin niya ang hirap. Kinailangan kong magsinungaling sa kaniya that I cheated on her para siya na ang kusang lumayo sa akin dahil kung pipiliin niyang sumama sa akin hindi ko maibibigay sa kaniya ang magandang buhay dahil nakaasa pa rin ako sa mga magulang ko, wala pa akong kakayahan na buhayin siya sa isang marangyang buhay. Gu
Nang matapos ang audition ay lumabas na silang lahat. Buhat-buhat ni Aidan ang anak niya because they both miss each other.“I'm glad you came here po. I have two daddies,” tuwang-tuwang saad ni Brylle sa kaniyang ama. Nilapitan naman ni Monique si Zamir.“Sumama ka muna sa amin sa shop. Nagpaluto ako ng makakain sa mga staff. Kay Kuya na nga pala ako sasabay na pumunta dun. Si Brylle naman ay gustong sumakay kay Aidan. Is it okay for you?” natawa lang si Zamir saka niya tiningnan si Monique. Ginulo pa niya ang buhok ni Monique na ikinanguso naman nito.“Nag-aalala ka ba dahil baka masaktan ako? Monique, I already accept it and it’s okay for me kung saan ka sasabay at si Brylle. Huwag mo akong isipin dahil okay lang ako, I’m perfectly okay, okay?” aniya dahil hindi naman talaga kailangang mag-alala ni Monique sa kaniya. He’s okay at tanggap niya na kung hanggang saan lang siya sa buhay ni Monique at ni Brylle.Mas gusto pa rin niyang makitang masaya si Monique at Brylle kesa sa masasa
Dumating ang araw ng audition ni Brylle. Nakipagsiksikan si Aidan sa harap para makita niya ng malapitan ang anak niya. Nasa likod naman ng stage si Zamir at Monique para may kasama si Brylle habang hindi pa siya ang pumapasok sa stage.Inayos ni Monique ang kwelyo ni Brylle saka niya sinuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri niya.“Huwag ka lang kakabahan baby okay? Isipin mo lang na nasa practice ka lang. Is your finger okay?” tiningnan ni Monique ang mga daliri ni Brylle para macheck kung wala ba itong sugat. Piano ang gagamiting instrument ni Brylle habang kumakanta.May organist naman para sa kanila na mag-o-audition pero mas gusto ni Brylle na siya ang tutogtog ng piano para sa auditon niya.“I’m okay Mom, don’t worry po.” Sagot ni Brylle saka niya tiningnan ang Daddy Zamir niya. Tipid niya itong nginitian. Ang mga ngiti niyang hindi man lang umabot sa tenga niya, para bang may gusto siyang makita, para bang may iba siyang hinihintay pero hindi na siya umaasa na makikita pa n
Naging tahimik na silang dalawa at naging seryoso na sa mga ginagawa nila. Mabilis din ang bawat kilos ni Aidan na para bang master na master niya na ang pagbebake. Hindi maiwasan ni Monique na hindi lingunin ang ginagawa ni Aidan.Talaga bang nag-aral siya sa pagbebake? Base pa lang naman sa bilis nang kilos niya mukha namang marunong nga talaga siya.“Nangongopya ka ba?” si Aidan naman ang nagtanong nun kaya inirapan siya ni Monique.“Hindi ko kailangang mangopya. Gusto ko lang makasiguro na tama nga ang ginagawa mo at hindi ka lang nagsasayang ng mga ingredients.” Saad niya naman. Ilang oras silang nakatayo para makagawa ng maraming baked Alaska at para may maidisplay na rin sila sa shop nila.Dahil mag-isa lang lang ni Monique na gumagawa ng baked Alaska ay hindi nagtatagal ang stock nila.Makalipas ang ilang oras ay nakatapos din silang dalawa. Napangiti na lang si Monique dahil marami-rami na rin ang nagawa nilang dalawa pero hindi pa rin nila naaabot ang pieces na order sa kani
Simula ng magpakita si Aidan kay Monique ay palagi na rin itong pumupunta sa shop niya.“Three lemon-blueberry mini cheesecake cupcakes and one hot chocolate, please.” Hindi pa man tinitingnan ni Monique kung sino ang customer niya ngayon alam niya na kung sino dahil sa boses pa lang nito.Inis niyang tiningnan si Aidan na nasa harapan niya, matamis pa itong nakangiti at may dala-dala na naman siyang isang pirasong rosas. Sa araw-araw na pagbisita niya sa shop ni Monique ay mapupuno na ng mga rosas ang vase na pinaglalagyan niya.“Kailan ka pa naging mahilig sa sweets? Araw-araw kang kumakain dito, hindi ba sumasakit ngipin mo?” inis na wika ni Monique saka niya inasikaso ang order ni Aidan. Nakangiti lang naman si Aidan na tinititigan ang naiinis na mukha ni Monique.“You’re beautiful as always. Araw-araw naman na kitang nakikita pero bakit mas lalo kang gumaganda? Ginagayuma mo ba ako?” hilaw na natawa si Monique. Namumula na rin ang pisngi niya dahil sa pagpupuri ni Aidan sa kaniy
Aalis ba si Zamir? Iiwan niya na ba silang mag-ina? Nasasaktan niya na ba si Zamir at gusto niya ng lumayo? Sa iniisip ni Monique ay nasasaktan siya. Nasanay na rin siya na nandyan palagi si Zamir para sa kanilang mag-ina pero alam niyang hindi habang buhay ay mananatili si Zamir sa kanila lalo na at kailangan niya rin magkaroon ng sariling pamilya.“Why are you saying this?” mahinang tanong ni Monique. Oo, hindi niya magawang mahalin pabalik si Zamir pero masasaktan siya kapag iniwan niya na silang mag-ina. Tumingin na lang sa ibang direksyon si Monique dahil bakit nga ba niya pipigilan si Zamir para umalis sa buhay nilang dalawa ni Brylle?Zamir deserves to be happy.“I am not saying this to say goodbye. Mananatili pa rin ako sa tabi niyo ni Brylle dahil siya ang naging panganay ko, ipinaramdam niya sa akin kung paano maging ama. Mananatili pa rin akong kaibigan mo Monique at hindi dahil susuko na ako sa pagmamahal ko sayo ay lalayuan ko na kayo. Ayaw ko lang na makita kang nasasakt
9 months later, siyam na buwan na rin ang nakalipas simula nang iwan nina Monique ang Pilipinas. Madalas naman silang bisitahin ng Kuya niya at ng mga pinsan niya. Kapag nasa New York ang mga Kuya ni Monique ay sila ang sumasama kay Brylle sa tuwing may event ito.Ilang buwan na lang din ay idadaos na ang 7th birthday ni Brylle pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita si Monique. Ayaw naman niyang tanungin ang Kuya niya o ang mga pinsan niya dahil iba na naman ang iisipin nila.Sa nakalipas na buwan mukhang nasanay naman na si Brylle na hindi siya kinakamusta o binibisita ng kaniyang ama. Masaya naman na siya at para bang hindi na siya umaasa na pupuntahan siya ng kaniyang ama pero kahit na ganun nasasaktan pa rin si Monique para sa anak niya lalo na at idadaos na nila ang pang 7th birthday niya.Anim na taon na hindi naging present si Aidan sa mga birthday ni Brylle, naitatanong na lang ni Monique sa sarili niya kung makakapunta ba si Aidan kahit sa birthday na lang ng anak nila.
Naupo silang dalawa kung saan nakapwesto si Brylle.“Daddy Zamir are you available this coming Saturday po?” tanong ni Brylle. Inisip naman ni Zamir kung may tatamaan ba siyang schedule sa sabado.“Yes, I think wala naman kaming masyadong gagawin this weekend. Why do you ask?”“Let’s skate po, can we Mom? Wala rin po akong klase sa Saturday.” Anas ni Brylle. Hindi alam ni Monique kung talaga bang into sports, music and arts si Brylle o kung dun sa paraan na lang niya nililibang ang sarili niya para hindi isipin ang Daddy niya.Naging mahilig lang sa music at sports ang anak niya nang lumipat sila ng New York. Ang arts naman ay matagal niya ng talent at libangan yun.“Kung available ang Daddy Zamir mo, why not?”“Let’s have a date, matagal ko na rin kayong hindi nailalabas eh. Pwede mo namang iwan ang shop mo sa mga staff mo, right?” saad ni Zamir. Inisip naman ni Monique ang sinabi ni Zamir. Wala naman sigurong masama kung magbonding sila minsan lalo na at lahat sila ay nakafocus sa m
Lumipas ang kalahating taon, lahat sila ay abala sa kaniya-kaniya nilang mga buhay. Patuloy na pinapalago ni Aidan ang kompanya nila dahil ayaw niyang sayangin ang ibinigay na tiwala sa kaniya ni Monique.Sa loob ng anim na taon na yun, hindi niya nakita ang anak niya o nakausap man lang ito. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya kay Brylle, gusto niya haharapin niya ang anak niya na nasa maayos na siyang sitwasyon.Hanggang ngayon pinatutunayan niya ang sarili niya, tinutupad niya ang lahat ng mga pangarap niya at ang lahat ng mga gusto ni Monique para sa kaniya. Mas naging abala siya nang maupo siya bilang chairman. Halos linggo-linggo rin ang paglipad niya patungong iba’t ibang bansa for their business.Gusto niyang maging maayos ang lahat para sa kinabukasan ng anak nila ni Monique. Malapit na, konti na lang ang titiisin niya at makikita at makakasama niya na rin ang mag-ina niya at kapag naging maayos na ang lahat pamilya niya naman ang aayusin niya.Samantala naman ay nagkaroo