Dumating ang araw ng audition ni Brylle. Nakipagsiksikan si Aidan sa harap para makita niya ng malapitan ang anak niya. Nasa likod naman ng stage si Zamir at Monique para may kasama si Brylle habang hindi pa siya ang pumapasok sa stage.Inayos ni Monique ang kwelyo ni Brylle saka niya sinuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri niya.“Huwag ka lang kakabahan baby okay? Isipin mo lang na nasa practice ka lang. Is your finger okay?” tiningnan ni Monique ang mga daliri ni Brylle para macheck kung wala ba itong sugat. Piano ang gagamiting instrument ni Brylle habang kumakanta.May organist naman para sa kanila na mag-o-audition pero mas gusto ni Brylle na siya ang tutogtog ng piano para sa auditon niya.“I’m okay Mom, don’t worry po.” Sagot ni Brylle saka niya tiningnan ang Daddy Zamir niya. Tipid niya itong nginitian. Ang mga ngiti niyang hindi man lang umabot sa tenga niya, para bang may gusto siyang makita, para bang may iba siyang hinihintay pero hindi na siya umaasa na makikita pa n
Nang matapos ang audition ay lumabas na silang lahat. Buhat-buhat ni Aidan ang anak niya because they both miss each other.“I'm glad you came here po. I have two daddies,” tuwang-tuwang saad ni Brylle sa kaniyang ama. Nilapitan naman ni Monique si Zamir.“Sumama ka muna sa amin sa shop. Nagpaluto ako ng makakain sa mga staff. Kay Kuya na nga pala ako sasabay na pumunta dun. Si Brylle naman ay gustong sumakay kay Aidan. Is it okay for you?” natawa lang si Zamir saka niya tiningnan si Monique. Ginulo pa niya ang buhok ni Monique na ikinanguso naman nito.“Nag-aalala ka ba dahil baka masaktan ako? Monique, I already accept it and it’s okay for me kung saan ka sasabay at si Brylle. Huwag mo akong isipin dahil okay lang ako, I’m perfectly okay, okay?” aniya dahil hindi naman talaga kailangang mag-alala ni Monique sa kaniya. He’s okay at tanggap niya na kung hanggang saan lang siya sa buhay ni Monique at ni Brylle.Mas gusto pa rin niyang makitang masaya si Monique at Brylle kesa sa masasa
AIDAN’S POV Sa nakalipas na mga taon napakarami naming pinagdaanan. Simula nang umalis si Monique at wala na akong balita kung saang bansa na siya nananatili, pakiramdam ko pati ang mundo ko ay bumagsak but I need to endure all the pain that I am feeling dahil ang ginawa kong pananakit sa kaniya ay para rin sa kaniya. Alam naman naming hindi kami bibigyan ng basbas ng mga pamilya namin para sa relasyon naming dalawa. Alam kong willing si Monique na iwan niya ang pamilya niya para sa akin pero ayaw kong gawin niya yun, ayaw kong iwan niya ang magandang buhay na nakasanayan niya. Wala siyang pakialam kahit na anong maging buhay naming dalawa pero ayaw kong danasin niya ang hirap. Kinailangan kong magsinungaling sa kaniya that I cheated on her para siya na ang kusang lumayo sa akin dahil kung pipiliin niyang sumama sa akin hindi ko maibibigay sa kaniya ang magandang buhay dahil nakaasa pa rin ako sa mga magulang ko, wala pa akong kakayahan na buhayin siya sa isang marangyang buhay. Gu
Patingin-tingin sa paligid si Monique kung nasa salas ba ang pamilya niya. Nang hindi niya naman makita ang mga ito ay dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto niya. Ilang araw na siyang hindi pinapayagan na lumabas dahil grounded siya. Tumakas na naman siya noong nakaraang linggo para makipagkita kay Aidan, Aidan is her boyfriend pero nahuli sila ng Kuya niya at isinumbong siya sa mga magulang nila kaya grounded siya. Hindi siya pwedeng lumabas kahit saan siya pumunta. Dumaan siya sa likod ng bahay nila pero mabilis siyang nagtago sa likod ng pader nang makita niyang may gwardya dun. Maaaring nalaman na ng mga magulang niya kung saan siya dumadaan sa tuwing tumatakas siya. Bumalik siya at nagtungo sa isa pang dinadaanan niya. Napangiti na lang siya nang wala siyang makitang tao sa paligid. Nagtatago siya sa mga naglalakihang halaman at nang makarating siya sa pader, hinanap niya ang ladder na itinatago niya sa gilid ng puno. Isinandal niya na ito sa pader at mabilis na umakyat. M
Nang maging maayos ang kalagayan ni Monique ay iniuwi na siya sa kanila. Hindi pa rin siya umiimik dahil masakit pa rin sa kaniya ang nangyari. Nalaman niya na ring dinadala niya ang anak nila ni Aidan but he don’t deserve to know about this. Nagmahal siya pero hindi siya tanga para gamitin ang baby niya para lang balikan siya ni Aidan. Ayaw niyang babalikan lang siya ni Aidan para sa baby at hindi rin ipapaalam ni Monique ang tungkol sa pagbubuntis niya. Nalaman niya rin na binugbog ni Anthony at ng mga pinsan niya si Aidan. Sapat na yun na paghihiganti sa pananakit niya. “What is your plan now? Monique, nag-iisip ka ba?” galit ding saad ni Warren, pinsan nila. Pinoproblema nila ang pagbubuntis ni Monique dahil nahaluan na ng dugo ng mga De Chavez ang mga Sandejas. “Alam mo naman na mortal na kaaway ng pamilya natin ang pamilya nila. Sinabihan ka na una pa lang na layuan na ang Aidan na yan pero bakit naman nagpabuntis ka pa?!” sabat din ni Nigel. Kaharap ni Monique ang mga p
Dumating na ang araw ng kapanganakan ni Monique at ilang oras na siyang naglalabor. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya, nanghihina ang buong katawan niya at hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya. “I’m tired yaya,” nanghihina niyang saad kay Yaya Marie. Malamig sa bansa pero halos maligo na sa pawis si Monique. Hirap na hirap na siya sa panganganak niya. “Doc, wala pa rin po ba kayong gagawin sa kaniya?” nag-aalalang tanong ni Yaya Marie pero hindi naman siya naintindihan ng doctor dahil tagalog ang lengwahe niya. Chineck ng doctor si Monique at isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Ilang oras ng nasa hospital si Monique pero hindi pa rin lumalabas ang baby niya.“It’s still 2 cm,” anas ng doctor kaya umalis na naman siya. “Aaaahhhh!” malakas na sigaw ni Monique dahil hirap na hirap na siya sa paglalabor niya. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya. Hindi niya alam kung magtatagal pa ba siya ng ilang oras. “Yaya,” hinihingal na saad ni Anthony nang makarating siya sa
Marami na ang nagtatakbuhan palabas ng building. Tiningnan ni Monique kung saan nanggagaling ang apoy. “No, please.” Anas niya nang makita niyang malapit sa nursery ang sunog. “Ang baby ko,” aniya at dahan-dahan na naglakad papunta sa nursery dahil dun nanggagaling ang sunod. “Ma’am, we need to get out in the hospital now!” saad ng nurse sa kaniya pero inalis ni Monique ang pagkakahawak sa kaniya ng nurse. “I need my son, I need to get him out here!” saad niya at pinilit na puntahan ang anak niyang nasa nursery. “Excuse me, where’s exactly the fire?” tanong niya sa isang babaeng nagmamadali ring lumabas. “In the nursery room,” mabilis niyang sagot saka muling tumakbo. Halos manghina si Monique sa narinig. Wala siyang ibang iniisip kundi ang anak niya. “My baby,” para bang nanlamig ang buong katawan niya thinking that she can’t save her son. Masakit man ang tahi niya at unti-unti na rin yung bumubuka wala siyang pakialam dahil mas mahalaga sa kaniya ang buhay at kaligtasa
Lumipas ang tatlong taon, masaya at tahimik naman nang namumuhay si Monique sa England, madalas naman siyang dalawin ng Kuya niya, mga magulang niya at ang mga kupal niyang pinsan. “Come here little Sandejas,” nandito na naman ang lahat ng mga pinsan ni Monique at nilalaro nila ang dalawang taon niyang anak. Kahit papaano ay nakakalimutan na ni Monique si Aidan, ang mga taong nanakit sa kaniya. Bihira na lang maalala ni Monique si Aidan at si Isabella. Masaya rin naman ang anak niya dahil marami siyang maituturing na ama. Si Anthony ang tinatawag ng anak niyang Dada. Hinahayaan naman nila dahil si Anthony naman ang tumayong ama sa kaniya. Noong una ay itinatama ni Monique ang anak niya na Tito ang itawag niya kay Anthony pero kahit anong gawin niya Dada pa rin ang tawag niya kay Anthony kaya hinayaan na lang nila. “You’re still lucky huh? You are still our princess dahil lalaki ang anak mo. Kapag naging babae’to, good bye our princess.” Pagbibiro na namang saad ni Arjel. Iniirap