Patingin-tingin sa paligid si Monique kung nasa salas ba ang pamilya niya. Nang hindi niya naman makita ang mga ito ay dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto niya. Ilang araw na siyang hindi pinapayagan na lumabas dahil grounded siya.
Tumakas na naman siya noong nakaraang linggo para makipagkita kay Aidan, Aidan is her boyfriend pero nahuli sila ng Kuya niya at isinumbong siya sa mga magulang nila kaya grounded siya. Hindi siya pwedeng lumabas kahit saan siya pumunta.Dumaan siya sa likod ng bahay nila pero mabilis siyang nagtago sa likod ng pader nang makita niyang may gwardya dun. Maaaring nalaman na ng mga magulang niya kung saan siya dumadaan sa tuwing tumatakas siya.Bumalik siya at nagtungo sa isa pang dinadaanan niya. Napangiti na lang siya nang wala siyang makitang tao sa paligid. Nagtatago siya sa mga naglalakihang halaman at nang makarating siya sa pader, hinanap niya ang ladder na itinatago niya sa gilid ng puno.Isinandal niya na ito sa pader at mabilis na umakyat. May kataasan ang pader nila kaya palagi siyang buwis buhay sa pagtakas niya mapuntahan niya lang si Aidan. Ilang araw niya na rin kasing hindi natatawagan si Aidan, wala rin siyang nareceive na mga text from Aidan kaya naisipan niyang puntahan ito sa condo niya.“Ahhhh,” da/ing niya nang magasgasan ang mga palad niya. Mabuti na lang at nakapants siya kaya hindi nagasgasan ang tuhod niya. Nang makita ni Monique ang isang sasakyan na papalapit sa bahay nila ay mabilis siyang tumakbo paalis dahil kotse yun ng Kuya niya. Malalagot na naman siya kapag nahuli siya nito sa pagtakas niya.Nang makalabas siya ng subdivision ay sumakay siya kaagad sa taxi patungo sa condo ni Aidan. Balot na balot ang katawan niya para walang makakilala sa kaniya in case na may makasalubong siya sa mga pinsan niyang lalaki.Napangiti na lang siya nang makarating siya ng condo ni Aidan. She really miss him so much. Ano ba kasi ang ginawa nito sa nakalipas na araw para hindi magparamdam, ni text o tawag wala man lang natanggap si Monique.Nang makarating siya sa harap ng kwarto ni Aidan, inalis niya na muna ang pants at jacket niya. Masyado na kasing mainit. Hindi na siya kumatok dahil alam niyang tulog pa ng ganitong oras ang boyfriend niya. Alam niya naman ang passcode kaya nakakapasok lang siya.Mabuti na lang at nakatakas siya ngayon, susulitin niya na ang mga oras na makakasama niya ngayong araw si Aidan dahil pag-uwi niya paniguradong galit na naman ng pamilya niya ang maririnig niya.Pumasok na siya sa loob ng kwarto ni Aidan, dahan-dahan pa ang pagbukas niya ng pintuan pero naglaho ang lahat ng mga ngiting yun nang makita niyang may kasama si Aidan sa kama. Nanigas siya sa kinatatayuan niya, hindi niya makita ang mukha ng babaeng katabi ni Aidan.Napatingin na lang si Monique sa nagkalat na mga damit sa sahig. Hindi niya alam kung anong gagawin niya, hindi siya makagalaw, tila wala ring mga salita ang lumalabas sa bibig niya. Habang tumatagal na nakatingin siya kay Aidan mas lalo niyang nararamdaman ang sakit at napoproseso niya na sa utak niya kung anong nangyayari at kung anong maaaring nangyari sa kanila kagabi.Gumalaw sa pagkakahiga niya si Aidan at dahan-dahan na iminulat ang mga mata niya. Napahawak pa siya sa ulo niya ng pumintig yun sa sakit. Napatingin na lang si Aidan sa pintuan ng marinig niya ang isang hikbi.Halos bumalikwas siya sa pagkakahiga niya nang makita niya si Monique na nasa harapan niya na.“Monique,” gulat niyang tawag dito. Gumalaw na rin ang katabi ni Aidan at tiningnan yun ni Monique. Hindi niya alam kung saan ba siya nagkamali. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi siya tinatawagan ni Aidan? Pagod na ba siya sa relasyon nila lalo na sitwasyon ng mga pamilya nila?“Bakit?” tanging lumabas sa bibig ni Monique. Hindi alam ni Aidan kung saan siya kukuha ng sagot. Napatingin na rin si Aidan sa kama niya at nanlaki rin ang mga mata niya nang makita niyang may katabi na siya. Hindi niya alam kung anong nangyari kagabi dahil ang alam niya lang ay nag-inom siya sa bar.“Aidan, bakit?” halos bulong na lang ang pagkakasabi ni Sandra nun. Wala siyang ibang tatanungin kung bakit ito nagawa sa kaniya ni Aidan, bakit siya nagawang lokohin ng lalaking paulit-ulit niyang ipinaglalaban sa pamilya niya?“What are you doing there?” paos na tanong ng babaeng katabi ni Aidan nang makita niya si Aidan na nakatayo lang. Namumungay pa ang mga mata niya nang bumangon siya pero tila nabuhusan siya ng tubig nang makita niya si Monique.Mas lalong kumirot ang dibdib ni Monique nang makita niya na kung sino ang babaeng kasama ni Aidan.“Paano niyo nagawa sa akin ‘to?” nasasaktang tanong ni Monique pero walang sumagot sa tanong niya dahil parehong gulat pa si Aidan at ang babaeng kasama niya.“Paano niyo ako nagawang lokohin?! Sagutin niyo ako!” malakas na sigaw ni Monique, napahagulgol na lang siya sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Gusto niyang sampalin si Aidan pero nanghihina siya, hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya.“Isabella, you’re my bestfriend pero bakit mo nagawang ahasin ang boyfriend ko?” umiiyak niyang saad. Hindi niya lubos maisip na ang dalawang taong mahalaga sa kaniya ay nagawa siyang saktan at lokohin.“What are you doing here?” malamig at blangkong tanong ni Aidan. Sa tinig niya tila ba walang karapatan si Monique na pumasok sa condo niya. Matagal nang pumapasok si Monique sa loob ng condo ni Aidan kahit hindi siya nagpapaalam dahil kusang ibinigay ni Aidan sa kaniya noon ang passcode ng condo niya.Hilaw na natawa si Monique.“What am I doing here? Sa pagkakaalala ko I’m your girlfriend, Aidan.” Saad niya pero nanatiling blangko ang mukha ni Aidan.“Is that a reason to come inside my room without my permission?”“Dahil una pa lang hindi naman na ako nagpapaalam sayo kapag papasok ako ng condo mo!” galit na sigaw ni Monique.“Aidan, please enough.” Sabat na ni Isabella, nahihiya siya kay Monique dahil bestfriend niya ang nasasaktan niya ngayon. Hilaw namang tumawa si Monique nang magsalita si Isabella.“I thought that you’re my bestfriend, I treat you more than a sister tapos ito lang ang gagawin mo sa’kin? Anong ginawa ko sayo Isabella para gawin mo sa’kin ‘to?” napapaigting na lang si Aidan sa tuwing humihikbi si Monique pero wala ng atrasan sa pinag-iisipan niya sa loob ng ilang araw.He needs to break up with Monique pero hindi niya alam kung paano niya ito hihiwalayan at ngayon na may matindi ng dahilan, paniguradong si Monique na mismo ang makikipaghiwalay sa kaniya.Hindi sumagot si Isabella sa tanong ni Monique, iniyuko niya lang ang ulo niya habang hawak-hawak ang kumot para takpan ang katawan niya.“Aidan, wala naman tayong problema. Pinaglaban kita sa pamilya ko kahit na nasasakta ko na sila pinili pa rin kita pero bakit mo nagawa sa’kin ‘to?!” halos mahirapan na sa paghinga si Monique dahil naninikip na ang didbib niya. Humagulgol na siya dahil ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya mapuntahan lang si Aidan tapos ganito ang maaabutan niya, ganito ang masasaksihan niya?Gustong lapitan ni Aidan si Monique lalo na nang muntik mawalan ng balanse si Monique. Nanginginig ang mga tuhod niya pero pinilit niyang maging malakas. Ayaw niyang kaawaan lang siya ng mga taong trumaydor sa kaniya.“Monique, I know that you’re aware about the situation of our family.” Umiiyak na tumawata na si Monique.“Y-Yun lang?” her voice cracked. “Aidan pinaglaban kita kahit ang hirap-hirap, minahal kita kahit alam kong imposible na magkakaayos pa ang mga pamilya natin. Paulit-ulit akong nakipag-away sa pamilya ko para sayo. Ang tagal na natin tapos ngayon mo lang yan sasabihin?!”“Hindi kita pinilit na ipaglaban mo ako.”“P@tang inang dahilan mong yan Aidan! P@tang ina mo! Oo, hindi mo ako pinilit pero nangako kang gagawin mo ang lahat para tayong dalawa ang maging ending kahit na ayaw tayong tanggapin ng mga pamilya natin kaya ko pinili na ipaglaban ka!” hindi na nakaimik si Aidan. Malaki ang pagpipigil niya sa sarili niya para lapitan si Monique.He needs to continue this dahil lalo lang silang mahihirapan kung maraming hadlang sa relasyon nilang dalawa.Libo-libong kutsilyo ang tila nararamdaman ni Monique sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay unti-unti na siyang pinapatay. Halos hindi niya na makita ng malinaw si Isabella at si Aidan dahil sa mga luha niya.“I hate you, you jerk.” Mahina niyang wika, ramdam mo ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Tinalikuran na ni Monique si Isabella at si Aidan saka siya lumabas ng condo ni Aidan. Sa bawat hakbang niya ramdam niya ang bigat ng nararamdaman niya.Ang sakit-sakit, para bang pinipiga ang puso niya sa sobrang sakit.“Gago ka ba?! Bakit mo sinabi yung mga yun?!” sigaw ni Isabella kay Aidan nang makaalis na si Monique.“Ako lang ba ang nanakit sa kaniya? What are you doing in my room, anyway? Get out.” Malamig na saad ni Aidan saka siya pumasok sa banyo niya para maligo. Tila ba nawala ang epekto ng alak sa katawan niya sa nangyari.Para ng zombie kung maglakad si Monique. Pinagtitinginan na siya ng mga taong nakakakita sa kaniya pero wala siyang pakialam dahil walang makakaintindi ng sakit na nararamdaman niya. Humahagulgol na siya kahit na nasa public place pa siya.Gusto niya ng umuwi, gusto niya nang makauwi sa kanila. Alam niyang pagagalitan siya ng pamilya niya, sana pala nakinig na lang siya sa pamilya niya. Tama nga sila lolokohin lang siya ni Aidan, si Aidan na pinagkatiwalaan niya higit pa sa pamilya niya.Nang makalabas ng building si Monique ay napaupo na lang siya sa gilid ng pader. Niyakap niya ang mga tuhod niya at humagulgol na. Halos mahirapan na siyang makahinga. Pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng malay sa sobrang panghihina niya.Napapatingin sa kaniya ang mga taong napapadaan pero hindi naman nila ito nilapitan. Kung ganito lang din pala ang magiging katapusan ng relasyon nila sana pala sinunod niya na lang ang mga magulang niya. Matagal na silang pinaghihiwalay pero pinili niyang ipaglaban ang pagmamahal niya kay Aidan kahit na ang nagiging kapalit nito ay sampal ng kaniyang ina.Ang akala niya susundan siya ni Aidan, ang akala niya ay hahabulin siya ni Aidan para bawiin ang mga sinabi niya at magpapaliwanag sa nangyari sa kanila ni Isabella pero nagkamali siya dahil mas lalo siyang nasaktan nang hindi siya sinundan ni Aidan.Ilang minuto siyang nanatili sa labas ng building ng condo ni Aidan pero hindi niya ito nakitang lumabas. Nang tumahan na siya at medyo kumalma na ang nararamdaman niya ay umalis na siya. Nag-abang na siya ng taxi at nagpahatid sa bahay nila.Habang nasa byahe siya ay hindi niya na naman mapigilan ang pag-iyak niya. Muli niyang niyakap ang mga tuhod niya na parang batang iniwan ng isang ina. Napapatingin naman sa kaniya ang driver saka niya inabutan ng tissue si Monique.Wala namang imik si Monique na tinanggap ang tissue at pinunasan ang mga luha niya. Tumigil na siya sa pag-iyak niya nang makapasok na sila ng subdivision. Hindi siya pwedeng makita ng pamilya niya na umiiyak.Kung dati natatakot siya sa tuwing bumabalik siya mula sa pagkakatakas niya sa bahay nila, ngayon wala siyang maramdaman kahit katiting na takot dahil mas nangingibabaw ang sakit sa puso niya. Papasok pa lang siya sa loob nila ng marinig niya na ang ingay ng pamilya niya.“Ano bang silbi na binantayan niyo siya kung natakasan din kayo?!” rinig niya sa sigaw ng kaniyang ina. Naabutan niya ang pamilya niyang nasa sofa at hinahanap siya.“I will find her, alam ko naman kung saan siya pwedeng pumunta.” Saad ng kaniyang Kuya. Paalis na siya nang mapahinto siya. Nakita niya si Monique na nasa likuran na nila.“Where have you been?” tanong sa kaniya ng Kuya niya pero hindi sumagot si Monique. Lumingon na rin ang mga magulang ni Monique sa kaniya.“Saan ka na naman ba nagpunta?! Monique hindi ka na bata para paulit-ulit ka naming paalalahanan! Where have you been?” galit na galit na sigaw sa kaniya ng kaniyang ina.“I want to rest, please.” Walang gana niyang saad at akmang lalampasan na sana ang Kuya niya nang hawakan siya sa braso ni Anthony.“Sagutin mo kami Monique, saan ka galing?” seryosong tanong sa kaniya ng Kuya niya. Hinarap ni Anthony ang kapatid at iniangat ang baba ni Monique para malinaw niyang makita ang mukha ng kapatid.“Did you cry?” tila ba biglang lumambot ang tinig ni Anthony dahil bakas sa mukha ni Monique na umiyak siya.“Monique, answer me.” may diin niya ng wika pero hindi pa man nakakasagot si Monique nang muli siyang umiyak.“Damn it!” anas ni Anthony at niyakap si Monique. Nagagalit siya sa kapatid niya pero hindi niya ito kayang makitang umiiyak at nasasaktan.Nagtataka na rin ang mga magulang niya kung anong nangyari. Tumakas ito tapos babalik siya nang umiiyak?“What happened? Tell me, my little princess.” Malambing na saad ng Kuya niya pero nagpatuloy ang paghagulgol ni Monique at mas lalong isiniksik ang sarili niya sa bisig ng Kuya niya. Hinaplos ni Anthony ang buhok ni Monique para pakalmahin ito.Napaupo na lang ang mga magulang ni Monique sa sofa at hinintay na lang siyang kumalma para malaman nila kung ano bang nangyari sa kaniya.“Sabihin mo sa akin kung anong nangyari, please, para alam ko kung anong gagawin ko.” patuloy na wika ni Anthony. Hirap na hirap nang huminga si Monique dahil barado na ang ilong niya.“Aidan cheated on me,” umiiyak niyang sagot. Napaigting ang panga ni Anthony at naikuyom ang mga kamao niya. Napahilot naman ang ina nila sa sintido niya.“Matagal na naming sinasabi sayo na iwan mo na siya, nakinig ka ba? Monique, hindi pwedeng maging kayo dahil pamilya nila ang pumatay sa Lolo mo? Bakit ba hindi mo yun maintindihan tapos uuwi ka ngayon at iiyak-iyak sa harap namin? It’s your fault!” sawang-sawa na rin ang kaniyang ina na pagsabihan si Monique.“Mom, enough.” Saad ni Anthony sa kaniyang ina. Palagi mang nagagalit si Anthony kay Monique pero hindi niya ito matiis kapag umiyak na siya.“Monique, Monique!” nag-aalala ng saad ni Anthony nang mawalan ng malay si Monique mabuti na lamang at naalalayan niya ito kaagad.Napatayo na rin ang mga magulang nila para lapitan ang magkapatid.“Dad, the car!” anas ni Anthony. Nagmadali na ring lumabas ang kanilang ama para ilabas ang sasakyan nila. Binuhat naman ni Anthony si Monique para idala ito sa hospital. Nakasunod naman sa kanila ang ina nila.“What happend?” nagtatakang tanong ni Warren, pinsan nina Anthony at Monique. Hindi naman na siya nasagot ni Anthony dahil nagmamadali na siyang isakay sa kotse si Monique para idala sa hospital.“Hindi naman tayo nagkulang ng panenermon sa kaniya pero bakit ang tigas ng ulo ng kapatid mo, Anthony! You spoiled her too much kaya malakas ang loob na suwayin tayo dahil kinakampihan mo rin siya kapag umiyak na siya!” nagagalit pa ring saad ng kanilang ina pero nag-aalala para sa anak niya.Idinala nila sa hospital si Monique, chineck naman siya kaagad ng mga doctor at naghintay sila sa waiting area. Nakakuyom ang mga kamao ni Anthony, gusto niyang suntukin ang mukha ni Aidan hanggang sa magsawa siya pero ayaw niyang iwan si Monique.Sa Aidan na lang palagi ang dahilan kung bakit nasasaktan at nahihirapan ang kapatid niya. Minahal siya ni Monique tapos niloloko lang siya nito?Napatingin na lang ang mag-asawa kay Anthony nang suntukin ni Anthony ang pader.“Anthony, ano bang ginagawa mo?!” galit na sigaw sa kaniya ng kaniyang ina.“I will kill that bastard, papatayin ko talaga siya! How dare him to hurt Monique? She’s the princess in our family. We never hurt her tapos ang lakas ng loob niyang saktan at lokohin lang ang kapatid ko?!” nanggagalaiting saad ni Anthony.Hindi naman masisisi ng mga magulang nila si Anthony dahil mahal na mahal niya ang kapatid niya. Nag-iisang babae sa buong angkan nila si Monique kaya ganun na lang ang pag-iingat sa kaniya ng pamilya niya at ng mga pinsan niyang lalaki.“Please calm down iho, let’s think about Monique first.” Pagpapakalma sa kaniya ng kaniyang ama.“Look what you did to yourself, oh God, Anthony.” Anas ng kaniyang ina nang tumulo ang dugo sa kamao ni Anthony sa sahig.“Nurse, excuse me.” tawag ni Arianna sa nurse na padaan sana sa kanila.“Yes Ma’am?” sagot nito.“Can you clean his wounds?” saad niya saka niya itinuro ang kamay ng anak niya. Tumango naman ang nurse at nilapitan si Anthony. Nahihiya pa ang babaeng nurse dahil sa gwapo at lakas ng dating ni Anthony.“Gamutin lang po natin ang sugat niyo Sir,” saad ng nurse. Naupo naman na si Anthony saka niya hinayaan ang nurse na linisin ang sugat niya. Nang matapos linisin ay umalis din kaagad ang nurse.Hindi nagtagal ay lumabas na ang doctor na nag-asikaso kay Monique.“How is she?” tanong ni Anthony.“She’s fine, napagod lang siya and she’s pregnant.” Hindi nakapagsalita ang pamilya ni Monique nang malaman nilang buntis siya.“That jerk,” may diing saad ni Anthony.“Anthony, where are you going?!” sigaw ng kaniyang ina sa kaniya nang bigla itong umalis pero dire-diretsong umalis si Anthony. Ang expression ng mukha niyang tila ba ano mang oras ay may mapapatay siya.Pinuntahan ni Anthony si Aidan sa condo nito. Kumatok na muna si Aidan at nang bumukas ang pintuan ay mabilis na pumasok si Anthony at pinagsusuntok si Aidan. Sa lakas ng suntok ni Anthony, napaupo na lang si Aidan sa sahig.“What the hell is your problem?!” sigaw ni Aidan kay Anthony. Wala siyang ibang magawa kundi ang harangan ang bawat suntok sa kaniya ni Anthony.“Matagal na akong nagtitimpi sayong gagong ka, anong karapatan mo para saktan ang kapatid ko?!” galit na galit niyang sigaw. Buong lakas na itinulak ni Aidan si Anthony saka siya tumayo. Pinunasan niya ang dugong nalalasahan niya sa gilid ng labi niya.Naiintindihan niya ang galit ni Anthony sa kaniya.“Pinaglaban ka niya tapos lolokohin mo lang siya?! Fuck you!” gumuguhit na ang litid ni Anthony sa leeg niya dahil sa galit. Blangko lang naman ang mukha ni Aidan.“You should celebrate it, ito yung gusto niyo para sa amin diba? Ito yung matagal na hinihingi sa akin ng pamilya niyo, ang iwan ko si Monique at ngayong ginawa ko magagalit kayo? Saan ba ako lulugar?” ani naman ni Aidan.Nang maging maayos ang kalagayan ni Monique ay iniuwi na siya sa kanila. Hindi pa rin siya umiimik dahil masakit pa rin sa kaniya ang nangyari. Nalaman niya na ring dinadala niya ang anak nila ni Aidan but he don’t deserve to know about this. Nagmahal siya pero hindi siya tanga para gamitin ang baby niya para lang balikan siya ni Aidan. Ayaw niyang babalikan lang siya ni Aidan para sa baby at hindi rin ipapaalam ni Monique ang tungkol sa pagbubuntis niya. Nalaman niya rin na binugbog ni Anthony at ng mga pinsan niya si Aidan. Sapat na yun na paghihiganti sa pananakit niya. “What is your plan now? Monique, nag-iisip ka ba?” galit ding saad ni Warren, pinsan nila. Pinoproblema nila ang pagbubuntis ni Monique dahil nahaluan na ng dugo ng mga De Chavez ang mga Sandejas. “Alam mo naman na mortal na kaaway ng pamilya natin ang pamilya nila. Sinabihan ka na una pa lang na layuan na ang Aidan na yan pero bakit naman nagpabuntis ka pa?!” sabat din ni Nigel. Kaharap ni Monique ang mga p
Dumating na ang araw ng kapanganakan ni Monique at ilang oras na siyang naglalabor. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya, nanghihina ang buong katawan niya at hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya. “I’m tired yaya,” nanghihina niyang saad kay Yaya Marie. Malamig sa bansa pero halos maligo na sa pawis si Monique. Hirap na hirap na siya sa panganganak niya. “Doc, wala pa rin po ba kayong gagawin sa kaniya?” nag-aalalang tanong ni Yaya Marie pero hindi naman siya naintindihan ng doctor dahil tagalog ang lengwahe niya. Chineck ng doctor si Monique at isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Ilang oras ng nasa hospital si Monique pero hindi pa rin lumalabas ang baby niya.“It’s still 2 cm,” anas ng doctor kaya umalis na naman siya. “Aaaahhhh!” malakas na sigaw ni Monique dahil hirap na hirap na siya sa paglalabor niya. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya. Hindi niya alam kung magtatagal pa ba siya ng ilang oras. “Yaya,” hinihingal na saad ni Anthony nang makarating siya sa
Marami na ang nagtatakbuhan palabas ng building. Tiningnan ni Monique kung saan nanggagaling ang apoy. “No, please.” Anas niya nang makita niyang malapit sa nursery ang sunog. “Ang baby ko,” aniya at dahan-dahan na naglakad papunta sa nursery dahil dun nanggagaling ang sunod. “Ma’am, we need to get out in the hospital now!” saad ng nurse sa kaniya pero inalis ni Monique ang pagkakahawak sa kaniya ng nurse. “I need my son, I need to get him out here!” saad niya at pinilit na puntahan ang anak niyang nasa nursery. “Excuse me, where’s exactly the fire?” tanong niya sa isang babaeng nagmamadali ring lumabas. “In the nursery room,” mabilis niyang sagot saka muling tumakbo. Halos manghina si Monique sa narinig. Wala siyang ibang iniisip kundi ang anak niya. “My baby,” para bang nanlamig ang buong katawan niya thinking that she can’t save her son. Masakit man ang tahi niya at unti-unti na rin yung bumubuka wala siyang pakialam dahil mas mahalaga sa kaniya ang buhay at kaligtasa
Lumipas ang tatlong taon, masaya at tahimik naman nang namumuhay si Monique sa England, madalas naman siyang dalawin ng Kuya niya, mga magulang niya at ang mga kupal niyang pinsan. “Come here little Sandejas,” nandito na naman ang lahat ng mga pinsan ni Monique at nilalaro nila ang dalawang taon niyang anak. Kahit papaano ay nakakalimutan na ni Monique si Aidan, ang mga taong nanakit sa kaniya. Bihira na lang maalala ni Monique si Aidan at si Isabella. Masaya rin naman ang anak niya dahil marami siyang maituturing na ama. Si Anthony ang tinatawag ng anak niyang Dada. Hinahayaan naman nila dahil si Anthony naman ang tumayong ama sa kaniya. Noong una ay itinatama ni Monique ang anak niya na Tito ang itawag niya kay Anthony pero kahit anong gawin niya Dada pa rin ang tawag niya kay Anthony kaya hinayaan na lang nila. “You’re still lucky huh? You are still our princess dahil lalaki ang anak mo. Kapag naging babae’to, good bye our princess.” Pagbibiro na namang saad ni Arjel. Iniirap
Una nilang nakuha ang isang letter. “If you get caught, take the medicines and your families will live in peace.” Anas sa letter. Ngayon, malinaw na sa kanila na may nag-utos sa kanila na patayin si Monique. Kung ganun, sino? Nagkatinginan silang lahat, wala silang person of interes para gawin ang bagay na ito kay Monique. “Kuya,” anas ni Monique. Nakaramdam siya ng takot dahil may tao na gusto siyang patayin. “These people is foreigner Sir, they are not from in this country.” Wika ng pulis. “Can we see them?” tanong ni Anthony. Iginiya naman sila kaagad ng pulis kung nasaan ang bangkay ng mga lalaki. Tiningnan nila ang mga itsura ng mga ito at alam nilang mga kapwa nila Pilipino ang mga lalaki. “Nanggaling ang mga killer mo sa Pilipinas Monique.” Saad ni Warren habang nakatingin sila mga bangkay. Napalunok si Monique, nanahimik na sila pero bakit may taong galing sa sarili niyang bansa ang gusto siyang patayin? Binalikan nila ang mga gamit ng mga lalaki. Mga pera ang la
Pinag-aralan ni Monique ang mga dapat niyang pag-aralan. Nagresearch na rin siya sa mga nangyayari sa buhay ni Aidan lalo na ni Isabella. Posible kayang alam ni Isabella ang tungkol sa anak nila ni Monique at Aidan?Kung alam niya, anong kinalaman ni Isabella sa nangyaring sunog sa nursery tatlong taon na ang nakalilipas.Unang-unang pinag-aralan ni Monique ay ang tungkol sa negosyo. Nagpaturo na rin siya sa Kuya niya para alam niya ang bawat takbo sa loob ng isang kompanya.“Kasama ba ito sa paghihiganti mo?” kuryosong tanong ni Anthony habang tinuturuan niya ang kapatid niya. “Saka anong gagawin mo sa perang hiniram mo sa akin? Sobrang laki nun Monique, saan mo ba gagamitin?” dagdag pa niyang tanong.“Don’t worry Kuya hindi ko yun gagamitin sa walang kabuluhang bagay. Malalaman mo rin sa susunod kung bakit ko pinag-aaralan ang negosyo.” Pagpapaliwanag niya. Napapabuntong hininga na lang si Anthony.Sa ilang buwan niyang tinuturuan ang kapatid niya malaki na rin ang improvement niya.
Natutuwa ang mga dati nilang katulong na muli siyang makita. Ang laki na ng pinagbago niya dahil dati para lang siyang bata, isang dalaginding na walang ibang pinapakinggan kundi ang sarili niya lang.“Mamala, Lolodad!” tawag ni Brylle sa mga Lolo at Lola niya.“Oh my God, nandito na ang apo ko.” excited ding wika ni Arianna saka niya sinalubong si Brylle at pinaliguan ito ng halik sa noo.“I miss you so much, my little one. How are you? Ang laki-laki mo na.” niyakap niya ang apo niya at nanunuod lang naman si Monique. Ang Daddy niya naman ang sumalubong sa kaniya.“Kumusta ang prinsesa ko? Are you okay now?” nangungulila ang tinig niyang tanong sa nag-iisang prinsesa ng mga Sandejas. Dinama ni Monique ang mainit at mahigpit na yakap sa kaniya ng kaniyang ama.“I’m fine Dad, I’m not a baby anymore,” wika niya. Ngumiti naman ang ama niya sa kaniya saka ito kumalas sa pagkakayakap niya sa anak.“I’m happy that you’re back, I’m sorry if we can’t visit you there often.” Ngumiti naman si M
Hindi maalis ni Aidan ang paningin niya kay Monique na seryoso na ngayon ang mga tingin. Matapang ding sinalubong ni Monique ang mga titig ni Aidan sa kaniya. Ramdam ni Aidan ang malaking pagbabago kay Monique dahil sa paraan pa lang ng mga titig nito sa kaniya.Unang sumuko si Aidan sa titig ni Monique dahil hindi niya na makayang masalubong ang mga yun. Ang babaeng sinaktan niya ilang taon na ang nakalilipas ay nasa harapan niya na ngayon. Ang buong akala niya ay hindi niya na makikita pa si Monique lalo na ng malaman niyang wala na ito sa bansa.Kitang-kita ni Aidan sa mga mata ni Monique ang pagiging seryoso niya, hindi na siya yung babaeng nakilala niya noon na tila ba walang ibang kayang gawin sa buhay.Hilaw na natawa si Mrs. De Chavez, ang ina ni Aidan nang makita niya si Monique.“Are you kidding? Tell me that you’re kidding.” Saad niya pero seryoso lang siyang tiningnan ni Monique.“Do you think I would come here for no reason? You are waiting for a major shareholder of your