Salubong pa rin ang mga kilay ni Aidan. Salita nang salita ang pamilya niya sa kaniya pero tila ba wala siyang naririnig dahil okupado ang isip niya tungkol kay Monique. Simula nang mahuli siya nito na katabi sa kama si Isabella, hindi niya na ito nakita, wala na siyang nabalitaan tungkol sa kaniya sa nakalipas na anim na taon.Nahilot ni Aidan ang sintido niya. Pinahanap niya noon si Monique dahil gusto niyang malaman kung okay lang ba siya o kung masaya na ba siya pero walang nangyari sa pagpapahanap niya dahil wala na pala sa bansa si Monique.“Aidan, nakikinig ka man lang ba sa amin?!” malakas na namang sigaw sa kaniya ng kaniyang ina. Wala ba siyang maririnig sa maghapon na ito kundi ang malakas na sigaw ng kaniyang ina?“Hindi pwedeng makuha ng babaeng yun ang lahat ng shares ng kompanya natin. Manang mana talaga siya sa Lolo niya, kinuha na nila ang kompanya noon sa Lolo mo at hinding hindi ko hahayaan na sa kaniya naman mapupunta ang kompanyang pinaghihirapan namin ng Daddy mo
Samantala naman ay nasa pool si Monique, enjoying swimming. Wala ang anak niya dahil iginala na naman siya ng mga Tito niya, hindi siya nag-aalala dahil mga pinsan niya ang kasama ng anak niya. Pabalik-balik lang ang paglalangoy niya sa napakalalim na tubig.“Hintayin niyo na lang po siya na umahon. Ihahatiran ko lang po kayo ng meryenda.” Saad ng isa sa mga katulong nina Monique. Napangiti naman ang lalaki saka muling tiningnan si Monique na lumalangoy pa rin.Nakaone piece lang siya at kitang kita ang kurba ng maganda niyang katawan. Nang mapagod si Monique sa kakalangoy niya ay umahon na siya. Dahan-dahan pa siyang napatingala sa taong nanunuod sa kaniya kanina pa.“Zamir?” gulat na saad ni Monique nang makita niya si Zamir. Natawa naman si Zamir at napakibit balikat.“Oh my God, it’s you.” anas pa ni Monique saka nagmadaling umahon sa tubig. Iniabot naman ni Zamir ang bathrobe ni Monique. Tuwang tuwang niyakap ni Monique si Zamir.“Bakit hindi ka nagsasabi na pupunta ka rito? Kara
Paggising ni Isabella kinabukasan hindi niya nakita si Aidan sa kama. Ngalay na ngalay din ang leeg niya dahil sa upuan siya nakatulog. Hindi man lang siya nagising ng madaling araw para sana nakalipat man lang sa kama. Hindi niya nakita sa kama si Aidan at tila hindi man lang yun nakusot. Bumaba ng kwarto si Isabella at hinanap ang ina ni Aidan para sana tanungin kung umuwi ba kagabi si Aidan. Nang makapasok siya ng kusina ay nakita niya si Aidan na kumakain na. “Where have you been? Saan ka natulog?” tanong ni Isabella kay Aidan. Patuloy lang namang kumakain si Aidan, tahimik na ang umaga niya huwag na sanang sirain pa ni Isabella. “Aidan, I’m asking you. Where did you sleep last night? Naghintay ako sayo sa kwarto mo pero hindi ka man lang umuwi?” mariing naipikit ni Aidan ang mga mata niya saka niya inis na tiningnan si Isabella. “Hindi ko sinabi sayo na hintayin mo ako o matulog sa kwarto ko. You’re not even my wife to ask me that. Isabella hindi pa lang kita asawa pero k
Hindi alam ni Monique kung bakit siya kinakabahan. Wala namang mangyayari ngayong gabi, dadalo lang naman sila ng party. “I didn’t know that you have a hidden beauty. Well, you’re really beautiful pero ibang iba pala ang ganda mo kapag nag-aayos ka.” Napapailing na lang si Monique. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o hindi. Nahihiya siya kapag ibang tao na ang pumupuri sa ganda niya. Matagal na silang magkakilala ni Zamir pero ngayon lang siya nito pinuri. “Puro ka kalokohan, let’s go.” Anas niya. Matamis namang napangiti si Zamir dahil kitang kita niya ang pamumula ng mga pisngi ni Monique. Nang makarating sila ay nauna nang bumaba si Zamir para mapagbuksan niya ng pintuan si Monique. Dahan-dahan ang pagbaba ni Monique habang nakaalalay sa kaniya si Zamir. Nakaheels na si Monique pero mas matangkad pa rin sa kaniya si Zamir. “Nagpatahi ka pa ba ng gown mo?” tanong ni Zamir. Tiningnan ni Monique ang sarili niya dahil sa pagtataka. “Hindi, bakit? May mali ba?” tanong ni
Hindi na mapakali si Monique sa kinauupuan niya dahil ramdam na ramdam niya ang titig ni Aidan sa kaniya. Alam ni Monique na gusto rin siyang lapitan ni Aidan pero pinipigilan niya ang sarili niya dahil maraming tao sa paligid nila. Nang may dumaan na waiter na may dalang wine ay humingi siya ng isa saka niya iyun ininom. Nakatingin siya sa ibang direksyon pero kitang kita niya sa peripheral view niya na mariing nakatingin sa kaniya si Aidan. Nang hindi na matiis ni Monique ay inis niyang nilingon si Aidan at gaya ng nakikita niya sa peripheral view niya nakatingin sa kaniya si Aidan. “Wala ka bang magawa sa buhay mo? Wala ka bang ibang makausap dito para ako ang inisin mo?” anas niya. Mariing lang namang nakatingin sa kaniya si Aidan.“Is it a crime to stare at you?” hilaw na natawa si Monique sa sinabi ni Aidan. “Yes, it’s a crime lalo na kung hindi na komportable ang taong tinititigan mo. Boring ka ba sa buhay mo, huwag ako ang abalahin mo Aidan.” Masungit niyang saad. Ha
Hindi naman maalis sa isipan ni Aidan si Monique. Bumabalik sa isipan niya kung gaano ito kaganda kanina, perfect na perfect sa kaniya ang gown niya. Mariing naipikit ni Aidan ang mga mata niya nang maalala niya na kitang kita ang likod ni Monique sa suot niya. Hindi naman maitatangging bagay naa bagay sa kaniya ang suot niya kanina. Pagkauwi niya ay dumiretso siya kaagad sa kusina para manguha ng wine at idinala niya yun sa kwarto niya. Nasa veranda siya ngayon habang sumisimsim ng wine. Tila ba tumatak sa isipan niya ang itsura ni Monique kahit na anong gawin niya hindi mawala sa isip niya. Muli niyang nilagok ang kalalagay niyang wine sa wine glass niya nang maalala niya ang lalaking kasama ni Monique sa party. Who is he? At anong relasyon niya kay Monique? Bakit ba apektado pa si Aidan gayong siya naman itong may gustong hiwalayan noon si Monique dahil sa hidwaan ng mga pamilya nila? Naituon niya ang atensyon niya sa pagtatrabaho sa kompanya nila kaya hindi niya masyadong in
Napapaisip naman si Aidan sa sinabi ni Monique. Kung wala siyang intensyon na agawin ang kompanya, bakit niya piniling magtrabaho sa kompanya ng mga De Chavez kung may sarili silang kompanya na dapat niyang pagtuunan ng pansin. Mariin niyang tinitigan ang mga mata ni Monique na tila ba pinag-aaralan niya ito. Napaiwas din ng tingin si Aidan dahil hindi niya kayang tagalan ang titig niya kay Monique dahil nakatitig din ng diretso sa kaniya si Monique na tila ba nakikipagpaligsahan. “If that so, why did you chose to work in our company than in your company. Give me a valid reason Monique para hindi kita pagdudahan.” Seryoso niyang tanong. Prente pa ring nakaupo si Monique, magkakrus pa rin ang mga binti. Blangko lang ang mukha ni Monique habang nakatingin siya sa seryosong mukha ni Aidan. Hindi naman talaga maiiwasan ni Aidan lalo na ng pamilya niya na pagdudahan kung ano ba talagang intensyon ni Monique sa kompanya dahil pagdating ng araw hindi siya mahihirapang sumali bilang candid
“Are you okay? Sinaktan ka ba niya?” tanong ni Aidan. “I won’t let that to happen pero minsan pa niya akong pagtangkaan na saktan hindi ko palalampasin ang gagawin ng ina mo. Kalilimutan kong mas matanda siya sa akin, huwag niya akong pwersahin na lalo kong huwag siyang bigyan ng respeto. I didn’t do anything to your mother, Aidan, pero minsan lang niya akong saktan, magkakagulo talaga tayong lahat.” aniya saka tinalikuran na si Aidan. Inis na nagulo ni Aidan ang buhok niya. Ano bang iniisip ng kaniyang ina para saktan si Monique?! Mabilis ang bawat hakbang ni Aidan para puntahan ang kaniyang ina. Hindi na siya kumatok dahil pumasok na lang siya ng walang pasabi sa opisina ng kaniyang ina. “Ano bang iniisip niyo?! Tinangka niyong sampalin si Monique? Mom, she’s one of our shareholders and you should respect her too!” wala ng araw na hindi sila nag-aaway simula nang dumating si Monique. “Kung narinig mo lang kung paano niya ako sagot-sagutin kanina tingnan lang natin kung siya pa r