“Are you okay? Sinaktan ka ba niya?” tanong ni Aidan. “I won’t let that to happen pero minsan pa niya akong pagtangkaan na saktan hindi ko palalampasin ang gagawin ng ina mo. Kalilimutan kong mas matanda siya sa akin, huwag niya akong pwersahin na lalo kong huwag siyang bigyan ng respeto. I didn’t do anything to your mother, Aidan, pero minsan lang niya akong saktan, magkakagulo talaga tayong lahat.” aniya saka tinalikuran na si Aidan. Inis na nagulo ni Aidan ang buhok niya. Ano bang iniisip ng kaniyang ina para saktan si Monique?! Mabilis ang bawat hakbang ni Aidan para puntahan ang kaniyang ina. Hindi na siya kumatok dahil pumasok na lang siya ng walang pasabi sa opisina ng kaniyang ina. “Ano bang iniisip niyo?! Tinangka niyong sampalin si Monique? Mom, she’s one of our shareholders and you should respect her too!” wala ng araw na hindi sila nag-aaway simula nang dumating si Monique. “Kung narinig mo lang kung paano niya ako sagot-sagutin kanina tingnan lang natin kung siya pa r
Napatago na lang sa likod ng pader si Monique at hindi niya alam kung paano lalapitan si Brylle nang hindi siya napapansin ni Aidan. Muling sinilip ni Monique ang pwesto ni Aidan at ni Brylle. Magkaharap silang dalawa at paniguradong makikita at makikita siya ni Aidan. Lumabas na si Monique sa exit saka niya kinuha ang cell phone sa bulsa niya para tawagan na lang ang anak niyang naiwan sa loob.“Mom, where are you?” tanong ni Brylle dahil ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Monique. “I’m in the car na baby, hintayin na kita rito at may tiningnan lang ako sa mga dala kong papers.” Saad niya. Nakatingin si Monique sa entrance ng starbucks at nang makita niyang lumabas na ang anak niya ay binuksan niya na ang pintuan sa passenger seat. “Why did you leave me there, Mom? You said, you’re just going in the restroom.” Anas nito, ngumiti lang naman si Monique saka niya hinaplos ang mukha ng anak. Nakita kaya siya ni Aidan? Nakita ba ni Brylle si Aidan? Hindi kasi m
Maaaring ipakilala ni Monique kay Brylle kung sino ang ama niya pero hindi pwedeng malaman ni Aidan ang tungkol kay Brylle. Matapos ng pag-uusap nila Monique at ni Anthony noong araw na yun ay hindi na nawala sa isip ni Monique kung sino sa mga De Chavez ang pumatay sa kaniyang Lolo. Ilang taon na ang nakalilipas, sarado na rin ang kaso tungkol dun. Paano niya aalamin ang tungkol sa nakaraan? Paano niya makakamit ang hustisya na nararapat para sa Lolo niya?Makalipas ang ilang araw, abalang nagtitipa sa laptop niya si Monique nang may tumawag sa cell phone niya. Hindi niya na tiningnan kung sino ang tumatawag sa kaniya dahil mga kamag-anak lang naman niya ang nakakaalam ng number niya. “Yes?” sagot niya habang nakaipit ang cell phone niya sa tenga at balikat niya. Nakatutok ang paningin niya sa laptop. “This is Aidan, meet me at my office now, Miss Sandejas. I have an offer for you.” hinawakan na ni Monique ang cell phone niya at kunot noo niyang tiningnan ang number, unregistered
Pinag-iisipan pa rin ni Monique ang tungkol sa sinabi ni Aidan sa kaniya. Ibibigay ni Aidan ang posisyon na CFO sa kompanya. She will be the chief financial officer, siya ang magrereport ng lahat kay Aidan tungkol sa finance. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Monique. Nagdadalawang isip pa rin siya kung tatanggapin ba niya ang posisyon pero ito naman ang gusto niya hindi ba? Ang makapasok ng tuluyan sa kompanya ng mga De Chavez. Hindi siya mahihirapan na maglabas pasok sa kompanya nila dahil may dahilan na siya. Muling sumilay ang ngisi sa labi ni Monique, araw-araw niyang makakasama si Aidan kaya araw-araw na mag-ooverthink si Isabella. Paniguradong sa mga oras na ito ay alam na ni Isabella ang ginawa ni Aidan, ang pagbibigay niya ng posisyon para kay Monique sa loob ng kompanya. Ano kayang iniisip niya sa mga oras na ito? Sumimsim si Monique sa tsaa niya. Kahit na may access na siya sa kompanya kailangan pa rin niyang mag-ingat dahil paniguradong nakabantay sa k
“Hindi naman maliit ang office mo Isabella. Inilagay kita sa office na yun para mas malapit ka sa marketing department dahil ikaw ang head dun. Inilagay ko si Monique sa office na mas malapit sa akin dahil siya ang magrereport sa akin araw-araw. Why do you need to compare it?” “Pero mas malaki ang office ni Monique kesa sa office ko! Ano ba talaga ang dahilan mo Aidan, bakit mo inilagay si Monique sa posisyon na yun kung pwede mo naman akong ilagay sa posisyon na yun instead of her?” bakas ang pagseselos ni Isabella sa tinig niya. “Why Isabella? Do you have a degree about finance? Do you have enough experience managing finance? If you have then I will give you that position.” Malamig na saad ni Aidan. Hindi nakaimik si Isabella dahil wala siyang kahit na anong karanasan sa pagmamanage ng finance. Hindi rin accounting o major in finance ang tinapos niya. “We’re in a business industry Isabella at hindi dahil ako ang fiancé mo, sayo ko na ibibigay ang isang malaking responsibilidad sa
Nang matapos ang meeting nila ay dumiretso si Aidan sa opisina ni Isabella. Hindi niya nagustuhan ang naging ugali ni Isabella sa meeting nila. Hindi na siya kumatok sa pintuan at dire-diretso lang siyang pumasok. Napairap naman si Isabella nang makita niya si Aidan. “What’s your problem, Isabella? She’s just asking you.” may diing saad ni Aidan. “No, Aidan. Sa paraan ng pagtatanong niya para bang wala kaming alam sa ginagawa namin, na para bang kami ang dahilan ng pagbaba ng revenue ng kompanya. Ano? Siya na lang palagi ang magaling? Siya na naman ang kakampihan mo?” inis niyang wika. “Hindi ko siya kakampihan kung ikaw ang tama. Nagtatanong lang naman siya pero masyado mong minamasama? Wala akong nakitang mali sa pagtatanong niya. Nagsasuggest lang din siya ng pwede niyong gawin, she’s helping you.” “No!” pagpipilit pa rin ni Isabella. Kahit na magalit sa kaniya si Aidan wala siyang pakialam pero hindi siya hihingi ng sorry kay Monique. “She’s not helping me, she’s embar
“What are you doing? Leave me alone, Isabella.” Akma sanang kukunin na naman ni Aidan ang baso kay Isabella pero inis nang inihagis yun ni Isabella sa sahig dahilan para magkapira-piraso ang mga ito. “Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka ba nagkakaganyan? As far as I remember, we’re okay naman pero bakit bigla kang nagbago nang dumating si Monique?! Aidan, ako ang fiancée mo, ako ang palaging nandito para sayo. Ako ang babaeng pakakasalan mo!”“And I didn’t wish that, Isabella. I didn’t ask you to stay beside me, you volunteer, so why are you questioning me now? Did I ask you to do all of that?” blangko namang wika ni Aidan. Namumula na ang mga mata niya dahil sa alak. Napaatras si Isabella dahil sa takot niya kay Aidan. Umiling na lang si Isabella sa tanong ni Aidan pero nasasaktan na siya. Pakiramdam niya ay paulit-ulit na sinasaksak ang puso niya. Napakatatalim ng mga salitang binibitiwan ni Aidan sa kaniya. “Gusto ko lang naman sanang makita mo rin ako bilang isang babae, as
Maaga pa lamang ay gumayak na si Monique. Kagabi pa lang ay nagpaalam na siya sa anak niya at sa mga magulang niya. Isinakay na ni Anthony ang ilang bag na dala ni Monique. Hinarap naman na muna ni Monique ang anak niya na napilitan pang gumising ng maaga. “Si Tito Anthony na muna ang katabi mong matulog sa kwarto natin okay? Tatlong araw lang naman akong mawawala. Mag-aral kang mabuti.” Aniya sa anak niya. Tumango naman si Brylle saka niyakap ang ina. “Take care Mom,” paos pa niyang saad sa ina dahil bagong gising pa. Tumayo na si Monique at nginitian ang anak bago siya sumakay sa kotse. Mabilis lang naman ang tatlong araw. Inihatid na ni Brian si Monique sa daungan, ilang oras din ang byinahe nila patungo dun. Tahimik lang naman si Monique. Mas mabuti na rin sigurong pumayag siya na bisitahin ang Rancho para naman hindi masyadong magduda sa kaniya ang mga De Chavez sa pananatili niya sa loob ng opisina. Pagkalipas ng ilang oras ay nakarating na rin sila sa daungan. Ibinaba n