“What are you doing? Leave me alone, Isabella.” Akma sanang kukunin na naman ni Aidan ang baso kay Isabella pero inis nang inihagis yun ni Isabella sa sahig dahilan para magkapira-piraso ang mga ito. “Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka ba nagkakaganyan? As far as I remember, we’re okay naman pero bakit bigla kang nagbago nang dumating si Monique?! Aidan, ako ang fiancée mo, ako ang palaging nandito para sayo. Ako ang babaeng pakakasalan mo!”“And I didn’t wish that, Isabella. I didn’t ask you to stay beside me, you volunteer, so why are you questioning me now? Did I ask you to do all of that?” blangko namang wika ni Aidan. Namumula na ang mga mata niya dahil sa alak. Napaatras si Isabella dahil sa takot niya kay Aidan. Umiling na lang si Isabella sa tanong ni Aidan pero nasasaktan na siya. Pakiramdam niya ay paulit-ulit na sinasaksak ang puso niya. Napakatatalim ng mga salitang binibitiwan ni Aidan sa kaniya. “Gusto ko lang naman sanang makita mo rin ako bilang isang babae, as
Maaga pa lamang ay gumayak na si Monique. Kagabi pa lang ay nagpaalam na siya sa anak niya at sa mga magulang niya. Isinakay na ni Anthony ang ilang bag na dala ni Monique. Hinarap naman na muna ni Monique ang anak niya na napilitan pang gumising ng maaga. “Si Tito Anthony na muna ang katabi mong matulog sa kwarto natin okay? Tatlong araw lang naman akong mawawala. Mag-aral kang mabuti.” Aniya sa anak niya. Tumango naman si Brylle saka niyakap ang ina. “Take care Mom,” paos pa niyang saad sa ina dahil bagong gising pa. Tumayo na si Monique at nginitian ang anak bago siya sumakay sa kotse. Mabilis lang naman ang tatlong araw. Inihatid na ni Brian si Monique sa daungan, ilang oras din ang byinahe nila patungo dun. Tahimik lang naman si Monique. Mas mabuti na rin sigurong pumayag siya na bisitahin ang Rancho para naman hindi masyadong magduda sa kaniya ang mga De Chavez sa pananatili niya sa loob ng opisina. Pagkalipas ng ilang oras ay nakarating na rin sila sa daungan. Ibinaba n
Naglakad-lakad pa siya hanggang sa makarating siya sa pinakangdulo ng kulungan. Napatingin si Monique sa isang lalaking hindi niya makita masyado ang mukha dahil nasa labas siya. Mukhang binata base pa lang sa nakikita niyang katawan ng lalaki. Dahan-dahan na lumapit si Monique sa lalaking naglalagay ng mga damo sa isang kabayong nakatali sa isang puno. Nakita ni Monique ang mga kabayo sa loob ng kulungan pero ibang iba ang kabayong nakatali dito sa labas. Napakaganda niyang kabayo, kung isasali mo siguro ito sa pabilisan sa pagtakbo may tsansa na manalo siya dahil sa tangkad at laki ng mga katawan niya. “Is this your horse? It’s so beautiful.” namamangha niyang saad. Hindi niya na binigyan ng pansin ang lalaking nagpapakain sa kabayo dahil tila ba napako na ang mga mata niya sa napakagandang kabayo. Hinaplos ni Monique ang nguso ng kabayo at napapangiti na lang siya dahil hindi man lang gumalaw ang kabayo. “Can I ride this?” wika ni Monique saka tiningnan ang lalaki pero daha
Maaga pa lang ay bumangon na si Monique para maghanda ng makakain nila. Alam na alam niya ang lahat ng mga paborito ni Aidan dahil ilang taon din silang magkarelasyon kahit na palihim ang lahat. “Ito Ma’am mga kamatis at talong mga bagong pitas po ang mga yan galing sa farm. Magluluto rin po ba kayo nito?” nakangiting saad ng isang binatilyo habang dala-dala ang basket na punong-puno ng mga bagong ani na gulay.“Oo, pwede mo ba akong ipaghiwa ng mga kamatis? Lalagyan ko na lang ng itlog at ampalaya. Tapos pakiihaw na rin ng mga talong para gawin kong torta. Wala ka bang gagawin?” napakaamo ng kaniyang tinig na saad sa binatilyo. “Oo naman po senyora. Iyun lang po ba ang gagawin ko?” natawa naman si Monique dahil sa tawag sa kaniya. Halos lahat sila ay senyora ang tawag sa kaniya rito. “Ate na lang, masyado naman yung senyora. Yan lang naman kung wala kang gagawin.” Nakangiting saad ni Monique. Sinunod naman ng binatilyo ang iniutos sa kaniya ni Monique. Inamoy ni Monique ang soup n
Ang sasakyan nila ay ginagamit talaga sa pagbubukid, maingay ang makina at mausok. Nauna nang sumakay si Aidan saka niya hinarap si Monique para alalayan ito sa pag-akyat niya. “Hold my hand,” anas ni Aidan saka niya inilahad ang kamay niya sa harap ni Monique. Hinawakan naman na ni Monique ang kamay ni Aidan saka siya sumakay. Muntik pa siyang maout of balance kaya napahawak siya sa dibdib ni Aidan. Napatikhim na lang si Monique saka siya lumayo ng kaunti kay Aidan. Naupo na silang dalawa, pareho silang nasa unahan at nakakapit sa sandalan ng driver. Natutuwa naman si Monique dahil ngayon lang siya makakasakay sa ganitong sasakyan. Inililibot niya ang paningin niya sa paligid. Napakaraming puno ng mangga at may mga taong nag-aani na ng mga hinog na nitong bunga. “Magandang umaga po Sir Aidan,” bati ng mga nadadaanan nilang mga tauhan ng farm. Lahat sila ay abala sa mga ginagawa nila at dahil sa lawak ng manggahan nila, kakailangin mo talaga ng maraming tao para mag-ani. “Maganda
Hello everyone, I just want to know if someone is reading this story of mine para alam ko kung anong story ang uunahin kong i-update. And I also want to know kung gusto niyo ba yung ganitong genre, I mean yung ikot ng story para maimprove ko yung sinusulat ko. Your opinion is really helpful sa mga author para alam namin kung paano namin kayo mabibigyan ng quality na story. Hindi ko kasi alam kung gusto niyo ba yung ganitong ikot ng story kasi iba yung excitement niyo sa iba kong story eh. All of you are excited for my next update katulad na lang sa story kong The Billionaire's Son. I just want to know kung gusto niyo yung gantong ikot ng story at kung may nagbabasa ba. Please respond huhu.
Hindi umimik si Aidan. Mawawalan ng kwenta ang ginawa niya kapag sinagot niya ang tanong ni Monique. Alam niyang matagal ng laman ng isipan ni Monique ang itinanong niya ngayon kay Aidan pero hindi alam ni Aidan kung paano yun sasagutin.Mukha namang maayos na silang dalawa hindi ba? Mukha namang maayos na si Monique at nakalimutan na ang nakaraan kaya para saan pa para sagutin niya ang tanong ni Monique? Alam niyang masasaktan niya na naman si Monique kapag hindi niya ito sinagot pero ito ang kailangan.“Kuya, ito na po ang kabayo niyo.” agaw atensyong saad ni Berth dala-dala ang kabayo na pinapakain ni Aidan kahapon. Napakatangkad nito at talagang napakagandang kabayo. Inilapit na ni Berth ang kabayo kay Aidan kaya tuluyan niya ng hindi nasagot ang tanong ni Monique.Napabuntong hininga na lang si Monique at naipilig niya na lang ang ulo niya.“You want to ride?” baling ni Aidan kay Monique. Tiningnan naman ni Monique ang kabayo at hindi niya alam kung paano ba siya makakaaakyat ng
Lumipas pa ang ilang mga oras at nauna nang nagising si Monique at dahil nakahilig sa kaniya si Aidan ay nagising din si Aidan sa paggalaw ni Monique.“I’m sorry, nagising yata kita.” Paos pang saad ni Monique. Iginalaw-galaw niya ang leeg niya dahil nangalay siya sa tagal niya sa posisyon niya.“Nah, it’s okay.” Tiningnan ni Aidan ang relo niya at bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang oras.“It’s already 2pm, let’s go. I know you already hungry.” Maging si Monique ay nagulat sa oras na sinabi ni Aidan. Mukhang napasarap ang tulog nilang dalawa sa ilalim ng punong acacia. Nakakahele naman kasi ang simoy ng hangin.Tumayo na si Aidan at inilahad niya ang kamay niya kay Monique para alalayan na tumayo. Malugod namang tinanggap ni Monique ang kamay ni Aidan saka siya tumayo. Kinuha na rin ni Aidan ang kabayo niya para makabalik na sila sa rancho.Inalalayan ni Aidan sa pagsakay ng kabayo si Monique at nang makasakay na si Monique ay sumakay na rin siya. Si Aidan na ang n