Naglakad-lakad pa siya hanggang sa makarating siya sa pinakangdulo ng kulungan. Napatingin si Monique sa isang lalaking hindi niya makita masyado ang mukha dahil nasa labas siya. Mukhang binata base pa lang sa nakikita niyang katawan ng lalaki. Dahan-dahan na lumapit si Monique sa lalaking naglalagay ng mga damo sa isang kabayong nakatali sa isang puno. Nakita ni Monique ang mga kabayo sa loob ng kulungan pero ibang iba ang kabayong nakatali dito sa labas. Napakaganda niyang kabayo, kung isasali mo siguro ito sa pabilisan sa pagtakbo may tsansa na manalo siya dahil sa tangkad at laki ng mga katawan niya. “Is this your horse? It’s so beautiful.” namamangha niyang saad. Hindi niya na binigyan ng pansin ang lalaking nagpapakain sa kabayo dahil tila ba napako na ang mga mata niya sa napakagandang kabayo. Hinaplos ni Monique ang nguso ng kabayo at napapangiti na lang siya dahil hindi man lang gumalaw ang kabayo. “Can I ride this?” wika ni Monique saka tiningnan ang lalaki pero daha
Maaga pa lang ay bumangon na si Monique para maghanda ng makakain nila. Alam na alam niya ang lahat ng mga paborito ni Aidan dahil ilang taon din silang magkarelasyon kahit na palihim ang lahat. “Ito Ma’am mga kamatis at talong mga bagong pitas po ang mga yan galing sa farm. Magluluto rin po ba kayo nito?” nakangiting saad ng isang binatilyo habang dala-dala ang basket na punong-puno ng mga bagong ani na gulay.“Oo, pwede mo ba akong ipaghiwa ng mga kamatis? Lalagyan ko na lang ng itlog at ampalaya. Tapos pakiihaw na rin ng mga talong para gawin kong torta. Wala ka bang gagawin?” napakaamo ng kaniyang tinig na saad sa binatilyo. “Oo naman po senyora. Iyun lang po ba ang gagawin ko?” natawa naman si Monique dahil sa tawag sa kaniya. Halos lahat sila ay senyora ang tawag sa kaniya rito. “Ate na lang, masyado naman yung senyora. Yan lang naman kung wala kang gagawin.” Nakangiting saad ni Monique. Sinunod naman ng binatilyo ang iniutos sa kaniya ni Monique. Inamoy ni Monique ang soup n
Ang sasakyan nila ay ginagamit talaga sa pagbubukid, maingay ang makina at mausok. Nauna nang sumakay si Aidan saka niya hinarap si Monique para alalayan ito sa pag-akyat niya. “Hold my hand,” anas ni Aidan saka niya inilahad ang kamay niya sa harap ni Monique. Hinawakan naman na ni Monique ang kamay ni Aidan saka siya sumakay. Muntik pa siyang maout of balance kaya napahawak siya sa dibdib ni Aidan. Napatikhim na lang si Monique saka siya lumayo ng kaunti kay Aidan. Naupo na silang dalawa, pareho silang nasa unahan at nakakapit sa sandalan ng driver. Natutuwa naman si Monique dahil ngayon lang siya makakasakay sa ganitong sasakyan. Inililibot niya ang paningin niya sa paligid. Napakaraming puno ng mangga at may mga taong nag-aani na ng mga hinog na nitong bunga. “Magandang umaga po Sir Aidan,” bati ng mga nadadaanan nilang mga tauhan ng farm. Lahat sila ay abala sa mga ginagawa nila at dahil sa lawak ng manggahan nila, kakailangin mo talaga ng maraming tao para mag-ani. “Maganda
Hello everyone, I just want to know if someone is reading this story of mine para alam ko kung anong story ang uunahin kong i-update. And I also want to know kung gusto niyo ba yung ganitong genre, I mean yung ikot ng story para maimprove ko yung sinusulat ko. Your opinion is really helpful sa mga author para alam namin kung paano namin kayo mabibigyan ng quality na story. Hindi ko kasi alam kung gusto niyo ba yung ganitong ikot ng story kasi iba yung excitement niyo sa iba kong story eh. All of you are excited for my next update katulad na lang sa story kong The Billionaire's Son. I just want to know kung gusto niyo yung gantong ikot ng story at kung may nagbabasa ba. Please respond huhu.
Hindi umimik si Aidan. Mawawalan ng kwenta ang ginawa niya kapag sinagot niya ang tanong ni Monique. Alam niyang matagal ng laman ng isipan ni Monique ang itinanong niya ngayon kay Aidan pero hindi alam ni Aidan kung paano yun sasagutin.Mukha namang maayos na silang dalawa hindi ba? Mukha namang maayos na si Monique at nakalimutan na ang nakaraan kaya para saan pa para sagutin niya ang tanong ni Monique? Alam niyang masasaktan niya na naman si Monique kapag hindi niya ito sinagot pero ito ang kailangan.“Kuya, ito na po ang kabayo niyo.” agaw atensyong saad ni Berth dala-dala ang kabayo na pinapakain ni Aidan kahapon. Napakatangkad nito at talagang napakagandang kabayo. Inilapit na ni Berth ang kabayo kay Aidan kaya tuluyan niya ng hindi nasagot ang tanong ni Monique.Napabuntong hininga na lang si Monique at naipilig niya na lang ang ulo niya.“You want to ride?” baling ni Aidan kay Monique. Tiningnan naman ni Monique ang kabayo at hindi niya alam kung paano ba siya makakaaakyat ng
Lumipas pa ang ilang mga oras at nauna nang nagising si Monique at dahil nakahilig sa kaniya si Aidan ay nagising din si Aidan sa paggalaw ni Monique.“I’m sorry, nagising yata kita.” Paos pang saad ni Monique. Iginalaw-galaw niya ang leeg niya dahil nangalay siya sa tagal niya sa posisyon niya.“Nah, it’s okay.” Tiningnan ni Aidan ang relo niya at bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang oras.“It’s already 2pm, let’s go. I know you already hungry.” Maging si Monique ay nagulat sa oras na sinabi ni Aidan. Mukhang napasarap ang tulog nilang dalawa sa ilalim ng punong acacia. Nakakahele naman kasi ang simoy ng hangin.Tumayo na si Aidan at inilahad niya ang kamay niya kay Monique para alalayan na tumayo. Malugod namang tinanggap ni Monique ang kamay ni Aidan saka siya tumayo. Kinuha na rin ni Aidan ang kabayo niya para makabalik na sila sa rancho.Inalalayan ni Aidan sa pagsakay ng kabayo si Monique at nang makasakay na si Monique ay sumakay na rin siya. Si Aidan na ang n
Inihatid ni Tatay Micko si Monique at Aidan sa bayan para masaksihan ang mga kasiyahan at kaganapan don. Nakasakay lang ulit sila sa trucktora. Kapit na kapit si Monique sa bakal dahil baka kapag nakasagasa ng malaking bato ang sasakyan ay tumilapon siya lalo na at open space lang naman ang sinasakyan nila. Ilang minuto rin nilang tinahak ang daan hanggang sa makarating na sila sa bayan. “May signal na sa lugar na ito pero walang internet.” Wika ni Aidan, hindi naman dala ni Monique ang cell phone niya dahil iniwan niya yun sa kwarto na ginagamit niya. Pinagmasdan na lang ni Monique ang kapaligiran, may mga kabahayan na at napakaraming bandiritas ang nakasabit kung saan-saan. May mga street foods na rin at marami na ring mga tao ang maiingay. Nang huminto ang sinasakyan nila ay bumaba na silang dalawa. “Pakisundo na lang po kami ulit mamaya mga 10pm,” anas ni Aidan kay Tatay Micko na ikinatango nito. Hinawakan ni Aidan ang kamay ni Monique at naglakad na silang dalawa. Hindi n
Naupo na sina Monique at Aidan sa sofa habang nanguha naman ng pagkain sa kusina ang babaeng kausap nila kanina. Narinig pa nila na tinawag ng babae ang mga kasama niya sa bahay at sinabi kung sino ang bisita nila. Napatingin si Aidan sa labas ng bintana, masyado ng malakas ang ulan. Hindi nila napaghandaan ang ulan dahil wala naman silang signal ng internet para sana makita ang panahon. “Sir, napadalaw po kayo. Kumusta po? Pasensya na po kayo sa gulo ng bahay namin, katatapos lang po kasi ng kasiyahan dito.” saad ng isang lalaki, mukhang asawa ng babaeng nagpapasok din sa kanila.“It’s okay, kami itong nakaabala sa inyo.” saad naman ni Aidan. Dumating naman na ang babae kanina at ang ilang kasama nila sa bahay na may dala-dalang mga pagkain. “Kumain po muna kayo habang nagpapatila kayo ng ulan.” Wika ng babae saka binigyan ng mga pinggan si Aidan at Monique. Nahihiya namang kinuha ni Monique ang pinggan na iniaabot sa kaniya. “Masyado pong malakas ang ulan ngayon, subasko r